You are on page 1of 2

PANIMULA

Ang turismo ay maaring itukoy bilang isang pansamantala o madaliang pagbisita

o pagpunta ng isang tao sa ibang lugar na di niya normal na pinupuntahan. Ayon sa

World Tourism Organization, “Ang turismo, sa pangkalahatan, ay ang paggalaw ng isang

tao o mga tao sa isang lugar, malapit man o malayo, para sa paglibang, negosyo, at iba

pang mga layunin”. Ito ay paglalakbay para sa layuning gustong makatamo ng kasiyahan

at pagpapahinga mula sa napakapagod na mga araw. Ito rin ang paraan na

makipagpaghalubilo sa mga lokal na mamamayan, makatuklas ng bagong kultura at

maranasan ang kagandahan ng kalikasan.

Ang Pilipinas ay kilala bilang sagana sa “biodiversity” na siyang pangunahing

dahilan kung bakit maraming turista and dumadayo sa Pilipinas. Ang mga dalampasigan,

heritage towns at mga monumento, kabundukan, mga isla at diving spots ang mga

pinakadinadayo ng mga turista. Ang masaganang kasaysayan at kultura ng bansa,

festivals at kakaibang tradisyon ay isa rin sa dahilan kung bakita maraming turista ang

pumunta sa Pilipinas. Ayon sa Kagawaran ng Turismo (Department of Tourism o DOT),

malaki ang epekto ng turismo sa Pilipinas dahil kumikita tayo ng milyon-milyong piso sa

pagbisita ng mga turista sa bansa. Ang turismo ay kinikilala din ng karamihan bilang isang

mahalagang sektor na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa dahil sa patuloy na

pagbabayad ng mga dayuhan upang makapaglakbay. Ang industriya ng turismo ay

makakapagtaas ng kita ng empleyado at magsisislbing tulay o daan sa pagbukas ng

marami pang trabaho (Barnett, 2010).


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak ang

kanilang mga kaalaman kung ano ang kontribusyon at epekto ng Turismo sa ekonomiya

ng Pilipinas. Magsisilbing gabay rin ito upang malinang ang kanilang kaisipan at

kakayanan sa kanilangpag-aaral.

Sa mga guro.

You might also like