You are on page 1of 1

LAKBAY SANAYSAY

Sino ba satin ang ayaw mag-lakbay?Halos lahat ng mga kabataan ngayon ay may mga
travel destination kasama ang mga kanilang mga kaibigan,ka-klase at pamilya.Bilang isang
estudyante gusto kong makarating sa ibat ibang lugar hanggang ako ay bata pa upang sa ating
pagtanda mayroon tayong mga pangyayring hindi malilimutan.

Unang lugar na aking narating ay Poctoy White Beach,dito kami ng barkada


nagpapakasaya maraming ang mga pangyayaring hindi namin malilimutan lalo kung ang isa sa
aming barkada ay napapagtripan.Dito din sa lugar na ito maraming ang pwedeng mapagkunan ng
mga litrato dahil s ganda ng paligid.

Ikalawang lugar na aking napuntahan ay ang National Museum of the Philippines,Luneta


Park at Intramuros.Ang national museum of the Philippines o pambansang museo ay isa lamang
sa magagandang lugar na pwedeng puntahan sa lungsod ng maynila.Bukod sa walang entrance
fee, may matutunan ka pa.Subalit mahigpit ang kalaran ng mg taong nangangasiwa sa museo.

Ikatatlong lugar na aking tinahak ay ang Luneta Park,ditto matatagpuan ang bantayog ng
ating pambansang bayani na si Dr.Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realondo o mas kilaa
sa pangalang Dr.Jose Rizal.Ang luneta park ay isa lamang sa maganda at organisadong lugar sa
pilipinas, tinawag na “Luneta” ang lugar na ito dahil sa hugis ng kalahating buwan.Ang Rizal
Park ay isang lugar na kung saan pwedeng dalhin ang pamilya, kaibigan,atkasinyahan.

Ikaapat na aking tinungo ay ang Intramuros.Ang Intramuros ay isa rin sa magagandang


pasyalan sa pilipinas.Dahil sa ganda ng tanawin na hatid nito,hindi na nakakagulat na dinadayo
ito ng mga turista at kapwa nating Pilipino upang mamasyal.Maraming pewedeng puntahan sa
Intramuros,tulad ng isang sikat na simbahan sa Pilipinas ang Manila Cathedral.Maraming turista
at pinoy na nagsisimba ditto,ang pagsakay sa kalesa ay isa din sa dahilan kung bakit madaming
tao ang pumunta sa Intramuros.

Ikalima lugar na tinahak ko ay Sibuyao,dito kami nagcamping ng dalawang araw.


Masaya ang naging pagsasama namin ng aking mga kaklase ,madaming kaming pinuntahan sa
lugar ng sibuyao.Pagsapit ng gabi kami ay nagbonfire sabay kami ay naginom ng alak ,at nang
kami ay matutulog na pinagtripan namin ang dalawa naming kasama.Masasama ang mga
pangyayaring naganap sa lugar ng sibuyao iyon ang da best na hindi ko malilimutan.

Itong mga lugar na aming pinuntahan ay hindi ko basta basta kalilimutan dahil ito ang
mga pangyayari na pwede naming itago sa aming isipan.

You might also like