You are on page 1of 3

PAGLAKI NG POPULASYON

Makikita nyo sa larawang ito ang patuloy na paglaki ng populasyon o pagkakaroon ng


overpopulated na mga tao dito sa ating bansa..
Ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ay nasa 108,094,529 hanggang sa Lunes, Hulyo 1,
2019, batay sa pinakahuling mga pagtantya ng United Nations.
Ang populasyon ng Pilipinas ay katumbas ng 1.4% ng kabuuang populasyon ng mundo, at
nagra-ranggo bilang ika-labingtatlo (13) sa listahan ng mga bansa ayon sa populasyon.
Posibleng lumobo ng 2 milyon ang populasyon ng bansa kada taon, at nagbabanta itong
magpalala ng kahirapang nararanasan ng mga mamamayan, ayon sa Commission on
Population (POPCOM).
Kaya sabi ng ahensiya, dapat tutukan ngayon ang kaalaman ng mga Pinoy sa pagpaplano
ng pamilya.

Ayon sa POPCOM, tatlong sanggol kada minuto ang ipinapanganak sa Pilipinas o kung
susumahin ay mahigit 1.5 milyon kada taon. Pero kung hindi ito magbabago, nasa 2
milyon kada taon ang itataas ng bilang ng populasyon.

Ang resulta nito, ayon sa POPCOM, ay ang pangangailangan sa impraestruktura at


pagsisikip ng paligid, na ngayon pa nga lang ay ramdam na sa maraming lugar sa
pilipinas.Babala ng ahensiya, marami nang pagsasaliksik ang nagpapatunay na mas
mataas ang tsansang dumanas ng kahirapan ang pamilya habang lumolobo ang bilang nito.
At Tinatantya ng Komisyon sa Populasyon (PopCom) na magkakaroon ng 108,885,096
Pilipino sa Disyembre 31, 2019.

Ang mga masamang epekto nito ay ang kahirapan, kakulangan gaya ng pagkain, mahirap na
paghahanap ng trabaho, malaking posibilidad ng pag-sira ng kalikasan, pag-gawa ng krimen at di kanais-
nais. Nagiging mas mahirap ang alokasyon upang mapakinabangan ng lahat ang pinagkukunang yaman.
Malaking gastusin na inilalaan sa pagkain, pananamit, pabahay, kalusugan at edukasyon. Maraming
Pilipino ang nagkakaroon ng malaking pamilya at nagdudulot ng kahirapan, hindi naibibigay ang
edukasyon para sa lahat ng anak, at nagiging dahilan ng hindi nila pagkakaroon ng magandang
kinabukasan. Sinasabing may mabuti din namang naidudulot ang malaking populasyon, ika nga nila
masaya kung madami ngunit para sa ekonomiya nitong ating bansa ay madaming itong naidudulot at
nakaka-apekto sa buong bansa.

May mga paraan upang ito ay ma-solusyonan gaya ng Family Planning, sapat na kaalaman at
impormasyon at madami pang iba na makakatulong sa ika-uunlad nitong ating lupang tinubuan.

KAHIRAPAN

Makikita nmn sa larawang ito ang kahirapan na natatamasa ng mg Pilipino dito sa


ating bansa Pumalo sa 48 percent o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyang
Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili bilang ‘mahirap’ batay sa 2nd quarter
survey ng Social Weather Stations (SWS).Mas mataas ang naturang bilang ng anim na
porsyento kumpara sa 42 percent o 9.8 milyong pamilya na naitala noong 1st
quarter o Marso ng 2018.

Kakulangan sa edukasyon
Isa sa bawat sampung Pilipinong edad anim (6) hanggang dalawampu’t apat (24) ay “out of school child and
youth.”Batay ito sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey o APIS ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Lumabas sa 2016 APIS na 3.8 million ang out of school children and youth o OSCY sa bansa o sampung (10)
porsyento ng tatlumpu’t siyam (39) na milyong Pinoy na edad 6 hanggang 24.
Sa naturang bilang, mas marami ang babae kumpara sa mga lalaki.
Karaniwang rason ng mga hindi na nagtuloy sa pag-aaral ay maagang pag-aasawa, mataas na matrikula at
kawalang interes sa edukasyon.
Sa buong bansa, 53 percent ng mga OSCY ay kabilang sa mga pinakamahirap na pamilya.
Manila, Philippines - May 7.3 milyong bata sa bansa ang out-of-school youth, bunsod na rin umano
ng patuloy na nararanasang kahirapan sa buhay at pagtaas ng ma trikula sa iba’t-ibang mga
paaralan, partikular na sa mga kolehiyo at unibersidad.

Sa datos ng Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR), sa kabuuang 7.3


milyong bata na hindi pumapasok sa mga paaralan ay 3.3-milyon ang nasa edad na 12-taon pababa,
habang apat na milyon naman ang 12-taon pataas.

Sinasabing napipilitan ang mga itong tumigil sa pag-aaral upang maghanap ng kahit anong trabaho
para makatulong sa kani-kanilang mga pamilya.

Ayon kay DepEd NCR Director Rizalino Rosales, pinipilit naman nilang hikayatin ang mga out-of-
school youth na magbalik sa paaralan sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng pamahalaan.

Gayunman, sadya umanong mahirap at malaking pagsubok para sa kanila na kumbinsihin ang mga
bata na mag-aral muli.

Nabatid na taun-taon ay lumolobo ang bilang ng mga batang hindi nag-aaral dahil sa patuloy na
pagtaas ng matrikula o kaya’y kung pumapasok man sa paaralan ay biglang natitigil sa gitna ng
school year dahil hindi na matustusan ng kanilang mga magulang ang kanilang mga panganga-
ilangan papunta sa eskuwelahan, tulad ng baon araw-araw, pamasahe at pagkain.

You might also like