You are on page 1of 20

INTRO

JO: MAGANDANG UMAGA CENTRAL LUZON

CJ: MAGANDANG UMAGA AURORA

JO: MAGANDANG UMAGA BULACAN

CJ: MAGANDANG UMAGA BATAAN

JO: MAGANDANG UMAGA NUEVA ECIJA

CJ: MAGANDANG UMAGA TARLAC

JO: MAYAP A ABAK PAMPANGA

SUMA SAINYO NA ANG BIDA CENTRAL LUZON, MGA PINAG


UUSAPAN SA BAYAN AT SOCIAL MEDIA AT IBA, ITO PO ANG
INYONG KASAMANG JO SALAZAR

CJ: AT PARA SA MGA BALITA NA DAPAT NINYONG ANTABAYANAN


AT MGA IMPORMASYON NA DAPAT MALAMAN AKO NAMAN PO SI
CJ PENAFLOR

ALL: DITO YAN SA BIDA CENTRAL LUZON!

JO: LIVE TAYO SA 103.1 FM SA INYONG MGA RADIO AT


MAPAPANOOD NINYO NA RIN KAMI SA NEWSLINE CENTRAL LUZON
T.V. FACEBOOK PAGE AT YOUTUBE CHANNEL

CJ: ARAW TAYO NGAYON NG LUNES APRIL 22, 2024

JO: AT PARA SA ATING MGA BALITA NGAYONG UMAGA

HEADLINES

NASUNOG NA BAHAGI NG ARAYAT PINANGANGAMBAHAN NA MAG


DULOT NG LANDSLIDES
DOH NAKAPAGTALA NA NG 86 NA KASO NG PERTUSSIS SA
CENTRAL LUZON

200 LOOSE FIRE ARMS RESULTA NG OPLAN KATOK NG P.R.O. 3

UNANG BAHAGI NG MEXICO-CITY OF SAN FERNANDO NATAPOS NA


NG DPWH.

NATIONAL

PANGULONG MARCOS NANAWAGAN NG WHOLE GOVERNEMNT


APPROACH LABAN SA FOOD SECURITY AT TAMANG NUTRISYON

INTERNATIONAL

POSIBLING PAG BAN SA TIKTOK AT KARAGDAGANG PONDO SA


ISRAEL PASADO NA SA U.S. CONGRESS

SPORTS

CARLOS YULO, MULING NAKASUNGIT NG GINTO

SHOWBIZ

CATRIONA GRAY AT SAM MILBY, SPOTTED NA MAGKASAMA, SA


GITNA NG BREAK-UP RUMORS

-----------------------------------------------------------------------

NASUNOG NA BAHAGI NG ARAYAT PINANGANGAMBAHAN NA MAG


DULOT NG LANDSLIDES

Ipinag utos na ni Pampang Governor Dennis Delta PIneda ang pag


sasagawa ng Pagaaral kung ano ang mga posibling epekto ng naging
malawak na sunog sa kabunsukan ng Arayat nitong nakaraang miyerkules
April 17 na umabot ng labing tatlong oras

Ayon sa initial investigation, umabot sa 13 ektarya ng kabundukan ang


nasunog kung ssna tinupok din nito ang tinatayang nasa 1,500 mga puno
na bahagi na naitnim bilang bahagi ng National Greening Program ng
Gobyerno
Bukod sa bahagi ng Bayan ng Arayat umabot din ang sunog sa ilang
barangay na sakop ng bayan ng Magalang

Upang mapunan ang mga nasunog na puno, pinag aaralan na ng


Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Delta ang tree planting
activity sa lugar

Nauna ng sinabi ni Arayat Vice Mayor Bon ALejandrino sa panayam sa


kanya ng NewsLine Central Luzon na posibling pag ka karbon o mas kilala
bilang kaingin ang kanilang nakikitang dahilan ng sunog

DOH NAKAPAGTALA NA NG 86 NA KASO NG PERTUSSIS SA


CENTRAL LUZON

Umakyat na sa 86 ang mga kaso ng pertussis sa Central Luzon base sa


talaan ng Department of Health Central Luzon

ang datos ay simula ng pumasok ang taon hanggang nitong April 13, 2024

Piankamaraming kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Tarlac sa 32,


sunod ang Pampanga sa 18 bukod sa Angeles City na may dalawang
kaso, Bataan 14, at tig walo sa Bulacan at Zambales at Apat sa Nueva
Ecija

Ngayong Taon ay wala pa namang naitatalang kaso ng Pertussis sa


Olongapo City at lalawigan ng Aurora,

Paalala naman ng Health Department na ugaliin lamang ang good


resperatory hygiene tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay at pag
susuot ng face mask upang maka iwas sa pertussis

200 LOOSE FIRE ARMS RESULTA NG OPLAN KATOK NG P.R.O. 3

Aabot sa 200 mga loose firearms ang na i turn over o na surrender sa


isinagawang Oplan Katok ng Police Regional Office 3

Ito ay mula March 19 hanggang April 19, 2024

Ayon kay PRO-3 Director Police Brigedier General Jose Hidalgo Jr. ang
Oplan Katok ay programa ng PNP kung saan sila ay nag sasagawa ng
house to house visit sa mga may ari ng baril upang palalahanan ang mga
gun owners sa kanialng responsibilidad na mag renew ng kanialng mga
firearm permits o i surrender ang mga baril na napaso ng permit
Kapag kasi na paso na ang firearms permit ng isang baril ito ay
ikinukunsidera na bilang loose firearms

ayon kay Hidalgo, ang kanilang Oplan Katok ay magsilbi sanang paalala sa
mga gun owners sa kanilang responsibilidad na maging maingat sa pag ma
may ari ng baril na alinsunod sa itinatakda ng batas.

UNANG BAHAGI NG MEXICO-CITY OF SAN FERNANDO NATAPOS NA


NG DPWH.

Natapos na Department of Public Works and Highways o DPWH


Pamoanga First District Engeenirng office ang unang bahagi ng mexico -
City of San Fernando bypass road

Ito ay ang 2.5 kilometer Malino-Suclaban bypass road project.

ang dalawang natitorang bahagi ng proyekto ay pinondohan na ng 78.97


million pesos.

Layunin ng DPWH na ilihis ang trapiko mula sa Calulut-Baliti Road at


Panipuan-Camuning Mexico Road upang bawasan ang oras ng byahe sa
mga byahero na patungo sa Angeles City at Clark Freeport Area

Ang paggawa ng bypass road ay uapng magkaroon ng karagdagang ruta


para sa mga byahero at tiyakin ang paglago ng ekonomiya sa
pamamagitan ng mga pag-unlad at pagpapabuti sa daraanan nito ayon kay
DPWH Region 3 Director Roseller Tolentino.

120 BATANG FERNANDINOS NAKIISA SA 'LAKBAY BULILIT


PROGRAM’

Nakiisa sa Lakbay Bulilit program ang mga batang Fernandino kabilang


ang kanilang magulang mula sa Early Childhood care and Development
(ECCD) sa siyudad ng San Fernando.

Ayon sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang


inisyatiba na ito ay nagsisilbing mahalagang bahagi ng curriculum ng
ECCD Program, na idinisenyo upang umakma sa pag-aaral sa silid-aralan
ng mga bata ng mga nakaka-engganyong karanasan sa komunidad.
Hangad naman ni City Mayor Vilma Caluag na makilala ng mga kabataan
ang makasaysayan kultura at sining ng syudad.

Layunin din ng alkalde na mabigyan ng karagdagang tulong


pangkabuhayan ang mga kutserong Fernandinos na parte ng "Pamanang
Fernandino" ng San Fernando.

SUPORTA NG ANGELES CITY L.G.U SA MGA STUDENT ATHLETES


NG SYUDAD NAG PAPATULOY

Nagpaoatuloy ang suporta ng Angeles City Local Government Unit na


lalahok sa 2024 Central Luzon Regional Athletics Association (CLRAA) sa
Tarlac.

Sa pamumuno ni City Mayor Carmelo 'Pogi' Lazatin, pinakita ng Angeles


City Government ang kanilang suporta para sa mga kabataang atleta ng
syudad.

Tumanggap ng mga atleta ng mga sapatos panglaro, uniporme, polo shirt,


joggers, hoodies, bags, caps, at travel mattresses para sa kanilang
pangangailangan sa kompetisyon.

Ayon sa Lokal na pamahalaan, Sa pamamagitan ano ng ganitong suporta,


lumalakas ang kumpiyansa at determinasyon ng mga student athlete para
magpakita ng kanilang galing sa larangan ng palakasan.

Ayon kay Mayor Pogi, na dating atleta, naiintindihan umano niya ang mga
pinagdaraan ng mga atleta kaya buo ang suporta ng lokal na pamahalaan
para sa mga atleta ng syudad.

CLEAN UP DRIVE SA BARANGAY MALABANIAS APPROVED SA


DILG

REGION III

Ibinida ng Department of the Interior and Local Government Region III


(DILG) ang Isinagawang clean-up drive ng mga residente sa Barangay
Malabanias Angeles City sa kanilang Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis
na Bayan o {KALINISAN) sa Bagong Pilipinas Program.
Bitbit ang mga walis tingting, dust pans, at grass cutter, nagsimulang linisin
ng mga barangay officers, volunteers, Cenro and EMS personnel, at DILG
Angeles staff ang buong labing pitong (17) sitio ng Don Juico Avenue
kasama ang designated street sweepers ng Barangay Malabanias.

Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Luz Nava sa naging


resulta ng nangyaring clean-up drive sa kanilang barangay.

Ayon pa sa Kapitana, ang naging resulta sa nangyaring aktibidad, ay


nagpapakita na tagumpay ang nangyaring solid waste management
program sa Barangay Malabanias.

KADIWA ROLLING STORE INILUNSAD SA LUNGSOD NG BALANGA,

Inilunsad sa Plaza Mayor de Balanga ang KADIWA rolling store bilang


bahagi ng week-long celebration sa paparating na Fiesta ng Balanga City,
Bataan sa April 28, 2024.

Ayon kay City Agriculturist Nerissa Mateo, inilunsad ang Kadiwa rolling
store na umiikot sa iba’t ibang barangay sa Balanga upang ma-level up ang
KADIWA ng Pangulo, na ang pangunahing produkto ay mga agri-fishery
products.

Dahil sa mganadnag resulta ng Kadiwa store sa Syudad, ang Department


of Agriculture ay magbobigay ng 3 Millon Pesos upang makabili pa ng
karagdagang sasakyan na gagamitin sa KADIWA rolling stores at maabot
pa ng proyektong ito ang buong syudad.

Nagpamigay din ng cash vouchers at discounts ang D.A. at ilang kawani ng


Balanga City sa mga maswerteng customers at buyers ng mga produkto.

300 KABABAIHAN, NAKIISA SA MEGA PASS THE RABBIT NA


GINANAP SA TARLAC CITY

Nakiisa sa Mega Pass the Rab ang Higit kumulang tatlong-daang


kababaihan (300) na ginanap sa Kaisa Convention Hall.

Hinandogan ang 179 na benesiyoryo ng pares ng mga rabbits na


makakatulong sa kanila upang makapag umpisa ng rabbit business.
Pinatikim naman sa kanila ang iba’t ibang uri ng paggawa at pagluluto ng
rabbit katulad ng rabbit empanada, tocino, longganisa at siomai dish.

Sumailalim din ang participants sa Angel Rabbit Livelihood Seminar kung


saan itinuro ang mga importanteng impormasyon sa pag-aalaga ng mga
rabbit.

Ito’y sa ilalim ng administrasyon ni City Mayor Cristy Angeles kasama si


Councilor KT Angeles na naglalayong maging financially independent ang
mga kababaihan sa lungsod ng Tarlac.

MIYEMBRO NG AFP SA BULACAN SA PATAY MATAPOS


PAGBABARILIN NG HINDI PA NAKIKILANG SUSPECT

Iniimbistigahan ng Bulacan PNP ang insidente ng pamamaril sa isang


sundlao sa Brgy. Marungko, Angat Bulacan.

Ayon sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni PCOL Relly B Arnedo,


Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktima na si Major Dennis
Moreno y Naduja, 41 taong gulang.

si Moreno ay Miyembro ng Philippine Army at kasalukuyan nakatalaga sa


AFP-RESCOM General Headquarters.

Ang biktima ay residente ng Brgy. San Roque, Angat, Bulacan.

Ayon sa sekretarya ng biktima na nakasaksi sa insidente, nasa loob ng


opisina si Major Moreno nang pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek at
walang habas na pinagbabaril ang biktima.

naisinugod pa ang biktima sa Twin Care Hospital ngunit kalaunan ay


namatay din ang biktima , mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang
itim na motorsiklo.

Bumuo na ng isang special investigation task group ang Bulacan PNP


upang tutukan ang kaso at maaresto kaagad ang suspect

Ipinaabot naman ng Bulacan PNP ang kanilang pakikiramay sa pamilya,


kaibigan at kasamahan ng biktima.
300 KABABAIHAN, NAKIISA SA MEGA PASS THE RABBIT NA
GINANAP SA TARLAC CITY

Nakiisa sa Mega Pass the Rab ang Higit kumulang tatlong-daang


kababaihan (300) na ginanap sa Kaisa Convention Hall.

Hinandogan ang 179 na benesiyoryo ng pares ng mga rabbits na


makakatulong sa kanila upang makapag umpisa ng rabbit business.

Pinatikim naman sa kanila ang iba’t ibang uri ng paggawa at pagluluto ng


rabbit katulad ng rabbit empanada, tocino, longganisa at siomai dish.

Sumailalim din ang participants sa Angel Rabbit Livelihood Seminar kung


saan itinuro ang mga importanteng impormasyon sa pag-aalaga ng mga
rabbit.

Ito’y sa ilalim ng administrasyon ni City Mayor Cristy Angeles kasama si


Councilor KT Angeles na naglalayong maging financially independent ang
mga kababaihan sa lungsod ng Tarlac.

DTI-NUEVA ECIJA AT NUEVA ECIJA LEAGUE OF MARKET


ADMINISTRATORS, INC, NAGKA-ISA SA PAGBUO NG BUILDING
DIGITALIZATION.

Nagtutulungan ang DTI-Nueva Ecija at Nueva Ecija League of Market


administrators, Inc o NELMA sa pagsasagawa ng capacity building sa
digitalization.

Ito ay isinagawa kasabay sa 2nd quarterly meeting ng NELMA.

Layunin ng programa na ipatupad ang mga batas sa patas na kalakalan sa


pampublikong pamilihan sa gayon ay mapoprotektahan ang mga
mamimili.

Mayroon itong mga pamantayan na nagtatakda sa iba't ibang kategorya


para sa pagpapaunlad ng mahusay na serbisyo sa mga mamimili.

Isa na rito ang paggamit ng Public Market Prevailing Price Scan Matrix
System.
Binibigyan ng access ang mga mamimili sa updated na umiiral na presyo
ng mga bilihin sa pampublikong pamilihan.

NATIONAL

PANGULONG MARCOS NANAWAGAN NG WHOLE GOVERNEMNT


APPROACH LABAN SA FOOD SECURITY AT TAMANG NUTRISYON

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng whole


government approach para sa pag siguro ng food security at tamang
nutrition bilang bahagi ng Philippine Development plan 2023 to 2028.

sa ilalim ng Memorandum Circular number 47 na pirmado ni Executive


Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na iniaatasan ng Pangulo ang lahat
ng ahensya ng gobyerno at mga local government units na suportahan ang
Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty program

Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP). Ang


mahalagang layunin ng kasunduan ay tulungang mapawi ang gutom,
tiyakin ang seguridad sa pagkain at nutrisyon at bawasan ang kahirapan
sa mga komunidad sa lunsod at kanayunan, kabilang ang mga
marginalized na komunidad. Ito ay naglalayong mag-ambag sa pagsisikap
ng pambansang pamahalaan sa pagtugon sa gutom at kahirapan sa
pamamagitan ng synergy at convergence ng mga mahahalagang serbisyo
ng DSWD, DA, DAR, DILG, BJMP, DepEd, DOH, DOST, DTI, TESDA,
NIA, POPCOM, DICT , CDA, DA-ATI, DA-BFAR, NNC at Land Bank, at
direktang makikinabang sa mas mahihirap na sektor ng bansa.

Isa sa mga pangunahing laman ng programa ay ang task force on Zero


Hunger kung saan bumubuo ito ng mga programa laban sa malnutrisyon
na naka angkla sa Community Bases Organizations

kabilang sa mga programa ang pagsasagawa ng mga feeding programs,


pagbibigay ng karagdagang pondo para suportahan ang food production at
pakikipag ugnayan ng gobyerno sa mga government financial institutions

sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS nitong ikatlong


quarter ng 2023 lumalabas na 9.8 percent ng mga pamilyang Pilipino ang
nakakaranas ng involuntary hunger
ang involuntary hunger ay ang walang makain o access sa pagkain ang
isang pamilya ng atleast isang isang araw sa nakalipas na tatlong buwan
INTERNATIONAL

POSIBLING PAG BAN SA TIKTOK AT KARAGDAGANG PONDO SA


ISRAEL PASADO NA SA U.S. CONGRESS

Pasado na sa U.S. House of representative ang mga panukalang 95 billion


U.S. dollars legislative package na magbibibgay ng aid sa Ukraine, Israel at
Taiwan

Kasabay nito, pasado na rin sa kongreso ng Estados Unidos ang panukala


na pag divest o tuluyan ng pag ban sa TikTok sa Amerika

Sa Legislative package, aabot sa 60.8 billion dollars ang inaprubahang aid


para sa Ukraine, 26 billion para sa Israel habang 8.1 billion dollars para sa
Taiwan para sa Indo-pacific Region

kasabay ng session nitong APril 20 sa Amerika ipinasa na rin ng kongreso


sa U.S. ang posibling pag ban sa Social Media App na TikTok bagay una
sa kasaysay ng U.S.

AYon sa mga mambabatas, ito ay para hindi umano ma humaling ang mga
kabataan sa pag gamit ng App na tinawag na SPY Ballon (collecting
sensitive US DATA) ng China.

It all comes down to China.

Lawmakers and regulators in the West have increasingly expressed


concern that TikTok and its parent company, ByteDance, may put sensitive
user data, like location information, into the hands of the Chinese
government. They have pointed to laws that allow the Chinese government
to secretly demand data from Chinese companies and citizens for
intelligence-gathering operations.

They are also worried that China could use TikTok’s content
recommendations to fuel misinformation, a concern that has escalated in
the United States during the Israel-Hamas war and the presidential
election. Critics say that TikTok has fueled the spread of antisemitism and
promoted pro-Palestinian content to American users.
TikTok has long denied such allegations and has tried to distance itself
from ByteDance, which is considered to be one of the world’s most highly
valued start-ups.

India did in 2020, costing ByteDance one of its biggest markets. The
government there cracked down on hundreds of Chinese-owned apps,
claiming in part that they were secretly transmitting users’ data to foreign
servers.

Other countries and government bodies — including Britain and its


Parliament, Australia, Canada, the executive arm of the European
Union, France and New Zealand’s Parliament — have banned the app
from official devices. Taiwan’s Minister of Digital Affairs recently declared
TikTok a dangerous product representing a national security threat.

SPORTS

CARLOS YULO, MULING NAKASUNGIT NG GINTO

Muling naka sungit ng Gintong Medalya ang FIlipino Gymnast na si Carlos


Yulo,

Ito ay sa kakatapos lamang na International Gymnastics Federation's


World Cup na ginanap sa Doha, Qatar.

ang 24 year old na gymnast ay wagi sa men's parallel bars final at tinalo
ang pambato ng Chinese taipei na si Hung Yuan-Hsi

ang event ang nagbigay din sa Pilipinas ng ika sampung PIlipinong


Atletang makakalahok sa Paris Olympics na si Levi Jung-Ruivivar

ito ay matapos na maka kuha ng silver ang 17 year old gymnast sa uneven
bars event

si Ruivivart at ikatlong gymnast na makakasali sa Paris Olympics ngayon


taon sunod kina Yulo at Aleah Finnegan.

SHOWBIZ
CATRIONA GRAY AT SAM MILBY, SPOTTED NA MAGKASAMA, SA
GITNA NG BREAK-UP RUMORS
Kinilig ang netizens sa videos at photos na nagpakitang magkasama ang
engaged couple na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapamilya
actor Sam Milby.

Sa isang Instagram post noong April 20, 2024, ibinahagi ng negosyanteng


si Pinky Tobiano ang video kung saan sweet na nag-uusap sina Catriona at
Sam.

Sabi niya sa caption, "The heat won't stop these sweet couple Cat & Sam
and we are all here to celebrate Erickson’s bday….

Sa Instagram Story naman, nagbahagi rin si Pinky ng larawan nina


Catriona at Sam, both in OOTDs with floral prints, na masayang
magkasama.

Wala siyang caption.

Noong March 10, 2024, spotted ding magkasama ang dalawa base sa post
ni John Prats.

Kasama rin sa larawan ang maybahay ni John na si Isabel Oli.

KINAKAHARAP NA PAGSUBOK

Sa pamamagitan ng social media noong February 28, 2024, inamin ng


Cornerstone na kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon
nina Catriona at Sam.

Pero sinusubukan daw ng dalawa na ayusin ito.

Bahagi ng pahayag ng talent management company: "We at Cornerstone,


as the talent management agency representing artists Sam Milby and
Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their
relationship.

"While it is true that Sam and Catriona are currently facing some
challenges in their relationship, they are actively working on resolving these
issues together."

Nakiusap ang Cornerstone na bigyan muna ng pribadong panahon ang


dalawa habang pinaplantsa nila ang kanilang gusot.
"We kindly request that everyone respect their privacy during this time as
they navigate through this situation.

NAGWAKAS ANG RELASYON

Kumalat ang balitang nagwakas na umano ang relasyon nina Catriona at


Sam nang mapag-usapan ito sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz noong
Febuary 24, 2024.

Ayon kay Ogie, may nakapagsabi sa kanyang source na matagal nang


hiwalay sina Catriona at Sam ngunit nananatiling magkaibigan ang dalawa.

Sa katunayan daw, noong nangdiwang ng ika-30 kaarawan si Catriona


noong January 6 ay wala na sila ni Sam.

Napagtanto raw kasi ng aktor na hindi pa siya handang magpakasal kay


Catriona matapos nitong mag-propose noong February 16, 2023.

HINDI SUOT WEDDING RING

Hindi ito ang unang beses naintriga ang relasyon nina Catriona at Sam.

Noong February 4, 2024, umugong ang espekulasyong hiwalay na ang


dalawa matapos mapansin ng mapanuring netizens na hindi suot ni
Catriona ang kanyang engagement ring.

ANGELIKA PANGANIBAN AT GREGG HOMAN, IKINASAL MULI

Ikinasal muli sina Angelica Panganiban at Gregg Homan ngayong April 20,
2024 sa Siargao.

Una nang nagpakasal sina Angelica at Gregg noong December 31, 2023
sa Los Angeles, California, USA.

Ang couple ay may isa nang anak, ang one-year old na si Amila Sabine, na
ipinanganak noong September 2022.

Inanunsiyo nila ang kanilang engagement noong October 2022.

Star-studded ang beach wedding nina Angelica at Gregg na dinaluhan ng


ilang celebrities na malalapit sa aktres, iba pang taga-showbiz industry at
mga kamag-anak ng couple.
Ginanap ang seremonya sa Inara Siargao, isang bagong-tayong boutique
resort na pag-aari ni Natalia Zobel, anak nina Iñigo at Maricris Zobel.

Matatagpuan ito sa Sitio Lisub Purok 2, Barangay Malinao, General Luna,


Surigao del Norte.
REPORTS

MGA MAG-AARAL SA ANGELES CITY, LALAHOK SA US SCIENCE


FAIR

Intern: Helena Pablo (CANNED)

-------------------------------------------------------------

HIGIT 900 NA RESIDENTE NG LUBAO AT GUAGUA, TUMANGGAP NG


LIBRENG CHECK UP

Intern: Jairha Adena (CANNED)

Nakatanggap ng libreng chek-up ang higit siyam na raan na residente ng


Lubao at Guagua Pampanga, sa ginanap na medical mission sa ilalim ng
“Alagang Nanay Preventive Health Care Program” sa pangunguna ni Vice
Governor Lilia “Nanay” Pineda.

Si aling Maxima, sitenta anyos, ay isa sa mga sumailalim sa Urine


Albumin-Creatinine Ratio (uACR) kung saan napag-alaman na malapit na
itong magkadiperensya sa bato.

Malaking tulong umano ito kay aling Maxima dahil hindi na ito makapagpa-
check-up sa dahil kakulangan sa oras at pera.

Bakas naman ang tuwa sa ibang mga residente na nakatanggap rin ng


iba’t ibang laboratory assessment at relief goods.

Layunin ng medical mission na ito na matulungan ang mga katulad ni aling


Maxima na hirap nang pumunta sa doctor dahil sa kakulangan sa pera at
mailalaan na oras.

----------------------------------------------------------
OUTREACH PROGRAM NG PNB NOL 4 A CAUSE PORAC,
PAMPANGA, ISINAGAWA.
Intern: Lia Lapuz (CANNED)

----------------------------------------------------------

DALAWANG WANTED PERSON, ARESTADO SA NUEVA ECIJA

Intern: Chelseia Leigh (CANNED)

Naaresto ang isang drug peddler at dalawang wanted person sa Nueva


Ecija matapos ang magkahiwalay na operation

Kasabay ng pagkaaresto ang pagkumpiska ng dalawang loose firearms at


0.10 grams ng shabu na may halagang isang libo.

Sa isang buy-bust operation na ginawa ng Sta Rosa Municipal Police


Station, nakuha ang 0.10 grams ng shabu na nagkakahalaga ng isang libo

Naiiisa rin ang ilang concerned citizen sa pagsuko ng dalawang loose


firearms sa pamamagitan ng programmang PNP Balik-Baril Program.

Ayon sa PNP ang kooperasyon ng komunidad ay nagpapakita ng


determinasyon na labanan ang krimen at mapanatili ang kaligtasan ng
lahat.

--------------------------------------------------------------

6 NA LAW OFFENDERS NA ARESTO NG BULACAN COPS

Intern: Kaye Recto . (CANNED)

Inaresto sa Lungsod ng Malolos, Bulacan ang anim na indibidwal na


sangkot sa iba’t-ibang paglabag sa batas.

Ayon sa ulat mula kay PCOL Relly B Arnedo, Provincial Director ng


Bulacan PNP, ang mga pag-aresto ay ginawa bilang bahagi ng isang anti-
illegal drug operation sa pangunguna ng mga operatiba mula sa San Jose
Del Monte CPS ant Pandi MPS.
Nasakorte sa operasyon ang tatlong suspek, kung saan nakumpiska ng
mga awtoridad ang kabuuang labing pitong sachet ng hinihinalang shabu
na may bigat na humigit-kumulang 8.55 gramo, na nagkakahalaga ng
humigit-kumulang Php 57,000.

Samantala, matagumpay namang nagsagawa ng manhunt operation ang


Tracker Team ng Bocaue at Plaridel MPS na nagresulta sa pagkakaaresto
sa tatlong wanted na indibidwal batay sa umiiral na mga warrant.

Ang mga operasyong ito ay sumasalamin sa hindi natitinag na dedikasyon


ng Bulacan PNP sa pagbabawas ng krimen at pagtiyak ng kaligtasan ng
publiko sa ilalim ng gabay ni RD, PRO3 PBGEN JOSE S HIDALGO JR
PERTUSSIS

DOH NAKAPAGTALA NA NG 86 NA KASO NG PERTUSSIS SA


CENTRAL LUZON

Umakyat na sa 86 ang mga kaso ng pertussis sa Central Luzon base sa


talaan ng Department of Health Central Luzon

ang datos ay simula ng pumasok ang taon hanggang nitong April 13, 2024

Piankamaraming kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Tarlac sa 32,


sunod ang Pampanga sa 18 bukod sa Angeles City na may dalawang
kaso, Bataan 14, at tig walo sa Bulacan at Zambales at Apat sa Nueva
Ecija

Ngayong Taon ay wala pa namang naitatalang kaso ng Pertussis sa


Olongapo City at lalawigan ng Aurora,

Paalala naman ng Health Department na ugaliin lamang ang good


resperatory hygiene tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay at pag
susuot ng face mask upang maka iwas sa pertussis
GABAY SA PAG-IWAS SA SAKIT NA PERTUSSIS
Naglabas ng mga gabay ang Department of Health (DOH) Region 3 ukol
sa paraan ng pag-iwas sa sakit na Pertussis.
Ayon sa DOH, mahalaga ang pagsunod sa respiratory hygiene lalo na
kapag babahing o uubo, kabilang ang pagtakip sa bibig at ilong gamit ang
tissue o wipes, at pag-iwas sa pag-ubo sa mga kamy upang hindi kumalat
ang mikrobyo.
Dagdag pa rito, mahalaga ring maghugas ng kamay pagkatapos umubo o
bumahing, at pagkatapos makipag-ugnayan sa mga taong mayroong
pertussis.

Sa loob naman ng tahanan, mahalaga ang pang-araw-araw na pag-iingat


tulad ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at paggamit ng
hand hygiene products tulad ng sanitizer at alcohol.

Nagpapaalala din ang DOH ang paalala sa mga health workers na


magsuot ng medical mask habang nakikipag-ugnayan sa mga pasyenteng
posibleng may pertussis.
Gayundin, ang mga pasyenteng may pertussis ay dapat magsuot ng face
mask at sumunod sa respiratory hygiene at pagtatakip ng bibig kapag
umuubo.
Sa kabuuan, pinaalalahanan ng DOH ang lahat ng mga indibidwal na hindi
pa nabakunahan o hindi pa kumpleto sa bakuna laban sa pertussis, o mga
indibidwal na may mataas na panganib na magkasakit na limitahan ang
pakikisalamuha sa mga taong may pertussis o sa mga taong posibleng
mayroon nito.
HEAT INDEX APRIL 22, 2024

EXTRO

JO: ARAW NGAYON NG LUNES APRIL 22, 2024 SABAYAN NIYO RIN
KAMING NAPAPAKINGAN AT NAPAPANOOD SA AMING FACEBOOK
PAGE AT YOUTUBE CHANNEL NG NEWSLINE CENTRAL LUZON TV

MULA DITO KUNG SAAN LAGI KANG KASAMA ANG 103.1 NEWSLINE
CENTRAL LUZON,

PARA SA BIDA CENTRAL LUZON. AKO SI JO SALAZAR

AT AKO NAMAN CJ PENAFLOR

SABAY: KASAMA KA, IKAW ANG BIDA

You might also like