You are on page 1of 2

INTRODUKSYON

Ang kawalan ng seguridad sa pagkain ay ang kawalan ng kakayahan upang makabili ng pagkain
panawid sa gutom. Ito ay isa sa mga bunga ng kahirapan. Ito ay isa sa pinakapangunahing
suliranin sa ating bansa kung saan ayon sa datos mula 2021, 16.8% o 4.2 milyong pamilyang
Pilipino ang nakakaranas ng gutom. Kalimitan na nakakaranas nito ay mga taong walang
trabaho, mga naninirahan sa lansangan o sa tabi-tabi lamang kung kayat sila ay kilala bilang sa
tawag na “isang kayod isang tuka”. Dito natin masasalamin na bukod sa pagkain ay kailangan
din nila ang bahay. Ayon sa ulat ng Kagawaran at Pamamahala noong 2022, ang 2023 badyet sa
pabahay na 4.029 bilyon kung saan ang halagang ito ay para sa mga benepisyong pabahay at
mga probisyon para sa malinis na inumin upang mapagaan ang pamumuhay ng maralitang
Pilipino.

MGA TALAKAY
Epekto ng Kawalang Seguridad sa Pagkain

- Ang seguridad sa pagkain ay isang mahalagang bahagi ng sistema ng mga bansa sa buong
mundo. Habang may nagtatanim, nagsasaka, nangingisda hindi dapat kumupas o humina ang
ayuda ng pamahalaan para matiyak na magtutuloy-tuloy ang produksyon ng mga pagkaing
ilalapag sa bawat hapag. Ang pamumuhay sa isang pinahabang estado ng kawalan ng seguridad
sa pagkain ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pisikal, emosyonal, panlipunan at
mental na kagalingan.

Malnutrisyon: Kakulangan sa Pagkain

- Ang malnutrisyon sa Pilipinas ay konektado sa kakulangan ng sapat na masusustansyang


pagkain at ng kahirapan sa pag-abot ng kinakailangang pagkain sa buong populasyon. Malaking
problema ang kakulangan ng pagkain dahil kakambal ito ng gutom. At ang Pilipinas ay
tinatawag na food poor dahil sa salat na kita upang matugunan kahit ang pangunahing
pangangailangan sa pagkain kaya’t madami ang indibidwal o kahit pamilya na hindi makakain
ng tatlong beses sa isang araw.

Serbisyong Pabahay sa Pilipinas

- Ang National Housing Authority (NHA) ay isang ahensya ng gobyerno, ito'y nagbibigay
tulong, serbisyo't pagkakataon upang umangat at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga
benepisyaryo sa isang bagong komunidad at kapaligiran. Palaki na nang palaki ang papulasyon at
gayon na din sa ating mga pangagailangan isa na dito ang magkaroon nang maayos na tahahan.
Talamak ngayon ang mga informal settlers or squatter lalo na sa lungsod ng maynila nang dahil
sa kakulangan sa pinansyal. Kaya layunin ng gobyerno na magkaroon ng libre o murang pabahay
para sa mga illegal at informal settlers gayundin sa mga nasunugan at mga nasalanta ng bagyo at
iba pang mga trahedya
Kahirapan, Malnutrisyon at Kawalan ng seguridad sa Pagkain. (n.d.). Prezi.com. Retrieved March 21, 2023,

from https://prezi.com/p/vuw-pyavkgtf/kahirapan-malnutrisyon-at-kawalan-ng-seguridad-sa-pagkain/

COVIDSupportVT. (2021, November 26). Kawalan ng Seguridad sa Pagkain sa Panahon ng Kasaganaan -

Suporta sa COVID VT. COVID Support VT. https://covidsupportvt.org/tl/food-insecurity-in-the-

season-of-abundance/?fbclid=IwAR3MvhZaoAkY71BR2fPsxV42ONfj-

7goGzSPAcxFhytiW6vsC8aLktrqn00

You might also like