You are on page 1of 12

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON

SA FILIPINO
WEEK 13
4.1 ANO ANG GLOBALISASYON?

Ito ay pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at
serbisyo ng bawat bansa. Layunin nito na higit pang pagkaisahin ang mga bansa sa mundo,
magkaroon ng malayang kalakaran sa negosyo, teknolohiya imprastraktura at mga kompanya.

POSITIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON

 Dumarami ang pasok ng mga banyagang mangangalakal

 Mas maraming mangangalakal at investement ibig sabihin mas maraming trabaho para sa
masang Pilipino

 Higit na mapadali ang pakikipag-ugnayan sa mga karatig bansa at sa mga mamamayan nito.

NEGATIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON

 Naging talamak ang pribatisasyon, deregulaasyon, at Kontraktuwaliasyon.

 Lalong tumaas ang presyo ng lahat ng bilihin

 Ang bayarin sa tubig, kuryente mas tumaas dahil sa naisapribado na.

 Mabilis ang pasok ng kompanya, naging Malaya ang mga ito sa pang-aabuso sa yamang-
mineral sa bansa at pang-aabuso sa ating likas yaman at lakas-paggawa.

LIPUNANG PILIPINO SA PANAHON NG GLOBALISASYON


Dahil sa layuning makasabay ang bansa sa pandaigdigang kompetisyon, marami ang
isinakripisyo ng gobyerno, kasama na rito ang kalagayan ng maralitang manggagawa at ng lipunang
Pilipino. Sa loob ng maraming taon, hindi nabawasan kundi lalo lamang lumala ang paghihirap ng
lipunang Pilipino sa iba’t ibang aspekto partikular na sa pagkilala ng gobyerno sa iba’t ibang
karapatang pantao. Ito’y bunsod ng pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa na nagresulta
ng kompetisyon sa pagitan ng lokal at ng mga inaangkat na produkto. Mas nanaig ang dayuhang
kompanya dahil sa murang halaga ng mga produkto kumpara sa lokal.

DISLOKASYON SA PAMBANSANG MINORYA

 ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION (APEC) - Ito ang nilahukan o sinalihan ng


Pilipinas noong 1989 na naging dahilan upang magkaroon ng patakarang liberalisasyon,
Deregulasyon, at pribatisasyon sa mga negosyo.

 ANG MGA LUMAD SA DAVAO - Sila ang direktang naapektuhan sa iregularidad ng


gobyerno, sinasabing sinunog ng military ang kanilang paaralan at mga bahay, pinatay ang
mga guro, ninakaw ang mga pananim at sinira ang kanilang kabuhayan. Sapagkat ang
kanilang paaralan ay pinatakbo ng di umano ng NPA at suportado ito ng kanilang komunidad
ng NPA.
MGA URI NG MANGGAGAWA

 Pangulong Elpidio Quirino - R.A 602 (1951) Minimum Wage Law - Dito nagkaroon ng
siwang ng liwanag ang mga manggagawa.

 Pangulong Ferdinand Marcos - R.A. 6135 (1970) - Export Incentives Act, R.A 5186 (1976)

 Investment incentives Act, PD 66 (1972), Creating Export processing Zone Authority, Batas
na Neoliberal pabor sa mga dayuhang kapitalista

 Pangulong Corazon Aquino- R.A. 6272 (1989)- Wage Rationalization Act -Metro Manila
Wage Rate VSProvincial Wage Rate, R.A. 6758 (1989) Compensation and Position
Classification Act. - Salary Grade (SG)

 R.A 6272 – Wage Rationalization Act nilalayon ng batas na ito ang pagtatalaga ng Regional
boards ng minimum wage rates para sa mga magagawa na sakop ng pribadong sektor.
 R.A 6758 – (1989) Compensation and Position Classification Act , ay ang pagtatalaga ng
salary grade (SG) sa mga kawani ng gobyerno. Nakadepende ang sahod ng bawat kawani sa
kanyang ranggo o posisyon.

KONTRAKTUWALISASYON

 Panahon ng Espanyol - Cabo / negosydor (Manpower/Agency sa kasalukuyan)- na


nagdala sa mga manggagawa sa mga kompanya na ang trabaho ay pakyawan o kontrata
lang.

 1997- Nang ipatupad ni Noo’y Department of Labor and employment (DOLE) Secretary
Leonardo Quisimbing ang D.O 10, na pinapayagan ang kontrakwalisasyon lalo na kung ito ay
“permissible” o kapag ang trabaho ay seasonal (mall) o pakyawan (pabrika o mga pagawaan)

 5-5-5 / ENDO - Pagtatanggal ng karapatan sa mga manggagawa na makakuha ng benepisyo,


maging regular at magtatag ng union upang isulong ang kanilang mga karapatan.
 IBON Foundation (2016) 2010- 2016 nasa higit 780 ng kaso ang paglabag sa karapatan ng
mga manggagawa na nakaapekto sa 20,000 indibidwal.

JEEPNEY PHASE OUT

 Public Utility Vehicle Modernization Program layunin ng programang ito ang pagpapalit sa
mga Lumang pampublikong sasakyan na maging “environmental friendly’’
 E-Jeep (Electronic Jeep) Mga makabagong sasakyang na nais ilunsad ng Pamahalaan
TRAIN LAW

 Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion ay ang pagbabago ng lumang sistema ng
buwis sa ating bansa.Kasama dito ang reporma sa tax administration, at pagpapalakas ng
economic at social benefits para sa mga mamamayan.
 Ang mga produktong ginagamitan ng asukal ay papatawan ng dagdag na buwis gayundin ang
mga alak at tabako ay kasama sa papatawan ng buwis na taon taon.
 Layunin ng Tax Reform na iangat ang Pilipinas sa middle-income economy. Ito’y magbibigay
ng 206 bilyong peso na ponpondo sa mga plano ng gobyerno. Kasama ditto ang
pagpapaunlad ng infrastructure, education, health social protection, at iba pa..

KAHIRAPAN

 Kodisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa mga pangunahing


pangangailangan tulad ng pagkain at tubig.
 Ayon sa ginawang sarbey ng Social ng Social Weather Stataions (SWS) noong Ika 23-27 ng
Marso 2018, 42% ang nagsabing salf-rated poverty, tinatayang 9.8 milyong pamilya na mas
mababa kumpara sa lumabas na sarbey noong Disyembre 2017 na 44% na tinatayang 10
milyong pamilya.

DAHILAN NG KAHIRAPAN

Imperyalismo - Ito ang pagsakop sa atin ng mga dayuhan sa loob ng ilang mga taon at nagdulot
kung bakit mahirap ang ating bansa.

Korapsyon - Ang walang habas na pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ang isa sa mga dahilan
ng kahirapan. Mga pinunong inaabuso ang kapangyarihan at garapalan pa kung mangurakot. Ang
mga buwis na para sana sa mga mamamayan ay napupunta lamang sa bulsa ng iilang
manunungkulan.

Pyudalismo - Patuloy na pagkamkam at pagdadamot ng mga lupang sakahan sa mga magsasaka


sa bansa. Sa lipunan nating mayayaman ang nagdidikta walang magawa ang mga mahihirap kundi
ang magin sunod-sunuran na lamang

Comprehensive Reform Program, ito ay reporma sa lupa kung saan hindi parin ito sapat
kaya naman hindi pa tuluyang naibabahagi ang mga lupang para sa mga magsasakang walang
lupang pagmamay-ari.

Kawalang Disiplina ng mga tao - Ang kawalang disiplina ang pinakadahilan sa kahirapan. Sa
tahanan pa lamang ay mapapansin na ang kawalang paggalang ng mga kabataan sa nakatatanda,
na nagdadala sa lipunang hanggang sa kumalat. Kaya ang pagsunod sa mga simpleng batas ay
hindi kayang sundin, katulad ng pagtawid sa tamang tawiran, pagtapon ng tamang basurahan at hindi
paggamit ng sasakyan kapag coding.

MALNUTRISYON

Ayon sa WHO (World Health Organization) ang malnutrisyon ay ang kakulangan, kalabisan at di
balanseng pagkonsumo ng enerhiya o nutrisyon sa ating pangangatawan.

UNDERNUTRITION- “Wasting” ito ang mga batang mababa sa timbang para sa kanilang
taas .”stunting” o pagkabansot kumpara sa edad.

UNDERWEIGHT- Masyadong mababa ang timbang para sa kanyang edad.

MICRONUTRIENT DEFICIENCY – Kakulangan sa mga mahahalagang bitamina at mineral


OVERWEIGHT – Labis na micronutrient at sobra sa timbang

OBESITY - Labis na katabaan, at mga di-pangkaraniwang sakit na may kaugnayan sa diyeta.

SEGURIDAD SA PAGKAIN

 Isang kondisyon na may kaugnayan sa suplay ng pagkain, at ang pag-access ng mga


indibidwal dito. May katibayan ng mga kamalig na ginagamit sa mahigit 10,000 taon na ang
nakalilipas, na may mga sentral na awtoridad sa mga sibilisasyon kabilang ang sinaunang
Tsina at sinaunang Ehipto na kilala na naglabas ng pagkain mula sa pag-imbak sa mga
panahon ng taggutom
 Noong ika-16 ng Oktubre 2017 ay nagmartsa sa Mendiola Bridge ang mga magsasaka para
sa mga pag-alaala sa 72nd year ng deklarasyong ng World Food Day ng United Nations (UN)
na sinalungat ng mga magsasaka bilang “World Hunger Day” dahil hanggang ngayon ay wala
pa rin silang sariling sinasaka at ang pangako para sa pagsugpo ng kahirapan.

WEEK 14
4.1 MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

Likas na nagkakaunawaan ang mga tao dahil sa wikang ginagamit sa kanilang lugar. Inilaraan
ang sitwasyong pangkomunikasyon na wikang palaging ginagamit upang madaling magkaintindihan
ang mga taong may iisang kultura.

Ayon kay Dale (1969)


Ang Komunikasyon ay may malaking gampanin sa lipunan sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng pagkakaunawaan ng lipunan. Ang paghahatid at
pagbabahagi ng impormasyon, saloobin, ideya at karanasan ay maituturing na komunikasyon.

FORUM - Ito ay isang pagtitipon o asembliya na bukas para sa publiko upang magkaroon ng
talastasan o diskusyon kung saan ang pananaw o opinyon ng mga tao tungkol sa isang isyu ay
maaaring maibahagi.
LAYUNIN, PAGPAPLANO AT PANGANGASIWA

 Malinaw na talakayin ang layunin kung bakit kailangan isagawa ang forum.
 Ano ang nais makamit sa gagawing forum
 Ilahad ang mahahalagang mensahe at makatotohanang datos na nais ikintal sa isipan ng mga
takapakinig.
 Maging maingat sa pagtatakda ng oras sa pagpaplano at siguraduhing nasusunod ang mga
gawain sa itinakdang oras dahil maaari itong magdulot ng malaking epekto sa
isasagawang forum.
 Pag-isipang mabuti ang magiging daloy sa isasagawang forum at isulat ang nakatakdang oras
para dito.
 Maghanap ng maaaring maging sponsor sa gagawing forum. Maaaring makipagtulungan sa
ibang mga organisasyon na may kinalaman sa isasagawang forum.
 Magtala ng mga taong mangangasiwa at mangunguna sa pagsasagawa ng iba’t ibang mga
gawaing forum.

1. TAGAPAKINIG

 Alamin kung sino ang nais na maging tagapakinig


 Pagpapalaganap ng impormasyon sa gaganaping forum
 Maging malikhain sa pagpukaw ng atensyon sa maaaring maging tagapakinig sa gagawing
forum
 Gumaw ang flyers o leaflets na maaaring ipamahagi upang ipakalat ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa gagawing forum. Maaari din magbigay ng patalastas sa mga
pahayagan o magasin, sa mga istasyon ng radyo, sa telebisyon o kilalang social networking
sites upang mas mapadali at mapabilis ang pagpapakalat ng datos.

2. TAGAPAGSALITA

 Wastong pagpili sa mga tagapagsalita sa gagawing forum


 Kailangan angkop sa tagapagsalita sa kaniyang magiging paksa.
 Gumawa ng mga pananaliksik na makatutulong sa pagpapakilala ng mga tagapagsalita

3. IBA PANG PANGANGAILANGAN

 Humanap ng lugar na magiging angkop na pagdarausan ng gagawing forum. Dapat isaalang-


alang ang kapakanan ng mga taong dadalo, kailangan ay madali lamang itong mapuntahan at
komportable sa pakikinig. Alamin kung ilang tao ang kakasya sa lugar at suriing mabuti kung
ano pa ang maaaring kakailanganin sa forum na hindi ito makikita
 Kailangan ihanda ang mga bagay na kakailanganin ng mga dadalo sa forum.
 Maaaring magbigay ng feedback forms matapos ang forum upang malaman kung ano ang
naging pagkukulang at dapat pang ayusin sa naganap na forum
 Gumawa ng tala ng maaaring gastos sa gagawing forum upang malaman at mapaghandaan
ang kinakailangang salapi. Maaaring maghanap ng mga organisasyon na maaaring tumulong
sa usaping pinansyal.

LEKTYUR

Isang uri ng tagapagsalita na nagmula sa salitang latin na “lectura” na ibig sabihin ay


pagbasa. Isa sa mga estratehiyang pagbbahagi ng teorya, kaalaman at kuru-kuro sa mag-aaral ay
ang lekytur. Batay sa pag-aaral ng mga eksperto, ang lektyur ay kailangan bilang gabay sa pagkatuto
ng mga mag-aara, dapat ay sumunod ito sa mga tiyak na hakbang upang maisagawa nang epektibo.
Batay sa The Lecture Method (2014), upang matutunan nang mas madali at epektibo ng
mga tagapakinig ang paksang tinatalakay, may tatlong bahagi na dapat isaalang-alang; Ang
introduksyon, nilalaman at konklusyon. Ang bawat bahagi ay sumusuporta sa pagtatamo ng
pagkatuto ng mag-aaral

 INTRODUKSYON - Sa bahaging ito dapat na masukat ng tagapagtalakay ang lalim ng


kaalaman ng tagapakinig sa paksa at kung paano maikikintal sa isipan ng tagapakinig ang
bawat impormasyon
 KATAWAN O NILALAMAN - Ito ang pinakamahalagang bahagi ng lektyur dahil dito
tinatalakay ang mahahalagang impormasyon na dapat matutunan ng tagapakinig.
 KONKLUSYON - Ito ay bahagi na isinantabi kaya marapat lang na gumamit ng mga
istratehiya tulad ng
 muling pagpapaalala at pagbibigay diin sa inilahad na mga impormasyon.

SEMINAR

Ayon kay C.N Raja at T.P Rao, ang seminar ay isang uri ng estratehiya sa pagtuturo para sa
mas mataas na antas na pagkatuto. Tinatalakay at inaalisa ang isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng pangkalahatang pagtalakay upang makabuo ng isang pinal na desisyono konsepto.
Isasagawa ang seminar batay sa dami ng mga taong dadalo o sa organisasyon na nais magsagawa
nito, kaya inuri ang seminar sa apat na kategorya.

URI NG SEMINAR

 MINI-SEMINAR- Karaniwang maliit ang bilang ng dumadalo at simple lamang. Ang


konseptong tatalakayin. Maaaring ang paksang tatalakayin ng pangkat ng mga mag-aaral ay
naituro na o ituturo pa lang.

 MEDYOR-SEMINAR - Ginagawa ito ng institusyon o kagawaran sa isang partikular na paksa.


Karaniwan itong dinadaluhan ng mga mag-aaral at guro at nagaganap ng isang beses sa
isang buwan. Kailangan pumipili ng paksa ang tagapangasiwa na tatalakayin na aangkop sa
inihandang tema para sa seminar
 NATIONAL SEMINAR – Inoorganisa ito ng mga asosasyon na may kinalaman sa akademya
o kaya naman ay samahan ng mga propesyonal o organisasyon at isinasagawa sa antas na
pambansa. Karaniwang inaanyayahan ang isang dalubhasa na maaaring magbahagi ng
kanyang pagtalakay

 INTERNASYONAL SEMINAR - Isinasagawa ito ng mga internasyonal na ahensiya o


organisasyon, karaniwang mas malawak ang tema ng pagalakbay katulad na lamang ng
globalisasyon, inobasyon, pagpapatupad ng iba’t ibang polisiya at iba pa

MGA KOMITE NG SEMINAR

Para maisagawa nang maayos at organisado ang isang seminar nangangailangan ito ng mga
tao na kikilos at mangunguna upang maisakatuparan. Nagpatalaga ng mga tao na may kaniya-
kaniyang tungkuling gagampanan. Ilan sa mga ito ay ang tagapangulo, kalihim, tagapangulo sa
usaping teknikal , tagapagsalita at tagapakinig.

 · TAGAPANGULO - Tagapanguna sa pagsasawa at pagdedesisyon sa isang seminar.


 · KALIHIM - Kaagapay ng tagapangulo sa pagbalangkas ng seminar.
 · TAGAPANGULO SA USAPING TEKNIKAL - Tagapangasiwa sa teknikal na mga
gawain sa isang seminar.
 · TAGAPAGSALITA - Tagapaglahad ng mga impormasyong na may kinalaman sa
paksa.
 · TAGAPAKINIG - Mga inaasahang dadalo sa isasagawang seminar.

WEEK 15
4.1 ANO ANG WORKSYAP

isang uri ng pagsasanay kasama ang isang maliit na grupo upang magpalitan ng kuro-kuro, o
pag-usapan ang solusyon sa isang partikular na problema. Makikita rin sa isang workshop ang ilang
aktuwal na paghahalimbawa o mga praktikum para sa isang partikular na paksa. Ito ay
pinakamabisang paraan ng pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa ibang tao. Dito ay nabibigyan
ng pagkakataon ang isang tao na isagawa ang mga nais niyang matutuhan ngunit kailangan ng
maayos na pagpaplano at pagtanggap ng mga responsibilidad para ito ay maisakatuparan.
HAKBANGIN SA MABISANG GAWAIN NG WORKSYAP

1. Pagpili – Ito ang unang hakbang sa pagsasagawa ng worksyap, sa bahaging ito dapat isaisip
kung ano Ang tiyak na layunin ang nais makamit o ang pinakaadhikain ng isasagawang
worksyap. Kailangang isaalang-alang kung ano ang nais na makuha o matutuhan ng mga taong
dumalo rito.

2. Pagplano - Matapos maitala ang layuning gagawin. Maaari nang buoin ang talaan ng mga
gagawin.

 Petsa, oras at haba ng gagawing wroksyap


 Lugar kung saan ito isasagawa
 Mga kagamitang kinakailangan
 Inaasahang bilang ng mga dadalo
 Paglalatag ng kakailanganing badyet
 Tranportasyon

3. Pagpapatupad – tumutukoy ang hakbang na ito sa pagsasagawa ng mga nakaplanong gawain


para sa gagawing worksyap. Maaaring maghanda ng tseklist upang maging organisado at walang
makalimutang gawain sa oras na magsimula ito.

4. Set Up – tumutukoy sa lahat ng mga maaaring kakailanganin bago dumating ang mga dadalo.

 Inspeksyunin ang mga audio-visual na kagamitan


 Isaayos ang mga inihandang pagkain
 Ihanay ang mga lamesa at upuan
 Maghanda ng talaan ng mga dadalo
 Siguraduhing ang lahat ng kinakailangang materyales ay nakahanda na

5. Daloy ng programa – Nakalahad dito ang magiging takbo ng kabuuang programa kasama ang
mga Iskrip ng mga isinasagawang aktibidad.

 Ibalik ang mga kagamitan na ginamit


 Linisin ang mga lamesa at ang buong lugar na pinagdarausan ng worksyap
 Tipunin ang mga inihandang materyales sa hindi ginamit
 Maghatid ng pasasalamat sa mga taong naging katuwang sa pagsasagawa ng programa

6. Pagtataya – Matapos ang ginawang worksyap mainam na magkaroon ng pagkakataon ang bawat
isa isa na balikan ang mga naging pagkukulang sa ginawang worksyap upang malaman kung ano
ang naging problema at kung paano ito maiiwasan sa susunod na magsasagawa ng parehong
gawain.

SYMPOSIUM O KUMPERENSIYA

Ayon kay Dr. Cathy Key sa kanyang The Keynote to Planning a Successful Conference. Isang
Pagtitipon o kumperensya kaugnay ang isang paksa kung saan maraming tagapagsalita
o magbabahagi para sa mga imbitadong tagapakinig. Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-
alang para maging matagumoay ang gagawing kumperensiya;

 Bumuo ng layuning kayang makamit sa gagawing kumperensiya


 Magtalaga ng mga taong mangunguna sa mga gawain at lumikha ng mga komite.
 Paglalatag ng kinakailangan na badyet
 Gumawa ng plano ng mga dapat gawin na nakasaad kung sino at kailan dapat tapusin
 Bumuo ng daloy ng programa
 Siguraduhing ang lahat ay tumutulong at sumusuporta sa takdang gawain.
 Magsagawa ng pulong matapos ang komperensiya at likumin ang kanilang mga komento
 Maghatid ng pasasalamat sa lahat ng mga naging bahagi ng isinasagawang gawain.

SMALL GROUP AT ROUNDTABLE DISCUSSIO


Isinasagawa ng bawat pangkat o samahan ang talakayan sa pamamagitan ng
pagpapalitan ng kaniya-kaniyang ideya at opinyon upang humantong sa napagkasunduang desisyon
o plano.

SMALL GROUP DISCUSSION - Pagsasagawa ng talakayan na ang bawat kasapi , kabilang ang
tagapamuno ay may pantay na karapatan sa pagbabahagi ng ideya at opinyon; pagbibigay at
pagtanggap ng positibo at negatibong komento at pagtugon sa mga katanungan. Walang dominante
sa ganitong uri ng talakayan.

ROUNDTABLE DISCUSSION - Ang pangkat ay binubuo ng 8-20 (o mas marami pa) nararapat na
may tumayong tagapamuno upang magsilbing tagapamagitan sa ideya at opinyon ng bawat isa.
Mainam na gamitinn sa ganitong talakayan ang bilog na mesa sapagkat magkakaharap ang bawat
isa na makatutulong sa lubos na pagkakaunawaan. Mainam ding gamitin ang bilog sapagkat wala
itong sulok na nagpapakita na ang lahat ng kasapi maging ang tagapamuno ay may pantay-pantay
na katayuan.

Tungkulin ng Nagsisilbing Tagapamuno

Sa talakayang may malayang nagpapahayag, ang tagapamuno ang nagsisilbing


tagapangasiwa ng kaayusan at tagapamagitan ng ideya ba ibinabahagi ng bawat miyembro, Kung
ang pangkat ay may 3-7 na miyembro, maaaring hindi na magtalaga ng tagapamuno at ang bawat
isa ang magsasayos ng ideya na kanilang mapagkakasunduan. Samatalang kung ang pangkat
naman ay binubuo ng 8-20 at higit pa an miyembro marapat lamang na may tumayong isang
tagapamuno na maglilinaw sa ideya ng bawat miyembro at magsisilbing tagapagpanatili ng kaayusan
ng talakayan upang makamit ang layunin ng isinasagawang talakayan. Hindi maiiwasan ang
pagtatalo at hindi pag-uunawaan sa ganitong gawain , isa sa mga responsibilidad ng tagapamuno ng
talakayan ay ang sumusunod;

 Panatilihing kalmado ang bawat miyembro


 Tiyaking ang lahat ay nakikiisa at nagbibigay ng opinyon
 Tagapaglagom ng Pinag-uusapan
 Tungkulin ng mga Kalahok sa talakayan
 Nakikiisa ang bawat kalahok ng pangkat upang magbigay ng ideya.
 Nakikinig sa ideya ng mga kasama
 Handang subukin ang ideya ng iba at magbigay ng sariling opinion

WEEK 16

4.1 ANO ANG PAGSASAGAWA NG PULONG

Mahalaga na ang isang organisasyon o samahan ay nagsasagawa ng pulong upang talakayin ang
mahahalagang agenda nito. Isinasagawa ng bawat organisasyon ang pulong para sa pagpapaunlad ng
samahan. Ang Pagsasagawa ng pulong ay May layunin na pagtibayin ang Relasyon ng bawat miyembro ng

isang organisasyon at magbigay ng kanilang sariling opinyon sa isang pagpupulong.

ELEMENTO NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGHAHANDA NG PULONG

 Agenda – nagsisilbing balangkas at gabay ng pulong na isasagawa. Mahalaga na may ideya ang bawat
kalahok sa agenda ng pulong nadadaluhan upang makapaghanda at maging maayos ang daloy ng
talakayan. Bago magsagawa ng pulong kinakailangang tiyakin ang layunin ng isasagawang pulong.
Mas mainam na may nakalaang oras sa bawat paksang tatalakayin at ilahad ang inaasahang matamo
matapos ang pagtatalakay sa bawat paksa.
 Oras at Lugar – Dapat alalahanin ang oras ng mga kalahok sa pagtatakda ng oras. Tiyaking ang mga
kalahok ay makadadalo sa oras na itinalaga at makakarating sa lugar na pagdarausan ng pulong.
Alalahaning mahalaga ang bawat oras ng mga kalahok kaya kinakailangang mahusay ang paggamit ng
oras sa pulong.
 Kalihim – Katuwang ng tagapangulo sa paghahanda ng agenda at pamamahagi ng imbitasyon sa mga
kalahok at tagapag-ulat. Ang inihahandang agenda ay maaari ring magsilbing imbitasyon, Kalihim ang
siyang time-keeper sa pulong.
 Tagapag-ulat – mahalaga ang tungkulin ng tagapag-ulat sa isang pulong. Ito ang maghahatid ng mga
kiankailangang datos na tatalakayin sa pulong.
 Tagapangulo – Tagapamagitan at tagapagtaguyod ng ideya. Tagapangulo ang nagpaplano ng pulong
kabilang ang paghahanda ng agenda.
 Kalahok – Bawat kalahok ay may halaga sa pulong na isinasagawa. Tiyaking ang lahat ng kalahok sa
pulong ay may kaugnayan sa inaasahang layunin at mga paksang tatalakayin upang malayang makilahok
at magbahagi ng kani-kanilang opinyon.
 Kagamitan – Mahalagang maging handa ang mga materyales na gagamitin tulad ng katitikang ng
naunang pulong, visual aids na gagamitin ng tagapag-ulat, maga kagamitan tulad ng projector at laptop
at iba pa.

PASALITANG PAG-UULAT SA MALIIT AT MALAKING PANGKAT

Layunin ng pag-uulat na maibahagi ng kaalaman, manghikayat o magganyak sa mga


tagapakinig. Ang tagapagsalita o tagapag-ulat ang pinagmumulan ng kaalaman. Kaya naman ang
tagapag-ulat ang may pinakamahalagang gampanin.

MALIIT AT MALAKING PANGKAT

Ang pag-uulat ay isang halimbawa ng interpersonal na komunikasyon. Nagaganap ang


interpersonal na komunikasyon sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig.

May iba’t ibang kategorya ang Komunikasyon;

1. Komunikasyong Pangmadla o Mass Communication – nagaganap ang komunikasyong ito sa


pagitan ng isang tao tungo sa napakaraming tagapanood o tagapakinig. Ang ganitong uri ng
komunikasyon ay gumagamit ng midya gaya ng radyo, telebisyon, internet at iba pa. Samantalang
ang pag-uulat sa maliit na pangkat ay ang pagsasalita sa harap ng maraming tao nang hindi
gumagamit ng midya upang mabatid ang mga datos at impormasyon

PAGHAHANDA SA ULAT

 · Alamin ang Paksa – paksa ang pangunahing kaisipan at nilalaman ng ulat kaya
mahalaga na ang tagapag-ulat ay kakikitaan ng sapat na kaalaman at karanasan sa paksa.
 · Kilalanin ang mga tagapakinig – kilalanin at alamin ang katangian, interes, kakayahan
at pangangailangan ng mga tagapakinig. Ang tagapakinig, ang tagatanggap ng impormasyong
ibabahagi- mahalaga na may ideya sa kanilang hilig at kakayahan upang makuha ang
kanilang atensyon.
 · Itala ang mga katanungan ukol sa paksa – sumulat ng talaan ng mga tanong na nais
malaman at mga katanungang kailangang mabatid din ng mga tagapakinig.
 · Mangalap ng mga datos sa mapagkakatiwalaang sanggunian – Tiyaking wasto ang
mga datos na nakalap at ibabahagi sa gagawing pag-uulat.
 · Iplano ang pagkakasunod-sunod ng ideya – mainam na gumamit ng istilong bullet
point pagtatala. Maaaring mailahad ang ideya ayon sa kahalagahan ng bawat datos o
maaaring bumuo ng akronim upang mas madaling matandaan ang mga pangunahing ideya

MGA BAHAGI NG ISASAGAWANG ULAT

 Panimula – mainam na magsimula sa pamamagitan ng pagbati sa mga tagapakinig at ang


pagpapakilala sa sarili.
 Mahahalagang datos – matapos ang paglalahad ng paksa, layunin at mga katanungang
masasagot matapos ang ulan, simulan na ang pagbabahagi ng mga mahahalagang paksang
tatalakayin kasunod ng mga sumusuportang datos na nakalap.
 Paglalagom – bilang tanda ng pagwawakas, ilahad ang lagom nh tinalakay. Sa bahaging ito
 Maghanda ng Cue Card – Ilahad sa cue card ang kronolohikal na pagkakaayos ng mga
ideyang tatalakayin gayon din ang mahahalagang datos o impormasyon.
 Mag-ensayo – Huwag gawing biro ang pag-ensayo sa pasalitang pag-uulat, isinasagawa ito
upang maiwasto agad ang mga pagkakamali at mga pagkukulang sa inihandang ulat.
Mahalagang bigyan ng pansin ang paraan ng pagsasalita gayon din ang tindig at tamang
pagkilos ng pangangatawan.
 Ihanda ang mga kagamitang kinakailangan – tulad ng hand out at visual aid, tiyaking ang
mahahalagang ideya lamang at hindi ang buong ulat ang nilalaman ng hand out na
ipamamahagi.

KOMUNIKASYON SA SOCIAL MEDIA

Mabilis ang paglago ng Social Media Sites gaya nga facebook,


Twitter at Instagram, laganap na ito sa lipunan lalo na sa mga kabataan. Madali ng makasagap
ngayon ng bagong balita mula sa mga post sa social media at pagpapadala ng pribadong
mensaheng gamit ito.

Ayon kay Young (1996) - May dalawang klase ng tao ang gumagamit ng social network .
1. DEPENDENT - Gumugugol ng 39 oras sa internet para sa sosyal na pakikipag-usap o
pakikihalubilo.
2. INDEPENDENT – Kumukonsumo ng liman oras lamang para sa “net surfing” o “E-mail”

SOCIAL MEDIA PLATFORMS

Narito ang mga uri ng social media platforms na ginagamit bilang pangkalahatan sa Internet.

SOCIAL NETWORKING - Gumagamit ito ng mga websites upang magkaroon ng impormal na


komunikasyon sa mga tao na may parehong interes sa loob ng isang pangkat o networks .

Halimbawa: Facebook, Google, at LinkedIn,

 FACEBOOK – Isang ekslusibong site para sa mga mag-aaral sa Harvard. Ito ang pinakasikat
at pinakaginagamit sa lahat ng social media sites dahil sa simpleng pamamaraan ay
nahahanap at nakakausap ang mga taong nasa malalayong lugar sa pamamagitan ng pag-
add sa kanilang account.
 GOOGLE + - itinatag nina Larry Page at Sergey Brin noong 1996 bilang hanguan ng
pangkalahatang kaalaman. Ginagamit ito upang mahanap ng mga impormasyon at datos sa
pamamagitan ng Search Engine ng google.
 LinkedIN – Inilunsad ni Jeff Weiner noong 2009 upang gamitin sa paghahanap ng
impormasyon sa isang kumpanya at nais na trabaho

MICROBLOGGINGv Inilagay dito ang mga maikling impormasyon at bagong datos sa isang social
media site. Maaari ding magsubscribe, magbigay ng pribado at pampublikong mensahe ang mga
gumagamit sa ibang tao. Dito rin nauso ang paggamit ng mga HASHTAGS na naglalaman ng iba’t
ibang paksa.

Halimbawa: Twitter at Tumblr

 TWITTER - Itinatag nina Jack Dorsey, Noah Glass , Biz Stone at Evan Williams bilang isang
instrumento ng komunikasyon sa mga tao sa pamamagitan ng pag-follow sa kanilang account
at paggamit ng mga hashtags na may kasamang opinyon o kuro-kuro na makikita ng ibang tao
kapag hinanap nila ito sa search engine ng naturang social media site
 Tumblr – Itinatag ni David Karp noong 2007 na pagmamay-ari na ng Oath Inc. Ginagamit ito
upang maglagay ng mga larawan, mensahe, bidyo, mga sipi sa libro at audio na inilagay sa
kanilang blog na tumatalakay ng kanilang nais na paksa.

BLOGGING - Inilagay dito ang mga sariling opinyon, artikulo at kwento tungkol sa nais na paksa ng
mga manunulat sa internet o blogger.

Halimbawa: Wordpress at Blogger

 WORDPRESS – Binuo ng Wordpress Foundation noong 2013 ginagamit ngayon upang


lumikha ng bagong blog, website o aplikasyon na magagamit sa pagsulat ng sariling paksa.
 BLOGGER – Sinimulang buoin ng Pyra Labs at pagmamay-ari ng Google noong 1999, tulad
ng wordpress. Ito rin ay lumikha ng mga website at blog na malayang nagagamit ng sinoman
dahil hindi kailangan ng anumang code sa pag-iinstall nito.

PAGBABAHAGI NG LARAWAN- Nakapagbabahagi dito ang sinuman sa pampubliko o


pampribadong account ng kahit anong larawan.

Halimbawa: Instagram, Flickr , Snapchat at Pinterest

 INSTAGRAM – Binuo nina Kevin Systrom, Mike Krieger at ng Facebook ba ginagamit ngayon
sa pagbabahagi ng mga larawan o bidyo na makikita ng sinoman kung nakapampubliko ang
kanilanh account.
 Flickr – Binuo nina Stewart Butterfield at Cateria Fake noong 2004 at tulad ng Instagram,
maaari ding magbahagi ng mga larawan at bidyo.
 Snapchat – Binuo nina Evan Spiegel, Bobby Murphy at Reggie Brown Noong 2011, dating
mga mag-aaral ng standford University. Ginagamit ito sa pagbabahagi ng larawan ng tao na
nilalagyan ng filter na mababago ang panlabas na anyo ng sinoman na haharap sa kamera.
 PINTEREST - Itinatag ni Ben Silbermaam at ginagamit ngayon upang magbahagi ng mga
larawan na may paksa upang tumulong sa mga taong magbasa nito. Halimbawa ng nilalaman
nito ay mga recipe, mga tips sa buhay,inspirasyon ng tao at iba pang ideya.

PAGBABAHAGI NG BIDYO - Nakapagbabahagi dito ang sinuman sa pampubliko o pampribadong


account ng kahit anong bidyo.

Halimbawa: YouTube, Vimeo at Periscope

 YOUTUBE – Itinatag nina Jawed Karim, Chad Hurley at Steve Chen noong 2005. Ginagamit
ito upang magbahagi ng mga bidyo na makikita ng publiko, may account man o wala.
Kadalasang mapapanood dito ang trailer ng mga papalabas na pelikula at kanta.
 VIMEO – Itinatag nina Jake Lodwick at Zach Klein noong 2004 at ginagamit ngayon upang
magbahagi ng mga bidyo partikular na ng mga maikling pelikulang ipinagbibili rin ng vimeo.

You might also like