You are on page 1of 2

GROUP 6: Mark Briones, Sherrijon Dela Cruz, Denark Gonzalo, Cynthia Maddela, Isabella Ramos

MAKATAO

Scene 1:

*Day off noon ni Boy1 nang makatanggap siya ng tawag sa kanyang kasamahan sa trabaho*

Mark: Pre pumunta ka rito, emergency.

Denark: Bakit? Anong problema?

Mark: Pinapatanggal na tayo sa tranaho.

Denark: Ganun ba? Sige pre punta agada ko pagkatapos ko manuod ng Kadenang ginto.

Mark: Pumunta ka na mas mahalaga to!

Denark: sige sige, ito na ito na.

*tumakbo si Denark paalis*

Scene 2

*Agad pumunta si Denark sa warehouse*

*pumasok sa isang pinto*

Sherrijon: Ito na po ang mga dokumento, pakipirmahan na lang.

Denark: (binasa ang dokumento) Notice of pull out?!

Mark: (hawak rin ang kanyang dokumento) Tinanggal na daw kasi ang manpower agency natin sa commissary
dahil expired na ang kontrata natin.

Denark: (to HR) Ma'am hindi naman po yata pupwede yon. Apat na taon na po ako rito. Baka naman pwede
makausap ang management?

*Dumating ang miyembro ng manpower agency*

Mark: (to agency) Ma'am bakit naman po ganito ang sistema? Tatanggalin niyo lang po kami nang basta basta!

Cynthia: Sir, ito po ang nakalagay sa kontrata. (Ipinakita ang sariling dokumento) kaya sir pirmahan niyo na lang
po.

Sherrijon: Sa bawat pagpirma niyo po ay may libre kayong yumburger .

Denark: Ano to? Pakonswelo???

Sherrijon: Pipirma po ba kayo o patatawag na namin ang mga guards?


Mark: tara na pre, papirmahan na lang natin. *sigh*

*kinuha ni Mark ang mga papeles ni denark at pinagsama ang kanilang papeles at ibinigay sa HR*

Mark: Ngayon pa tayo nawalan ng tarabaho, kung kelan pasukan ng tatlo kong anak.

Denark: Kaya nga! ang daya daya kasi-

Sherrijon: Sir napirmahan ko na ho, pwede lumabas na po kayo? Nakakahiya, gumagawa pa kayo ng eksena
ditto.

*hinatak ni Denark ang mga papeles ng biglaan*

Denark: Pre humingi tayo ng tulong sa Department of Labor and Employment. Masyado nang madaya ang
ganitong Sistema.

Mark: oo! Sistemang contractualization. Sumosobra na. Tara, punta na tayo sa DOLE.

Scene 3
*Humingi ng tulong ang 2 sa DOLE*

*pumasok sa isang pinto*

Mark: maam hindi maari ang ganitong Sistema. Paano na?

Denark: Hirap ng ganito!

Isabella: Napag-alaman na nga namin ang pagsasagawa ng korporasyong ito ng labor-only-contracting at isa
itong paglabag sa Department Order 174.
( Nakasaad dito na ganap nang ipinagbabawal ang labor-only contracting at lahat ng uri ng ilegal na
kontraktuwalisasyon. )
Mag uutos din kami sa Jollibee Food Corporation na kailangang gawing regular ang mga kontraktwal na
manggagawa ng kompanya.

Denark: Maraming salamat po.

Isabella: Karapatan niyo na mabigyan ng equal working opportunity at safe working environment. Katulad na
lamang SM, dati kasali sila sa mga hindi nag reregular ng mga employee nila pero tignan nyo, last year nag
regular sila sa mahigit na 20,000 na workers.

Mark: Nabalitaan ko yan. Pati yung ibang kompanya nag regular dahil inireklamo sila sa DOLE at nag welga sila.

Denark: Sana magawan ito ng paraan para maitigil na yang contractualization. Wala man lang sila
pagmamalasakit sa ibang tao na kapos sa buhay.

Isabella: Yun nga po, kaya po kaming DOLE ginagawa ang lahat para mag regularize na ang mga kompanya tulad
ng Jollibee. Yun ang trabaho namin, may malasakit kami sa kapwa tao.

Cynthia: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat ang sarili lamang ang iniisip, at hindi sa lahat ng pagkakataon
kapakanan mo lang ang dapat bigyan ng halaga. Matuto tayong isipin rin ang kalagayan o kapakanan at
kabutihan ng mga tao sa paligid natin. MAGING MAKATAO TAYO.

You might also like