You are on page 1of 18

DISKRIMINASYON SA PANGKAT MINORYA

DISKRIMINASYON
ay isa sa pinakapwersang dahilan sa
hindi pagkapantay-pantay ng tao sa
buong mundo. Samantala, ito'y
nagdudulot ng pinsala na napalooban
ng pamilya, komunidad at sa buong
grupo ng mga katutubo.

Csixtee. (2014, October 22). Katutubo: Kaibigan, Kadugo, Kababayan. IMPERFECT SYMMERTY: The
Official Blog Site of C60 for the UPM| DB & DPSM| NSTP.
https://theebuckyball.wordpress.com/2014/10/22/katutubo-kaibigan-kadugo-kababayan/.
Isa sa mga mahahalagang sektor na
nangangailangan ng pansin at pagsuporta
ng gobyerno ang mga katutubong Pilipino
sa bansa.

Sila ang nagtataglay at nagpapanatili ng


natatanging kultura at pagkakakilanlan
nating mga Pilipino mula sa iba’t ibang
sulok ng bansa, subalit sila rin ang patuloy
na nakasadlak sa kahirapan at
nakakaranas ng diskriminasyon.

Gabrido, J. (2019, November 13). Pag-abot sa mga Katutubo. PIA News.


https://pia.gov.ph/features/articles/1030093.
Napakaraming mga taon ang nakalipas na ang mga
Katutubo ay nakaranas ng matinding pag-aabuso,
pagsasamantala ng sariling paniniwala at
pagkawalang bahala ng Gobyerno sa mga
karapatang Katutubo. At silay tinuturing ngayon na
ang pinakamahirap na sector sa buong Bansa. Sa
pagtaas at paglala ng kahirapan at krisis sa bansa,
ang mga katutubo ang pinakaapektado.

Isa sa mga suliranin nila ngayon ay ang pilit na


pagpapaalis sa kanila sa kanilang mga “ancestral
domains”. Maraming mga katutubo ngayon ang
pagala-gala na lang sa mga lungsod. Ang iba’y
nagpapaalipin, ang iba’y naghahanapbuhay, ang iba’y
nadadala na sa mga masasamang gawain at ang
iba’y hindi alam ang patutunguhan. Napakasakit
isipin na sila’y mga kababayan din natin ngunit ‘di
natin sila matulungan lalo na ngayong halos mabura
na ang kulturang kanilang kinagisnan. Nagiging
Csixtee. (2014, October 22). Katutubo: Kaibigan, Kadugo, Kababayan. IMPERFECT SYMMERTY: The
Official Blog Site of C60 for the UPM| DB & DPSM| NSTP.
malabo na ang tatak ng kanilang mga pangkat.
https://theebuckyball.wordpress.com/2014/10/22/katutubo-kaibigan-kadugo-kababayan/.
AETA
Tulad ng karamihan, pangarap ng mga
katutubong Aeta sa Porac, Pampanga ang
makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng
magandang buhay. Pero dahil umano sa
lumalalang diskriminasyon dala ng kanilang kulay
at anyo, nahihirapan daw ang mga taga-rito na
marating ang kanilang mga pangarap.

Kaya naman ang naisip na solusyon ng ilang kakababaihan sa kanilang


lugar –subukang magpaputi at magpaunat ng buhok. Sa pamamagitan
ng mga sabong pampaputi, pagpunta sa parlor at iba pang
pamamaraan, ang mga ito raw ang kanilang nakikitang solusyon para
mas maging tanggap sa lipunan.

GMA News Online. (2015, June 19). Diskriminasyon sa mga Aeta, tatalakayin sa 'Front
Row'. GMA News Online.
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/content/507130/diskriminasyon-sa-
mga-aeta-tatalakayin-sa-front-row/story/.
AETA
Ang mga katutubong Aeta sa Mag-Indi Porac,
Pampanga ay nakaranas ng diskriminasyon
dahil sa pagkain ng paniki. Sinasabi na ang
COVID-19 ay nanggaling sa kanila na nag-ugat
sa disriminasyon. Sila ay iniiwasan kung sila ay
bumababa sa kabundukan. Nahaharap din sila
sa limitadong tulong mula sa gobyerno na maproteksyunan ang
kanilang mga sarili sa COVID-19.
Hindi rin lahat ng katutubo ay nabigyan ng tama at sapat na ayuda.
Sa Barangay Planas, pinaghatihatian ng mahigit kumulang 250 na
pamilya ang ayuda na dapat ay sa 27 na pamilya lamang.

Nagpag-iiwan din sila pagdating sa pag-aaral sa ngayong estado


ng edukasyon dahil ang mga module na kanilang natatanggap ay
hindi nakasalin sa kanilang wika. Naisantabi nitoang department
order na nagpapatibay sa kahalagahan ng Indigenous Peoples (IP)
Rita, J. (2020, December 9). Pampanga Aetas face discrimination over 'bat diet' amid
COVID pandemic. GMA News Online.
https://www.gmanetwork.com/news/news/regions/767332/pampanga-aetas-face-
education curriculum integration. discrimination-over-bat-diet-amid-covid-pandemic
BADJAO
Kalat na sa kalakhang Maynila ang mga Badjao.
Tribung tubong Sulu sa Mindanao na unti-unti nang
naglalaho. Pangingisda ang kanilang ikinabubuhay.
Subalit, ngayon, mas pinili na nilang
makipagsapalaran na lang sa sentro para
mabuhay.Sa mga lansangan, makikitang naglilimos
ang grupo ng mga batang Badjao bitbit ang kanilang
ginawang mga latang tambol. Nag-aabot ng mga
sobre sa mga pasahero ng dyip na kanilang
sinasabitan.

Maraming beses na rin daw silang nakaranas ng mga


pananakit at pang-aabuso ng mga hindi nila ka-tribu
habang nagtatambol. Nakaranas din daw sila ng
pang-aabuso ng ilang mga tiwaling pulis at traffic
enforcer na pilit inaagaw at ibinubulsa ang kanilang
mga naiipong barya. Tulfo, B. (2016, February 26). 'Naglalahong Tribu' (Badjao). Philstar.com.
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2015/12/18/1534281/naglalahong-tribu-badjao.
BADJAO
Napakaraming masasakit at maaanghang
na salita ang naitapon na sa mga Badjao.
Sila din ay tinaguriang salot sa lipunan, mga
walang kwenta, at mga di dapat Makita.
Sila ay mga pinagtatawanan, kinukutya at
pinapalayas. Sa Sulu, ang mga Badjao ang
nasa pinaka-ilalim na pwesto ng kanilang
lipunan.

Ang sitwasyong kapayapaan at kaayusan at hindi pag-


aasikaso ng gobyerno sa maraming lugar sa Mindanao ang
mga dahilan rin kung bakit nagiging kawawa ang mga
Badjao.

Iso, G. M. (2017, August 12). Badjaos: Mga Taong Dagat na Walang Kinabukasan. PhilippineOne.
https://philippineone.com/badjaos-mga-taong-dagat-na-walang-kinabukasan/.
LUMAD
Tila hindi na matapos ang mga bali-balita ukol sa
ligalig na nararanasan ng mga lumad. Palagian na
ang mga ulat ukol sa pagpatay sa mga lider ng mga
lumad; pagsasara ng mga paaralang lumad; ang
malawakang pagbakwit ng mga pamayanan at ang
panggigipit sa mga lugar na pinagbakwitan ng mga
ito. Kahit ganito ang bali-balita, hindi maitatatwa na
marami pa rin ang hindi nakakakilala sa mga lumad.
Kahit ang mga batayang teksbuk sa kasaysayan,
bibihira ang nagbabanggit sa kasaysayan ng mga
lumad bilang pambansang minorya sa iba’t ibang
panahon.
LUMAD
Mahabang panahon nang hindi
pinahahalagahan ng mga namamahala ang
kalagayan ng mga katutubo. Higit na
nakakabahala, mahabang panahon nang
itinuturing na mababa ang kalagayan ng mga
kalinangang katutubo kung ihahambing sa
ibang mga Pilipinong nasakop ng mga
dayuhan.

Maraming insidente ng karahasan na ang nararanasan ng mga


lumad. Pinipilit silang magbakwit sa kanilang sariling
pamayanan. Nang idulog ng mga lumad ang kanilang kalagayan
sa pamamagitan ng lakbayan, sinalubong ang paglalakbay ng
mga lumad sa Kamaynilaan kamakailan ng karahasan ng
sandatahang lakas at pulisya.
LUMAD
Muli, napuna ang kalagayan ng naratibo ng
mga katutubo sa pambansang naratibo.
Karahasan ang nagiging tugon sa mga hiling
ng mga lumad na kilalanin ang karapatan
bilang pambansang minorya. Muli, lumabas
na naman ang naratibong ‘marahas’,
‘mabangis’, ‘salvaje’ at ‘cimarron’ ang mga
katutubong nagpoprotesta kaya kailangang
tapatan sila ng kapangyarihan ng estado
upang maging ‘payapa’ at ‘sibilisado’ ang
kanilang pag-iral.

Gealogo, F. (2019, September 3). Ang Lumbay ng mga Lumad. Bulatlat.


https://www.bulatlat.com/2019/09/03/ang-lumbay-ng-mga-lumad/.

You might also like