You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Eastern Visayas State University


College of Education
Elementary Education
Tacloban City

Teaching Social Studies in the Elementary Grades


(Philippine History and Government)

Blessy Amor L. Urmeneta


BEED 2A

PAMAGAT:
Tungo sa Pagkamit ng Tunay na Demokrasya at Kaunlaran (1972– Kasalukuyan)

PAKSA at DETALYE:
Suliranin at Hamon sa Kalayaan at Karapatang Pantao ng Batas Militar
1. Programa at Patakaran
2. Epekto sa Pagkabansa
3. Mga Reaksyon at Aral

PROGRAMA AT PATAKARAN

Nang magdaos ng eleksiyon noong 1969, nahalal muli si Pangulong Marcos. Lubhang masama
ang lagay ng ekonomiya n gating bansa noon dahil sa labis na paggasta at pangungutang ng pamahalaan
sa ibang bansa noong nakaraang taon. Lalo pa itong sumama nang dumating ang hindi nasiyahan sa
pamamalakad ni Pangulong Marcos.

Sa panunungkulan ni Pangulong Marcos may mga programa at patakaran siyang ipinatupad


upang disiplinahin ang ilang mamamayan.
 Dahil sa takot, madaling napatahimik at naitikom ang bibigng mga mamamayan.
 Nanumbalik sa normal ang pamumuhay sa iba’t ibang bahagi ng bansa, maliban sa ilang lugar ng
Cagayan Valley, Samar, at Mindanao.
 Ang mga nagraraling estudyante ay napatigil.
 Nagkaroon ng curfew tuwing gabi.
 Nagronda ang mga military sa mga kalye
 Hinuli ang mga nasa labas pa ng tahanan kung nakalipas na ang ika-12 ng hatinggabi hanggang
ika-5 ng umaga.
 Natigil ang pag-aalsa ng mga manggagawa, nawala ang paglalaban-laban ng iba’t ibang grupo, at
nabawasan ang mga krimen.
Ngunit may mga pangyayari na lumubha. Ito ay ang pagdami ng mga namundok na rebelde at
komunista sa Luzon at Samar. Dumami ang mga kaanib ng New People’s Army (NPA) at ng Moro National
Liberation Front (MILF) sa pamumuno ni Nur Misuari.

Naglunsad naman ang pamahalaan ng mga ilang proyekto/programang nagtugon sa


pangangailangan ng mga tao.
 Pabahay para sa mga kawani ng pamahalaan. – Nagpagawa ito ng mga tirahang tenement sa
Tondo at Pandacan sa Maynila at sa ilalim ng Bagong Lipunan Sites and Services (BLISS) at
Pagtutulungan sa Kinabukasan – Ikaw, Bangko, Industriya, Gobyerno (Pag-IBIG).
 Ang mga pribadong sektor ay hinihikayat na tumulong magpatayo ng mga subdibisyon sa Metro
Manila.
 Binigyan ng pabahay sa Sapang Palay, Carmona, Dasmariñas, at Tondo Foreshore Area ang
squatters o informal settlers.
 Nagpatayo ng mga pamilihang bayan at Kasama sa Diwa o KADIWA centers na nagtitinda ng mga
pagkain sa mas murang halaga.
 Nagpatayo ng puericulture center at higit na makabagong ospital tulad ng Heart Center at National
Kidney Institute, sa bawat kawani ay sinisiguro na makakukuha ng serbisyong pangkalusugan sa
pamamagitan ng MEDICARE Program.
 Ipinatupad ni Pangulong Marcos ang repormang pansakahan, ang Presidential Decree 27 na
kanyang nilagdaan noong Oktubre 21, 1972. Binigyan nito ang mga magsasaka ng pagkakataon
na magkaroon ng sariling lupa.
 Binili ng pamahalaan at ipinagbili sa magsasakang walang lupa ang mga lupang mahigit sa pitong
ektarya na tinatamnan ng palay o mais.
 Binayaran ang mga may-ari ng lupa nang hulugan sa loob ng 15 taon, may mahigit na kalahating
milyong magsasaka ang nakinabang sa programang ito.
 Nagpagawa ng mga patubig si Pangulong Marcos upang higit na maging masagana ang ani at
lumawak an gang industriya, isinaayos ang mga pagkukunan ng patubig at enerhiya ---ang Binga-
Ambuklao Dam, Angat Dam, Caliraya, Pantabangan, at Maria Cristina.
 Nagpagawa ng mga daan at tulay na mag-uugnay sa ibat ibang lalawigan at pulo upang mapadali
ang paglilikas ng mga produktong pansakahan patungong pamilihan.
 Ang Pan-Philippine Highway ay ipinagawa-pinag-uugnay nito ang mga lalawigan sa Luzon,
Visayas at Mindanao.
 Ang San Juanico Bridge na nag-uugnay sa mga pulo ng Samar at Leyte ay ginawa.
 Sa pamumuno ni Pangulong Marcos, nakapagpatayo ang bansa ng plantsa na pagkukunan ng
enerhiya tulad ng enerhiyang geothermal sa Benguet, Mt. Province; Palipunon, Negros; Manto,
Sorsogon; Makban, Laguna; Tongonan, Leyte; at Tiwi, Albay.
 Nilayon ni Pangulong Marcos na makahikayat an gating bansa ng mga dayuhan na mamuhunan
ditto upang an gating raw materials na ginagamit sa paggawa ng ibang produkto ay hindi basta
maipagbibili sa ibang bansa.
 Nakapagpatayo ang ating bansa ng mga industriya na gagawa ng mga kagamitang panluwas.
 Bataan Export Processing Zone (ngayon ay Bataan Economic Zone)

Upang mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa at mapagbuti ang relasyong


namamagitan sa mga ito at mga kapitalista.
 Itinatag ng pamahalaan ang Pambansang Komisyon sa Pag-uugnayan sa Paggawa.
 Nagpatayo rin ng mga ahensiyang tutulong sa Ministri ng Paggawa upang matugunan ang ibat
ibang pangangailangan ng mga manggagawa, kabilang na lamang dito ang mga ahensiyang ito:
 Overseas Employment Development Board (Phil. Overseas Employment Administration o
POE ngayon)
 Nat’l Seaman’s Board
 Public Employment Office (Public Employment Service Office o PESO ngayon)
 Bureau of Apprenticeship
 Nat’l Manpower and Youth Council (ito ay naging TESDA)
 Naglunsad ng Rural Service Program, upang maibahagi ng mga propesyonal na manggagawa
tulad ng mga guro, nars, at doctor na nasa lungsod ang kanilang mga kaalaman sa mga lalawigan.
 Noong taong 1974, pinagtibay din ang Labor Code.

Ipinatupad naman ni Pangulong Marcos ang Education Act of 1982. Isinagawa ang malawakang
pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Presidential Decree 6-A.
Binalangkas nito ang mga layunin at alituntuning dapat sundin para sa Sampung Taong Edukasyon.
Layunin nito na mahubog ang mga mag-aaral sa paraang siya ay uunlad para sa kanyang sarili at
makatulong sa pag-unlad ng lipunan.
Narito ang ilan pang reporma sa edukasyon sa ilalim ng Batas Militar:
1. Pagbibigay–diin sa layunin ng Bagong Lipunan, “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”
2. Pagbibigay–diin sa pag-aaral ng 3Rs: reading, writing, at arithmetic (pagbasa, pagsulat, at
pagkuwenta). Tinatawag itong back-to the-basics program.
3. Pagsasakatuparan ng bilingual policy o ang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo:
Ingles sa asignatura na tulad ng English, Science, Math, at Filipino sa lahat ng iba pang
asignatura.
4. Pagkakaroon ng eksamen bago pumasok sa kolehiyo upang matiyak ang kahandaan ng mga
mag-aaral (Natiional College Entrance Examination o NCEE)
5. Pagtulong ng mga kabataang mag-aarla sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa sa
pamamagitan ng YCAP o Youth Civic action Program. Sila ay tinuturuang maglingkod sa
pamamagitan ng paglilinis, pagtatanim, at pagpapaganda ng kapaligiran.

Sa repormang kultural naman ay inilunad noong panahon na Batas Militar:


 Naglunsad ng programang “Bagong Anyo”.
 Ipinagawa ang mga lumang museo at pambansang parke sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
 Ipinatayo ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine Trade
Center, Philippine International Convention Center (PICC), at Film Center.
 Ipinatayo ang mga reclaimed area ng Manila Bay na 2,700 ektarya ang laki, at ginawang
sentrong pangkultura ng bansa.

EPEKTO SA PAGKABANSA

 Naging madalas ang mga pagpupulong, pagrarali, at demonstrasyon ng mga estudyante


at mga manggagawa.
 Naghain ng iba’t ibang batikos at usapin laban sa pamahalaan, nauwi sa pagbabatuhan ng
mga pulis, raliyista, at demonstrador, paninira ng mga pribadong sasakyang nakaparada
sa lansangan at mga gusali.
 Laki ng gastos at katiwalian sa pamahalaan ay nagdulot ng utang ng Pilipinas sa ibang
bansa.
 Naapektuhan ng maling pamamalakad ng pamahalaan ang mga industriya at kalakanan
sa bansa.
 Higit na napagbigyan ang mga dayuhan, mayayaman, at mga manggagawa at
mangangalakal. Nagsipagwegla ang mga manggagawa sa mga pabrika, pagawaan, at iba
pang establisimyentong pangkalakalan.
 Communist Party of the Philippines, na nagsipagwegla upang maparalisa ang ekonomiya
ng bansa.
 Naging magulo ang kalagayan ng politiko sa ating bansa dahil sa pagsibol ng iba’t ibang
ideolohiya at paniniwala. Nakadagdag pa ang black propaganda sa gulo at pagkawatak-
watak ng mga mamamayan.
 Maraming pagdukot at pagpatay sa mga pinuno at mga kawani ng pamahalaan ang
kinasangkutan ng NPA. Balak ng kilusang ito na pabagsakin ang pamahalaan ng Pilipinas.
 Sinuspende ang writ of habeas corpus o ang karapatan ng mamamayan laban sa illegal o
hindi makatarungang pagpigil o pagkapiit ang isang tao, at walang paglilitis ng korte.
 Pinaghuhuli ang mga lider ng mga samahang nagsisipagrali, pati na ang mga politikong
lumaban o sumalungat sa pamamalakad ni Pangulong Marcos, ikinulong nang walang
katibayan sa kanilang mga kasalanan.
 Marami ang napabalitaang lihim na napatay o na- salvage.
 Nawala ang demokrasya sa bansa, nang walang pahintulutang magsalita o sumulat laban
sa pamahalaan.

MGA REAKSYON AT ARAL


Habang nagtatagal ang Batas Militar, parami nang parami ang nagalit na mga
mamamayan sa pamamalakad ni Pangulong Marcos sa pamahalaan. Naghirap ang maraming
Pilipino. Nasikil ang kanilang kalayaan kaya’t naghimagsik ang kanilang damdamin. Nagkaisa ang
mga magsasaka, manggagawa, kabataan, at propesyonal na humihingi ng pagbabago sa
pamahalaan. Nagkaroon ng sunod-sunod na rali at demonstrasyon upang maibalik ang kalayaan
at katarungan sa ating bansa. Inilantad ng mga mamamayan ang kanilang pagkamuhi sa
diktadurang pamamahala ni Marcos. Nagalit din ang mga mamamayan sa napakalaking bilang ng
paglabag sa karapatang pantao na naganap noon at mga patayan na dulot ng sagupaan ng mga
military at mga rebelde.
_____________________________________________________________________________________
GENERAL OVERVIEW / OWN UNDERSTANDING OF THE TOPIC ASSIGNED

Sa paksa na nakaatas sa akin, aking napagtanto na may negatibo at positibong dulot ang
pagdeklara ng Batas Militar. Naging negatibo ito dahil sa puno ng karahasan at mga rali na kanila lamang
ipinapakita ang kani-kanilang mga saloobin. Gusto lamang ng mga Pilipinonoon na pakinggan ang mga
hinaing nila ukol sa pagdeklara ng Batas Militar dahil hindi sila sang-ayon dito. Sa iba namang
mamamayan sang-ayon sila na ideneklara ang Batas Militar dahil nakikita naman nila na makakatulong ito
sa bansa, ang mga katiwalian ay iwinaksi. Mga programa at patakan ay ipinatupad upang sa gayon ay
makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa, tama naman na magpatupad ng mga patakaran na dapat
natin sundin para sa kapakanan ng bansa at ng mga mamamayan. Ngunit hindi nakikita ng ilan ang mga
naging magandang dulot nito, dahil kanila lamang inaalala ang mga masasamang sinapit n gating bansa
habang nakadeklara ang Batas Militar.
Maaaring nagdulot ito ng sugat sa ilan, ngunit alalahanin natin na ang sugat ay gagaling ngunit
may marking maiiwan na nagpapa-alalang hindi man maganda ang sinapit noon, may maganda naman
itong idinulot na maaalala ng lahat na babalik-balikan.

You might also like