You are on page 1of 5

Introduksyon

Ang Pilipinas ay sagana sa mayamang kultura hindi maikakaila pati rin


sa tribong mayroon ang ating bansa. Dahil dito hindi maiiwasan ang
diskriminasyon at pang-aabuso ng mga minoryang pangkat mula noon
hanggang sa kasalukuyang panahon mula sa kamay ng mga dayuhan at ng
mga kapwa Pilipino.

Sa araling ito matutunghayan ang isang akdang pampanitikan tungkol


sa isang awit sa bagong buwan.

Mga Tiyak na Layunin


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naikabubuod at nakasusuri ng mahahalagang pangyayari at/o kaisipan


sa akdang pampanitikang hinggil sa pangkat minorya.
2. Nakasusulat ng awit hinggil sa kwentong binasa.
Akdang Pampanitikan 1

Awit sa Bagong Buwan


Mula sa Pangiyak: Mga Kuwento at Panawagan ng mga Bayani ng Mindanao (2019)

Tumingin si Impit sa langit. Tinanaw niya ang lumiliwanag na bagong buwan, habang
maaliwalas ang ngiti ni Daniyan, ang bagong ina, pagkatapos niyang iluwal ang kanyang
panganay.
―Daniyan, tatawagin natin siyang Birang---ang baogng buwan. Sana, hatid niya‘y pag-
asa sa kadiliman na dinadanas ng ating lahi,‖ pahayag ni Impit. Birang ang tawag
ng mga Bagobo sa bagong buwan.
Si Daniyan at Impit ang mga magulang ng bantog na si Datu Toma Ito. Sila ay mula sa
tribong Bagobo.
Taong 1925. Panahon ng mabilisang pagpapalawag ng mga plantasyong Amerikano sa
Mindanao. Maraming pamilya ng tribung Bagobo ang itinaboy
sa kanilang kumunidad. Ito ang kalagayang kinagisnan ni Birang.
―Patuloy pa rin ang mga Amerikano sa pagpapalawak sa kanilang
plantasyon sa kapatagan, ito ang narining ni Birang isang araw sa kanyang
ama.
―Marami na naman sa ating angkan ang mawawalan ng matitirhan at
kabuhayan.‖
Kinabukasan, isinama si Birang ng kanyang Ama para mangaso. Itinuro
nitong, huli ang malawak na kapatagan na ngayon ay nahawan na. ―Noong
una, diyan tayo nakatira. Bahagi ‗yan ng lupang ninuno. Iyang kapatagan na
malapit sa dagat ay ang aming palaruan,‖ kuwento ng kanyang Ama. ―Naging
plantasyon na ito ngayon ng abaka at rubber. Ang masakit pa, di na tayo
malayang makapasok diyan sa patag.‖
Sa kanyang murang edad, naramdaman na ni Birang ang malaking
pangamba. Sa tingin niya, walang katiyakan ang kanilan bukas. Kadalasa‘y
ang Bundok Apo ang kanyang sumbungan.
―Di na maaari pang maging plantasyon ang natitirang kagubatan. Ito ang
pinagmumulan ng aming pagkain tulad ng baboy ramo, usa, at pulot-
pukyutan. Ang kagubatan ang pinagkukunan ng aming mga gamot. Ito rin ang
lugaar para sa aming mga ritwal,‖ daing niya sa kabundukan.
―Ako si Birang!‖
―Ikaw si Thomas,‖ binyag ng kanyang guro noong nag-aaral na si Birang.
‗Noong nasa hustong gulang na si Birang, nabuo sa kanyang isipan
na kailanma‘y ‗di niya tatalikuran ang kanyang tribo. Di siya papaya na
maagaw pa ang kanilang kanlungan, ang Bundok Apo.
Nabulabog na naman ang tribung Bagobo noong Panahon ng Martial Law
sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos. Palaging pinararatangang kuta ng
mga NPA ang kanilang komunidad. Hindi sila ligtas sa mga mababagsik na
sundalo ng diktador na si Marcos, bukod pa sa banta ng muling
pagpapalawak ng mga plantasyon. Sa mga panahong ito, palagi nang
makikita si Datu sa mga kilos-protesta laban sa kidtadurya. Hindi niya
inalintana ang karahasang nagaganap sa panahon ng batas military.
―Noon pa ma‘y matatag na ang aking paniniwala na dapat manindigan
ang mga lumad. Dapat ipagtanggol ang tribu. Dapat ipagtanggol ang Bundok
Apo.
Saan kami pupunta kung itataboy kami? Di naman puwedeng magtanim sa
bunganga ng bulkan.‖
Itinayo nina Datu Tomas ang Senabadan ka Bagobo Mekatanud
(Pagkakaisa ng mga Mulat na Bagobo), kung saan ang mga kasapi ay
nagmumula sa paligid ng Bundok Apo mula Kidapawan hanggang sa mga
bundok na sakop ng lungsod ng Davao.
―Ipagtanggol natin an gating lupang ninuno!‖ panawagan ni Birang sa
kanyang mga katribu. ―Ang Bundok Apo ay ang Apo Sandawa—sagradong
kalikasan, Di nagustuhan ni Datu ang kanyang bagong pangalan. Para sa
kanya, wala itong kahulugan. Huli na nang nalaman niyang hango ito sa
Thomasites-ang pangalan ng barkong unang sinakyan ng mga Amerikanong
dumating sa Pilipinas para manakop sa pamamagitan ng kolonyal na
edukasyon. Nagtayo sila ng mga public elementary school. Dito unang itinuro
ang wikang Ingles, ang ‗A is for apple!‘
Lumipas ang mga taon. Sumiklab ang Pangalawang DIgmaang
Pandaigdig. Nagsilikas na naman ang tribung Bagobo dahil sa panunupi ng
mga bagong mananakop. Nagsitakbuhan sila‘t nagsisitago sa tuwing may
darating na sundalong Hapon sa kanilang komunidad.

Nakita ni Birang ang pagbayoneta ng mga Hapon sa mga taong


lumalaban. Tulad ng naunang mananakop, inagaw nila ang mga lupain at
nagtayo ng mga plantasyon.
―Napilitan kaming magpalit ng pangalan. Kaya ‗Ito na ang nagging apelyido
naming. Kasi, ‗Ito‘ ang karamihan sa mga apelyidong Hapon na sumakop sa
amin. Pero malaki talaga ang pasalamat naming sa Bundok Apo dahil sa
kanyang kagubatan. Dito kami nagtago habang patuloy ang giyera.‖
Pagkatapos ng digma, muling itinayo ang pamayanan ng mga Bagobo.
Pero nasa paanan na sila ng Apo. Nagpatuloy sa pag-aaral si Birang. Third
year high school na siya noong panahong iyon.
Ang tirahan ng ating mga ninuno. Hinding-hindi natin ito isusuko sa mga
bagong mananakop!‖
Napatalsik ang diktador na si Marcos. Ngunit ‗di kailanman nanlamig
si Datu para isulong ang interes ng kanilang Tribu. Ang kanyang karanasan
sa
panahon ng diktadura ay lalong nagpatatag sa kanyang paniniwalang ang
kanilang kalagayan ay hindi hiwalay sa kabuuang kalagayan ng buong
sambayanan. Alam din niya na kahit may bago nang kaayusan, hindi
nangangahulugang wala na ring banta sa kanilang tirahan, pamumuhay, at
lupang ninuno.
―Hangga‘t nariyan pa ang bsaw sa ating lipunan, hindi tayo titigil.
Hangga‘t buhay pa ang bakunawa na palaging umaagaw sa liwanag ng ating
kalupaan, patuloy nating hahasain an gating mga sibat at gulok at isisigaw
ang ating pagtuligsa,‖ panawagan ni Birang sa kanyang tribu.
Hindi nagkamali si Datusa kanyang hinala.
Nagsimula nang butasan ang Bundok Apo. Itinayo ang Mount Apo
Geothermal Plant ng Philippine National Oil Company (PNOC) na lumikha ng
kuryente para sa malalawak na plantasyon at iba pang malalaking negosyo.
Napag-alaman sa mga pagsusuri na may mga lason tulad ng arsenic at iba
pang kemikal na dumadaloy sa mga ilog at sapa.
Bumuhos muli ang mga tao sa daan upang tutulan ang bagong mukha ng
pagkamkam sa BUndok Apo. Libo-libong mga Bagobo at iba pang lumad ang
nagmartsa sa mga lansangan ng Kidapawan, Makilala, Digos, at Davao para
labanan ang PNOC. Isang martsa na humantong sa isang D‘yandi sa Bundok
Apo. Ito‘y nagsilbing paalala sa usapang pangkapayapaan na nilagdaan ng
tribung Bagoboat mga kapatid na Moro na magkaisa laban sa mga
mananakop.
Kahit matanda na si Datu Birang, masigasig niya pa ring ipinalalaganap
ang tungkol sa kanilang mga ipinaglalaban. Walang humpay ang kanyang
pagsulong para sa kapakanan ng tribu, saan man siya magpunta o sino man
ang kanyang makaharap-katutubo, magsasaka, manggagawam taga-
akademyo, taga-simbahan, at iba pang organisasyon sa loob at maging sa
labas ng bansa na kasabay nilang nakikibaka.

Buod ng Aralin

Hindi maikakaila na ang bansang Pilipinas ay sinakop ng iba‘t ibang dayuhan. Ang
pangkat minorya sa ating bansa ay isa sa mga naapektuhan noon at hanggang ngayon ay
may mga pagsubok na dinaranas sa ating
bansa.
Ang kwento ay nagpapakita ng magagandang kaisipan hinggil sa pangkat
minorya at pagpapahalaga sa kalikasan n gating mga kapatid.

Pagtataya
Gabay sa Pagsusuri
1. Ano ang metaporang nakatago sa pangalang Birang?
2. Ano ang kalagayan ng komunidad ng mga Bagobo bago dumating ang
mananakop na Amerikano ayon sa ama ni Birang?
3. Ano ang nagging kalagayan ng komunidad ng mga Bagobo sa pagdating ng
kolonyalistang Amerikano?
4. Ano ang iba‘t ibang pagmamalupit na naranasan ng mga Bagobo nang
sakupin ang Pilipinas ng bansang Hapon?
5. Ano ang halaga ng Bundok Apo sa mga Bagobo?
6. Ano ang kinaharap ng komunidad ng Bagobo sa Panahon ng Batas Militar
sa Pilipinas?
7. Ano ang kahalagahan ng Bundok Apo sa buong komunidad ng Bagobo?
8. Ano ang kahulugan ng panawagang ito ni Birang: Hangga’t nariyan pa ang
busaw sa ating lipunan, hindi tayo titigil. Hangga’t buhay pa ang bakunawa
na palaging umaagaw sa liwanag n gating kapuluan, patuloy nating
hahasain an gating siba’t at gulok at isisigaw ang ating pagtuligsa!
9. Ano-ano ang magagandang kaisipan ang napulot sa kuwento partikular na
sa usapin ng pakikibaka ng mga katutubo?
10. Sa kabuuan, ano ang mensaheng nangingibabaw sa kuwentong ito?
Ipaliwanag.

You might also like