Professional Documents
Culture Documents
Masdan niyo ang inyong hapag sa sandaling ito at ikumpara ang katulad na imahe sa
dalawang taong nakalipas. Hindi maipagkakaila na inyong napuna ang mga pagbabago sa inyong hapag-
kainan dahil sa nararanasan nating pandemya. Sa kabila ng krisis na ating pinagdadaanan dulot ng COVID-
19, ang seguridad sa pagkain at nutrisyon nating mga mamamayan ay nararapat na pagtuunan ng pansin.
Kahit ang mga mag-aaral ay may kakayahang pagnilayan ang sistema ng mga produktong kinakain at
Sa pagsiklab ng pandemya sa bansa, nagbunsod ito ng malalaking hamon sa mga tao lalo na
sa aspetong pampinansyal. Ang presyo ng mga bilihin ay tumaas na halos hindi na maabot ng mga
konsyumer . Sa ginawang pag-iikot ng Department of Agriculture (DA) sa ilang pamilihan sa Rehiyon III,
tumaas na ng halos P40 ang kada kilo ng baboy at P10–P20 naman sa kilo ng manok habang ang presyo ng
repolyona dati ay P15–17, ngayo’y naglalaro sa P35-37. Anila, nagmahal din kasi ang presyo ng gasolina na
ginagamit sa pag-transport ng mga produkto mula sa pantalan hanggang sa pamilihan. Dahil sa matumal na
transportasyon, nawawala ang pagka-sariwa ng mga karne, prutas at gulay na nagdudulot ng pagkasira ng
mga ito. Sa mga pangyayaring ito, hindi lamang nalulugi ang lokal na pamilihan kundi pati ang mga
mamamayan ay nagkakaroon ng banta sa kanilang kalusugan dahil sa hindi kasiguraduhan kung sariwa ba
Isa pang malaking hamon ang pagbaba ng sahod ng lakas-paggawa, pagkawala ng mga
hanap-buhay at pagkaubos ng kabuhayan sa ating bansa. Sa datos ng Department of Labor and Employment
(DOLE), 118, 210 ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pagkaubos ng mga empleyado o permanenting
pagsasara ng mga negosyo mula Enero hanggang Marso ng 2021. Bukod pa ito sa halos 600, 000 empleyado
na natapyasan ang kita dahil nabawasan din ang oras o araw ng trabaho. Dito sa Rehiyon III, ang mga
magsasaka ay umaaray dahil sa matumal na bentahan ng palay. Malaki ang idudulot na pinsala ng
restriksyon sa galaw ng mga magsasaka at manggagawang-bukid sa darating na taniman ng palay at mais.
Ang gobyerno ay namimigay ng ayuda ngunit hindi ito sapat para sa pangaraw-araw na gastusin nila. Sa
mabilis na pagtaas ng mga bilang na ito, nanganganib ang kalusugan ng bawat pamilyang Pilipino. Ang
pagkakaroon ng hindi sapat na badyet upang tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan ay
nagiging dahilan upang hindi malamnan ang kanilang mga tiyan at makakuha ng sapat na nutrisyon
Ang nagresultang pagbaba ng purchasing power sa mga nawalan ng kita ay nagkaroon ng malaking epekto
sa seguridad sa pagkain at nutrisyon, lalo na sa mga populasyon na dati nang mahina. Mas naging apektado
rin ang nasa impormal na sektor. Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang poverty
incidence sa populasyon sa 23.7 percent noong unang kalahati ng 2021 mula sa 21.1 percent sa parehong
panahon ng 2018. Isinasalin ito sa 3.9 milyon pang Pilipinong nabubuhay sa kahirapan. Kahirapan na
kasingkahulugan ng taggutom. Ang mga dumaranas ng gutom, na matatagpuan hindi lamang sa siksikan na
mga komunidad sa mga syudad kundi pati sa malawak na kanayunan, ay may mataas na risgong mahawa ng
Covid-19. Kaya naging basehan na ang kalusugan ng mga mamamayan sa lagay ng ekonomiya ng bansa.
Ang COVID-19 ay isang uri ng sakit sa paghinga at wala pang patunay na ang pagkain
mismo ay isang elemento sa pagkalat nito. Gayunpaman, ang nakakahawang sakit na ito, at ang mga
hakbang upang mapigilan ang pagkalat nito, ay nagkaroon na ng malalim na implikasyon para sa seguridad
ng pagkain, nutrisyon at mga sistema ng pagkain. Sinasabing ang malnutrisyon, kabilang na ang Obesity o
labis na katabaan ay nagpapataas sa tyansa na makahawa ng COVID-19. Dagdag pa rito, ang pagkalat ng
sakit mismo, ay nagpalala sa umiiral na hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan hindi lamang sa ating bansa,
kundi pati na sa ibang bansa. Ang mga hindi pagkakapantay-pantay ay nakakaapekto sa ating mga karapatan
pati na rin ang pagkakaroon ng aksesibilidad sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig,
at kalusugan pangangalaga, at gayundin sa mga trabaho at kabuhayan, na lahat ay may implikasyon para sa
seguridad ng pagkain at nutrisyon. Ang kawalan ng katiyakan sa pagkain ay nakakaapekto na sa mga taong
dumaranas ng kahirapan at nahaharap sa diskriminasyon sa lipunan, at ang mismong mga taong ito ang nasa
mas mataas na panganib ng pagkahawa ng COVID-19 at malayo ang pagkakataong mahawakan ang mga
pantay sa pag-akses sa mga ligtas na mapagkukunan ng tubig. yon sa World Health Organization(WHO), isa
sa tatlong tao ang walang akses sa ligtas na inuming tubig at maayos na pasilidad sa paghuhugas ng kamay.
Ang mga mamamayang walang akses sa mga serbisyong ito, na mahalaga para sa kalusugan at ligtas na
diskriminasyon.
naman sa seguridad sa pagkain at nutrisyon. Ayon sa Saligang Batas, dapat bigyan ang bawat Pilipino, lalo
na ang mga kabataan, ng masustansiyang mga pagkain ngunit nang magsimula ang lockdown, karamihan sa
mga paaralan ay sarado, na nagresulta sa pagkawala ng mga programa ng mga paaralan na naglalayong
bigyan ng sapat na nutrisyon at wastong kalusugan ang mga estudyante tulad na lamang ng mga
isinasagawang feeding programs. Sa ilalim nito, bibigyan ng isang masustansiyang pagkain ang mga
estudyanteng undernourished sa loob nang hindi bababa sa 120 araw sa isang school year. Napakahalaga ang
karapatan na makakain ang mga bata ng masustansiyang pagkain, dahil may pag-aaral na pag kulang ang
sustansiya, hindi buo o optimal ang kaniyang kakayahan na makuha ang kaniyang kaalaman sa paaralan.
Mlyon-milyong mga batang Pilipino ay madalas na umaasa sa mga programang ito sapagkat ang pagkaing
inihahanda sa kanila ng paaralan ay hindi hamak na ibang-iba sa kanilang kinakain sa loob ng tahanan.
Maaari ding maapektuhan ang pag-proseso sa mga pagkain sa hinaharap. Lalo na kung ang
COVID-19 virus ay hindi pa maaagapan at ang ipinapatupad na lockdown ay magpapatuloy at kung gaano
kalawak ang mga ordinansa na isasagawa sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Ang mga pananim na
itinatanim ng mano-mano ay kadalasang ginagawa kasama ang mga migranteng manggagawa, partikular na
ang mga produktong hortikultural tulad ng sariwang prutas at gulay, ay malamang na mas maapektuhan ng
mga bagong prosesong ipinatupad. Ang ating bansang ay maaaring makaranas ng pagkabigla sa produksyon
dahil sa paggawa nang may kakapusan at mga isyu sa transportasyon, na maaaring makaapekto sa kanilang
kita at ani. Ang bentahan ng mga agrikultural na produkto, partikular na ang mga buto at pataba ay
naapektuhan rin kaya pati ang mga ito ay tumaas ang presyo at nagdagdag ng pasakit sa ating mga
agrikultural bunsod ng pandemya. Kung hindi kaagad magagawan ng paraan ng gobyerno ang
nahaharap sa mga hadlang sa badyet, hindi ngayon ang oras upang magbawas sa mga programang yaong
masusustansiyang pagkain sa mga bahay bahay o maaari ding kunin ito ng mga magulang sa paaralan ay
isang halimbawa upang maipagpatuloy ang feeding programs kahit sa kalagitnaan ng pandemya. Isa pang
isyu na dapat solusyonan ay ang mababang presyo ng palay ngunit mataas na presyo ng bigas. Tulungan ang
mga magsasaka. Itaas ang presyo ng palay para makabawi ang mga magsasaka. Kung maaari, bilhin ng
National Food Authority (NFA) ang mga palay. Huwag pabayaan ang mga magsasaka dahil ang bigas na
napupunta sa ating mga tahanan upang malamnan ang ating tiyan ay kanilang pinaghihirapan. Dagdag pa
rito, dapat na magkaroon nag libreng serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga mamamayang naninirahan sa
laylayan. Bukod doon, dapat ding pigilan ang mga paghihigpit sa pag-luwas ng pagkain upang
maprotektahan ang ating bansang umaasa sa pag-angkat ng pagkain. Higit sa lahat, ako’y naninindigan na
mangingisda.
Lubos kong pinaniniwalaan na kahit tayo ay may pinagdadaanan na pandemya, hindi ito
hadlang upang pabayaan din ang kalusugan ng mga mamamayan. Ang krisis na ito ay nagpadapa sa milyon-
milyong mga Pilipino dahil sa pagkawala ng mga kabuhayan, trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at
paglaganap ng mas malalang kahirapan na naging dahilan upang magutom ang mas madaming bilang ng
mga Pilipino. Bagama’t tayong mga ordinaryong mamamayan ay may karapatan na magkaroon ng
aksesibilidad sa ligtas at masustansiyang pagkain, huwag nating kakalimutan na hindi din tayo magiging
malusog kung hindi natin susuportahan ang mga programang inihahain ng mga kinauukulan at
manunumbalik at mapapanatili.