You are on page 1of 5

Proyekto sa Araling Panlipunan 10

Ikalawang Markahan

Ang Malawakang Epekto ng Implasyon sa Pilipinas


Introduksyon

Ang implasyon ay isang katagang madalas nating marinig sa mga balita,


sosyal midya, at sa iba pang mga pahayagan. Ito ay dahil sa mga malalim at
malawak na epekto na maaaring idulot nito sa ekonomiya ng isang bansa, tulad ng
Pilipinas.
Ang implasyon ay isang proseso kung saan ang pangkalahatang antas ng
presyo ng mga produkto at serbisyo ay patuloy na tumataas sa paglipas ng
panahon, habang bumababa naman ang halaga ng salapi o kapangyarihan sa
pagbili ng mamamayan. At dahil dito, nagiging suliranin ang implasyon sa mga
tulad nating mamimili, dahil magiging mapaghamon sa atin ang pagbili ng mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, damit, at marami pang iba.
Ang ganitong sitwasyon ay maaaring humantong sa pagbagsak ng kapantayang
pamumuhay ng isang bansa kung patuloy itong mangyayari at hindi aaksyunan
nang agaran.
Sa ating pagsusuri, tatalakayin natin ang mga dahilan kung bakit nagaganap
ang implasyon. Pag-uusapan din natin ang mga datos na naglalarawan sa
kasaysayan at kasalukuyang sitwasyon nito sa Pilipinas. At sa dakong huli ay
ipapakita namin ang mga hakbang na maaari nating gawin, kasama ng ahensya ng
pamaalaan, upang maibsan ang malubhang epekto nito sa ating bansa.
Paglalahad

Maraming sanhi ang maaaring magdulot ng implasyon, isa sa mga halimbawa


nito ay ang “demand-pull,” isang konsepto sa Keynesian ekonomiks. Ito ay
nagaganap kapag ang pagnanais ng bawat sektor na makabili ng produkto at
serbisyo ay mas mataas kaysa sa kakayahan ng pamilihan na i-prodyus ito. Dahil
dito, nagkakaroon ng kakapusan sa pamilihan at nagiging imbalanse ang demand at
supply kung kaya’t mapipilitan ang pamilihan na i-taas ang presyo ng mga bilihin
sa loob ng isang bansa upang maagapan ang labis na demand.
Ngunit sa pangalawang dahilan, na itinatawag na “cost-push,” ay maaaring
lumaganap kapag ang mga gastusing pamproduksyon ng mga kalakal o serbisyo
tulad ng mga hilaw na materyales, ay tataas ang presyo. Kung sakaling tumaas ang
presyo ng isang kasangkapang pamproduksyon, maaari nilang ilipat ang dagdag na
gastusin sa mga mamimili sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo sa kanilang mga
produkto o serbisyo.
Halimbawa, kung ang isang kumpanya ay naglilikha ng mga upuan, at tumaas
ang presyo ng mga pako, maaari nilang taasan ang presyo ng kanilang produkto
upang hindi sila malugi. At dahil tumaas ang presyo ng kanilang binebenta, ang
mamimili ang lubos na naapektuhan sa ganitong sitwasyon. Ang ganitong
interaksyon ay maaaring makaapekto sa pangkalahatang presyo ng mga produkto
at serbisyo at posibleng humantong sa pangmatagalang pagtaas nito.
Sa pagsusukat ng implasyon, karaniwang ginagamit ang Consumer Price
Index (CPI). Ito ay isang uri ng panukat na ginagamit ng mga ekonomista upang
maipakita ang pagbabago sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at
serbisyong karaniwang binibili ng mga mamamayan (basket of goods). Ang CPI ay
nagbibigay ideya kung gaano kabilis tumaas o bumaba ang presyo ng mga
pangunahing produkto at serbisyo sa isang takdang panahon. Makikita sa ibabang
larawan ang epekto ng implasyon sa Pilipinas mula 2018 hanggang 2023 mula sa
datos ng Philippine Statistics Authority.

Kung susuriin ang datos, makikita ang pag-akyat ng implasyon sa 6.2% sa taong
2023 mula Enero hanggang Nobyembre, isang kapansin-pansin na pagtaas
kumpara
sa mga nakaraang taon. Nakakabahala ito sa kalagayan ng ating bansa dahil
maaaring magdulot ito ng iba't ibang negatibong epekto sa ekonomiya at sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan kung hindi ito pasok sa target
inflation range ng Pilipinas na 2.0% - 4.0%.
Ngunit hindi na bago ang implasyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Pansinin ang
statistikang nasa ilalim, ito ay naglalarawan ng pinakamataas na inflation rate na
naitala noong 1984 kung saan umabot ito ng 50.3% dulot ng mga isyung pang-
ekonomiya sa panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Konklusyo
n

Samakatuwid, ang implasyon ay nagdudulot ng malawakang impluwensiya sa


ekonomiya ng ating bansa. Maaari itong magdulot ng iba’t ibang negatibong
epekto sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan ng Pilipinas, dahil
ang pagtaas ng presyo ng mga pangkaraniwang bilihin ay nagreresulta ng
paghihirap sa mga pamilya sa pagbili ng kanilang mga pangunahing pangangailan
sa buhay. Mahalaga na makibahagi at makipag-ugnayan ang pamahalaan,
mamamayan, at ang mga sektor ng ekonomiya upang maagapan ang mga sanhi at
epekto ng implasyon.
Solusyon

Kaugnay sa pagtahak tungo sa mas matatag na ekonomiya, ang pamahalaan ay


nagtataguyod ng mga patakaran at polisiya upang kontrolin ang implasyon. Upang
matiyak ang masusing pamamahala, itinataguyod ng pamahalaan ang dalawang
pangunahing estratehiya; ang Patakarang Piskal (Fiscal Policy), at ang
Patakarang Pananalapi (Monetary Policy).
Ang patakarang piskal ay tumutukoy sa ugali ng pamahalaan patungkol sa
pagbubuwis at paggastos upang kontrolin ang lakad ng ekonomiya. Sa ilalim ng
patakarang piskal, may dalawang instrumentong ginagamit ang pamahalaan upang
pangasiwaan ang kalagayan ng ekonomiya, ang Expansionary Fiscal Policy, at
Contractionary Fiscal Policy.
Ang Expansionary Fiscal Policy ay isinusulong ng pamahalaan upang
pasiglahin ang ekonomiya at palawakin ang aktibidad ng isang bansa. Isinasagawa
ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng buwis at paggastos sa mga proyektong
pampamahalaan tulad ng pagpapatayo ng mga pampublikong imprastuktura at iba
pa. Ginagamit ito sa panahon ng resesyon upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya kung kinakailangan.
Samantala, ang Contractionary Fiscal Policy naman ay ang kabaliktaran.
Ipinapatupad ang Contractionary Fiscal Policy upang pabagalin ang takbo ng
ekonomiya at mapigilan ang masyadong pag-angat nito. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng pagbabawas sa paggastos sa mga proyektong pampamahalaan at
pagtaas ng buwis. Ginagamit ito sa panahon ng pagtaas ng implasyon o pag-iinit
ng ekonomiya upang pabagalin ang mabilis na daloy nito.
Sa kabilang dako, ang Patakarang Pananalapi ay tumutukoy sa sistemang
pinapangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang makontrol at
mapangalagaan ang supply ng salapi sa sirkulasyon ng isang bansa. Ginagamit ito
upang labanan ang implasyon at mapanatili ang maayos na takbo ng ekonomiya sa
pamamagitan ng mga regulasyon ng pera sa sirkulasyon, interest rates, at iba pa.
Sa aking pananaw, dapat mayroon tayong kamalayan sa estado ng ekonomiya
upang maging handa tayo sa anumang pagsubok na maaaring dumaan sa ating
bansa. Tungkulin natin na maging maingat at maging mausisa upang tiyak na ligtas
tayo sa epekto ng mga isyung pang-ekonomiya tulad ng implasyon. Maaari nating
labanan ang implasyon sa pamamagitan ng matalinong pagdedesisyon sa pagbili,
pag-aaral tungkol sa ekonomiks, pagbabadyet, maayos na pamamahala sa ating
pera, at marami pang iba. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga nangyayari sa
mundo ay ang susi sa isang maunlad at mausbong na bansa.

 Ipinasa nina: XIAN RACEL T. GOPEZ


JEROME T. MENDOZA

 Ipinasa kay: ARMANDO B. BANTAY


KATHLENE DEL A. TABUGAN

 Section: 10 - BONIFACIO

You might also like