MGA TINALAKAY NGAYON Pasyalan de Kabalen: Villa Lourdes Resort

Facebook.com/CentralFocusOnline

Pa-TALK Sa’yo: Mga gawaing pinaghahandaan tuwing Kapaskuhan Takam na Takam: OCG Grille House Teknolohiya at Lipunan: Para saan nga ba ang Isang Web Site?

CENTRAL F O CUS
TOMO I BLG. 2 NOBYEMBRE 28, 2011  CENTRALFOCUS.IXI.PH +63 45 3046018

27

ARAW NA LANG PASKO NA!!!

w
Sana maayos kaagad ang tulay! Tsk tsk!

P 10.00

Tulay ng Colgante, bumagsak B People’s Day ng Apalit A

umagsak ang tulay ng Colgante sa Apalit Pampanga, na nagdudugtong sa daan patungong Macabebe, dahil sa sabay-sabay na pagdaan ng tatlong malalaking dump trucks noong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 23, 2011. sundan sa pahina 2

ng People’s Day ay isang serbisyo publiko mula sa bayan ng Apalit na nagbibigay ng libreng medikasyon at konsultasyon sa iba’t-ibang mga barangay dito sa ating lugar sa Apalit. sundan sa pahina 2

Mga kabataang mag-aaral na pansamantalang namuno sa munisipalidad ng Masantol mula ika-14 hanggang ika-18 ng Nobyembre bilang paggunita sa Youth Week.

Maayos na naidaos ang taontaon na selebrasyon ng Linggo ng Kabataan (o Youth Week) sa bayan ng Masantol, Pampanga mula ika14 hanggang ika-18 ng Nobyembre, 2011. Isang maikling seremonya para sa pagtatapos ng nasabing

PAGSILBIHAN ANG BAYAN
aktibidad ang ginanap sa bulwagan ng Sangguniang Bayan ng nasabing munisipalidad. Sa aktibidad na ito, ang mga opisyal ng bayan -- mula punongbayan, pangalawang punongbayan, mga kagawad, at iba pa -- ay pansamantalang “pinapalitan” ng mga kabataang mag-aaral. Sa buong linggo ng selebrasyon, ang mga nagsilahok na mag-aaral ang gagawa ng mga katungkulan at responsibilidad ng mga pinalitan nilang opisyal. Halimbawa na lamang nito ay ang Sangguniang Bayan. Ang mga magaaral na naatasang maging miyembro ng sanggunian ay maghahain ng resolusyon, magdidiskurso, at magpapasa o magbobotohan para sa mga inihaing resolusyon at ordinansa. sundan sa pahina 2

HAMON SA KABATAAN :

Bagong pag-asa hatid ng TESDA at Macabebe LGU M

Mayor Tetangco namahagi ng scholarship Tulong
Ang pagtulong marahil ang pinaka likas sa ating mga Apaliteños. Ito ang muling pinatunayan ng ating mahal na alkalde sa kaniyang programang scholarship. Kasama sa naging plataporma ni Mayor Oscar “Jun” D. Tetangco, Jr. ang pamimigay ng scholarship para sa mga karapat-dapat na mag-aaral na nagnanais makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Ang mga pinarangalang iskolar ay ang una hanggang ikaapat na grupo para sa pasukan ngayong simula ng ikalawang semestre. Taon-taon, nagbibigay si JDT sa kanyang mga iskolar ng tulong o allowance para sa kanilang karagdagang pangangailangan o gastusin sa eskwelahan. Maraming iskolar ang dumagsa sa tanggapan ni Mayor Jun D. Tetangco para sa pagkuha ng kanilang allowance. sundan sa pahina 2

uli ay nagpakita ng suporta ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga mamamayan ng Macabebe, Pampanga sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship sa mga ito noong Nobyembre 17, 2011 sa Macabebe East District. sundan sa pahina 2

mula UNDP A

ng United Nations Development Programme (UNDP) ay nagbahagi ng mga kagamitang pangmedikal (latex gloves, respirator masks, at face masks) para sa mga kawani ng health center sa bayan ng Apalit. Naging daan sa pagbibigay ng mga kagamitan ang IXI Software Solutions, ang taga-lathala ng pahayagang ito. sundan sa pahina 2

JDT at ang mga masusuwerteng mag-aaral na patuloy pinagkakalooban ng tulong/scholarship sa kanilang pag-aaral. Larawan mula sa Community Facebook account ng Apalit, Pampanga (https:// www.facebook.com/pages/Apalit-pampanga/147425656863)

Gusto mo bang manalo ng iPod Shuffle? Nokia dual-SIM phone? SM o Starbucks gift certificates? Alamin kung paano sa pahina 8!

Tulong mula UNDP
mula as pahina 1
Ginanap ang pagbibigay ng mga kagamitang ito noong Lunes (ika-21 ng Nobyembre, 2011) sa health center ng Apalit. Si Ginang Lorenza S. Henson, sanitary inspector ng Rural Health Unit ng Apalit, ay nagging saksi sa pamamahaging naganap. Ayon sa kaniya, malaking tulong ang mga kagamitang naipamahagi mula sa UNDP lalo na sa kanilang Barangay People’s Day. Ang Barangay People’s Day ay isang libreng misyong pang-medikal at pang-dental na ipinatupad ni Mayor Oscar “Jun” Tetangco, Jr. sa simula ng kaniyang termino. Ang misyong ito ay isinakatuparan para mabigyang karampatang lunas ang mga sakit na nararamdaman ng mga taong-bayan ng Apalit. Ang mga kawani sa Barangay People’s Day kasama ang mga nanunungkulan ay umiikot sa bawat barangay ng Apalit. Ang mga libreng kagamitan mula sa UNDP ay magagamit hindi lamang sa Barangay People’s Day, kundi sa mismong health center ng Apalit na siguradong kapakipakinabang sa mga taong lumalapit na may dinaramdam na sakit. Ang UNDP ay isang organisasyong itinatag

2

CENTRALFOCUS

Mayor Tetangco...
mula as pahina 1
Ipinatutupad ni JDT ang ganitong programa bilang tugon na rin sa pangarap ng maraming mag-aaral at mga magulang. Sa ganap na 9:00 ng umaga, marami na ang nagsadya at nagdala ng kanilang requirements o mga patunay na sila’y matagal nang tinutulungan ni Mayor Jun D. Tetangco. Ipinakita nila ang kanilang requirements at malugod na dumeretso sa SB Session Hall para sa maiksing pagpupulong. Pinangunahan ito ni JDT katulong ng mga ilang opisyal ng munisipyo. Mayroon ding ilang mga magulang na dumalo sa pulong para magrepresenta sa kanilang mga anak. Pagkatapos ng maikling pagpupulong at pamimigay ng maikling mensahe ni JDT at ni Vice Mayor Peter C. Nucom, inihanda na ng mga opisyal ang mga allowance para sa mga masisipag na iskolar. Layunin ng programang ito na mapabuti at gawing inspirasyon ng mga kabataan ang magandang mithiin ng alkalde para sa ikauunlad nila balang araw.

Bagong pag-asa...
mula as pahina 1
70 miyembro ng out-of-school youth ang siyang nabiyayaan ng nasabing scholarship upang makapagaral ng mga kursong Electrical Installation and Maintenance NC II at Food and Beverage Services NC II, bilang pagtulong ng TESDA sa mga nasalanta ng mga bagyong Pedring at Quiel sa tulong na rin ng Pamahalaang Lokal ng Macabebe (LGU) at iba’t-ibang pribadong institusyon. Sa pamumuno at mabuting adhikain ng alkalde ng Macabebe na si Mayor Annette Flores-Balgan, iba’t-ibang programang pangkabuhayan pa ang patuloy na nagbibigay pag-asa sa bawat mamamayan ng Macabebe, na sinasabing matagumpay at progresibong mga programa na kanyang sinimulan mula pa noong nakaraang taon.

upang maisulong at malabanan ang kahirapan sa isang bansa. Ang organisasyong ito ay sumasaklaw at tumutulong sa mahigit na 177 na mga bansa sa buong mundo. Ito din ay katuwang ng gobyerno para maisakatuparan ang mithiin na matulungang maisaayos ang mga pamumuhay ng mga tao, lalong lalo na ang mga kapos palad. Mithiin din ng UNDP na maisaayos ang mga sumusunod na pangunahing daing ng mga tao sa isang bansa: (1) demokratikong pamumuno; (2) pagsasaayos ng kapaligiran at abot-kayang kuryente para sa lahat; (3) paghadlang sa panahon ng kagipitan at muling pagbangon mula rito; at (4) paglaban sa sakit na HIV/AIDS. Ang pagbibigay ng mga kagamitang pangkalusugan ay tulong mula sa UNDP para sa Apaliteños. Ito ay isa lamang sa kanilang libo-libong pamamaraan upang makamtan ang mithiing mapalago ang pamumuhay at mapabuti ang kalusugan ng bawat Pilipino sa bansa.

Tinanggap ng mga iskolar ang kanilang mga allowance na may bakas na ngiti sa kanilang mga pisngi. Mababasa sa kanilang mga mukha ang labis na pasasalamat at kasiyahan para sa kanilang natanggap na tulong. Ang ilan ay dumeretso na sa kani-kanilang mga paaralan para simulan ang unang araw ng ikalawang semestre. Ang ilang iskolar namang hindi nakadalo sa pagpupulong dahil sa maaga nilang pasok ay pinahintulutan pa ding magtungo sa munisipyo para makuha ang kanilang allowance.

Ang mga pondo na dapat sana’y gagamitin sa selebrasyon ng Apalit Day noong Nobyembre 8 ay ibinigay at idinagdag na lang sa pondo ng mga iskolars. Malaki ang naiambag ng pondong ito sapagkat mas marami ang matutulungan ng organisasyon ng scholarship. Ang ganitong programa ay labis na nakakatulong sa ating mga kababayan. Malaki ang naiaambag ni JDT hindi lamang sa mga kabataang ito,kundi pati narin sa kanilang mga magulang. Ito ang kanilang susi o daan para sa kanilang tagumpay.

“Ang edukasyon ay isang pundasyon para linangin ang husay ng isang tao. Ito ang susi sa tagumpay ng bawat isa.”

Ayon pa sa kanilang ALS Director na si Bb. Aurora P. Aguirre, layunin ng programa na itinatag ng alkalde ang 100% employment para sa mga nagsipagkuha ng mga kurso dito at para sa pag-angat ng kalidad ng pamumuhay sa bayan. Samantala, para sa kaalaman ng lahat, narito ang listahan ng mga kursong maaring pasukin ng mga mamamayan ng Macabebe na nais makapagtrabaho: Therapeutic Massage, SMAW (Shielded Metal ARC Welding NC II), Food and Beverage Services NC II, Housekeeping NC II, Industrial Electronics, Manicure, Pedicure, Electrical Installation, at Bartending. Para makapag-patala sa mga kursong ito, kailangan lamang ay nasa edad 18 ka pataas.

People’s Day ng Apalit
mula as pahina 1
mga konsultasyon kagaya ng mga serbisyong isinasagawa sa ating Health Center. Layunin ng programang People’s Day ang makapaghatid ng tulong sa iba’t-ibang barangay ng Apalit. Isinasagawa ito upang mapuntahan ang lahat ng nasasakupan ng bawat barangay kalakip ng ligtas at malusog na pamumuhay. Mayroon ding mga dentista, doktor, at ilang mga eksperto para sa pagsasagawa at pagpapatupad ng People’s Day. Sa katunayan, ang susunod na People’s Day ay gaganapin sa Disyembre sa barangay ng Sucad. Magtitipon at magkakasama-sama muli ang mga kinauukulan upang makapaghatid ng isang payapa’t matiwasay na serbisyo publiko.

Natural na sa ating mga Apaliteños ang pagiging isang mapagbigay at mapagkawanggawa, lalo na sa ating mga kapwa kabalen. Ang pagtutulungan ang nagsilbing tatak at ipinagmamalaking potensyal ng Apalit sa oras ng kagipitan. Bilang tugon at tulong sa marami nating mga kabalen, nagdadaos ng People’s Day ang mga opisyal ng Apalit sa pangunguna ni Mayor Oscar “Jun” Tetangco Jr., ng kanyang mga nasasakupan, at mga kawani sa larangan ng kalusugan. Idinadaos ang People’s Day dalawang beses sa isang buwan. Lahat ng barangay sa Apalit ay susuyurin at paghahandugan sa programang ito bilang tulong at kasiguraduhan sa ating kalusugan. Ang katatapos na People’s

Larawan mula sa Community Facebook account ng Apalit, Pampanga (https://www.facebook.com/pages/Apalit-pampanga/147425656863)

Day noong Nobyembre 18 (Biyernes) sa Capalangan ay naging matagumpay at payapa sa tulong na rin ng malaking kooperasyon at kaayusan ng mga nakatira doon. Nakilahok din ang ilang mga opisyal ng Apalit upang masiguro na magiging maayos at ligtas na maidadaos ang

programa. Kalakip ng People’s Day ang pamimigay ng mga libreng gamot, gaya ng antibiotics, gamot sa lagnat, trangkaso, ubo, at marami pang iba. Kalakip din ng serbisyo publiko ng programang ito ang libreng bunot ng ngipin, libreng mga medikasyon, at

mula as pahina 1

Tulay ng Colgante... Pantas-aral para sa
Ayon kay Konsehal Sanny Mendoza, na 30 metro lang ang layo mula sa tulay ng Colgante nang mangyari ang insidente, ang pagbagsak ng tulay ay naganap bandang 10:00 ng umaga dahilan para ma-alarma ang publiko. Ang dump trucks na nanggaling pa sa Nueva Ecija ay patungo sa karatig bayan ng Apalit, ang Macabebe. Ang sobrang bigat ng trucks at ng mga kargamento ng mga ito ang naging dahilan para bumigay ang tulay. Ayon sa ilang saksi sa naganap na insidente, anim na trucks ang nakita nilang dadaan sa tulay. Ang una ay matagumpay na nakatawid, ngunit ang sumunod na tatlo ay minalas. Ang huling dalawang trucks ay nagdesisyon na lamang na bumalik sa kadahilanang hindi na sila makakapagpatuloy pa papuntang Macabebe. Ayon kay Nathaniel Mandap ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st Pampanga Engineering District, overloading at hindi tamang agwat sa pagitan ng trucks ang mga naging sanhi ng pagbagsak ng tulay. Noong mismong araw ng insidente, ang DPWH, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at Apalit LGU, ay nagsagawa na ng mga posibleng paraan para sa mas mabilis at posibleng rehabilitasyon ng tulay ng Colgante na itinayo noong 1970s. Pansamantala, ang dike ang magsisilbing panghaliling daan para sa mga mamamayan ng Masantol at Macabebe. Walang naiulat na mga namatay o nasaktan sa naganap na insidente. Ang mga kawani ng IXI Software Solutions ay nagbigay ng pantas-aral sa mga piling estudyande ng Malauli High school noong Biyernes (ika-18 ng Nobyembre 2011), para magbigay ng dagdag kaalaman sa mga kabataan para sa sasalihan nilang patimpalak. Mahigit sa 15 estudyante ang dumalo sa pantas-aral na ibinigay ng IXI Software Solutions. Ang pangunahing layunin ng nasabing pantas-aral para sa mga estudyante ng Malauli High school ay upang mas matugunan ang mga kahinaan ng mga bata sa sasalihan nilang Clustering sa kanilang lugar. Ang Malauli High school ay kabilang sa mga pampublikong paaralan sa Masantol na kabilang sa Cluster 7. Ang nasabing Clustering ay nagsisilbing isang patimpalak sa bawat paaralan na nagbibigay ng oportunidad para sa mga estudyante na may kahusayan sa pagsulat ng balita at iba pang larangan na may kaugnayan sa industriya ng

CENTRALFOCUS

3

mga estudyante ng Malauli High School
media. Sa patimpalak na ito, nagtatagisan ang mga estudyante na may kahusayan sa pagsusulat ng mga balita na kasalukuyang nagaganap, kabilang din dito ang pagguhit, at marami pang iba. Ang mga paksa na tinalakay sa pantas-aral ng IXI Software Solutions ay ang mga sumusunod: (1) News Writing; (2) Editorial Writing; (3) Editorial Cartooning; (4) Feature Writing; (5) Sports Writing; at (6) Photojournalism. Nagbigay din ng mga pagsasanay sa bawat paksa na tinalakay upang makita ang mga bagay na dapat pang ayusin ng mga estudyante. Ang IXI Software Solutions ay malugod na ginawa ang pantas-aral para sa mga estudyante ng Malauli High school. Mithiin din ng nasabing kumpanya na malaki ang maitutulong at epekto ng kanilang pagbibigay ng pantas-aral sa mga estudyante ng Malauli High school.

mula as pahina 1

KUTITAP SA MACABEBE
Marion M. Yambao http://municipalityofmacabebe.weebly.com/
Isang pagtatanghal ang naganap sa Gymnasium ng Barangay San Rafael, Macabebe, Pampanga na pinamagatang “KUTITAP” noong ika-16 ng Nobyembre, 2011. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines) sa Tanggapan ng ating Punong Bayan, Mayor Annette FloresBalgan. Ang KUTITAP ay isang piging ng Kabataang Makasining na naglalayong makapagbigay ng aliw sa mga batang biktima ng nakaraang kalamidad na dulot ng bagyong Quiel at Pedring. Adhikain nila na mabigyan ng kislap ang mga mata ng mga batang nabanggit sa mga palabas na kanilang itinanghal: Maikling Konsyerto ng Philippine Philharmonic Orchestra, Sayaw ng mga Kabataan ng Ballet Philippines, pagbisita ng pitong kaibigang dwende ni Snow White, at ang nakakaaliw na palitan ng salita ng mga nangasiwa sa palatuntunan na sina G. Garry Lim at Bb. My my Davao, dalawang batikang personalidad sa telebisyon at teatro. Maliban sa nabanggit na adhikain, layunin din ng pamunuan ng CCP na malinang sa mga kabataan ang wastong pangangalaga ng kalikasan kaya sila naglagay ng isang dula na magtuturo ng wastong paghihiwa-hiwalay at pagtatapon ng basura at ng mga pwedeng mangyari kung hindi ito susundin. Nagkaroon din ng isang workshop kung saan aktibong nakilahok ang mga bata na sumagot at nagpakita ng kaalaman sa mga bagay-bagay ukol sa wastong pangangalaga ng kalikasan. Natapos ang pagtatanghal sa pagbibigay ng miryenda at regalo sa mga batang kalahok na binubuo ng mga piling mag-aaral sa Macabebe West District (Sto. Rosario, Lolu, San Rafael, Sta. Maria, San Jose, Sta. Lutgarda, San Juan, Sto. Nino, Castuli, Sapang Malalam, Sitio Mindanao, Dalan Baliti, San Esteban, Dalayap, at Consuelo). Nag-iwan din sila ng mga aklat at laruan sa munisipyo na ibibigay naman ng ating Punong Bayan sa isang mapipiling paaralan sa mga coastal barangay. Ang lahat ng mga paghahanda para sa piging na ito ay pinangasiwaan ni Dir. Chinggay Bernardo ng CCP, Mayor Annette Flores-Balgan, Konsehal Carlito Tragora ng Sangguniang Bayan ng Macabebe, at Kapitan Redito Calanoc ng San Rafael. Ang mga kagamitang kinailangan sa pagtatanghal at pagkain ng mga bata at mga nagtanghal ay malugod na ipinagkaloob ni Mayor Balgan.

Hamon sa Kabataan...
mula as pahina 1
Ayon kay Kagawad Ronald Flores, isa sa mga nangasiwa ng Linggo ng Kabataan at tagapamahala ng lupon ng edukasyon ng Sangguiniang Bayan, maraming adhikain ang aktibidad na ito. Una na dito ay ang ipakita sa mga kabataang mag-aaral kung paano ginagawa ang pamamahala, paggawa ng batas, at pagpapatupad nito sa bayan ng Masantol. Inaasahan din na maipakita ng mga kabataang pinuno ang k a n i l a n g pagsasamahan at pagtutulungan kahit pa sila ay nanggaling sa iba’t-ibang paaralan sa iba’tibang lugar. Hinihikayat din ng kagawad na ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan sa kanilang kamag-aaral. Ilan sa mga nakilahok na kabataan ay sina Wency Bonifacio (mula sa Masantol High School) at Michael Tolentino (mula naman sa Malauli High School). Si Ms. Bonifacio ang naupong Youth Mayor at si Mr. Tolentino ang naupong Youth Presiding Officer ng Sangguniang Bayan noong huling araw ng aktibidad. Ayon sa kanila, higit pa sa kanilang matututunan sa loob ng isang linggo sa loob ng apat na sulok na paaralan ang kanilang natutunan ngayon sa Linggo ng Kabataan. Naniniwala si Ms. Bonifacio na maswerte sila sa karanasang ito dahil hindi lahat ng kabataan ay nabibigyan ng pagkakataon na maupo at maging aktwal na kabahagi sa mga pamamahalang ginagawa ng tulong-pinansyal ng munisipyo na ginamit ng mga mag-aaral sa pang-araw-araw na pagkain at transportasyon nila habang sila ay nakikilahok sa aktibidad. Ang Linggo ng Kabataan ay taon-taong ginugunita ng bayan kung saan ang mga namumuno sa konsehong pang-mag-aaral ng mga mataas na paaralan sa Masantol ay iniimbitahang makilahok. Ang aktibidad ay ginugunita t u w i n g ikalawang linggo ng Oktobre, ngunit dahil sa mga nakaraang kalamidad dulot ng bagyo, naidaos lamang ito ngayong Nobyembre. Sa pitong mataas na paaralan ng Masantol, anim lamang ang nakilahok: San Miguel Academy, Pampanga Institute, Holy Child of Mary College, Tarik Suliman High School, Masantol High School, at Malauli High School. Ang Sapang Kawayan High School, ayon kay Kag. Flores, ay hindi nakibahagi sa aktibidad dahilan sa layo ng panggagalingan ng mga magaaral.

ng pamunuang bayan. Ayon sa dalawang magaaral, kung magkakaroon sila ng pagkakataon, nanaisin nilang maging opisyal ng bayan sa hinaharap dala ng kanilang karanasan sa nasabing aktibidad at dahil na rin sa personal na kagusuhan nilang makatulong sa ating bayan. Ang mga kabataang mag-aaral ay pinagkalooban

4

CENTRALFOCUS

EDITORYAL
Ang Simula ng Isang Pangarap
Noong mga nakaraang buwan, ang grupo namin ay may isang proyektong sinimulan, at noong isang linggo lamang, isang malaking progreso ang naganap. Ang proyekto ay tungkol sa isang maliit at sarili naming pinopondohan na pahayagan na pangkomunidad. Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang aming karanasan sa proyektong ito. Ito ang unang pagsabak ng grupo pagdating sa ganitong uri ng proyekto. Matagal na akong isang patnugot ngunit ang trabahong ito ay trabahong hindi nangangailangan ng aktuwal na pagmamaniobra kung saan ang magiging direksyon ng aming produkto. Ang mga nakatataas ang nagdidikta ng aming direksyon. Sa ganang akin, hindi naman malaking problema ito. Hindi rin naman ito problema sa mga manunulat dahil pagsusulat lang ‘yun. (Hindi ko minamaliit ang pagsusulat – ang ibig ko lang sabihin ay kung kaya mong magsulat, KAYA MONG MAGSULAT.) Ang mga manunulat sa aming grupo ay hindi pa batikan. Sila ay mga katatapos lang sa kolehiyo na naniniwala na mas magandang magtrabaho sa isang nag-uumpisa pa lamang na kumpanya na may misyon o layunin… may pananaw. Kamakailan lamang, ang isa sa aming mga manunulat ay “napagalitan” ng isang “propesyonal” na manunulat sa kadahilanang hindi na niya mahintay ang taong ito na huli nang dumating sa oras na pinagusapan. Sinabihan ko ang aming manunulat na kalimutan na lang ang panayam at bumalik na lamang sa opisina. Dahil siya ay bago pa lamang sa industriya, hindi siya “nakalaban.” “Charge it to experience,” yun na lamang ang binanggit ko sa kanya. Ang “layouting,” na isang napakahalagang bahagi sa paglalathala ng isang pahayagan, ay naiiba. Nangangailangan ito ng teknikal na abilidad na kailangang pag-aralan. Ang aming taga-disenyo ay walang karanasan pagdating sa layout at pagdidisenyo noong tanggapin ko siya sa kumpanya. Kaya naman, gumawa ako ng isang training design para sa kaniya. Ang training module na ibinigay ko sa kaniya (wala rin akong karanasan sa layout) ay ito: Unang linggo 1. Ito ang isang diyaryo. 2. Buksan ang MS Publisher (”so 90s,” ito malamang ang iniisip ng mga propesyunal na layout artists). 3. Gumawa ng panibagong anyo ng diyaryo gamit ang MS Publisher. Noong mapagtanto ko na ang Indesign ang isa sa pinakamagandang typesetting applications, idinagdag ko ang Ikalawang linggo sa aking training module. Ikalawang linggo 4. Isaalang-alang ang “pagbili” ng lisensya para sa Adobe Indesign. (Siya ay isang masugid na manlalaro ng online games – alam niya kung paano “bumili” ng lisensya ng may malaking diskwento.) Ang ginamit nga pala namin ay ang 30-day trial version, kung kayo man ay nagtataka. 5. Gamit ang Adobe Indesign, gumawa ng panibagong format ng diyaryo mula sa nagawa gamit ang MS Publisher. 6. Gawin ang PDF, at ipasuri ito sa isang taong may sadyang kaalaman pagdating sa typesetting. Hindi ito naging madali para sa kanya at sa amin. Pero nakaya namin itong gawin. Ang gabi bago ang aming deadline ang isa sa pinaka-masigasig o pinakaabalang panahon sa aming opisina. Kalahati sa aming grupo ang nanatili sa opisina sa loob ng mga 36 na oras (o higit pa) para lamang matapos ang unang edisyon. At pagkatapos ng ilang oras ng paglalamay kaagapay ang mga musika ng dekada ’80 at energy drinks, nakumpleto na namin ang aming unang isyu, na-upload ito sa pamamagitan ng FTP, at naipagbigay-alam na namin sa taga-imprenta na ang aming pahayagan ay maari nang iimprenta. Matagumpay naming nailathala ang aming pinakaunang pahayagan. Isa lamang itong walong-pahina at newsletter-sized na pahayagan. Nagpagawa kami ng 2000 kopya at namahagi kami sa tatlong munisipalidad ng aming probinsya (harinawa, makapamahagi rin kami sa mas marami pang munisipalidad balang araw). Ang unang isyu ay ipinamahagi ng libre. Maaring ganoon din ang gawin naming sa ikalawa. Kahit ito ay isa lamang maliit na pahayagan kumpara sa ibang malalaking publikasyon, kami ay natuwa na naisagawa namin ito. Sigurado ako na kahit sino ay maaring sabihin na kaya nilang gawin ang ganitong bagay. Ngunit ang tanong: ginawa ba nila? Habang isinusulat ang artikulong ito, isinasaayos na ng aming grupo ang ikalawang isyu na ilalahatla sa Lunes (ang kopyang ito na binabasa mo ngayon). Simple lang ang aming nais ipahiwatig sa maikling akda na ito: Hindi masama ang mangarap. Huwag lamang natin kakalimutan ang gumising at bumangon upang subukang abutin ang mga pangarap na ito.

Pambansa

Mga Piling Balita

Walang TRO vs DOJ-Comelec panel Hindi naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court para sa joint panel ng Department of Justice (DOJ) at Commission on Elections (COMELEC) na siyang nagiimbestiga sa umano’y pagkakasangkot ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa malawakang dayaan noong 2007 elections. SC decision sa Hacienda Luisita Dapat umanong sumunod ang Hacienda Luisita sa desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi na sa 6,000 na magsasaka ang lupang hinahabol nila. P1.816 T nat’l budget sa 2012 aprub sa Senado Pagkatapos ng ikatlo at huling pagbasa ng 1.816 trilyon General Appropriations Act (GAA) para sa 2012 sa wakas ay nakalusot na rin ito sa Senado. 10 milyon ni MVP para sa SEA Games, hindi nasayang Nagbigay ng 10 milyong piso ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan (MVP) sa mga Pilipinong manlalaro ng taekwondo, boxing, basketball, tennis, cycling, at football bago sila tumulak sa SEA Games. Nakakuha ang grupong ito ng 12 ginto—1/3 sa kabuuang ginto ng Pilipinas sa nakaraang palaro.

Mga Karatig-bayan
Kapitolyo naglaan ng 600 milyong piso para sa proyekto sa Pampanga City of San Fernando—Ipinaabot ng mga opisyal ng lokal na probinsya na naglabas ng P600 milyong pondo ang Kapitolyo para sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo para sa mga Kapampangan. Ang halaga ay sumasaklaw sa imprastraktura at mga proyektong turismo para sa lalawigan. Gobernador ng Pampanga hinikayat ang mga Kapampangan na ipagdasal si Arroyo City of San Fernando—Hinimok ni Gobernador Lilia Pineda ang mga Kapampangan na ipagdasal ang mabilis na paggaling ng dating Pangulo at ngayo’y Cong. Gloria Macapagal-Arroyo. Bonus ng mga empleyado, aprubado kay Mayor Pamintuan Angeles City—Inihayag ni Mayor Edgardo Pamintuan na matatanggap na mga empleyado ng City Hall ang kanilang natitirang 13th month pay at P5,000 cash gift ngayong linggo. Agarang pag-apruba sa Mabalacat cityhood iginiit ng Alkalde Mabalacat—Nais ni Mayor Marino Morales ang agarang pagapruba ni Pangulong Noynoy para sa pagiging isang ganap na siyudad ng Mabalacat sa sandaling matapos ng Senado ang ilang pag-apruba sa ilang bayarin. 10th Duman Festival kasado na sa Disyembre 3 Sta. Rita—Ang ika-sampung Duman Festival ay gaganapin sa Diyembre 3 na nagpapakilala ng mga kakanin ng lugar at gabi ng musika na gaganapin sa harapan ng Simbahan ng Sta. Rita de Cascia.

T E K N O LO H I Y A at
LIPUNAN
Para saan nga ba ang Isang Web Site?
PHPineda
Ang IXI Software Solutions (http://IXI.ph), ang taga-lathala ng pahayagang Central Focus, ay isang kumpanya na nag-aalok sa mga lokal na pamahalaan upang gawin ang kani-kanilang sariling Web site. Ang bayan ng Apalit ay naniniwalang malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng sariling Web site kung kaya naman sa pakikipagtulungan nito sa IXI, maaaring magkaroon na ito ng sarili nitong Web site. Ngunit bakit nga ba kailangan nilang magpagawa nito? Sino ba ang makikinabang nito? At ano ang pakinabang na maibibigay nito sa lokal na pamahalaan at sa mga mamayan nito? Ang pagtatanong sa isang organisasyon kung bakit kailangan nito ng Web site ay halos kahalintulad ng pagtatanong sa isang magsasaka kung bakit kailangan nito ng makinarya. Ang isang magsasaka ay maaaring magsaka ng kaniyang kabukiran gamit lamang ang kanyang maaasahang kalabaw, at ang isang organisasyon ay kayang iparating ang anumang mensahe nito sa kaniyang mga miyembro sa pamamagitan ng newsletters at regular na pagpupulong. Ganunpaman, parehong limitado lamang ang pakinabang na makakamit sa ganitong paraan. Ang isang lokal na pamahalaan ay gumagamit ng tradisyunal na pamamaraan pagdating sa pagpapakalat — at pagkalap na din — ng impormasyon. Halimbawa, kung nais ng isang lokal na kumpanya ng kuryente na mag-anunsiyo ng interupsiyon ng serbisyo sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan, isinasagawa nila ito sa pamamagitan ng pagpapaskil ng anunsiyo o paggamit ng sasakyan para umikot sa komunidad at berbal na maganunsiyo. Kung nais naman ng lokal na pamahalaan natin na tanungin ang mga nasasakupan nito tungkol sa kung ano ang opinyon nila sa isang isyu, iimbitahin nito ang mga mamamayan sa mga pagpupulong o konsultasyon. Ang mga nasa itaas ay maaring maging epektibo. Pero ang mga ito ay magiging mas epektibo pa sa pamamagitan ng paggamit ng isang Web site. Ang Web site ay maaaring gamitin ng lokal na gobyerno para sa maraming bagay. Ang isa sa pinakamahalaga ay ang paggamit sa Web site para magkalat ng impormasyon o magsagawa ng mga anunsiyo. Ang mga ahensiya/tanggapan ng isang lokal na pamahalaan ay naka-aalam ng mas maraming impormasyon kumpara sa isang ordinaryong organisasyon o pribadong indibidwal. Ang mga impormasyon pagdating sa interupsiyon ng kuryente, mga babala sa bagyo, mga kaganapan sa munisipalidad, at iba pa ay unang ipinaparating sa lokal na pamahalaan. Ang lokal na pamahalaan naman ay ginagamit ang pribelehiyong ito upang iparating ang mga impormasyong ito sa mga mamamayan. Maaari silang maglaan ng isang bahagi sa kanilang Web site para lamang sa pagpapaskil ng mahahalagang anunsiyo. Maaari ding gamitin ng lokal na pamahalaan ang kanilang Web site upang magpaskil ng mga pamantayan o patakaran pagdating sa iba’t-ibang sitwasyon. Halimbawa, maaaring ipaskil sa Web site ang mga patakaran pagdating sa pagkuha ng pahintulot sa pagtatayo ng negosyo. Maari ding ipaskil ang mga impormasyon tungkol sa mga pribelehiyo at benepisyo na maaaring makuha sa pagtatayo ng sariling negosyo sa munisipalidad. Ang mga ganitong uri ng impormasyon ay hindi lamang limitado sa lokal na populasyon kundi pati na rin sa mga taong mahilig magnegosyo na naninirahan sa mga karatig-bayan o maging sa mga malalayong bayan na nagnanais na mag-umpisa ng negosyo sa isang munisipalidad. Ang isang Web site ay maaaring maglaman ng mga numero ng iba’t-ibang tanggapan ng isang lokal na pamahalaan o maging ng panlalawigan/pang-rehiyon/nasyonal na gobyerno. Sa pamamagitan nito, magiging madali para sa mga mamamayan na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal pamahalaan kung mayroon silang hinaing, suhestyon, o kahit ano pa mang bagay. Sa pamamagitan ng isang Web site, maaaring magpaskil ang lokal na pamahalaan tungkol sa mga kasalukuyang proyekto at aktibidad. Maaaring magpaskil ng mga larawan, “audios” at “videos,” o mga simpleng sulat o artikulo na para bang namamahagi lamang sila ng pahayagan – ngunit mas mura (halos libre) at mas madaling makita ng mas nakararami. Ang isang Web site ay walang naidudulot na disbentahe kapag nagamit ito ng tama. Ngunit ito ay isa lamang suplemento o tulong at hindi nito pinapalitan ang tradisyunal na pamamaraan ng pamamahala. Sa simpleng pananalita, ang pagkakaroon ng isang Web site ay nagbibigay ng pagkakataon sa lokal na pamahalaan na magkaroon ng mas malawak at malayong sakop… na makinabang sa mga magagandang potensyal na dala ng Internet… at higit sa lahat, maibigay sa mga mamamayan kung ano ang nararapat — ang maging kabahagi ng sistema.

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN, NATIN Punong Patnugot Paul H. Pineda Manunulat Mary Charlane M. Payuan Katrina Anne U. Casuga Mariz D. Hernandez Porshia H. Pineda Taga-disenyo Peejay S. Galang Tagapangasiwa sa Sirkulasyon Zenaida H. Pineda
Ang Central Focus ay inilalathala ng IXI Software Solutions tuwing una at ikatlong Lunes ng buwan.
Matatagpuan ang tanggapan ng Central Focus at IXI sa Sampaloc, Apalit, Pampanga. Telepono: +63 45 3046018 URL: http://centralfocus.ixi.ph

CENTRAL FOCUS

CENTRALFOCUS

5

Pasyalan
de
Mariz D. Hernandez
May mga tagong lugar na hindi pamilyar sa nakararami, ngunit babalik-balikan mo ito kung ito’y iyong masasaksihan. Isa ang Villa Lourdes Resort sa mga ipinagmamalaking resort sa Bitas Macabebe, Pampanga. Naitayo ito noong taong 2002 sa kagustuhan na rin ng may-ari para may lugar bakasyunan silang mag-anak. Nang unti-unti itong napalago, sinubukan nila itong buksan para sa publiko. Unti-unti itong tinangkilik at dinayo ng karamihan dahil sa angking kagandahan at katahimikan ng lugar. Ito ay

Villa Lourdes Resort
area ang kanilang mga cottages sa taas para sa overlooking nito sa ganda ng paligid. Gusto din nilang ipagawa ang kanilang function hall ng 3 kwarto para sa wedding purposes at gawing pahingahan para sa mga panauhin. Sa kabilang banda, may pangangamba pa rin ang mag-asawa sa pagpapalago ng lugar, dahil anila, baka matuloy ang pagpapagawa ng Pampanga Delta na pwedeng makaapekto sa lugar. Ang resort ay may 2 pools, mini-falls, function hall, at nag-gagandahang at nagpepreskuhang

Kabalen

Pa-TALK Sa’yo
Mary Charlane M. Payuan

Mga gawaing pinaghahandaan tuwing Kapaskuhan
Isa sa pinakaabangan panahon saan mang sulok ng mundo ay ang kapaskuhan. Bilang bahagi ng pag-aabang, iba’t-ibang paghahanda ang ginagawa ng bawat isa upang maging makabuluhan at maligaya ang darating na mahalagang okasyon. Dahil likas na mapamahiin ang mga Pilipino, dito ay nabuo ang iba’t-ibang paraan upang magkaroon ng masayang paghihintay ang lahat. Narito ang panibagong listahan ng ilan sa mga nakasanayan ng kaugalian ng mgan Pilipino. 5. Paglalagay ng dekoraysong Pampasko (Christmas Tree, Christmas Lights at Parol) Ang paglalagay ng mga pampaskong dekorasyon ay nagpapakita diumano ng kulay ng buhay at tunay na kasiglahan tuwing kapaskuhan, kaya naman pagpatak pa lamang ng buwan na Setyembre o mga buwan ng “bre o ber” ay nagsisimula na sa paglalagay ng palamuti bilang pampasigla sa darating na Pasko. 4. Simbang Gabi Bilang lumaki sa relihiyong Katoliko, pinaniniwalaan na rin ng karamihan sa mga Pilipino ang siyam (9) na gabing pagsisimba bilang paghahanda sa pagdating ng tagapagligtas na si Hesus na sadyang napakahalaga upang magbigay pugay sa Poong Maykapal. Karaniwang ginaganap ito tuwing medaling araw na nagsisimula tuwing ika-16 ng Disyembre. Pinaniniwalaan din na matutupad ang anumang hilingin mo kapag nakumpleto mo ang 9 na gabi ng simbang gabi. 3. Misa de Gallo Matapos ang siyam na gabing paghahanda sa pagdating ni Hesus, sa araw naman mismo ng kanyang pagsilang tuwing ika-25 ng Disyembre ay isa sa pinaka-aabangang araw ng lahat. Dito ay kadalasang may inihahandang palabas patungkol sa pinagdaanan ng magulang n gating tagapagligtas na tinatawag na “Panunuluyan.” 2. Noche Buena Likas na hilig ng mga Pilipino ang kumain, kaya naman tuwing Bisperas ng Pasko ay magarbo ang asahan mong nakahain sa hapag-kainan. Matapos ang pagsisimba at pagpapasalamat na misa de gallo, pagpatak naman ng alas-dose ng gabi ay ang inaabangang noche Buena ng buong pamilya. Dito ay salu-salo ang lahat sa pagkaing inihanda bilang pagpapasalamat sa bawat biyang nakakamtan. 1. Pagmamano at Pagsasama-sama ng buong Pamilya (Family Reunion) Kilala ang mga Pilipino sa pagiging magalang sa pamamagitan ng “pagmamano” na sumisimbolo ng paggalang sa mga matatanda. Kaya tuwing Pasko, isa ito sa kaugaliang hinding-hindi mawawala, lalo pa’t sa mga bata dahil ang Pasko ay sinasabi ring araw ng mga bata dahil sa mga aginaldo at regalo na magmumula sa kanilang mga ninong at ninang. Maging sa mga matatanda at may edad na ay mahalaga ang araw ng Pasko dahil panahon ito ng pagbubuklod-buklod ng buong pamilya upang sariwain ang damdamin ng Pasko. Iba-iba man ang mga paghahandang ginagawa para sa pagdating ng kapaskuhan, wala ng mas sasarap pa sa natatanging regalo na iniaalay ng lahat; ang pabibigayan, pagpapatawad at pagmamahalan sa bawat isa. Dahil kagaya ng sinabi sa isang pelikulang Pinoy na “Puso ng Pasko”: ang Pasko ay panahon ng mga tunay na milagro.

nasa pangangalaga ng mag-asawang Edgar at Nayda Flores. Sila ang masusing nagpapatakbo at nangangalaga sa lugar. Sila rin ang pwedeng sadyain kung may reservations at ilang katanungan sa lugar. Hanggang ngayon, pinapaganda pa rin nila ang kanilang resort. Nais nilang gawing open

cottages. Ito ay pampamilya, pang-barkada, at pang-masa. Maaari itong arkilahin at ipareserve kung may mga espesyal na pagtitipon ang pamilya. Dito mas pinipili ng nakararami na gawin ang mga importanteng okasyon gaya ng binyag, debut, kasal, at marami pang iba. Nakakapagaccommodate ang resort ng 150 katao.

sundan sa pahina 7

PURIFIED
WE

MJD

DRINKING

WATER

DELIVER:09082092921•09159833363

Takam Na Takam!
Katrina Anne U. Casuga
ay salitang Kapampangan na nangangahulugan ng kagutuman o pagtawag ng kumakalam na sikmura ng isang tao. Ganyang ganyan ang aking nasasambit kapag nangangailangan nang lagyan ng laman ang nangangalam kong sikmura. Sa aking pagtingin-tingin sa aking paligid, napansin ng aking nasasabik na mga mata ang isang karatula na may nakasulat na “Eat All You Can” sa isang kainan. Dahil sa karatulang ito, ako ay nabighani kung kaya’t ako ay pumasok at tinignan ang mga pagkaing nakahain. Aba! Hindi ako nagkakamali sa aking pinasukan, talaga nga namang nakakapanglaway ang mga putaheng nakahain sa aking harapan at “Eat All You Can” pa. Mahigit sa 25 putahe ang nakahanda sa aking harapan at may masasarap na panghimagas pa. Sa halagang 145 pesos, sa OCG Grill House, talaga nga namang sa tingin pa lang ay siguradong mabubusog ka na. Ang OCG Grill House ay nakatayo sa dating lugar ng Fisherman’s Grill sa may McArthur Highway, Apalit, Pampanga. Ayon sa aking napakanayam, ito ay pinasimulan ni Ginoong John S. Gregorio, ang nagmamay-ari ng OCG Grill House, nito lamang buwan ng Enero 2011. Ang mga putaheng nakahapag sa “Eat All You Can” ng OCG ay ang mga sumusunod: (1) Kalderetang Kambing at Itik; (2) Beef Steak; (3) Asadong dila; (4) Lechong Paksiw; (5) Ox-

# 226 SAN AGUSTIN, TULAOC, SAN SIMON, PAMP.

“Danupan

naku!”

tounge with white sauce; (6) Pork Dinuguan; (7) Beef Kare-Kare; (8) Kamaro; (9) Ginataang Kohol; (10) Tokwa’t Baboy; (11) Lechong Kawali; (12) Fish Fillet: (13) Sisig; (14) Chicken Barbecue; (15) Inihaw na isda; (16) Vegetable Salad; at marami pang iba. Sa pigpili ng mga pagkaing ilalagay sa aking plato ay hindi na magkanda-ugaga kung anong uunahin na tikman. At sa bawat pagnamnam sa mga nasabing putahe ay talagang kuhangkuha ang panlasa ng mga Kapampangan. Ang kanilang Beef Kare-Kare at Chicken Barbecue ang masasabi ko na iilan sa mga masasarap na putaheng kanilang inihapag, dahil tamang-tama ang kanilang pagkakaluto at swak na swak sa aking panlasa. Hindi pa nagtatapos ang aking pagtakam sa mga nakahapag na pagkain, kung kaya’t sinubukan ko naman ang kanilang panghimagas. Mayroon silang nakahain na Minatamis na Saging na pwedeng ipakiusap

para gawing Saging Con Yelo; mayroon din silang Cassava Cake at Sampelut. Sa pagtikim naman ng kanilang mga panghimagas ay wala kang ititira ni isang sahog, dahil hindi nila ipinagkait ang mga sangkap na dapat ilagay sa mga ito. Ayon sa aking nakapanayam, ang madalas na nauubos sa mga pagkaing nakahapag ay ang mga exotic foods gaya ng Kamaro at Ginataang Kohol. Ang mga putaheng nakahapag sa “Eat All You Can” ng OCG ay kumpleto. Simula sa pampagana (appetizer), sunod ang pangunahing pagkain o mga ulam (main course), at siyempre ang panghimagas (dessert). Sa halagang 145 pesos, masasabi ko na

sobrang sulit at sobrang mabubusog ang kung sino mang mapaparito. Kung kanina ay namamayat ang aking katawan sa gutom, sa paglabas ko naman ng OCG Grill House ay bilog na bilog na ang aking pangangatawan sa sobrang busog. At kung ganito ang mga tipo mo sa mga kainan, huwag nang magdalawang isip pa dahil marami kang pagpipilian na mga putahe na nais mong kainin at siguradongsigurado na mabubusog ka!

6

PALAISIPAN
ni Porshia H. Pineda Sagot sa nakaraang palaisipan

Entertainment CENTRALFOCUS
KAPALARAN
ni Madam Maring
G Y I O A J G S P V C P B I U N A H G A T G N R F A P U N G I R U O E A A G W A Y G S U N L A H G A R J A Y O Y V Y R Y S U N D D Q P C N A N D O P Y A O V H D H D S H O H T F D A B I L O T G N A A L V S A P A N G K A W A Y A N E Y G N U A U F S N R E R T F B Y R J W U A U S Y Y L I F F G A A A G H J T G V G Q T O R M P K A U A U A A K W A Y A P A O H N Q E S A N F E R N A N D O I R T G N R F A Y K Q H V Q Q Y J B R P A A F G A P P I L U L Q N L U Z Q A Q C H O G P A G H A H A B I P A F G A G R
CAPRICORN 22 Dec-20 Jan: Wag masyadong magpadala sa panlalambing nya; pasaload lang ang habol niya sa ‘yo. Swerte: green, 11-12-24 AQUARIUS21 Jan-19 Feb: Sa wakas, makakataya ka na rin sa lotto, pero hindi ka mananalo. Swerte: violet, 02-15-20 PISCES 20 Feb-20 March: Pwedeng umatras, pero dapat nakaharap para safe. Swerte: white, 10-13-31 ARIES 21 March- 19 Apr: Swerte ka sa pagtitinda ng tocino at longganiza. Magingat lang sa mga manloloko gaya ng katabi mo. Swerte: pink, 16-21-28 TAURUS 20 Apr- 20 May: Kaunting dighay na lang at makakamukha mo na si John Lloyd. Swerte: blue, 03-14-22 GEMINI 21 May- 21 Jun: Huwag mo nang sabihin, ayaw din naman nyang marinig. Swerte: yellow, 10-14-29 CANCER 22 Jun-23 July: Iwasan ang kakasimangot, nang hindi mapagkamalang natural na wacky ang mukha mo. Swerte: black, 05-07-16 LEO 24 Jul- 23 Aug: Di bagay ang colored kaya black and white na lang. Swerte: brown, 18-23-32 VIRGO 24 Aug- 22 Sept: Ang lucky day mo ay kahapon, sayang ngayon ka lang nagbasa ng horoscope. Swerte: gray, 01-19-35 LIBRA 23 Sept-22 Oct: Huwag mong isiping nag-iisa ka; marami din ang nag-iisip ng ganyan, kaya di ka nag-iisa. Swerte: red, 17-33-36 SCORPIO 23 Oct-22 Nov: Tanggapin na siya ang magiging kapalaran mo, masakit man sa dugo’t laman mo. Swerte: beige, 16-28-34 SAGITTARIUS 23 Nov-21 Dec: Hindi ka man madalas mag-isip, at least, magagamit mo ang term na “slightly used” para sa utak mo. Swerte: orange, 0509-35

I Q D Q A A A A M A R T I N D E G O I T I P O R F

L W R A Q S Q T A J R Y N A R F F D S A H R D C G

O E S Z W D S U S P Y N A S D M C Q W R T T Y G P

P R U C E X Z R I O A E G S A A R F L G N J Y A Y

E T L S R Q X O M M C L H S D D Q P H T T G N R F

D A I W C E C N J A H W I F C A L Q W E R D T Y U

R B P A M P A N G A I N S T I T U T E P A Q Q W A

O G A W G G A E E P R Y H K G B B T Q Y W E R Y U

D S N D T T P S O A I E G I U O E O P L K J H Q W

E E T F Y H K D N I S T S Z X R N F G R E Q E P L

V H H G H Y J E W L T A E C F G A V B H J O L T Y

E K H M J F Y C Q O M R S T Q A S L L A F A R A D

R I U K P G S A N N I C O L A S Q W D L K I J Y H

Kauna-unahang naitalagang pari para magsilbi sa komunidad ng Apalit PEDRO DE VERGARA Isang barangay sa Apalit - SULIPAN Isa sa mga sikat na pagkain na ipinagmamalaki ng mga kapampanganTURONNES DE CASUY Pinakaunang sekundaryang paaralan sa Masantol - PAMPANGA INSTITUTE Ang patron ng Apalit na si San Pedro ay mas kilala sa pangalang ito APUNG IRU Isang barangay sa Masantol - SAPANG KAWAYAN Ang pagpaparada sa patron ng Apalit na si San Pedro sa ilog ng PampangaLIBAD Isa sa mga sikat na industriya sa bayan ng Apalit - PAGHAHABI Sinaunang salitang Kapampangan ng punong narra - APALIT Kilala ang Apalit sa maabilidad na mga taong ito pagdating sa paggawa ng bolo - PANDAY Dito isinasakay ang patron ng Apalit

na si Apung Iru tuwing ipaparada ito sa ilog ng Apalit - PAGODA Ito ang apelyido ng kasalukuyang alkalde ng Apalit - TETANGCO Isang barangay sa Macabebe CANDELARIA Ito ang pangalan ng patron ng Macabebe - SAN NICOLAS Sa salitang ito nagmula ang salitang “Pampanga” - PANGPANG Itinuturing ang bayan na ito na “Christmas capital” ng Pilipinas - SAN FERNANDO Ito ay nagmula sa salitang “nobena,” na tumutukoy sa siyam na araw na simbang gabi - LUBENAS Isang malaking relihiyosong pagdiriwang sa bayan ng Sasmuan KURALDAL Sa eksplorasyon ng taong ito, ang Pampanga ay naitatag - MARTIN DE GOITI Ito ang bersyon ng Pampanga sa Pagsanjan Falls ng Laguna na matatagpuan sa Porac - DARA FALLS

May nais ka bang itanong tungkol sa iyong buhay pag-ibig, o kaya naman ay kailangan mo ng payo para sa iyong problema sa buhay? Kung gayon mag text ka na sa mga numero namin (0906-5425554 para Globe/TM o 0923-5247149 para sa Sun) para sa mga kasagutang hindi mo inaasahan hatid ng ating friendly fortune teller adviser na si Madam Maring. Ano pa hinihintay mo, text na!

PARA SA LINGGONG ITO...
“Sikat ang Pinoy!” Yan ang titulo ng isang kantang pinasikat noon para sa isang reality show sa Pilipinas. Sa iba’t-ibang larangan, talaga namang hindi magpapahuli ang Pinoy, dito mismo sa ating bansa o maging sa ibang parte ng mundo. Pero kung pinag-uusapan na rin naman ang mga magagaling na Pinoy, e hindi mapag-iiwanan ang mga Kapampangan! Maraming mga prominenteng Pilipino na may dugong Kapampangan ang angat sa kani-kanilang larangan, mapa-palaro, politika, showbiz, sining, at iba pa dito at sa ibang bansa. Ngayon, tingnan natin kung gaano natin kakilala ang mga ka-dugo natin na talaga namang sikat at tinitingala ng nakararami. Sagutin ang mga sumusunod na trivia sa ibaba sa pamamagitan ng pagpunan sa mga bakanteng espasyo. Tandaan na ang mga letrang ibinigay bilang clues ay maaring eksakto o sobra.

Mag pagbating natanggap mula sa 0906-5425554 • 0923-5247149 Binabati ko lahat ng nakakabasa nito, at sa mga makakabasa pa. Ipagpatuloy nyo lamang ang pagsuporta sa babasahing ito, malay nyo pangalan at obra nyo naman ang mabasa nyo sa susunod :D. At pag nangyari yun, may libre kayong tirahan, saan?, eh di sa puso ko. :DDD ANONYMOUS ALFRED VARGAS, Gusto ko lang malaman mo na selos ako sa iyo dahil mas crush ka ng crush ko. Bakit? May abs din naman ako ah? TAGA-SAMPALOC BATCH 1967 NG SAINT NICHOLAS ACADEMY See you after Christmas for our next gettogether party. Have a happy Christmas! ZENAIDA HERNANDEZ PINEDA JESUSA SALONGA GALANG Hello sa lahat ng mga nakakakilala sa akin. Kung nasaan man kayo, sana ay panatag ang mga kalooban nyo ngayong darating na pasko. Oo nga pala, malapit na ang birthday ko, regalo ko. I prefer cash. hehehe:) Aja! Porshia H. P. Happy Fiesta sa parokya ng Christ, the Eternal High Priest sa December 02-03. Let’s party! Party! :-) ANONYMOUS (Din) Hi 4-Love Batch 2008-2009... Miss u all jigz.!:) Miss ku na din ang ating butihing guro na si Ma’am Jane. congrats po sa cute nyong baby.! LOve u all. Merry Christmas in advance:) Mariz:) HAPPY BEERDAY TO MARIFE “THOXKZ” DUNGO and I LOVE YOU MY KCTOT alyas BOB BOB

Greetings Cor ner

1.Mas kilala sa pangalang apl. de. ap at miyembro ng bandang Black Eyed Peas. A__A_ _I__D_ L_N_O PNELLIADLNZTY 2.Isang artista na naging politiko. Naging gobernador din ng Pampanga at ngayon ay isang senador. _ I _ _ _ _ P_ D UALWLIOCT

5.Nadiskubre sa reality show na “StarStruck” at gumanap sa teleseryeng “Machete.” A _ _ _R _ _ _E _I _ A TANCPLBRMJU

9.Isa sa housemates na kasali sa kasalukuyang Pinoy Big Brother Unlimited. Binansagang “Hunky Cabalen Housemate.” J _ R _ _H _ R _ D _ I _ O

SKORCGEIOF 6.Isang manlalaro ng basketbol na kasapi ng PBA o Philippine 10.Isang batikang direktor na Basketball Association. kamakailan lang ay nanalo _ T _ A _ U_ _ _ N bilang “Best Director” para sa pelikulang “Kinatay.” IJSWTOGAL B_I_L__T_ _E_D_Z_

13.Isang prominenteng brodkaster sa radyo at manunulat sa mga pahayagan kagaya ng Tempo, Balita, at People’s Tonight. _ E _ L _ N _ _T IYPSHRAG 14.Isa sa mga nagpasimula ng programa sa telebisyon na Ang Dating Daan. E _ _ S _O _ O _ _ A _ O NMELIRIIYBS 15.Nagwagi sa 1979 Miss International Beauty Pageant at dating asawa ni Lito Lapid. _E_A_I_ M_R__E_

7.Isang aktres at mang-aawit na O A S E J N R L A N M N 3.Isangprominenteng sumikat sa pagganap sa musical kontrabida sa larangan ng pag- na Miss Saigon. 11.Isang politiko na noon ay arte. Ang pinakasikat nyang _ _ A _ _ L _ N_ A namuno sa partylist group na pagganap ay bilang Claudia sa Bayan Muna. “Pangako sa ‘Yo.” OGBLKAESR _A_U_ O__M_O J__N _A___A 8.Isang batikang manlilikha ng A T R P I H S J C SRICMGEIOA komiks, kinikilalang director, at prodyuser ng mga pelikulang 12.Isang artista na nadiskubre 4.Kilala din sa palayaw niyang Pilipimo. Kamakailan lang ay din sa reality show na “Bata.” Isang magagaling na ginawaran ng titulong National “StarStruck” na gumaganap na manlalaro ng bilyar. Artist . “Ahak” sa palabas na “Amaya.” _F__N _E___ C _ R_ _ C_ _ A_ A _ __E_N_ _A_I_I SIETERRPYE TPSWLARKAOA HAHLLTRSEA

EOZNAQUJMYL

ABANGAN ANG KASAGUTAN SA SUSUNOD NA ISYU!

CENTRALFOCUS

7

Probin’ Shana

mula sa lente ni Porshia H. Pineda

BILOG ANG BOLA. Hindi sa lahat ng oras ay nagtatagumpay tayo. May mga pagkakataong nakukuha natin ang gusto natin; may pagkakatong hindi. Ngunit habang hindi natin binibitawan sa ating mga kamay ang bola, habang hindi tayo nakikipagsapalaran, walang mangyayari sa buhay natin.

Pasyalande
mula as pahina 5
Kapag puno na ang kanilang mga cottages, hindi na nila pinahihintulan ang iba na makapasok para maiwasan ang siksikan. Tuwing tag-init, binubuksan ito araw-araw ngunit kapag mga normal na araw lamang, binubuksan ito tuwing weekend. Bukas ito mula 9 ng umaga hanggang 12 ng madaling araw. Tuwing tag-init din sila kalimitang kumukuha ng mga trabahador dahil mas marami silang panauhin sa panahon ng taginit. Karamihan sa kanilang mga panauhin ay mga balik-bayan dahil mas pinipili nila ang mga tahimik at preskong lugar gaya ng Villa Lourdes Resort. “Peaceful and open area” – ito marahil ang kanilang lamang kung bakit dinadayo ang kanilang resort. Walang polusyon at ingay ang maririnig dahil medyo tago ang kanilang lugar. Ang lugar marahil ang mas sadya ng iba dahil mas pinipili nilang makapag-relax at maramdaman ang presensya nito. Mga bata o mga teenager ang malimit na naliligo sa kanilang mga pools.

Pasasalamat

Kabalen

Nais naming pasalamatan ang mga sumusund para sa taos-puso nilang pagsuporta sa aming unang isyu sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang artikulo sa aming pahayagan. Marion Malig-Yambao. Si Gng. Malig-Yambao ay mula sa San Roque, Macabebe. Siya ang kasalukuyang Kalihim ngSangguniang Bayan ng Macabebe. Marilen Calma-Muñoz. Si Gng. Calma-Muñoz ay mula sa Sulipan, Apalit. Siya ay isang guro sa The Blueridge School of Apalit. Osmerito V. Vergara. Si G. Vergara ay mula sa San Roque, Macabebe. Siya ay isang guro sa Macabebe Elementary School.

Hindi nila pinahihintulutan ang mga minor na uminom para sa kanilang kaligtasan. Pinapaalalahanan din nila ang ilang panauhin nila na huwag masyadong magpakalasing upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng lugar. Tampok din ang magandang pakikitungo ng mag-asawa kaya nakakagaanan nila ng loob ang kanilang mga panauhin. Araw-araw nilang nililinis ang kanilang mga pools upang maiwasan ang mga mikrobyo, insekto, at lumot. Tinitiyak din nila na tumatalab ang bisa ng chlorine sa mga pools para ligtas itong paliguan. Limang klaseng gamot ang ginagamit nila upang malinis ng mabuti at mamatay lahat ng mikrobyo sa kanilang mga pools. Ang Villa Lourdes Resort ang unang inirerekomenda ng mga residente sa Macabebe. Sabi nga ng ilan, sulit at hinding-hindi ka magsisisi sa pagbisita sa kanilang lugar.

Sa mga mag-aaral, kawani ng pamahalaan o pribadong sektor, mga pampubliko o pribadong guro, at lahat ng mamababasa namin na nag-nanais magbahagi ng kanilang saloobin, pananaw sa isang isyu na nakakaapekto sa atin, at iba pa, bukas ang aming pahayagan para sa inyo. Mangyari lamang na ipadala ang inyong artikulo sa centralfocus@ixi.ph, o kontakin ang aming tanggapan sa telepono bilang 045-3046018 (landline) o 0923-5247149/09065425554 (cellphone). Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa Central Focus.

Sa mga nagnanais pumunta sa Villa Lourdes Resort, maaring gamitin ang mga sumusunod na impormasyon: Day swimming: 9:00 am to 5:00 pm Night swimming: 5:00 pm to 12:00 mn VILLA LOURDES RESORT 130 Bitas, Batasan, Macabebe, Pampanga Tel.: 045-9212338 Mobile: 09225371557 Kontakin si Nayda Flores

Bilang pagtugon sa hinihingi ng nakararami, muli naming inilalathala ang mga detalye sa pagsali sa patimpalak na ito. Sa bersyong ito ng mga alituntunin ng patimpalak, kasama na ang mga papremyo para sa mga mananalo. Ano pang hininihintay mo? Pag-araling mabuti ang mga alituntunin sa ibaba at sumali na!!!

BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA: Isang Patimpalak sa Pagkuha ng Larawan at Pagsulat
Ikaw ba ay mahilig kumuha ng iba’t-ibang MGA GANTIMPALA Panulat at Pagkuha ng Larawan larawan gamit ang iyong digital camera? 1. Unang Gantimpala: Tig-isang (1) bagong Mahilig ka bang magsulat ng mga sanaysay iPod Shuffle! 2. Ikalawang Gantimpala: Tig-isang (1) o maikling kwento? Kung ganoon, ipakita bagong Nokia X1 dual-sim phone! mo sa amin ang iyong galing! Maaari kang 3. Ikatlong Gantimpala: Tig-isang gift manalo ng mga gift packs at ibang pang certificate na nagkakahalagang P1,000.00! pa-premyo, at magkaroon ng pagkakataon na makita ng iyong mga kababayan ang KARAGDAGANG GANTIMPALA Magkakaroon din ng People’s Choice award iyong katha! para sa PAGKUHA NG LARAWAN. Ang lahat ng
Ang Central Focus ay nag-iimbita sa lahat ng mga mambabasa nito (mapa-mag-aaral man, nagtatrabaho, propesyunal, o kahit sino pang interesado saan mang sulok ng mundo) na magsumite ng larawang personal nilang kinuhanan (isang larawan kada isang kalahok) o orihinal na panulat (isang akda kada isang kalahok) na sumusunod sa temang “Bagong Taon, Bagong Pag-asa.” Detalye para sa patimpalak: LARAWAN (PHOTOCONTEST) • Orihinal na kuha at sumusunod sa temang Bagong Taon, Bagong Pag-asa • Siguraduhing maganda ang resolusyon ng larawan na isusumite • Bawal manipulahan ang larawan gamit ang kahit anong photo-editing application • I-save bilang JPG/JPEG ang larawan PANULAT (WRITING CONTEST) • Orihinal na panulat at sumusunod sa temang Bagong Taon, Bagong Pag-asa • Maaring sumulat ng tula, sanaysay, maikling kwento, at kung ano-ano pang anyo ng panitikan. • Maaring isulat sa Ingles, Filipino, o Capampangan. • Hindi hihigit sa 1,000 salita. • Maaring kathang-isip o hango sa mga totoong pangyayari ngunit hindi dapat maninira kredibilidad ng kahit • sinong tao, grupo ng mga tao, o institusyon. • I-save ang akda bilang DOC/DOCX •Caption sa larawan o deskripsyon sa akda na nakasulat sa Ingles o Filipino (hindi hihigit sa 250 letra kasama ang mga espasyo) Huling araw ng pagpapadala ng lahok Ika-9 ng Disyembre para sa Larawan Ika-23 ng Disyembre para sa Panulat Pagpapahayag ng mga nagwagi Ika-9 ng Enero, 2012: Ipapahayag sa website ng Central Focus (http://centralfocus.ixi.ph) at sa Facebook Account (http://facebook.com/ CentralFocusOnline) Ang lahat ng mananalo (larawan at akda) ay magiging kasama sa unang isyu ng Central Focus sa taong 2012. Kung kayo ay may mga katanungan, maari niyo kaming tawagan sa 045-3046018, i-text sa 09228618034, o i-email sa centralfocus@ixi.ph.

mga lahok sa PAGKUHA NG LARAWAN ay ilalagay sa Facebook account ng Central Focus (http:// facebook.com/Central- FocusOnline) sa ika-12 ng Disyembre (Lunes). Magkakaroon ng kompetisyon sa padamihan ng LIKES (mula ika-12 hanggang ika-31 ng Disyembre) at mula dito ay pipiliin ang itataguring People’s Choice. Ang gantimpala ng Top 5 People’s Choice ay ang mga sumusunod: • Top 1: Isang gift certificate na nagkakahalagang P1,000.00! • Top 2-5: Tig-iisang gift certificate na nagkakahalagang P500.00 bawat isa! Ang mga magwawagi sa PAGKUHA NG LARAWAN at PAGSULAT ay huhusgahan ng mga piling lupon ng mga inamapalan (judges) mula sa iba’t-ibang sektor ng komunidad gamit ang mga sumusunod na gabay: •Pagiging orihinal ng konsepto •Pagsunod sa ibinigay na tema •Impact ng panulat o larawan •Katuturan sa lipunan Ipadala ang inyong lahok bilang e-mail attachment sa address na centralfocus@ ixi.ph. Ilagay sa SUBJECT ng email ang mga katagang: Bagong Taon, Bagong Pagasa. Ilagay sa katawan ng e-mail ang mga sumusunod: •Name •Birthday •Contact information •Address

Panawagan para sa mga Advertisers/Advertisements
Nais mo bang bumili ng espasyo upang makapaganunsyo para sa iyong negosyo? Nais mo bang ipahatid ang iyong pagbati para sa kapatid na nakapasa sa board exam? Nais mo bang ipaalam sa iyong mga kaklase na magkakaroon kayo ng get together o reunion? Makakatulong ang aming pahayagan sa iyo! Ang CENTRAL FOCUS ay nag-aalok ng espasyo para sa mga anunsyo, patalastas, o kung ano pa mang gamit para sa mga mambabasa nito. Ang mga iniaalok na espasyo ay mabibili sa iba’t-ibang sukat o dimensyon tulad ng isang buong pahina, 1/2, 1/4, 1/8, o 1 column inch (tingnan ang ilustrasyon ng mga sukat at dimensyon sa kaliwa). Mabibili ang mga espasyo mula sa halagang P250.00 (para sa 1 col. in. na sukat) hanggang sa P8,000.00 (para sa isang buong pahina). Para sa karagadagang detalye sa mga halaga (may kulay, centerfold, at iba-ibang sukat), maari kaming tawagan sa telepono bilang 045-3046018 o 0922-8618034. Maari din kayong sumulat sa aming e-mail: centralfocus@ixi.ph o sumadya sa aming tanggapan sa Sampaloc, Apalit, Pampanga (sa harapan ng Shell Gas Station). Ang pahayagang CENTRAL FOCUS ay inilalathala tuwing una at ikatlong lunes ng buwan, at ipinamamahagi sa mga bayan ng Masantol, Macabebe, Apalit, at San Simon.

1/2

1/8 1/4
1 col. in 1 col. in 1 col. in 1 col. in Ilustrasyon sa mga sukat na maaaring gamitin sa inyong anunsyo. 1 col. in 1 col. in 1 col. in 1 col. in

Mag-Advertise! Tumawag sa telepono bilang 045-3046018 (landline), mag-text sa 0923-5247149 (Sun), 0906-5425554 (Globe), o mag-e-mail sa centralfocus@ixi.ph.