You are on page 1of 3

TSAPTER I

ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO

EPEKTO NG PAGLAYO NG MAGULANG SA ANAK UPANG MAGTRABAHO SA IBANG BANSA

I. Panimula

Dumarami ang mga pamilyang nawawala sa isa’t isa sapagkat libo libong OFW ang umaalis ng

bansa bawat araw para magtrabaho sa iba-ibang parte ng mundo. Kadalasan ay ang binibilang

bago sila makabalik ng bansa. Bawat pawis at pagod na ginugugol nila sa kanilang trabaho ay

may kani-kaniyang pinaglalaban at ang pinakamagandang halimbawa nito ay para sa kapkanan

ng kanilang mga anak

(C. PAJARILLO, 2015)

Sa pag-uwi ng OFW na mga magulang mayroong mga pagbabagong hindi maiiwasan, mahirap

at masakit ang mga pangyayaring ito para sa isang OFW na magulang sapagkat inaasahan nilang

maiintindihan sila ng mga pamilya o anak na naiwan sa bansa ang kanilang ginagawang

sakripisyo, sapagkat ito’y para sa kanilang ikakaganda ng buhay.

Lingid sa kaalaman ng mga magulang, nagkakaroon ng malaking epekto ang paglayo nila sa

kanilang mga anak, ang paglaki ng walang magulang na umaaroga ay isang dahilan ng pagtahak

nila sa maling landas ng kanilang buhay.


II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga epekto na nararanasan ng mga anak ng OFW sa
ibang bansa. Ang layuning pag-aaral na ito natutukoy ang pinakamatinbang na suliranin na
dinadala ng mga mag-aaral sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Ang mga mananaliksik ay humahanap ng mga kasagutan sa mga sumusunod na tanong:

1 – Anu-ano ang mga persepsyon ng mga anak ng OFW sa kanilang pamumuhay na walang
magulang gumagabay?

2- Ano ang estado ng pamumuhay o buhay ng estudyanting anak ng isang OFW?

3- Paano nagging pariwara ang buhay ng isang anak OFW at mga dahilan nito?

4- Bakit natin kailangan malaman ang mga epekto ng pagkakaroon ng isang magulang na OFW?
III. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pammagitan ng pananaliksik na ito ang mga impormasyon na makakalap ay makakatulong


upang maunawaan ng mga mambabasa ang problemang kinakaharap ng mga anak ng isang
OFW. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay daan sa mga magulang upang sila ay magkaroon ng
kamalayan bukod sa mga epekto ng kanilang paglayo sa anak at mga dahilan ng pababago ng
ugali at pakikitungo ng kanilang mga anak sa kanila.

Sa pamamagitan ng maiging pag-aaral ng mga mananaliksik malalaman ng mga mambabasa ang


mga epekto sa iasang anak o paglaki ng anak ng wala sa aroga ng magulang, siyang magiging
daan upang malaman ang bawat isa ang mga hinaing, nararamdaman ng anak ng isang OFW.
Lalo na sa mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa ang pagtatrabaho nila sa ibang bansa
at pag-iwan sa kanilang anak ay malaking epekto sa kanilang anak.

You might also like