You are on page 1of 10

“PISO AT PUSO”

INT. CLASSROOM – DAY.


Sinusulat ng teacher ang mga salitang SEX at GENDER sa board.
TEACHER
Sex refers to the different biological and physiological characteristics of
males and females, such as reproductive organs, chromosomes, and hormones.
Whereas gender refers to socially constructed characteristics of men and
women, such as norms, roles, and relationships.
BOY
Uy anong bibilhin mong meryenda mamaya? Sabay na tayo ha. Tagal naman kasi
ma’am magdiscuss.
GIRL
Ano ba ‘yan? Kakakain mo lang kanina, gutom ka na naman?
TEACHER
A candidate in Binibining Pilipinas named Jessarie Dumaguing once said that
gender equality is very important because it’s a key to a progressive
country. No society can develop economically, politically, or even socially
when half of its population is marginalized. We must leave no one behind.
(Maririnig ng teacher ang daldalan nina boy at girl.) Mr. ____ and Ms.
_____, can you share your thoughts with us tungkol sa sinabi ko?
(magtitinginan at alangang tatayo ang dalawa)
BOY
Ah eh ma'am...
TEACHER
Kanina ko pa kayo napapansin na hindi nakikinig, alam niyo man lang ba kung
tungkol saan ang lesson natin? Wala? Kahit isang salita man lang sa sinabi
ko? Mygosh! I want you to make an observation report about gender equality.

EXT. SARI-SARI STORE – DAY.


Naglalakad papuntang tindahan sina boy at girl para bumili ng makakain.
GIRL
Kasalanan mo 'to eh, nadamay pa tuloy ako sa kadaldalan mo.
BOY
Anong ako? Eh ikaw nga ‘tong may pinakamalakas na tawa sa'tin.
GIRL
Hayst! kung hindi mo ko dinaldalan, narinig ko sana lesson natin! Kainis
naman, dami ko pang di tapos na activities tapos dumagdag pa ‘to.
BOY
Alam mo mamaya na lang natin isipin 'yan, gutom na ‘ko. Tara na!
(Pagdating sa tindahan ay bibili sila ng pagkain at mag-aabot ng isang candy
ang tindera bilang sukli.)
GIRL
Ate, aanhin ko 'tong candy na sukli niyo? Maipambabayad ko ba 'to sa jeep?!
BOY
Uy, tigilan mo nga 'yan. Piso na lang eh, grabe ka maka-react.
GIRL
Hindi naman kasi tama 'yun, piso ang dahilan kung bakit may limang daan at
isang libo kaya huwag mong mala-lang lang yung piso ah! Dahil sa pisong
'yan, pwede na siyang magmulta mula 500 hanggang 25,000! (haharap sa
tindera) Ate, alam mo ba na pwede kayong mawalan ng business permit sa
ginagawa ninyo? Alam niyo ba yung No Shortchanging Act? Dapat niyong ibigay
ang dapat na sukli, kung hindi pwede ko kayo ireklamo sa DTI. Kung ayaw niyo
mawalan ng business permit o magmulta ay ibigay niyo yung sukli ko.
BOY
Uy ano ba? Tama na ‘yan.
TINDERA
Pambihira naman itong batang ‘to. Oh, ito na iha pasensiya ka na ha!
(Kukunin ang piso at aalis)
INT. GIRL’S HOUSE – DAY.
BOY
Grabe ka, kawawa yung tindera.
GIRL
Anong masama sa sinabi ko? Kahit maliit lang na parte ng isang bagay ay
importante dahil sila yung dahilan kung bakit may malalaking bagay. Tulad sa
isang sasakyan, if wala yung isang gulong, tingin mo gagana ‘yon?
BOY
Ewan ko sa'yo! Mabuti pa simulan na natin yung report natin. Ano nga kasi
yung topic?
GIRL
Naku po, kumain lang siya at nakalimutan na niya. Gender equality daw sabi
ni ma’am!
BOY
Gender equality? Seryoso ba si ma’am? Pantay ang babae sa mga lalaki? Anong
kalokohan 'to?
GIRL
Eh ano namang mali do’n?
BOY
Ang sabi gender equality. Alam naman ng lahat na mas malakas ang mga lalaki
kaysa sa mga babae kaya mas marami silang nagagawa. Never magiging pantay
'yun.
GIRL
Duh! Kaya rin naman naming gawin yung nagagawa nyo. Feeling superior naman
‘to.
BOY
Bakit, sino bang nagtatrabaho para sa pera na iuuwi sa bahay niyo? Hindi ba
yung mga tatay? Lalaki!
GIRL
Hindi mo ba naiisip yung sacrifices ng mama mo? ‘Di ba simula nang mawala
yung papa mo, siya na yung nagtatrabaho para sainyong magkapatid. Well, kung
nabibigyan lang ng opportunity lahat ng babae, makikita nyo na kaya namin!
BOY
Bat ka nagagalit? Anyway, malapit na matapos yung 1st sem. Iniisip mo na ba
san ka magcocollege at anong course mo?
GIRL
Ako pa ba? Kinakausap mo lang naman ang future Atty. ____. So alam mo na
‘pag nakulong ka, idedefend ko yung biktima mo.
BOY
Luh, grabe sya! Bagay nga sayo maging abogado, ang hirap mo talunin sa
argument eh. Yung tindera nga kanina muntik mo na mapaiyak.
GIRL
Eh ikaw ba? Anong balak mo sa buhay?
BOY
Well, gusto ko magtake ng nursing.
GIRL
Nursing? Eh pambabae 'yun ah, bakla ka ba?
BOY
Bakit pambabae lang? Pwede rin kaya sa mga lalaki!
GIRL
Now, you see my point? Pwedeng magpantay ang mga lalaki at babae. Iba ang
totoo sa bagay na tinatanggap natin bilang totoo. Tinatanggap natin ‘yun
bilang totoo kasi ‘yun ang nakasanayan natin at pinamulat satin, na hindi
pantay ang mga lalaki at babae. Pero ang totoo, pantay tayong lahat, kahit
LGBT pa ‘yan.
BOY
Napaka seryoso naman neto! Gawin mo na nga ‘yang report natin. Baka hindi pa
tayo maka graduate, ‘di ka pa maging lawyer.

INT. BOY’S HOUSE – NIGHT.


Uuwi ng bahay si boy at madadatnan niya ang kaniyang nanay na naghahanda
para sa kanilang hapunan.

MOTHER
Oh, nandiyan ka na pala. Magayos ka na muna habang nagluluto pa ko. Kumusta
naman araw mo ngayon?
BOY
Hay nako Ma. Nakakapagod. Puro activities at report. Napagalitan pa ko nung
teacher ko kasi di daw kami nakikinig, kaya yun binigyan kami ng task. Pero
kayang-kaya naman Ma. Ako pa ba? Eh gusto ko… (masusugatan ang daliri ng
nanay habang naghihiwa)
MOTHER
Aray! Nahiwa ko yung daliri ko. (dali-daling kukunin ni boy ang first aid
kit at gagamutin ang sugat)
BOY
Ma naman oh, mag-ingat nga kayo sa susunod. Patingin po ng kamay niyo. Umupo
muna nga po kayo. Ako nang bahala.
MOTHER
Hindi naman malalim ang hiwa nak. Siya nga pala, ano yung sinasabi mo?
Napagalitan ka ng teacher mo kanina?
BOY
Ah, wala yun Ma. Wag mo na isipin. Oh okay na ‘to.
MOTHER
Galing naman ng anak ko, salamat.
BOY
Dapat matuto rin ko po kayo sa first aid Ma, para kapag wala kang kasama,
alam mo kung paano lunasan yung sarili mo. Saka, para hindi lumala yung
sugat at di mainfect. Mapuputol ‘yang kamay mo Ma bahala ka.
MOTHER
Itong batang to oh. San mo ba natututuhan yan? Nabibilib na ko sayo.
BOY
Balak ko po sanang kumuha ng nursing sa college.
(inalis ng nanay yung kamay niya kay boy at tumayo)
MOTHER
Tama na ang biruan, tapusin ko na yung niluluto ko.
BOY
Seryoso po ako, gusto ko pong makatulong sa mga tao. Kagaya po ng ginawa ko
sainy-
MOTHER
Wala kang mapapala diyan anak. Hindi tayo iaahon sa hirap ng pagtulong mo.
Mababa ang pasahod ng mga nurse! At saka tingnan mo nga sarili mo. Kalalaki
mong tao, iyan ang kursong kukunin mo? Magtapat ka nga. Bakla ka ba?
BOY
Ano? Hindi ho! Bakit naman po ako magiging bakla dahil lang sa pagnunurse.
Saka Ma, wala naman akong pake kung mababa yung sahod eh, ito yung bagay na
nakikita kong magpapasaya sakin.
MOTHER
Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin anak. Ang sa akin lang, marami pang
course na mas bagay para sa isang lalaking katulad mo, pilot, police, o kaya
engineer kagaya ng kuya mo. Para sa mga babae ang nursing anak.
BOY
Ma! Wala pong kasarian ang mga trabaho. Marami ng lalaking nurse, babaeng
engineer. Ang Nursing po ay para sa lahat ng kasarian.
MOTHER
Hindi! Magpakalalaki ka nga ____. Hindi ka mag nunursing. Tapos ang usapan.

EXT. HALLWAY – DAY


Kasama ni boy yung dalawang kaibigan niyang lalaki. Habang nakatambay sa
hallway ay nagccatcall sila ng mga babae.

FRIEND 1
Nagawa mo na yung assignment pre?
FRIEND 2
May assignment?
FRIEND 1
Yan, puro ka kase cutting. Buti pa ‘tong si ____ oh. Meron ng inspirasyon.
BOY
Anong inspirasyon? Puro kayo kalokohan! (may dumaan na mga babae at sumipol
si friend 2)
FRIEND 2
Speaking of inspirasyon, look at that! Shawty pre oh.
FRIEND 1
Good morning, ladies! Saan ang punta? Ang gaganda niyo naman.
FRIEND 2
Lalo na yung sa gitna oh. Wanna join us here? Tara libre namin kayo!
(tutuloy sa paglalakad ang mga babae at dadating si girl)
FRIEND 1
Sungit naman, kala mo ganon kaganda. (tatawa sila)
BOY
Kayo talaga, ano ano talaga mga pumapasok sa isipan niyo. (nakita ni girl si
boy tapos nilagpasan niya) Uy, ____! (hahabulin niya ito) Una na ako pre,
kita na lang sa klase (sinundan) ____ about pala sa report natin kailan
natin balak simulan? (di siya pinapansin) May naresearch na din ako nang
konti tungkol sa topic kaya may ambag naman ako. Sabay ba natin gagawin?
GIRL
Ano ba sa tingin mo? Saka kung may naresearch ka, bat mo tinolerate yang mga
kaibigan mo?
BOY
Huh? What do you mean? May naisip ka na ba about sa topic natin? Hello? Uy!
(iling si girl) Okay ka lang? Ba’t di mo ko pinapansin? Huy!
GIRL
Ano ba?! (sigh) Sasabihan nalang kita kung kailan natin gagawin yung report.
(magwwalk out si girl)

INT. BOY’S HOUSE – NIGHT.


Uuwi ng bahay ni boy at makikita niyang nagsasalo-salo ang buong pamilya
nila dahil nakapasa ng board exam ang kuya niya.
MOTHER
Anak, _____. Nakauwi ka na pala. Halika na dito at makisalo ka na. May good
news ang kuya mo.
BROTHER
Eto, tignan mo ‘to.
BOY
Wow, engineer ka na kuya!
BROTHER
Hindi lang engineer, licensed engineer!
MOTHER
Osiya osiya, kayo talaga! Kumain na tayo. Ikaw _____? Ready ka na ba? Wag
kang mapressure sa kuya mo ah, alam kong kayang kaya mo rin maging licensed
engineer.
BOY
Huh? Sino po ang nagsabing magiging engineer ako? Hindi ba’t sinabi ko naman
po na nursing ang kukunin kong course? Hindi po ba malinaw sainyo yun?
BROTHER
Nursing? Nako, wag mo nang ituloy yan. Yung mga kaibigan kong babae, ayun
nagsusuffer. Naging nurse nga, mababa naman kinikita nila.
BOY
Kuya, yun yung magpapasaya sakin. Intindihin nyo naman ako oh, Ma.
MOTHER
Ilang beses na natin ‘tong pinag-usapan _____. At ilang beses ko nang sinabi
sayo na hindi para sayo yun. Nanay mo ko, kaya alam ko kung ano yung mabuti
para sayo. Mag engineer ka sa ayaw at sa gusto mo.
BOY
Alam ko na alam mo ang makakabuti para sakin Ma. Pero hindi mo ko tinanong
kung magiging masaya ba ko diyan, o kung kaya ko ba. Ang hirap kasi sainyo,
lagi niyong dinadahilan na ang nursing ay para sa mga babae lang. Iniisip
niyo yung sasabihin ng iba pero hindi niyo man lang inisip kung ano yung
mararamdaman ko? Bakit? Hindi naman po kayo ang mag-aaral ah? Hindi kayo ang
masstress, magpapagod, para makapagtapos. (masasampal siya ng nanay)
Suporta lang po ang hinihingi ko sainyo Ma. Sana naman kahit yun lang ibigay
nyo na sakin. (aalis ng bahay)

EXT. GIRL’S HOUSE – NIGHT.


Kakatok sa pinto ng bahay nina girl si boy. Sasaraduhan siya ng pinto pero
pagbubuksan din naman nang makitang malungkot ito at tila may problema.
Yayakapin ni boy si girl habang umiiyak at uupo sila sa labas ng bahay.
BOY
Sorry sa abala ah. Ikaw lang kasi naisip kong puntahan. May nangyari kasi sa
bahay eh. Si mama, pinipilit niya kong itake yung course na hindi ko naman
gusto. Pinipilit niya kong i-pursue yung engineering, tulad ng kuya ko.
Paulit ulit ko nang sinabi na nursing ang gusto ko. Hindi ko na nga alam
kung paano ko ipapaunawa sa kanila. Kaya ayun, umalis na lang ako.
GIRL
Hindi naman dapat pagtalunan yung ganyang mga bagay.
BOY
Bakit kaya ganiyan yung mga magulang natin? Ang hilig nilang magcompare.
Kapag nangatuwiran ka naman ay nagagalit pa sila. Tingin pa nila, wala kang
modo, di marunong rumespeto sa mga nakatatanda. (Iiyak si boy at saktong may
dadaan na grupo ng lalaki)
GUY 1
Uy pre, tignan mo. Kalalaking tao, umiiyak sa harap ng babae.
GUY 2
Alam mo tol, kung ako ikaw, ipapakita ko sa babaeng ‘yan kung gaano ako
katapang at kamacho. Hindi ako lalambot lambot sa harap niyan.
(Tatayo si girl)
GIRL
Hoy! Manahimik nga kayo diyan. Hindi nyo alam kung ano pinagdadaanan ng tao,
kaya wala kayong karapatan na husgahan siya. Hindi nga kayo umiiyak, mga
wala naman kayong bayag!
(aalis ang mga lalaki at uupo ulit si girl)
BOY
Salamat ah. Di mo naman kailangang gawin ‘yun.
GIRL
Ano ka ba? Future lawyer yata ‘to.
BOY
Nga pala, sorry sa nangyari kanina ah. Alam ko namang mali yung ginawa ng
tropa ko pero tinolerate ko sila.
GIRL
Wag ka sakin mag sorry. Dun sa babaeng cinatcall nyo. Di nyo alam kung anong
epekto nun sa isang tao. Pero kung ako yun baka sinuntok na kita.

INT. BOY’S HOUSE – DAY.


Lalabas si boy ng kwarto nang nakabihis na ng uniporme.
MOTHER
Anak, ready ka na pala. Mag-almusal ka na dito bago ka umalis.
(uupo si boy at magkakaroon ng silence)
_______, humihingi ako ng dispensa sa inasal ko kagabi. Narealize ko na mali
ako, hindi ko dapat diktahan kung ano yung gusto mo. Bawat tao, kagaya mo,
ay may sariling kakayahan. May mga bagay na mas magaling ka kaysa sa iba.
Kaya bilang mama mo, susuportahan kita anuman ang course na itake mo sa
college.
BOY
Talaga, Ma?
MOTHER
Oo nak! Kahit maging teacher ka, fashion designer, o kahit ano basta masaya
ka.
BOY
Salamat po Ma. Salamat at naiintindihan mo na ko. Pero sorry din po sa mga
nasabi ko kagabi at nasagot ko pa kayo.
MOTHER
Tama ka naman nak. Basta simula ngayon, nandito lang kami para gabayan ka sa
mga desisyon mo, kaming dalawa ng kuya mo. Kami yung sandalan mo pag pagod
na pagod ka na. Kami yung gawin mong inspirasyon para patuloy na lumaban. At
lagi mong tandan na mahal na mahal ka namin.
BOY
Promise ko po sainyo na tutuparin ko lahat ng pangarap ko. Tutulungan ko
kayo. (naluluha) Ano ba yan! Nagpapaiyak si mama eh. Kain na nga po tayo.

INT. LIBRARY – DAY.


Nagccram na ang dalawa sa paggawa ng kanilang report.
GIRL
Hays, isipin mo sa loob ng tatlong araw, introduction pa lang ang nagawa
natin.
BOY
Ikaw kasi, kung hindi mo ko inaway at sinungitan noong isang araw, natapos n
asana natin yan.
GIRL
Wow, parang kasalanan ko pa. Sino kaya ‘tong umiiyak sa akin kagabi?
(ginagaya si boy) Pasensiya ka na ah, ikaw lang kasi naisip kong puntahan.
BOY
First of all, hindi ganyan. Second, kalimutan mo na yan! Mabuti pa magstart
ka na.
GIRL
Okie! So simulan natin sa gender equality as one of the sustainable
development goals (nagcecellphone lang si boy) Tapos yung factors na
nakakaaffect sa gender equality sa school, sa bahay, sa workplace... at ano
pa ba? Ahh! Sa public areas. (nananahimik lang si boy) Then yung ways para I
address yung issue. (napansin si boy) Hoy _____! Nakikinig ka ba? Kanina ka
pa cellphone ng cellphone, eh kung tulungan mo kaya ako.
BOY
Teka lang naman, may binabasa kasi ako. Tignan mo ‘to oh. Halaga ng piso vs.
dolyar, pinakamababa sa mahigit 16 years. (ipapakita yung pic sa phone at
mapapaisip si girl)
GIRL
OMG. Good idea! Alam ko na pano natin gagawin ‘tong report natin?
Natatandaan mo ba yung piso na sinukli satin nung tindera nung isang araw.
(Kukuha siya ng piso sa bulsa at ipapakita kay boy. Nakasmile si girl habang
nagtataka naman si boy.)

INT. CLASSROOM – DAY.


Ipepresent ang report.
BOY
I have realized so many things from this report Ma’am. First, we, men, treat
some behaviors as social norms when they shouldn’t be in the first place.
For instance, catcalling girls. Kailangan malaman naming mga lalaki na ang
pag-catcall ay hindi maganda, nakakatawa, o papuri. Ito ay nakakasira,
nakakahiya. Ang mga babae ay higit pa sa pisikal nilang anyo. Hindi sila
babae lang. Meron silang karapatang tratuhin nang may paggalang at dignidad.
Sa katunayan ay mayroon tayong mga magigiting na kababaihan sa panahon, may
mga abogada, ekonomista, guro, doctor, at kahit presidente ng Pilipinas na
babae, meron. That is why women must be empowered because they can. Dahil
babae sila, hindi babae lang.
GIRL
He’s right Ma’am. Actually, we also learned that men don’t receive much care
about their feelings and emotions, unlike us girls. Dahil nakatatak sa
kukote natin na kapag lalaki, dapat matapang. Real men don’t cry ika nga.
Dapat malakas. But mind you, we need to change this mindset because men and
women are equal. Pare-pareho lang tayong tao. For instance, gender
stereotypes when choosing your own career path. Because of the social norms
that we live in, naaapektuhan tayo sa paggawa ng mga desisyon natin.
BOY
Tama. Hindi pwedeng ang nursing ay para lang sa mga babae. Hindi pwede ang
engineering ay para lang sa mga lalaki. Dahil walang batas na nagsasabi o
nagdidikta nang ganito. Kung ano ang kaya ng babae ay kaya rin ng lalaki. At
kung ano ang kaya namin ay mas lalong kaya ng mga babae.
GIRL
Kung dumating ang panahon na pantay na ang pagtingin ng lipunan sa lahat ng
kasarian, hindi imposible na magkaroon tayo ng maginhawang kinabukasan.
Tulad na lamang ng halaga ng piso. Who knows? Kapag nagkaroon ng gender
equality, maging mas malaki pa ang halaga nito sa dolyar. Hindi katulad sa
panahon ngayon. Dadating din ang panahon na hindi bababa ang tingin natin sa
piso, kung paiiralin natin ang ating mga puso.
(Magtitinginan ang dalawa)

You might also like