You are on page 1of 10

DZRM

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)

Station ID: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.

(Sound effects malakas)

Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang DZRM!

Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.

Anchor 2 : Mga isyung tinututukan.

Voice: DZRM!

Sa loob ng ilang minuto, mag hahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit. Sa DZRM , Narito
ang Ito ang SINGKO BALITA!

(Sounds TING)

Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay ______ minuto makalipas ang alas ______ ng ______ , araw
ng

(Sounds magpapalit)

(Background music lively)

Anchor 1: Isang Mapagpalang UMAGA Pilipinas!

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay,_________

ANCHOR 1: At inyong kaagapay,___________

Anchor 1&2: At kayo’y nakikinig sa….

SINGKO BALITA !

(Sound lalakas)
Voice: Para sa ulo ng nag babagang balita.

ANCHOR 1:. Krisis sa paninirahan

Voice: DZRM

ANCHOR 2: Libreng serbisyong pangkalusugan, abot tanaw na

Voice: DZRM

(dagling pagputol ng kanta)

ANCHOR 2: Para sa mga detalye

(Continue ng Background sound)

ANCHOR 1: Pinangangambahan ng mga maralita ang malawakang demolisyon sa ilalim ng


programang imprastruktura ng rehimen. Sa tala ng Kadamay, may 200,000 pamilya na ang
inaasahang madedemolis habang 104,229 pamilya ang idineklarang naninirahan sa peligrosong
mga lugar na nangangahulugan din ng sapilitang pagpapalayas.

Sa relokasyong Northville at Southville pa lamang sa Pampanga at Bulacan, may 600,000 residente


na ang hindi nakakabayad ng amortisasyon.

Dagdag na pahirap ang kumplikadong paraan, gastos at bagal ng proseso sa aplikasyon para sa
pabahay, kabilang ang paghingi ng samutsaring mga papeles. Iniulat ng Kadamay na dahil sa hirap
ng proseso at kawalan ng kakayahang magbayad, may 55,000 kabahayan ang nakatiwangwang at
wala namang nakikinabang.

Ito ang nag-udyok sa grupo ng mga maralita na ilunsad ang kampanyang “Occupy Pabahay” o
pag-okupa sa nakatiwangwang na mga pabahay sa Bulacan at Rizal noong Hunyo 2017.

Makalipas ang isang taon, hindi pa rin buong naigagawad sa kanila ang pabahay. Hindi inilalabas
ng National Housing Authority ang Implementing Rules and Regulations ng Joint Resolution No.
2 na pinirmahan ni Duterte, mga senador at kongresista noong Mayo 9 na nag-utos na ipamahagi
na ang nakatiwangwang na pabahay at ang mga entry pass na kinakailangan upang makabitan ng
linya ng kuryente at tubig ang relokasyon.
Dagdag pa ng grupo, paulit-ulit din nilang sinubukang makipag-dayalogo sa NHA para sa
pagpapatupad ng Joint Resolution No. 2 subalit patuloy nitong itinataboy ang mga maralita.

ANCHOR 2: naglabas naman ng saloobin ang isang netizen patungkol sa isyung ito

“Inutil at patuloy na nagbibingi-bingihan ang gubyerno sa hinaing ng mga maralita para sa disente
at abot-kayang pabahay. Barya ang inilaan nito sa kasalukuyang badyet para sa pagpapatayo ng
mga pabahay. Sa P460 bilyong kinakailangan, P2.2 bilyon lang ang inilaan ni Duterte para sa
relokasyon habang bilyun-bilyong piso naman ang inilaan nito para sa kanyang todo-gera laban sa
mamamayan.”

ANCHOR 2: Inilarawan ng World Health Organization ang Filipino Healthcare System na


“fragmented” o hindi pantay-pantay dahil ang may kakayahang makakuha ng dekalidad na
serbisyong pangkalusugan sa bansa ay ang mga mayayayaman.

(Sounds Malakas mag papalit)

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), ipinahayag niya na isang prayoridad na
isininusulong ng kanyang administrasyon ang mas palawigin at pagandahin ng healthcare system
sa bansa tungo sa kaginhawahan ng bawa’t Pilipino.

Binanggit ng Pangulo na bukod sa pagpapalawak ng serbisyo ng PhilHealth, isininusulong na


aniya ng gobyerno ang pagpapatupad ng “No Balance Biling” policy sa mga pagamutan, at ang
pagtugon sa kakulangan ng mga health workers sa bansa sa pamamagitan ng National Health
Workforce Support System.

Bukod dito, binigyan din ng Duterte Administration ng malaking alokasyon mula sa PHP3.737
trilyon 2019 budget ang Department of Health, na nagkakahalaga ng PHP141.4 bilyon, para
masiguro ang pagpapatuloy at pagsasagawa ng iba’t-ibang programang pangkalusugan at
matugunan ang iba pang pangangailangan ng ahensya para sa mas epektibong serbisyo.

Anchor 1: Modernong bus, solusyon sa daloy ng trapiko sa EDSA'

Kasingko bryan , ibahagi mo.

News Presenter:
Naniniwala ang Department of Transportation (DOTr) na ang mga modernong bus ang isa sa mga
solusyon sa matinding trapikong nararanasan sa EDSA.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Mark De Leon, kayang magsakay ng mga
modernong bus ng hanggang 120 pasahero kapag pinuno. bukod sa nakababawas sa polusyon, may
surveillance camera, personal TV monitor, at banyo ang mga modernong bus. Mas maluwag at
angkop din umano ito para sa mga person with disability o may mga kapansanan, senior citizen,
at mga buntis. Ikinatuwa naman ito ng mga bus driver at konduktor. "Maganda, wala nang usok,"
sabi ni Richie Uy na 31 taon nang nagmamaneho ng bus. Inaasahan ng DOTr na 100 porsiyento
ng mga bus sa bansa ay magiging moderno sa 2020.

ANCHOR 1: Salamat bryan, Para sa isang paalala, Mag babalik po ang

ANCHOR 1&2: SINGKO BALITA

(Sandaling pag putol ng sounds)

(Bagong Sound effects)

INFOMERCIAL: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig

lang ako nababawasan, nauubos din.

Ikaw na nga ang nag sabi walang forever, kaya pag hindi mo ko tinipid, iningatan at

pinahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo. kaya

mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.

Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng

wasto ang tubig.

Ito ay mahalagang paalala mula sa Maynilad at Manila water


(Malakas na pasok ng kanta Papahina)

(Pasok ng bagong kanta)

Anchor: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …

Voice: DZRM… DZZZZ… … DZRM

ANCHOR 1&2: SINGKO BALITA.

(Sounds-Mag papalit)

ANCHOR 1: Urbanisasyon: Ang Paglawak at Paglaki ng mga Lunsod

Bryan , Ibahagi mo.

News Presenter: Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 55% ng populasyon ng buong mundo ang

naninirahan sa mga lunsod. Maaaring madagdagan pa ng 2.5 bil-yong tao sa mga lunsod pagdating

ng taong 2050. Ayon ito sa pinakahuling pag-aaral ng Population Division ng UN Department of

Economic and Social Affairs (UN DESA) ngayon lamang 2018. Sa isang artikulo ng National

Geographic, tinukoy sa nasabing artikulo ang mga kailangang gawin. Una, malalabanan ang

kahirapan sa pagtataguyod ng higit pang pag-unlad ng ekonomiya at paglikha ng trabaho. Ikalawa,

dapat na isangkot ang lokal na komunidad sa lokal na pamamahala. Ikatlo, dapat bawasan ang

polusyon ng hangin sa pamamagitan ng pagbabago sa paggamit ng enerhiya at mga alternatibong

sistema ng transportasyon. Ikaapat, palaguin pa ang mga pampri-vbado-pampublikong

pagtutulungan upang makapaghain ng mga serbisyo tulad ng tamang pagtatapon ng basura at

pabahay. Ikalima, magtanim ng mga puno’t halaman ayon sa binagong disenyo ng lugar o tiyakin

ang paglilinang ng mga tinatawag na “luntiang lunsod” bilang isang mahalagang elemento sa

pagpaplano ng kalunsuran. KasingkoBryan , Naguulat.


(Sound lalakas)

ANCHOR 2: De-kalidad at makamasang edukasyon

Unang taon ito ng pagpapatupad ng Senior High School (SHS) sa programang K to 12 na

ipinatupad mula pa sa nakaraang administrasyong Aquino. Tinatayang 400,000 ang hindi nakapag-

aral at aabot sa 200,000-400,000 muli ang hindi makaka-enrol sa Hunyo 2017, kung saan

mapupunuan na pareho ang Grade 11 at 12 ng SHS.

Sa kabila ng napakaraming problemang ito, patuloy pa rin ang hanay ng mga estudyante sa

paggigiit ng kanilang karapatan sa abot-kaya at de-kalidad na edukasyon. Naging maugong ang

usap usapan tungkol sa libreng edukasyon para sa lahat ng mag-aaral sa kolehiyo sa susunod na

pang-akademikong taon. Ngunit nilinaw na ito ay para sa mahihirap na mag-aaral. Ang pondong

nakalaan ay para rin lamang sa iisang taon ng pag-aaral at hindi pa nakatitiyak sa mga susunod na

taon o sa mga susunod na administrasyon. Para sa mga grupo ng kabataan na matagal nang

nakikipaglaban para sa mas mataas na subsidyo sa edukasyon, isang indikasyon ito na posible at

kaya talagang laanan ng gobyerno ang libreng edukasyon.

Voice: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. DZRM

ANCHOR 1: sa usaping pankalikasan at kalamidad naman tayo mga Kasingko.

#WorldEnvironmentDay: Pilipinas kabilang sa mga pinakanagkakalat ng plastik

Napapabilang ang Pilipinas sa mga bansang pinakanagkakalat ng plastic sa karagatan, batay sa

isang ulat pangkalikasan.

Ayon sa 2015 report ng environmental campaigner na Ocean Conservancy at ng McKinsey Center

for Business and Environment, aabot sa 60 porsiyento ng plastic waste na napupunta sa anyong-
tubig ang nanggagaling sa limang bansa sa Asya--Tsina, Indonesia, Pilipinas, Vietnam, at

Thailand.

Dagdag pa ng ulat, tumaas ang pangangailangan para sa mga produktong ginagamit ang plastik

pero hindi nakaagapay ang imprastruktura para sa wastong pagdespatsa ng basurang plastik na

hindi agad nabubulok.

Nitong Martes, kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day, inilunsad ng iba't ibang

ahensiya ang kampanyang "Clean Seas Pilipinas."

Sa ilalim nitong kampanya, makikipagtulungan ang mga eskuwelahan sa mga junk shop.

Mag-iipon ang mga estudyante ng plastic bottles at iba pang recyclable materials para ibigay sa

mga junk shop.

"Ang gusto naming ipakita, may pera talaga sa basura," ani Antoinette Taus, founder ng

Communities Organized for Resource Allocation na isa sa mga grupong nasa likod ng kampanya.

Mayroong isang gurong ginawa itong challenge sa kaniyang mga estudyante.

"Inisip ko lang na i-ban lahat ng single-use plastic sa school... mga students na-pressure, pag-uwi

nila kinuha nila 'yong mga basura sa kapitbahay," ani gurong si Potxee de Castro.

Naniniwala ang mga ahensiyang nasa likod ng kampanya na mainam na simulan sa kabataan ang

wastong plastic waste management para na rin sa kalikasan.


MGA SANHI AT BUNGA NG KORAPSYON SA FILIPINAS

ANCHOR 1: Antas ng korapsyon sa Pilipinas, tumaas batay sa pinakahuling ulat ng Transparency


International

ANCHOR 2: Bilang ng pamilyang Pilipino na nagsasabing sila’y mahirap, tumaas

ANCHOR 1: Malnutrisyon, nananatiling problema sa Pilipinas

ANCHOR 2: Tsina, minomodernisa ang agrikultura sa pamamagitan ng teknolohiya sa bansa

PARA SA MGA DETALYE

ANCHOR 2: Mula sa 85th rank ay umakyat ang Pilipinas sa 95th rank nitong 2015 mula sa
kabuuang 168 na bansa sa corruption perceptions index ng anti-corruption watchdog na
Transparency International.

Sa datos ng Transparency International, malaki na sana ang improvement


saginagawangpaglabansakatiwalian ng pamahalaan sa mga nakalipas na taon.

Noong 2012 ay nasa ika-105 ang posisyon ng Pilipinas.

Umangat ito sa 94th rank noong 2013 at naging 85th rank pa noong nakaraang taon.

Subalit kapansin pansin na sa loob lamang ng isang taon ay bumulusok ito at naungusan pa ng 10
bansa pagdating sa pagsugpo sa korapsyon.

Aabot sa 48 percent o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang
kanilang sarili bilang ‘mahirap’ batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

ANCHOR 1: Sa nasabing 2nd quarter survey, mas mataas ang naturang bilang ng anim na
porsyento kumpara sa 42 percent o 9.8 milyong pamilya na naitala noong 1st quarter (March 2018).

Ito na rin ang pinakamataas na naitala simula sa 50% noong March 2017.

Pinakamalaki ang naitalang pagtaas sa self-rated poverty sa Mindanao na tumaas ng 18 points; 13


points naman ang itinaas sa NCR at Visayas at bahagya naman ang naging pagbaba sa Luzon na
may 5 percent.

Dahil dito, mula sa 42 percent noong March 2018 ay pumalo na sa 60 percent ang nagsabing sila
ay mahirap sa Mindanao kung saan ito na ang pinakamataas na naitala mula noong September
2015 na mayroong 70 percent.

ANCHOR 1: Malnutrisyon, nananatiling problema sa Pilipinas, ka singko bryan ibalita mo

BRYAN :Hindi pa rin natatapos ang problema ng bansa sa malnutrisyon, ayon sa lumabas na pag-
aaral ng international organization na Save the Children.
Sa ginawang end-of-childhood report ng Save the Children, nasa ika-96 ang bansa sa listahan ng
2017 end-of-childhood index rankings.

Ika-9 naman ang Pilipinas sa sampung bansa na may pinakamaraming bansot o stunted sa edad
lima pababa.

Aminado ang Department of Health (DOH) sa laki ng problema sa malnutirisyon sa bansa.

Lumalabas sa datos ng 2015 Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na stunted o bansot ang
3 sa 10 bata sa bansa.

"Ang stunting o 'yung pagkabansot ay outcome ng pagkakaroon ng pangmatagalang kakulangan


sa pagkain ng isang bata,'' paliwanag ni DOH National Nutrition Program Coordinator Luz
Tagunicar.

ANCHOR 1: Nagpasiya ang pamahalaang Tsino na pasulungin ang modernisasyon ng agrikultura


ng bansa, sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga Agricultural High-Tech Industry Demonstration
Zone.

Layon nito ay pasulungin ang episyensya, pataasin ang kita ng mga magsasaka, hikayatin ang
green development sa sektor na agrikultural.

Sa isang kaugnay na preskon, Lunes, Enero 29, sinabi ni Xu Nanping, Pangalawang Ministro ng
Sisyensiya at Teknolohiya ng Tsina na ginawa ng pamahalaang Tsino ang nasabing desisyon,
batay sa pambansang estratehiya ng paghikayat ng inobasyon.

Idinagdag pa ni Xu na nitong ilampung taong nakalipas, naisakatuparan na ng Tsina ang self-


sufficiency pagdating sa pagkaing-butil, pero, kinakaharap pa rin ng bansa ang mga hamon para
isakatuparan ang sustenableng pag-unlad na pang-agrikultura.

Ipinangako ng Tsina na sa proseso ng pagtatatag ng mga sona, ibayo pang pasusulungin ang may
kinalamang pananaliksik at edukasyon, serbisyo ng pamamahagi ng impormasyon, at pandaigdig
na pakikipagtulungan.

Ayon sa plano, sa taong 2025, itatatag ang ilang pambansang lebel na demonstration zone na
nagtatampok sa inobasyon at mga talentong agrikultural. Noong 1997, sinimulang itatag ng Tsina
ang Yangling Agricultural High-tech Industry Demonstration Zone, at noong 2015, inaprubahan
ng bansa ang pagtatatag ng Agricultural High-tech Industry Demonstration Area sa Yellow River
Delta.

You might also like