Professional Documents
Culture Documents
rft5Sa halos mahigit na sampung oras na aming biyahe narrating namin ang
bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte. Mula sa daan natatanaw ko ang
kamangha-manghang kulay asul na tubig sa dagat
na tila dinadala ako sa langit. Nang makarating kami sa Saud beach resort, kung
saan ang una naming destinasyon agad naming tinungo ang nakareserba
naming mga kwarto at dumiretso na agad sa dagat. Sa halos mahigit isang oras
kaming nasa dagat, nakaramdam din kami ng pagod kaya umahon na kami.
Pagkatapos namin sa Bangui nadaanan namin ang Marcos Gallery kaya bumaba muna kami at naglibot
sa lugar. Makikita roon ang mga imahe ng mga Marcos at mga nagawa ng datig
Pangulo na si Ferdinand. Napakamakasaysayan roon at madami ang aking
nalaman.
Pumunta rin kami sa Baluartekung saan makikita ang iba’t-ibang hayop doon pagkatapos namasyal
naman kami sa Vigan sa Kalye Crisologo Hindi lamang ako nabusog sa mga pagkain nabusog din ang
aking mata sa mga tanawin na aking nakita.