You are on page 1of 5

ANG ATING ORAS, ALAS KWATRO NA NG HAPON, AT ANG ATING BALITA:

CREATIVE INDUSTRY TARGET NA PALAKASIN NI PBBM


PRO-3, NAKA ALERTO NA NGAYONG HOLIDAY SEASON

HALOS 150 MILLION PESOS NA HALAGA NG SMUGGLED NA PRODUKTONG


PETROLYO NASABAT SA BATAAN

MGA LIBRENG SAKAY, INILUNSAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG MABALACAT


PANGUNAHING HAKBANG NG "HOME-CENTERED APPROACH" LABAN SA
DROGA, INILUNSAD SA TARLAC CITY
BARANGAY TELABASTAGAN ITINANGHAL NA KAMPYEON SA KAKATAPOS
LAMANG NA GIANT LANTERN FESTIVAL

INTRO

JO: MAGANDANG HAPON CENTRAL LUZON, MAGANDANG HAPON LALAWAIGAN


NG PAMPANGA, SUMASAINYO ANG CENTRAL LUZON BALITA SA ALAS KWATRO
NG 103. 1 NEWSLINE CENTRAL LUZON
CJ: ARAW NGAYON NG LUNES, DECEMBER 18, 2023, KAMI ANG INYONG
TAGAPAG-BALITA, AKO SI CJ PENAFLOR
JO: AKO NAMAN SI JO SALAZAR

CREATIVE INDUSTRY TARGET NA PALAKASIN NI PBBM


Target ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa iba pang mga bansa particular sa Japan
upang mapalago at mapalawak pa ang creative industry market sa bansa
Sa talumpati ni Presidente Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Creative and
Sustainable Economy through Innovation na Pinangunahan ng Department of
trade and Industry sa Tokyo, Japan, Iginiit ni Marcos na isa pa rin sa may pinaka
malaking ambag sa economic development ng bansa ang Creative industry.
Dagdag ni Marcos, nais nitong makita ang gawa ng mga Pilipino sa computer
animation na nakatutuok sa Japanese Style animation.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa ika 50 taon ng ASEAN-Japan Friendship and
Cooperation.
PRO-3, NAKA ALERTO NA NGAYONG HOLIDAY SEASON
All Set na ang Police Regional Office 3 o PRO-3 para sa pagbabantay ngayong
holiday season
Simula pa nitong sabado ay 3 libong police na ang ipinakalat ng PRO-3 na naka
istasyon sa ibat bang police assistance desk sa rehiyon
Sila ay nagbabantay din sa mga matataong lugar tulad ng mg terminal,
commercial establishments, lugar ng sambahan, maging ang mga firecracker
zones at display areas.
Magtatagal naman ang mga Motorist Assistance Hubs with route Safety Marshals
sa mga pangunahing kakalsadahan hanggang January 6, 2024.
Samantala patuloy naman umano ang mga inspection ng PRO-3, kasama ang mga
partner agency laban sa mga illegal na pag gawa pag benta at pag gamit ng mga
paputok o mga pailaw sa buong rehiyon particular sa Bulacan
Muling paalala naman ni PRO-3 Director PBGen. Jose Hidalgo Jr. sa publiko na
iwasan na ang pag gamit ng mga ipinagbabawal na paputok para maka iwas sa
mga panganib na maaaring idulot nito.

HALOS 150 MILLION PESOS NA HALAGA NG SMUGGLED NA PRODUKTONG


PETROLYO NASABAT SA BATAAN
Nasabat ng Bureau of Customs ang tinatayang aabot sa 148 million pesos na
halaga ng smuggled na produktong petrolyo sa Mariveles, Bataan.
Sa report ng BOC, ang mga kontra bando ay lulan ng sa 16 na lorry trucks o mga
tanker at isang marine vessel.
Nakumpiska ng pinag sanib na pwersa ng mga ahente ng Customs Intelligence and
Investigation Service, manila International Container Port at ng National Bureau of
Investigation – Anti- Organized and Transnational Crime Division ang mga
unmarked fuel sa Barangay aLas Asin matapos na rin ang isang impormasyon na
nakarating sa mga otoridad.
Ayon kay Customs Commissioner Bien Rubio, malaking hamon umano sa kanilang
operasyon na nangyayari ang paglilipat sa mga produktong petrolyo sa loob ng
isang pribadong pantalan kung saan walang kawani ang BOC kaya ani Rubio,
kritikal ang naging impormasyon na ibinigay ng impormante.

MGA LIBRENG SAKAY, INILUNSAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG MABALACAT

Kinumpirma ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at


Operators Nationwide, Rotang Angeles-Mabalacat (PISTON RAMA) kahapon na
sasali sila sa strike simula ngayon araw hanggang Disyembre 22, 2023.

Sa gitna ng welgang ito, naglaan ang Mabalacat City Government ng Oplan


Libreng Sakay para matulungan ang mga apektadong mananakay sa syudad. At
magkakaroon ito ng pitong ruta kung saan kabilang dito ang:

● Tabun to Lakandula (vise versa)


● Atlubola to Lakandula (vise versa)
● KFC Public Market to Lakandula (vise versa)
● San Francisco to Lakandula (vise versa)
● Don Bosco (Mabiga) to Lakandula (vise versa)
● Mabiga (Mawaque 711) to Lakandula (vise versa)
● Camachiles (Skytech) to Lakandula (vise versa)

Ito ay upang maging normal pa rin ang transportasyon sa syudad.

Pinapaalala naman sa lahat na sundin ang itinakda ng mga ruta ng pagsakay at


pagbaba upang mapanatili ang maayos na daloy ng transportasyon sa kabila ng
welga.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa hotlines ng MCG Oplan


Libreng Sakay na matatagpuan sa kanilang opisyal na website.

PANGUNAHING HAKBANG NG "HOME-CENTERED APPROACH" LABAN SA


DROGA, INILUNSAD SA TARLAC CITY

Inilunsad ng City Government of Tarlac ang home-centered approach, isang


programang naglalaman ng iba't ibang hakbang upang matulungan ang mga
indibidwal na apektado ng iligal na droga layuning tuldukan ang problemang ito.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, ipinasilip ang mga
pangunahing bahagi ng programa sa pag-inaugurate at pagpapabasbas sa Tarlac
City Balay Silangan Facility noong Disyembre 16, 2023.

Ang programa ay sumasaklaw sa mga sumusunod na hakbang:

3-Buwan Programa para sa Drug Offenders:


● Layuni nito na bigyan ng sapat na oras ang rehabilitasyon at
pagbabago ng mga indibidwal na apektado ng iligal na droga.
Continuous Education:
● Dito Binibigyang diin ang kahalagahan ng patuloy na edukasyon
bilang pangunahing hakbang sa pagbabago.
Social/Emotional/Physical Activities:
● Kasama sa programa ang mga gawain tulad ng moral recovery,
values formation, personal at life skills development, livelihood, at
skills training program.

Sa tulong ng "home-centered approach," inaasahan ng City Government of Tarlac


na maging epektibo ang rehabilitasyon at pagbabago ng mga naapektuhan ng
droga, anuman ang kanilang pinagmulan.

BARANGAY TELABASTAGAN ITINANGHAL NA KAMPYEON SA KAKATAPOS


LAMANG NA GIANT LANTERN FESTIVAL

Tinanghal na kampeon ang Barangay Telabastagan sa San Fernando City sa Giant


Lantern Festival ngayong taon,

Pinangunahan ng lantern maker na si Arnel Flores ang parol ng telabastagan na


nagningning laban sa syam na iba pang mga parol mula sa ibat ibang barangay sa
syudad

1st Runner Up naman ang Barangay San Nicolas at umuwi ng may P200,000 at ang
2nd Runner Up Barangay San Juan ana mayroong P100,000 na premyo.

samantala, magpapautloy pa rin naman ang mga exibihitions nights ng mga


naglalakihang parol hanggang sa bagong taon ng 2024
Kasama rin ngayong taon sa ligligan parol ang mga barangay ng Bulaon, Calulut,
Del Pilar, Dolores, San Jose, Sta. Lucia, Sto. Nino, at Telabastagan.

EXTRO

JO: ARAW NGAYON NG LUNES, DECEMBER 18, 2023,, SABAYAN NIYO RIN
KAMING NAPAPAKINGAN AT NAPAPANOOD SA AMING FACEBOOK PAGE AT
YOUTUBE CHANNEL NG NEWSLINE CENTRAL LUZON TV

CJ: MULA DITO KUNG SAAN LAGI KANG KASAMA ANG 103.1 NEWSLINE
CENTRAL LUZON, AKO SI CJ PENAFLOR

JO: PARA SA CENTRAL LUZON BALITA SA ALAS KWATRO. AKO NAMAN SI JO


SALAZAR

SABAY: KASAMA KA, IKAW ANG BIDA

You might also like