You are on page 1of 36

ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE

Tagudin Campus

MODULE

Republic of the Philippines


ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus
Tagudin, Ilocos Sur

LEARNING MODYUL
sa

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

GINAWA NI:

GNG. GILENE R. BAGUING

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay inihanda para sa pagkatuto ng mga estudyante ng kurso


na Bachelor of Science Information Technology at Bachelor of Science Major in
Mathematics na nakatuon sa Filipino sa Iba’t ibang Disiplina.
Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong
ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang
pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik
(mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa
publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga
komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino
sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang
pagsasalita, partikular sa presentasyon ng pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.
Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Konstektwalisadong
Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL).
Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod: (Ito ay batay sa CMO No. 57, Series of 2017)
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang
wikang pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa
pangangailangan ng sambayanan
2. Maisa-isa ang mga suliraning lokal at nasyonal ng komunidad na
kinabibilangan.
3. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang
na sanggunian sa pananaliksik.
4. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning
panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
5. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang
kaunlaran.
6. Malikhain at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang piling makabuluhang
konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad
at bansa

Ang mga paksa,babasahin,gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop


sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
makabuluhan , napapanahon, kawili-wili ,nakalilinang ng kritikal at mapanuring
na pag-iisip .
Ang modyul na ito ay may anim na aralin:
Aralin 1: Introduksyon: Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng
Bayan, at Wika ng Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng
Sambayanan
Aralin 2: Rebyu sa Mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik
Aralin 3: Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t Ibang Larangan
Aralin 4: Filipino sa Humanidades at Agham Panlipunan at Iba Pang
Kaugnay na Larangan
Aralin 5: Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika At
Iba Pang Kaugnay na Larangan

Paano mo gagamitin ang modyul na ito?


Naglalaman ang modyul ng ito nga mga sumusunod:
1. Panimula- Ito ang kabuuang gabay na prinsipyo sa tinatalakay na paksa.
2. Inaasahang Bunga ng Pagkatuto- Kaalaman at kasanayang nilalayong
malinang sa loob ng modyul.
3. Nilalaman o Talakayan- Mga paksang tatalakayin.
4. Isaisip- Mga sasagutin mo bilang gawain para sa pagunawa sa aralin.
5. Isagawa- Ito ang ebalwasyon na sasagutin mo pagkatapos mong pagaralan
ang modyul.
6. Paglilipat- mga gawain para sa paglinang ng iyong kasanayan.
7. Sanggunian- pinaghanguan ng mga datos at impormayson.
Ang mga karagdagang impormasyon at mga katanungan ay ibibigay at
sasagutin ng guro sa pamamagitan ng online group chats. Para sa mga mag-aaral na
walang sapat na teknolohiya ay maaring makipag-ugnayan sa guro sa pamamagitan
ng pagpapadala ng mensahe/tawag sa numerong 09158559490 upang bigyang linaw
ang mga katanungan.

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
I. PANGKALAHATANG IDEYA:

PAGBATI!

Ang modyul na ito ay may layuning matalakay ang kursong FILIPINO SA IBA’T
IBANG DISIPLINA sumasabay ang Filipino sa mga pagbabagong nagaganap sa
daigdig kasabay nito ang pagbabago sa larangan ng edukasyon ang patuloy na
paglago nito upang makasabay sa usaping global ng pag-aaral ang pagbabago ng
ating kurikulum at patuloy na pagsasaayos nito at ang bahaging ito ay tumatalakay sa
mga batayang teoretikal, nilalaman, katangian at panuntunan sa pagpapatupad ng
nireistrukturang kurikulum sa Filipino. Inaangkop ang iba pang kurikulum sa mga
kondisyon at sitwasyong lokal. Sinasaklaw din ng kursong ito ang pag-aaral sa mga
layunin, teorya, simulain, mga batas, kalakaran ng pagtuturo at pagkatuto ng wikang
Filipino batay sa kahingian ng kurikulum ng batayang edukasyon sa elementary,
sekondarya, at kolehiyo.

Layunin din ng pag-aaral na ihanda ang mga mag-aaral na


nagpapakadalubhasa sa Filipino na maging mulat at maalam sa mga bagong
kalakaran sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino at mahasa ang kaalaman kurikulum.
Isinama rin sa kurso ang pagtalakay sa mga kahalagahan ng kagamitang panturo na
maaaring magamit nila at maiangkop ang mga ito sa tiyak na paksa.

Sa misyon at bisyon ng ISPSC, sinikap na iangkop ang kabuuan ng kurso


upang maihanda ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino na maging
kapaki-pakinabang na may dekalidad na pagtuturo , teknolohiyang pangkapaligiran
at industriya, tamang paggamit ng pinagkukunang yaman at mga programa at
serbisyong makabagbago sa kabuhayan na isang mapag-arugang politeknikong
serbisyo-kolehiyo para sa pagpapaunlad ng buhay at lipunan.

Sa modyul na ito, mabibigyang-tugon ang mga mga magpag-aaralan sa mga


sumusunod na mga aralin:

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
II. GABAY SA PAG-AARAL:

Ito ay sadyang sinulat para sa iyo, bagong guro ng Filipino! Kaya ingatan mo ang
Modyul na ito dahil ito ang magsisilbi mong gabay sa pagkatuto na siyang huhubog
sa iyong kakayahan sa ika 21 na siglo ng pampagkatuto. Kaya ikintal sa iyong isipan
ang mga sumusunod na gabay:

1. Gamitin ang oras. Ang iskedyul ng iyong aralin ang siyang magiging gabay
mo sa iyong pag-aaral. Ang pagiging produktibo at tamang laan ng oras sa pag-
aaral ay nakatutulong sayo upang matapos ang aralin sa tinakdang araw ng
pagsusumite ng modyul.
2. Isaisip. Kinakailangan mong unawain at intidihin ang mga konsepto sa iyong
modyul upang lubos na maunawaan ang kabuuan ng aralin. Naglalaman din ito
ng mga katanungang upang maproseso ang mga natutuhan mo sa aralin.
3. Isagawa. Laging tandaan na sa iyo ang tagumpay sa pagsagot ng iyong
modyul. Kinakailangang ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya nang sa gayon
malinang ang iyong kakayahan na maging mapanuri, maging kritikal sa pag-
iisip at replektibo sa mga konsepto ng pagkatuto. Makakatulong din ito upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
4. Ipasa sa takdang oras. Gamitin nang maayo ang oras. Huwag ipasintabi ang
pagsagot ng iyong modyul. Lagi tandaan na ang bawat minuto at oras ay
napakahalaga kaya’t huwag mo itong sayangin. Sagutan, suriin, at aralin ang
mga paksa at termino sa iyong modyul. Sundin ang tinakdang oras sa
pagsumite ng modyul.
5. Tuklasin. Maging masinop, matiyaga, at maging malawak sa pag-unawa.
Huwag mawalan ng pag-asa sa pagsagot kung hindi maintindihan ang modyul.
Magsaliksik at magtanong sa guro lalo na sa mga bagong kalaaman, konsepto
at termino upang maging kapaki-pakinabang ang iyong pag-aaral sa mga
aralin.
6. Subukin. Sagutan ng buong puso at kaalaman ang iyong modyul. Magbasa at
manaliksik upang may maisagot sa aralin. Ditos susubukin ang iyong kaalaman

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
sa aralin ng modyul upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
7. Tayahin. Nakasalalay sa iyong mga kaamay ang magiging bunga ng iyong
pagkatutuo sa aralin. Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompitensi.
8. Konsultasyon. Kung may mga katanungan, klaripikasyon, at nais idagdag sa
mga aralin upang maging makabuluhan ang pagkatuto kontakin ang aking
email. gilenerivera48@gmail.com

I. ISKEDYUL NG PAGKATUTO:
Upang maging malinaw ang direksyon ng pagkatuto inihanda sayo ang iskedyul
na ito na magsisilbi mong gabay sa buong semestre:

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
SESYON PAKSA ARALING GABAY SA
NG PAMPAGKATUTO PAGKATUTO
PAGKATU
TO

Ika- 1 Modyul 1:  Maikling pagsusulit


 Pagsulat ng maikling  Sagutin ang mg
hanggang Introduksyon:
Filipino Bilang sanaysay hinggil sa nakapaloob na mga
ika- 4 na wikang Filipino bilang
Wikang Pambansa,
wikang pambansa, wika gawain sa modyul.
linggo Wika ng Bayan, at
Wika ng ng bayan, at wika ng
Pananaliksik na pananaliksik na
Nakaugat sa nakaugat sa
Pangangailangan pangangailangan ng
ng Sambayanan sambayanan.

Ika- 5 Modyul 2:  Pagbabalangkas/outlini  Basahin ng mabuti


ng
hanggang  Rebyu sa Mga ang nilalaman ng
ika- 8 na Batayang  Pagbubuod ng modyul at sagutin
linggo impormasyon/datos
Kasanayan sa ang mga
Pananaliksik  Pagsasalin nakapaloob na mga
• Pagpili ng katanungan.
 Pangkatang talakayan
Batis
(Sources) ng  Paggamit ng mga
arkibo at database
Impormasyon
• Pagbabasa at
Pagbubuod ng
Impormasyon
• Pagsasalin,
Paraphrasing
Atbp.
• Pagpili ng
Paksa ng
Pananaliksik

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
 Pagbabalangka
s
Ika- 9 Modyul 3:  Pagbubuod ng  Basahin ng mabuti
impormasyon/datos
hanggang Filipino Bilang ang nilalaman ng
ika- 12 na Larangan at  Pagsasalin modyul at sagutin
linggo Filipino sa Iba’t ang mga
 Pangkatang talakayan
Ibang Larangan nakapaloob na mga
 Lektyur katanungan
 Bahaginan ng
Impormasyon
Ika- 12 Modyul 4:  Pagbubuod ng  Basahin ng mabuti
impormasyon/datos
hanggang Filipino sa ang nilalaman ng
ika- 17 na Humanidades at  Think-pair-share sa mga modyul at sagutin
linggo Agham ispesipikong teksto ang mga
Panlipunan at Iba  Pangkatang talakayan nakapaloob na mga
Pang Kaugnay na katanungan
 Lektyur
Larangan
 Komparatibong analisis
Ika- 18 Modyul 5:  Lektyur sa pamamagitan Basahin ng mabuti ang
ng group chat
hanggang Filipino sa nilalaman ng modyul at
ika- 23 na Siyensya,  Pagbubuod Pangkatang sagutin ang mga
linggo Teknolohiya, pagbasa nakapaloob na mga
 Bahaginan ng
Inhenyeriya, katanungan
Impormasyon at ideya
Matematika At Iba
 Pagsagot ng mga gawain
Pang Kaugnay na
sa modyul
Larangan

V. PAGTATAYA SA PAGKATUTO:
Sa bahaging ito ng modyul, praktikal at makatotohanang aplikasyon sa mga
bagay na natutunan ang pangunahing layunin. Hindi lamang upang maisagawang
matagumpay ang proyektong nakaabang sa dulo ng modyul na ito kung hindi

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
magagamit ang mga kasanayan sa totoong buhay. Upang makapasa sa kursong ito,
kinakailangan mong maisakatuparan ang mga sumusunod:
1. Isumite ang lahat ng kailangan para sa kursong ito:
a. sagutang papel na naglalaman ng mga kasagutan sa anim na
modyul na ito
b. Mga awtput, proyekto at asignatura
c. Mga pagtatayang pampagkatuto (tskelist o pansariling-aktibiti)
d. Kompilasyon ng mga sagot sa gabay ng pagkatuto sa pitong
modyul na ito.
2. Pumasa sa pagsusulit:
a. Panimula at Panghuling Pagtataya; Pagsusuri; Pagsusulit
b. Kalagitnaang Pagsusulit
c. Pinal na Pagsusulit.

VI. ANG GAMIT NG MODYUL NA ITO.


Maligayang Pagkatuto!
Ang Modyul na ito, “Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina” isang kursong
naipapakita ang kaalaman sa mga batayang teoretikal, nilalaman, katangian at
panuntunan sa pagpapatupad ng nireestrakturang kurikulum sa Filipino.
Iaangkop ang kurikulum sa mga kondisyon at sitwasyong lokal ng lipunan.
Gawing batayan ang mga ICONs kung paano gagamitin ang ,modyul na ito.

ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang


maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy


ang lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
tatalakaying paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga


mag-aaral tungkol sa paksa ng bawat aralin.
Mahalagang matukoy ito upang matiyak na may
napadagdag pang kaalaman.

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa
pamamagitan ng kwento, pagsasanay ,tula, awitin
,sitwasyon at iba pang paraan .Ginagalugad dito
ang mga ideyang magkikintal ng mahalagang
kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin
itong pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga


gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
gawain batay sa natutunan sa aralin.
ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan
at kaalamang kanyang natutunan sa
pamamagitan ng pagsusulit ,gawain at
pagsasanay.
ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at
kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing
replektibo upang mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng


pagkatuto mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang


GAWAIN malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral .

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE

Aralin Introduksyon: Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan,


at Wika ng Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng
1 Sambayanan

PANIMULA
INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang
wikang pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat
sa pangangailangan ng sambayanan
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at
kapakipakinabang na sanggunian sa pananaliksik
3. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang
kaunlaran

ARALIN 1.1 Filipino Bilang Wikang Pambansa

Alamin
ANG "UNIVERSAL APPROACH" AT ANG WIKANG PAMBANSA
NG PILIPINAS ni Dr. Ernesto Constantino
TINUTUKOY ng terminong “universal approach” o “paraang unibersal”
ang paraang iprinopos ng mga lingguwist ng Unibersidad ng Pilipinas (UP)
sa 1971 Kombensiyon Konstitusyonal (Konkon) para sa pagdebelop ng
isang wikang pambansa para sa Pilipinas. Ang paraang ito ay inihaharap
dito sa komperensiyang ito para madiskas at mapag-aralan ng mga taong
paris ninyo na interesadong makakita o makaalam sa kahalagahan o
kontribusyon nito sa solusyon sa problema ng Pilipinas tungkol sa wikang
pambansa.
Paris ng alam na ng marami sa atin, ang “movement” o kilusan para sa
pambansang
wika sa Pilipinas ay nagkaroon na naman ng isang napakakritikal na problema.
Malinaw na ipinapakita ito ng probisyon tungkol sa wikang pambansa sa
bagong Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas na inaprubahan ng Konkon
noong Nobyembre 30, 1972. Ganito ang sinasabi ng probisyong ito:

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
The National Assembly shall take steps towards the development and
formal adoption of a common national language to be known as Filipino. (Art.
XV, Sec. 3, Par. (2) )
[Ang Nasyonal Asembli ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagdebelop at
pormal na pag-adap ng panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino.
(Art. XV, Sek. 3, Par. (2) )]
Base sa probisyong ito, masasabing hindi na Pilipino ang wikang
pambansa ng Pilipinas pagkatapos ng ratipikasyon ng bagong Konstitusyon —
magiging Filipino na ang wikang pambansa ng Pilipinas.
Kung paano at kailan dedebelopin ang bagong wikang pambansang ito
ay pagkakasunduan pa sa darating na Nasyonal Asembli. Maaari nating
ipalagay na gagawa ang Nasyonal Asembli ng batas na titiyak sa paraang
gagamitin at mga hakbang na gagawin tungo sa pagdebelop at pormal na pag-
adap sa bagong wikang pambansa.
Ang paraang unibersal, bilang proposal ng mga lingguwist ng UP, ay
nagbibigay ng paraan na sa aming palagay ay magagamit para matagumpay
at mabilis na madebelop ang bagong wikang pambansa. Gaya ng aming
prediksiyon, ang paraang ito ay masiglang tinatanggap ng marami at mahigpit
naman tinututulan ng iba. Katunayan, ito’y naging kontrobersyal, kung minsa’y
proberbiyal, lalo na sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ito.
Layunin ng papel na ito na ipaliwanag ang ilang misteryo ng paraang ito.
Pagkaraan ng mahigit isang taon mula nang iharap ito sa Konkon, ipinasiya
namin na ipaliwanag ditto sa komperensiyang ito sa publiko, lalo na sa
komperensiyang ito ng mga eksperto sa wika mula sa iba’t ibang bansa sa Asia,
mga lingguwist, mga titser sa wika at iba pang iskolar sa wika, dahil sa
pangyayaring ang paraang ito ang inindors o sadyang pinili ng Komite na
Wikang Pambansa ng Konkon na gagamitin sa pagdebelop sa bagong wikang
pambansa ng Pilipinas.
Ang paggamit ng paraang unibersal sa pagdebelop sa wikang
pambansa ng Pilipinas ay pormal na iprinopos ni Dr. Cecilio Lopez, Emeritus
na Propesor ng Lingguwistiks at Oriental Studies sa UP, sa pinakahuling public
hearing ng nasabing komite sa Maynila Hotel na ginanap noong Disyembre 22,
1971. Sa hiring na iyon, sinabi ni Dr. Lopez na ang paggamit ng “language
universals approach” ay maaaring siyang solusyon sa problema ng Pilipinas sa
wikang pambansa na nagbibigay hanggang ngayon ng malaking gulo sa buong
bansa. Sinabi rin niya na ang paraang ito ay isang mabuting alternatibo sa
paraang batay sa isang wika lang o kaya’y batay sa Tagalog lang. Agad
tinanggap ng karamihan o halos lahat ng mga miyembro ng komiteng present

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
sa hiring ang proposal ni Dr. Lopez, at tinawag itong “universal approach” imbis
na “language universals approach.” Naging popular, sa mabuti o masama, ang
paraang ito sa maikli nitong pangalan.
May dalawang dahilan kung bakit ipinasiya ng mga lingguwist ng UP na ipropos
ang paggamit ng paraang unibersal sa pagdedebelop ng bagong wikang
pambansa ng Pilipinas.
Ang unang dahilan ay may kinalaman sa nakikitang patuloy na problema
ng wikang Pilipino na tanggapin o kilalanin ng mga Pilipino, lalo na ng mga di-
Tagalog, bilang wikang pambansa nila. Naniniwala kami na ito’y hindi magiging
problema ng wikang pambansang madedebelop sa pamamagitan ng paraang
unibersal, at ito’y magiging malinaw sa bandang huli ng papel na ito.
Ang ikalawang dahilan ay bunga ng metatag at di-matinag na
determinasyon ng karamihan sa mga miyembro ng Komite sa Wikang
Pambansa sa Konkon at ng buong Konkon mismo (na magiging miyembro ng
interim na Nasyonal Asembli) na pigilin ang paggamit sa wikang Pilipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas at palitan ito ng isang wikang batay sa ilan o sa
maraming wika ng Pilipinas. Kami sa UP ay naniniwala na kapag nasunod ang
gusto ng mga delegado sa Konkon, ang paggamit sa paraang unibersal ay
sisiguro sa mabilis na pagdedebelop at pagadap sa bagong wikang pambansa
ng Pilipinas. Kaya’t makikita dito na di paris ng impresyon ng iba, ang aming
pangunahing layunin sa pagpopropos sa paraang unibersal sa pagdedebelop
ng wikang pambansa ng Pilipinas ay hindi para pigilin ang paggamit sa Pilipino
bilang wikang pambansa ng Pilipinas kundi para masiguro na kung sakaling
hindi tatanggapin ang Pilipino, maaaring dumebelop sa loob ng pinakamaikling
panahon ng isang wikang angkop na maging wikang pambansa -- isang wikang
aktuwal at natural na gagamitin at hindi isang wikang mananatiling simboliko
lamang at laging naghihingalo dahil hindi natural na ginagamit.

Ang Pilipino sa U.P


Siguro’y dapat kong gamitin ang pagkakataong ito para linawin na ang
mga lingguwist ng UP ay hindi kailan man kontra o galit sa wikang Pilipino
bilang isa sa mga gumagamit na wika sa Pilipinas o bilang wikang pambansa.
Ang totoo, ginagawa namin sa UP ang lahat ng aming maggagawa nang mas
masigasig kaysa alinmang insitusyon sa buong bansa para paunlarin ang pag-
aaral, paggamit at pagtanggap sa Pilipino hindi bilang wikang pambansa lang
kundi bilang pangunahing medium din sa pagtuturo sa lahat ng eskuwelahan
sa lahat ng grado at sa lahat ng kurso dito sa Pilipinas. Sa kasalukuyan,
nagbibigay ang UP ng Bachelor of Arts Degree at Master of Arts degree sa
Pilipino; hindi matatagalan, magbibigay na rin ang UP ng Doctor of Philosophy
degree sa Pilipino. Maraming mahahagang reserts (research) tungkol sa

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
Pilipino ang nagawa na at ginagawa sa UP. Kahit ang gramar ng kasalukuyang
wikang pambansa ay sinusulat ngayon sa UP ng mga reserts asistant na
sinusuwelduhan ng Surian ng Wikang Pambansa sa ilalim ng superbisyon ng
isang miyembro ng faculty ng UP. Isang monolingguwal at isang bilingguwal na
diksyunaryo ang ginagawa sa UP. Mayroon ding inihahandang manwal at
babasahin sa Pilipino sa UP. Ang totoo, ang posisyon ng Pilipino sa UP ngayon
ay kapantay na ng Ingles bilang isang disiplina o larangan ng pag-aaral at
bilang medium sa pagtuturo. Nasisiguro naming hindi pa nangyayari ito sa mga
ibang eskuwelahan.

Oposisyon ng Pilipino
Sa isang multilingguwal at naging kolonyang bansa na paris ng Pilipinas
na dayuhang wika ang dominanteng wika kahit na mayroon ditong ilang
establisadong katutubong wika na bawat isa’y may maraming ispiker kayat
posibleng kandidato sa pusisyon ng wikang pambansa, maaaring mangyari na
ang paggamit o pagpili sa alinman sa mga katutubong wika bilang wikang
pambansa o batayan nito ay lumikha ng malakas na oposisyon sa mga ispiker
o suporter ng ibang wika, pati na ng dayuhang wika. Nangyari ito sa Pilipinas.
Ang pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay lumikha ng
malakas at patuloy na oposisyon mula sa mga di-Tagalog at sa mga pro-Ingles.
Madalas naipapahiwatig ang oposisyong ito sa mga sulat sa mga editor ng mga
peryodikal at sa mga paulit-ulit na habla at salita laban sa Pilipino. Ang
pagtawag ng Konkon noong 1971 ang nagbigay ng pinakahihintay na
pagkakataon sa mga di-Tagalog at sa mga pro-Ingles na baguhin o patayin ang
wikang pambansang batay sa isang wika.
Sa mga una pa lamang sesyon ng Konkon malinaw nang lumabas ang
malakas na pagkontra o pagtanggi ng karamihan sa mga delegado sa Konkon
(na mga di-Tagalog) sa patuloy na paggamit sa Pilipino bilang wikang
pambansa ng Pilipinas. Ang palagay namin sa UP ay milagro na lamang ang
makapipigil sa pagkontrang iyon. Kayat sa amin sa UP, ang problema ay hindi
na kung paano mapapanatili ang wikang Pilipino bilang wikang pambansa
kundi ito: Paano magpapatuloy na may wikang pambansa ang Pilipinas na
mula sa sariling wika o mga wika nito? Sa madaling sabi, nang ipropos naming
ang paraang unibersal, ang nangunguna naming layunin ay siguruhin na ang
Pilipinas ay patuloy na magkakaroon ng wikang pambansa na tubo o tunay na
sa bansang ito, kahit na ang wikang ito’y hindi ang wikang Pilipino. Ang totoo,
natatakot kami na kung hindi epektibong masagot ang opinyong ipinipilit ng
isang patnugot at ng presidente ng isang samahan sa Iingguwistiks at ng mga
kakampi nila na hindi maaaring bumuo ng isang wikang pambansang batay sa
higit sa isang wika at dito sa Pilipinas ang wikang Tagalog lang ang puwedeng
batayan ng wikang pambansa, ang wikang Ingles ang tuluyang magsilbing

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
wikang pambansa ng Pilipinas. Ganitong opinyon ang gusto ng mga proPilipino
(at ganoon din ng ilang pro-Ingles na tumutulong sa kanila) na paniwalaan ng
mga delegado sa Konkon para huwag na nilang baguhin ang status quo.
Pero gusto ng Komite sa Wikang Pambansa ng Konkon na dumebelop
ng isang bagong wikang pambansa na tatawaging Filipino “batay sa mga
umiiral na katutubong wika at dayalek ng Pilipinas na hindi ipinupuwera ang
asimilasyon ng mga salita mula sa mga banyagang wika.” Ang layuning ito ng
komite ay ipinasok bilang Seksiyon 2 ng draft ng resolution na inaprubahan ng
komite. Inihayag din ng komite sa mga komentaryo sa seksiyong ito ang
akademikong opinyon ng mga lingguwist ng UP na puwedeng bumuo ng isang
wikang pambansang batay sa higit sa isang wika at tinitiyak dito ang paggamit
sa “universal approach” o paraang unibersal ng mga lingguwist na ito sa
pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng Pilipinas. Dito tuluyang lumalim
ang pagkasangkot ng mga lingguwist ng UP sa peligroso at delikadong trabaho
tungkol sa pagdebelop ng wikang pambansa para sa Pilipinas.

Paraan ng Pagdebelop sa Wikang Pambansa


Ang paraang unibersal ayon sa pormulasyon nito sa UP ay naglalayong
dumebelop ng isang wikang pambansa para sa Pilipinas batay hindi sa isang
wika lang kundi sa maraming wika. Layunin ng paraang ito na debelopin ang
wikang pambansang ito sa pamamagitan ng paggamit unang-una sa mga
pangkalahatan o unibersal na mga sangkap at anyo ng mga wika at dayalek ng
Pilipinas. Ang posibilidad ng pagdedebelop ng isang wika sa paraang ito ay isa
sa mga pangunahing layunin at resulta ng mga reserts naming sa UP tungkol
sa pang-ilalim (“deep”) at pang-ibabaw (“surface”) na pagkakapareho at
pagkakaiba ng mga wika at dayalek sa Pilipinas. Ipinapakita ng mga resulta ng
mga reserts na ito sa nakakakumbinsing paraan na maaaring dumebelop ng
isang wika sa pagsasama-sama sa base o buod nito ng mga magkakapareho
o unibersal na sangkap at anyo ng mga wika at dayalek ng Pilipinas. Tingnan
Constantino (1970)
Ilan sa mga nagpalakas ng loob naming mga lingguwist sa UP para
ipropos ang paraang unibersal ay ang mga bagong debelopment sa
lingguwistiks, sa edukasyon at sa mas media na lalong nagpapalaki sa
posibilidad ng paggamit ng isang wika lang kundi ng isang grupo ng mga wika
bilang batayan ng isang wikang pambansa kung matutugunan nito ang
paghahangad ng mga mamamayan para sa pambansang identidad o
integrasyon. Nagpalakas din ng loob namin ang obserbasyon ng isang iskolar
na may malawak na kaalaman tungkol sa mga wikang pambansa na kung
punto sa lingguwistiks ang kokonsiderahin, ang paglikha ng isang wikang
pambansa na batay sa isang wika o sa ilang wika o ang pagtanggap ng isang

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
bagong wikang pambansa ay may pagpapatuloy nang walang limit hanggat
epektibo ang mga pang-ikonomikong posibilidad at ang mga pulitikal o
nasyonalistikong paghahangad dito (Deutsch 1962:605). Sumasang-ayon din
kami sa sinasabi ng iskolar na ito na mapapalitan anumang oras ng mga
mamamayan ang kanilang wikang pambansa para bagayan o sundin ang
kanilang nasyonalistikong hangaring mapaiba o magkaisa (p. 604).
Alam na alam ng mga tagapagplano ng wika na may dalawang paraang
puwedeng gamitin sa pagdebelop ng isang wikang pambansa. Ang unang
paraan ay ang paggamit ng isang wika, at ang ikalawang paraan ay ang pag
sasama-sama ng mga sangkap at anyo mula sa dalawa o higit pang wika. Ang
unang paraan ang ginamit sa pagdebelop sa Pilipino; nabuo ang wika pero
lumilitaw ngayon na hindi tinatanggap ng maraming Pilipino bilang wikang
pambansa nila. Ang totoo, hindi humihinto ang malakas na oposisyon sa
Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Dahil dito, naisip naming sa UP
na dapat nang gamitin ang ikalawang paraan sapagkat naniniwala kami na ang
wikang madedebelop sa paraang ito ay tatanggapin at gagamitin ng mga
Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kayat iprinopos namin sa
Konkon nang malaunan ang aming paraang unibersal para sa pagdebelop sa
bagong wikang pambansa ng Pilipinas. Ikinatutuwa at ikinararangal namin ang
pagtanggap agad ng Konkon sa aming proposal na ito kahit magbibigay ito ng
mabigat na responsibilidad at malaking trabaho sa amin. Isa sa aming
responsibilidad na nais kong gawin ngayon ay ang pagpapaliliwanag sa mga
interesadong paris ninyo ng kung ano ang “universal approach” o paraang
unibersal at kung paano ito magagamit sa pagdebelop sa bagong wikang
pambansa ng Pilipinas na paris ng hinihingi ng bagong Konstitusyon.

Prinsipyo at Metod ng Paraang Unibersal


Tatlong magkakaugnay na prinsipyo ang sinusunod ng paraang
unibersal.
1. Ang unang prinsipyo ay nagsasabi na ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay dapat ibatay hindi sa isang wika lang kundi sa maraming
wika ng Pilipinas; pero hindi nito ipinupuwera na isa sa mga wikang
ito ang gawing nukleus o simula ng wikang pambansa. Sa madaling
sabi sa pagdebelop sa wikang pambansa ng Pilipinas batay sa
prinsipyong ito, maaaring mag-umpisa sa ilang wika nang sabay-
sabay at maaari ring mag-umpisa sa isang wika lang.
2. Ang ikalawang prinsipyo ay nagsasabi na sa pagpili ng mga
sangkap o anyo na isasama sa wikang pambansa (halimbawa, mga
tunog, salita, panlapi, konstruksiyon, atbp.), dapat bigyan ng
preperensiya ang mga sangkap o anyong ginagamit ng mas

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
maraming wika. Halimbawa, kung ang x at y ay dalawang salitang
ginagamit sa mga wika ng Pilipinas na may parehong kahulugan
(pero magkaiba sa anyo) at ang x ay ginagamit sa 50ng wika
samantalang ang y ay ginagamit sa 30, dapat bigyan ng
preperensiya ang x sa pagbuo sa bokabularyo ng wikang
pambansa.
3. Ang ikatlong prinsipyo ay nagsasabi na ang wikang pambansa ay
papayagang gumamit, lalo na sa umpisa, ng mga grupo ng salitang
magkakapareho ang kahulugan (mga sinonim) at hanggat maaari,
hindi sosobra sa apat ang miyembro ng bawat grupo.

Sa paraang unibersal, dalawang metod ang maaaring gamitin sa pagbuo ng


wikang pambansa: Metod A at B. Nag-uumpisa ang Metod A sa ilang wika nang
sabay-sabay sa pagbuo ng wikang pambansa; ang Metod B ay nag-uumpisa sa isang
wika lang. Ganito ang paraang sinusunod ng dalawang metod na ito sa pagbuo ng
wikang pambansa:
1. Bilang unang hakbang, mag-aadap ng unibersal na alpabet para sa
wikang pambansa na paris ng bagong alpabet na inadap ng Surian ng
Wikang Pambansa. Sa ngayon, gagamitin ang alpabet na ito pati na ang
mga tuntunin sa pagbabaybay o ispeling para madaling mabasa at
matanggap ng mga Pilipino ang baybay o ispeling ng mga salita sa
wikang pambansa. (Ang bagong alpabet at ang mga tuntunin sa
pagbabaybay ay kasama bilang Apendiks “B” sa librong ito.)

2. Ang ikalawang hakbang ay ang pagsulat ng isang unibersal na gramar


ng mga wika ng Pilipinas. Para maisulat ang gramar na ito, kailangang
malaman o mailista nang maayos ang pang-ilalim at pang-ibabaw na
gramar ng mga wika at dayalek ng Pilipinas. Hindi na ito mahirap gawin
ngayon. Sa ngayon, nakolekta na namin sa UP ang karamihan sa mga
kailangang datos sa mahigit na 400ng wika at dayalek ng Pilipinas. Kung
mabibigyan kami ng kailangang pondo, tauhan at kagamitan, unibersal
na gramar na ito ay matatapos sa loob ng dalawang taon.

3. Ang ikatlong hakbang ay gagawin pagkatapos maisulat ang unibersal


na gramar. Kung gagamitin ang Metod A, gagawa ng unibersal na
diksyunaryo o tesaurus ng mga wika at dayalek ng Pilipinas. Ang
diksyunaryong ito’y bubuuin sa umpisa ng lahat ng mga salitang
nakolekta sa mga wika at dayalek ng Pilipinas; pagsasama-samahin ang
mga sinonim sa isang entri sa ayos na ipapaliwanag sa sumusunod na

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
hakbang. Kayat sa umpisa, halos lahat ng mga salita sa unibersal na
diksyunaryo ay may sinonim at karamihan sa mga grupo ng sinonim ay
may sobra sa limang miyembro. Ang pagbabawas ng miyembro sa
bawat grupo ng mga sinonim ay ipapaliwanag sa sumusunod na
hakbang. Sa ngayon, nakolekta na kami sa UP ng hindi kukulangin sa
5,000ng salita na ng mga istem (“stem”), salitang-ugat (“root word”) at
partikel (“particle”) mula sa hindi kukulangin sa 300ng wika at dayalek
ng Pilipinas. Ang mga salitang ito ay ipapasok sa unibersal na
diksyunaryo habang ipinagpapatuloy ang pagkolekta ng mga
karagdagang datos sa iba’t ibang wika at dayalek ng Pilipinas. Kung
mabibigyan ng kailangang pondo, tauhan at kagamitan, gaya ng gramar
ay matatapos ang diksyunaryong ito sa loob ng dalawang taon. Kung
gagamitin ang Metod B, ang mga salita sa wikang pinili bilang simula o
nucleus ng wikang pambansa ang bubuo sa inisyal na diksyanaryo ng
wikang pambansa—Para maging unibersal na diksyunaryo ang
diksyunaryong ito, payayamanin o daragdagan ito sa susunod na limang
taon ng mga salitang mula sa ibang wika at dayalek, katutubo at
banyaga, na laging gagamitin ang mga tuntunin sa sumusunod na
hakbang.

4. Ang ikaapat na hakbang. Pagkatapos magawa ang unibersal na


diksyunaryo, o kahit na habang ginagawa pa ito, susundin ang mga
sumusunod na tuntunin para sa istandardisasyon ng diksyunaryo: (a)
Aalisin sa diksyunaryo ang lahat ng mga sinonim na ginagamit sa kulang
sa 1/2 o 1/3 ng mga wika at dayalek na kasama sa pagbuo ng
diksyunaryo, puwera ang mga sinonim na ginagamit sa isang malaking
wikang rehiyonal, paris ng Tagalog, Cebuano, llokano o Tausug.
Puwede ring sundin ang tuntuning ito para sa isang grupo ng sinonim na
may dalawang miyembro lang. (b) Hanggat maaari, hindi dapat sumobra
sa apat ang miyembro ng grupong sinonim. (c) Hindi dapat magkaroon
ng mga sinonim ang mga salitang madalas na gamitin, paris ng mga
artikulo at iba pang pananda ng gramatikal na relasyon.

Sa isang grupo ng sinonim sa unibersal na diksyunaryo bibigyan ng


preperensiya ang miyembro na mas ginagamit sa maraming wika o sa simulang wika.
Ang salita lang na binibigyan ng preperensiya ang bibigyan ng depinisyon at bawat
isa sa mga sinonim nito ay kikilalanin lang na sinonim ng salitang ito.
Bibigkasin ang mga salita sa unibersal na diksyunaryo sa paraang binibigkas
ang mga ito sa mga wikang pinagmulan. Sa isang grupo ng mga sinonim na
nagkakaiba nang kaunti sa ispeling (kahit na pareho sa bigkas), isa sa mga ispeling

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
ang bibigyan ng preperensiya at ang ibang ispeling ay kokonsiderahing baryant ng
ispeling na ito. Ang ispeling na bibigyan ng preperensiya ay iyong ispeling na
ginagamit sa mas maraming wika o kaya’y iyong ispeling na sumusunod sa mga
tuntunin sa ispeling na kasama ng unibersal na alpabet.
Ang gramar at diksyunaryo ay dapat rebisahin o rebaysin pagkatapos ng hindi
sosobra sa sampung taon para isunod sa mga debelopment sa wika at para
payamanin o lalong pahusayin.
Maaari ring gumamit ng ikatlong metod sa pagbuo ng wikang pambansa na
lumalagay sa pagitan ng Metod A at B; tatawagin natin itong Metod C. Sa Metod C,
maaaring gumamit ng dalawa hanggang walong wika bilang base ng wikang
pambansa. Ang mga salita sa mga ibang wika ay idaragdag sa diksyunaryo nito sa
loob ng limang taon.

Karakteristik ng Bagong Wikang Pambansa


Narito ang ilan sa mga karakteristik ng wikang mabubuo sa pamamagitan ng
alinman sa tatlong metod ng paraang unibersal:
1. Una, ang wikang mabubuo sa paraang unibersal ay tiyak na isang wika ng
Pilipinas. Kaparehong-kapareho nito ang mga wika ng Pilipinas sa tunog,
bokabularyo at gramar. Ang pang-ilalim na balangkas nito’y kapareho ng pang-
ilalim na balangkas ng mga wika at dayalek ng Pilipinas. Maiiba lang ito sa mga
ibang wika ng Pilipinas sa pang-ibabaw na balangkas.
2. Ikalawa, ang wikang mabubuo ay hindi magkakaroon ng anumang sangkap
o anyo na wala sa mga wika ng Pilipinas. Pero may mga (pang-ibabaw na)
sangkap at anyo ng isang partikular na wika na posibleng wala sa wikang ito.
3. Ikatlo, paris ng alinmang wika, ang wikang bubuuin sa paraang unibersal ay
magkakaroon ng sariling buhay sa oras na ito’y gamitin. Hindi ito magiging
isang artipisyal o patay na wika.
4. Ikaapat, kung susundin ang Metod A o Metod C, maaaring sa simula’y
walang katutubong ispiker ang wikang mabubuo, at dahil dito masasabing
artipisyal na wika ito. Pero kung susundin ang Metod B, ang wikang mabubuo
ay isang natural na wika na aktuwal na sinasalita na ngayon ng maraming
Pilipino, lalo na kung ang basehang wika ay ang tinatawag naming Pilipino ng
UP. Ito ang Pilipinong ginagamit hindi lang sa katagalugan at kamaynilaan
kundi pati sa mga rehiyon na ang katutubo o dominanteng wika ay hindi
Tagalog.
5. At ikalima, mapapansin sa nakaraang diskasyon na walang salita o anumang
sangkap na iimbentuhin para isama sa bubuuing wikang pambansa. Ang pag-
iimbento ng mga salita at iba pang sangkap ng wika ay hindi kailangan sa

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
paraang unibersal. Hindi rin kailangang gamitin o buhayin pa rito ang mga patay
nang salita o iyong mga salitang ginagamit noong unang panahon na hindi na
ginagamit o naiintindihan ngayon. Lahat ng mga tunog, salita, konstruksiyon at
iba pang bagay sa wikang pambansa na dedebelopin sa paraang unibersal ay
buhay at natural sapagkat kasalukuyang ginagamit ang mga ito sa mga wika at
dayalek ng Pilipinas na sinasalita ngayon ng mga Pilipino.

Pagdebelop sa Wikang Pambansa sa U.P.


Makikita sa katatapos na diskasyon na ang aktuwal na pagdebelop ng isang
wikang pambansa sa pamamagitan ng alinman sa tatlong metod ng paraang unibersal
ay hindi mahirap o imposible. Sa katunayan, kung mayroon lang mga kailangang
pondo, tauhan at kagamitan, madedebelop ang wikang ito sa loob ng dalawang taon.
Ang madedebelop na wika ay masasalita, maisusulat at mababasa ng sinumang
Pilipinong nakakapagsalita, nakakasulat at nakakabasa ng kahit anong wika.
Maituturo ito at mapag-aaralan paris ng anumang wika at nang mas madali kaysa
Ingles, Kastila o anumang banyagang wika. Sa madaling sabi, paris ng alinmang
buhay na wika magagamit ito sa pagkokomunika mula sa henerasyong ito hanggang
sa mga darating pang henerasyon. At ipinipredik namin na ang wikang ito ay mas
tatanggapin ng mga Pilipino bilang wikang pambansa nila sapagkat hindi lang ito
nagmumula sa kanilang iba’t ibang wika at dayalek kundi ito’y konkreto at buhay na
simbolo rin ng kanilang pagkakapare-pareho, pagkakaisa at ng kaniling matagal nang
pinakahahanap na pambansang identidad o nasyunal aydentiti.
May mga magtatanong siguro kung alin sa tatlong metod ng unibersal na
katatapos na diskasin ang pinipili o pinapaboran ng UP. Pinipili namin sa
Departamento ng Pilipino at Literatura ng Pilipinas [ngayo’y Departamento ng Filipino
at mga Wika ng Pilipinas] ng UP ang metodo B. Ngayon pa’y inuumpisahan na namin
ang pagdebelop sa UP ng pambansa simula sa isang wika. Ang simulang wika ay
hindi ang wikang Tagalog kundi ang tinatawag naming Pilipino ng UP. Iba ang Pilipino
ng UP sa Pilipinong pinalalaganap at gustong palaganapin ng Surian ng Wikang
Pambansa at itinuturo sa mga public school sa Pilipinas. Ang Pilipino ng UP ay ang
uri ng Pilipino na ginagamit sa buong bansa, hindi lamang ng mga Tagalog o sa mga
lugar na Tagalog ang katutubo o dominanteng wika kundi pati ng mga di-Tagalog o sa
mga lugar na mga ibang wika ang katutubo o dominante.
Para makita ang aktuwal na anyo at gamit at halimbawa ng Pilipino ng UP,
inisip at hinarap namin agad ang magsalin sa wikang ito ng mga obrang nakasulat sa
ibang wika, lalo na ng mga obra sa iba’t ibang literatura ng Pilipinas. Nakita namin na
ang katipunan ng mga obra sa iba’t ibang wika ng Pilipinas na naisalin at maisasalin
sa wikang pambansang aming dinedebelop ay maaari at dapat na maging simula ng
pambansang literatura ng Pilipinas. Ang aktuwal na pagbuo ng pambansang literatura
ng Pilipinas sa ganitong paraan ay aming ihaharap sa ibang papel. Masasabi lang

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
namin dito na naniniwala kami (at ganoon din ang ibang nakarinig sa proposal naming
ito) na ang pagdebelop ng wikang pambansa at ng pambansang literatura ng Pilipinas
ay mas mabuti at mas madaling magawa kung mapagsasabay batay sa mga prinsipyo
ng paraang unibersal. Masasabi rin namin dito nang walang pag-aalinlangan na ang
wikang pambansang madedebelop sa paraang unibersal ay siyang pinakamabisa at
pinakaangkop na wika ng pambansang literatura ng Pilipinas, hindi ang wikang Ingles
o Tagalog at hindi rin ang puro o puristang Pilipino.

Argumento para sa Pilipino


Ngayon, tingnan naman natin ang mga pangunahing argumentong ginagamit
bilang suporta sa palagay na ang wikang Pilipino ang nasa pinakamabuting posisyon
para maging wikang pambansa ng Pilipinas. Ang mga argumentong ito ay ang
sumusunod:
(a) Pilipino ang wika ng Manila, ang pinakaimportanteng siyudad sa buong
Pilipinas, kayat mas prestijus (“prestigious”) ito kaysa mga ibang wika ng
Pilipinas;
(b) Pilipino ang dominanteng wika sa mass media;
(c) Mas marami ang ispiker ng Pilipino kaysa alinman sa mga ibang wika ng
Pilipinas;
(d) Batay ang Pilipino sa pinakadebelop na wika ng Pilipinas at hindi magtatagal
at aktuwal nang sasalitain ito ng lahat ng mga Pilipino.

Nakikita namin ngayon na ang mga argumentong ito na matagal nang inuulit-
ulit ng mga pro-Pilipino ay hindi naging sapat para magtagumpay ang Pilipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas. Sa kabilang dako, ang mga argumentong ito mismo at
ang “puristang” palisi (policy) na sinunod sa pagdebelop, pagpapaunlad at pagtuturo
sa Pilipino ang mga aktuwal na dahilan ng pagkabigo ng Pilipino bilang wikang
pambansa ng Pilipinas. Pero ito’y hindi na saklaw ng papel na ito. Masasabi lang dito
na marami sa mga sumusuporta sa Pilipino ang nagtaka nang atakihin nang matindi
at pagkatapos ay tuluyang itakwil ng Konkon ang Pilipino bilang wikang pambansa ng
Pilipinas. Hindi nila nakita na ang pagkalat ng Pilipino sa buong bansa at ang pagtuturo
ng puristang anyo nito sa lahat ng eskuwelahan ay ilan sa mga nagpalakas sa
etnikong kamalayan ng mga grupo sa Pilipinas at ang kamalayang ito sa parte ng
mga, di-Tagalog na grupo ay tumanggi sa Pilipino (na ipinalagay nilang Tagalog)
bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Kritisisimo sa Paraang Unibersal

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
Balikan natin ang paraang unibersal. Mula nang banggitin ito sa Konkon,
tumanggap ito ng maraming kritisisim o puna, kahit noong hindi pa natitiyak ng mga
kritik kung ano ito. Dalawa ang pinakamadalas na kritisimo. Una, may mga kritik na
nagsasabi na imposible raw, hindi matino, o kaya’y “kaululang lingguwistik” (Nakpil
1972) ang bumuo ng isang wikang batay sa higit sa isang wika o batay sa maraming
wika. Ito ang sinabi ng isang kritik ng paraang unibersal (Roces 1972):

But to expect that 87 separate branches make a language tree is absurd


because there have to be roots and a trunk where diverse branches can be
grafted.

[Ngunit isang kalokohan na asahang 87ng magkakahiwalay na sanga ang


bubuo sa isang language tree sapagkat kailangang magkaroon ito ng mga
ugat at katawan na pagpapatubuan ng magkakaibang sanga.]

Ikalawa, kahit na raw makabuo ng wika sa paraang unibersal, imposible ng


mapakalat ito
sapagkat ito’y isang artipisyal na wika at dahil dito hindi ito pag-aaralan o matututuhan
ng mga Pilipino. Ito naman ang sinabi ng isa pang kritik (Nakpil 1972):

One of the most irrefutable principles of linguistics is that a language that


is nobody’s mother tongue will be extremely difficult to teach or learn
and almost impossible to implant. One can propagate, or enrich with
loan words, an existing language, but one cannot invent one out of thin
blue air, or even out of 8 “mutally unintelligible” rival languages, without
courting muteness. An artificial language with no native speakers — as
Esperanto, Orbis, Frate, Universalla, Parla all in their own good time
have shown — just won’t take. To impose one on Filipinos now is to
court muteness, total illiteracy and ineradicable ignorance.

[Isa sa mga di-makokontrang prinsipyo ng lingguwistiks ay ito: Ang wika

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
na hindi inang wika ng sinuman ay totoong napakahirap ituro at pagaralan at
halos imposibleng itanim sa isip. Puwedeng palaganapin, o payamanin sa mga hiram
na salita, ang isang umiiral na wika ngunit hindi puwedeng umimbento ng isang wika
mula sa manipis na hanging asul (“thin blue air”) o kahit sa walong “di-
nagkakaintindihang” magkakaribal na wika nang hindi tutungo sa pagkapipi. Ang isang
wikang artipisyal na walang katutubong ispiker — gaya ng ipinakita ng Esperanto,
Orbis, Frate, Universalla, Parla sa kani-kanilang panahon — ay talagang di pupuwede.
Ang ipilit ang isang wikang ganito sa mga Pilipino ngayon ay patungo sa pagkapipi,
total na iliterasi at di maaalis na ignoransiya.]
Naipaliwanag na namin na hindi imposibleng bumuo ng isang wika batay sa
ilang wika. Ginagawa ito ngayon sa Norway (Haugen 1968). Nagawa na ito sa
Southern Rhodesia at sa Macedonia (Lunt 1959). Hindi ko maintindihan kung bakit
hindi ito pupuwede sa Pilipinas lalo na kung iisipin na ang mga wika at dayalek sa
bansang ito ay magkakapareho sa isa’t isa sa tunog, bokabularyo at gramar.
Nasabi na rin na maaaring ang wikang madedebelop batay sa paraang
unibersal ay artipisyal — nangangahulugang hindi ito inang wika ng sinuman sa
umpisa, pero maaari ring ang wikang mabubuo sa pamamagitan ng paraang unibersal
ay natural — nangangahulugang may mga nagsasalita nito sa simula pa. Ito’y
depende sa metod na gagamitin sa pagbuo sa wika. Ngayun, tungkol naman sa
pagiging artipisyal ng isang wika, gusto kong basahin sa inyo ang sumusunod na
obserbasyon (Pei 1968:ix): 4

The charge of “artificiality” often leveled at constructed [or artificial]


languages... is no charge at all. A horse is “natural,” an automobile
is “artificial.” For purposes of present-day travel under present-day
conditions, no one seriously questions the superiority of an “artificial”
automobile.

[Ang bintang na “pagiging artipisyal” na karaniwang iniuukol sa


binalangkas [o artipisyal] na mga wika... ay di tunay na bintang. Ang
kabayo ay “natural,” ang automobil ay “artipisyal.” Sa mga pagbibiyahe
ngayon sa kasalukuyang kondisyon, walang sinumang seryosong
kukuwestiyon sa superyoridad ng isang “artipisyal” na automobil.]

Tagumpay ng Wikang Pambansa

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
Sa pinal na analisis, ang tagumpay ng isang wika na maging wikang pambansa
ng isang bansa ay depende hindi sa pagiging artipisyal o natural nito kundi sa
pagtanggap o atityud (attitude) ng mga taong pinag-uukulan nito o dapat na gumamit
nito. Kami sa UP ay matatag na naniniwala na ang wikang madedebelop sa
pamamagitan ng paraang unibersal ay mas madaling tanggapin at gamitin kaysa sa
wikang madedebelop, lalo na iyong Pilipinong itinuturo ngayon sa mga public school,
bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ang paniwala naming ito ay batay sa mga
sumusunod na dahilan:
(1) Ang wikang mabubuo sa pamamagitan ng paraang unibersal ay hindi batay
sa Tagalog lang o sa isang wikang inaari o inaangkin ng isang malaking etnikong
grupo;
(2) Ang wikang ito ay base sa marami o kundi man sa lahat ng mga wika at
dayalek ng Pilipinas
(3) Hindi papaboran ng wikang ito ang alin man sa mga etnikong grupo ng
Pilipinas;
(4) Ang pagbuo ng pagpapayaman sa wikang ito ay magiging responsibilidad
ng lahat ng mga etnikong grupo sa Pilipinas, hindi ng isang grupo lang.

Sa kabuuan, nakikita namin na ang paggamit ng paraang unibersal sa


pagdebelop sa pambansang wika ng Pilipinas ay magbubunga ng malaking epekto o
pagbabago sa atityud ng mga Pilipino, hindi lang sa kanilang wikang pambansa kundi
pati na sa kanilang kultura at literatura at sa kanilang bayan at kapwa Pilipino. Sa
paggamit nila ng wikang pambansang dinebelop sa paraang unibersal, na binubuo ng
sangkap at anyong nagmumula sa iba’t ibang wika at dayalek ng Pilipinas, malalapit
sila sa iba’t ibang kultura, literatura, tao at rehiyon ng Pilipinas. Lalaki ang kaalaman
at interes nila sa mga ito at ang atityud nila sa mga ito ay magiging masigla at positibo,
imbis na laging malamig o paiwas at negatibo. Sa paggamit nila ng wikang
pambansang dinebelop sa paraang unibersal, makikita nila na ang wikang ito’y mula
at para sa lahat ng Pilipino, at ito’y nagbibigay ng pabor sa lahat ng Pilipino, hindi sa
mga miyembro ng isang etnikong grupo lang. Makikita rin nila na ang wikang ito’y mas
madaling matutuhan at mas epektibong magagamit ng mga Pilipino kaysa wikang
Ingles, at ang wikang ito at hindi ang wikang Ingles o anumang dayuhang wika ang
tunay na tatak at daluyan ng pambansang kultura at identidad ng mga Pilipino. Kayat
naniniwala kami na hindi na kailangang maghintay pa ang mga Pilipino ng 100 o 50 o
kahit na 25ng taon para makita nila na ang kanilang wikang pambansa ay siyang wika
ng kanilang pagkakaisa at pagkakaiba, ang wika ng kanilang identidad, at ang wikang
magpapalaya sa kanila sa mga banyaga at alyenadong isipan at oryentasyon.

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE

Isagawa
Panuto: basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa
patlang ang T kung tama ang kaisipan inihahayag at M naman kung mali.
______1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipiino.
______2. Ang Saligang Batas ang gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagdebelop ng wikang pambansa.
______3. Isang bilinggwal na bansa ang Pilipinas.
______4. Dominanteng wika ang Filipino sa Pilipinas.
______5. Tanging Tagalog ang maaring batayan sa pagdebelop ng wikang
pambansa.
______6. Mapapalitan ng paraang unibersal ang wikang pambansa ng mga
mamamayan.
______7. Yaong anyong ginagamit ng ilan ang mas preperensiya sa pagbuo
ng bokabularyo ng wikang pambansa.
______8. Sa paraang unibersal, tatlong metod ang maaring gamitin.
______9. Maaaring wika ng Pilipinas ang wikang mabubuo sa paraang
unibersal.
______10. Ang wikang Filipino ay purong Pilipino.

Suriin
Panuto: Ipaliwanag ang ibig ipahiwatig ng pahayag mula sa Think Cloud
sa ibaba. (10 puntos)
Ang pagdebelop ng wikang
pambansa sa paraang
unibersal ay natural hindi
artipisyal.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang konsepto ng paraang unibersal na pagdevelop ng wikang
pambansa? (5 puntos)
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________
2. Ano- ano ang dahilan ng paggamit ng paraang unibersal sa pagdebelop ng
wikang pambansa ng Pilipinas? (10 puntos)
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________
3. Ano ang tinutukoy ng Filipino ng UP? ( 5 puntos)
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________
4. Ipaliwanag: Ang wika pambansa, ang wikang magpapalaya sa mga Pilipino
sa mga banyaga at alyenadong isipan at oryentasyon. (5 puntos)
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
___________________________________________________________
____________________________________________

Aralin 1.2 Filipino Bilang Wika ng Bayan


Intelektuwalismo at Wika*
Renato Constantino
Ang tradisyon ng intelektuwalismo, kagaya ng sa mga bansang Kanluranin, ay
umiiral sa ating kapwa bansang Asyano tulad ng India, Indonesia, Vietnam at iba pa.
Tulad natin, karamihan sa kanila ay nakaranas ng kolonyalismo, ngunit sa
larangan ng sining at kultura, malayo tayo sa kanila. Ang dahilan nito ay ang
pagkakaiba ng Sistema ng kolonyalismong inilatag sa atin, at ang kawalan natin ng
matatag na sibilisasyon noong tayo’y sinakop ng unang kolonisador.
Ang mga bansang nabanggit ko’y matataas na ang antas ng sibilisasyon nang
sila’y nasakop at ang kanilang mananakop ay nagtatag ng indirect colonialism na
hinayaang manatili ang mga institusyon at wika ng taumbayan. Sa Pilipinas, naging
ganap ang pananakop sa lahat ng larangan ng ating buhay—sa relihiyon, sa
edukasyon, sa istruktura ng lipunan, sa ekonomya, sa kultura at pati na sa wika. Dahil
dito, ang tatak ng ating mananakop, lalo na yaong sa mga Amerikano, ay malalim na
nakaukit sa ating mga institusyon, sa ating isip at pananaw sa daigdig. Ang
pagkakaiba ng ating karanasang kolonyal ang lumikha ng pagkakaiba ng ating
pambansang katangian at ng pagsulong ng kasaysayan.
Samantalang palagi tayong inuudyok, lalo na sa karamihan sa ating mga
eskuwela, na pag-aralan ang kaisipang Kanluranin, kulang sa diin at interes ang ating
pag-aaral ng kasaysayan, kultura at mga ideya ng mga karatig-bansang Asyano. Ang
lalong masama, tila hindi masyadong importante para sa atin—maliban lang siguro sa
iilang klase ng mga gurong makabayan—na magalugad, madiskubre, at lubusang
maunawaan ang mga sinulat ng ating mga kababayan, samantalang sa ibang bansa,
ang pag-aaral ay batay sa mga akda ng sarili nilang mga pantas. Sa atin, ang laging
tinutukoy ay ang mga akda ng mga dayuhan. Hindi natin pinag-aaralan nang malalim
ang mga kaisipan ng ating mga pantas sa pilosopiya at agham panlipunan.
Marami-rami na rin sa ating mga kababayan ang nakapag-ambag ng
mahahalagang kontribusyon sa daigdig ng kaisipan. Subalit, kadalasa’y hindi natin ito
binibigyan ng gaanong importansya. Ito’y isang dahilan ng kawalan ng tradisyong
intelektuwal. Di katulad sa ibang bansa, wala tayong matutukoy na iba’t ibang daloy
ng pag-iisip na pinayayabong at pinasusulong ng mga grupong intelektuwal mula sa
isang henerasyon tungo sa susunod. Wala tayong tinatawag na intellectual tradition.
Sa kabilang dako naman, dapat nating aminin na hindi nakatutulong sa
pagbubuo at pagsusulong ng masaklaw na pag-iisip ang kasalukuyang edukasyon at
ang pangkalahatang katayuan ng kultura.
Hindi rin natin maitatatwa na kadalasan, ang mga nilikha ng ilan sa ating mga
pantas ay pira-pirasong pag-aaral na hindi sumasaklaw sa kabuuan ng problema. Ito’y

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
resulta ng sistema ng edukasyon na hanggang ngayon ay nababalutan ng kolonyal
na pananaw. Ang impluwensya ng dating kolonisador ay malakas pa at ang mga
institusyong itinatag nito ay malalaking balakid sa pagsusuri at pagtuklas ng tunay na
Pilipino batay sa kongkretong kalagayan nito.
Ipinagmamalaki natin bilang isang bansa ang ating mataas na antas ng literacy,
ngunit lumilikha tayo ng mga mamamayang walang karanasang intelektuwal tungkol
sa kahulugan at layunin ng ating bayan. Ito sana ang magbibigay sa kanila ng batayan
upang suriin ang kalagayang pambansa at pandaigdig. Marami sa atin ang walang
alam o kaya ay walang pagpapahalaga sa ating minana sa kasaysayan. Wala tayong
kakayahan makakuha ng inspirasyon o maging kritikal man sa minanang ito.
Hindi binibigyang-kakayahan ng ating sistemang pang-edukasyon ang ating
mga estudyante na makita ang pagkakaiba ng malalim at mababaw na kaisipan. Mas
gusto nila ang mga pelikula o palabas sa telebisyon na simpleng mga pormula ang
ginagamit sa paglutas ng mga problemang personal. Ang mga problemang panlipunan
ay di pansin o tinatratong di importante. Tatanda sila nang hindi man lang nakikilala
ang ating mga likhang intelektuwal o ang kabuuang daigdig ng karunungan. Walang
hamon para sa kanila ang misteryo at abentura ng intelektwalisasyon sapagkat mas
naaakit sila ng mga kaalwanang materyal at aliwang hungkag. Ang ganito ay bunga
ng artipisyal na kultura na epektibong kinakalat mula sa Kanluran.
Ang kababawan at kawalang-kakayahan sa gawaing pang-intelektuwal ay
isang malubhang problema ng lipunan. Kakaunti ang mga Pilipinong maaaring
masabing tunay na mga intelektuwal na nagsusuri, nagtataya, at nakauunawa sa
lipunan bilang isang kabuuang ugnay-ugnay. Sa kanila, anumang nangyayari sa
daigdig ay maaaring bigyan ng kahulugan at komprehensibong interpretasyon mula
sa isang tiyak na pananaw. Bukod sa pagiging mapanlikha at mapagpuna,
nakapagbibigay sila ng bagong mga haka-haka at obserbasyon nang walang takot at
limitasyon. Natatanaw nila ang hugis ng kinabukasan, at ang direksyon ng pagbabago.
Kaya’t marami sa kanila ang tinataguriang radikal, sapagkat pasulong ang kanilang
pag-iisip at ang kanilang mga akda ay instrumento ng pagluluwal ng bagong
kamalayan at kaayusan mula sa luma.
Marami sa ating kababayan ang nagmamalaki na sila ay kabilang sa
intelihenteng sector ng bansa. Ipinagmamalaki pa ng ilan sa kanila ang pagka-
intelektuwal. Sa katunayan, ang marami sa kanila ay mga semi-intelektuwal lamang,
at ang iba ay mga mental technicians.
Lumilitaw sa ating pagsusuri ng posisyon at katangian ng mga mental
technicians sa ating bansa na sila ay biktima at daluyan ng kolonyal na kamalayan;
sila ay tagatanggap ng miseducation at sa gayon ay nagiging miseducators ng
lipunan.
Sapagkat ang edukasyon sa bansang ito kadalasan ay negosyong
pinatutubuan, mahal ang pagtatamo ng mataas na kaalaman. Kaya’t marami sa

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
nakatatanggap ng tinatawag na edukasyon ay mga galing sa mga grupong
katamtaman o malaki ang kita. Ang ganitong mga grupo ay may tendensiyang
paboran ang kasalukuyang sistemang panlipunan kasama na ang namamayaning
kamalayan sapagkat sila ang nakikinabang dito. Bukod pa rito, ang pagtanaw ng
maraming pamilya sa edukasyon ay isang instrumento lamang ng pagtatamo ng
personal na ambisyon sa buhay.
Ang pangkaraniwang layunin ay mataas na kita at katayuan sa lipunan. Di
nakapagtataka na ang edukasyon, sa ganitong konteksto, ay nagiging pagkuha na
lamang ng mga kasanayang maipagbibili nang mahal at makagagarantiya ng
trabahong may prestihiyo. Karaniwan, ang nagbibigay ng ganitong trabaho ay ang
elite, dayuhan man o Pilipino. Kaya’t sinumang gustong magtagumpay sa daigdig ng
mga elite ay kailangang may malinis na rekord. Di sila maaaring magpanukala ng mga
radikal na ideya. Hindi sila maaaring makihalubilo sa mga grupong may masamang
tatak sa establisimiyento. Hindi sila maaaring lumahok sa anumang protesta.
Nakabilanggo sila sa isang linya ng kaisipan na pabor at nangangalaga sa status quo.
Ang pag-iwas sa anumang uri ng pakikisangkot ay siguradong pipigil sa
anumang tendensiya tungo sa malalim na pag-iisip at tunay na intelektwalisasyon.
Ang tagumpay sa anyo ng kariwasaan sa buhay at pagbili ng maraming mga status
symbol ay lalo pang makababawas sa anumang interes na pag-aralan at baguhin ang
kabuuang lipunan para sa interes ng karamihan. Mas masahol pa rito, nagsisilbing
intelektuwal ng naghaharing uri ang mga nagtatagumpay na ito. Sila ang nagiging
aktibong tagapagtanggol ng kasalukuyang kalagayan. Hindi naman nila
nararamdaman ang nawala sa kanila sapagkat abala sila sa pagpapayaman at sa
mabababaw na pang-aliw.
Ilang dekada nang patuloy na pinarurupok o pinahihina ng ating pagtanggap at
pagkaalipin sa wikang banyaga ang kalidad ng intelektwalisasyon dito sa bansa.
Ang laging binibigyang-halaga ay ang wikang dayuhan, tradisyon at
kapangyarihan sa kasalukuyan. Hindi nakapagtataka na ang ating pag-iisip ay
hinuhubog ng itinuturong maka-dayuhan at ng mismong reyalidad. Ang ating mga
pasiya ay laging nababatay sa ating pakikitungo sa ibang mga bansa at sa mga
dayuhang institusyong namamayani sa pambansang kabuhayan natin. Sa ganitong
konteksto, Ingles ang binibigyang prayoridad sa edukasyon at negosyo. Pinalilitaw na
isang pangangailangan sa mga Pilipino ang masanay sa wikang banyaga upang
magtagumpay sa daigdig ng produksiyon at kalakalan. Alam natin na ito ay
pinabulaanan na ng karanasan ng Hapon at maging ng ating mga kahanggang tulad
ng Taiwan at South Korea na umunlad nang husto gayong sariling wika ang
pangunahing gamit.
Sa ating karanasan, ang mahabang kasaysayan ng paggamit ng Ingles ay di
nagbunga

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
ng kaunlaran, maliban sa mga nagtatrabaho sa mga dayuhang kompanya o sa ibang
mga bansa. Bagkos, ang Ingles ay nakapigil sa pag-unlad ng karamihan sa mga
Pilipino na di lubos na nakauunawa rito ngunit napilitang mag-aral nito at sa
pamamagitan nito. Nauntol ang pag-unlad ng wikang pambansa bilang wikang
panturo, wikang opisyal, at wika ng negosyo. Naging limitado ang kaalaman at
kakayahan ng maraming Pilipino na itinali sa Ingles gayong hindi nila magamit ito sa
malalim at maunlad na paraan.
Ang paggamit ng wikang banyaga bilang wikang panturo ay sagabal sa pag-
iisip dahil dapat munang masanay ang mag-aaral sa bagong mga tunog, tono, at
balangkas ng pangungusap. Nahihirapan siyang ipahayag ang kanyang mga saloobin
at ito’y pumipigil sa kanyang pag-iisip. Kaya, makikita natin na marami sa ating mga
kababayan ang hindi sanay mag-isip nang malalim. Hindi nila ganap na nauunawaan
ang mga aklat at peryodikong nakasulat sa Ingles. Hirap na hirap ang marami sa atin
na mag-usap sa wikang Ingles pero hindi rin sila makapag-usap nang mahusay sa
sarili nating wika dahil ito ang napabayaan.
Ang wika ay instrumento ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad
ang kaisipan. Sa pag-unlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Ngunit kapag
ang wika ay naging sagabal sa pag-iisip, ang pag-iisip ay nababansot o nababaog at
magbubunga naman ng kulturang bansot. Ang malikhain, mapanuri at mapagbuod na
kaisipan ay hindi uunlad sapagkat ang mga mag-aaral ay nahirati sa pagsasaulo sa
dayuhang wika.
Dahil sa mekanikal na paraan ng pag-aaral, pangkalahatang ideya lamang ang
natututuhan ng mga mag-aaral; hindi nagkakaroon ng masusing pagsusuri at malalim
na pag-unawa. Kaya naging ugali na ng maraming estudyante ang mag-aral lamang
para makasagot nang tama at pumasa sa pagsusulit para makatapos ng kurso.
Napipigil ang malayang pag-iisip sapagkat ang wikang panturo ay iba sa wikang
ginagamit sa labas ng klase. Ang isang mag-aaral ay nasisiyahan na lamang sa
pangangalap ng impormasyon. Ngunit bihira niyang magamit ang impormasyong ito
para mapalalim ang kanyang pang-unawa sa mga suliranin ng kanyang lipunan.
Sa kabila ng mga humahadlang sa pag-unlad ng wikang pambansa, nakikita
natin ang pagyabong ng lengguwahe na yumaman sa paghiram sa iba’t ibang
diyalekto at sa salitang Ingles, Kastila’t iba pa. Dumarami na ang akda sa ating wika
dahil sa lumalaki ang publiko nito. Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito’y
ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan o pang-
aliw. Ang wikang katutubo na yumayabong ay nakatutulong sa katutubong pag-iisip.
Ang pelikulang Pilipino, ang mga popular na programa sa telebisyon, ang
nakararaming nakikinig sa radyo at malaking sirkulasyon ng mga pahayagang Pilipino
ay mga hudyat ng pamamayani ng wikang pambansa. Tinatanggap ko ang
kakulangan ng aking henerasyon sa pagsakatuparan ng ganitong hangarin at

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
hinahangaan at dinadakila ko ang kabataan ngayon na kumikilala at buong dangal na
nagbigay buhay sa ating wika.
Ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay
na Pilipino. Ang edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong naniniwala na sila,
bilang indibiduwal o kolektibo, ay pantay sa ibang mga sambayanan. Ang paggamit
ng sariling wika bilang instrumentong mapagpalaya at nagbibigay-kapangyarihan ay
isang mahalagang hakbang tungo sa layuning makabansa.

Suriin
Narito ang isang pahayag na nabanggit sa dokumentaryo. Ipaliwanag ang
iyong kaisipan ukol sa ibig ipahiwatig ng may akda. (10 puntos)

Ang paggamit ng sariling wika


bilang instrumenting mapagpalaya
at nagbibigay- kapangyarihan ay
isang hakbang tungo sa layuning
makabansa.
- Renato Constantino
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________

Aralin 1.3 Filipino Bilang Wika ng Pananaliksik

Panimula
Matutunghayan sa ibaba ang transkripsyon ng dokumentaryong nailathala
sa youtube na may pamagat na "Sa madaling Salita: Kasaysayan,at Pag-unlad ng

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
Wikang Pambansa" na inihahandog ng Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng
Pilipinas Diliman sa pamamagitan ng suporta ng Opisina ng Tsanselor.
Kinapapalooban ito ng mga pahayag ukol sa pagtingin sa Wikang Filipino
bilang mahalagang instrumento sa pagpapanatili ng kulturang Filipino, kasaysayan at
pambansang pagkakaisa.

"Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa"


(Transkripsyon hinango mula sa https://www.youtube.com/watch?v=KH-
UFAt--To)

Bienvenido L. Lumbera
—Pambinsang Alagad ng Sining, Propesor ng Wika at Panitikan UP-Diliman

“Ang wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay


wikang sumasalawin sa mababang kasaysayan ng mga Filipino. Ito
ay wikang nagpapakilala kung ano ang mga Pilipino. At kung ikaw ay
isang manunulat at gusto mong maging bahagi ng paglalarawan
tungkol sa iyong bayan ay dito ka manggitna, itong wikang ito ang
iyong gagamitin.”

Eulalio R. Guieb III


— Manunulat at Prop ng Brodkasting UP Diliman

“Ang pinakaunang maging tagpuan namin ng mga iba pang nagsasalita


sa ibang wika (batay sa naging karanasan) lagi’t lagi ang Wikang Filipino
ang tagpuan. Pagdating sa tagpuang iyan, duon magsasanga- sanga.
Maaring sasanga sa Ingles depende sa kontekso o sasanga ako sa Bisaya
depende sa konteksto, o sasanga ako sa iba pang mga wika.,At pagkatapos
duon, muling babalik sila tagpuang iyon.''

Ricardo Ma. D. Nolasco


— Dating Komisyoner ng Komisyon ng Wikang Filipino, Propesor ng
Lingwistika, UP Diliman
“Kailangan iyang isang malawak na kilusang pangmasa. Gaya nang
nagyari nung 1970 na nagsusulong ng paggamit ng sarili nilang wika at
pagkokonsepto sa sarili nilang kultura. Hindi lang problema ng wika iyan,
problema tayo kung paano tayo mag- iisip ba tayo ng alinsunod dun sa
kultura ng mga wika at kultura ng laga iba't ibang. grupong etniko -dito sa
Pilipinas o ang pinananinindigan pa rin natin ay iyong balangkas na
kolonyal."

Portia P. Padilla
— Prop ng Edukasyon, UP Diliman

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE

"Sa larangan ng pagkatuto ng wika at sa larangan ng edukasyon, hindi


naman nag-aaway-away at walang kompetisyon ang mga resulta ng mga
pag-aaral. Ang sariling wika ay ang daan papunta sa Filipino at papunta sa
iba pang wika - banyaga man o ibang wika sa Pilipinas. Hindi ito sariling
wika laban sa Filipino. Hindi ito sariling wika laban sa-Ingles."

Niel Martial R. Santillan


— Propesor ng Kasaysayan, UP Diliman

"Kailangan may pagkilala ang mga Pilipino na marami sa mga datos sa


kasaysayan ay nakasulat sa isang wika. Kasi pag pupunta ka sa National
Archives marami sa ating mga dokumento ay nakasulat sa wikang Espanyol
at marami na rin ang nakasulat sa wikang Ingles.Ngayon, ang lenteng
kultural na ginamit ay mula sa mga Espanyol at Amerikano. Kaya sa
pagbasa ng mga dokumento na yan kailangan ang lenteng kultural na
ginagamit ay mula sa kulturang Pilipino. Babalikan ko iyong
pagpapakahulugan ng mga Pilipino ay iba sa pagpapakahulugan ng mga
Kastila at Amerikano. Para sa makabagong historyador na mga Pllipino
dapat mula sa lenteng kultural mga Pllipino
tinitignan mo ang mga dokumentong kolonyal. At maiintindlhan mo lamang
iyan kung ginagamit moa ng wiika bilang umpukang-puhunan ng pag-
unawa sa kasaysayan at kultura.”

Ricardo Ma. D. Nolasco


— Dating Komisyonet ng Komisyon ng Wikang Filipino, Propesor ng
Lingwistika, UP Diliman

“Kung pag- uusapan natin iyong malawak ng masa ng sambayanan at


gusto nating magkaroon ng pagkakaisa, isang importanteng sangkap kung
gusto natin ng tinatawag nating pambansang pagkakakilanlan at
pagkakaisa, isang makapangyarihang instrumento iyong mayroon kang
iisang wika. Iyon yung medyo palagian ang sinasabi pero sa katotohanan
palagian ding nilalabag."

Pamela Constantino
-PropesOr ng Wika, UP Diliman

“Dahil nga instrument ang wika pwede mong i-manipulate, pwede mo rin
namang magamit ang Wika para hindi ka makapag-communicate. Mag-
iingles ka dun sa mga taong hindi marunong mag-ingles. Ang purpose mo
nu'n, hindi para mag-communicate, ang gusto mong ipakita du'n siguro
ipakita na mas mataas ako sa inyo. Mas prestigious ang aking wika at NMS
nakapag-aral ako kaya ganuon. May sariling katangian iyong wika na
minsan sabi nga nila 'language is an ideology" siya mismo kumukontrol
na sa tao, sa pag- iisip ng tao."

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE

Rowena L. Guevarra
— Propesor ng Inhenycra, UP Diliman

“Tayo-tayo mismo nag-aaway away kung ano ba talaga ang magiging


Filipino language. Ang aking example actually diyan ung Bahasa Malay at
Bahasa Indonesia. Sana nag ganu'n tayo. Kaso nandito na tayo sa panahon
na global na ang ating mga workers tapos nag-Asean Integration pa tayo.
Napakahirap nang ibalik yang nakaraan. Ang maganda na lang na nakikita
ko ngayon, mas magaling mag-explain yung mga estudyante namin in
Filipino. So sa palagay ko, iyong kahit hindi iisa ang ating policy talaga sa
wika; palagay ko somehow umandar eh dahil ang galing talagang mag-
explain ng mga bata ngayon in the Filipino language kumpara sa aming
henerasyon."

Agustin L.Arcenas
- Propesor ng Ekonomiks

“Para sa akin kasi ang wika ay mahalaga. Kasi ito yung paraan mo talaga
kung paano ka talaga makakapagturo sa estudyante may mga bagay na
higit na naiintindihan at naibabahagi nang mas mainam kapagka Filipino
ang ginagamit. Kadalasan nga tagalog kasi kapag tagalog, biglang parang
nagpa- pay attention nang malalim ang estudyante. Iyon ang pinakadahilan
kung bakit gumagamit ako ng Filipino. Hindi para sa kung ano pa man kundi
para mas maging mabisa’yung pagtuturo ko.”

Angelitci G. Manalili
— Propesor ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Patnayanan UP
Diliman

“Hindi na lamang ito nakagapos sa layuning paunlarin ang wikang


Filpino na nakabase sa tagalog. Ang ating layunin ay -ibase ito sa lahat ng
wika. Kaya ngayon sa
ayaw o gusto natin umaalagwa tayo.Halimbawa kung nag-uusap tayo ng
Filipino, pwede naming Filipinong Bisaya… p'wede naming Filipinong Bicol-
Bakit? Hindi kinakailangan maging purista tau.

Eulalio R. Guieb III


- Manunulat at Prop ng Brodkasting UP diliman
“Katulad ng laging sinasabi ni dr. Rogelio Sicat, kung ano ang
sinasabi ng kaluluwa mo iyon ang wikang lalabas. Nagkataon
siguro na nasapol ng wika natin iyong pagpapalabas ng aking
mga pananaw sa buhay at habang ginagamit ito ay lalo kong
maipapaliwanag ang kompleksidad ng ating buhay, na hindi
madaling gawin kung ibang wika ang aking ginagamit.”

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE
Suriin
Narito ang isang pahayag na nabanggit sa dokumentaryo. Ipaliwanag ang
iyong kaisipan ukol sa ibig ipahiwatig ng akda. (10 puntos)

“Karamihan ng mga Pilipino ay hindi


marunong mag- Ingles. Pero Karamihan
ng mga Plipino ay marunong mag-
Pilipino”

- Victor Paz, Professor ng Arkeoloji


UP Diliman

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Tagudin Campus

MODULE

Tayahin
Panuto: Bilang pagpapalwak ng talasalitaan, ibigay ang kontekstwal na
kahulugan (ayon sa gamit ng pahayag) ng mga salita Mula sa Hanay A. Piliin
sa hanay B ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.

Hanay A Hanay B
____1. Sumasalamin a. Nakatali
b. Masalimuot
____2. Manggitna c. Purong paggamit ng wika
____3. Tagpuan d. Lumaya
e. Gumana
____4. Magsasanga- sanga f. Pandaigdigan
g. Nakapag- aral
____5. Pangmasa h. Hundi sinunod
____6. Laban i. Gamit sa usapan
j. Pagtingin
____7. Lente k. Kontra
l. Pangmadla
____8. Umpukang- puhunan m. Mag- iiba- iba
____9. Nilalabag n. Pinanggalingan ng wika
o. Magmula
____10. Mataas p. nagpapakita
____11. Global
____12. Umandar
___13. Umalagwa
___14. Purista
___15.kompleksidad

Course Code FIL102


Descriptive Title FILIPINO SA IBAT IBANG Instructor:GILENE R. BAGUING
DISIPLINA

You might also like