You are on page 1of 20

ILOCOS SUR

POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

MODYUL 3
BATAYANG KAALAMAN SA TEORYA SA PANANALIKSIK NA
AKMA SA LIPUNANG FILIPINO

Ano ang tungkol sa modyul na ito?


Ang modyul na ito ay para sa mga mag-aaral. Ito ay inihanda upang pag-aralan
ang tungkol sa batayang kaalaman sa teorya sa pananaliksik na akma sa lipunang
Filipino . Taglay nito ang ilang aralin, pagsasanay at pagsubok na sumasaklaw tungkol sa mga
panlahat na konsepto ng Filipino.Masusing inayos ang mga gawain para sa pagkatuto at upang
mas lalong manunawaan ito lalo na sa kasanayan sa batayang teorya sa pananaliksik .
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pananaliksik o riserts sa ating
Kontemporaneong panahon na ang lahat ay matuling pinatatakbo ng mga imbensyong
at bagong kaalaman.
Mga Paksang Pag-aaralan:
Ang nilalaman ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:
 1. Mga Diskurso sa Nasyonalismo
 Marxismo at Kritikal na Diskurso sa Globalisasayon
 Teoryang Depedensiya
 Ang Pantawang Pananaw sa Pananaliksik
 Pantayong Pananaw
 Pagbaklas/Pagbagtas

INAASAHANG MATUTUHAN : Sa pagtatapos ng paksang ito, inaasahan na:


1.Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan
at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika
ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.

TAYAHIN NATIN:

Para sa pagsisimula ng araling ito, sagutin ang mga katanungan.


Sa pamamagitan nito ay maunawaan kung bakit mahalaga ang
teorya sa gawaing pananliksik,

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

Panuto. Basahin ang mga pahayag. Sagutin/Talakayin ang mga ito sa pamamagitan ng
pagbibigay ng sariling ideya at teoryang maaring ilapat.
1. “Ipinanganganganak ang mga makata at manunulat. Hindi ito natutuhan.”

2. “Kung ano ang puno, siya ring bunga”.

Ngayon handang-handa kana sa pagtalakay tungkol sa batayang kaalaman sa


teorya sa pananaliksik. Malalaman mo nang lubusan ang pinagmulan ng mga
teroyang ito para sa lubusang pagkatuto tungkol sa paksa.

TANDAAN

MGA DISKURSO SA NASYONALISMO

Ang pagiging makabayan, makatao, maka-Diyos at makakalikasan ay


nagbubuod sa identidad ng isang Filipino na kailangan niyang patunayan.
Gayunpaman, ito ang siyang nagbibigay ng kaganapan ng pagiging isang
Filipino namay karangalan.
Napakalawak na usapin ang nasyonalismo. Ipinaglaban ito ng mga
ng mga mamamayan, pinagbuwisan ng buhay upang matamo lamang bilang
isang pagkakakilanlan. Para kay Matteo (2018), may subhektibong dimensiyon
ang nasyonalismo para sa mga mamamayan na sa kabila ng kaibhan ng antas
na kinabibilangan sa lipunan kapag sasapit ang hamon ng pakikipaglaban ay
nagagawa nilang maging isa at kapit-kamay na pakikipaglaban makamit lamang
ang kalayaang inaasam. Para kay Cochico (2013), ang pagiging Makabayan ay
ang paghahanap at pagtatagpo ng punto ng pagkakatulad sa kabila ng
dibersidad.

Iba't ibang Teorya ng Nasyonalismo


(ayon kay Llobera, 1999)

1. Katutubong Ugat (Primordyal, Primordial)


Sa pananaw na katutubong ugat o primordyal, pinaniniwalaang ang
identidad ng isang lahi ay sadyang nakatakda sa kanila. Bunga ito ng
paghuhubog ng kanilang kasaysayan. Ang pagkakaisa at pagtamo ng isang
dangal at iisang identidad ay bunga ng sabay na pagdanas ng kaligayahan at
kalungkutan, tagumpay at kabiguan. Ramdam ang "lukso ng dugo" at "bugso ng
damdamin at likas o kusa ang nag-uugnay sa sinumang magkadugo o
magkalahi.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
Mahaba ang proseso ng paghubog. Kaya sa pananaw na ipinatutungkol
sa
Filipinas, marapat at matuwid ang pagbanggit ni Simoun sa El Fiibusterismo na
ang “bawat bayan ay may sariling wika at sarıling kaugalian at damdamin." Ang
pagtamo ng kaisahan at identidad bilang isang pangkat ay maaáring itinakda ng
iba, bunga ng pananakop o kaya'y sa pakikipag-ugnayan o pakikipagkalakalan.

Dagdag pa rito ay binanggit sa aklat ni lsaacs (20-) na nakikilala ang isang


pangkat ng tao batay sa sumusunod:

a. pisikal na katangian
b. pangalan
C wikang nakagisnan
d. panananmpalataya
e. kasaysayan at pinagmulan
f. nasyonalidad at etnikong grupong kinabiblangan
g heograpiya ng lupang sinilangan
h. kultura

2. Sosyobayolohista (Socio-biologist)

Sa kabilang kabilang dako, itinuturing na mas maunlad ang pananaw, na


sosyobayolohista na nagbibigay-diin sa salik na bayolohikal sa paghubog ng
karakter
Ang mga tao at ang kaniyang lipunan ay may mahalagang papel sa
paghubog ng pagkakakilanlan. Karamihan sa mga sosyobayolohista ay
naniniwala na ang sosyobayolohista naniniwala na ang nasyonalismo ay
napapatunayan sa pamamagitan ng pag-ibig sa bayan, pagtatag ng
pambansang identidad at dignidad pati na ang bayolenteng pagbubuwis-buhay.

Tatlong Mekanismo sa Pagharing ng Kaugalian ng Tao

1 Kin selection. Ito ay ang likas na katangian ng isang tao na pumili ng lahi na
maaring maging daluyan ng kaniyang lahi upang mapangalagaan at mapanatil
ang kaniyang lahi. Tinatawag itong altruismo sa teknikal na pagpapakahulugan.

2 Reciprocity. Higit itong mauunawaan bilang kahulugan ng "diwa ng


pagbibigayan". Sa pananaw na ito, ang diin ay sa benepisyong ibinibigay sa
anumang pabor na natatanggap ng dalawang sangkot na indibidwal o lahi. Sa
reciprocity, ang pagtutulungan ng magkakamag-anak maging sa mga di-
magkakamag-anak ay napagtutuonan. Mauunawaan sa pananaw na ito ang
kahalagahan ng kakayahan ng taong tumulong sa mga tumutulong sa kanila o
kaya ay ang tumunulong sa iba. Masasabing ang taong naglalaan ng tulong
kapag may nangangailangan ay may posibilidad na tumanggap din ng tulong; o
kaya, may pagkukusa ang isang taong tumulong sa iba dahil minsan ay
natulungan din siya

3. Coercion. Sinabi ni Khan (2018) na may hindi pantay na kapangyarihan sa

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
isang etnikong pangkat. Tinatawag itong coercion. Sa mga makapangyarihan,
ginagamit ang coercion bilang paraan upang piliting sumunod o umiwas sa
isang kilos ang nasasakupan. Isa itong mahalagang kasangkapan sa pagtatag
ng
ugnayang pambansa at maging sa lokal na politika ng bansa. Binanggit din niya
ang hango sa "Leviathan" ni Hobbes na "mala-Diyos" ang isang bansang
gumagamit ng coercion upang ikintal sa mamamayan nito ang sindak at pagiging
masunurin nang sa gayon ay matamo ang kapayapaan at kaligtasan. Idinagdag
pa niya na kahawig ng proseso ang paghuhubog ng bansa sa proseso ng mga
organisadong krimen dahil sa elementong ito ng coercion.

Teoryang Instrumentalista
Sa pananaw na ito, ang isang bansa ay maaaring magbago o magpalit ng

identidad depende sa mga sirkumstansya. Nahuhubog ng sosyal, ekonomiko o


political na proseso ang etnisidado o pinagmulan ng
isang pangkat. Dahil sa napakaraming interes o benepisyo lalo na sa larangan
ng ekonomiya at seguridad na maaring matamasa, hindi nag-atubili ang isang
pangkat na umanib sa iba. Ang kamalayan ay hindi totoo.

Para kay Llobera, si Fredrik Barth ang nangunguna sa larangang ito. Tinukoy
aiya ang dalawang dulog na instrumentalista:

a. Corporate Group Theory


Tumutukoy ito sa isang pananaw na may kinalaman sa larangan ng
korporasyon. Para kay Ho (2012), ang corporate group bilang isang
ekonomikong
pangkat ay mas matıpid na opsyon sa kalakal at produksyon kaysa direktang
transaksyon sa pamilihan. Pag-aari ito ng lahat bagamat isang mahalagang
papel ang ginagampanan ng kontrata o kasunduan sa uri ng relasyong ito. Sa
pagbanggit ni Barth, ang mga pangkat na sumasang-ayon sa pananaw na ito ay
may kakayahang patuloy na lumaganap; may parehong pagpapahalaga at
kultura; may sariling paraan ng interaksyon at komunikasyon; at ang pagsapi ay
boluntaryo o tinutukoy ng iba.

b. Interactionist Theory
Ito ang teorya ní Erving Goffiman na nagbibigay-diin sa ugali ng
pagpapanggap upang makalikha lamang ng impresyon o imahen para sa iba.
Isinaad na saklaw ng depinisyon ng etnisidad ang pagtukoy sa hangganan ng
kalikasan ng grupo: ang proseso ng pangangalap ng mga kasapi at hindi ang
katangian ng kultura ng mga grupo historikal; akilanl ang pagtamo ng kakilanlan
sa pamamagitan ng iba o pagtakda pinangangalagaan ang hangganan ng
samahan hindi dahil sa mahalaga ang bawat isa kundi dahil sa benepisyong
ekolohikal, ekonomiko, politikal at historical; ang pagtamo ng kakilanlan sa
pamamagitan ng iba o pagtakda ng sariling kakilanlan: ang pagkilala ng
katangiang kultural ng grupo ay arbitraryo; hindi Malaya ang pagkilos dahil
nakadepende sa mga pinuno.

Samakatuwid, masasabing ang identidad, pag-uugali at pagkilos ng pangkat ay

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
may hangganan, nakadepende kung kilalanin ng namumuno at nagbibigay -diin
sa benepisyo nito sa anumang aspekto ng lipunan

MARXISMO AT KRITIKAL NA DISKURSO SA GLOBALISASYON

Hindi pantay ang distribusyon ng yaman sa mundo. Habang patuloy ang


paglago ng yaman at kapangyarihan ng mga maalam, hirap namang ito’y
makamtan ng iba. Ang masaklap pa ay kung bakit nagkaroon ng papel ang
yaman bilang basehan ng estado ng pamumuhay na siyang naging sanhi ng
pagkakahati-hati ng lipunan na naging ugat na rin ng hindi pagkakapantay-
pantay. Ito’y naging palaisipan sa mga dalubhasa na kinakailangan hanapa ng
solusyon.
Komunismo ang naiisip nilang lunas sa sakit na ito. Ngunit ito ng aba ang
lunas sa suliranin.

Marxismo

Nabubuod ang kaisipan ng Marxismo sa iba-ibang larangan. Sa


pilosopiya,
ito ay nauukol sa dialectical at historical materialism. Diyalektikong proseso na
iniuugnay sa kontekstong materyal. Sa kasaysayan, ito ay nauukol sa theory of
class struggle at sa pagpapaliwanag ng kasaysayan na puno ng kontradiksyon.
Sa ekonomiks ay nauugnay ito sa paggawa, surplus-value at sa
kabuoang halaga ng yaman (concentration of wealth) at ng ugnayan nito sa mga
manggagawa. Sa Sosyolohiya, ito ay tungkol sa lumalaganap at sumusulong na
kahirapan (progressive pauperization) man ng at
ng malawakang pangangailangan ng salapi (financial crisis). Sa larangan naman
ng politika ay nauukol ito sa di-maiwasang kilusang rebolusyon (enevitability of
the
revolution), at ng uri ng lipunang walang pagkakapantay-pantay (classless
society).
Bilang isang siyentipikong pandaigdigang pananaw, ang Marxismo ay
nagmula sa malikhain at rebolusyunaryong kaisipan ni Karl Marx. Ito ay nag-ugat
mula sa kritikal na pilosopiya ni Hegel, na lumaya sa mga alituntuning medieval.
Ang pagkalas na ito ay ang pinakanmahalagang katangian ng Pilosopiyang
Moderno at Kontemporaryo. Tiyak na konsepto ito ng liberasyon (liberating
praxis) ng sangkatauhan mula sa ugnayan ng relihiyon at mapanill na lipunan.
Inıhayag ng Marxismo na ito ang isang realismo na nagsisimula sa kritikal na
pagsusuri sa mga tunay at konkretong karanasan ng tao. Ito ay mula sa
mapanghamong kaisipan ni Aristotle.
Ang Marxismo ay isang malawakang pananaw na may kinalaman hindi
lang
sa pilosopiya. Sinasaklawan din nito ang disiplina ng sosyolohiya, kasaysayan,
ekonomiks at politika. Sa madaling salita ito ay kabuoan ng mga kaisipan na
tiyak na nauugnay sa mga suliraning panlipunan at sa mga problemang
pumapaligid sa mundo. Kung susuriin, ang Marxismo ay higit pa sa isang
doktrinang pilosopikal. Ito'y nahahayag bilang isang rebolusyunaryong pagkilos
na naghahangad na bigyan ng bagong anyo ang mundo sa lalim ng theory-

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
praxis paradigm na ukol sa umuusbong na idea ng pagbabago dahil sa sobrang
pagpapanirap sa mga tao ng kanilang kapwa tao, kasama na ang iba't ibang
aspekto ng di-pagkilala sa sarili (alienation na nararanasan ng tao ).
Ang hinahangad ng Marxismo ay isang pandaigdigang kilusan na tao-
tauhang mga mangagawa (proletariats) para pabasakin ang kapitalista
(bourgeoisie). Sa pagkilos na ito, maibabalik ang dating na-alienate na sarili ng
tao at mawawala ang operasyon ng tao sa pagitan ng mga tao, ngunit hindi ang
likas na kontradiskyon na nakapaloob sa kasaysayan-para sa pangkabuoan at
pangkalahatang tramspormasyon ng individual ng tao ng lipunan, at ng mundo
tungo sa isang masalimuot at walang itinatanging lipunan (Communism).

TEORYANG DEPENDENSIYA

Maraming beses nang naipasailalim sa kuko ng mga kolonyalismo ang


ating bansa. Ang una at ang pinakamatagal sa lahat ay nangyari sa panahon ng
mga Espanyol. Higit sa tatlong daang taon silang nanatili sa ating bansa. Sa
haba ng panahon ay nagkaroon ng paglilipat-kultura o enculturation. Ang
enculturation ay ang unti-unting pagkaimpluwensiya sa katangian, pag-uugali at
pamamaraan ng pamumuhay ng Isang grupo ng mga tao. Hindi maikakaila na
marami sa mga
kaugaliang Flipino ay mula sa impluwensiya ng mga Espanyol. Nagkaroon man
ng impluwensiya ang mga Espanyol sa ating kultura, hindi naman lubos na
naimpluwensiyahan ang ating 'dila' o ang paggamit natin ng Pambansang Wika.

Ang Teoryang Dependensiya

Ang teoryang dependensiya ay isang paniniwala na nagpapaliwanag ukol


sa pinagkukunang yaman, na ito ay dumadaloy mula "silid" ng mga nasa
mahihirap na
kalagayan tungo sa "sentro" ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng
pag-unlad ay ang paghirap ng isa. Samaktwid, sa teoryang dependensiya, ang
mahihirap na bansa ay lalong naghihirap at ang mayayaman namang bansa ay
lalong yumayaman.
Ang teoryang dependensiya ay tinalakay sa isinagawang pananaliksik ni
Michael M San Juan mula sa Pamantasang De La Salle (2013) na
may pamagat na “ Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa
Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng programang K to 12 ng Filipinas” o Theory in
Education: An ldeological Critique of the Philippine K to 12 Program",
anito ang ginawang talakav ni San Juan (2013) ukol sa teoryang dependensiya:
Sa mga nakaraang dekada, naging popular ang teoryang dependensiya
sa Latin Ameica at iba pang kontinenteng bahagi ng Third World. Sa pananaw
ng mga naniniwala rito, pinagsasamantalahan ng mga bansang industriyalisado
ang mga bansang mahirap sa pamamagitan ng neokolonyalismo o di-tuwirang
pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa sa
ekonomiya.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
Malaki ang kontribusyon ng pambansang bayani na si Jose Protacio Rizal
sa paglinang ng kaisipang nasyonalista sa Filipinas. Sa pamamagitan ng
kaniyang mga nobelang "Noli Me Tangere at El Filibusterismo" ay isiniwalat niya
ang pang-aabuso ng kolonyalismong Espanyol sa mga mamamayan ng
Filipinas. Sa laksa-laksa pang kanser ng lipunang Filipino. Bukod dito,
ipinahayag din niya ang ilang kaisipan hinggill sa paglinang ng edukasyon at
kulturang tunay na Filipino.
Nagbigay rin ng paalaala si Simoun kung paano masisimulan ang muling
pagtatanim ng nasyonalismo sa puso ng taongbayan, lalo na sa mga kabataan:
“…habang pinangangalagaan ng sambayanan ang kanilang wika,
pinananatili rin nila ang tanda ng kalayaan..." Paano nga ba tayo lalaya sa
ekonomikong hegemonya ng mga dayuhan kung ang mismong dila natin ay
nakatanikala? Idinagdag pa ni Simoun ang ugnayan ng paglinang ng unique
national identity at pagpapaunlad ng bansa: “...Ibukod ninyo ang inyong sarili sa
pamamagitan ng paglalantad ng inyon sariling pagkatao, subuking itayo ang
pundasyon ng inang bayang Filipinas! Pinagkakaitan ba nila kayo ng pag-asa?
Mainam! Huwag kayong umasa sa kanila, umasa kayo sa inyong mga sarili..
paunlarin ang inyong sariling wika, palawakin ito, pangalagaan ang sarlıng
paraan ng pag-isip ng nga mamamayan... mangarap kayong maging isang
bansa!.. mag-isip nang malaya... at malaon, kakamtin n'yo ang inyong kalayaan!"
  Inilahad din sa pagtalakay ni San Juan (2013) ang halimbawang konsepto ng
teoryang dependensiya kaugnay ng mga usapin sa edukasyon na nagsasabing:
Mula sa isang pamplet ni Constantino na pinamagatang “The Miseducation
of the Flipinos" ay makikita sa simula pa lamang ang malınaw na kahalagahan
ng nasyonalistang edukasyon na magdudulot ng kalayaang political at
ekonomiko sa isang bansang dating kolonya. ““Ang edukasyon ay mahalagang
sandata ng sambayanang nagsisikhay makamtan ang kalayaan sa ekonomiya at
politika, at muling pagsibol sa laransgan ng kultura.”
Pagkatapos punahin ang neokolonyal na sistemang pang-edukasyon,
ipinaliwanag ni constantino ang gampanin ng mga nagsusulong ng
nasyonalistang edukasyon at tinuligsa ang mga nagsasabi na pamantayang
global lamang ang mahalaga:
 
  Ang edukasyon ay di lamang pagsagap ng impormasyon kundi paghubog ng
taong epektibo at may silbi sa kaniyang sariling lipunan.
 
  Samakatwid, sa pananaw ni Constantino at ng iba nasyonalista, walang saysay
ang anumang programang pang-edukasyon kung hindi nito isinasaalang-alang
ang kaunlaran ng ng mga mamamayan ng bansa.

Nilinaw sa “Discussion Paper” ng DepEd ang isa sa mga pangunahing Dahilan


ng Pagpapatupad ng K to 12:
  “Ang ikli ng edukasyong primary ay isang disabentahe para sa milyon-milyong
overseas Filipino Workers (OFW’s), lalo na yaong mga propesyonal at mga
nagnanais mag-aral sa ibang bansa.

Mga Alternatibo sa K to 12

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
  Ngayong malinaw nang ang K to 12 ay hindi isang nasyonalistang programang
pang-edukasyon nagsasaalang-alang sa pangangailangan ng bansa at ng mga
mamamayan, iminumungkahi ang agad na pagpapahinto ng implementasyon ng
K to 12 maliban sa implementasyon ng kindergarten at ng mga reporma sa
kurikulum sa Grades 7 to 10.
  Mahalaga rin ang karagdagang puhunan sa antas tersyarya, lalo na sa larangan
ng research and development (R&D).

ANG PANTAWANG PANANAW SA PANANALIKSIK


SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG MULA PUSONG HANGGANG
IMPERSONASYON
(NUNCIO 2002)
  Mariing pinahahalagahan ang kakayahan ng tawa upang pagaanin at pasayahin
ang kalagayan ng buhay ng tao. Sa tawa lamang, 'ika nga, may redempsyon
mula sa problemang kinahaharap ng sinuman. Sa ngiti, hagikhik, o halakhak
naibubulalas ang tanging paggapi sa kalungkutan. Sa tawa nagkakaroon ng
pagtudling sa sakit at pag-ahon upang purgahin ang emosyon ng tao mula sa
kabigatan ng saloobin o damdamin. Di nga ba't tinaguriang isang therapyang
pagtawa? Laughter is the best medicine and humor is the spice of life (Batacan
1966).
  Kung susuriin nang mabuti ang tawa ay isang mekanismo ng damdamin na
nagbibigay-laman sa puwang 0 guwang sa damdamin ng isang malungkuting tao
0 di kaya'y yaong naghahanap lamang ng kasiyahan sa buhay. Kung kaya't,
mahihinuha sa sikolohiya ng tao ang pag-imbento niya ng mga kaparaanang
magpapaaliw sa kanya. Dapat may bagay na pinagmumulan ng aliw, may mga
persona 0 maskara na nagtatanghal at may mga pangyayaring nagiging
tampulan ng kasiyahan. Ito ang nagging dahilan marahil kung bakit naging
tanyag ang matsing sa mga kuwentongbayan at ilang pabula na kinawiwilihan sa
bayan-bayan. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng payaso, pusong, kengkoy,
aktor sa entablado o saan man ay naging popular sa pagbibigay-kasiyahan. Ang
eksenang nadulas, nadapa, nahulugan ng mabigat na bagay, at marami pang
iba ay mga pangyayaring nagdudulot ng katawa-tawang reaksyon sa iba.

  Maging ang paghahalo ng imahinasyon at libido ng tao upang kilitiin ang sexual
na sensibilidad ay nagiging katawa-tawa rin; ito ang tinaguriang green jokes o
toilet humor. Maaaring may nakaligtaang isama sa ganitong paggalugad sa
penomenon ng tawa subalit ang kalikasan at kakayahan ng tawa upang
magbigay ng aliw ay isang malawak na sakop ng sikolohiya. Ang mga
halimbawa sa itaas ay mahalagang mabanggit upang bigyan ng pagtatasa o
kaibahan sa isang uri ng tawa o pagpapatawa na nakaangkla hindi lamang sa
damdamin o emosyon ngunit maging sa kamalayang Pilipino.

Elemento ng Pantawang Pananaw (Nuncio, 2002)

1. Midyum. Ito ay daluyan kung saan nagiging laganap o natatangi ang


pantawang
pananaw. Saklaw nito ang oral na tradisyon, panitikan, dula, tanghalan at mass
media. Kasama rin dito ang lugar at midyum tulad halimbawa ng entablado,

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
kalye
radyo, at telebisyon. kalye,

2. Konteksto. Binubuo ito ng mga isyung panlipunan na tumatalakay sa


kalagayang panlipunan, pampolitika at pang-ekonomiya ng bansa.

3. Nilalaman o Anyo. Saklaw ng elementong ito ang mga kuwentong bayan,


saynete, drama, bodabil, dulang panradyo at impersonasyon bilang mga palabas
sa telebisyon.

4. Aktor. Ito ay ukol sa nagsisiganap katulad ng pusong (mula sa pangalan ng


pangunahing tauhan ng kuwentong bayan ng mga Filipino na Juan Pusong),
aktor,
komedyante at impersoneytor.

5. Manonood. Sila ang nagsisilbing kapwa manunuri sapagkat nakapagbibigay


sila ng kritikang batay sa kanilang karanasang panlipunan.

Katangian ng Pantawang Pananaw

1. Isang pagbasang kritikal. Ang pagbasa ay hindi lamang upang maaliw kundi
tumatagos sa kamalayan at kaisipang Flipino.

2. Subiective na pagbasa sa imahen at katawan. Nilalayon ng pagbasa na


wasakin ang imahen ng kapangyarihan bilang kahinaan o ang kapangvarihan
bilang imahen ng kawalang kapangyarihan. Ito ay pagbasa upang tuligsain o
tanungin ang mga may kapangyarihan at ang kalagayang panlipunan o politika
ng bansa bilang tuon(object o ayon) ng tawa at pagtuligsa.

3. May kasaysayan. Ang pantawang pananaw na pagtatanong o pagtuligsa sa


may imahen o katawan ng kolonyalismo o komersyalismo ay, nakapagpapabago
ng kahulugan ng karanasan.

4. Intersubiective. Kailangan sa pantawang pananaw ang kapwa mambabasa na


siyang magiging kapwa manunuri. Kailangang tuloy-tuloy na may mga
mambabasa o manonood na nakapagbibigay ng panunuring nakabatay sa
konteksto ng lipunan.

5. Intertekstwal at repleksibo. Ang mga teksto mula sa alinmang diskurso ay


konteksto ng lipunan. Kailangang bukas sa interpretasyon upang matutuhan ang
mga mensahe ng mga ito. Masasabing saklaw ng pantawang pananaw ang
panunuri sa mga oral na tradisyon tulad ng kuwentong bayan hanggang sa
kulturang popular tulad ng mga komiks. Dagdag pang paliwanag ni Nuncio
(2002), ang intertekstwalidad sa pagdulog ng pantawang pananaw ay
masasabing paglulugar at paglilinang sa ugnayan ng may kapangyarihan sa
karanasan, kaalaman, diwa, at katauhan ng mga gumaganap upang
maisakonteksto ang isinasagawang pag-aaral.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
Mahihinuhang ang konsepto ng pantawang pananaw ay hindi bagong-
bago
sa mga manunuri. Bagamat ito ay katutubong-katutubo ang dating sa pandinig.
Ito ay malikhaing pagtanggap ng konsepto ng satirikal na kritisismo. Mayroon
itong hawig na layuning paghaluin ang pagpapatawa sa panunuri sa hangaring
makapagturo at makapagpabuti ng kalagayan ng sangkatauhan. Bagamat
masasabing ang pantawang pananaw ay higit na nailapit at naiangkop sa natural
na katangian ng damdamin (likas na palatawa o masayahin) at sa kamalayan at
kaisipan ng mga Fiipino (sa kanılang panlipunang karanasan). Sa rebyung
isinagawa ni Rodriguez-Tatel (2015), sinang- ayunan niyang nilikha ang
pantawang pananaw bilang gabay konseptwal
sa pagtatanghal ng karanasan at katuturan ng tawa bilang kritisismo- isang
pagtuligsa sakapangyarihan at kaayusan sa lipunan.

ANG PANTAYONG PANANAW SA PANANALIKSIK

Kahulugan at palabuoan ng Salitang Pantayong Pananaw


Sa payak at tiyak na kahulugan, magkasamang pagtingin o persepyon ng
dalawang tao o pangkat ukol sa mga bagay-bagay ang pantayong pananaw. Ang
“pantayo”mula sa salitang pantayong pananaw mula sa salitang-ugat na tayo, salin sa
wikang Ingles na katumbas ng we o us at panlaping pang. Ito ay isang panghalip panao
na nasa unang panauhan. Ito ay nangangahulugan ng pagiging kolektibo o pangkat-
pangmaramihan. Sa kaisipang ito, kapwa tagapagsalita at tagapakinig ang sangkot sa
pakikipagtalastasan. Samantala, isang paningin o persepsyon naman ng isang bagay,
tao,lugar o kaisipan ang kahulugan ng “pananaw”. kung kaya, parehong nauunawaan
ito bilang paningin ng dalawa o higit pang katao na nagtatalastasan. Nag-aadhika ito ng
iang nagsasariling diskurso ng mga Filipino gamit ang wikang pambansa para sa
kasaysayan at agham panlipunan.

Larangang Kinabibilangan ng pantayong Pananaw


Nabibilang sa larangan ng Araling Panlipunan ang panyaong pananaw. kasama
ito ng kasaysayan kung saan inilalarawan sa nasabing larangan ang isang malawak na
pag-aaral sa iba’t ibang disiplinang kinasangkutan ng nakaraan at kasalukuyang
pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao.

Pagkakaugnay ng Pantayong Pananaw sa Kasaysayan


Sa pag-aaral ng mga tao sa loob ng lipunan ay hindi maiwasan na
mapag-uusapan ang kasaysayan. Ang kasaysayan ayon kay De Leon (2015) ay isa sa
pinakamatandang sangay ng pag-aaral sa larangang Agham Panlipunan. Sa larangan
ng kasaysayan, kinikilala si Herodutus bilang "Ama ng Kasaysayan". Isa siya sa
nagbigay ng paliwanag sa ugnayan ng pantayong pananaw at kasaysayan. Kilala siya
sa pagsulat ng mga nakaraang pangyayari. Gumamit siya ng masusing pag-aaral
pananaliksik at mga ebidensyang susuporta sa kaniyang mga kuwento sa pagsulat nito

Ganito ang pag-uugnayan ng pantayong pananaw at kasaysayan: kung


susurin, ang kasaysayan ay isang sistematikong pag-aaral ng mga nakaraang
pangyayari upang maunawaan ang kasalukuyan at mapaghandaan ang hinaharap.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
Kung hindi alam ng isang mamamayan ang kasaysayan ng kaniyang bansa, siya ay
maaaring masabi na banyaga sa kaniyang sariling kinamulatang lugar. Kung gayon ay
maituturing siyang hindi mapagpahalaga sa bayan. Kung wala siyang pagpapahalaga
paano siya makikipamuhay sa kaniyang kapwa? Upang maipakita ang pagpapahalaga
sa sariling bansa, unang aalamin ang lawak ng kalooban gayundin sa nakatingin sa
kaniyang kalooban. Ang dahilan nito ay dahil dito magkakaroon ng higit na pag-unawa
sa bansa kung susuriin at ilalapat ang nasa ng kalooban sa realidad ng pamayanang
bumubuo rito. Ito ang magiging salamin sa kaugnayan ng pantayong pananaw sa
asaysayan na kabilang sa Araling Panlipunan.
Ayon kay Salazar na batay sa pahayag ni Chua (2018), "bagama't
magkatumbas, hindi magkasingkahulugan ang salitang kasaysayan at history. Kung
ang 'history' ay 'written record', ang salitang ugat naman ng 'kasaysayan' ay 'saysay' na
dalawa ang kahulugan: 'isang salaysay o kuwento' at kahulugan, katuturan, kabuluhan
at kahalagahan'. Samakatuwid, ang "kasaysayan ay 'mga salaysay na may saysay' Sa
pagsasalin sa Filipino ng salitang Ingles ng "history", agad na maibibigay ang salitang
kasaysayan' at hindi ang 'historya'. Dahilan nito ang pagkakaroon natin ng kabatiran na
ang kasaysayan ay larangang naging imbakan nating mga Filipino sa mga nakaraang
pangyayari na ating binibigyan ng halaga at pagpapahalagang tumatatak sa ating
kalinangan noon, magpahanggang ngayon at naghahangad ng magpakailanman.

Proponent ng Pantayong Pananaw


Si Dr. Zeus Salazar ag proponent ng pantayong pananaw Tinagurian siyang
“Ama ng Pantayong Pananaw” Isa rin siyang manaysay at antroplogo.
Ayon kay Chua(2018), ang pinakamalaking ambag niya sa larangan ng Agham
Panlipunan ang paggiit ng kahulugan ng kasaysayan na nagmula sa “saysay” nito sa
perpektibong Filipino sa kasaysayan na naiintindihan ng mas maraming Filipino, ang
“pantayong pananaw”.

Diwa ng Pantayong Pananaw

 Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at


pag-uugnay ng mga katangian, halagahan, kaalaman, karunungan, hangarin,
kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuoang pangkalinangan na
nababalot at naipapahayag sa pamamagitan ng wika. (Navarro, et al. 2000)
 Pagkilala sa kabuuan(collectiveness) at kakanyahan (individuality) ng bawat
grupo
 Nararapat na suriin ang kasasayan mula sa Pantayong pananaw sa halip na
pankami
 Pagkilala sa kasaysayan sa obhektibong paraan sa pamamagitan ng kilala nito
mula sa loob at hindi mula sa labas.
 Pag gamit ng sariling pag intindi ng kasaysayan mula sa panloob na konteksto at
hindi batay lamang sa kung ano ang sinabi ng iba
 Sa pantayong pananaw ay ninais na mapalitang ang kolonyal na mentalidad ng
mga akademiko na nasanay nang tumingin sa kasaysay ng kanilang sariling
bansa mula sa lenteng banyaga
 Nasasabi lamang na nakakabagot ang kasaysayang Filipino ay dahil ito ay
karaniwang naisulat ng may Pangkaming Pananaw (outsider perspective)
bagkus maraming kakulangan sa mga eto pagkat ang naitatala lang ay iyong
mga bagay na para sa kanila ay may halaga.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
 Ang mga unang akademikong Pilipino na nag aral mula sa mga batis na ito ay
nagkaroon ng di pantay na pananaw sa sariling lipunan dahil dito na siya
namang naipasa sa mga sumunod na henerasyon.
 Kailangan magkaroon ng kamalayan ang mga Filipino sa kanilang sariling
kultura upang sila’y hindi maliitin ng ibang kultura.
 Kailangan nating tanggalin sa ating isipan na ang mga mabubuting bagay na
meron tayo ay utang nating lahat sa mga banyaga.
 Nararapat na pag-aralan ang ugat at mga kalagayan ng Pilipinas ng mga
Filipino.
 “Tayong mga Filipino”
 Ayon kay Chua, “Sa matagal na panahon, sinasabing “boring” ang pag-aaral ng
nakaraan sa Filipinas. Walang talab sa puso ng marami. Sa aking palagay, ito ay
sapagkat sa matagal na panahon, ang kaunlaraning pakahulugan sa “history”
ang iginiit.

Pantayong Pananaw sa Larangan ng Wikang Filipino


 Sa Pantayong Pananaw ang pagkwekwento ay nasa wikang naiintindihan ng
halos lahat ng Pilipino. Sa panahong ito iyon ay ang wikang Filipino.
 Kailangan sa pagkakaisa at pagkakabuklod buklod ng mga Pilipino ay mga
sagisag na nagpapahayag ng kabuuan nito gaya ng wika.
 Higit na magagamit ng mga mamayang Filipino ang wikang Pambansang
Filipino upang maintindihan ang pansariling mga sitwasyon o pangyayari

Kahalagahan ng Pantayong Pananaw sa Realidad ng Lipunang Filipino


1. Nagagamit sa pagpapaliwanag sa mga hindi pa lubos pang nakikilalang sektor o
pangkat ng lipunan
2. Nagagamit sa pag-aaral ng mga kababaihan tiyak na sa matahimik na ambag at
epekto ng mga kababaihan sa sosyal, political, ekonomiko at historikal na pag
unlad ng bansa.
3. Nagbibigay ng boses sa mga hindi makapahayag
4. Nakatutulong para maiwasto ang mga maling pagkakaintindi sa mga kultura ng
nakaraan sa isang sibilisasyon at sabay na ginagamit.
5. Nakatutulong para sa ikauunlad ng pinagsama-samang kultura sa ikabubuti at
katiwasayan ng pamayanan.

SUBUKIN

Tukuyin ang kahingian ng sumusund na pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.


____________________1. Larangan ito na kinabibilangan ng “Pantayong pananaw”.
____________________2. Proponent siya ng “pantayong pananaw’.
____________________3. Kaugnay ag wikang ito sa “pantayong pananaw” bilang
kasangkapan ng mga Filipino na nakipagtalastasan sa loob ng kanilang pangkat.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
_____________________4. Tumutukoy ito sa paningin ng tao ukol sa mga bagay,
kaisipan o usapin.
_____________________5. Panghalip panaong nasa unang panauhan sa
nangangahulugang “we” o “us” sa Ingles.
_____________________6. Salitang-ugat ito ng larangang kasaysayan.
_____________________7. Tinugurian siyang ‘Ama ng Kasaysayan”.
_____________________8. Isa itong sistematikong pag-aaral ng mga nakalipas na
pangyayari upang maunawaan ang ating kasalukuyan at mapaghandaan
_____________________9. Siya nagpahayag na , Sa matagal na panahon, sinasabing
“boring” ang pag-aaral ng nakaraan sa Filipinas. Walang talaba sa puso ng marami. Sa
aking palagay ito ay sapagkat sa matagal na panahon, ang kanluraning pakahulugan
sa “history” ang iginiit.
_____________________10. Pagkilala ito ng kultura at kasaysayang Filipino na
nasasalig sa tuong-panloob na pagkakaugnay-ugnay ng katangian, kahalagahan,
kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang
kabuuoang kalinangan.

TUKLASIN

Panuto: sagutin sa loob ng 2-3 pangungusap ang mga katanungan.


1. Bakit nahuhumaling sa mga banyagang kultura ang ilan sa mga mamamayang
Filipino?
2. Bakt “baduy” ang panlasa ng karamihan sa mga kabataang Filipio sa mga awiting
Filipino?
3. Bakit nahihirapan ang mga guro sa Filipino na ipaunawa sa mga estudyante na
gamitin at pahalagahan ang wikang Filipino?
4. Paano ba maniniwalang nararapat na panatilihin ng mga Filipino ang kamalayan sa
kulturang Filipino?
5. Ano ang iyong reaksyon kung sasabihan kang hindi ka nagmahal sa ating bayang
Filipinas dahil higit mong ginagamit ang wikang Ingles?

PAGBAKLAS/PAGBAGTAS
Sa aklat ni Tolentino (2009) ay tinutukoy ang mga konseptong pagbaklas at
pagbagtas (kasama ang pag-aklas) bilang mga politikal na kritisismong pampanitikan.
Sa mga kabanata ng kaniyang aklat, naglahad siya ng tatlong hakbang sa
pagsasagawa ng pagsusuri: ang pag-aklas bilang impetus sa panunuring historikal at

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
panlipunan na susing kawing ang panitlkan at ang pagbaklas at ang pagbagtas. Ang
pangalawa at pangatlong hakbang ang siyang magiging tuon ng araling ito.
Pagtutuonan ng pansin ang uri ng pananaliksik kung saan ay gagamitin ang mga
konsepto ng panunuring pampanitikan partikular ang politikal na panunuri.
Ang kritisismong pampanitikan o panunuring pampanitikan ay mauuri bilang
isang tekstwal na pananaliksik. Bilang isang tekstwal na pananaliksik, tumutukoy ito
sa pag-aaral at pagsusurí ng teksto o diskurso ayon sa interpretasyon ng mambabasa
o batay sa teoryang gagamitin ng mambabasa.

Sa pagtalakay ni Gillespie (2010), ang politikal na panunuring pampanitikan


ay naglalayong maglahad ng mga karaingan ng lipunan. Nagtatangka rin itong
mapagbuti ang sosyal at politikal na kalagayan ng lipunan. Itinuturing ng mga
pagtaguyod ng teoryang ito ang mga akdang pampanitikan bilang kultural na
sandata para sa katarungang panlipunan.
Sa katanuyan, nakapasok na ang mga isyung political sa panitikan simula pa
noong nag-umpisang magsulat ang tao. Mababakas ang mga ito sa pinakadakilang
sinaunang mga tekstong panitikan mula sa mga epiko ni Homer hanggang sa Banal a
Kasulatan o Bibliya. Sa paggamit ng teoryang ito, nakasentro ang pagbasa at pagsusuri
sa mga tiyak na katangian ng mga akdang kakikitaan ng political na pagpapahayag at
aktibismo.
Politikal na katangian ng mga Akda
1. Natural na katangian nitong mapaghimagsik o rebolusyonaryo.
2. Panitikan bilang tinig ng mg awalang tinig.
3. Politikal na panitikan bilang pantayo at pangunahing saksi sa pang-aapi o
pagmamalupit.
Ang mga Konsepto ng pagbaklas at Pagbagtas
Sa konteksto ng pagsasakatutubo ng teorya, pumapasok ang konsepto ng pagbaklas at
pagbagtas bilang mga lapit (approach) na magagamit sa panunuing politikal sa mga
akdang pampanitikan.
Ang politikal na panunuring pampanitikan ay isang pamamaraan ng
pananaliksik na hindi masasabing nagmula sa atin bagamat maaaring magamit sa pag-
aaral ng mga akdang panitikang Filipino. Gayunpaman, tungkulin ng bawat maka
Filipinong iskolar na linangin ang "indihenisasyon" (indigination) ng teoryang ito.
Nilalayon ito upang ganap na maiangkop sa pagsasagawa ng mga panunuri ng
mga political na akdang nilikha sa inspirasyong mula sa lipunan at karanasan ng mga
Filipino. Sa mga pagkakataong ito, nabuo ang mga konsepto ng pagbaklas at
pagbagtas.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
Ang pagbaklas ay nangangahulugang pagbuwag. Sa paggamit nito pagsusuri ng
mga akdang politikal,kailangan muna nitong baguhin ang nakagawian at
establisadong pagtingin ng panunuring nakatuon lamang sa anyo at kasiningan ng
akda. Ito ay walang iba kundi ang pormalistiko at makasentrong-sining na panunuri.
Ang mga manunuring nakatali sa nakagawiang teoryang ito ay tumitingin lamang sa
anyo at mga wika ng panitikang ginamit sa akda. Maingat at isa-isa nilang sinusuri ang
bawat elementong bumubuo sa akda. Kasama sa mga elemento ang estrukura o
sintaks ng wika, ritmo o pagtutugma-tugma ng mga salita, mga tayutay at simoo"
oinamit sa akda. Naniniwala ang mga pormalistikong manunuri na ang maingat na
pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay ng mga elementong ito ay siyang makakapagbigay
ng ganap na kahulugan ng buong teksto. Dahil sa mahigpit na paniniwalang ito, ang
mga mahahalagang isyung pilosopikal, sikolohikal, sosyolohikal, moral at politikal na
nakapaloob sa mga akda ay naisasantabi (Gillespie, 2010). Namayagpag ang teoryang
ito ng pagsusuri sa matagal na panahon. Sa katunayan, sa mga pag-aaral ng panitikan
sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Filipinas, ito na ang nangingibabaw na tradisyon
ng pagsusuri. Ang tradisyong ito ay kailangan munang mabuwag o mabaklas. Kapag
nabuwag ang tradisyong ito ng panunuri, maisasagawa na ang pagbagtas. Sa
bahaging ito, magkakaroon ng malayang pagsusuri sa panitikang pangunahing
nagsasaalang-alang ng makauring panunuri. Sa pagkakataong ito, makakabuo ang
manunuri ng isang mapagpalayang pagdalumat. Sa mapagpalayang pagdalumat,
maipakikita ng manunuri ang kaniyang malinaw na posisyon sa mga usaping
panlipunan at politikal
mula sa mga akda, magagawa niya ito kung mapapalitaw niya sa kaniyang pagsusuri
ang magkakakawig na usaping politikal at panlipunan na may kaugnayan sa buhay ng
nga tao. Sa paraang ito, napapalakas ang potensyal na kaisipang politkal ng mga akda.
Ang Isang akdang may kaisipang politikal ay may kakayahang makapagpabago sa mga
lahat ng uri ng operasyon. Makakapagdulot ito sa mambabasa upang kumilos
para sa pagbabago ng lipunan. Ito ang sinasabi ni Gillespie (2010) na
nararapat maging layunin sa pagsulat at pagsusuri ng mga alagad ng panitikan at
kritiko.

SUBUKIN

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang pahayag sa bawat aytem. Isulat ang
titik ng iyong tamang sagot sa nakalaang patlang.

_____1. Sa aklat ni Tolentino, ang mga pamaraang pagbaklas at pagbagtas ay ginagamit sa


____________ na pagsusuri ng panitikan.

a. pormalistiko b. political

c. pilosopikal d. makasentrong-sining

____2. Ang panunuring pampanitikan ay isang uri ng ________________na pananaliksik.

a. eksperimental b. tekstwal

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
c. kaso d. makasentrong-sining

____3. Ang pagsusuri ng isang akda o teksto ay nakabatay sa ____________ -ng/g gagamitin
ng mambabasa.

a. teorya b. kaisipan

c. idea d. kaalaman

____4. Ang pagbaklas ay nangangahulugang __________________sa nakagawain at


establisadong lente ng panunuri ng akda.

a. pagbuo b. pag-ayon

c. pagbuwag d. pagtuligsa

____5. Ang ______________ ay tumutukoy sa magpalayang pagdalumat sa panitikang


pangunahing nagsasaalang-alang ng makauring panunuri.

a. panunuring pampanitikan b. kritisismong panitikan

c. pagbaklas d. pagbagtas

____6.Isasagawa ang pagbaklas bilang hakbang ng panunuring panitikan para sa layuning


_____________.

a. linangin ang mga nakagawiang paraan ng pagsusuri ng kada

b. tuligsain ang mga tradisyunal na mga manunuri ng akda.

c. buwagin ang nakagawiang paraan ng pagsusuri ng akda

d. tuklasin ang kagandahan ng anyo at wikang ginamit sa akda

____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI umaayoon sa idea ng pagbaklas?

a. Himay-himay ang anyo at mga elementong bumubuo sa akda

b. Isa-isang palitawin sa pagsusuri ang mga usaping panlipunan at pampolitika na

umiiral at patuloy na umiiral.

c. Makabuo ng sariling dalumat sa mga political na diskurso ng may-akda

d. Makagawa ng makaagham na pagsasalaysay sa mga akda o tekstong political.

____8. Para sa mga political na manunulat at manunuri o kritiko, pangunahing layunin ng


akdang panitikan ang makapagbibigay ng aliw sa mga mambabasa. Ang pahayag na ito
ay____.

a. laging tama c. maaring tama, maaaring mali

c. minsan tama d. mali

____9. Alin sa mga sumusunod ang nararapat palitawin ng manunuri ng akda upang maipakita
kung ito ay may potensyal na political.

a. May natural na katangiang mapaghimagsik at rebolusyunaryo ang akda.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
b. Nagsisilbing tinig ang akda ng mga mamamayang hindi maaaring ang mga hinaing.

c. Nagsasalaysay ng akda ng mga operasyong nagaganap sa lipunan

d. Lahat ng nabanggit

____10. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pangunahing layunin ng pagbagtas na


hakbang ng panunuri ng akda?

a. Makabuo ang manunulat ng isang mapagpalayang pagdalumat mula sa akda

b. Makapag-udyok sa mga mamamayang maging mapanuri

c. Makaimpluwensiya ng mga mamayang maging mapaghimagsik

d. Makakuha ng suporta mula sa kapwa manunuri.

BUKOD-BUKOD-BUKOD

Ang  malling sa Filipinas ay isa sa mga umuusbong na kulturang popular. Ito ay


maituturing na isang batang penomenon pa lamang. Kung sa ibang bansa,
mamamatay na ito , sa Filipinas, buhay na buhay. Isa ito sa mga pernomenon ng
bansa
na pinag-aaralan at sinisipat sa tanglaw ng dalumat ng "bukod-bakod-buklod".
Upang higit na maunawaan ang pananaw na ito, maiging pag-usapan ito bilang
isang kulturang popular. Ang kulturang popular ay ang kulturang umuusbong
sa makabagong panahon at tinatangkilik ng masa. Saklaw nito ang anumang
produktong materyal at di-materyal. Maiuugnay rin ito sa anumang produktong
tinatangkilik bilang isang pangangailangan (commodity) ngunit pinagkakakitaan kaya
maituring ring bunsod ng kapitalismo. Kung gayon, ang puno't dulo ng kulturang
popular ay ang pagkonsumo. Walang produkto ang kulturang popular na mula sa
popular na awitin, kultura ng cyber, isports (lalo na ang basketbol at footbal), fashion at
iba pang uso, patalastas, at palabas sa telebisyon na hindi kinokonsumo. Bagamat
maraming subhektibong pananaw ukol sa kulturang popular, marami namang teorya
ng nabuo upang magpaliwanag nito.
Bukod
  kadalasan ang ibig-sabihin ay ihiwalay tulad ng simpleng pagsabi ng “ibuklod mo
ang mga puti sa may kulay” o “Ibuklod mo ang mga lalaki sa babae”
Bakod
• karaniwang iniuugnay sa salitang pader at nagpapahayag ng pagiging sarado.
Ito ay naririnig natin sa ganitong paraan, “mataas ang bakod ng kanilang bahay.”
Buklod
• ito ay may kahulugang pamigkis na nangangahulugang pagkakasama o pakiki-
isa na naririnig nating “ito ang wikang magbubuklod ng bansa.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
Malling
• “Ang malling ay nagsaad ng paghihiwaly, pagsasara at pagkakaisa.”
Samatkatuwid, sa isang bansang pagtingin, ang malling sa bansa ay maaaring
progresibo, maaari namang reduksyon. Kaya naaangkop lamang ang pagsipat ng
malling sa tanglaw ng bukod-bakod-buklod.
Bukod, Bakod at Buklod sa salitang “malling”
• Ang malling ay isang salitang bukod dahil sa konteksto nitong nilalaman. Sa
unang rinig pa lang sa salitang mall ay marami ng iba-ibang salitang nakaugnay
dito. Tulad ng mga kainan, hardware, klinika, department store, bilihan ng damit,
sapatos at iba pa.
• itsura pa lang ng isang mall ay nagpapahiwatig na ito ng isang saradong lugar.
Ngunit pati sa loob nito ay isang malaking lugar ng mga bakod. Maraming iba-
ibang maaring mapuntahan kung saan kaunti lamang ang nakakapasok sa
bakod na ito. Ang mga high class na tao na lamang ang may kakayahang
magtagal sa kahariang bukas sa lahat ngunit hindi para sa marami.
• Gayunpaman, ang pagiging maka – isa ng mga mamamayan ay naipapakita sa
mall lalo na kapag ito ay patungkol sa mga gawaing makabayan o hindi kaya
nakaka-aliw tulad na lamang ng panonood ng basketball o hindi kaya ay ang pag
atenda ng samba sa loob ng mall

ISAGAWA

Magsaliksik at gumawa ng sariling pagsipat alinman sa mga paksang ukol


sa kulturang popular. Ilapat ang source o citation kung kinakailangan.

a. Popular na awitin
b. Korean Culture
c. Reality shows
d. Latest Fashion
e. Korean Nobela
f. Isports (basketball, football o iba pang dayuhang laro)

Pamantayan Napakahusay(10 Mahusay (7-4) Di-Gaanong Puntos


-8) Mahusay 3-1
Nilalaman Napakaangkop Angkop ang Hindi gaanong
ang paksa, paksa, sapat at angkop ang
napakasapat at balido ang mga paksa, kulang ang
napakabalido ng impormasyon mga impormasyon
mga

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
impormasyon
Organisasyon Napakabisa at Mabisa at maayos Hindi gaanong
napakaayos ang ang angkop ang mga
pagkakasunod- pagkakasunod- idea.
sunod ng mga sunod ng mga Nangangailangan
ideya. May idea. Mahusay pa ng
napakahusay na ang pagsasaayos ang
pagbalangkas ng pagkakabalangka balangkas ng idea
idea s ng mga idea
Ebidensya ng Higit sa tatlong Tatlong Hindi umabot sa
Pananaliksik materyal ang sanggunian tatlong
sinanguni. May lamang ang sanggunian at
baryasyonnang ginamit. May walang baryasyon
mga sanggunian baryasyon ang ang sanggunian
sanggunian.
Teknikalidad Sinunod ang Sinunod ang Hindi sumunod sa
format. Naipasa format ngunit may format. Naipasa 4
sa petsa na mga bahaging di- araw o mahigit
napagkasunduan nasunod. Naipasa pagkatapos ng
1-3 araw napagkasunduang
pagkatapos ng petsa.
petsang
napagkasunduan
Kabuoan

ISAISIP

 Ang pantawang pananaw ay isang gabay konseptwal sa pagtatanghal


ng karanasan at kaluluwa ng tawa bilang krisismo-isang pagtuligsa sa
kapangyarihan at kaayusan sa lipunan.
 Pagbaklas at pagbagtas bilang mga hakbang sa pagsasagawa ng
political na pagsusuri ng panitikan . Ang panunuri o kritisismong
pampanitikan ay isang uri ng tekstwal na pananaliksik. Tumutukoy ito sa
pag-aaral at pagsusuri ng teksto o diskurso ayon sa interpretasyon ng
mambabasa o batay sa teoryang gagamitin ng mambabasa. Bilang
hakbang sa pagsusuri, ang pagbaklas ay pagbuway sa naunang
Course Code: Fil 102
pormalistiko at makasentrong sining sa panunuring pampanitikan; at ang
Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA pagbagtas ay ang mapagpalayang pagdalumat sa panitikan-
pangunahing nagsaalang-alang ng makauring panunuri.
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

Talasanggunian
1. Martinez, Maria Cristalyn et.al, 2019. Filipino sa Iba’t ibang Disiplina.Plaridel,
Bulacan: St. Andrew Publishing House

2. https://www.coursehero.com/file/57411550/Yunit-3-batayang-kaalaman-sa-mga-
teoryapptx/

3.https://www.coursehero.com/u/file/67085171/MGA-BATAYANG-KAALAMAN-SA-
MGA-TEORYA-SA-PANANALIKSIK-2019pptx/#question

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA

You might also like