Sa kasalukuyang panahon ay ramdam pa rin ng mga pangkat minorya
sa Pilipinas ang pagmamalupit sa kanila kahit pa mayroon nang Batas Republika Bilang 8371 o Indigenous People Right Act (IPRA Law) ng 1997 at
malinaw sa United Nations Declaration of Indigenous Right na ang mga
katutubo ay kapantay ng lahat ng tao at kung gayo‘y nararapat na tratuhin nang walang pagmamataas at walang pagmamaliit. Iba‘t ibang panggigipit, pang-aapi at pang-aabuso ang nararanasan nila buhat sa kamay ng mga kapitalistang ganid sa lipunan at sa kamay ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan (na dapat ay nangunguna sa pagtatanggol sa kanilang karapatan). Binubuo ang araling ito tungkol sa sitwasyon ng mga kapatid nating nasa pangkat minorya. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at
kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan tungkol sa pangkat minorya; 2. Napalalawak ang kaalaman sa pangkat minorya sa pamamagitang ng pagsusuot ng kanilang katutubong kasuotan; at 3. Nakasusulat ng akademikong historikal na pagpapakilala sa pangkat minorya hinggil sa kanilang kasuotan. Pagtalakay
Ang ganitong pagtrato sa mga katutubo ay nagpatuloy sa ilalim ng
pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ayon sa kasaysayan, bilang paghahanda sa planong pagsasarili ng Pilipinas, inilabas ang Copper Act ng 1902 na nagsasabing kailangan munang magkaroon ng pambansang sensus sa Pilipinas upang malaman ang bilang ng mga Pilipino bago maganap ang halalan. Subalit batay sa kautusan, hindi kasama ang mga katutubo sa planong ito nang noo‘y naghaharing Estados Unidos, sapagkat sila raw ay hindi sibilisado. Sa katunayan, nilimita lamang ng Estados Unidos ang nasabing polisiya sa mga Pilipinong naninirahan sa kapatagan. Ayon sa kanila, ang mga grupong Kristiyanong tagapatag gaya ng mga Bikolano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, Bisaya at Zambalan lamang ang maituturing na ganap na sibilisado. Bukod ditto, itinuring din ng Estados Unidos ang mga katutubo bilang mababangis gaya ng baluktot na paniniwala ng mga Espanyol. Ang ganitong patakarang diskriminatori ay nagbunga ng pagkakahati ng mga Pilipino. Naging mabababa ang tingin ng mga nasa patag sa mga katutubo gamit ‗di-makatarungang panukatang kinapapalooban ng paniniwala, gawi at wika. Hinuhusgahan kasi ang kanilang pagkatao batay lamang sa kanilang sariling wika, paniniwalang pinanghawakan at uri ng pamumuhay. Bungan g ganiting pamantayan ay isinilang ang konsepto ng minoritisasyon o pagiging minorya sa sariling bayan (Gealogo, 2019). Matatandaang noong taong 2015 ay nagkaisang nanawagan ang mga kasapi ng Katawhang Lumad Council of People Representatives ng Mindanao People‘s Peace Movement (MPPM KLCPR) na nagmula sa mga tribung Agusan Manobo, B‘laan, Banwaon, Dulangan Manobo, Erumanen nu Menuvu, Higaonon, Kulanen, Lambangian, Mamanwa, Manobo Lapaknon, Matigsalog, Obu Manovu, T‘boli, Tagakaulo, Talaandig, Tinananen, Teduray, Subanen at Surigao Manobo na itigil na ang labis na pananamantala at panunupil sa kanilang mga karapatan ng mga nasa gobyerno, rebulusyonaryong grupo politico, at mga kompanyang may interes sa kanilang lupang ninunu dahil ang pang-aabusong iyon ay nagdudulot ng matinding hirap sa kanilang pamumuhay> Ayon sa nasabing grupo, ang patuloy na pagwasak sa kanilang mga lupain sa pamamagitan ng malawakang pagmimina, pagtotroso, plantasyon, ranso at iba pang mga proyektong pwersahang pumapasok sa kanilang mga lupain ay nagangahulugan ng patuloy ring pagwasak sa pamumuhay, pagkatao at kinabukasan ng kanilang salinhali. Para naman sa mga Aeta ng Gitnang Luzon, nananatili pa rin ang kanilang problema mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon kaugnay ng usapin ng lupaing ninuno. Ayon sa kanila, hindi naman tumigil ang digmaan laban sa mga Pilipinong walang malasakit at mga dayuhang mang- aagaw ng kanilang kabuhayan, tirahan at kinabukasan. Sa katunayan, ang New Clark City o Clark Green City na proyekto ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa ilalim ng Public-Private Partnership na ipinagpatuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ay isa sa mga proyektong pumapasok sa lupang katutubo. Dahil doon, nanganganib na mapalayas sa kanilang lupang ninuno ang higit 20,000 katutubo‘t magsasaka sa Tarlac. Ayon nga kay Johnny Basilio, pangkalahatang kalihim ng Aeta Tribal Association, hindi nab ago ang problemang dala ng Clark Green City na kakain ng halos 10,000-ektaryang lupaing katutubo. Sa nasabing proyektong naghahangad ng kaunlaran ay libo-libong katutubo naman ang natapakan ang karapatan – bagay na hindi matatawag na ganap na kaunlaran (Malubay, 2017). Bagaman ipinagmamalaki ng pamahalaan na ang mga Aeta ay nagkaroon ng trabaho bunga ng proyektong ito, hindi naman mapapasubalian na naganap pa rin ang pagsasamantala. Sa katunayan, ayon sa Manunulat na Ayaw sa Development at Aggression (KAMANDAG, 2018), ang trabahong ibinigay sa mga katutunong Aeta bilang trbahador sa nasabing proyekto ay nagsulot ng pang-aabuso sa pamamagitan ng mababang pasahod at kontraktwalisasyon. Malinaw na ang pansamanatalang trbahong ipinagmamalaki ng pamahalaan ay isang panakip-butas lamang sa malaking problemang hinaharap ng mga katutubo mula noon hanggang hinaharap. Pinapatay ng pamahalaan ang agrikultura ng bansa n asana ay makikinabangan ng buong bansa para lamang sa isang proyektong iilan lamang ang makikinabang. Isa itong malaking kabalintunaan sa ating mga Pilipino na sa gitna ng kakulangan ng suplay ng bigas sa ating bansa ay nagaganap pa ang ganitong pagsira sa mga sakahan para lamang sa ―kaunlaran.‖ Ang karangyaan ng iba kapalit ay buhay ng iba ay hindi ganap na kaunlaran. Hindi rin makatarungan ang pagpapasara ng administrasyong Duterte ng 55ppaaralan ng mga Lumad sa Rehiyon ng Davao na pag-aari ng Salugpungan Ta‘Tanu Igkanogon Community Learning Centers noon Hulyo 2019 sa paniniwalang itinataguyod ng mga nasabing paaralan ang ideolohiya ng New People‘s Army (NPA) na itinuturing na mahigpit na kalaban ng estado (kahit pa walang matibay na ebidensya ang pamahalaan). Bunga nito, libo- libong mga mag-aaral ng mga paaralang ipinasara ang naapektuhan (de Loza-Cudia, 2019). Ang pamahalaang sana ay nagsisikap na paunlari at palawakin ang edukasyon lalo para sa mga marhinalisadong grupo ay tila isang instrument pa upang ganap na mahinto sa pagtatamo ng karunungan ang mga kabataang Pilipino. Tila natatakot ang pamahalaan na maging kritikal sa mga maling gawi ang bawat kabataang Pilipino. Nariyan pa rin ang sapilitang pagpapaalis sa mga katutubo sa kanilang lupang sinilangan ng mga ganid na kapitalistang ang tanging layunin ay kamkamin ang lupang ninuno upang tayuan ng negosyo at magpakasasa sa tubo. Ayon nga kay Gealogo (2019), maraming insedente ng karahasan na ang nararanasan ng mga Lumad na nagreresuta ng pagiging mapanganib ng kanilang sariling pamayanan dahil nagiging lugar ng digmaan at militarisasyon ang kanilang mga bayan. Ang pamahalaang sana ay tutulong upang itaguyod ang kanilang karapatan ay nangunguna pa sa pagkilos upang sila ay tuluyan nang maglaho sa kani-kanilang lupang sinilangan. Magkagayon pa man ay may ilang mga bahagi ng pamahalaan ang tunay na may puso para sa mga katutubo. Buhay na halimbawa nito ang dating kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman na si Gina Lopez. Sa kanyang panunungkulan ay ipinatigil niya ang operasyon ng mga minahan sa bansa na kalimitang pag-aari ng mga dayuhang kompanya dahil sa paglabag ng mga ito sa polisya at kawalan ng maaayos na sistema upang mapangalagaan ang yamang lupa at yamang tubig ng bansa. Ayon kay Lopez (sa Pangiyak, 2019), kailangang kanselahin ang mga kontrata sa pagmimina sapagkat lahat sila ay nasa watershed zones. Labag ito sa batas ng bansa. Labag ito sa 1987 Konstitusyon. Higit sa lahat, ito ay hindi makatao at makakalikasan. Nariyan din ang iba‘t ibang mga non-government organization at party list groups gaya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Bayan Muna na tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga katutubo. Nariyan din ang pakikibaka ng mga Lumad at Moro katulad nina Datu Tomas Ito ng Bagobo, Ludencio Monson ng Mandaya, Kitari Cafeon ng Blaan, Datu Dominador Diarog ng Bagobo-Klata, Datu Gibang Apoga ng Manobo at Bae Bibyaon Bigkay ng Manobo. Ang kanilang mga ginawa ay tunay na kapuri- puri (Pangiyak, 2019). Samantala, sa kasaysayan ng bansa, ang pagtatanggol sa lupang ninuno at pakikibaka ay mamamalas din nang ipagtanggol nina Sultan Kudarat ng Sultanatong Maguindanao at Datu Bago ng Davao ang kapakanan ng mga katutubo sa Pilipinas. Namalas din ang kabayanihan Mangulayon at ng mga Kaolo at Moro upang labanan ang mga sundalong Amerikano na unang nagtayo ng plantasyon ng abaka at sagin sa mayamang baybayin ng Davao del Sur na humantong sa pagkamatay ni Hen. Edward Bolton na pinuno ng mga Amerikano (Pangiyak, 2019). Bilang pagtatapos, sino nga ba ang tunay na mabangis? Sino nga ba ang tunay na ‗di makatao? Sino ang ‗di mapagkakatiwalaan? Ang mga katutubo bang naghahangad ng kapayapaan at inklusibong kaunlaran o ang mga nasa pamahalaan at dayuhang ganid sa yaman n gating bansa?
Buod ng Aralin
Ang pambansang minorya ay mga mamamayang mardyinalisadong sa ekonomiya,
pulitika, atpanlipunan sa Pilipinas. May mahabang kasaysayan ng pamumuhay a kanilang lupaing ansestral, binubuo nilaang 15 hanggang 20 porsiyento ng populasyon ng bansa.Binubuo nila ang 153 ethnolinguistic na mga grupo sa buong bansa, at nahahati sa mayor na rehiyonal na mgagrupo: ang mga mamamayang Moro (13 ethnolinguistic groups) at mga Lumad (18 ethnolinguistic groups) ngMindanao; ang mga mamamayan ng Kordilyera (7 mayor na ethnolinguistic groups) at Aggaym Kalinga, at ibapang mga grupo sa Hilagang Luzon; ang Aeta ng Gitnang Luzon; Dumagat, Mangyan, at Palawan Hilltribes ngTimog Luzon; at ang Tumandok at Ati ng rehiyon ng Panay sa Visayas
Pagtataya Mungkahing Gawain
1. Magsulat ng historikal na pagpapakilala hinggil sa kasuotang kanilang