You are on page 1of 24

University of Makati

J.P. Rizal Ext., West Rembo, Makati City

Kahalagahan ng pagkakaroon ng lisensya ng mga tour guide sa panghihikayat ng turista


sa Pilipinas.

Ipinasa nina:
Alisna, Jiebel C.
Bayaborda, Alona May SP.
Lasala, Melanie C.
Saquilayan, Katrina Martha D.
Tempra, Florence V.

Ipinasa kay:
Prof. Wanda Motomal

Petsa:
Pebrero, 2015

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang patupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 6, ang pamanahong- papel na ito
na pinamagatang Kahalagahan ng pagkakaroon ng lisensya ng mga tour guide sa
panghihikayat ng turista sa Pilipinas. ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik
mula sa 12- 31 na binubuo nina:

Jiebel C. Alisna

Alona May SP. Bayaborda

Melanie C. Lasala

Katrina Martha D. Saquilayan


Florence V. Tempra

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Higher School ng University of Makati, bilang isa sa
mga pangangailangan sa asignatura.

Prof. Wanda Motomal


Propesora

Pasasalamat o Pagkilala

Una sa lahat nagpapasalamat kami sa Panginoong Diyos sa pagbibigay sa amin ng mga


araw at lakas para mabuhay at maisagawa naming ang pananaliksik na ito. Lubos ang
aming pasasalamat sa mga taong tumulong at nakiisa sa paggawa ng papel na
pananaliksik na ito. Sa Prime Orienteer Tours and Travel Inc., sa pagbibigay ng
pahintulot na maintervyu at magkaroon ng sarvey sa kanilang mga tour guide. Sa mga
magulang namin na binibigyan kami ng suporta hindi lamang sa financial at maging sa
moral na pagsuporta upang magawa ang papel na ito. Sa aming guro na si Prof. Wanda
Motomal na binigyan kami ng gabay upang mas maintindihan at malaman ang mga dapat
gawin sa bawat kabanata nito. Sa mga respondante na pinahintulutan kami na maintervyu
sila at sagutin ang mga tanong sa aming sarvey-kwestyoneyr na naging isang malaki
partisipasyon para matapos ang pananaliksik na ito. Taos puso ang aming pagpapasalamat
at pagkilala sa mga taong tumulong at nagging inspirasyon namin upang maisagawa ng
maayos ang aming pamanahong papel.

Talaan ng Nilalaman

Talaan ng Talahanayan at Graf

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Sa pamanahong papel na ito pinagkakalooban n gaming mga pananaliksik kaugnay ngt


kahalagahn ng pagkakaroon ng lisensya ng mga tour guide sa panghihikayat ng turista sa
Pilipinas.

Ayon kay Z. Cruz (1999) Ang tour guide ay isang gabay sa turista at nagsasagawa ng
paglilibot sa isang lugar at pinapakilala nya ito sa mga turista. Pumupunta sa mga kilalang bayan,
museo o iba pang tourist venue. Sila ang nagbibigay impormasyon sa mga tampok na lugar at
kasaysayan ng lokasyon. Hindi kakauti ang kahaagahan na nakalagay sa kaalaman ng gabay ng
mga local na kwento, kasaysayan at kultura depende sa lokasyon ng pupuntahan. Sa
pamamagitan ng lisensya nagiging mas kumportable at nararamdaman ng mga turista na sila ay
ligtas habang nasa isang desinasyon. Sya ang namumuno sa isang iskarsyon. Nagpapaliwanag ng
isang lugar na kng saan interisado ang mga turista.

Ayon kay Z. Cruz (2006) Sa Pilipinas ang mag tour guide ay mga indibidwal na
binibigyan ng lisensya ng pamahalaan at prinoproseso ng departamento ng turismo. Ang
sitwasyong ito ay isang hamon at nakakaengganyong oportunidad sa mga nagnanais na maging
isnag tour guide. Maraming bansa ang gumagamit ng turismo bilang isang alternatib sa pag
usbong g turismo sa bansang Pilipinas.

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng papel sa pananaliksik na ito na malaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng


mga lisensyadong tour guide. Sa pamamagitan nito, mapapalawak ang aming pinag- aralan at
naging karanasan hinggil sa aming OJT. Layunin din namin na suriin ang mga maaring bunga ng
pagkakaroon ng lisensyadong tour guide sa bansa upang mahikayat ng mga turista. Nais naming
makamtan sa papel na ito ang malinaw na kasagutan sa aming paksang tatalakayin.

Nais naming ipabatid sa papel na ito na maging mas strikto at mahigpit ang ibat-ibang
kompanya sa pagkuha ng mga tour guide. Makakadagdag kaalaman ito sa kanila sa kanila kung
ano ang maaring maging bunga sa pagkakaroon nito. Isa pa ay bigyang ideya ang mga
estudyante particular sa kumukuha ng kursong kaugnay ng turismo. Ito ay makakagaan sa
kanilang paghahanap ng mga kasagutan o impormasyon kung itoy kinakailangan sa kanilang
asignatura. At kung ibig nilang maging isang tour guide sa hinaharap, pwede itong gamiting
basehan kung ikaw ay pasok sa mga kwalipikasyon. Isa pa ay nais nito na malaman ng
pamahalaan ang pagkakaroon ng standards at maging mapanuri sa pagbibigay ng lisensya, dahil
maari itong magkaroon ng maganda at hindi magandang bunga sa industriya ng turismo.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa pagsulat ng papel na ito, isa sa mga nagging motibasyon namin ay ang mga taong
naging parte at nakasama sa aming nakalipas na OJT. Naranasan naming ang ibat- ibang
problema hinggil sa kakulangan ng mga lisensyadong tour guide. Katulad na lang ng di pantay
na pagtingin ng isang kompanya sa lisensyado at hindi. Mga responsibilidad na ipinatong sa
kanila kaakibat ng kanilang lisensya. Mga kaalaman na maari nilang ibahagi upang

makapanghikayat ng mga turista at mapadami pa lalo ang bumibisita sa ating bansa. Mga paraan
o istratehiya na maari nilang gawin upang mas maging epektibo ang kanilang panghihikayat sa
mga turista.
Saklaw at Limitasyon

Sa pananaliksik na ito na may paksa na tungkol sa pagkakaroon ng lisensya ng mga tour


guide sa Pilipinas. Ito ay tungkol sa kahalagahan ng lisensyadong tour guide at ano ang impact
nito sa turista sa bansa. Mahalaga ang mga taong ito para sa isang tour. Maisasagawa naming ang
pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarvey sa mga tour guides sa at mga
estudyante ng University of Makati na kumukuha ng kursong turismo. Limampung respondante
ang aming target para makakuha ng sapat na impormasyon na aming gagamitin sa papel na ito.
Sa pananaliksik na ito ay para sa mga nagnanais na maging tour guide at nais kumuha ng
kursong turismo. Ito ay kasalukuyan naming ginaganap sa Prime Orienteer Tours and Travel Inc.
Company at sa loob ng University of Makati

Depinisyon ng mga terminolohiya


Tour guides- Sila ang mga nangunguna sa paglalakbay, sila ang mga taong may sapat na
kaalaman sa isang lugar na ibinabahagi sa mga turista.
Department of Tourism (DOT)- ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng lisensya sa mga tour
guide.
Lisensya- Ang isang legal na dokumento na nagbibigay sa opisyal ng pahintulot na gawin ang
isang bagay. Ito ay isang permit.
Iskarsyon- paglalakbay sa loob ng maikling panahon.
Charisma- Maayos ang itsura, kaaya-aya sa paningin ng iba.
Accreditation- pagbibigay awtoridad
Performance- ito ay kung paano naisagawa o naisakatuparan ang isang gawain.
On the Job Training (OJT)- ito ang isang programang nagbibigay ng ensayo sa mga
estudyanteng magtatapos sa kanilang kurso. Ito ay isang paraan para makakuha ng mga
karanasan sa kanilang kinuhang kurso.
Makapanayam- makausap ng harapan o maintervyu ang isang tao
Pass- ito ay isang pahintulot o paraan para maisagawa ang dapat gawin.
Tourist attractions- ito ang ay mga lugar na may magagandang tanawin at kaakit- akit sa
paningin.
Marketing- ito ay ang pagnenegosyo
Turista- sila ang mga indibidwal o grupo ng mga tao na nagpupunta sa magagandang lugar para
magbakasyon o mamasyal.
Facilities- ito ay ang mga ginagamit sa isang lugar. Halimbawa ay ang mga palikuran, club
house, etc.

KABANATA 2: KAUGNAY SA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Z. Cruz (1999) Ang tour guide ay isang gabay sa turista at nagsasagawa ng
paglilibot sa isang lugar at pinapakilala nya ito sa mga turista. Pumupunta sa mga kilalang bayan,
museo o iba pang tourist venue. Sila ang nagbibigay impormasyon sa mga tampok na lugar at
kasaysayan ng lokasyon. Hindi kakauti ang kahalagahan na nakalagay sa kaalaman ng gabay ng
mga lokal na kwento, kasaysayan at kultura depende sa lokasyon ng pupuntahan.
Sa pamamagitan ng lisensya nagiging mas kumportable at nararamdaman ng mga turista
na sila ay ligtas habang nasa isang desinasyon. Siya ang namumuno sa isang iskarsyon at
nagpapaliwanag ng isang lugar na kung saan interesado ang mga turista.

Bakit kailangan ng lisensyadong tour guide?


Isa sa pinakamahalaga sa isang propesyon ay ang pagkakaroon ng relasyon sa edukasyon
at taas ng kalidad, sapagkat ito ay isa sa magiging pagkakakilanlan lalo na sa laragan ng Tour
Guiding. Dahil dito tinitignan ng mga turista ang kaalaman at napag-aralan ng kanilang tour
guide , bukod sa mataas na edukasyon kailangan din mgkaroon ng mataas na pagkakakilanlan sa
sarili lalo na sa ibang lugar tulad Europa na kailangan may mataas na edukasyon (Zenaida Cruz,
2006)
Dagdag pa ni Cruz (1999) na ang mga sumusunod ay ang mga kwalipikasyon upang maging
isang tour guide.

May dedikasyon- kailangan ito para malaman kung may interest baa ng isang tour guide
sa mga ginagawa niya.

May tiwala sa sarili- makatutulong ito para magampanan nila ng maayos ang kanilang
trabaho, at paniguradong mag eenjoy ang mga turista o maging siya mismo bilang isang

tour guide.
May sapat na kaalaman- ito ang isa sa mga kinakailangan ng isang tour guide, dahil ito
ang puhunan dahil ito ang pangunahing binibigay ng isang tour guide. Magbigay ng

impormasyon magbigay ng kaalaman.


Organisado- alam ang pagkakasunod sunod ng mga program o ang mga destinasyon na

pupuntahan.
Sensitibo sa mga nangyari sa paligid- dapat mapanuri sa mga nangyayari sa kaniyang

paligid at sa buong nasasakupan niya.


May malusog na panganagatawan- kailangan ito upang maging kaaya-aya sa paningin ng

mga turista.
May integridad- ito ay tapang na gawin ang tama anuman ang ibunga nito at kahit mahirap ito.
Tapat- ito ay ang pagpapakatotoo
Mapamaraan- kailangan ito para sa mga biglaang pangyayari kaya niyang ihandle ang

mga sitwasyon.
Medaling makaisip ng solusyon- ito ay kaakibat ng pagiging mapamaraan
Naaakma ang mga kasuotan o kaya ay maayos sa paningin
May sense of humor- upang hindi mabagot o mabored ang mga turista
Charismaa

Paano maging isang lisensyadong tour guide?


Una kailangan mo ng katibayan na ikaw ay pumupunta sa bawat seminar na ginagawa ng
Department of Tourism o di kaya naman ay mga ibat ibang agencies na may ginagawang
seminar na kinikilala ng Department of Tourism. Pangalawa, para maging isa kang ganap na
lisensyadong tour guide kailangan mong magpasa ng Certificate of Good Health na galing sa

government Physician, Clearance from the National Bureau of Investigation (NBI), Municipal
License, latest Income Tax Return at iba pang kailangan ng Department of Tourism. Panghuli,
kailangan momg makapasa sa ibibigay ng Departmento na pagsusulit na may kinalaman sa
turismo, (Cruz, 1999)
Anong ahensya ng pamahalaan ang may awtoridad na magbigay ng lisensya sa tour guide?
Ang Department of Tourism ay isa sa mga intitusyon kung saan siya ay awtorisado na
magbigay ng lisesya sa mga tour guide, subalit ito ay nabago nang maipasa ang Local
Government Code of 1991 kung kaya ito ay nailipat sa kagawaran ng LGU. Sa kasalukuyan ang
Department of Tourism ay pwede lamang magbigay ng accreditation na magpapatunay na ikaw
ay degree holder. (Cruz, 1999)
Mga Transportasyon

Mini buses, jeeps, elephants etc. para sa mga wildlife scenery


Cruise boats, ferry launchers, etc. para sa pandagat
Tourist coaches o Tourist buses para sa mga lungsod

Elemento ng Institusyon ng Turismo


Para kay Lim (2012) Ang pagbibigay ng sapt na imprastraktura ay mahalaga para sa ating
kapaligiran. Nakatutulong ito para mapanatili ang matas na kalidad ng ating kapaligiran na maari
rin naming makatulong para sa maging matagumpay ang turismo sa bansa at maging kanais- nais

sa mga residente. Ang mabisang pagpapaunlad, operasyon at pamamahala ng turismo ay


nangangailangan ng ilang mga elementong institusyonal.

Pagkakaroon ng mga government tourism offices at maging ang mga pribadong sektor ng

turismo gaya ng mga asosasyon ng mga ibat ibang hotel.


Ang mga turismo kaugnay ng legislasyon at regulasyon, gaya ng mga istandards and ang

mga pagkuha ng mga lisensya para sa mga hotel at ibat ibang mga travel agencies.
Pagkakaroon ng mga edukasyon at pagsasanay para maihanda ang mga tao na

magtrabaho ng mabunga sa larangan ng turismo.


Pagkakaroon ng mga kapital para madebelop ang mga ibat ibang tourist attractions, mga
facilities, serbisyo at mga imprastraktura na makakakuha ng atensyon ng mga turista sa

bansa.
Mga ibat ibang diskarte sa marketing para ma ipromote ang ating mga magagandang
tanawin sa mga rehiyon at hikayatin sila na puntahan ang mga magagandang lugar sa
bansa.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang ekspositori, deskriptib at
impormatib na pananaliksik. Sinubukang ilarawan, ipaliwanag at suriin sa pag-aaral na ito ang mga kontribusyon

ng mga lisensyadong tour guide sa pag usbong ng turismo sa ating bansa. Kung ano ang kahalagan nito sa bansa
at kung papaano magiging isang ganap na tour guide at lisensyado sa propesyong ito.

Respondante
Mga tour guides ng Prime Orienteer Tours and Travel Inc.

Mga Lisensyadong tour guides

Mga walang lisensyang


tour guides

Irene D. Negapatan

Lucky Neil S. Palacio

Ma. Lovella B. Gatdula

Roselle Mae Pilapil

Jemwelson Mariano

Paul John Dizon

Aireen Diniega

Benilda Cawaling

Mark Delos Reyes

Louxe Pelovello

Juliet Millamina

Suzanne Pineda
Hara Pere

Sila ang mga napili naming respondante para malaman naming ang pagkakaiba ng
lisensyado sa hindi lisensyadong tour guide. Sila ang mga naobserbahan naming mga tour
guide sa aming OJT. Mahingi ang kanilang mga opinyon pagdating sa kanilang mga
performances bilang isang tour guide.

Instrumento ng Pananaliksik

Sa papel na ito ang mga sumusunod ang aming ginamit upang makalap ang mga
impormasyon upang madagdagan ang aming mga ideya tungkol sa aming paksa:

Sarvey-Kwestyoneyr- sa pamamagitan nito makukuha namin ang akyureyt na sagot mula sa


mga respondante. Ang mga tanong din ay may patnubay n gaming guro sa Filipino at ang iba ay
mula sa aming mga karanasan.

Obserbasyon/ Karanasan- Ito naman ay mula sa aming mga sarili, mula sa aming naging OJT
at mula sa mga tour guide na aming nakasalamuha at naobserbahan.

Pagbabasa- sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro at iba pang reperens na kaugnay ng


mga tungkol sa turismo. Maktutulong ito upang mas makakuha kami ng mga malinaw na
kasagutan.

Intervyu- ginamit naming ang pamamaraang ito para makapanayam ang isang dalubhasa o may
higit na kaalama patungkol sa aming ginagawang papel na pananaliksik.
Tritment ng mga datos
Ang pamanahong papel ay hindi lamang isang paraan upang makakuha ng mataas na grado sa
asignaturang Filipino. Ito ay isang panimulang pag-aaral na maaaring makatulong sa pag- usbong ng turismo sa
ating bansa at upang mapalawak ang kaalaman ukol sa mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaroon ng lisensya
ng mga tour guide. Ang mga katanungang isinagawa ay pinaghandaan ng maayos upang mas epektibong makuha
ang impormasyong kailangan. Kaunti lamang ang mga respondente kabilang sa pag-aaral na ito ay ang paggamit

ng parehong pamamaraan ng pakikipanayam at pagsasarvey. Ito ay upang mas mabigyang pansin ang mga
mahahalagang detalye ng mga impormasyong ibinahagi na nagmula sa bawat indibidwal.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Kasarian

Higit na nakakalamang ang mga kababaihan


kaysa sa kalalakihan aming nasarvey.
Babae

18%

Lalake

82%

1.

Uri ng pinagtapusang kolehiyo


Pribado; 18%

Pampubliko; 82%

Mas marami ang nagtapos sa


pampublikong paaralan kaysa sa
pribado.

2.

Ikaw ba ay lisensyadong tour guide?


OO
14%

3.

86%

Hindi

Higit na nakararami ang hindi lisensyadong tour


guide kaysa sa lisensyadong tour guide base sa
aming sarvey.

Mahalaga ba ang lisensya sa isang tour guide?

2%

Karamihan sa aming nasarvey ay sang-ayon na


mahalaga ang lisensya sa isang tour guide.

OO
Hindi

98%

4.

Pareho ba ang kaalamang naibabahagi?


OO Hindi

38%
62%

5.

Ayon sa sarvey, hindi pareho ang kaalamang


naibabahagi ng isang lisensyadong tour guide sa
hindi.

Kaibahan pagdating sa performance

Ayon sa sarvey na aming


nakalap, ang pinakamataas na
porsyento ay ang kaibahan
pagdating sa kaalamang
ibinabahagi.

Higit ang kaalamang ibinabahagi


Mas safe kapag on tour
Higit na mataas ang rate
Iba pang dahilan
19%

7%

41%

32%

6.

KABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Sa pinagsamang limampung studyante at mga tour guides bilang aming respondante 98%
ang sumang ayon na mahalaga ang lisensya sa mga tour guide. Nangangahulugan lamang ito na
sa mga turista mahalaga na may lisensya ang mga tour guide.
Mas madami ang mga kababaihan na aming nakuhaan ng sarvey sa bilang na 82% at 12%
naman ang mga kalalakihan.
Sa aming mga respondante na mga tur guide 86% sa kanila ang walang lisensya o mga
tinatawag na Tour Facilitators at 14% naman sa kanila ay mga lisensyadong tour guides na
kinikilala ng Department of Tourism.
Pagdating sa kanilang ga performance sa loob ng byahe o kapag nasa tour 62% sa mga
respondante ang nagsasabing mas higit ang kaalamang naibabahagi ng mga ito kumpara sa 38%
na nagsasabing ito pare pareho lamang.
Dahil sa mga resulta ng aming nakalap na mga kasagutan sa sarvey kwestyoneyr mas
higit ang naniniwala na ang mga lisensyadong tour guide ay mahalaga sa pag usbong ng turismo
sa ating bansa.

Kongklusyon
Ayon sa ginawa naming pagsasarvey sa pananaliksik na ito, mas naniniwala ang isang
turista kapag may lisensya ang kaniyang tour guide at kaaya-aya. Mas marami ang naibabahagi
na kaalaman ng mga lisensyado kaysa sa hindi lisensyado. Ang ilan ay mas naaakit ang mga
turista sa mga lisensyadong tour guide dahil sa taglay nitong mga kaalaman na hindi naibabahagi
ng ibang hindi lisensyado. Mas nakakasigurado sila na may alam ang isang tour guide sa
pupuntahan nilang lugar.

Rekomendasyon
Sa pananaliksik na ito na aming isinagawa, nais naming ipabatid sa ibat ibang sektor an
gaming magiging payo. Sa pamahalaan, maging istrikto at mahigpit sa pagpapakuha ng mga
lisensya sa mga tour guide dahil ito ay magkakaroon din ng magandang bunga sa ating bansa. Sa
mga estudyante na kumukuha ng kursong may pagkakahintulad sa Turismo, dapat nilang pagaralan maiigi ang bawat pasikot sikot sa pagiging tour guide lalo na sa pagplaplano ng pagkuha
ng lisensya. Mahalaga ang lisensya sa bawat propesyon, dahil ito ang nagsisilbing pass nila para
maisagawa ang kanilang trabaho.

MGA PANGHULING PAHINA

Listahan ng Sanggunian

APENDIKS C
TRANSKRIPSYON NG INTERVYU KAY GNG. MA. LOVELLA B. GATDULA AT GNG.
IRENE NEGAPATAN, PEBRERO 24, 2015

Mga intervyuwer:
Alisna, Jiebell C.
Bayaborda, Alona May SP.
Lasala, Melanie C.
Saquilayan, Katrina Martha D.
Tempra, Florence V.

Florence: Magandang umaga po maam, Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na po kami

dahil sa inyong pagpapaunlak sa aming intervyu. Simulan na po naming ang pagtatanong.


Melanie: Bilang unang katanungan po, para po sa inyo, Bakit po kailangan magkaroon ng
lisensya ang mga tour guide?
Maam Love: Kaya kailangan magkaroon ng lisesnya ang mga tour guide kasi halimbawa may
mga dayuhang turista na gusting pumunta at mamasyal dito sa ating bansa hindi ka
papayagan ng Department of Tourism na mag guide kung hindi ka lisensyado. Kasi kapag
lisensyado kang tour guide alam mo na ang mga dapat mong gawin sa mga dayuhang
turista.
Florence: Ano baa ng kwalipikasyon upang maging isang ganap na tour guide?
Irene: Base sa opisina naming, ang mga kwalipikasyon upang maging isang ganap na tour guide
ay una, kahit papaano nakapag kolehiyo kahit dalawa o apat na taon. Pangalawa, may
good communication skills lalo na sa wikang Ingles kasi madalas puro pribadong
eskwelahan ang nagiging kliyente naming. Pangatlo, kailangan Physically fit dahil laging
maaga ang calltime ng bawat tour guide. Pang apat, dapat flexible ka bilang isang tour
guide para kahit saang tour ka ilagay o masama alam mo ang mga dapat mong gawin.
Panglima, dapat open- minded ka at alerto ka para sa mga turistang nagkakaroon ng
problema sa bawat tour na kasama ka bilang tour guide. At pang huli, dapat hindi ka
moody o sensitive sa bawat turista na magtataray sayo, dapat pakisamahan mo pa din sila
ng maayos kahit may ganun silang pag-uugali. Dapat maging matatag ka sa bawat tour
mo.
Alona: Paano po ba maging isang lisensyadong tour guide?
Maam Love: para maging isang ganap na lisensyadong tour guide, una sa lahat kailangan
makapagkolehiyo ka. Pangalawa, dapat makapag traning ka ng isat kalahating buwan,

pero bago ka makapagtraning kailangan mo mung maipasa ang exam na ibiigay ng


Department of Tourism. Pangatlo, kapag naipasa mo ang exam na kanilang ibibinigay
dadaan ka sa Panel Interview. At ang pinkamababang magiinterview sayo ay tatlo, base
sa aking karanasan apat ang naginterview sa akin. At ang madalas na tanong ay tungkol
sa pinasa kong application form at kinonekta nila ito sa tourism, tulad ko taga Montalban
ako at tinanong nila ako kung ano ang maitutulong ko bilang isang tour guide. Kaya ang
ginawa ko pinaliwanag ko sa kanila ang history ng Montalban. At kapag naipas mo ang
interview maari ka ng magsimula sa isat kalahating buwang training.
Jiebell: Anong ahensya po ng pamahalaan ang may awtoridad na magbigay nito?
Ireeen: Dati Department of Toursim ngayon LGU na dahil may napasang batas ukol ditto.
Katrina: Paano po ba nakatutulong ang isang lisensyadong tour guide sa pagusbong ng turismo
sa bansa?
Maam Love: Tayo ang nagwewelcome sa dayuhang turista na gusting pumunta sa ating bansa.
At mas nagtitiwala sila sa aten, dahil tayo ang tinatawag na front liner. Sa pamamagitan
ng pagpapakita ng mabuting asal gaya ng pagiging mabait, magalang at sweet. At higit sa
lahat may good communication skills. At higit sa lahat marunong ka dapat makisama sa
lahat ng gusto nilang gawin at puntahan o pasyalan.
Alona: Ang panghuli po naming katanungan ay kung papaano po nakakatulong yung mga
lisensyadong tourguide sa kompanya?
Irene: Unang una, nagtitiwala sila sa aming propesyon. Pangalwa, Mas nakakapanghikayat sila
ng mga turista. At mas malawak ang kanilang mga kaalaman. Nagiging isa din kami sa
mga asset ng isang kompanya. Siyempre kapag alam ng mga kliyente nilang may lisensya
ang mga tour guides ng kompanya nila, mas pipiliin nila ito kaysa sa ibang mga travel

companies. Kasi alam nila na safe and mapagkakatiwalaan nila ung mga tour guides nila
kasi nga may lisensya. Alam naman natin na mahirap kumuha ng lisensya.
Katrina: Maraming Salamat po sa pagpapaunlak niyo po sa amin na makapanayam po naming
kayo sa sulatin na aming ginagawa.
Alona: Sigurado po kami na malaki po ang maitutulong nito sa para po matapos namin ng
maayos at maging successful po ang aming papel na pananaliksik. Maraming Salamat po.

You might also like