You are on page 1of 3

Balitang Pinoy

Scriptwriting and Broadcasting


November 23, 2019

Station ID: Mata ng bayan, boses ng katotohanan, numero uno sa balita

Ito ang Balitang Pinoy !

(Sound effects malakas)

Anchor 1: Para sa ulo ng mga nagbabagang balita.

Dami nang naghikahos: Grupo iginiit na huli na ang pagpapatigil ng rice


importation

Anchor 2: Subsidiya, di pautang, ang kailangan ng mga magsasaka

Anchor 1: Mga magsasaka , lalo raw nabaon sa utang dahil sa Rice Tariffication Law.

(Sound)

Anchor 1: Elsie Marie Luminario

Anchor 2: Pieta D. Mequi

News Patroller: Lister Mosquito

News Patroller: Marie Lyn Joy Moralita

News Patroller: Rina Mae Makinano

(Sound)

Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob ng bansa.

Anchor 2 : Mga isyung tinututukan.

Anchor 1&2: Balitang Pinoy!

(Sound hihina at hihinto)

Anchor 1: Magandang Hapon mga Kapamilya. Huli na para makatulong sa mga magsasaka
si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ipag-utos ang pagsuspinde sa pag angkat ng
bigas. Nagpapatrol Lister Mosquito.

(Effects)
News Patroller Lister: Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, napatay na
ang kabuhayan ng maraming lokal na magsasaka dahil sa dami ng inangkat na bigas mula
nang ipatupad ang rice tariffication law. Wala na ring silbi kung ngayon pa ititigil ang pag-
angkat ng bigas. Sa press conference noong gabi ng Martes, bukod sa pag-utos ng
suspensiyon ng pag-angkat ng bigas, inutusan din ni Duterte ang Kongreso at si Agriculture
Secretary William Dar na maglaan ng perang ipambibili ng palay mula sa mga lokal na
magsasaka. Pero ayon kay Nicasio Ortiz, tagapagsalita ng Alyansang Magbubukid sa
Gitnang Luzon, wala nang saysay ang utos ni Duterte na pagbili ng palay gayong malapit
nang matapos ang panahon ng anihan at naibenta na ang ani sa mababang presyo.

Lister Mosquito, Balitang Pinoy News.

(Sound)

Anchor 2: Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) ang ipinagkaloob na pautang sa


mga magsasaka bilang ayuda kasunod ng pagbagsak ng presyo ng palay. Pero iginiit ng mga
magsasaka na hindi nila ito ramdam. Ayon din sa kanila: subsidiya, hindi pautang, ang
solusyong kailangan nila.

Nagpapatrol Marie Lyn Joy Moralita.

(Effects)

News Patroller Marie Lyn Joy: Sa isang press conference, ibinida ng DA at Landbank of
the Philippines ang pagpapautang sa mga provincial government ng pondo para bilhin ang
palay ng mga magsasaka sa halagang P15 kada kilo. May mga loan assistance din umanong
ayuda para sa mga apektado ng rice tariffication law. Nauna nang idinaing ng mga
magsasaka na lumagapak sa P7 hanggang P11 ang presyo ng kada kilo ng palay mula P17
hanggang P20 noong 2018. Ipinangako rin ng gobyerno na sa huling 3 buwan ng taon
mararamdaman ng mga magsasaka ang kalahati ng rice competitive enhancement fund
(RCEF) na manggagaling sa koleksiyon ng taripa ng mga inangkat na bigas. Pero ayon sa
grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang mga miyembro ng mga
rehistradong kooperatiba ng gobyerno lang ang matutulungan nito. Sa kabila ng bagsak-
presyong palay, nanatiling P30 ang presyo ng kada kilo ng pinakamurang inangkat na bigas
habang P33 kada kilo sa lokal na bigas sa ilang pamilihan.

Marie Lyn Joy Moralita, Balitang Pinoy News

(Sound)

Anchor 1: Umaaray ang ilang magsasakang Pilipino sa bumagsak umanong presyo ng palay
kasabay ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law. Lalong nabaon sa utang ang mga
magsasaka matapos bumaha ng imported na bigas sa bansa.

Nagpapatrol Rina Mae Makinano.


(Effects)

News Patroller Rina Mae Makinano: Sumadsad na raw sa P7 hanggang P8 kada kilo ang
bilihan ng palay sa ilang lugar sa Nueva Ecija at Tarlac.

Ang ilang mga nawalan na ng pag-asa sa industriya ng pagsasaka, ibinenta na umano ang
kanilang mga bukid.

Hindi naman naniniwala si Senador Cynthia Villar, may-akda ng naturang batas, na bumaba
sa ganoong presyo ang benthan ng palay. Giit ng mga magsasaka, dapat suspendihin muna
ang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law. Ngunit ayon naman kay Villar, hindi na raw
maaaring pigilan ito,

"Wala na tayong choice kasi after 22 years we have to liberalize because that is the
agreement with WTO [World Trade Organization]," ayon sa senadora.

Rina Mae Makinano, Balitang Pinoy News.

(Sound)

Anchor 2: Iyan po ang mga balita nakalap mula sa istasyong di lamang naghahatid ng
balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.

Anchor 1: Maraming salamat at magandang hapon po sa ating lahat Ako po si Elsie Marie
Luminario.

Anchor 2: At ako naman po si Pieta Mequi. Mula sa…

Anchor 1: Mata ng bayan…

Anchor 2: Boses ng katotohanan..

Anchor 1: numero uno sa balita.

Anchor 1&2: Ito ang Balitang Pinoy !

(Effects and Sound)

You might also like