You are on page 1of 2

Nikki Karen M.

Sunga
HUMSS 12- Beethoven

Replektibong Sanaysay tungkol sa Maagang Pagbubuntis o


“Teenage Pregnancy”

Sa kasalukuyan, parami na nang parami ang mga isyu tungkol sa “teenage pregnancy” o
maagang pagbubuntis. Lumalaganap na ito sa iba’t ibang parte ng bansa. Maraming mga posibleng
rason o kadahilanan ng paglaganap nito sa buong mundo. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata,
ang mga teenager ay kadalasang nakadarama ng peer pressure na makipagkaibigan at maging kapareho
ng kanilang mga kaedad. Sa maraming mga pagkakataon, ang mga kabataang ito ay pumapayag na
maimpluwensyahan sila na makipagtalik kahit na hindi pa nila lubos na naiintindihan ang kaakibat na
mga resulta ng ganitong mga gawain. ANg mga kabataan ay nakikipagtalik dahil ang akala nila ay
pinagmumukha sila nitong cool at naaayon sa uso. Ngunit kadalasan, ito ay nauuwi sa hindi inaasahang
pagbubuntis.

Isa na rin rito ang kahirapan o kawalan ng panustos kaya marami ang nagpapasyang ibenta ang kanilang
sarili, Maliban dito, ang temptasyon ay isa ring napakahirap labanan na dahilan. Hindi mapigil ang mga
mapupusok na damdamin lalo na sa mga magkarelasyon na labis-labis ang pagmamahal sa isa’t isa,
Madalas inaakala ng karamihan na sila na talaga ang magkakatuluyan habang buhay kung kaya’t inisip
nilang ibigay na lang ang kanilang sarili, ngunit hindi nila alam na maraming mapagsamantalang lalaki at
ito lang ang habol sa kanila.Kailangan mapigil na ang pagdami ng mga biktima nito.

Lagi nating tatandaan na nasa simula lang ang sandaling sarap ngunit ang kasunod nito’y
pangmatagalang hirap. Kailangang mag-ingat din sa pagpili ng mga kinakasamang barkada sila ang
nagdudulot minsan ng ating ikapapahamak. Marahil ay sila pa mismo ang mag-uudyok at magtuturo
sa’yo na gawin ang hindi nararapat. Halimbawa nito ay pag-iinom ng alak, paglalakwatsa, paninigarilyo
at iba pa kahit na dati’y hindi mo ito ginagawa. Problema rin ang kulang sa disiplina ng mga magulang,
minsan ang mga magulang mismo ng mga kabataan ang dahilan kung bakit sila napapariwara, marahil di
sila nagagabayan nito ng maayos o hindi nila ito napagtutuunan ng pansin dahil narin sa kanilang mga
trabaho, kaya sa aking palagay dapat kahit gaano pa sila kaabala dapat magbigay paden sila ng oras sa
kanilang mga anak upang kamustahin ang kalagayan nito at magabayan sila ng maayos .
Nikki Karen M. Sunga
HUMSS 12- Beethoven

Lakbay –sanaysay

Enchanted Kingdom
Hinding hindi ko makakalimutan ang aking napakagandang
karanasan sa lugar na ito. Educational tour namin noon at marami
kaming napuntahan ngunit ito lang ang pinakanagustuhan ko. Dahil
sa napakagagandang rides nito. Syempre bilang bata nais naming
magkakaklase na maexperience ang ibat ibang rides dito ngunit
saglit lamang ang binigay saaming oras dahil malayo pa ang aming
byahe pauwi, nais pa sana naming magtagal ngunit ang kalahating
araw ay hindi sapat sapagkat sadyang napakadami pa naming
gustong masakyan. Sa aking palagay sobrang naenjoy naman namin
ito ng aking mga kamag-aral.

Space Shuttle
Ito ay isang parte ng enchanted kingdom.Itong rides na ito ay
pinakakinakakatakutan dahil ito ay isang rides na pinaka mataas
at mabilis. Nagpasya kami ng aking mga kaibigan na sakyan ito,
ngunit ang iba ay bumalik sa takot, tatlo nalamang kaming natira
na tumuloy sakyan ito.sa una ay nakakatakot ngunit kapag
nakasakay ka na ay sobrang nakakaexcite at napakasaya ang
naramdaman namin. Sa aming pagsakay natutunan namin na
hindi lahat ng bagay ay kailangan katakutan kailangan lamang
magtiwala sa sarili at magpakatatag. At sa huli sila ay
nanghinayang kung bakit di nila ito sinakyan.

Marami din kaming mga nasakyan gaya na


lamang ng mga nasa larawan na ito. Masasabi
kong sobrang nag-enjoy kami sa aming
pinuntahan dahil lahat ng mga naranasan
naming sakyan ay bago at siguradong hinding
hindi namin malilimutan. Ngunit sa kabila ng
pag sasaya kinakailangan pa rin namin mag
ingat at maging disiplinado upang maging
maayos at mas masaya ang aming paglalakbay.
At kung may pagkakataon man na kami ay
mamasyal o maglakbay muli, pipiliin ko paring
bumalik sa lugar na ito dahil ang mga karanasan
ko sa magandang lugar na ito ay di
mapapantayan.

You might also like