You are on page 1of 1

Replektibong Sanaysay

Replektibong Sanaysay

Ni Mikaella L. Daquiz

Natatanging Karanasan Bilang Mag-aaral

Bilang isang matagal nang mag-aaral, ay masasabi kong sobrang dami ko nang
karanasan bilang isang mag-aaral. Masasabi ko na ang isa sa mga natatangi kong karanasan ay
ang makabuo ng pagkakaibigan habang ako ay nasa paaralan at nakikisalimuha sa iba pang
estudiyante na araw-araw mong makakasama sa silid-aralan ay napakasaya dahil may mga
kapwa-estudiyante kang makakausap, makakasabay sa recess at makakasama mo sa pag-gawa ng
mga proyekto na kailangang ipasa. Sa ganoong momento ay masasabi ko na isa ang
pakikipagkaibigan sa mga natatangi kong karansan bilang isang mag-aaral.

At pagtungtong ko naman sa sekondarya ay may mga bagay na hindi na katulad nung ako
ay nasa elementarya. Ang natatanging karanasan ko noong ako ay nasa sekondarya ay ang
pagbuo ng tiwala sa sarli lalo na kapag may mga reportings at mga aktibidad na kailangan ay
grupo at ako ang lider. At isa pa ay ang karanasan na may intramurals, dahil sa elementarya ang
walang intramuerals. Masaya ang magkaroon ng intramurals dahil pahinga na rin yon sa dami ng
gawain sa paaralan at para ka na ring nasa perya dahil marami ka ding mga booth na pwedeng
puntahan, maraming mga iba’t ibang klase ng pagkain na pwede mong bilhin, at may mga
nakaka-excite na booth na pwede mong puntahan, at may mga events din na gaganapin sa
paaralan.

Ngunit ngayon ay hindi na muna natin mararanasan ang mga bagay na iyon dahil sa
pandemya, dahil puro online class na ang mga klase ngayon, hindi natin makikita ang ating mga
guro at mga kamag-aral sa personal, at hindi rin natin mararansan ang intramurals at iba pang
mahahalagang bagay na ginagawa sa paaralan. Masaya pa rin naman kahit sa online na lang,
dahil pwede pa rin magkita-kita gamit ang mga social media.

Mikaella L. Daquiz HUMSS 12 B FPL Takdang Aralin (Week 6)

You might also like