You are on page 1of 6

Pangalan: Lim, Marie Katrina DC. Guro: Mr.

Nelson Ramirez

Sabdyek & Seksiyon: HFI 112 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Petsa: Enero 07, 2021
Ibang Teksto sa Pananaliksik, STC11-7M

IMPLASYON

Uri ng Tekstong Impormatibo: Pag-uulat Pang-impormasyon


Estruktura ng Tekstong Impormatibo: Sanhi at Bunga, Paghahambing at Pagkokontras

Ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. Ayon
naman sa Official Gazette ng Republika ng Pilipinas, ito ay ang pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang
produkto at serbisyong binibili ng mga konsyumer. Isa itong suliranin na kinakaharap ng iba’t ibang bansa sa
daigdig. Kabaligtaran ito ng deplasyon na nangangahulugang pangkalahatang pagbaba ng presyo. Ang
implasyon rin ay ang pagtaas ng CPI o Consumer Price Index. Ipinapakita nito kung gaano kalaki ang itinaas
ng CPI sa nakalipas na taon o buwan. Kung ang taunang inflation rate ay mas mataas sa isang partikular na
panahon, ibig sabihin, ang karaniwang halaga ng isang basket ng mga produkto ay mas mataas kumpara sa
halaga nito sa parehong panahon noong nakaraang taon (Official Gazette, n.d.). Ang implasyon ay may tatlong
antas, Low Inflation, Galloping Inflation, at Hyper Inflation. Ang mga uri naman nito ay ang cost push, demand
pull, at structural inflation.

PAG-USBONG NG IMPLASYON SA PILIPINAS

Ayon kay Arao (2008), nagsimulang lumaganap ang implasyon o ang pagtaas ng bilihin
noong 1970s dahil sa biglaang pagtaas ng langis. Ito ang dahilan kung paano nagsimula ng pandaigdig na
paghina ng ekonomiya. Ngunit, mas malaki ang epekto nito mga Third World Country na hindi gumagawa ng
langis. Dahil sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis na patuloy na nagpapalala sa pagbagsak ng piso,
ito ang nagiging dahilan ng pagtaas ng pangunahing bilihin (Pilipino Star Ngayon, 2018). Sinasabi rin na ang
implasyon ay maaaring mabuti o masama. Ang implasyon ay mabuti kung ang dahilan nito ay ang pagtaas ng
demand. Mula kay Mendoza (2016), ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at
kayang bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Ang presyo nito ay tataas kung kaya’t kikita ang
mga negosyante o prodyuser sa bansa. Ang implasyon naman ay nagiging masama dahil ito ay nagdudulot ng
pagbaba ng halaga ng pera katulad ng piso o dolyar, dahil sa gastusin ng pamahalaan, o dahil sa pagtaas ng
presyo ng isang bagay sa pandaigdigang merkado na nagreresulta ng implasyon (Modern Economics, n.d.).

DAHILAN AT BUNGA NG IMPLASYON

Iba-iba ang dahilan ng implasyon, may anim (6) na pangunahing dahilan ng implasyon: Una,
ang pagtaas ng suplay ng salapi, dahil dito tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak ang presyo
paitaas. Sumunod, pagdepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap, kapag tumaas ang palitan ng piso sa
dolyar, o kaya tumaas ang presyo ng materyales na inaangkat, ang mga produktong umaasa sa importasyon
para sa mga hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo. Isa pa sa mga dahilan ay ang pagtaas
ng palitan ng piso sa dolyar, dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso.
Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto. Ika-apat naman ay ang kalagayan ng pagluluwas
(export), kapag kulang ang supply sa lokal na pamilihan dahil ang produkto ay iniluluwas, magiging dahilan
ito upang tumaas ang presyo ng produkto, ito ay magdudulot ng pagtaas sa presyo. Sumunod ang monopolyo
o kartel, nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito. Panghuli, ay ang pambayad-utang, sa halip na magamit
sa produksyon ang bahagi ng pambansang badyet, ito ay napupunta lamang sa pagbabayad ng utang. Bukod
rito, may ilan pang mga salik na nagiging dahilan ng implasyon. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Montemar
(2018), maraming sanhi ang implasyon at maging ang pamahalaan ay nahihirapan na pigilan at solusyunan ang
implasyon.

EPEKTO NG IMPLASYON

Sa mga mamamayan, hindi lamang negatibo ang epekto ng implasyon sa mga tao, may ilan
ding nakikinabang dito tulad ng mga negosyante, mga umuutang, mga speculators. Mayroon ding hindi
nakikinabang o nalulugi. Ngunit karamihan ay naapektuhan dito, tulad ng mga normal na mamamayan at mga
estudyante. Gaya ng interbyung isinagawa ni Vicencio (2018), mula sa ulat ng ABS CBN, tungkol sa pagtaas
ng presyo ng bilihin, maihahayag ang paghihirap ng iba’t ibang mga estudyante sa kanilang suliranin patungkol
sa implasyon. May iba ring epekto ang implasyon tulad ng pagdagsa ng mga produkto sa dayuhan, pagkontrol
sa presyo ng mga produkto, pagkukulang ng pondo ng bayan, pagbaba ng suplay ng mga produksyon, at
tumataas and demand.
PAANO MALALABANAN O MAIIWASAN ANG IMPLASYON?

➢ Pagpapatupad ng Tight Money Policy


➢ Pagtatakda ng price control
➢ Pataasin ang produksyon
➢ Produksyon para sa lokal na pamilihan
➢ Bawasan ang pag-iimport ng banyagang produkto at linangin ang lokal na pinagkukunan
➢ Gamitin ang Expnasionary Fiscal Policy at Easy Money Policy upang mapataas ang produksyon ng
pambansang ekonomiya

IMPLASYON SA PILIPINAS NOON AT NGAYON

Ayon sa interbyu ni Cordero (2018), inilathala ni Andanar (2018), na simula pa lamang noong una, ang
implasyon ay problema na ng mga Pilipino. Kung tutuusin, 6.4% na naitala noong Agosto 2018 ay mababa pa
kumpara sa panahon nina Corazon Aquino, Ferdinand Marcos, at Fidel V. Ramos. Sinabi din sa artikulong ito
ni Lambino (2018), na 6.4%ay mababa pa kumpara sa katampatan na inflation rate noong 1990s na nasa 10%.
Sa panayam ng DZMM ng ABS CBN (2018), inilahad ng Philippine Statistics Agency na ang pagtaas ng
inflation rate sa naturing na buwan na ito ay ang pinakamataas na naitala sa loob ng siyam na taon, mula 2009.
Noong panahon ng dating pangulong Marcos, ito ay dulot ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar,
malakihang gastusin ng pamahalaan, presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, at ang sunod-sunod na
pananalasa ng mga bagyo sa bansa (Bueza, 2018). Isinasaad ng pag-aaral na isinagawa ni Punongbayan (2018),
ang nag-udyok sa pagtaas ng inflation rate sa bansa noong 1984, kung bakit naabot natin ang mataas na 50.3%
sa inflation rate, ay dahil sa epekto ng digmaang sibil na naganap noong panahon ni Marcos dahil sa kaniyang
mapanakit at nakamamatay na polisiya. Mataas din ang inflation rate noong panahon ng panunungkulan ni
Corazon Aquino sa bansa. Ayon sa pag-aaral ni Bueza (2018) at ni Punongbayan (2018), na ang Pilipinas noon
ay galing sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya noong bandang 1980. Dagdag pa rito, ang administrasyong
Cory Aquino ay nabulabog dahil sa power crisis, mga coup d’etat, at mga kalamidad. Sa kasalukuyang
panahon, ang administrasyong Duterte ay kinakaharap din ang mataas na inflation rate ng bansa. Pinanukala
ng Department of Finance ang Republic Act No. 10963 o mas kilala bilang Tax Reform for Acceleration and
Inclusion (TRAIN) Law ay ang unang bahagi ng Comprehensive Tax Reform Program na isinusulong ng
administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Layunin ng panukalang ito na gawing mas madali,
makatarungan, at maayos ang pagkolekta ng buwis. Nais nito na pababain ang tax ng mga mahihirap at
ordinaryong mamamayan at gawing mas malaki ang ibinabayad na buwis ng mga mayayaman. Ang mga
sumasahod ng halos dalawampung libong piso (Php 20,000) kada buwan ay hindi na magbabayad ng income
tax. Subalit, kasama ng biyaya ng dagdag sahod ay ang pagtaas ng tax sa langis at asukal at ang pasunod na
pagtaas ng presyo ng ibang bilihin.
MGA SANGGUNIAN:

Cordero, T. (2018). 6.4% Inflation too low compared to rates during Marcos, Cory, FVR times.

https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/667069/6-4-inflation-too-low-compared-to-
rates-during-marcos-cory-fvr-times/story/

Official Gazette (n.d.). Alamin ang inflation: Ang pagtaas ng biliin.

https://www.officialgazette.gov.ph/featured/ano-nga-ba-ang-inflation/

Mendoza, R. (2016). Ano ang Demand? – Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Demand.

https://ekonomiks.info/ano-ang-demand/

Slideshare (2019). Aralin 4 implasyon.

https://www.slideshare.net/rayjelsabanal/aralin-4-implasyon-132391738

Course Hero (2017). Dahilan at Bunga ng Implasyon.

https://www.coursehero.com/u/file/23369212/DAHILAN-AT-BUNGA-NG-IMPLASYON/#question

Bueza, M. (2018). Fast Facts: Philippine inflation rate over the years.

https://www.rappler.com/newsbreak/fast-facts/213604-things-to-know-philippine-inflation-over-the-
years?fbclid=IwAR1TFsvzg7JoalS03EDaTBTe67KyeYE8vkoM7ri9Qb6 TBIFSEWnEKn41Tn8

Punongbayan, J. (2018). Golden Age? Inflation reached 50% during the Marcos Regime.

https://www.rappler.com/thought-leaders/212487-inflation-rate-philippines-during-marcos-regime

Slideshare (2014). Implasyon.

https://www.slideshare.net/dach121811/implasyon-4-42777375

Montemar, L. (2018). Implasyon: Sakit ng lumalagong ekonomiya?


https://pinasglobal.com/2018/06/implasyon-sakit-ng-lumalagong-ekonomiya/

Modern Economics: Collection of Fourth Year Topics in Economics (n.d). Mga Dahilan ng Implasyon.

https://economics000rainargifel.wordpress.com/mga-dahilan-ng-implasyon/

Vicencio, L. (2018). Mga estudyante, umaaray na rin sa inflation.

https://news.abs-cbn.com/news/08/10/18/mga-estudyante-umaaray-na-rin-sa-inflation

Pilipino Star Ngayon (2018). Pagtaas ng pamasahe sa jeep, dagdag sa suliranin ng mahihirap.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/07/09/1832003/pagtaas-ng-pamasahe-sa-
jeep-dagdag-sa-suliranin-ng-mahihirap

Arao, D. (2008). Solusyon ng Pamahalaan sa Pagtaas ng Presyo ng Langis.

https://www.bulatlat.com/2008/05/17/%E2%80%98solusyon%E2%80%99-ng-pamahalaan-sa-
pagtaas-ng-presyo-ng-langis-2/

DZMM (2018). Taas-presyo, pinakamataas sa loob ng 9 na taon.

https://news.abs-cbn.com/business/10/05/18/taas-presyo-pinakamataas-sa-loob-ng-9-na-taon

You might also like