You are on page 1of 6

Dyip, Ang Hari ng Kalsada

CLARE JOSEFIN JEI A. MIRALLES


11 – SAINT ALICE | ARTS & DESIGN
Understanding Culture, Society & Politics
__________________________________________________________________
Ako, bilang manunulat ng sulating-pananaliksk na ito, ay nangangako na ang bawat
pahayag at impormasyong isusulat ay likha ng may akda, maliban na lamang kung
marapat na pinahayag na hindi.

Karagdagang tulong mula kay G. Jeffrey Miralles.

INTRODUKSYON

Kilala ang Pilipinas sa kanyang makukulay at kakaibang paraan ng transportasyon. Kung sa Japan, kilala
ang kanilang mabibilis na tren, sa Pilipinas naman kilala ang mababangis na dyip o jeep. Subalit sa
palagay ko, ang terminong ‘mabangis’ ay hindi maaangkop sa lahat ng mga ito. Bilang komyuter,
napapansin ko ang pagkakaiba ng mga “Hari ng Kalsada”, kung tawagin. Iba’t ibang uri ng dyip ang
makikitang gumagapang sa mga Kalsada. Mayroong mabibilis at mababangis, dumadagundong ang
musikang pinapatugtog at dinig na dinig ang nag-mamaktol na makina. Subalit mayroon ding tila
pagong sa pagdaloy at minsa’y nag-iiwan ng kulay itim at makakapal na usok. At hindi lamang nakabase
sa edad at kapasidad ang mga ito, kung hindi pati sa kanilang disenyo. Ginawa kong inspirasyon ang
nagbubukod-tanging mga disenyo ng mga dyip na aking nasaksihan. Simula sa mga maka-luma at
simpleng mga disenyo hanggang sa makukulay na dyip na may mga mukha ng mga dayuhan. Simula
sa tradisyonal na uri hanggang sa modernisado at magkakamukhang mga ‘E-jeep’.

Ang mga adhikain o objectives ng sulating pananaliksik na ito ay, una, mailarawan kung paano naging
tanyag na simbolo ng Pilipinas ang binagong Willy’s Jeep 1943, at pangalawa, maintindihan ang
kahalagahan ng disenyo ng dyip sa kultura ng mga Pilipino. Sa aking pagkalap ng impormasyon, ako
ay nanaliksik sa paraan ng auto-ethnography. Dahil ang paksa ng aking sulating pananaliksik ay ang
iba’t ibang disenyo ng mga dyip, sa palagay ko ay mas marami akong kaalamang mababahagi sa pag-
mamatyag kaysa sa pakikipagpanayam. Sa pagkomyut ko pa lamang papunta at pabalik ng eskwelahan,
ay mainam na akong nakakapagobserba. Bumyahe ako sa Intramuros upang mapalalim ang aking pag-
saliksik.

KASAYSAYAN

Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Bago pa man maimbento ang dyip na makikita ngayon, mayroong nanunang bersyon na pinagugatan.
Noong 1910, naglabas ng dalawampu’t dalawang pampublikong sasakyan na marerentahan ng mga

Dyip, Ang Hari ng Kalsada Clare Miralles | Arts & Design


komyuter sa halagang dalawang piso sa isang oras.
(Ragodon, 2017) Nilikha ng Austin Motor Company ang
mga Austin Bantam’s Jitneys. Sa panahong ito ng Amerika,
ang ‘Jitney’ ay isang maliit na bus na may iisang ruta at
ginagamit bilang pampublikong transportasyon.
(Bhandari, 2016) Mula naman noong 1930 hanggang 1941,
nilabas ng Bachrach Motor Company ang American Austin
& American Bantam Cars na nagsilbing paraan ng
transportasyon ng publiko. “Pang-dalawahan” dahil bawat
isa ay may kakayahan lamang na magdala ng dalawang
pasahero. (“Manila Nostalgia”, 2012) Binansagang auto-
calesa o AC ang mga ito marahil dahil, ang tanging paraan
ng transportasyon ay ang mga kalesa bago pa man
mauso ang mga automobiles. Ang mga ito ay minsan ring
tinutukoy bilang ‘ninuno ng mga jeep’.

Figure 1. Mga uri ng AC na nilabas ng Bachrach Motor


Company. Ang magasin na ito ay inilathala sa Pilipinas
noong 1939. Courtesy kay G. Andrew Ma. Guerrero.
Larawan ay nagmula sa “Manila Nostalgic” sa
http://www.lougopal.com/manila/?paged=9

Figure 2. Bantam Car AC na pang-dalawahan.


Courtesy kay G. Emerson Manawis. Ang larawan ay
nagmula sa "Manila Nostalgic" sa
http://www.lougopal.com/manila/?paged=9

Sinasabi rin na ang sistema ng pag-upo ng


mga pasahero ay magkakaharap at
magkakalapit sa punto na ang kailang tuhod ay sumasagi ay dahil sa salitang ‘jeepney’. Jeep at ney
(katunog ng knee sa Ingles).

Pagkatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, libo-


libong mga dyip ng militar ang naiwan. Karamihan sa
mga ito ay ang 1943 Willy’s Jeep na binenta ng $50 bawat
isa. Ang Sarao Motors ay isa sa mga motor companies na
nagsimulang baguhin ang disenyo ng Willy’s Jeep upang
gawing pampasaherong sasakyan. Dahil dito, naging
tanyag ang mga Sarao Jeep. Dinugtungan at pinahaba
ang upuan ng mga pasahero, nilagyan ng bubong at
sinimulang kulayan at disenyohan ang labas at loob. Sa Figure 3. Sarao shop sa Las Piñas. Courtesy kay G. Ed
Sarao. Larawan ay nagmula sa "Manila Nostalgic" sa
panahong ito ang mga auto-calesa ay naging ‘Public http://www.lougopal.com/manila/?paged=9
Utility Jeep’ o PUJ. (Escalona, 2017)

Dyip, Ang Hari ng Kalsada Clare Miralles | Arts & Design


KARANIWANG ISTRUKTURA AT DISENYO NG DYIP

Ang mga sumusunod ang karaniwang mga elemento at disenyo ang napapansin ko sa mga dyip:

1. Destinasyon
Nakalagay sa plaka 2. Bukas na bintana
at nakasulat sa Bentilasyon
harap ng dyip

4. Ruta
Nakasulat sa bawat
gilid ng dyip
3. Reserbang gulong Figure 4. Larawan ay ginuhit ni Clare Miralles.
Nakakabit sa gilid ng
drayber
6. Kabilya
Hawakan ng
pasahero

5. Lubid
Pang senyas sa 6. Dashboard
drayber Kadalasang nilalagyan
ng dekorasyon

8. Upuan ng pasahero 9. Mudguard


Pahaba at magkaharap Disenyo at pamproteksyon sa
putik at alikabok

Figure 5. Larawan ay ginuhit ni Clare Miralles.

Sa tingnin ko makikita pa rin sa mga dyip ngayon ang


pagiging mapanuri ng mga Pilipino. Mayroon akong
nakikitang mga drayber ng dyip na may hinihilang ID
lace para makapagbusina. Pati ang lubid na hinihila
ng pasahero para senyasan ang drayber na bababa
na. Napapansin ko rin na halos lahat ng dyip ay may
tila ‘korona’ sa harap at itaas na bahagi. Kadalasan
din ay may nakasulat na pangalan tulad ng nasa
larawan. Kapansin-pansin rin ang mga imahen ng
kabayo na nakadikit sa harap ng dyip. Naisip ko na
ito ay may kaugnayan sa mga kalesa na dating
pangunahing paraan ng transportasyon.
Maoobserbahan rin na may mga dyip na may bandila
ng Pilipinas na nagmumungkahi ng malakas na
Figure 6. Larawawn ay kinuha ni Clare Miralles.
damdaming pagka-nasyonalismo.

Dyip, Ang Hari ng Kalsada Clare Miralles | Arts & Design


Figure 6. Larawan ay kinuha ni Clare Miralles.

Figure 7 & 8. Larawawn ay kinuha ni


Clare Miralles sa Kalsada ng Maynila.

Figure 9. Larawan ng kalesa sa


Intramuros.

DYIP BILANG SIMBOLO NG PILIPINAS

Tinagurian silang mga Hari ng Kalsada,


marahil ay dahil sa paraan ng kanilang
paglalakbay, partikular sa Manila, na
kadalasang sanhi ng trapiko at minsa’y
aksidente. Sa kabila ng kanilang mauusok at
masisikip na work environment, nasasakripisyo
na ng mga drayber ang kanilang kalusugan.
Dahil sa dinami-dami ng pangangailangan,
hindi ba’t mas uunahin ang kikitain kaysa sa
pangangailangan ng katawan? Mula sa loob
at labas ng dyip makikita angdrayber na
Figure 10. Larawan ay mula kay Clare Miralles.
sinasabay sa pagmamaneho ang pagbibilang
ng sukli at pagdadasal na dumami ang kanyang pasahero. Minsa’y pagnakakita ako ng dyip pumapasok
sa aking isipan ang pursigidong anak-pawis na taga-maneho. Naiisip ko ang kanilang tiyaga at
pagpupursigi at ang kanilang pamiliyang tinutustusan. Subalit, sa kabila ng lahat ng paghihirap,
sinasalamin din ng mga dyip ang pagiging masiyahin ng mga Pilipino. Sa lahat ng paghihirap na

Dyip, Ang Hari ng Kalsada Clare Miralles | Arts & Design


dinaranas ng mga tsuper at drayber, marami silang natutulungang mamamayan. Minsan, sa likod ng
dumadagundong tugtugin, naririnig ko ang masyang halakak nila. Tunay ngang mga optimista ang
mga Pilipino.

Noong nakaraang taon, napansin ko ang disenyo ng isang dyip. Nakapintura sa gilid ng dyip ang apat
na mukha at sa gilid may nakasulat na apelyedo. Bigla kong naisip ang mga bahay na nakikita ko sa
aking probinsiya. Sa harap ng mga bahay, mayroong nakadikit na lapida kung saan nakasulat ang mga
pangalan at trabaho ng mga anak. Napagtanto ko dito na hilig ng mga Pilipinong ipagmalaki ang
kanilang pamilya. Minsan rin, nakaguhit sa loob ng dyip ang mga pangalan ng kanilang pamilya o
napansin ko rin sa harap o likurang bahagi ng dyip nakasulat ang apelyedo nila. Sa tingin ko
napatunayan ko rito na ang mga dyip ay sumisimbolo rin sa pagiging family-oriented ng bayan.

Sinasalamin ng ang katangian ng mga Pilipino. Magmula sa pagpupursigi ng mga drayber hanggang
sa pagmamahal sa pamiliya. At minsa’y pati na rin ang Diyos. Bihira akong makikita ng dyip na walang
rosaryong nakasabit sa salamin. Minsan naman ay nakaguhit ang mukha ng Birheng Maria sa gilid ng
dyip. Sa tingin ko ito ang isang limitasyon ng bagong e-jeeps. Ang mga electronic na dyip na ito ay
kulay asul lamang na may tatak sa labas. Mas Malaki nga ang kapasidad ng mga ito, Subalit nawalan
na pagkakataong ipagmalaki ang kulturang Pilipino.

KAHALAGAHAN

Mayroong humigit kumulang na 240,000 na dyip ang naglilibot sa buong Pilipinas. Ibig sabihin,
mayroon ding humigit kumulang 240,000 na tao ang umaasa sa pagmamaneho ng dyip bilang kanilang
kabuhayan. Subalit hindi lamang ang mga drayber ang umaasa rito. Ang dyip ay ang pinakamurang
paraan ng transportasyon sa Pilipinas. Lalong lalo na sa mga kanayunan o rural areas kung saan tanging
dyip lang ang pampublikong transportasyon. Kung gayon, tradisyonal man o modernong dyip, hindi
mapagkakaila ang kanyang kahalagahan.

Base sa kasaysayan, hindi naman talaga Pilipino ang pangunahing taga-likha ng mga dyip. Matapos ito
disenyohan sa paglangkap ng kultura ng mga Pilipino, tsaka ito naging likhang-Pilipino. Mula sa mga
kalesa hanggang sa mga auto-calesas hanggan sa mga jeep at ngayo’y hanggang sa mga e-jeeps.
Mapapansin rito ang patuloy na kaunlaran ng Pilipino. Magmula sa matitingkad na kulay hanggang sa
larawan ng mga tao. Ang mga dyip ay representasyon ng mga Pilipino. Kung sakaling ang mga ito ay
nawala, malaking parte ng ating kasaysayan din ang maglalaho.

REFLEXIVITY

Bata pa lang ako sinanay na ako ng aking pamiliya sa


pag-komyut. Sa totoo lang, dahil walang marunong
magmaneho sa amin, ay mas sanay ako sa pagsakay
ng dyip o tren. Subalit sa pagobserba ko ng mga
dyip, lalo kong napansin ang mga maliliit na detalye
ng mga ito. Tulad na lamang ng mga kabayong
Nakalagay sa unahan ng dyip. Nakakatuwa ring isipin
na ang bawat dyip ay may sariling disenyo. Sa tingin
ko ay walang dyip na magkapareho ng disenyo at Figure 11. Isa sa mga kalesang nag-lilibot sa Intramuros.
labis ko ring ikinatutuwa ito.

Dyip, Ang Hari ng Kalsada Clare Miralles | Arts & Design


Namangha naman ako nang basahin ko ang artikulong “Manila Nostalgic” dahil sa mga litratong
pinakita ng Lumang Manila. Hindi ko aakalain ang itsura ng Maynila sa mga panahong iyon. At nang
maglabay kami sa Intramuros upang mas lubos na maintindihan ang mga dyip.

Ang pagsubok na naranasan ko ay ang pagsusulat ng pormal sa wikang Filipino. Sa totoo lang, sa una,
natuwa ako nang malaman ko na sa Filipino ito isususlat. Subalit habang ginagawa ko na, karamihan
sa mga ideyo ko ay naiisip ko sa wikang Ingles kaya’t kinailangan ko pang isalin. Nang magsimula ako
sa pagubo ng mga adhikain, naisip kong italakay ang mga disenyo ng dyip na sumikat sa bawat dekada.
Subalit wala akong nahanap na talaan o artikulo na patungkol dito. Bilang estudyante, mayroon akong
limitasyon sa oras dahil sa lahat ng kailangan ipasa at gawin para sa eskwelahan. Na-plano ko ring
maglakbay sa Sarao Museum sa Las Pinas para makita ang mga disenyo ng dyip sa bawat taon. Subalit
dahil sa kakulangan sa oras, hindi ito natuloy. Ngunit sa dinami ng mga impormasyong nakalap ko para
sa sulating-pananaliksik na ito, mas nabibigyan ko ngayon ng kahalagahan ang mga dyip. Hinihiling ko
lamang na mas marami ang maging malay sa kasaysayan ng mga dyip na isang simbolo ng ating bansa.

SANGGUNIAN:

 Escalona, K. (2017, September 11). How the Jeepney Became a Filipino National Symbol.
Retrieved August 27, 2019, from Culture Trip website:
https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/how-the-jeepney-became-a-filipino-
national-symbol/
 Ragodon, R.W. The jeepney’s long farewell. (2017). Retrieved August 27, 2019, from
https://www.topgear.com.ph website: https://www.topgear.com.ph/features/feature-
articles/jeepney-modernization-2018-a52-20171221
 Lougopal. (2010, June 12). Manila Nostalgia. Retrieved August 27, 2019, from Manila Nostalgia
website: http://www.lougopal.com/manila/?paged=9
 Bhandari, S. (2017, September 8). THE KING OF THE ROAD. Retrieved August 27, 2019, from
Felipe and Sons website: http://felipeandsons.com/the-king-of-the-road/
 Destacamento, J. (2018, February 18). Sarao Motors: The Jeepneys the Philippines are Known For
— The Jerny - Travel and Inspirations. Retrieved August 27, 2019, from The Jerny - Travel and
Inspirations website: https://thejerny.com/travel/sarao-motors-jeepneys-philippines-known-for/
 Alcazaren, P. (2003, May 24). Jeepney jive. Philstar Global, Retrieved August 27, 2019, from
philstar.com website: https://www.philstar.com/lifestyle/modern-
living/2003/05/24/207381/jeepney-jive
 Coz, M. C., Flores, P. J., Hernandez, K. L., & Portus, A. J. (2015). An Ergonomic Study on the
UP-Diliman Jeepney Driver’s Workspace and Driving Conditions. Procedia Manufacturing, 3,
2597–2604. https://doi.org/10.1016/j.promfg.2015.07.584

Dyip, Ang Hari ng Kalsada Clare Miralles | Arts & Design

You might also like