You are on page 1of 23

Ang Panitikan

ng Pilipinas sa Bawat

Rehiyon

Ipinasa kay

Mr. Mata, Manolito

Guro

KABANATA 2

Mga Teoryang
Panitikan at Pag-aanalisa

Luwalhati Bautista’s

DEKADA ‘70
a film by

Chito S. Roño

Ipinasa ni

Lumbad, Clarenz Yvonne C.

BAMC BC 2D
SIMBOLISMO AT KAUGNAYAN NG AKDA SA EKONOMIYA, KULTURA,
PULITIKA AT KAPALIGIRAN

EKONOMIYA

Dekada ’70, itinuturing simula ng kadiliman at bangungot ng ekonomiyang Pilipinas.


Ngunit sa kabila nito nanatiling mayaman at maunlad ang bansang Pilipinas. Ipinapakita na sa
bawat taong lumilipas unti-unti tayong sinasakop ng mga amerikano sa paglagda ni Pangulong
Marcos sa kasunduan ng dalawang bansa at pumapailalim sa mga batas niya. Lumalim ang takot
ng mga Pilipino ng ideklra ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng Martial Law sa ating
bansa. Maraming mga Pilipino ang lumikha ng iba’t ibang organisasyon laban sa gobyerno at
nagkakaisa sa pagdalo ng iba’t ibang paraan ng rebolusyon.

Sa pagasanib at pagkakaroon ng mataas na katungkulang sa isang organisasoyon,


pinadakip at pinahirapan ang kanilang anak na panganay na si Jules ng mga taong naka-
uniporme. Ito ay isa lamang sa mga halimbawa na ang mga taong nagtataglay ng kapangyarihan
ay lumalabis na sa paggamit nito. Ang paraan naman ng pagpatay sa kaibigan ni Jules na si Willy
ay patunay na ang mga pulis ay wala ng disiplina sa paggamit ng kanilang lakas at sandata at
walang awang nananakit ng kapwa nila Pilipinong wlang kasalan at ang tanging nais ay makamit
ang kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni Marcos. Ang hindi inaasahan ng lahat ay ang
pagkamatay ng kanilang pang-apat na anak na si Jason. Pinaslang at walang awang pinatay ng
mga taong may katungkulan sa gobyerno. Walang nagawa ang mag-asawang Bartolome kundi
umiyak at maghinagpis sa lahat ng mga nangyari sa kanilang anak. Isinasalamain ng
pangyayaring ito ang kawalang hustisya sa ating bansa at ang hindi pagkakapantay-pantay na
tingin sa mga mamayang Pilipino.

KULTURA

Natural na sa mga Pilipino ang pagiging mapagmahal at maalaga sa kaniyang pamilya o


minamahal. Natural din ang pagkain ng sabay-sabay ng buong pamilya at nagkakakwentuhan sa
hapag kainan. Ipinakita ng tagapaglahad na si Amanda Bartolome kung paano maging isang Ina
sa kanyang limang anak na lalaki at mabuting asawa kay Julian. Bilang ina, kadugtong ng buhay
niya ang kaniyang mga anak at gagawin niya ang lahat para lang malagay sa mabuting sitwasyon
ang kanyang mga anak kahit ano pa man ang kahihinatnan nito at sa parehas na pagkakataon
naging masunurin, mapagmahal at maalagagng asawa naman siya kay Julian. Hindi rin
mawawala sa ugali ng mga Pilipino ang pagiging matigas ang ulo at may sariling desisyon na
kailangan panindigan. Ito ang sinimbolo ni Jules, ang panganay na anak nina Amanda at Julian.
Ipinaglaban niya ang sariling niyang paniniwala kahit labag ito sa kanyang pamilya lalung-lalo
na sa batas. Ipinakita rin ni Jules na kapag alam mong tama at makatarungan ang iyong
ipinaglalaban, maghintay at makakamit mo rin ito. Sa huling bahagi ng palabas, napawalang sala
si Jules at namuhay nang ipinaglalaban ang kanyang paniniwala.
PULITIKA

1970, ang panunumpa ni Marcos bilang Presidente ng Pilipinas. Ito na ang simula ng
hindi maayos na pamamalakad ni Pangulong Marcos sa ating bansa. Unti-unti niyang tinatanggal
ang karapatan ng mga Pilipino upang mahawakan ang Pilipinas. Sinimulan niya ito sa
pagsuspinde ng Writ of Habeas Corpus sa dahilan ng maraming mamamayang Pilipino ang
lumalaban sa kanya at nagrarali sa iba’t ibang paraan. Nagkaroon ng maraming kaguluhan
sangkot ang mamamayang Pilipino laban sa mga taong naka-uniporme at may katungkulan sa
gobyerno. Pinahihirapan ang mga Pilipinong nahuhuli at walang awang sinasaktan at
pinapaslang sa paraan na kanilang alam. Ilang taon ang lumipas at sumapit na ang 1972,
ipinroklama ni Pangulong Marcos sa buong bansa ang pagpapatupad niya ng Martial Law. Dito
na niya ipinakita ang pagiging gahaman at pagmamalabis niya sa kaniyang kapangyarihan. Lahat
ng mga Pilipino ay lalong natakot at wala ng nagawa sa pamamalakad ng Marcos administration.
Pagsapit ng dilim, wala kang makikitang taong gumagala sa daan at ang tanging mapapansin mo
lamang ay ang mga taong naka-uniporme na lumiligid at tinatanong ang mga taong maabutan sa
labas sa mga oras na iyon. Kabilang sa mga mababait at masunuring mamayang ito ang pamilya
Bartolome ngunit naging taliwas ang ginawa ng kanilang panganay na anak na si Jules. Sumama
siya sa mga kilusan at rebolusyon na lumalaban sa pamamalakad ng gobyerno. Nang sumapit
ang taong 1976, nahuli siya at pinahirapan ng mga taong kaniyang kinalaban sa gobyerno.
Walang nagawa ang kanyang mga magulang upang mapalaya siya pero pinalakad ng kaniyang
ina ang kanyang kaso sa tulong ng mga madre na lumalapit kay senator Enrile. Ngunit ultimo
ang hustisya at batas ay hinahawakan ni Pangulong Marcos kahit sa hindi tamang paraan. 1978,
ang batasang pambansa elections. Ilang taon ang lumipas, pinapatay ng hindi nkikilalang may
mataas na katungkulan si Senator Ninoy Aquino noong 1983. Ito na rin ang simula ng paggising
ng mga damdaming Pilipino at pagbagsak ng pamilya Marcos.

KAPALIGIRAN

Ang nakkita sa kapaligiran at naririnig sa mga balita ay nagdudulot ng malaking epekto


sa pamumuhay ng mga Pilipino. Binabago nito ang paniniwala at ang gustong tahaking
direksyon ng buhay ng isang indibidwal. Ang mga kawawang biktima ng mga karahasan at sa
mga hindi inaasahang pangyayari sa mga mamamayang Pilipino ay patunay lang na handa silang
magbuwis ng buhay para sa kanilang ipinaglalaban na karapatan at kalayaan.
TUNGGALIAN

Ipinakita ang mga damdaming naghuhumiyaw sa galit at naghahanap ng tunay na


hustisya sa ating bansa.

“Kanino mo kamo nilalapit? Kay Enrile? Anung sasabihin mo dun? Na ang anak mo
hinuli at saka pinatay?” wika ni Julian sa pag-uusap nila ni Amanda.

“eh. Ganun naman talaga ang nangyari.” Sagot ni Amanda

“Eh. Sino ang sasabihin mong may kagagawan? Mga Pulis? Sinong mga Pulis? Sabi ni
Julian

“Anong gagawin natin? Tatahimik na lang? Tanggapin na lang ng ganun na pinatay nila
ang anak ko?” Tugon ni Amanda.

“Hindi natin tinatanggap na pagganun lang, ginagawa natin lahat ng magagawa natin,
pero wag kang umasa. Wag kang umasa na malulutas ang kasong ito, dahil hindi inaasahan ang
gobyerno na lutasin ang mga kasong ng mga walang pangalan sa mamamayan. P***** Amanda.
Hindi lang ang anak mo ang namatay, libo-libo nay an. Tinotortyur, sinasalbeyg, tinatanggalan
ng mga bahay, pinagpuputa, pinapatay sa iba’t ibang paraan. Pinapatay ang mga ama, anak sa
iba’t ibang paraan Amanda” huling wika ni Julian

Ipinadama din sa mga manonood ang hinanakit ng isang ina at ang pusong babae na gustong
lumaya at magkaroon ng silbi sa lipunan.

“Pag-umalis lang ang babae, hindi niya talagang gustong humiwlay. Gusto lang niya
magtaka ang asawa niya, hanapin siya at suyuin siya. Gusto lang niya ng atensyon”

“Ang hirap sayo akala mo lang ang lahat nabibili ng pera. Ni hindi mo nga ako
naiintindihan, kasi buong buhay ko puro nanay lang ako. Ni hindi naman ako mahusay na ina.
ah! Alam ko, nababasa ko sayo. Oh. Ano ngayon Julian? Gusto mong isumbat sakin na kung
mahusay akong ina, sana gising ako magdamag habang hindi pa umuuwi ang isa kong anak? Na
dapat naramdaman ko na may nangyayari kay Jason ng tulad ng naramdaman ko nung may
nangyayari kay Jules! Bakit hindi mo isumbat sakin na hindi ko mahal ang mga anak ko ng
pantay-pantay tulad ng pagmamahl ko sa panganay kong anak! Para sabihin ko sayo HINDI
TOTOO YAN!! HINDI TOTOO YAN!! Akala ko lang kasi na mas kailangan ako ng anak kong
panganay. Mas marami siyang ibinibigay sakin na pag-aalala. Un lang naman kasi un. Pero hindi
mo pa rin naiintindihan! Kasi buong buhay na mag-asawa tayo, ang isip mo ay sa kung tama o
mali ba ang ginagawa ko, kung nakakasunod ba ko sa panuntunan mo o hindi, kung eksakto ang
ginagawa ko sa kinikilos ko.Tapos na ko dyan Julian! You can just stop being proud of me!
Nagsawa na ako sa ganun. Gusto ko naman ngayon, ako mismo, just for a change, maging proud
sa sarili ko.” -Amanda Bartolome
WAKAS

Sa huling kabanata ng palabas. Napalaya si Jules ,pero mas pinili niyang mamuhay
ksama ang kanyang asawa na si Marah at bumalik sa kilusang kanilang naging pamilya. Natuloy
naman ang paghihiwalay ni Isagani at ni Evelyn ,pero mas pinili nilang maging magkaibigan.
Naging magaling na manunulat si Emmanuel at lumalaki naman bilang isang kabataan si
Benjamin. Sa huli mananatili pa ring magkasama ang mag-asawang Bartolome sa hirap, sakit at
ligaya sa buhay.

“Ang mamamayang Pilipino ay nanatili pa ring bilanggo sa loob at labas ng mga rehas ng
bakal. Ngunit araw-araw sinisilang ang mga anak at magulang na magtatawid sa bangka
ngpagbabago, sapagkat ang payapang pampang ay para lang sa mangangahas na ssumagupa sa
alon sa darating na unos.”

-Amanda Bartolome

Natapos sa isang eksena na ksama na si Amanda Bartolome na sumisigaw sa mga


nagwewelga at ipinaglalaban ang ating bansa.

“ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!”

-sigaw ng MAMAMAYANG PILIPINPO-


Pag-aanalisa Gamit ang Teoryang Pormalistiko

Luwalhati Bautista’s

DEKADA ‘70

-Mga Tauhan-

Tagapaglahad
-Amanda Bartolome,
isang ina na nakapaloob sa pamilyang maykaya
sa buhay noong panahon ng 1970s.
May limang anak na lalaki at asawa ni Julian.

Julian
-mabuting asawa ni Amanda at ama sa kanilang limang
anak

Jules
-Panganay na Isagani –
anak na may Sumunod na Emmanuel –
sariling anak kay Jules at Pangatlong anak Jason –Pang-apat
paniniwala at maagang nag- na mahilig at Bengamin –
paninindigan sa asawa. magsulat ng pinaniniwalaang Bunso at malapit
buhay. Mmay kwento paborito na ama. kay Jason.
mataas na Isang anak na
katungkulan sa sinulit ang buhay
isang kabataan at
organisasyonh nakatikim ng pait
tinatawag na ng gobyerno at
New People’s kawalan ng
Army. hustisya

PAGSUSURI NG NOBELA

(DEKADA ’70)
Pamagat: Dekada ‘70

Nobelista: Lualhati Bautista

Buong Pangalan: Lualhati Torres Bautista

Kapanganakan: Disyembre 2, 1946 sa Tondo, Maynila

Kasalukuyang Edad: 63 taong gulang

Ama: Esteban Bautista Sila ang naka-impluwensya kay Lualhati na maging manunulat
dahil

Ina: Gloria Torres tinatangkilik nila ang composing, pagkanta at pagsulat ng mga
tula.

Edukasyon: Emilio Elementary School (1958)

Torres High School (1962)

Lycum of the Philippines (1 taon lang sa kursong Journalism)

Trabaho: Nobelista; Manunulat sa pelikula at telibisyon

Karanasan: Siya ay naging bise presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines; pinuno ng
Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular; chair ng
University of the Philippines Creative Writing Center (1986)

Parangal: - Catholic Mass Media Award para sa Sakada (una niyang screenplay noong 1976)

- Nominasyon sa Film Academy Awards para sa Kung Mahawi Man ang Ulap (1984, ika-2
pelikula)

- Star Awards at Metro Manila Film Festival para sa Bulaklak ng City Jail (1984,
pinakamahusay)

- Don Carlos Palanca Memorial Award (grand prizes) noong 1980, 1983 at 1984 para sa mga
nobelang Gapo, Dekada '70 at Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?

- Recognition Award mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987

- Ateneo Library of Women’s Writings (ALIWW) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos
ang ika-8 Tanong Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika

Teoryang Pampanitikan:
Para sa akin ay iba’t ibang teorya ang maaaring iugnay sa nobelang Dekada ’70 dahil na rin sa
layunin nitong unti-unting gisingin ang kamalayan at kaalaman ng mga mambabasa sa bawat kabanata na
nagpapakita ng magkakaibang katangian sa bawat isa subalit nananatiling magkakaugnay. Ang mga
sumusunod ay ilan sa mga nakita kong teoryang pampanitikan na napapaloob sa nobela:

1. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

2. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat.

3. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang


pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan at ipinamamayagpag
ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

4. Teoryang Arkitaypal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda
sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga
simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa
tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

5. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal - Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng


pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon
ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

6. Teoryang Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili
o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).

7. Teoryang Markismo/Marxismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa
tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay
nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
8. Teoryang Sosyolohikal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan
ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad
na suliranin.

9. Teoryang Moralistiko - Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

10. Teoryang Historikal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

A.Talasalitaan

1. Piyudal – batay sa pagkakagamit sa nobela ni Lualhati, ito ay nangangahulugang Diyos ang


kalalakihan at ang kababaihan ay sadyang alipin niya lamang; ito ang sinabi ni Amanda na nasa dugo na
ni Julian sapagkat siya ay walang karapatang kumibo sa mga isyung pulitikal at negosyo.

2. Burgis – dahil na rin sa kawalang-katiyakan ay naisip kong sumangguni sa internet at ito ang aking
nakita kong pinakamatinong sagot – “burgis is actually bourgeois in English just spelled as it is
pronounced Pinoy way. The meaning is the same (associated with affluent middle-class people, who are
often characterized as conventional, conservative or materialistic in outlook).” Gets na?

3. Pananaw-Victorian – di ko na babanggitin ang iba pang ibig sabihin nito sapagkat ibibigay ko lang
ang kahulugan nito batay sa pagkakagamit sa akda; ang babae’y itinuturing na libangan lang o dili kaya’y
pampaantok lang.

4. PR – ‘Public Relation;’ ito yung sinabi ni Pareng Daniel kay Amanda nang magtanong siya dito ukol
sa anunsyong trabaho sa diyaryo na nangangailangan ng tao sa advertising; dapat din daw ay mahusay sa
Inggles; nang sabihin niya ‘to kay Julian ay nagalit ito ng sobra, grabe.

5. Nilo Tayag – siya ang lider ng Kabataang Makabayan

6. Kabataang Makabayan - isang organisasyon ng mga estudyanteng nangangalampag laban sa


patakaran ng paaralan; nang ikulong si Nilo Tayag ay libu-libong mag-aaral ang nagmartsa sa lansangan
kasabay ng sigawang humihingi ng kalayaan nito.

7. Communist Party of the Philippines – Partido Komunista ng Pilipinas; Binuo ang partido sa isang
malayong barangay sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan noong 26 Disyembre 1968 ni Jose Maria Sison
8. Martial Law – Idineklara ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972 sa bisa ng
Proklamasyon Blg. 1081 na nilagdaan ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang hakbang na ito ay
binatikos ng maraming puna at pagtuligsa mula sa mga Pilipino at pagbabago sa estado ng Pilipinas.

9. Presidente’t Uncle Sam – Ang tinutukoy dito ay si dating Presidenteng Ferdinand Marcos at ang
bansang Amerika na noo’y may kolonya sa atin

10. PC-Metrocom – Philippine Constabulary Metropolitan; nabuo dahil sa Executive Order of the
President noong Hulyo 4, 1967 na mga pulis na nagkokontrol sa nagkikilos-protesta; sila ang tagapanatili
ng kaayusan sa lahat ng welga o humaharang sa hangganan ng lugar na dapat pagdausan ng welga

11.CCP – Cultural Center of the Philippines

12. UG – Under Ground o yung sikretong tagpuan ng mga NPA, mga lugar na sila lang ang nakakaalam

13. Ang Bayan – opisyal na pahayagan ng Communist Party of the Philippines; ito yung ginawang
saranggola ni Bingo na nakuha umano niya sa kuwarto ng kanyang Kuya Jules; sa pagpapatupad ng Batas
Militar, ito ay itinuturing na subersibo kaya ikinukulong ang sinumang mahulihan nito

14. National Democratic Movement – ito ang programa ni Marcos o KBL (Kilusan ng Bagong Lipunan)
na nakapaloob sa pagpapatupad ng Batas Militar

15. Subersibo - ito ay radikal o nagpapahayag ng kasalungat na paniniwala o bagay laban sa pamahalaan

16. NPA – New People’s Army

17. PTA – Parents and Teachers Association

18. ROTC – Reserved Officers’ Training Corps

19. Writ of Habeas Corpus - Ang habeas corpus [bigkas: /hey-bi-yes kor-pus/], mula sa Latin: literal na
"[Iniaatas namin] na mapasaiyo ang katawan" o "nasa iyo ang katawan" ay isang salitang
nangangahulugang atas o utos ng hukuman sa kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang
ipaliwanag kung bakit ipinipiit ang isang tao. Isa sa mga karapatan ng isang tao ang makahingi ng
tinatawag na "kasulatan ng utos ng hukuman o kinauukulan," ang writ of habeas corpus sa Ingles, bilang
pananggalang laban sa ilegal o hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng
Batas, isang kasulatan ang habeas corpus na nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan
kung bakit ipiniit ang isang tao.

20. E-D, D-G, Stay-in . . . – ito ang code sa mga lugar na pinagtataguan o pinaglilipatan ng mga NPA
tulad ng sa kilusan ni Jules; ang stay-in ay maaaring sa bahay talaga nila o manatili lang sa permanenteng
lugar

21. Proposed Chico Dam Project – tinututulan naman ng mga Kalinga ang pagtatayo ng Chico Dam na
maglulubog sa kanilang kabayanan at kultura. Bago pa ito, lumitaw ang mga pagtutol sa batas militar sa
kampanyang “Vote NO” noong Nobyembre 1972-Enero1973 nang paratipikahan ng gobyerno ang
Konstitusyong 1973 sa mga bagong buong citizens’ assemblies sa mga barangay.
22. World Bank/International Monetary Fund – isa sa pangunahing sangay ng United Nations na
siyang nangangasiwa sa usaping salapi na maaaring magpautang sa mga bansang nakikita nitong
nangangailangan ng pinansyal na tulong; nag-utos kay Marcos na magsagawa ng Snap Election upang
patunayang di pa siya isinusuka ng taong-bayan . . .

23. MNLF – Moro National Liberation Front na naghahangad magtayo ng sariling bansa sa Mindanao sa
pamamagitan ng armadong pagkilos, mga maka-kanan na grupong radikal sa simbahan, mga grupong
oligarkiko, at mga dayuhang nanghihimasok sa panloob na kalagayan ng bansa

24. Presidential Decree 823 - nagbabawal sa lahat ng welga at sa pagtulong ng ibang sektor sa mga
manggagawa nang walang pahintulot ang Department of Labor (DOL).

25. BLISS – Bagong Lipunan Indigent Settlement Services, programang pabahay ni Marcos noong Batas
Militar

26. KBL – Kilusan ng Bagong Lipunan; ang partidong kinabibilangan ni Marcos

27. LABAN – Laban ng Demokratikong Pilipino; ito ang kalabang partido ni Marcos

28. Political Officer – ito ang posisyon ni Jules sa kanilang kilusan

29. NBI – National Beaurue of Investigaton

30. Masagana 99 - magkaroon ng ani na 99 kaban bawat ektarya; pagbabagong dulot ng Batas Militar

B. Paksa/Tema

Ang likhang-sining ni Lualhati Bautista na Dekada ’70 ay ukol sa mga tunay na pangyayari
noong panahon ng panunungkulan ni Marcos o sa kasagsagan ng Batas Militar kung saan binigyang-diin
sa pamamagitan ng pamilya Bartolome. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pamilya para sa ikauunlad
ng isang bansa sapagkat ito ang itinuturing na binhi ng kung anong klaseng mamamayan ang susunod na
henerasyon. Sinasalamin nito ang paraan ng pagtahak ng kanya-kanyang landas ng bawat miyembro ng
pamilya, na talaga namang magkakaiba sapagkat ang bawat isa ay may magkakaibang personalidad at
paninindigan sa buhay. Ang bawat kabanata ay tumutulong sa atin upang makita ang unti-unting
pagbabagong nagaganap sa bawat tauhan, mga trahedyang nararanasan ng isang pamilya at kung paano
nila nalutas ang mga pagsubok na iyon. Ang nagkukuwento sa nobela ay isang asawa’t ina na sa una’y
walang pakialam sa kapaligiran subalit sa kadahilanang nasasangkot na ang kapakanan ng kanyang mga
anak ay dahan-dahang naliwanagan at natuto na ring maging isang babaeng marunong magsalita’t
maglabas ng nadarama habang umuunawa’t nakikinig na sa katotohanan.

Naganap man noong dekada sitenta ay madali tayong nakauugnay sapagkat ang mga kaganapan
ay patuloy pa rin na nararanasan hanggang sa ngayon. Ito ay isa lamang sa napakaraming posibleng
dahilan kung bakit ipinanganak ang obrang Dekada ’70. Kung susuriing mabuti ay mapapansing ninanais
ng may-akda na gisingin ang ating diwa’t damdamin na tila nakatulog na ng mahimbing sa paglipas ng ng
panahon. Layunin din ni Lualhati na kalampagin ang ating kasalukuyang lipunan na patuloy na kumilos at
ipaglaban ang dati nang nasimulan. Mga adhikaing pinaglaban hanggang kamatayan ng mga taong may
pakialam sa kinabukasan
C. Tagpuan

1. Sa Bahay ng Pamilya Bartolome

a. Sa Sala

- Dito naghintay si Amanda sa pagdating ni Jules minsan nang binalak niya itong kausapin.

b. Sa Library

- Dito sinabi ni Em kay Julian ang balitang patay na si Jason; off-limits ditto si Amanda

c. Sa Kuwarto nina Amanda’t Julian

- Dito nagaganap ang pribadong pag-uusap ng dalawa ukol sa kanilang mga anak.

2. Sa Presinto

- Dito minsang naganap ang pagkakabugbog kay Jules nang siya’y mahuli at ditto rin naman nagapa ang
Masaya niyang pagkakalaya.

3.

D. Tauhan

1. Amanda Bartolome

- Siya ay nakatira sa isang subdibisyon ng Kamaynilaan; ina ng pamilyang nasa panggitnang uri; asawa
ng isang inhenyero; ‘mom’ ng limang anak na lalaki

- Bukas ang isip sa mga ideyang dala ng nagbabagong panahon; isang babaeng nakatatap sa kanyang
identidad bilang indibidwal sa panahong ang lipunang kanyang kinapapalooban ay dinadaluyong ng mga
pagbabago; tulad din ng maraming ina na nakatali na ang buhay sa pag-iintindi sa buhay ng kanilang anak

- Si Amanda ay maituturing na walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran sa unang


bahagi ng nobela subalit ‘di naglaon ay unti-unting napupukaw ang kanyang kuryosidad. Mula sa
pagiging isang sunud-sunuran at mahinhin na asawa ay natuto siyang maglabas ng nadarama at umunawa
sa mga bagay-bagay.

2. Julian Bartolome Sr.

- Tunay na apo ng isang hasendero sa isang lugar sa Norte na may lahing Kastila, dugong mayaman at
piyudal

- Mabuting lalaki kung ang sukatan ay ang perang idinadating niya; sitenta mil pesos (1952) ang bahay na
ipinatayo niya para sa pamilya
- Mula panganay hanggang bunsong anak, hindi niya sinubukang maglampin man lang o
makipagtulungan sa mga gawaing-bahay kahit na sa panahong nagbabawi pa ng lakas si Amanda, maid
lagi ang solusyon niya o ang mama

- Kailanma’y hindi nagbuhat ng kamay kay Amanda pero wala sa kanya ang suyo; naniniwala sa
kasabihang “It’s a man’s world!”

- Mapapansin na sa umpisa ng nobela ay tila maka-gobyerno, partikular na sa Amerikano, na sa tuwina’y


kadebatehan ni Jules ukol sa panlipunang isyu sa kadahilanang pilit niyang inilalayo ang kanyang mga
anak sa mga subersibong paniniwala na maaaring makapagpahamak sa kanila

- Maprinsipyong ama at lalaki sa tuwina ngunit sa bandang huli ay nakita rin ang kanyang itinatagong
kahinaan, para sa kanya, ngunit para kay Amanda ay siya niyang tunay na kalakasan

3. Julian Bartolome Jr. (Jules)

- Dahil unang anak ay itinuring ni Julian Sr. na ekstensiyon ng kanyang sarili kaya bininyagan ng Julian
sa panahon na ang usong pangalan ay mga Michael at Lawrence at iba pang pangalang kolonyal

- Noong nasa sekundarya pa lamang ay aktibo na sa mga campus activities; kumandidato at nanalo naman
bilang president ng student council

- Mulat na ang isipan ukol sa totoong nangyayari sa lipunan kahit na sa murang edad pa lamang,
halimbawa ay ang pagsali niya sa isang protesta ng mga drayber

- Sa kanya kadalasang nagmumula ang mga isyung pulitikal at kapuna-punang siya ay may sariling
paninindigan, malakas ang loob at tunay na makabayan kahit na kadalasa’y sinasalungat niya ang mga
paniniwala ng amang si Julian

4. Isagani Bartolome (Gani)

- Bilang konsolasyon kay Amanda sa pagkabigo niya na maging babae naman ang pangalawang anak ay
isinunod ni Julian Sr. sa pangalan ng paborito niyang pinsang namatay sa tungkulin bilang pulis

- Napasali sa exchange visitors program sa pagitan ng Amerika’t Pilipinas at gumugol ng ilang buwang
pag-aaral sa California

- Maagang namulat ang isipan hindi sa kalagayan ng lipunan kundi sa mga bagay na may kaugnayan sa
pakikipagrelasyon sa ‘opposite sex’ kaya naman maituturing na mapusok at marupok si Gani sa
kadahilanang di pa man siya nakakapagtapos ng pag-aaral ay nakadisgrasya na siya. Bunga nito,
kinailangan niyang pakasalan ang babae upang di makasuhan at masabihang nang-aagrabyado.

- Kabaligtaran siya ni Jules sapagkat siya ay may kolonyal na pag-iisip, patunay na ang pagpasok niya sa
US Navy at pagka-base sa San Diego na naging dahilan ng paghihiwalay nila kaagad ni Evelyn, sanhi ng
‘long-distance relationship;’ iniisip niya ring naroroon lang ang malaking oportuninad na umasenso na
mariing kinronta ni Jules
5. Emmanuel Bartolome (Em)

- Ibig sabihin ng pangalan ay ‘tagapagligtas;’ nanalo sa spelling bee contest; nagkuwento kay Elizabeth
na anak ni Aling Dora kung paano nabuntis ang pusa na si Rose; pinakamatalino sa limang ng
magkakapatid; maraming seminar na ang nadaluhan

- Ipinapabatid lamang na siya ay may kamulatan na rin at may pagkakatulad sila ni Jules ng paniniwala sa
aspetong pulitikal subalit siya ay sa ‘paraang-Rizal’ ang ginamit na estilo samantalang si Jules ay
‘paraang-Bonifacio’

6. Jason Bartolome (Jason)

- Napalaban sa suntukan at sa isyung paano lumulundag ang tipaklong; ang kakulangan bilang estudyante
ay natatakpan ng mga katangian niya bilang anak – siya ay nang-hijack ng mga bulaklak sa bakod ng may
bakod para ialay kay Amanda isang Mother’s Day; naniniwalang pusa ang pinaka-paboritong hayop ni
Amanda, samakatuwid siya ay mapagmahal at ‘sweet’ na anak kahit na lalaki

- Siya ay maituturing na bulakbol sa pag-aaral, ‘happy-go-lucky,’ at pasaway sa limang magkakapatid,


namumukod-tangi subalit pinaka-paborito pa rin ni Julian di man niya tuwirang sabihin

- Nabarkada at katagala’y lagi nang gabi kung umuwi sa kanila; nahulihan umano ng marihuwana ng mga
pulis kaya nakulong pero di na siya nakauwi sa kanila dahil siya’y napag-alamang sinalvage na pala

7. Benjamin Bartolome (Bingo)

- Ibig sabihin ng pangalan ay ‘huling anak na lalaki’

- Malapit sa kanyang Kuya Jules ngunit katagalan ay nawalan na ito ng panahon sa kanya

- Habang lumalaki’t nagkakaisip ay nabubuksan na rin ang kamalayan sa nangyayari sa kanyang mga
magulang at kuya; pilit na inuunawa na lamang sa tahimik na pamamaraan ang mga bagay na tila banyaga
pa sa kanya

8. Willy

- Siya ay matalik na kaibigan ni Jules na kapareha niya ng mga paninindigan sa buhay; pareho silang
malalakas ang loob at mga aktibista noong una at di katagalan ay sumapi na sa isang kilusan laban sa
pamahalaan

- Sa kasamaang-palad ay namatay sa isang engkwentro laban sa mga military na higit na nagpasidhi sa


damdaming laban sa pamahalaan ni Jules

9. Evelyn

- Isang babaing hindi nagpapa-under sa asawa, yan si Evelyn na kabiyak ni Gani; bagama’t nasa bahay
sila ng mga Bartolome nakatira ay hindi yun naging hadlang upang kanyang salungatin si Gani sa mga
ninanais nito; batid naman nating nag-aaway sila sa tuwina na nagpapakita ng kanyang katapangan at
paninindigan bilang isang babae sa makabagong panahon
- Kaya naman, lihim siyang hinahangaan ni Amanda, sa kanyang mga pagpapasyang tila walang pag-
aalinlangan, sa kanyang pakikipaghiwalay mismo kay Gani at sa kanyang pagtatrabaho na lalong
nagpapakita ng kanyang disposisyon sa buhay

10. Anna Lissa

- Anak nina Gani at Evelyn; nagbigay kaligayahan sa tahanan ng mga Bartolome sa panandaliang
pananatili niya sa mga ito

- Kahit papaano ay siyang naghatid ng panibagong saya kay Julian nang mamatay si Jason

11. Domeng

- Siya ang tila pumalit sa puwesto ni Willy nang ito ay namatay dahil tulad nito, kasapi din siya sa
kilusan at sa pagpunta niya sa bahay nina Amanda ay naging malapit siya ditto

- Magaling magluto; tumutulong sa mga gawaing-bahay; napalapit nang husto kay Bingo o siya’y
matiyaga dito; pinakamasamang sinabi kay Bingo ay ang magpabili siya ng bike na ten-speed (‘biro’ ni
Amanda)

- Sa pagkikita nina Jules at Amanda sa isang restwaran ay napag-alamang isa pala siyang ‘adyaks’ o
nage-espiya lamang sa kanilang kilusan, pakawala ng military

12. Mara

- Ang babaeng kasama ni Jules sa kilusan; siya ang tinutukoy ni Jules na naging malapit na sa kanya at
may unawaan na umano sila; isang araw ay bigla na lang ipinakilala ni Jules na buntis na at asawa na niya
dahil ikinasal na sila sa kilusan ng isang kaibigang pari

- Kung ang tatanungin ay ang kanyang mga prinsipyo sa buhay ay talaga namang pareho sila ni Jules ng
paniniwala kaya nga isang katulad niya ang pinakasalan nito upang sila ay magka-intindihan; masasabing
isang babaing malakas ang loob at isang asawang nakauunawa sa kalagayan nila Jules; halimbawa nito ay
nang manganak siya ng wala si Jules sa kanyang tabi subalit di siya nagdamdam dahil alam niyang
ginagawa lang ni Jules ang sinumpaang tungkulin sa kilusan

13. Rev

- Anak nina Jules at Mara; kailanma’y di nakita ng pamilya Bartolome dahil ito ay nasa piling ng ina na
nanatili sa kilusan kasabay ng pag-aaruga sa kanya

14. Rene

- Isang gabi ay may dinalang binatang sugatan si Jules sa kanilang tahanan at siya nga si Rene na
napasabak umano sa engkwentro sa pagitan ng militar at mga kasapi ng kilusan

- Noong una’y napagkasunduang isang linggo lang mananatili kina Amanda upang magpagaling subalit
umabot ito ng isang buwan sa kadahilanang naging malapit na siya sa pamilya higit na kay Julian na
nagawa siyang kausapin, pakinggan at pagtanungan ng mga bagay-bagay
15. Ronnie

- Ang kaibigan ni Jason na tumawag kay Amanda isang alas-tres ng umaga upang ipagtanong kung
nakauwi na ba ito mula sa presinto

- Dahil sa kanya ay nalaman ng mag-asawang Bartolome na nakulong si Jason dahil umano’y nahulihan
ng marihuwana na kinalauna’y natagpuang patay na dahil sinalvage ng hindi na nakilalang mga salarin

16. Lieutenant Liboro

- Isang militar sa detention center at itinuturing ni Amanda na mabait dahil patagong nagpapapasok pa rin
ng mga dalaw

17. Colonel Valderama

- Akala ni Amanda noong una ay maari niyang lapitan upang hingan ng tulong ukol sa kaso ni Jules dahil
malapit ang loob niya ditto at di nito nakakalimutang kamustahin si Jules

- Minsan nang magkaroon ng okasyon sa kampo ay kasama nito ang pamilya nito,nakita ni Amanda na
kinarga pa niya bunsong anak, pinunasan ang dumi sa mukha, magilw na tumawa sa kung ano mang
sinabi nito; inangat niya ang isang kamay at magiliw na inakbayan ito, larawan ng isang magandang
pamilya

- Nang ikuwento ni Amanda ang mga ito kay Jules ay nalaman niyang ito pa nga ang naunang
nambugbog sa kanya at kahit na nagmamakaawa na siya ay di pa naawa; dalawang rape cases na rin ang
inihain ditto ng mga babaeng political detainees

18. Colonel Banal

- Siya ay ang isa pang may hawak sa kaso ni Jules; colonel ng Judge Advocate General’s office

- Makalipas ang dalawang taon na pagkakakulong ni Jules ay napromote si Colonel Banal; siya ang
nagrekomenda ng release paper ni Jules at isang umaga, sa pagpunta ni Amanda sa kampo ay nasorpresa
siya sapagkat nakalaya na ito na kumakanta pa ng ‘We shall overcome . . .we shall soon be free!’ kasama
ang iba pang nakalaya na

19. Marela

- Siya naman ang batang iniuwi ni Em sa kanilang bahay sa bandang huli ng nobela; walong taong
gulang pa lamang at survivor sa malagim na masaker sa isang baryo sa Samar noong 1981

- Ang baryo nila ay sinona, walang awang pinagpapatay ang apatnapu’t limang naninirahan doon; siya ay
iniligtas lamang ng kanyang katalinuha’t presence of mind; nang bumuga ang mga baril ay nagpatay-
patayan siya, hindi kumilos hanggang sa mag-alisan ang mga sundalo
- Isa rin siyang maituturing na bayani dahil noong nakarinig siya ng uha ng isang sanggol ay kinuha pa
niya ito at idinala sa bahay ng kapitan sa kabilang baryo

- Masasabing may trauma sa mga nangyari sa kanya sapagkat habang nanonood sila ni Bingo ng ma-
aksiyong palabas sa telebisyon ay bigla na lamang siyang nagtitili

E. Banghay

1. Buod

Nag-umpisa ang nobela sa pagpapakilala sa mga tauhan at nabigyang-pansin na ang


nagkukuwento na si Amanda ay isang uri ng asawang alipin ng makalumang paniniwala sa tungkulin ng
babae at lalaki. Una’y di niya binigyang pansin ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit ng
magsimula nang manaig ang damdaming aktibista ni Jules at ang pagka-mapusok ni Gani ay nabahala
siya ng lubusan. Unti-unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano nga ba ang dahilan ng
ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na katagalan nga’y tuluyan nang sumapi sa kilusang kalaban ng
pamahalaan. Bunga nito’y nagkaroon ng lamat ang relasyonang magpapamilya. Pati na rin ang iba pang
anak na sina Em, Jason at Bingo ay nakaranas ng sulinanin bunga ng batas militar.

Kinalaunan, dumaluhong ang iba’t ibang pagsubok sa pamilya Bartolome tulad nang
pagkakakulong ni Jules, pag-aawa’t maagang paghihiwalay ni Gani at Evelyn, pagbubulakbol ni Jason sa
pag-aaral, pagtatanong ni Bingo sa nagyayari at ang pagiging mapusok manunulat ni Em. Katagalan di’y
di inaasahang namatay si Jason, biktima ng salvaging kaya nagkaroon ng pagtatalo sina Amanda at Julian
na halos umabot pa sa puntong nakikipaghiwalay siya ditto. Salamat naman at di natuloy ang binalak
gawin ni Amanda at dahil doon ay patuloy na hinarap na magkasama ng mag-asawa ang lahat ng
suliraning bunga ng batas military.

Sa huli, tagumpay na nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mga pagsubok na nananatiling buo
ang ugnaya’t samahan sa isa’t isa. Nakita natin kung gaano kahalaga ang pagiging matibay ng pundasyon
ng isang pamilya upang makayanan ang lahat ng banta ng problema. Nagsilbi ang nobela na magandanag
halimbawa ng pamilyang Pinoy na kayang lagpasan ang lahat, na atin pa ring maiuugnay sa kasalukuyang
panahon kahit na nangyari ito noong Dekada ’70.

2. Suliranin

a. Maagang Pagpapakasal ni Gani

- Ito ang maituturing kong unang medyo mabigat na suliranin ng pamilya Bartolome sapagkat si
Gani ay isang lalaki, ikinokonsedarang nang-agrabyado sa kanyang kasintahan na si Evelyn at ito ang na-
agrabyado, kaya’t kinakailangan talagang panagutan niya ang kanyang kapusukan. Sa mapanuring mata
ng lipunan, maaaring makasuhan si Gani sakaling siya’y tumalikod na lang at tiyak na masisira ang
magandang reputasyon ng pamilya Bartolome.

b. Pagkakasangkot ni Jules sa ‘NPA’


- Hindi man tahasang sinabi na NPA nga yun, obyus naman na sa isang kilusang laban sa
pamahalaang Marcos ang kinasangkutan ni Jules. ‘Ano naman ngayon?’ Well, dear, dahil sa sinuspende
na rin ang writ of habeas corpus ay delikado na para sa mga tulad ni Jules sapagkat mas mapapadali na
ang pag-aresto sa kanila sakali mang sila’y paghinalaan. Natural, madadamay na rin ang buong pamilya
dahil concern lang naman sila sa kadugo nila, gets? Seriously speaking, nabahala na talaga ang pamilya
Bartolome higit na si Amanda dahil sa sunud-sunod na paghuli sa mga rebelde, baka mahuli rin si Jules.

c. Paghihiwalay nina Gani at Evelyn

- Pinilit mang sagipin pa ni Amanda ang relasyon ng dalawa ay desido na talaga si Evelyn. Isa
siyang babaeng di kinatatakutan ang iisipin ng iba bagkus mas pinahahalagahan niya ang sariling
kaligayahan, which is okay di ba? Kaya ayun tuloy si Amanda, medyo nainggit sa kanyang lakas ng loob
na makipaghiwalay at magtrabaho kahit na babae.

3. Tunggalian

a. Tao Laban sa Sarili

- Ito ay kitang-kita kay Amanda na nakakulong na sa ‘tradisyon’ ng kasalukuyang panahon noon dahil
kahit na may gusto siyang iparating kay Julian o dili kaya’y gawin ay di niya maisakatuparan sa
kadahilanang ‘makaluma’ rin si Julian. Isa pang dahilan ay ang lipunang mapanghusga, bunga nito, si
Amanda ay nagkakaroon ng pagtatalo sa kanyang isipan kaya nga madalas niyang kausapin ang kanyang
sarili ukol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kanya.

- Hindi man halata, para sa akin ay nagkaroon din ng tunggalian si Julian sa kanyang sarili at dahil di
naman siya ang nagsasalita sa nobela o persona ay kinakailangang pakasuriing mabuti ang kanyang mga
salita’t kilos. Mababatid na sa una’y animo todo ang bilib niya sa kanyang sarili bilang isang lalaki, na
animo isa siyang manhid at walang damdamin na ama’t asawa. Ngunit, habang patuloy na nararanasan
nila ang mga daluhong ng buhay ay nagkaroon siya ng pagbabago. Sige, pakaisipin mo’t makikita mo
siya sa katapusan ng nobela na nabuksan na rin ang isipan.

- Maging ang limang anak ni Amanda ay masasabing nagkaroon ng kanya-kanyang tunggalian sa


kanilang mga sarili. Ika nga diba – parte yan ng paglaki ng tao, ganyan talaga ang buhay! Una, si Jules, sa
kanyang pagiging simpleng aktibo sa eskwelahan ay naging gitarista ng isang kilusang makabayan at
katagala’y nagging political officer na nga.

- Sunod nama’y si Gani na naging mapusok man kaya napaaga ang pag-aasawa ay nagkaroon pa rin
naman ng direksyon sa buhay. Maituturing na kasalungat ni Jules dahil mas pinanaig niya ang
praktikalidad kaysa sa pagmamahal sa bayan. Sarili niya iyong desisyon at walang sino mang pumigil sa
kanyang ninais.

- Ikatlo ay si Em na isa ring aktibista na tulad ni Jules subalit sa paraan ng pagsusulat. Ang pluma at papel
ang ginawa niyang sandata upang ipaglaban ang kanyang paninindigan.

- Ikaapat ay si Jason na malamang ay talagang nakipagtunggali sa sarili dahil tipong nagbulakbol siya
hanggang sa napabarkada at ang kinalabasan tuloy napadali ang kanyang buhay dahil sa kanyang
pagiging mapusok na bata.
- Ikalima ay si Bingo na bagama’t bunso ay siyang may pinakamahirap na sitwasyon sa lima dahil siya
ang bunso, siya ang sumasalo sa lahat ng mga kabiguan ng kanyang mga kapatid. Siya na lang ang
natitirang pag-asa nina Amanda’t Julian, kaya nga siguro gagayahin na lang niya ang ama na isang
inhenyero.-

b. Tao Laban sa Tao

- Ang pakikipaglaban ni Jules at ng kanyang kilusan laban sa PC-Metrocom o military ay mayroong


pisikal na labanang nagaganap tulad ng ‘encounter’ kung saan may nasugatan at namatay. Halimbawa ay
ang nangyari kay Rene na natamaan ng bala sa pakikipaglaban.

- Gayundin naman ang nangyaring pambubugbog ni Colonel Valderama kay Jules nang siya’y mahuli
dahil sa pag-amin na rin ng iba nang naunang nasukol.

c. Tao Laban sa Diyos

- Isa ito sa mga pinakasikat na parte ng nobela kaya naman pinag-aagawan ng maraming pangkat para
isadula, ang pakikipag-usap ni Amanda sa Diyos. Wow hebigat noh! Sa eksenang iyon ay nakakatuwang
tila sinasagot-sagot ni Amanda ang Diyos at supalpal talaga di ba? Alam naman nating likhang-isip niya
lamang iyon subalit naroroon ang katotohanang may punto si Amanda at totoo naman ang mga sinasabi
niya eh.

F. Paggamit ng mga Simbolismo

1. Ang Tula ni Gibran Kahlil Gibran

Ang inyong anak ay hindi n’yo anak,

Sila’y mga anak na lalaki’t babae ng buhay!

Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo,

At bagama’t pinalaki n’yo, sila’y walang

pananagutan sa inyo . . .

- Ipinahihiwatig nito ang pagnanais ni Lualhati ma ipabatid sa ating lahat na ang sinuman ay hindi pag-
aari ninuman. Sa ngayon, dahil kaming mga kabataan ay umaasa pa lamang sa mga magulang ay
maituturing na pag-aari pa rin nila ngunit sa oras na makapagtapos na kami ng pag-aaral ay masasabi na
naming nakahulagpos na kami sa kadena ng pagmamay-ari, tulad ng mga binata ni Amanda.

2. Paghahalintulad ni Amanda sa mga Bata’t Ibon

- Noong nakita ni Amanda na tila paiyak na si Bingo dahil lumipad ang kanyang mga kalapati ay bigla na
lang niyang naisip ang pagkakatulad ng ibon at mga bata. Tulad ng mga kalapati, ninanais din nating mga
kabataan ang tumuklas ng mga bagay-bagay sa sarili nating paraan, nang walang tulong ng mga
magulang. Gusto natin tayo lang, iyong walang nakikialam, para sa atin yun ang tunay na kalayaan – ang
pagtuklas sa realidad ng mundo na tayo lang talaga.

3. Pagkakaiba nina Jules at Gani ng Panig

- Parang napaka-ironic kasi si Jules NPA, makabayan at anti-government/American tapos si Gani naging
US Navy, nadestino sa ibang bansa at doon na talaga nanirahan, in short parang gatas at kape ang
pagkakaibe ng kanilang mga pninindigan. Ipinapakita lang nito na noong panahon ng batas militar ay
kahit na mismong magkapatid ay nagiging magkalaban, nagkakasakitan, nagkakaaptaayan at yan ang
kinakatukan ni Amanda. Mabuti na lamang at hindi na rin nagpulis si Bingo dahil baka maging PC-
Metrocom siya at makalaban pa si Jules sa isang welga.

4. Paraan ng Pagkamatay ni Jason\Kinahinatnan

- Ang nangyaring ito kay Jason ay hango pa talaga sa totoong buhay, kay Boyet na natagpuang patay sa
likod ng Ramada Hotel – labimpito ang saksak niya, tagos sa baga ang iba, tuhog pati puso, may marka
ng itinaling alambre sa pulso niya, talop halos ang siko, tastas pati hita’t tuhod, basag pati bayag.
Ipinaparating lamang nito ang napakaraming nangyayaring kawalang-hustisya noon pa man na hanggang
ngayon ay patuloy na dumarami ang biktima. Ito ay maaari na ring dahil sa patuloy na paghihirap ng ating
kalagayan sa buhay kaya maraming napipilitang kumapit sa patalim.

H. Paglalapat

Talaga nga namang napakaraming naiambag ng Dekada ’70 sa aking kamulatan. Nabuhay ang
aking damdaming nasyonalismo dahil sa impluwensya ni Jules na kahanga-hanga ang pagmamahal sa
lipunan. Nabuhay din ang aking pagpapahalaga sa pamilya na kahit na nga hindi ganun kaganda ang
aming samahan ay kahit napapaano ay nabatid kong kami-kami rin ang magdadamayan sa lahat ng unos
ng buhay. Kami-kami rin pala ang talagang dapat na umunawa sa isa’t isa dahil makikita dito ang klase
ng lipunan ng iyong ginagalawan.

Para naman sa ating ‘Perlas ng Silanganan,’ nagsisilbi itong hamon sa tanang mamamayang
Pilipino na nawa’y huwag sayangin ang dugo’t pawis na inialay ng dating pilit na kinalaban ang mapang-
abusong epekto ng masalimuot na lipunan sa ilalim ng batas-militar.

I. Dugtungan

- Bilang mag-aaral sa Filipino ay napag-alaman kong hindi lamang sa Araling Panlipunan higit na
mauunawaan ang kasaysayan o mga dating pangyayari sa isang lipunan. Dahil maging ang asignaturang
ito, Filipino, ay maaari rin palang maging mas higit na kawili-wili ang dating ng kasaysayan, tulad ng
Dekada ’70. Labis-labis ang naging kagalakan ko at naabutan ko pa ang taon ng simula ng pag-aaral ng
mga akda ni Lualhati Bautista, ang mapangahas na manunulat ng Pilipinas.
- Sa nobelang ito, lalong sumidhi ang pagka-Pilipino ko dahil ipinakita ng Dekada ang mga
bagay-bagay na parehong katangi-tangi at di kaaya-aya sa ating Inang Bayan. Anupa’t mismong mga tao
nito, tayong mga Pilipino ay may paninindigang di mabibili ninuman, kahit na ang
pinakamakapangyarihan sa tanang bansa na Amerika. Tandaan, ang Pilipinas ay para sa ‘ting mga
Pilipino at ang Amerika’y para sa Amerikano kaya walang silang karapatang angkinin ang lupain ng
Perlas.

- Maganda ang nobela dahil ang mga pangyayari ay batay sa totoong nangyari noong
panunungkulan ni Marcos. Ang paraan ng pagsasalaysay na ginamit ay nakakahatak ng interes upang
magbasa nang magbasa at ang pagkakaayos ng mga eksena ay mahusay na napagsunud-sunod sa tamang
kalagyan upang magkaroon ng ugnayan nag bawat isa. Sa unang basa mo pa lang ay mahahatak ka na
talaga sa mundo ni Lualhati noong dekada sitenta.

J. Karagdagan

1. Pinaka-paboritong linya sa nobela:

“It’s a man’s world but . . .

It’s a woman’s world too!” (You know!)

2. Diyalogo

- Taglish

Kulturang masasalamin sa akda-


Walang teknolohiya at ang mga tao noon ay walang masyadong kaalamantungkol sa kanila
ng ekonomiya.

Mga Kaisipan/ideyang taglay ng akdaAng Kaisipan ng akda ay likas sa tao at sa lipunang


kinabibilangan. Sa akda, problemaa n g u m u u s b o n g s a p a m a h a l a a n a t l a l o n a s a
p a m i l y a n a k u n g s a a n i t o a y makatotohanan. Tulad ng pagtutol ng isang miyembro ng
pamilya laban sa batas ngpamahalaan at pagrerebelde ng mga mamamayan.

.M a r a m i n g m g a n a g i n g b a t a y a n s i L u a l h a t i B a u i s t a s a p a g s u l a t n i y a s a
a k d a n g "DEKADA '70". Unang -una na rito ay ang mga karanasan niya bilang isang manunulatat
Pilipino sa ilalim ng Martial Law ng mga panahong iyon. Naisip niyang , maaring angpaglathala ng
akda ang maging hudyat ng muling pagkabuhay at maalab na pag-usbongmuli ng malayang
pamamahayag sa pamamagitan ng panulat. Kahit na marami ang tumuligsa sa may pagka- radikal
na paraan at nilalaman ng akda ay naging susi namanito sa pagkabuhay ng kamalayan ng bawat Pilipino
ukol sa tunay na estado ng bansa atng mga mamayan nito noong mga panahong iyon

GAWAIN 7: Pagpapalawak ng Kaalaman Suriin ang binasang buod sa pamamagitan sa


pagsagot ng mga tanong sasagutang papel.
1. Paano makikita kay Amanda Bartolome ang mga katangiang pagkakakilanlan ng kaniyang
bansa?

 Makikita natin ang pagkakakilanlan ng kaniyang bansa sa pamamagitan ng kaniyang


suot na mga damit (damit noong 1970s), sa kaniyang pananalita, at kaniyang mga gawi
na ipinamalas sa pelikula.
Naipapakitarinnitoangpagkakakilanlansakaniyangbansasakaniyangmgapananawsaukols
abatas-militar at lipunan.
2. Bataysabinasangbuod, anoangtemangakda? Tukuyinangmgabahagingnagpapatunay.

 AngtemangkwentongDekada‘70 ay
angwalanghumpaynapaglabanngmamamayansadiktaduryasapanahonngbatasmilitar.
3. Ilarawanangkaugalian o kulturanamasasalaminsabinasangbuod?

 Walanoongteknolohiya at angmgatao noon ay


walangmasyadongnalalamantungkolsapangyayarisakanilangekonomiya.
4. Isa-isahinangmgakultura/kaugaliannakaimpluwensiyasapagkataongtauhan.

 Hindi natural angpaglikhanggulosaisanglipunan.


 Angdahas at pagpataysamgasibilnawalang due process ay hindimakatarungan.
 Kahit may patriyarkalnasistema, maka-inaangmga Pilipino. Angmgapamilyang Pilipino
ay karaniwang may matatapangna "ilawngtahanan".
 Angmga Pilipino ay likasnanasyonalsta.
 Nakasentroangmga Pilipino sakanilangpamilya.
5. Paanonakatulongangpaglalapatngteoryanghumanismosapagpapakilalangkultura o
kaugalianngbansa?

 Para malaman o maipakilala and kultura. Anglayuninngpanitikan ay


ipakitanaangtaoangsentrongmundo; ay binibigyang-tuonangkalakasan at
mabubutingkatangianngtaogayangtalino, talentoatbp.

Pagsasanay 1: Punanangpatlangngangkopnamgahudyatsapagsusunod-sunodngpangyayari.
(samadalingsabi, saka, dahil, kung, bukodsa )
Si Amanda Bartolome ay isangbabaengnagsisikapmatunton at
maunawaanangtunaynakahuluganngpagigingisangbabaesagitnangmasalimuotnakalagayanngb
ansanoongdekada ’70 sailalimng Batas Militar. (1)bukodsaisangbabae,
kumikilossiyabilangisangina (salimanganaknapuloslalaki) at asawaayonsadiktanglipunan at
ngasawaniyangsi Julian. Bagamantradisyonal, umiiralsapamilyang Bartolome
angkalayaansapagpapahayagngdamdamin (2)
kungkaya’tlumakiangkanilangmgaanaknamulatangkamalayansanangyayarisalipunan.
(3)dahildito’ysumalisakilusangmakakaliwaangkanilangpanganaynasi Jules,
(4)sakanagingmakata at manunulatnamansiEmman, at nahiligsamusikangrock n roll si Jason. Si
Ganinaman ay malayangpinasokangpagiging US Navy
bagamantaliwasitosapaniniwalangmgakapatid. (5) sa medaling
sabi,nanatilingmatatagangpamilya Bartolome sakabilangnapakaramingpagsubokngpanahon.
DitorinnasubokangkatataganngpagsasamaninaAmanda at Julian, kung saansi Amanda ay
nagnaisnamatuntonangsarilibilangisangbabae, malayosadiktanglipunan, at ng asawa.

https://www.slideshare.net/RodelPascualMorenoJr/dekada-70-pagsusuri

You might also like