You are on page 1of 7

PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA SA PAGHIHIKAYAT NG TOURIST

DESTINATION SA PILIPINAS

Isang pamanahong papel na ihinarap sa Kagawaran ng Departamento ng Filipino,

Kolehiyo ng Laguna University,

Lungsod ng Bubukal Santa. Cruz

Bilang Pagpatupad sa isa mga Pangangailangan sa Filipino

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik

Isinumite nina :

Laboreda, Lezlie Joyce B.

Desunia, Chester

Monfero, Axel Troy

Isinumite kay:

Bb. Leonida C. Bueno

Propesor

Abril 2019

Petsa
KABANATA I

ANG PANIMULA AT KALIGIRAN NITO

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula, kaligirang pangkasaysayan,

balangkas konseptwal, paglalahad ng suliranin, pagbuo ng hinuha, kahalagahan ng pag-

aaral, saklaw at limitasyon ng pag-aaral at katuturan ng katawagan.

Introduksyon

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na

kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga

ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Malaking bagay ang naiaambag ng

Social Media sa panghihikayat ng Tourist Spot sa kaunlaran ng ating bansa. Gamit ang

Social Media mas napapadali ang paghahanap ng mga turista sa pagpili ng lugar na

kanilang gustong puntahan sa ating bansa. Ang simpleng panonood ng mga pelikula o

pagtingin ng mga larawan gamit ang Social Media ay malaki ang ambag nito sa paglago

ng ating ekonomiya. Ang mga pelikula o larawan na kinukunan na nakikita natin sa mga

Social Media Sites sa mga magagandang lugar ang nagsisilbing pang-akit sa mga turista

na bumisita sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), sinuri din nito ang kadahilanan sa likod

ng paggamit ng Social Media para ilunsad ang bagong kampanya na ininatawag na “It’s

more fun in the Philippines” at kung gaano ito kaapektibo na manghikayat ng dayuhan

gamit ang new media sa pag-abot ng kanilang target market, ang mga dayuhan.

Ang Pilipinas ay isang napaka-gandang bansa, marami itong mga tanawin na

maaring mapuntahan tulad ng Mayon Volcano, Banawe Rice Terraces, Palawan


Underground River at iba pa at kilala rin. Ang Pilipinas bilang isang bansa na magiliw sa

panauhin. Maliban pa dito ay Napaka-raming aktibidad ang maaaring gawin na sa

bansang ito lamang magagawa. Ang mga pagkain at isang kulturang mayaman ay

nakapanghahalina na pumasyal rito. Ngunit ano nga ba ang kailangang gawin ng

kaligiran ng turismo upang maka-akit pa ng mas-maraming turista para sa bansa?

Makakatulong ba ang makabagong teknolohiya ngayon sa pagpapakila ng ating bansa?

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa kung ano ang mga paraan na pwedeng gawin ng isang

studyante ng World Citi Colleges upang mapakilala ng kaniyang bansa sa mga turistang

maaring maakit nito.

Suliranin at Layunin ng Pag-aaral

Ang na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa Epekto ng paggamit ng

Social Media sa panghihikayat ng Tourist Destination sa ating bansa at naglalayag

matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong profile ng mga respondante sa mga tuntunin ng:

1.1 Age,

1.2 Gender and

1.3 Departamento?

2. Ano ang mga epekto ng paggamit ng social media sa paghihikayat ng tourist

destination sa pilipinas sa bansang pilipinas, turismo at ekonomiya?

3. Paano nakakatulong ang social media sa paghihikayat ng tourist spot sa bansa?


Paglalahad ng Hinuha

Positibo:

May maganda itong naidudulot sa tao nagagamit nila ito para ipahayag

nila ang kanilang mga saloobin sa mga kanilang iba’t ibang pananaw sa buhay

Negatibo:

Nakakaapekto ito sa mga mag-aaral higit sa knilang pagsulat ng kanilang

mga sanaysay ginagawa nila itong panghalili sa mga salitang wasto. Ginagamit

din nila ito para gumawa ng hindi dapat at nalilimutan na nila ang tunay na salita

o tunay na lengwahe na meron tayo at higit sa lahat nakakaapejto isa sa

pakikipag kumunikasyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay lubos na makatutulong sa mga guro lalo’t higit sa mga

mag-aaral na may kinalaman sa paggamit ng pamamaraang ito.

Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ito sa mga mag-aaral upang malaman nila ang

tunay na kahalagaan ng social media sa pag tuklas ng isang tourist destination.

Sa mga Guro. Makatutulong ito sa mga guro upang mabigyang pansin ang

paraan ng pagtuturo na kanilang ginagamit kung epektibo ba o hindi.

Sa Paaralan. Makatutulong ito sa paaralan upang mabigyang pansin ang

pagbabago ng paraan ng pagtuturo at pagsasalita ng bawat isa.

Sa Mananaliksik. Makatutulong ito sa amin na mga mananliksik sapagkat

kinakailangang maging handa kami sa kung ano ang mas epektibong gawin higit na sa

pag ga,it ng mga salitang aming gagamitin


Batayang Konseptwal/Teoretikal

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

Epekto sa;

Social Media  Turismo


 Kultura
 Ekonomiya

Intervening Variables

Demographic Profile
 Idad
 Kasarian
 Departamento

Pigura 1

Paradaym ng Pag-aaral

Sa diagram na ito ay makikita na ang mga respondante ay 1st year BSTM 1A sa

Laguna University. Ang sarbey at kwestyuneyr ang paraang gagamitin upang malaman

ang pananaw,opinyon o paniniwala ng partikular na respondante ang pag-aaral na ito ay

upang malaman ang Epekto ng pag-gamit ng Social Media sa panghihikayat ng ating

Tourist Destination.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay para lamang sa mga piling mag-aaral ng BSTM-1A na may

bilang na tatlumpong (30) mag-aaral na may dalawampu’t limang babae (25) at limang

(5) lalake na mag-aaral ng Laguna University sa taong 2019-2020

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman kung gaano kahalaga ang

paggamit ng social media sa paghihikayat ng tourist destination sa pilipinas.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na

kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga

ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Ang Tourist Spot ay lugar o pasyalan na kung saan makikita mo ang magagandang

tanawin na maipagmamalaki ng isang bansa.

Ang New Media ay ang pagkanakakapunta sa o pagkanakakakuha ng nilalaman

anumang oras ayon sa pangangailangan, sa anumang aparatong dihital, pati nsa sa

interaktibong tugon ng tagagamit, malikhaing pakikilahok at pagbubuo ng pamayanan sa

paligid ng nilalaman ng midya.

Ang Target Market ay ang ispisipikong grupo ng mamimili.

Ang Advertising o pagpapatalastas ay isang uri o anyo ng komunikasyon na

ginagamit upang makahikayat o makahimok ng mga manonood, o taga pakinig.

Ang Travel Plans ay pagproposed na route ng travel.

Ang Foreign Investor paghanap o paniniyasat.


Ang Internet ay malawak na computer network na maaring gamitin ng publiko sa

buong mundo.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay nakalikom ng mga


mahahalagang datos at impromasyon bilang pagpapatibay sa pag-aaral na
ito.

KAUGNAY NG LITERATURA

You might also like