You are on page 1of 21

Anak ng OFW, SEA

Anak ng OFW na mag-aaral sa SEA: Isang pagsusuri

INTRODUKSYON

Dumarami ang mga pamilyang nawawalay sa isa’t isa sapagkat lino-

libong OFW ang umaalis ng bansa bawat araw para magtrabaho sa iba’t

ibang parte ng mundo. Kadalasan ay taon ang binibilang bago sila

makabalik ng bansa. Bawat pawis at pagod na iginugugol nila sa

kanilang trabaho ay may kanya-kanyang pinaglalaanan at ang

pinakamagandang halimbawa nito ay para sa kapakanan ng kanilang

mga anak. Subalit sa kanilang pag-uwi ay mayroong mga pagbabagong

hindi naiiwasan. Mahirap at masakit ang mga pangyayaring ito para sa

isang OFW ngunit magkasing hirap din para sa pamilyang naiwan nila

sa bansa ang gayong sitwasyon. Lingid sa kaalaman ng mga magulang

ay nagkakaroon ng malaking epekto ang paglayo nila sa kanilang mga

anak. Halimbawa nito ang pag-iiba ng pag-uugali at pakikitungo ng

kanilang anak sa kapwa, pagbabago ng kanilang pagganap sa kanilang

katayuang pang-akademiko, pananaw at paniniwala sa buhay.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga epekto na nararanasan ng mga

anak ng OFW sa SEA. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang

pinakamatimbang na suliranin na dinadala ng mga mag-aaral sa

kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Datapwat marami sa anak ng

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
1
Anak ng OFW, SEA

OFW ang nakaaangat sa estado ng buhay, hindi maitatago na may

pinagdaraanan ang mga ito. Ito ay naglalayon na mas makapangalap pa

ng mga kaalaman tungkol sa nararanasan ng mga anak ng OFW.

Hinahangad din ng pag-aaral na ito na malaman pa kung paano nila

isinasabuhay ang kanilang pang-araw-araw, kung ano ang pakiramdam

na maging anak ng isang OFW, kung paano nila nailalarawan ang

relasyon nila sa kanilang mga magulang at kung paano nila nakakaya

ang ganoong sitwasyon na hindi nila nakakasama ng pisikal ang

kanilang mga magulang.

Ito ay para rin masuri kung paano nila nakokontrol ang bumabalot na

emosyon sa kanilang pagkatao sa mga panahong sila ay nananabik sa

presensya ng kanilang mga magulang, naiinggit sa mga buong pamilya

na kanilang nakikita at naghahangad ng yakap mula sa kanilang ama o

ina. Sabi nga ni Rhacel Parrenas sa kanyang riserts, “Ang emosyon ay

mayroong kakayahang ipaliwanag ang mga bagay na nagaganap at isa

rin itong paraan para matuklasan ang mga bagay na nakukubli sa

reyalidad.”

Sa November 24 issue ng Time Magazine ay may tatlong pahinang

artikulo na ang pamagat ay “The Motherless Generation.” Sa artikulong

ito ay tinalakay ang mga negatibong epekto sa paglaki ng mga bata na

malayo sa pagkalinga ng kanilang mga magulang, lalo na ng kanilang

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
2
Anak ng OFW, SEA

ina dahil ito ay migrant worker at nagtatrabaho sa ibang bansa.

Nabanggit sa nasabing artikulo na ayon sa pag-aaral ng UNICEF

lumalabas na kadalasan ang mga batang teenagers na ang isa o ang

parehong mga magulang ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho ay nag-

iiisip at naniniwala na ang kanilang kinabukasan ay hindi magiging

kasing buti o kasing ayos kung ihahambing sa kinabukasan ng mga

teenagers na ang mga magulang ay kapiling o kasama nila sa araw-araw.

Ang kaisipang ito ay namamalagi sa mga bata na ang mga magulang ay

nasa ibang bansa sa kabila ng kanilang maayos na kalagayan sa pag-

aaral at pagkakaroon ng supisyente o higit na allowance. Sinasabi rin sa

iba pang pag-aaral na ang mga bata na ang ina ay nasa ibang bansa ay

hindi kasing masayahin kung ihahambing sa mga bata na ang mga ama

ang siyang nasa ibang bansa. Ito ay nagpapatunay lamang kung gaano

kahalaga sa mga bata ang patnubay ng isang ina.

Dahil sa mga pag-aaral na ito, sinasabi sa naturang artikulo na

napakabigat ang “social cost” ng labor migration o ang pagkawala ng

mga magulang habang lumalaki ang mga anak. Ang ilan sa mga ito ay

ang maaring maagang pagkabuntis ng mga anak na babae, depression,

drug abuse, incest at exposure to violent crimes katulad ng physical

assault at rape.

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
3
Anak ng OFW, SEA

Kaligiran ng Pag-aaral:

Sa kabila ng maraming pagsusuri ukol sa suliranin ng mga anal ng ofw

sa sea, it ay nangangailangan pa ng karagdagang pag-aaral. ito ay upang

magkaroon ng mas napag tibay na kongklusyon kung paano ito nakakaapekto

sa mga mag aaral. ang pag-aaral na ito ay lubos na makatutulong sa mga

kapwa mag-aaral, magulang at maging sa mga guro kung paano nila

miintindihan at mapapakibagayan ang mga inaasal at pinapakintang emosyon

ng mga kabataang nakawalay sa kanilang mga magulang.

Ang mga mag-aaral sa SEA na mayroong magulang na OFW ay

nakakaranas ng iba’t-ibang pagsubok na nakakaapektosa lahat ng aspeto ng

kanilang pagkatao. hinggil sa pagsusuring, ito nais ng mga mananaliksik na

malaman ang kasagutan sa mga sumusunod na problema: Ano ang mga

suliranin ng mga anak ng OFW sa SEA?; Anong implikasyon ng pagiging OFW

ng magulang ng mag-aaral ng SEA sa :

a) Academic performance ng anak, b) Pag uugali

Disenyo at metodo:

Ang mga mananaliksik ay gagamit lamang ng talatunungan o sa

pamamaraang survey ipang matugunan ang mga datos sa pag-aaral.

kakikitaan ito ng mga katunayan ukol sa suliranin ng mga anak ng OFW sa

SEA , Implikasyon sa akademikk performance at pag-uugali. ang unang hanap

ng mga tanong ay sasagutin sa pamamagitan ng pag re-rate mula 1-4. 1

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
4
Anak ng OFW, SEA

katumbas ng hindi kainlanman, 2 bihira, 3 madalas, at 4 sa

palagi. Samantala, ang ikalawa at ikatlong Hanay ng mga tanong ay irerate

mula 1-4 katumbasng 1 ay di totoo, 2 di-gaaning totoo, 3 totoo, at 4 sa totoong-

totoo.

Ang Pag-aaral na itoay isasagawa mula Enero hangang Mayo ng taong

2016Balilimata lamang sa mga mag-aaral ng school of engineering and

Arcgitecture sa Saint Louis University na nak ng Overseas Filipino Workers and

populasyon ng pananaliksik

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
5
Anak ng OFW, SEA

TALAHANAYAN I. SULIRANIN NG ANAK NG OFW SA SEA.

MGA BARYABOL X DISKRIPSYON RANGGO

Nakakaramdam ng Depresyon 2.25 BIHIRA 4

Naiinggit sa kumpletong pamilya 2.44 BIHIRA 3

Pangungulila sa magulang 2.49 BIHIRA 2

Nakararamdam ng tampo o galit sa 1.94 BIHIRA 8

magulang

Gumagamit ng ipinagbabawal na 1.20 HINDI KAILANMAN 10

gamut

Nagiging malihim sa nararamdaman 2.23 BIHIRA 5

Nakakasama ang magulang tuwing 2.64 MADALAS 1

espesyal na okasyon

Nag – iisip na hindi sapat ang sarili sa BIHIRA 7

tingin ng mga magulang 1.97

Nagsisinungaling sa mga magulang BIHIRA 6

Nag – iisip na inabandona na ng mga 2.08 HINDI KAILANMAN 9

magulang 1.45

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
6
Anak ng OFW, SEA

Ang bilang ng mga mag-aaral mula sa SEA na

nangagsipag-sagot sa talatanungan ay mayroong eksaktong bilang na

isang daan na kung saan maaring ang ina, ama o kapwa sa kanilang

mga magulang ay naningibambansa. Ayon sa resultang ito, hindi nila

pinoproblema ang hindi makasama ang kanilang mga magulang tuwing

may mahahalagang okasyon, marahil ay itinataon ng kaning mga

magulang ang araw ng kanilang uwi tuwing may mahalagang pagtitipon.

Ang mga OFW na mayroongmas malalaking sahod ay kadalasang sila ag

mas may kakayahang umuwi ng madalas upang makasama ang

kanilang pamilya (University of the Philippines, 2002). Hindi rin maiaalis

sa kanila na makaramdam ng inggit sa tuwing nakakakita sila ng

masaya, buo at sama-samang pamilya. Ang hirap at sakripisyo na

malayo sa isa’t isa ay tunay na nagdudulot ng pagsisisi, awa sa sarili,

lungkot at inggit hindi lamang sa mga anak na naiiwan bagkos ay

maging sa kanilang magulang na nasa ibang bansa (Parrenas, 2001). Sa

kabilang dako, ang pag gamit naman ng ipinagbabawal na gamot ang

mayroong pinakamababang porsyento o ranggo bagamat mayroon pa din

na iilan (14) na nagsabing nakararanas na silang gumamit nito. Maliban

pa ditto, may iilan din ang nagsasabi na nakakaramdam sila ng lungkot

pang-aabandona sakanila mula sa kanilang mga magulang. Sa pag-alis

ng isang magulang na OFW, nangangailangan na mayroong humalili sa

kanilang tungkulin na alagaan at arugain ang kanilang mga supling

ngunit hindi pa rin maaalis sa Sistema ng mga ito na makaramdam ng

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
7
Anak ng OFW, SEA

pang-aabandona sa kanila na nagdudulot ng labis na

kalungkutan sa kanila (Pessar at Mahler, 2003; Leavitt and Glick, 2004).

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
8
Anak ng OFW, SEA

TALAHANAYAN II. A) IMPLIKASYON SA ACADEMIC PERFORMANCE.

MGA BARYABOL X DISKRIPSYON RANGGO

Lumiliban sa klase 1.58 HINDI TOTOO 8

Napapasama sa maling kaibigan 1.48 HINDI TOTOO 9

Nagiging barumbado sa guro 1.20 HINDI TOTOO 10

Hindi magawang makapag – aral ng 2.03 DI-GAANONG 7

mabuti TOTOO

Pagiging mahiyain sa eskwela 2.65 TOTOO 6

Disiplinado ang galaw sa paaralan 2.90 TOTOO 4

Matalino magpasya 2.87 TOTOO 5

Kinokonsidera ang nararamdaman ng 3.25 TOTOONG TOTOO 3

magulang sa ikinikilos

Gustong maipagmalaki ng magulang 3.40 TOTOONG TOTOO 1

Marunong makuntento sa mga bagay 3.32 TOTOONG TOTOO 2

na natatamo

Sa isang daang mag-aaral, siyamnapu’t pitong porsyento (97%) sa kanila

ang nagsasabi at sumasang-ayon na gusto nilang maipagmalaki sila ng

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
9
Anak ng OFW, SEA

kanilang mga magulang kaya’t labis nilang pinagbubuti

ang kanilang pag-aaral. Isa na ring dahilan ang tuwinang pakikibalita

ngkanilang mga magulang sa kanilang estado sa paaralan tuwing may

pagsusulit, matatapos ang semester o bigayan ng report card (Chen and

Feng, 2007). Mayroon ding malaking porsyento ang nagsabi na

marunong silang makuntento sa mga bagay na kanilang natatamo. Ang

hirap at pagpupursigi ng kanilang mga magulang, maging ang kanilang

“emotional sacrifices” gaya ng pagtitiis na malayo sa kanila para lamang

sa kasiguraduhan ng pagkakaroon ng magandang kinabukasan, ay labis

nilang napapahalagahan (Parrenas, 2000). Ang kanilang mga magulang

ay nagsasakripisyo ng husto para sa kanila ngunit gayon din naman ang

kanilang mga anak maliban sa paglaki ng malayo sa mga magulang.

Hindi sapat ang pagpapadala lamang ng pera sapagkat bawat isa sa mga

batang naiiwan sa bansa ay nasasabik at nangangailangang tunay ng

pagmamahal, suporta at atensyon (Parrenas, 2001). Kinukunsidera din

nila ang nararamdaman ng mga magulang at natututong magsipagpasya

ng matalino. Ang ganitong klase ng sitwasyon ay nagdudulot ng

“Financial Stability”, “Initial Academic Decline”, “Numbness to Absence”,

at maging ng paglago ng kaisipan sa kanilang murang edad (University of

the Philippines, 2002). Pinatototohanan rin dito na hindi rason ang

lumaki ng malayo sa magulang upang ikaw ang isang mag-aaral ay

maging barumbado sa kanilang guro, mapasama sa maling kaibigan at

hindi makapag aral ng mabuti kahit pa mayroongmangilan-ngilan sa

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
10
Anak ng OFW, SEA

kanila na nakararanas ng ganito. Ang sakop ng bilang ng

mga kabataang napapabilang sa ganitong uri ng krisis ay patuloy na

lumalawak. Sila ay nakararanas ng problema at pagkahapo pagdating sa

kanilang pag-aaral (Pitcher et al., 1992, 63-67). Ngunit sa mga

pagdaranas na ito ay patuloy nilang pinagbubuti ang kanilang pag-aaral

na humahantong sa matalinong pagpapasya.Napatunayan din na ang

mga mag-aaral na nakawalay sa kanilang ina ay mayroong mas mataas

na posibilidad na mahirapang makapagkonsintreta sa pag-aaral

kumpara sa iba (Battistella and Conaco, 1998; ECMI/AOS – Manila et

all., 2004; ASIS 2006b).Nahihirapan din sila sa pakikipagsosyo sa ibang

tao o ibang kamag-aral. Mayroong ding lumiliban sa klase dahil na rin sa

rasong walang gumagabay sa kanila. Ngunit kadalasan, ang epekto ng

paglayo ng ama ay mayroon pang mas magandang naidudulot sa

kanilang anak maging babae man ito o lalaki.

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
11
Anak ng OFW, SEA

TALAHANAYAN II. B

MGA BARYABOL X DISKRIPSYON RANGGO

Nahihilig sa away 1.51 HINDI TOTOO 10

Pabalang na pagsagot sa 1.54 HINDI TOTOO 9

nakatatanda

Nawawalan ng tiwala sa sarili 2.00 DI-GAANONG 7

TOTOO

Nawawalan ng tiwala sa 1.89 DI-GAANONG 8

magulang TOTOO

Paghahanap ng pagmamahal sa 2.41 DI-GAANONG 6

ibang tao TOTOO

Nagiging reponsable 3.13 TOTOO 5

Binibigyang halaga ang oras sa 3.18 TOTOO 4

magulang

Mayroong bukas na pag – iisip 3.42 TOTOONG TOTOO 2

at pag – unawa

Pinapahalagahan ang perang 3.54 TOTOONG TOTOO 1

nagmumula sa paghihirap ng

magulang

Nagiging matatag 3.40 TOTOONG TOTOO 3

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
12
Anak ng OFW, SEA

Ang talahanayan II B ay nagpapakita ng iilan sa mga implikasyon sap

ag-uugali at pakikitungo sa iba ng mga anak ng OFW na mag-aaral sa

SEA. Ang mga respondente ay nagsasabing pinapahalagahan ang perang

nagmumula sa paghihirap ng mahulang. Mabibigyang pansin na hindi

totoong nahihilig sa away ang mga respondent. Mapapatunayan din na

totoong-totoo na ang mga respondente ay may bukas na pag-iisip at pag-

unawa. Sila ay nagiging matatag kahit na malayo at wala sa kanilang

tabi ang kanilang magulang o mga magulang. Ngunit hindi pa din

maiaalis sa kanila ang maghanap ng atensyon at pagmamahal mula sa

ibang tao. Ang mga kabataang nakararanas mawalay sa mga magulang

ay nakakatamo lamang ng kakaunting atensyon mula sa kanila

(Milanauskas, 2006). Mayroong 3.8 Milyon na kabataang Pilipino ang

lumalaki na mayroon lamang iisang kasamang magulang sa pang araw-

araw (Cortes, 2011). Kaugnay nito, pinahahalagahan nila ng husto ang

oras na naiuukol ng kanilang mga magulang sa kanila. Sinusubukan

nila na hindi mawala ng bonding sa pagitan nila bilang anak at

magulang sa kabila ng distansya nila sa isa’t iisa (Parrenas, 2000).

Malaking tulong dito ang mabilis na paglago ng teknolohiya kung saan

nagagawang parang magkalapit na lamang ang mga taong nasa

magkaibang bansa ngunit hindi pa rin nito matutumbasan ang samahan

na maaaring mabuo at mas mapatibay kung sila ay magkakasamang

tunay (Tanalega, 2002). Naipapakita rin sa talahanayang ito na hindi

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
13
Anak ng OFW, SEA

gaanong nagdudulot ng hindi maganda ang pagkakaroon

ng magulang na OFW sa halip ay mas marami pa rin ang lumalabas na

positibong epekto nito sa kanilang mga anak. Ngunit maraming pag-

aaral na ang nagpatunay na ang mga kabataang Pilipinong naiiwan sa

bansa ay nakararanas ng psychological at emotional stress (Cruz, 1987;

Parrenas, 2001; NIRP, 2001). Bukod pa rito, napatunayan din na isa sa

mga magandang naidudulot ng mayroong magulang na OFW ay mas

may katiyakang silang mapanatili ang magandang kalusugan at pang

araw araw na pampinansyal (NIRP, 2001).

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
14
Anak ng OFW, SEA

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
15
Anak ng OFW, SEA

Sa aming mga respondente,

Kaming mga mag-aaral ng SLU mula sa SEA ay nagsasagawa ng riserts

na pinapamagatang “Anak ng OFW sa Mag-aaral ng SEA: Isang

Pagsusuri.”

Kaugnay sa aming riserts, hinihingi naming ang inyong kooperasyon sa

pagsagot ng aming talatanungan. Makakaasa kayong ang inyong sagot

ay mananatiling kompedensyal.

Maraming Salamat!

Mga mananaliksik:

PADUA, MARK EDISON

DAYWAN, DIORELLA

BAGGAO, JESSA REI MARIE

PAJARILLO, CZARINA MAE

PAUS, ALELI JOY

Binigyang pansin ni:

MS MARILYN BATACAN

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
16
Anak ng OFW, SEA

PANUTO: Lagyan ng tsek ( ) ang kolumn na katumbas ng inyong

4– PALAGI Gamitin angpagpipilian


saloobin. 3 – MADALAS 2 – BIHIRA
sa ibaba. 1 – HINDI KAILANMAN

I. SULIRANIN NG ANAK NG OFW SA SEA 4 3 2 1

Nakararamdam ng Depresyon

Naiinggit sa kumpletong pamilya

Pangungulila sa magulang

Nakararamdam ng tampo o galit sa magulang

Gumagamit ng ipinagbabawal na gamut

Nagiging malihim sa nararamdaman

Nakakasama ang magulang tuwing may espesyal na

okasyon

Nag-iisip na hindi sapat ang sarili sa tingin ng mga

magulang

Nagsisinungaling sa mga magulang

Nag-iisip na inabandona na ng mga magulang

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
17
Anak ng OFW, SEA

4 – TOTOONG-TOTOO 3 – TOTOO 2 – DI-GAANONG TOTOO 1 – HINDI TOTOO

II. A) IMPLIKASYON SA ACADEMIC 4 3 2 1

PERFORMANCE

Lumiliban sa klase

Napapasama sa maling kaibigan

Nagiging barumbado sa guro

Hindi magawang makapag-aral ng mabuti

Pagiging mahiyain sa eskwela

Disiplinado ang galaw sa paaralan

Matalino magpasya

Kinokonsidera ang nararamdaman ng

magulang sa ikinikilos

Gustong maipagmalaki ng magulang

Marunong makuntento sa mga bagay na

natatamo

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
18
Anak ng OFW, SEA

II. B) IMPLIKASYON SA PAG-UUGALI AT 4 3 2 1

PAKIKITUNGO SA IBA

Nahihilig sa away

Pabalangna pagsagot sa nakakatanda

Nawawalan ng tiwala sa sarili

Nawawalan ng tiwala sa magulang

Paghahanap ng pagmamahal sa ibang tao

Nagiging responsible

Binibigyang halaga ang oras para sa magulang

Mayroong bukas na pag-iisip at pag-unawa

Pinapahalagahan ang perang nagmumula sa

paghihirap ng magulang

Nagiging matatag

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
19
Anak ng OFW, SEA

Agonos, M., Bade, M., Cabuling, M., & Mercene, J. (2015). Family Leisure
Affair: A Qualitative Study on Negotiating Leisure in Families with OFW
Parent. University of the Philippines. SEARCH Vol. 7 No. 2, 2015

Antman, F. (2012). Gender, Educational Attainment, and the Impact of Parental


Migration on Children Left Behind. Germany. IZA Discussion Paper No.
6640.

Arguillas, F., Arguillas, M., Williams, L. (2012). The Consequences of Overseas


Employment on Parents Who Go and Children Who Stay. Cornell
University Ithaca. Cornell Institute for Social and Economic Research , NY
14850.

Arguillas, M., Williams, L. (2010). The Impact of Parents’ Overseas Employment


on Educational Outcomes of Filipino Children. New York. Center of
Migration Studies.

Asis, M., Ruiz-Marave, C. (2013). Leaving A Legacy: Parental Migration and


SchoolOutcomes Among Young Children in the Philippines. Europe. Asian Pac
Migr J. Author manuscript.

Atienza, C., Kapunan, K., Noe, C., Panlilio, R. (2012). The Experiences of
Adolescent Children with Parents as Overseas Filipino Workers.

Bakker, C., Elings-Pels, M., & Reis, M., (2009). The Impact of Migration on
Children in the Caribbean. UNICEF Office for Barbados and Eastern
Caribbean.

Castro, E., Del Rosario, J., Gonzales, A., Jimenez, J., Tae-Kyu, K. (2011). The
Psychological Effects of the Absentee Parents to the Personality
Development of College Students. De La Salle University, Dasmarinas.

Dragoi, A.(2010). Prevention and Reduction of Factors that Determine Risk


Behaviour in Children whose Parents Are Gone Abroad to Work or Orphans
with Parents. Seria. BULETINUL.

Graham, L., Joradan, L. (2011). Migrant Parents and the Psychological Well-
Being of Left-Behind Children in Southeast Asia. J Marriage Fam.

Juozeliuniene, I. (2008). Doig research on families with parents abroad: the


search for theoretical background and research methods. Vilnius University,
Lithuania. Filosofija. Sociologija.

Wickramage, K., Siriwardhana, C., Vidanapathirana, P., Weerawarna, S.,


Jayasekara, B., Pannala, G., Adikari, A., Jayaweera, K., Peiris, S., Siribaddana,

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
20
Anak ng OFW, SEA

S., & Sumathipala, A. (2015). Risk of mental health and


nutritional problems for left-behind children of international labor
migrants. BMC Psychiatry.

Kačinienė, I., & Pugevičius, A. (2013). Family with Parents Abroad in the
Context of Province. EBSCOHOST: Proceedings of the International Scientific
Conference: Rural De;2013, Vol. 6, p168.

Lahaie, C., Hayes, J., Piper, T., Heymann, J. (2009). Work and family divided
across borders: the impact of parental migration on Mexican children in
transnational families. Canada. Community, Work & Family.

Ming, G., Xinlu, Y. (2014). Left-behind Children in China: A qualitative study


about the experience of left-behind children concerning their childhood. China.

Meng, X., Yamauchi, C. (2015). Children of Migrants: The Impact of Parental


Migration on Their Children’s Educational and Health Outcomes. Australia.
IZA Discussion Paper.

Malinauskas, G.(2006). Researching the Impact of Partial Labour Migration on a


Child: Failure of Attachment Theory. Lithuania.

Parrenas, R. (2001). Mother from a Distance: Emotions, Gender and inter-


generation Relations in Filipino Transnational Families.Philippines.

Reyes, M. (2008) Migration and Filipino Children Left-Behind: A Literature


Review. Miriam College/UNICEF.

Tomsa, R., Jenaro, C. (2015). Children left behind in romania: anxiety and
predictor variables. NCBI.

Zhao, Q., Yu, X., Wang, X., Glauben, T. (2014). The impact of parental
migration on children's school performance in rural China. UNICEF: China
Economic Review.

PADUA, Edison DAYWAN, Diorella BAGGAO, Jessa Rei Marie PAJARILLO, Czarina Mae PAUS, Aleli Joy
21

You might also like