You are on page 1of 2

IP: Pagsirit ng Kahirapan

Pilipinong Nakagapos sa Tanikala ng Kahirapan

Ayon kay Baldwin (2021), ang Pilipinas ay isa sa mga bansang maituturing na Third World
Country batay sa mga pamantayang isyung nakikita tulad ng mataas na antas ng kahirapan,
mataas na antas ng krimen at katiwalian. Simula pa lamang noong huling bahagi ng 1940s ang
bansa ay nauuhaw na sa pag-angat ng ekonomiya. Isa sa mga nakapagpapalaylay ng balikat ng
mga Pilipino ay ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa merkado. Ang kawikaan
na Isang kahig, isang tuka ay nakakabit na sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Nagpapakita
lamang ito na marami ang mahirap kaysa sa mayaman sa bansa. Sa pagtaas ng mga bilihin ang
unang naaapektuhan ay mga nasa laylayan ng lipunan.

Ang poverty threshold ay tinatawag din na poverty line. Ito ang linyang naghahati sa mga
mahihirap at hindi. Kapag ang kita ng bawat tao ay mas mababa sa linya ng poverty
nangangahulugang kabilang sa mahihirap o may salat na kita upang matustusan ang mga
pangangailangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan. Sa kabilang dako,
kapag ang kita ng bawat tao ay mas mababa kaysa sa katumbas na food threshold ay maituturing
na food poor or may salat na kita para matustusan ang pagkain ng pamilya. Lumilitaw sa
pinakabagong resulta ng Social Weather Station na 10.9 milyon ng pamilyang Pilipino ay
ikinukonsidera ang kanilang sarili na mahirap ngayong 2022 o katumbas ng 49.8% (bahagdan) ng
populasyon ng bansa. Ang 49.8% na populasyon ng bansa na itinuturing na nakapako sa
kahirapan ay ang kadalasang nakararanas ng poverty threshold sapagkat nasa minimum lamang
ang kita (Guillen, 2022).

Marami ang itinuturing na nasa poverty threshold sa bansa sapagkat mas mataas ang
pangangailangan ng pamilya tulad ng pagkain, edukasyon, pangkalusugan, ilaw at damit sa isang
araw kaysa sa kita. Lumalabas na hindi kayang tustusan ng isang araw na kita ang
pangangailangan ng isang pamilya sa isang araw. Patuloy na tumataas ang poverty threshold
sapagkat ang Pilipinas ay halos doble ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kaysa
sa pagtaas ng sweldo o kita.

Isa sa mga sanhi kung bakit marami ang mga Pilipinong kabilang sa poverty line at
itinutuirng na food poor dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa. Ang inflation ay
tumutukoy sa antas ng pagtaas ng mga bilihin at serbisyo na kinukunsumo ng karaniwang
pamilya. Kapag patukoy na tataas ang mga bilihin sa bansa patuloy ring nakakabit ang mga
Pilipino sa laylayan ng ating bayan. Sa kahirapan na nararanasan ng mga Pilipino ang
pangunahing naaapektuhan ay ang edukasyon ng kabataan. Dahil sa kahirapan na nararanasan
ng mga Pilipino marami ang kabataang hindi nakapagtapos at hindi nakapag-aral. Sa pamantayan
sa bansa, ang kita o trabaho ay nakabatay sa pinag-aralan. Kapag mababa ang pinag-aralan,
mababa rin kita o sahod at kapag mataas ang pinag-aralan malaki ang pagkakataon na
makahanap ng malaking kita. Lumalabas sa mga sarbey na isinagawa ng Philippine Statistics
Authority na marami ang mga Pilipino na kabilang poverty threshold o maituturing na minimum
lamang kita sapagkat marami ang mga Pilipinong hindi nakapagtapos ng pag-aaral o mababa
lamang ang pinag-aralan.

Sa nakalipas na taon, marami pa ring mga Pilipino ang naghihikaos sa buhay at patuloy na
kumakayod matustusan lamang ang pangaraw-araw na pangangailangan ng buong pamilya.
Marami ang salat sa buhay maging sa rural at urban. Hindi lamang ang mga magsasaka ang
nakararanas ng kahirapan sa pag-araro ng buhay. Hindi lamang ang mga mangingisda ang
nakararanas ng kahikausan sa pagsagwan sa buhay maging ang mga manggawa ay nakararanas
din ng kahirapan sa pagpanday at pakikipagsaalaran sa bayang patuloy na inaalipin ng
ekonomiya.

Sa bayang matira ang matibay kailangan nating magsumikap at magdarahop upang


maiangat ang ating sariling pamumuhay at antas sa buhay.

You might also like