You are on page 1of 3

PROGRAMA PARA IWAS DROGA

(PANUKALANG PROYEKTO)

I. PROPONENT NG PROYEKTO: Tagapangulo:


Kalihim:
Ingat-yaman:
Kagawad:

II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Drug Addiction Symposium: Ang nakakatakot na


katotohanan tungkol sa pang-aabuso ng kabataan sa droga.

III. PONDONG KAILANGAN: Php 23,500.00

IV. RASYONAL
Ang proyektong ito ay nakatuon sa pagtuturo sa mga kabataan sa epekto ng
pang-aabuso ng droga sa kanilang buhay, sa Barangay Malacampa Camiling, Tarlac.
Isa sa mga layunin ng nasabing symposium ay paigtingin ang kamalayan ng mga
kabataan sa iba't ibang uri ng ilegal na droga, ang masamang epekto nito sa kalusugan
ng tao, ang mga dahilan kung bakit gumagamit ng droga ang mga tao, at kung paano
ito haharapin.

V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO


● Deskripsiyon: Ang proyektong ito ay pagtitipon ng mga kabataan (15-24 taong
gulang) at magsasagawa ng isang symposium sa tulong ng tatlong tauhan ng
PNP, bilang speaker at barangay council.
● Layunin ng proyekto: Ang pangunahing layunin ng proyektong ito ay bigyan
ng malawak na pag-unawa sa mga mapanganib na epekto ng ilegal na droga.
Napapanahon at mahalaga ang symposium na ito dahil ang mga
kabataan ngayon ay nahaharap sa maraming impluwensya upang magamit ang
mga mapanganib na droga. Ang kaganapang ito ay maaaring gumanap ng
isang pantay na papel sa paghubog ng normatibong kultura ng kaligtasan,
katamtaman, at matalinong paggawa ng desisyon.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO


Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:
● 3 Opisyal ng PNP Camiling
● Opisyal ng Barangay Malacampa, Camiling, Tarlac
● Opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK)
● Mga Boluntaryo
● Kabataan

VII. KAPAKINABANGANG DULOT


Ang symposium na ito ay gaganapin para sa ikabubuti ng kabataan sa Barangay
Malacampa, Camiling, Tarlac.
VIII. TALATAKDAAN NG GAWAIN AT ESTRATEHIYA
Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itinakda ang sumusunod na mga gawain o
hakbangin:

TAKDANG GAWAIN: TARGET NA PETSA: Marso 18, 2023

Unang Yugto: Pagpaplano

● Pagkakaroon ng pulong ng mga opisyal ng SK.


● Paghingi ng permiso sa alkalde ng Camiling at punong barangay ng Malacampa
para sa gaganaping proyekto.
● Pakikipag-ugnayan sa PNP Camiling.

Ikalawang Yugto: Pagsasaliksik/Pangangalap ng mga datos

● Paghiling ng listahan ng kabataan sa Brgy. Malacampa, Camiling, Tarlac.

Ikatlong Yugto: Pamimili at Pag-aangkop ng Nasinop na Materyales

● Pagbili ng mga meryenda para sa mga dadalo.


● Pagbili ng mga kagamitang pang-edukasyon.

Ika-apat na Yugto: Pagpapalimbag

● Pagsasagawa ng report ukol sa proyekto.

IX. GASTUSIN NG PROYEKTO

Sa proyektong ito, tinatayang ang Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ng kabuuang


halagang Php 23,500 na inilalaan sa sumusunod na pagkakagastusan:

PAGLALAANANG GASTUSIN HALAGANG GUGUGULIN

Meryenda Php 2,000.00

Kagamitang pang-edukasyon (papel, Php, 20,000.00


ballpen, lapis, notebook, clear envelope,
correction tape, eraser, sharpener atbp.)

Tarpulina Php 500.00

Transportasyon Php 1,000.00

KABUUANG GASTUSIN: Php 23,500.00

You might also like