You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

Laguna State Polytechnic University


ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

LSPU Self-paced Learning Module (SLM)


Kurso o Sabjek FILDIS (Filipino sa Iba’t ibang Disiplina)
Semestre/Taong Panuruan Ikalawang Semestre/2020 – 2021
Bilang ng Modyul Ikatlo (3)
METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO:
Pamagat ng Aralin
GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG
Linggong Sakop Ikaapat hanggang Ikaanim (4 – 6)
Petsa Abril 5 – Abril 23
Ang wika gayundin ang kultura ay nagsisilbing hininga ng tao, kung wala ang
mga ito ay maaari silang mamatay o kaya’y humantong sa hidwaan at
digmaan buhat sa hindi pagkakaunawaan. Tatalakayin sa modyul na ito ang
mga tiyak na gamit at/o tungkulin ng wika ayon sa mga linggwista. Sa
pamamagitan nito ay mapalulutang ang kahalagan ng wika sa ano mang
Deskripsyon ng Aralin sector o aspeto. Gayundin, bibigyang-pansin sa araling ito ang ugnayan sa
pagitan ng wika, kultura, at politika. Tutukuyin kung saan at paano ginagamit
ang wika sa proseso ng halalan at panahon ng panunungkulan ng mga
politiko sa gobyerno. At panghuli, bibigyang-linaw ang pagtatakda ng isang
wikang pambansa sa Pilipinas, paggamit ng mga diyalekto sa pamayanan at
paaralan, pagkakaroon ng iisang tinig at wika, at pagkamit ng kalayaan sa
gitna ng digmaang pangwika.

Lilinanging Kasanayan

Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhan at malinang ang mga


sumusunod na kasanayan:
Kaalaman
1. Matukoy ang mga terminolohiyang gamit sa pananaliksik.
2. Magamit ang wika sa wastong pagpapahayag sa paraang pasulat at
pasalita na may kaugnayan sa kultura, kamalayang pampolitika ng bansa.
Kasanayan
1. Makapagsagawa ng masusi at mapanuring pananaliksik gamit ang
Inaasahang Matutuhan kaalamang pangwika.
2. Makabubuo ng isang analitikal at kritikal na pagsulat gamit ang Filipino at
isang larang na may kaugyanan sa wika.
Halagahan
1. Mapahahalagahan ang sariling wika bilang tatak ng pagkakakilanlan ng
isang bansang malaya.
2. Maisasaalang-alang ang kahulugan, katangian at layunin ng akademikong
pananaliksik sa nagbabagong panahon.
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matukoy ang iba’t ibang katawagan o termino para sa mga gamit ng wika
na ibinigay ng tatlong linggwistang tinukoy sa aralin;
Tiyak na Layunin 2. Makasulat ng isang komprehensibong reaksyong papel hinggil sa
pagkakaroon ng iisang tinig tungo sa pagtatamo ng kalayaang pangwika; at
3. Mataya at masukat ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral hinggil sa
mga paksang saklaw ng unang kabanata o yunit.

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Sipatin ang Angkop na Dulog

A. Pagkakaroon ng online na talakayan sa pamamagitan ng Google Meet


1. Ang bawat mag-aaral ay lalahok sa talakayan hinggil sa “Metamorposis ng Wikang
Filipino: Gampanin ng Wika sa Pagpapahayag” na tatagal nang isang (1) oras. Upang
makalahok, mangyaring sumangguni lamang sa link na ito: ___________________________.
2. Ang online na talakayan ay gaganapin sa ika-____ ng ______________, 2021, mula
ika-___:____ hanggang ika-___:____ ng __________. (Para sa karagdagang impormasyon,
tingnan ang iskedyul at mga tagubilin sa Google Classroom)
Mga Online na
Aktibidad B. Mga Gabay na Tanong at Gawain
(Synchronous) 1. Ano-ano ang mga gamit ng wika ayon kina Halliday, Jakobson, at Robinson?
2. Magsaliksik hinggil sa ugnayan ng wika, kultura, at politika. Sa iyong palagay,
nakakatutulong ba ang wika sa proseso ng pangangampanya o halalan? Magtala ng
ilang tagline na ginamit ng mga politiko noong sila ay nag-asam na maluklok sa
pwesto.
3. Muling pag-aralan ang Bahaging A at B ng Kabanata 1 at maghanda para sa isang
pagtataya o ebalwasyon.

A. Lektyur

KABANATA 1
METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO

B. GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG

a. Gamit ng Wika

Ang mga gamit ng wika ayon kay Michael A.K. Halliday

1. Instrumental – ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari/maganap


Mga Offline na ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ng tagapagsalita
Aktibidad ang kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at
(e-learning/Self- maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit
paced) ng mga salita lamang.
Halimbawa: mga bigkas na ginaganap (performative utterances) –
pagpapangalan/pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya, pagmumungkahi,
panghihikayat, pagbibigay-panuto, pag-uutos, at pagpilit.

2. Regulatory – gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap


(pag-alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba.
Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga
papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang
pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon at di-sumang-
ayon, at pag-alalay at pag-abala (disrupt) sa kilos ng iba. Ito ang gamit ng wika
na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/gawa, pagtatakda ng mga


tuntunin at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, at pagtatalumpati
sa bansa.

3. Representasyonal – gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa


daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga
pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp. May nagaganap na
pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin upang alalayan ang gawi/ ugaling
pangwika kapag may pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging totoong-
totoo at hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay (assumptions)
tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang o pumupuri ang
impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano
mang misrepresentasyon at kalalabisan. Sa mga pagkakataong naiiba
(idiosyncratic view) ang pananaw ng isang tao tungkol sa kung ano ang daigdig;
maaaring ituring na naiiba (peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng
pagkatawan sa daigdig. Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na
henyo/pantas (genius) o nasisiraan ng bait; mapangarapin o di kaya’y
tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba (peculiarities). Maaaring mag-iba-
iba sa iba-ibang panahon ang isipan ng karamihan (consensus) na nagiging
batayan ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan ng pagbabago sa daigdig
(world shifts), patag ang daigdig; maliliit (particles) ng atom, patay ang Diyos;
marumi ang sex, pasalita ang wika, atbp.
Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe,
pagbibigay ng tama/maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag.
Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito.

4. Interaksyonal - (Phatic communion ayon kay Malinowski) gamit ng wika


upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion;
iyong mga di-pinupuna/walang kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na
nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel) ng pakikipagtalastasan kung
kinakailangan. Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa
lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/grupo: salita ng mga
teenager; mga biruan ng pamilya/mag-anak; mga katawagan sa bawat
propesyon (jargon), mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at
panrehiyon, atbp. Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng
gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang mahusay sa iba.
Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali
(good manners), wastong pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga
bagay ayon sa kinagawian (presented way). Madaling makita ang mga paglabag
sa kaugalian, maging malaswang salita (dirty words) sa maling tagpuan o di
pagtayo sa ilang pagkakataon. Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa
sa pagkadulas sa pangyayari.
Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya,
paghihiwalay, pagtanggap, atbp.

5. Personal – gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng
bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May ‘tinig’ o kinalaman

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

ang mga tao sa nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi,
magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung
paano sasabihin ang kanilang sasabihin. Binibigyan din ng wika ang bawat tao
ng paraan ng pagpapahayag ng damdamin maging ito ay sa anyo ng mga
padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan ng maingat na
pagpili ng salita. Maaari ding magkaroon ng pagkukuyom sa sarili o
pagbubulas ng damdamin.
Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng galit,
at paghingi ng paumanhin.

6. Heuristiko – gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman


at pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa
daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang
pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp. Ang
gamit na ito ang batayan ng kaalaman sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng
wika ang tao ng pagkakataong magtanong tungkol sa kalikasan ng daigdig na
pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng sagot. Isang paraan para
ipakilala ang kabataan sa gamit na ito ng wika ang pormal na edukasyon.
Karaniwan nang isang sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang bagay
ang kinalalabasan nito. Kaya isang resultang kailangan sa paglikha ang
simbolismo ng metalanguage – isang wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na
naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog, pantig, kayarian, pagbabago,
pangungusap, atbp.
Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay-konklusyon,
paggawa ng hypothesis, pagbibigay-katuturan, pagsubok/pagtuklas,
pagpapaliwanag, pagpuna, pagsusuri, pagbuo, pag-eeksperimento, pagsang-
ayon, di-pagsang-ayon, pag-uulat, at pagtataya.
Naging institusyon na ang gamit na ito ng wika sa mga kalagayang pang-
edukasyon at sa mga gawaing pangkaalaman ngunit patuloy pang
makapupukaw ng iba-ibang panananaliksik ang mga posibleng paraan ng
pagkaalam sa pamamagitan ng wika at hindi paggamit ng wika. Isa ring
suliranin ay kung pano nabubuo, inaaayos at nililinang ang kaalaman.
Mahalaga ang papel ng wika sa mga pagbabagong nangyayari sa retorika ng
iba-ibang disiplina.

7. Impormatibo – ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay


pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ang impormatibo naman ay may
kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita.
Halimbawa: pagbabalita sa radyo at/o telebisyon.

8. Imahinatibo – gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging


mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap
(utopian visions) sa isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa
kabilang dako. Ito rin ang wikang ginagamit para sa kasiyahan sa paggamit ng
wika bilang tunog; pag-iingay ng sanggol (baby’s babbling), pag-awit ng isang
mang-aawit at ang paglalaro ng malikot na isip ng makata. Mga larong
pangwika, panunukso, panunudyo, pagsasalaysay nang labis. Ilan lamang ito sa

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

mga pagkakataong gamit ng imahinatibo ng wika upang aliwin ang sarili o


ibang tao. Pinahihintulutan din ng gamit na ito ng wika na pansinin di lamang
ang tunay na daigdig kundi pati na ang mga posibleng daigdig at marami pang
imposibleng daigdig. Pinahihintulutan din nito ang paglalagay ng sarili sa
katauhan ng mga nababasa/nakikita sa telebisyon at sine: nakikinig sa radyo,
cd player, MP3 player (vicarious experience). Tinutulungan ding matugunan ang
maraming estetiko at artistikong pangangailangan (urges). Pinahahalagahan
ang gamit na imahinatibo kung nagbubunga ito ng artistikong paglikha ngunit
sa karamihan, nagsisilbi itong isang susi sa mga pagkakataon sa paglikha at
pagtakas sa katotohanang ipinahihintulot nito.

Ang mga gamit ng wika ayon kay Roman Jakobson

1. Pagbibigay ng kuro-kuro (Cognitive/Reperensyal/Pangkaisipan) –


pagpaparating ng mensahe at impormasyon.
2. Paghikayat (Conative) – paghimok at pag-impluwensya sa iba sa
pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap.
3. Paglalahad/Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) – pandamdamin,
pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.
4. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) – pakikipagkapwa-tao
5. Paggamit bilang sanggunian (Metalinggwal) – paglinaw sa mga suliranin
tungkol sa mga layunin (intensyon) ng mga salita at kahulugan.
6. Patalinhaga (Poetic) – patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan.

Ang mga gamit ng wika ayon kay W.P. Robinson

1. Estetiko – paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan.


2. Ludic – pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan,
pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natututuhan ito, sa madaling
salita ay pagbibiro.
3. Pag-alalay sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa-tao – paggamit ng wika
upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita (nangyayari kapag ang
dalawa o higit pang tao ang nagkikita); mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati);
wika bilang kagandahang-asal (kumusta ka?); at pagbati, pasasalamat,
pagpapahayag ng kalungkutan o pakikiramay.
4. Pag-alalay sa iba – paggamit ng wika upang alalayan o impluwensyahan ang
kilos o damdamin ng iba; paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng
tungkulin/obligasyon; at pag-uutos, pakkiiusap, pagpuna, pagpapalakas ng
loob, panghihikayat, pag-aanyaya, pagpapahintulot, panghihiram, at
pagpapatawad.
5. Pag-alalay sa sarili – kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa Sarili”
nang tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating iniisip, pagbibigay ng
opinyon, pangangatwiran, at pagpapaliwanag.

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

6. Pagpapahayag ng sarili – pagpapahayag ng sariling katauhan at damdamin –


tuwiran sa pamamagitan ng pandamdam, paggamit ng mga salita tungkol sa
damdamin at di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig, tunog ng tinig
(voice quality).
7. Pagtatakda sa tungkulin o papel sa lipunan – paggamit ng wika upang
itakda o ipahayag ang kaugnayang pansosyal ng mga tao, mga ginagamit kapag
nakikipag-usap sa isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa iba
(G./Gng./Bb.)

Para sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa aralin, inaatasan ang bawat isa na


basahin at pag-aralan ang kalakip na pdf file na naglalaman ng kaugnay na
lektyur para sa mga paksang “Ugnayan ng Wika, Kultura, at Kamalayan” at
“Ugnayan ng Wika at Politika”.

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

ANG WIKA SA BANSA: MGA TALA AT PAHAYAG

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig.
Maliban sa pambansang wikang Filipino, kasama na ang mahigit sa isandaang
katutubong wika. Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad
ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga
wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga
wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-
watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa Karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang
may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Datapwat mas maraming
wika ang kasapi ng pamilyang ito kumpara sa ibang pamilya ng mga wika, maliliit
lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong
wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at
sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon
ng mga etnikong grupo". Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang
pagiging pluricentric language, o ang wikang may iba't ibang bersyon depende sa lugar
na kung saan ito'y ginagamit. May mga lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi
sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog sa Davao at Cebu, na bumubuo sa
tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang
Maynila.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ang
pinakamalaki at malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon
sa bansa:
Tagalog: Wikang batayan ng Filipino. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa
katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa
buong kapuluan.
Ilokano: Kilala rin sa tawag na "Iloko." Pangunahing wika ng mga naninirahan sa
Hilagang Luzon lalo na sa kabuuan ng Rehiyon I at Rehiyon II, at ilang bahagi ng
Rehiyon III.
Cebuano: Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang "Bisaya." Pangunahing wika
ng lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol, Leyte, Timog Leyte, at malaking bahagi
ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
Hiligaynon: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Ilonggo batay sa
pinakakilalang diyalekto nito mula sa Lungsod ng Iloilo. Pangunahing wika
ng Kanlurang Visayas lalo na sa Iloilo, Capiz, Guimaras, kabuuan ng Negros Occidental,
at sa timog-silangang Mindanao tulad ng Lungsod ng Koronadal.
Waray: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Waray-Waray. Pangunahing wika
ng Silangang Visayas partikular sa buong pulo ng Samar, hilagang-silangang Leyte, at
ilang bahagi ng Biliran. Sinasalita sa Lungsod ng Tacloban.
Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon partikular

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

na sa Pampanga, timog Tarlac, at iilang bahagi ng Bulacan at Bataan.


Bikol: Pangunahing wika (lingua franca) ng mga naninirahan sa Tangway ng Bicol sa
timog-silangang Luzon. Sinasalita sa mga lungsod ng Naga at Legazpi.
Pangasinan: Malimit ding tawagin sa maling pangalan na Panggalatok. Isa sa mga
pangunahing wika ng Lalawigan ng Pangasinan.
Maranao: Isa sa mga pinakamalaking wika ng mga Moro. Pangunahing sinasalita
sa Lungsod ng Marawi at buong Lanao del Sur, at ilang bahagi ng Lanao del Norte.
Maguindanao: Isang pangunahing wika ng mga Moro at ng Autonomous Region of
Muslim Mindanao. Sinasalita sa Lungsod ng Cotabato.
Kinaray-a: Isang wikang Bisaya. Pangunahing sinasalita sa pulo ng Panay partikular
sa Antique at ilang bahagi ng Lalawigan ng Capiz at Iloilo tulad ng Lungsod ng Passi.
Dapat tandaan, ang itinuturing na ‘wikang katutubo’ ay alinman sa mga wika
na sinuso ng isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Filipinas.
Kabilang sa wikang katutubo ang pangunahing gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit
na gaya ng Higaonon o Ivatan. Kahit maraming nagsasalita ngayong mamamayan ng
Pilipinas ay hindi maituturing na wikang katutubo ang Tsino o kahit ang Ingles.
Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itong itaguyod
nang kusa, sa kabilang banda, opsyonal ang Kastila at Arabic. Ang Konstitusyong ito ay
dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic, at Kastila. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng
wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
pagpapanatili. Salig sa Tala ng mga Wika, mayroong 175 wika sa Pilipinas, 171 dito ay
nanatiling gamit pa at 4 ay tuluyang lumipas na.

SARILING WIKA PARA SA BANSANG MALAYA

Isa sa mga tanong na bumagabag sa dating Pangulong Manuel Quezon noong


panahon ng Commonwealth ay ito: Oras na magbalik sa Estados Unidos ang mga
Amerikano, at makamit ng Pilipinas ang kalayaan, at wala na muling paghuhugutan ng
dahilan ang mga Pilipino para lumaban at magkaisa para sa iisang layunin, ano pa ang
magbubuklod sa ating bansa? Ang sagot dito: isang wikang pambansa. Sa halip na
magkanya-kanya bilang Tagalog, o Bisaya, o Cebuano, o Ilokano, o Kapampangan,
kikilalanin sila—kikilalanin tayo—sa ilalim ng iisang pangalan: Pilipino. At gaano man
karami ang ating isla, pagbubuklurin tayo ng isang tinig, ng isang wika: Filipino.

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

(Aquino III, 2013)


Ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing katumbas ng pagkakaroon
ng sariling mga paa dahil ito ang tumatayong instrumento upang tayo’y
magkaunawaan at magkaisa, kung saan ito ang unang hakbang patungo sa kaunlaran.
Kung ating babalikan ang kasaysayan ng Pilipinas, masasalamin ang kahalagahan ng
wika sa pagtatanggol ng ating mga bayani sa ating bayan para sa kasarinlan nating
mga Pilipino. Kasama na rito ang pagkakaroon natin ng sariling wika na natatangi sa
mga banyagang sumakop sa atin. Si Gat. Jose Rizal ay lubhang nagsikap na maitaguyod
and nasyonalismong Pilipino. Sinabi niya, gamit ang bibig ni Simon, ang ganito, “Ang
Kastila ay hindi kailan man magiging wikang pangkalahatan ng bansa; ang baya’y hindi
kailan man magsasalita nito. Bawat bayan ay may sariling wika gaya ng pagkakaroon
niya ng sariling pag-iisip. Pinagpipilitan ninyong mabuti na hubdan ang sarili ng
angking katauhan bilang isang bayan; nalilimutan ninyo na habang pinangangalagaan
ng isang bayan ang kanyang wika ay taglay niya ang isang tanda ng kanyang kalayaan,
gaya rin ng pagtataglay ng kalayaan ng isang tao habang pinangangalagaan niya ang
kanyang sariling laya ng pag-iisip. Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan
at mithiin ng isang bayan.” (Quezon, 1937)
Ito ang saloobin ni Quezon, “Nagkaroon ng panahon na tila hindi maaari sa
mga Pilipino na pagkasunduan nilang ang isa sa mga katutubong wika ay piliin na
maging wikang pambansa, nguni’t sa wakas ay napakilala nating lahat na kung ang
isang wikang dayuhan ay matatanggap natin para maging wikang opisyal ng Pilipinas,
lalong matuwid namang dapat nating tanggapin ang isa sa mga wikang katutubo natin
upang maging wikang pambansa nitong ating bayan. Hindi sa pagbibigay ng lagpas na
pagpapahalaga sa tungkuling ginagampanan ng isang wikang panlahat sa buhay ng
isang bayan, maaaring banggitin natin ang katotohanan na sa Silangan ang kaisa-isang
bansang nakagawa ng pinaka-malaking pagkasulong at nakasapit sa isang mataas ng
kalagayan sa angkan ng mga bansa, ay ang tanging bansang may isang wikang
panlahat—ang Hapon. At ang alin pa mang ibang bansa na nakapagtamo ng pagka-
bansa at sa kapangyarihan, maging sa lupalop ng Amerika at sa Europa, at maging sa
Aprika, ay bansang may isang wika na pambansa at panlahat.” Napakaliwanag na
naniniwala si Quezon na ang mga bansang may sariling pangkalahatang wika ay siyang
magtatamo ng pagkabansa at kapangyarihan.
Ang wika as isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito’y kasangkapang
ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Ang wika’y nawawala at
namamatay kung nauubos ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika.
Ngunit, patuloy man itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago, kaalinsabay ng pang-
unlad ng mayoryang gumagamit nito.
Ganyan ang ating wika, ang Filipino. Bagaman nagkaroon at hanggang ngayon
ay marami pa ring mga balakid na hinaharap dahil sa pagdating ng mga manlulupig at
pananatili ng kolonyal na kaisipan, ay nananatili parin itong buhay, matatag at patuloy
na umuunlad sapagkat lalong parami nang parami ang gumagamit nito. Sinasabing ang
wika ay ang kaluluwa ng bayan at salamin ng lipunan. Bawat bansa ay may sariling
wikang sinasagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Sa papamgitan ng sariling wika
naipahahayag ng lubos ng nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan at
damdamin. Ito’y kasangkapang ginagamit tungo sa panbansang kaunlaran. Wika rin
ang kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa. (Sauco, et al., 2004)

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Ang Wikang Filipino na siyang pinakamabisang pahatiran ng diwa ang


magbubukas ng daan tungo sa pag-unlad ng ating kabuhayan at sa kaunlarang ito’y
magiging madali ang pagkakaisa at sa pagkakaisa matatamo ang tunay na kapayapaan.
Bibigkisin tayo ng isang wikang tatayo upang idambana ang kariktan nito at sa
pagpapahalaga dito ay maghuhudyat ng kapayapaan at pagkakaisa at kaunlarang
pangkabuhayan. (Samson, 2004)
Batid ito ng mga dati at kasalukuyang umuugit ng ating pamahalaan kung kaya
ang mga napagtibay na mga Saligang Batas ng Pilipinas ay pawang nangagtadhana ng
paglinang at pagpapalaganap ng isang wikang pambansa.
Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 124, Serye 1937,
ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ng
Pilipinas batay sa Tagalog. Sinimulang ituro ang wikang pambansa sa mga paaralang
pampubliko at pribado noong 1940. Noong 1959, ang wikang pambansa ay tinawag na
Pilipino batay sa Tagalog. Sa Konstitusyon ng 1986, ang Wikang Pambansa ay
tinadhanang tatawaging Filipino gaya ng nasasaad:
Artikulo XVI, Sek. 6 – “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.”
Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang pansarili, isang wikang taal at di-
dayuhan, ay mahalaga sa pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Ang simbolo ng
isang bandila, isang marcha nacional, isang pambansang awit, isang pambansang
bulaklak, isang pambansang kasuotan ay makabuluhang lahat bilang mga tanda ng
kakanyahan at pagsasarili. (Gonzales, 2009)

B. Kaugnay na Gawain Blg. 1

Panuto: Ang gawaing ito ay may kaugnayan sa paksang “Gamit ng Wika”. Hanapin
lamang ang mga nakatagong salita sa loob ng kahon at pagkatapos ay igrupo ang mga
nahanap na termino o sagot batay sa tatlong linggwista na tinukoy sa aralin. Guhitan o
kulayan (i-highlight) ang iyong mga sagot nang sa gayon ay mabilis itong makita at
maging sistematiko ang gagawing pagwawawasto ng guro.

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

C P A G Y U I L A W E F T G V A M P G I
V A V G F F N U D N N G H Y E D F A M N
B G A D V B Y D V B N H J U T L S G V S
N B Q E P Z N I Y N J K L O A Z A P A T
M I Q G E M K C L O B G T N Y N B A S R
A B J U R Y D V B I L V O Y D V B P A U
S I I L S M K C L J U Y J U P J U A N M
D G A G O V A V G F S A G A I L B H I E
F A I L N Y D V B K A G T G T A Y A H N
G Y M I A L A W A A G A A G S G V Y F T
R N M K L G V R G V L I L A V A V A G A
E G A A V A E D R I Y M N I G V G G I L
N K B A W T V D N J U G Y D V B J N L U
A U I A N S D H G H G V A V K L M G I G
Y R A I D E A T H U V A V G F T A D R E
A O S I D G A V N P A G A V A V H A A R
N - Y L A J U I M I Q G E M K C U M S A
G K A I U X A E M K C L P A G Z M D A V
U U L R G N C P A G Y U I L A G A A S I
- R A X E L A W A G A V I L A V L M Y L
G O L B R N O K I T S I R U E H A I A I
A M A O K V A V G F P A G L Q A S N L R
P F - Y D V B S E T T Y D V B Y I U A A
I I G A A V V A V R A G T A Y B K A L S
K L A N L A V S A G S Y I L N I I N A G
I I P I A A M M K C L G A J U L K I - N
K R Y H G J N B M I I L L K K I A H G G
A O I V A V P O M K G T A Y I R P B A A
P P A G X L A W Y G E O U G E H G E P Y
G Y U I L P A G D S Y B V A V B G G E A
Y M I Q G E M K C W A I G Y U I L A G H
R C P A G Y U I L G I T U V A V G F P A
O L O B N V A V G F L A N Z M I L A W P
T G E K A G G E M I I N B E M K G E K A
A P A G I R T V A V R I K Q S N G E M P
L M I G E T A G I L O H L A W E O M I G
U M K L A W E Y L A G A G E M O R M K A
G Y D V B G E T P A G M F P A G T P I P
E R M K A G E M S G E I G E V A V V E Y
R C P A G Y U I L E Y C P A G Y U I L R

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

MGA GAMIT NG WIKA


Ayon kay Michael Halliday (7)

1. Instrumental
2. Regulatory
3. Representasyonal
4. Interaksyonal
5. Personal
6. Heuristiko
7. Imahinatibo

Ayon kay Roman Jakobson (6)

1. Pagbibigay ng kuro-kuro (Cognitive/Reperensyal/Pangkaisipan)


2. Paghikayat (Conative)
3. Paglalahad/Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
4. Pagsisimula at pakikipag-ugnayan (Phatic)
5. Paggamit bilang sanggunian (Metalinggwal)
6. Patalinghaga (Poetic)

Ayon kay William Robinson (6)

1. Estetiko
2. Ludic
3. Pag-alalay sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa-tao
4. Pag-alalay sa iba
5. Pag-alalay sa sarili
6. Pagpapahayag ng sarili

Kaugnay na Gawain Blg. 2

Panuto: Susog sa tinalakay na aralin at katig sa iyong persepsyon at/o pagkaunawa,


sumulat ng isang reaksyong papel. Pumili lamang ng isang (1) paksa mula sa mga
nakahanay sa ibaba. Maglakip ng malinaw at matalinong pahayag. Ang nasabing
komposisyon ay bubuoin ng lima (5) hanggang pitong (7) talata. Bigyang-pansin ang
tamang baybay at gamit ng mga salita.

a. Saan nagtatagpo ang Wika at Kultura?


b. Ang Mapanlinlang na Wika sa Mundo ng Politika!
c. Kailan Tayo Muling Magkakaisa?
d. Malayang Wika, Malayang Bansa!

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Malayang Wika, Malayang Bansa!


Ang bansang may sariling wika ay malayang bansa. Ang wikang
Filipin ang ating wikang pambansa. Ito ang nagsisilbing daan upang
mapagbuklod buklod ang mga mamamayan. Ugaliin itong ipagmalaki at
gamitin saan mang lugar tayo makarating.
Bawat bansa ay may pagkakakilanlan base sa saliri nilang wika.
Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipanas dapat nating paunlarin at
pagyamanin. Dahil sa sariling wika ay naipapahayag natin ang ating
kaisipan at mga damdamin.
Taglayin natin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili nating
wika, dail ito ang pinakamabisa nating sandata sa ating pagtatagumpay.
Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng
iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema
Dahil sa wika ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na
siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Ito
ang nagpapaalala sa atin na sa kabila ng imperyalismo ng ibang bansa sa
panahon ng kanilang pananakop ay nanatili tayong tapat sa ating bansa
hanggang sa nakamit natin ang ating kalayaan.
Laging ugaliing gamitin ang ating wika sa magagandang bagay at
huwag itong abusin. Gamitin ito ng wasto at tama at mahalin para na rin sa
bawat isa sa atin. Lagi nating tatandaan ang paggamit at pagmamahal sa
wikang Filipino ay sumisimbolo sa ating paka Pilipino.

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Paunlarin ang Kakayahan

Panuto: Sa liwanag ng mga impormasyon at kaalamang natutuhan mula sa katatalakay


na kabanata o yunit, punan ng angkop na kasagutan ang bawat set ng kahon batay sa
tinutukoy at inilalarawan ng mga pahayag na nakahanay sa direksyong pababa/pataas
at pahalang/pabaligtad. Gamiting batayan sa pagsasagot ang nilalaman ng Modyul Blg. 1
at 2, kalakip na pdf file, at reliable na pook-sapot at sangguniang aklat. Ang kopya ng
nasabing gawain ay nasa hiwalay na word file. Buksan lamang ito at sagutan nang buong
husay hanggang sa mapunan ang lahat ng maliliit na kahon ng angkop at tamang titik. Sa
oras ng pagpapasa, huwag kalilimutang i-save ang inyong mga file gamit ang pdf format.

Indibidwal na
Gawain

Unawain ang Batayan ng Pagtatasa

Rubric para sa
Pagmamarka

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Mga Sanggunian
Mga Impormasyon
https://ejournals.ph/form/print.php?id=7949&fbclid=IwAR09zBZZXFYefJQGbiJ3NrKO
d6pnaczoz6Rv8JynKVqox44AbyPW3Eq0SDc
https://ilusyonaryo.wordpress.com/2014/12/24/buod-ng-wika-at-kamalayan-ni-
silvino-v-epistola/
https://pia.gov.ph/features/articles/1012160
https://prezi.com/-9wsm67cpp9w/ugnayan-ng-wika-at-pulitika/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas#Tala_ng_mga_Wika
https://tomasinoweb.org/blogs/wikang-filipino-sagisag-ng-pagka-pilipino/
https://varsitarian.net/filipino/20081117/pulitika_ng_wika_wika_ng_pulitika
https://www.academia.edu/37857689/Ano_ba_ang_kaugnayan_ng_wika_sa_kultura
https://www.officialgazette.gov.ph/1937/12/30/speech-of-president-quezon-
announcing-the-creation-of-a-national-language-december-30-1937/

Sipi at websites https://www.officialgazette.gov.ph/2013/08/19/talumpati-ni-pangulong-aquino-sa-


pambansang-kongreso-sa-wika-ika-19-ng-agosto-2013/
https://www.scribd.com/doc/2167073/Wikang-Filipino-At-Ang-Paghabi-Nito-Sa-
Kamalayan-Ng-Mga-Pilipino
https://www.scribd.com/document/397479573/Wikang-Filipino
https://www.slideshare.net/pesiaplaza6291/ang-tungkulin-ng-wika
Samson, Lucena P. et al., 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Rex
Bookstore Inc. Manila, Philippines
Sauco, Consolation P. et al., 2004. Sining Ng Komunikasyon Para sa Antas Tersyaryo.
Katha Publishing Co., Inc. Quezon, City

Silabus ng Kurso. FILDIS (Filipino sa Iba’t ibang Disiplina)

Mga Larawan
https://static01.nyt.com/images/2017/07/18/crosswords/CROSSWORDS-tips-
intro/CROSSWORDS-tips-intro-master495.jpg
https://www.learningisfun.com.ph/content/images/thumbs/0008603_word-search-
7.png

LSPU SLM: METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO: GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG


Inihanda ni: ELY REY N. ABAD

You might also like