You are on page 1of 3

Louise G.

David Marso 26, 2021

Batyelor ng Agham sa Sikolohiya 2-2

Dahilan ng Kahirapan

Ang kahirapan ay isa sa pinakamainit na kaganapan sa ating bansa magmula pa noon


magpahanggang sa ngayon. Ito ay isa sa mga sitwasyon na kinakaharap nating mga Pilipino
kung saan halos karamihan sa atin ay naaapektuhan, mas lalong higit ang ating mga kabataan.
Ang kahirapan ay isang kalagayan o katayuan kung saan hindi natatamasa ng isang indibidwal
ang mga pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay, gaya ng
masustansyang pagkain, malinis na tubig, maayos na pananamit at tirahan. Ngayong taong 2021,
ayon sa mga sarbey at mga balita, mas lalala ang antas ng kahirapan dahil sa patuloy na
pananatili ng pandemyang ilang taon ng nararanasan sa ating bansa.

Maraming kadahilanan kung bakit nararanasan ang kahirapan. Una na lamang dito ay
ang sobrang populasyon ng isang bansa. Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas na paglaki
ng populasyon sa Asya. Sa kasalukuyang araw, humigit kumulang 110, 672, 639 na kabuuang
populasyon ang bansa. Ang pagkakaroon ng malaking bilang ng populasyon ay nagbubunga ng
iba’t ibang mga problema tulad ng kakulangan sa edukasyon at trabaho na nagiging dahilan ng
matinding kahirapan.

Ang kawalan ng malinaw na pagpaplano o ang padalus-dalos na desisyon sa buhay ay


isa sa mga dahilan ng kahirapan na kadalasang hindi maganda ang pinatutunguhan. Marami sa
kabataan sa ngayon ang isinasangtabi na lamang ang pag-aaral, na nagdudulot ng maagang
pagbubuntis at pag-aasawa, pagkalulong sa masamang bisyo at ang patuloy na pagdagdag ng
bilang ng mga anak kahit ang mga ito ay hindi na kaya pang masuportahan. Kaakibat din ng
kawalan ng maayos na paghahanda sa buhay ay ang labis na paggastos na maaaring magresulta
ng pagkabaon sa utang at ang pagiging tamad o hindi pagbibigay ng importansya sa buhay.
Kaya’t ang nagiging resulta, dumarami ang pamilyang naghihirap, nagugutom at nagkakaroon ng
malubhang sakit, gayundin ang patuloy na pagdami ng mga naninirahan sa mga squatter at
maging sa lansangan.

Ika nga ng nakararami, ang edukasyon ang susi para sa mayabong na kinabukasan ngunit
sa kasawiang palad ay hindi pa din ito lubusang nakakamit dulot ng kahirapan. Marami sa ating
mga kababayan ang hindi pinagkalooban ng magandang pamumuhay kung kaya’t mababa ang
antas ng kaalaman o pinag-aralan, at ang iba’y hindi man lang nakatuntong o nakatapak sa
kolehiyo. Sa kadahilanang, hindi sapat ang kakayahan upang matustusan ang pag-aaral, o hindi
kaya’y mas piniling magtrabaho kaysa mag-aral upang makapagpaabot ng tulong sa kanilang
mga magulang. Sa panahon ngayon, mataas na din ang kwalipikasyon sa mga kompanya upang
matanggap sa isang trabaho, at isa na rito ay marapat na ang aplikante ay nakapagtapos ng
kolehiyo. Kaya ang kalalabasa’y nagtitiis o nagtitiyaga sa mga trabahong hindi sapat ang kanilang
kinikita.

Dahil sa paglobo ng bilang ng populasyon, ang pinagkaloob na trabaho ay hindi na rin


sapat para sa mga tao. Mas madami ang bilang ng tao kaysa sa dami ng trabahong inaalok.
Karagdagan pa rito ay ang job mismatch, o ang mga trabahong nakalatag ay hindi tugma sa
natapos na kurso. Ang mga ito ay patuloy na nagiging sanhi ng kawalan ng trabaho sa ating
bansa at walang humpay na paglaganap ng kahirapan.

Talamak naman sa ating pamahalaan ang walang habas na pagbubulsa sa kaban ng


bayan na malaki ang epekto sa sambayanang Pilipino, partikular na sa pampublikong serbisyo at
paghahatid ng tulong sa mga mahihirap. Sa halip na napupunta sa mga proyekto ang kabuuang
pondong nakalaan, para maibsan ang lumalalang kahirapan, pinagsasamantalahan para sa
personal na kagustuhan ng mga tiwaling opisyal ng ating gobyerno. Habang sila ay yumayaman
at magagara ang mga tirahan, umuulan ng mga lahas at maging ng mga magagarbong sasakyan,
ang mga mahihrap naman ay nananatiling lugmok sa karalitaan. Mangmang at mababa ang
pinag-aralan, sapagkat kulang ang pondo para sa edukasyon. Nababawian ng buhay ang mga
mahihirap na pasyente sa mga ospital dahil sa hindi nalalapatan ng nararapat na kagamutan at
atensyong medikal. Baku-bakong ang mga kalsada sa mga karatig-probinsya at ang kawalan ng
maayos na irigasyon sa mga sakahan kaya madalas nalulugi ang ating masisipag na mga
magsasaka, at mga negosyong kadamay sa agrikultura.

Upang maibsan ang kahirapan ng isang bansa, nakakatulong ang pagkakaroon ng


malawak na kaalaman sa pagpapamilya. Kaisa ang family planning sa pagkontrol ng pagdami ng
populasyon dahil mayroon itong limitasyon na binibigay sa pag-aanak at pinapasinayahan din
dito kung may kakayahan ba ang isang pamilya na suportahan ang ang kanilang mga anak tungo
sa magandang kinabukasan.

Ang pagbibigay din ng karagdagang pondo upang mas mapagtibay ang kalidad ng
edukasyon, sapat na pasahod sa ating mga guro at paglalaan ng oras at panahon sa
pangangailang pang-edukasyon sa mga katutubong naninirahan sa mga liblib na lugar ay sadya
ding makakatulong. Ang edukasyon ay isa sa mahalagang sangkap sa pag-unlad natin bilang
tao. Para sa mga kagaya kong mag-aaral, huwag nating sayangin ang panahon sa walang
kabuluhang bagay. Gaano man kahirap ang buhay sa ngayon, patuloy pa din tayong magsumikap
upang sa gayo’y makamit natin ang hinahangad nating diploma at mas lalong higit ay maabot
natin ang ating mga pangarap.

Sa atin namang gobyerno, magkaroon sana ng paghahanda o pagpupulong upang


makapagbigay ng sapat at nararapat na trabaho para sa mamamayang Pilipino. Makapaglaan
din ng mataas na pasahod, murang pabahay, serbisyong publiko tulad ng edukasyon at
kalusugan, mababang presyo ng batayang serbisyo tulad ng kuryente, tubig at komunikasyon.
Upang sa gayo’y makatulong din sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating bansa. Ang mga
opisyales naman ay maging totoo o tapat sa kanilang mga tungkuling ginagampanan, na iwasang
magkaroon ng bahid ng isang kasalanan o maging bahagi ng korapsyon.

Kung atin ring susuriin, tayo ang may kapangyarihang kumontrol sa ating mga sarili kung
anong landas ang ating tatahakin para magtagumpay. Maraming paraan upang tayo ay
makaahon sa kahirapan ng buhay. Ang pagkakaroon ng disiplina, tiyaga at pagpupursigi sa lahat
ng ating ginagawa at mga dumadating na mga oportunidad. Sa ganitong paraan, hindi lamang
ang ating mga sarili ang ating natutulungan, maging ang pagkamit ng magandang kinabukasan
ng ating bansa. Hindi lamang sa ngayon, maging sa susunod pang mga henerasyon.

You might also like