Professional Documents
Culture Documents
Lesson: Implasyon
Konsepto ng Implasyon
Implasyon - ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Ang pagtaas ng presyo ng mga produkto ay mayroong positibo at negatibong epekto sa ating
ekonomiya.
Maaaring maging palatandaan ng implasyon ang antas ng pagtaas ng kita ng mga manggagawa batay sa
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
- Maaari ding maging palatandaan ng implasyon ang pagbabago ng kalakaran ng pagkonsumo ng mga
mamimili.
- Naaapektuhan ng implasyon ang demand at suplay ng mga produkto.
Mahalaga na masuri ang antas ng implasyon ayon sa kakayahan ng bansa at mga mamamayan na
tugunan ang pagbabago ng presyo ng mga produkto.
- Sinusukat ng antas ng implasyon kung gaano ang pagtaas ng presyo ng mga produkto.
- Dahil sa sitwasyong ito, nagdesisyon ang pamahalaan ng Zimbabwe noong 2009 na itigil na ang pag-
iimprenta ng kanilang salapi at umasa na lamang sa U.S. dollar.
- Ginamit din ng Zimbabwe ang iba’t ibang salapi tulad ng South African rand at euro.
- Dulot ng desisyong ito, napigilan ng pamahalaan ang patuloy na hyperinflation sa bansa, ngunit
nawalan ng kapasidad ang pamahalaan na kontrolin ang suplay ng salapi.
- Hanggang noong 2016, walang sariling salapi ang Zimbabwe at ginagamit pa rin nito ang U.S. dollar
bilang salapi.
Sa paggamit ng U.S. dollar ng Zimbabwe, lumiit ang hyperinflation nito sa -1.69% noong 2016.
- bumaba ang antas ng implasyon sa bansa.
- Ang Zimbabwe ay nakararanas naman ngayon ng deflation.
Deflation - ay ang pagbaba ng presyo ng mga produkto sa isang ekonomiya.
- Nararanasan ang deflation kung mababa ang kantidad ng demand sa mga produkto sa bansa, na
nagdudulot ng kawalan ng hanapbuhay at suplay ng mga produkto.
- Hindi rin nakabubuti sa isang bansa ang labis na pagbaba ng presyo ng mga produkto.
- Para sa ilang ekonomista, mas mahirap makontrol ang deflation kompara sa implasyon.
Stagflation - isang uri naman ng implasyon kung saan tumataas ang presyo ng produkto ngunit ang
economic growth ay hindi nagbabago.
- Sa normal na sitwasyon, ang creeping inflation ay tanda na bumubuti ang ekonomiya ng isang bansa.
- Ngunit sa stagflation, ang ekonomiya ay nananatili lamang sa parehong antas (stagnant).
- Nararanasan ng bansa ang pagbagal ng ekonomiya na nagdudulot ng pagtaas ng bilang ng mga taong
walang hanapbuhay.
Uri at Dahilan ng Implasyon
Demand-pull Inflation - ay dulot ng pagtaas o pagbaba ng kita ng mga manggagawa.
- Kung tumaas ang kita ng mga manggagawa, tataas din ang demand para sa mga produkto.
- Matatandaan na sa konsepto ng MPC at consumption function, ang pagtaas ng kita at pagkonsumo ay
magkasabay ngunit hindi magkapantay.
- Ang implasyon ay dulot ng malakas na demand ng mga mamimili sa mga produkto.
- Ipinaliliwanag naman ng batas ng demand na kung mataas ang kantidad ng demand ng mga produkto,
hihilahin nito ang presyo ng mga produkto pataas.
- Ayon sa batas ng suplay, kung ang kantidad ng suplay ay tumaas, nahihila rin nito ang presyo ng mga
produkto pataas.
Cost-push Inflation - ay dulot ng pagtaas ng halaga ng mga salik sa produksiyon.
- Ang lahat ng mga pinal na produkto ay gumagamit ng mga hilaw na materyales na mula sa mga likas na
yaman.
- Sa pagtaas ng mga halaga ng hilaw na materyales, tumataas din ang halaga ng produksiyon.
- Tinutulak ng mga salik na ito ang presyo pataas at nagbubunga ng cost-push inflation.
Structural Inflation - ay ang pagtaas ng presyo ng mga produkto dulot ng mahinang estruktura ng
ekonomiya ng bansa.
Halimbawa: ang sektor ng agrikultura ay mayroong pinupunteryang dami ng produksiyon ng mga palay.
Ngunit kung hindi ito natutugunan ng naturang sektor, magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng palay
at bigas.
- Ang kahinaan ng sektor ng agrikultura ay nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng bigas sa pamilihan.
Mahalaga rin na maiayon ang mga polisiyang pang-ekonomiya sa inaasahan at opinyon ng publiko.
- Ang demand-pull inflation ay dulot ng pagbabago sa inaasahan ng publiko na presyo ng mga produkto.
- Kung ang pagkonsumo ng publiko ay tataas dahil sa inaasahan na implasyon, hihilain ng presyo pataas
ang demand sa produkto.
Sa cost-push inflation, ang pagpapababa sa halaga ng mga salik ng produksiyon ay magpapababa rin sa
gastusin ng produksiyon.
- Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagsasapribado ng mga pangunahing kompanya tulad ng
kompanya ng kuryente, tubig, at langis.
- Inaasahan na makatutulong sa pagpapababa ng gastusin ng produksiyon ang deregulasyon ng mga
kompanya.
- Ngunit ang mga polisiyang ito ay makaaapekto sa pangmatagalang ekonomiya.
Ang mga Ahensiya ng NEDA, National Statistical Coordination Board o NSCB (Pambansang Lupon sa
Pakikipag-ugnayang Pang-estadistika), at Philippine Statistics Authority (PSA) ang siyang sumusukat at
sumusuri sa mahahalagang datos na ito at naglalabas ng ulat ukol sa mga ito taon-taon.
National Economic Development (NEDA) - Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagpapayo sa Pangulo ng
bansa at nagmumungkahi ng mga tugon o hakbang sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
- Ay ang pangunahing sangay ng pamahalaan na nagsusulong at nagsasagawa ng mga plano upang
maisakatuparan ang mga layuning pang-ekonomiko ng bansa.
- Isa sa mga gawain ng NEDA ay ang pagsusuri ng mga datos pang-ekonomiya na inilalabas ng iba’t ibang
ahensiya ng pamahalaan, tulad ng NSCB at PSA.
- Ang lahat ng datos pang-ekonomiya, tulad ng GDP at GNI, at ginagamit ng NEDA upang makagawa ng
planong pang-ekonomiko, mabago ang mga umiiral na plano, at maisakatuparan ang pag-unlad ng
bansa.
Gross Domestic Product (GDP) - Ito ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nayari sa loob
ng bansa sa isang taon, kasama ang gastusin ng mga bahay-kalakal at ang buwis mula sa pamahalaan.
- Nagmumula sa mga sektor ng agrikultura, industriya at pinansiya ang mga produkto o serbisyong ito ng
mga bahay-kalakal.
- Ay sukatan ng lahat ng produkto at serbisyong nagawa sa loob ng bansa sa loob ng isang taon.
- Kabilang sa sinusukat nito ang mga kita ng mga Pilipino at mga dayuhan.
- Masasabi rin na ang GDP ang sumasalamin sa kasabihan na “Gawa Dito sa Pilipinas”.
- Ang lahat ng kabuuang halaga ng produkto at serbisyo na nagagawa sa loob ng Pilipinas ay binibilang.
- Isang mahalagang pagsukat ng GDP ang mga produkto na nagawa at nabili sa loob ng isang taon.
- Kung ang isang produkto ay nagawa noong taong 2017 at naibenta rin sa parehong taon, ito ay
mapapabilang sa GDP.
- Kung ang isang produkto naman ay nagawa at nabili na noong taong 2015, ngunit ibinenta muli sa
sumunod na taon, hindi ito kabilang sa GDP.
- Ang mga bagong produkto na naibenta lamang ang ibibilang sa GDP.
- Sa pagtutuos ng pamahalaan sa pambansang kita, binibilang lang nito ang mga pinal na produkto (final
products).
Halimbawa: binibilang lamang sa pagsukat ng produksiyon ng isang kompanya na gumagawa ng
sasakyan ang isang sasakyan kapag natapos na itong gawin.
- Hindi binibilang ang produksiyon sa mga hilaw na materyales nito o iba’t ibang bahagi ng sasakyan
dahil madodoble ang bilang sa produksiyon.
- Ang lahat ng produkto at serbisyo na nagawa ng isang bansa ay nanggagaling lamang sa tatlong sektor:
Mga bahay-kalakal na gumagawa ng produkto na nais magbenta sa iba’t ibang pamilihan, at
tinutudla ang iba’t ibang uri ng mamimili.
Ang pamahalaan na nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan tulad ng edukasyon, seguridad,
kalusugan, at iba pa.
Mga sambahayan na gumagawa ng mga produkto at serbisyo na kanilang ring gagamitin at hindi
kinakailangang ibenta.
- Sa paraan ng pagsukat ng pambansang kita, hindi isinasama ang ikatlong sektor o ang sambahayan
dahil walang paraan para masukat ang mga ito.
- Dahil ito ay nangyayari lamang sa loob ng bahay, walang bagong kita o bagong hanapbuhay na
nagagawa; kung gayon, walang susukating kita ang pamahalaan.
Pamamaraang Gastos (Expenditure Approach) - Sinusukat ang kabuuang gastusin ng iba’t ibang sektor
na gumagastos sa bansa.
- Ipinagpapalagay ng pamaraang ito na ang lahat ng bagay na nagawa sa produksiyon ay nabibili, at ang
lahat ng nabibili ay pinagkakagastusan.
- Kung kaya, ang katumbas na halaga ng lahat ng produkto at serbisyong nagawa ay nagastusan.
Ginagamit ang pormula:
GDP = C + G + I + (X-M)
GNI = C + G + I + (X-M) + NFIA
Kung saan:
C = gastos ng sambahayan sa personal na pangangailangan o personal consumption.
G = gastos ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa o government spending.
I = gastos sa negosyo o investments.
X = gastos sa paggawa ng mga produktong iluluwas o export.
M = gastos sa pagbili ng mga inangkat na produkto o import.
NFIA = Net Factor Income from Abroad o kita mula sa mga Pilipino sa ibang bansa.
- Ginagamit din ng pamahalaan ang mga datos na ito upang makagawa ng pambansang badyet at
matukoy ang tunguhin ng pampublikong gastusin.
- Mahalaga ang mga datos na ito upang mapaunlad pa ang kabuhayan ng bawat mamamayan, at ang
ekonomiya ng bansa.
- Sa pagsukat ng GDP at GNI ng bansa sa kasalukuyang taon, isa ring sukatan ng paglago ang pagtaas ng
porsiyento ng GDP at GNI mula sa nakaraang taon.
- Upang matuos ang pagbabago, ginagamit ang GDP at GNI growth rate.
Pormula sa pagtutuos antas nito:
GDP/GNI ng taon−GDP /GNI ng nakaraang taon
GDP/GNI Growth Rate = x 100%
GDP/GNI ng nakaraang taon
Para sa mga makabagong ekonomista, mas mahalaga na suriin ang per capita income (PCI) ng bawat
bansa upang masabi na mayroong paglago ng ekonomiya.
Per capita income - ay isang sukatan ng pambansang kita na sumusuri sa halaga ng kita ng bawat
mamamayan batay sa populasyon ng bansa.
- Sa paraang per capita income, ipinagpapalagay na ang bawat mamamayan ay kumikita nang pantay-
pantay batay sa kabuuang datos na mayroon ang isang bansa.
- Matutuos ang PCI ng isang bansa sa pamamagitan ng paghahati sa GDP at GNI sa kabuuang populasyon
ng bansa.
Pormula sa pagtutuos ng PCI:
GDP /GNI ng taon
GDP/GNI per Capita Income =
Populasyon ng bansa
- Isang katangian ng per capita income ay ang pamamahagi nito ng GDP at GNI sa lahat ng mga
mamamayan ng isang bansa.
- Dahil mahalaga ang dami ng tao sa pagtatatag at paglago ng ekonomiya, naaapektuhan nito ang
pagsukat ng GDP at GNI.
Summary:
Naipapakita nito ang pagbabago ng ekonomiya ng bansa.
Ginagamit din upang makagawa ng pambansang badyet.
GDP/GNI Growth Rate
GDP/GNI per capita Income
Per capita income - ay isang sukatan ng pambansang kita na sumusuri sa halaga ng kita ng bawat
mamamayan batay sa populasyon ng bansa.
- Kapag nagkaroon naman ng kalamidad, tulad ng bagyo o lindol, maaaring maapektuhan ang pagsukat
ng GDP at GNI.
- Ang pagtatayo muli ng mga impraestruktura ay magdudulot ng abnormal na pagtaas ng GDP at GNI.
- Ang masyadong mataas na demand para sa mga materyales, tulad ng semento, kahoy, at bakal, ay
magdudulot ng pagdami ng suplay na kakailanganin.
- Sa ganitong sitwasyon, ang halaga ng produkto ay tataas.
Upang maisulong ang pag-unlad ng bansa, kinakailangang masiguro ang katatagan ng ekonomiya.
- Ang pamahalaan ay gumagawa ng mga patakaran upang masiguro ang layuning ito - mabigyan ng
maayos na pamumuhay ang mga mamamayan.
- May dalawang Patakarang pang-ekonomiya ang pamahalaan - ang patakarang piskal at ang patakarang
pananalapi.
Resesyon - ay tumutukoy sa panahon kung kailan ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi lumalago at
tuluyang humihina.
- Madalas, sa panahong ito, marami ang natatanggal sa kanilang trabaho.
- Upang maiwasan ang patuloy na paghina ng ekonomiya, kinakailangang damihan ang pagkonsumo at
paggastos ng mga mamamayan.
- Ito ay magagawa kung babawasan ang buwis na ipinapataw sa mga produktong kinukonsumo ng mga
mamamayan.
- Kung mababa ang buwis, mas malaki ang maiuuwing kita ng mga manggagawa.
- Ipinagpapalagay na sa paglaki ng kita ng mga mamamayan, tataas ang kanilang paggastos at
pagkonsumo.
Uri ng Buwis:
Community Tax - mas kilala sa tawag na sedula.
Professional Tax - lahat ng propesyonal na may sariling pinagkakakitaan ang nagbabayad ng buwis
na ito.
Buwis sa ari-arian - gaya ng bahay at lupa.
Excise Tax:
Ad Valorem Tax - ibinabatay sa presyo ng produkto.
Specific Tax - inaayon sa volume ng produktong ginawa o binili.
Tariff o Import Duty - ipinapataw sa mga bilihing imported.
Buwis sa Kita - tinuturing direktang buwis.
Sales Tax - pangkalahatang buwis na ipinapataw sa biniling produkto.
Value Added Tax - ipinapataw sa halaga ng produkto at serbisyo na kinokonsumo ng mga tao.
Percentage Tax - buwis sa negosyo na ang kita ay di hihigit sa P500,000 sa loob ng isang taon.
Pangungutang - Ang pangungutang ng Pilipinas sa ibang bansa ay isang mahalagang gawaing piskal
ng pamahalaan.
- Kung mas malaki ang inaasahang paggastos ng pamahalaan kompara sa badyet na mayroon ito,
kinakailangang mangutang sa ibang bansa o sa mga panlabas na organisasyon upang matugunan ang
pangangailangan ng bansa.
- Kadalasan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nangungutang sa mga bansang kaalyado nito, tulad ng
Estados Unidos, Hapon, at United Kingdom.
- Nangungutang ang bansa sa World Bank (WB) at International Monetary Fund (IMF).
- Bureau of Treasury o BTr (Kawanihan ng Ingatang-yaman)
- Ayon sa BTr, Habang tumataas ang GDP ng Pilipinas, bumababa naman ang halagang inuutang ng
pamahalaan.
- Ang pamahalaan ay maaari ding umutang sa mga mamamayan sa pamamagitan ng direktang
pangungutang sa mga bangko at pagbebenta ng government bonds and securities.
Government Bonds and Securities - ay isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan
nito.
- Ang kasunduan ay nagsasaad na maaaring magpautang ang mga mamamayan sa pamahalaan kapalit
ng seguridad ng kita.
Domestic Debt o Internal Debt - Ang utang ng pamahalaan sa mga mamamayan.
- Kadalasan, ang utang ng pamahalaan sa mga mamamayan ay pangmatagalan na maaaring tumagal ng
lima hanggang sampung taon.
- Kapalit nito ang kasiguraduhang maibabalik ang inutang na halaga na may mataas na interes.
- Ayon sa ulat ng BTr, ang pamahalaan ay may domestic debt.
Seigniorage - ay ang halaga ng kita ng pamahalaan mula sa pagpapalabas ng salapi, lalo na ng mga
barya.
- Ang kita ay nagmumula sa pagkakaiba ng halaga sa paggawa ng salapi at halagang nakaimprenta sa
salapi.
RA No. 7653 (The New Central Bank Act) - ang BSP lamang ang may karapatan at awtoridad na gumawa
ng salapi, kaya sa BSP din nagmumula ang kitang seigniorage ng pamahalaan.
Pagbubuwis
- Ginagamit ng pamahalaan ang buwis na nakokolekta bilang pondo sa mga programa at proyekto na
magpapaunlad sa pamumuhay ng mga mamamayan sa loob ng bansa.
- Sa Pilipinas, ang mga buwis ay kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue o BIR (Kawanihan ng Rentas
Internas).
- Mayroon ding ilang ahensiya na kumokolekta ng buwis tulad ng Bureau of Customs o BOC (Kawanihan
ng Adwana) at mga lokal na pamahalaan, tulad ng pamahalaang panlalawigan at panglungsod.
- Mayroong iba’t ibang uri ng buwis, ngunit ang dalawang pinakamahalagang buwis na kinokolekta ng
pamahalaan ay ang value added tax (VAT) at income tax.
VAT - ay isang uri ng buwis na idinadagdag sa mga binibiling produkto at serbisyo ng mga mamimili.
RA No. 9337 (Reformed VAT Law of 2005) - ang serbisyo ng mga abogado, doktor, at iba pang
propesyonal na nagbibigay ng serbisyo sa publiko sa pagbabayad ng VAT.
- Pinalawak ng batas na ito ang sakop na mga produkto at serbisyong pinapatawan ng buwis.
- Sa kasalukuyan, ayon sa batas na ito, ang VAT rate sa Pilipinas ay 12%.
- Idadagdag ang 12% na VAT sa orihinal na halaga ng mga produkto.
- Ang buwis na ito ay naipapasa sa mga mamimili sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo ng mga
produkto at serbisyo.
- ang VAT ay nakabatay sa proportional taxation principle.
Proportional Taxation Principle - ay nagsasaad na ang lahat ng produkto at serbisyo ay papatawan ng 12
porsiyentong buwis anuman ang presyo ng produkto at serbisyo, at gaano man kalaki ang kita ng
mamimili.
RA No. 9994 (Expanded Senior Citizens Act of 2010) - ang mga rehistradong senior citizen na hindi na
magbayad ng VAT.
RA No. 10754 (Expanded Magna Carta for PWDs) - may exemption ang persons with disabilities (PWDs)
sa pagbabayad ng VAT
- Ang pagbabago ng patakarang piskal ay nakaaapekto naman sa mga mamamayan dulot ng pagbabago
sa buwis na sinisingil ng pamahalaan
- Kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan ang layunin kung bakit magtataas o magbababa ng
buwis, upang masigurado na tama ang ibabayad na buwis.
- Karapatan ng mga mamamayan na malaman kung saan napupunta ang buwis na nakokolekta ng
pamahalaan.
- Maaaring malaman ang alokasyon ng badyet ng bansa o kung saan napupunta ang nakokolektang
buwis na pamahalaan sa pamamagitan ng General Appropriations Act (GAA)
- Ang taunang GAA ay inilalathala sa Web site ng Department of Budget and Management o DBM
(Kagawaran ng Badyet at Pamamahala).
Bangko Sentral ng Pilipinas - Ang BSP lamang ang may karapatan at kapangyarihan na gumawa ng salapi
sa bansa.
RA No. 7653 (The BSP Charter) - ay nagbibigay ng karapatan sa BSP sa lahat ng patakarang pananalapi ng
bansa, kabilang na ang produksiyon, sirkulasyon, at pagpapatatag ng salapi ng Pilipinas.
- Bilang tagapamahala ng patakarang pananalapi, isa sa mga layunin ng BSP ang mapanatili ang matatag
ang pananalapi ng Pilipinas.
- Isinasagawa ang patakarang pananalapi upang masigurado ang dami ng salapi na nasa sirkulasyon ng
pamilihan.
- Kaakibat ng patakarang ito ang pagpapanatili ng presyo ng mga bilihin at ang pagkontrol ng implasyon,
pagsasaayos ng sistema ng pagbabayad, pagsiguro na balance ang pagbabayad, at patuloy na
pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa.
Konsepto ng Salapi
Daluyan ng pagpapalitan (medium of exchange)
- Ang salapi ay ang daluyan ng pagpapalitan (medium of exchange) na ginagamit sa isang bansa.
- Isang daluyan ng pagpapalitan lamang ang ginagamit at tinatanggap na pambayad sa lahat ng
kalakalan sa loob ng bansa.
- Hindi maaaring tanggapin ng pamilihan ang ibang salapi na hindi isinasaalang-alang na legal tender
ng bansa.
Legal tender - ay ang tanging salapi na pinananagutan ng pamahalaan batay sa palitang tinatanggap
nito.
Storage of value
- Ang salapi rin ay may kakayahan bilang storage of value.
- Ang halaga nito ay hindi mawawala habang ito ay itinuturing ng legal tender.
- Maaaring gamitin ang salapi kahit kailan at kahit saan sa loob ng bansa.
- Kung gagamitin naman ito sa ibang bansa, kinakailangang palitan ito sa halaga na katumbas ng
salaping gamit sa bansang pupuntahan sa pamamagitan ng mga foreign exchange facilities.
Pamantayan ng Salapi
- Ang salapi, bilang pamantayan ng pamimili sa isang bansa, ay kinakailangan na mayroong katatagan
upang magkaroon ng halaga.
Bago ang 1971, ang salapi ng Estados Unidos at gayundin ng buong mundo ay umaasa sa ginto bilang
pamalit o commodity ng salapi.
- Ang polisiyang ito ay nagmula sa kasunduang tinatawag na Bretton Woods Agreement.
Bretton Woods Agreement - Sa kasunduang ito, ang lahat ng halaga ng pera ay nakabase sa presyo ng
ginto at ang dolyar ay tinaguriang reserved currency na nakabase rin sa presyo ng ginto.
- Ngunit sa pagdami ng naiimprentang salapi ng Estados Unidos, bumaba ang halaga ng dolyar.
- Noong 1971, nagkaroon ng krisis sa Estados Unidos, kaya nagdesisyon na ihinto ang palitan ng dolyar
sa ginto.
- Ipinakilala ng Estados Unidos ang bagong pamantayan ng pananalapi na tinawag na fiat standard.
2. Fiat Standard - Ang fiat standard o fiat money ay ang pamantayan ng salapi na itinakdang legal tender
ng isang bansa.
- Walang ginto o pilak na katumbas ang salapi, bagkus ang katumbas nito ay ang pangako ng
pamahalaan na mababayaran ang may hawak.
- “Ang salaping ito ay bayarin ng Bangko Sentral at pinananagutan ng Republika ng Pilipinas”
- Sa mga katagang ito, ang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ay nangangakong pananagutan ang
anumang produkto na katumbas ng salapi.
- Ang fiat money ay isang tanda ng pangungutang ng pamahalaan sa mga may hawak nito.
- Ang halaga ng fiat money ay katumbas ng halaga ng suplay at demand sa mga produkto.
- Kung mawalan ng kontrol ang pamilihan sa demand at suplay, mawawala rin ang katatagan ng fiat
money.
- Magkakaroon ng implasyon o pagtaas ng mga presyo, na siya namang dahilan ng pagbaba ng halaga ng
salapi.
- Naging pangunahing layunin ng BSP ang pagpapababa sa implasyon upang masigurado ang katatagan
ng salapi at patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Upang makontrol ang dami ng salapi, maaaring taasan o babaan ng BSP ang antas ng interes.
- Kung nais bawasan ng BSP and suplay ng salapi, maaari nitong taasan ang antas ng interes.
- Mas maraming salapi ang papasok dahil mas mataas ang interes sa lahat ng utang, at ito ay
magdudulot sa pagbabawas ng suplay ng salapi.
- Kung nais namang dagdagan ng BSP ang suplay ng salapi, maaari nitong bawasan ang antas ng
interes.
- Kapag mas mababa ang antas ng interes na babayaran ng publiko, mahihimok ang mga
mamamayan na kumonsumo at mamuhunan, kung kaya darami ang suplay ng salapi sa pamilihan.
- Kung ang isang bangko o negosyo ay mangungutang, bababa ang kumpidensiya ng mga tao sa
kakayahan nito na mamuhunan sa bansa.
- Tandaan na ang salapi ng Pilipinas ay nakabatay sa kumpidensiya ng mga tao sa pamahalaan na
panagutan ang salapi dahil ito ay fiat money.
- Kung mawala ang kumpidensiya ng mga tao, tataas ang implasyon at mawawalan ng trabaho ang
mga tao.
- Ito ay magdudulot sa pagbagsak ng ekonomiya.
Reserve Requirements
- Ang reserve requirements ay ang halaga ng salapi na dapat mayroon ang isang bangko bilang
“reserve” o salaping itinabi base sa porsiyento ng mga deposito sa bangko.
- Ang reserve requirements ay maaari lamang itakda ng BSP at hindi maaaring gamitin ng mga
bangko sa pamumuhunan at pagpapahiram sa kanilang mga kliyente.
- Kinakailangan muna ng pagsang-ayon ng BSP bago ito magamit ng mga bangko sa withdrawals ng
kanilang mga kliyente.
- Isa sa mga dahilan kung bakit ganito ang patakaran ng BSP ay upang himukin ang mga bangko na
kusang tustusan ang posibleng withdrawals ng kanilang mga kliyente.
- Ang reserve requirements ay mahalagang palatandaan ng kasiglahan ng ekonomiya.
- Ginagamit ng BSP ang reserve requirements upang makontrol ang suplay ng salapi sa pamilihan.
- Kung itataas ng BSP ang reserve requirements ng mga bangko, mababawasan ang salapi na
maaaring gamitin ng mga bangko dahil hindi maaaring gamitin ang mga reserve requirements.
- Kung ibababa naman ng BSP ang reserve requirements, mas maraming salapi ang magagamit ng
mga bangko.
- Magagamit ang sobrang salapi sa pagpapautang sa mga negosyo, pagtataas ng interes ng mga
deposito, at iba pa.
Tight Money Policy - kinokontrol ng BSP ang kakayahan ng mga mamimili na magkaroon ng sobrang
salapi.
- Ginagawa ito sa pamamagitan ng paghihigpit ng mga patakarang ng open market operations, discount
o antas ng interes, at reserve requirements.
- Kung walang sobrang salaping hawak ang mga mamimili, mababawasan ang demand sa mga produkto.
- Kung walang demand, hindi tataas ang implasyon ng mga produkto.
- Ngunit ang matagalang tight money policy ay magdudulot sa pagbagsak ng ekonomiya.
-Upang masigurado ang matatag na ekonomiya, kinakailangang mayroong maayos na koordinasyon ang
patakarang piskal at patakarang pananalapi.
- Kadalasang binabago ng BSP ang patakarang pananalapi upang makasabay sa pagbabago ng
kalagayang pang-ekonomiko ng bansa, na naaayon din sa pagbabago ng patakarang piskal nito.
- Para sa pamahalaan, ang badyet ay tumutukoy sa plano ng pamahalaan upang matustusan ang mga
programa at proyekto nito.
- Mahalaga ang maayos at karampatang pagbabadyet ng pamahalaan upang matugunan ang mga
pangunahing pangangailangan ng bansa.
- Mahalagang tandaan na ang pamahalaan ay hindi isang negosyo o bangko kaya hindi nito layunin na
kumita at mag-impok ng salaping nakokolekta mula sa mga buwis at iba pang pinagkukuhanan ng kita
nito.
- Ang lahat ng salapi ay dapat na naipanggagastos sa mga proyekto at programa para sa mga
mamamayan.
Balanseng badyet - nangangahulugang tama at sapat ang paggastos ng pamahalaan batay sa salaping
nakokolekta nito.
Budget deficit - kung mas malaki ang gastusin ng pamahalaan kompara sa nakolektang buwis.
- Upang mapunan ang kakulangan sa pondo, maaaring mangutang ang pamahalaan.
- Kung kabaligtaran naman ang sitwasyon, magkakaroon ng budget surplus
Budget surplus - mas mataas ang nakolektang pondo ng pamahalaan kompara sa gastusin nito.
2. Capital outlays expense - Ito ang gastusin ng pamahalaan upang mapatatag ang impraestruktura ng
bansa, tulad ng pagpapagawa ng kalsada, pagpapatayo ng ospital at paaralan, mga opisina, at paliparan
at daungan.
Patakaran ng Pagbabadyet
- Taon- taon, pinagpaplanuhan ng lahat sangay ng pamahalaan - ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura -
ang badyet para sa mga programa at proyekto ng bansa.
- Ang lahat ng ahensiya, mula sa tanggapan ng pangulo hanggang sa kawani ng barangay, ay kabilang sa
pagpaplano ng pambansang badyet.
- Ayon sa Kontitusyon ng 1986, tanging Kongreso lamang ang maaaring magplano at mag-aproba ng
badyet ng pamahalaan.
- Ibinigay naman ng konstitusyon ng bansa ang “power of the purse” sa Kongreso upang magsagawa ng
hakbang ng pagbabadyet.
- Ang prosesong ito ay natatapos sa pagpapasa ng GAA.
- Ang batas na ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa DBM at iba pang ahensiya na gastusin ang salaping
badyet ng pamahalaan sa loob ng isang taon.
- Kung walang GAA, mahihirapan ang mga ahensiya at kawani ng pamahalaan na magtakda ng mga
plano na ikauunlad ng bansa.
Michael Todaro - isang development economist, hindi lamang imprastraktura ang batayan ng maunlad
na ekonomiya, bagkus ito ay isang proseso ng pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga tao sa isang bansa.
- Ito ay isang multidimensional na pagbabago ng buong ekonomiya at panlipunang sistema ng bansa.
- Bukod sa pagbabago sa ekonomiya, dapat din na magkaroon ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay
ng lahat ng mga mamamayan.
- Layunin ng economic development ang pag-angat ng mga tao na nasa laylayan ng lipunan.
Simon Kuznets - ipinaliwanag niya na ang kaunlaran ay batay lamang sa paglaki ng ekonomiya at sa mga
aspektong pang-ekonomiya gaya ng produksyon, pag-empleo, at dami ng produktong nagagawa.
- Taliwas ng kay Todaro, hindi napagtutuunan ng pansin ang pagbabago sa kabuhayan ng mga tao sa
paniniwala ni Kuznets ukol sa kaunlaran.
Konsepto ng Sustainability
Sustainable development - ay isang hangarin kung saan kaakibat ng pag-unlad ng pamumuhay ang
tamang pag-aalaga sa kalikasan.
- Kahit na pinapakinabangan ng kasalukuyang henerasyon ang kalikasan at mga likas na yaman ng bansa
upang matugunan ang mga pangangailangan nito, dapat na mapanatili ang maayos na kalagayan ng mga
ito upang matiyak na mapapakinabangan pa rin ito ng mga susunod na henerasyon para naman sa
pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.
Distributive justice - ang kaunlaran ng isang bansa ay hindi lamang nakatuon sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng ilang bahagi ng lipunan, bagkus ay ibinabahagi nang pantay-pantay ang lahat ng
yaman sa bansa.
- Isang prinsipyo nito ay ang pagpasan sa gastusin at pagsasakripisyo ng mga mamamayan tungo sa
kaunlaran na masasalamin sa pagbibigay nila ng serbisyong pampubliko at buwis.
Trickle down economy - sinasabi nito na dapat mayroong tuwirang epekto ang pagbabago at pag-unlad
ng ekonomiya sa mga aspekto ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan.
Halimbawa: ang balanseng pagbaba ng presyo ng mga bilihin, ang pagtaas ng suweldo, at pagbaba ng
buwis ay mga konkretong bagay na nararamdaman ng mga mamamayan sa kanilang pamumuhay.
- Kinikilala ng teoryang ito na imbis na mapunta sa pamahalaan ang salapi, mas mabuti na sa mga
mamamayan ito mapunta upang sila ay makapagtayo ng negosyo, makakapagkonsumo, at makakapag-
impok.
- Sa pamamagitan ng mga personal na gastusing ito, mapauunlad ang ekonomiya ng bansa.
- Kahit na walang isang tiyak na kahulugan ang economic development, nagkakasundo naman ang mga
ekonomista na kinakailangang may pataas o positibong pagbabago (upward change) na nangyayari sa
isang bansa upang masabing mayroon itong economic development.
Sa klasipikasyon na ito, kinikilala ng UNDP ang mga bansa batay sa apat na uri:
Developed economies
Economies in transition
Developing economies
Least developed economies
- Batay ang mga ito sa inilabas na World Economic Situation and Prospect (WESP) Report ng UNDP
noong 2015.
- Ayon sa listahan ng mga bansa, ang Pilipinas ay nabibilang sa mga developing economies.
Iba pang Halimbawa ng Sukatan ng Kaunlaran ng mga Bansa
- Maliban sa klasipikasyon ng UNDP, mayroon pang iba sukatan ng kaunlaran ng mga bansa.
- Nabuo ang iba’t ibang batayan at sukatan dahil sa kalawakan ng kahulugan ng kaunlaran.
- Ang mga sukatan na ito ay may iba’t ibang batayan kung kaya’t iba-iba rin ang sinusukat na aspekto ng
kaunlaran.
- Gayundin, magkakaiba ang resulta ng listahan patungkol sa mga bansa na maituturing na maunlad.
Uri ng Pag-aanunsiyo
Bandwagon – Nahihikayat ang taong bumili ng isang produkto kung makikita niyang maraming tao ang
tumatangkilik at bumibili nito.
Testimonial – Nahihikayat naman ang mga taong bumili ng isang produkto kung patototohanan ng isang
sikat o pinagkakatiwalaang personalidad.
Brand Recall – Ang isang brand o tatak ay ang pangalan ng produktong kumakatawan sa isang negosyo.
Pabrika - ay bumibili ng mga materyales at nagbabayad ng mga manggagawa upang makalikha ng mga
produkto.
-Ang mga produktong ito ay bibilhin naman ng mga mamimili--mamamayan at sambahayan--gamit ang
salapi na kanilang kinita mula sa paghahanapbuhay o pagbibigay-serbisyo.
-Ang kita mula sa pagbebenta ng mga produkto sa mga mamimili ay gagamitin ng mga prodyuser upang
makalikha muli ng mga produkto na maaaring mas marami o mas pinahusay.
-Ang mga mamamayan naman ay patuloy na magbibigay-serbisyo upang kumita at magkaroon ng
pambili ng kanilang mga pangangailangan.
-Kung walang pagkonsumo, hindi dadaloy ang salapi sa bansa na siyang madudulot ng kahirapan.
-Ang paggawa ng mga produkto ng pabrika, pagbebenta sa pamilihan, at pagkonsumo o pagbili ng mga
mamimili gamit ang salaping kanilang kinita ay ang mga proseso na tumutulong sa pagpatutuloy ng
daloy ng ekonomiya.
-Ang mataas na antas ng pagkonsumo ay palatandaan ng isang mayabong na ekonomiya.
-pinaniniwalaan na ang pagkonsumo ng mga tao ay maaaring magdulot ng pag-unlad ng sektor ng
produksiyon at distribusyon ng mga yaman at produkto.
-Ang paniniwalang ito ay nakabatay sa konsepto ng konsumerismo na nagsasabing kung mataas ang
pagkonsumo, tataas din ang ibang sektor ng ekonomiya.
Pagkonsumo at Pamumuhunan
-Ang pagkonsumo ay nakakaaapekto rin sa pamumuhunan sa loob ng bansa.
Pamumuhunan - ay tumutukoy sa paglalagak ng salapi bilang puhunan o kapital sa isang ekonomiya
upang mapalago ito at mapataas ang kita sa pamamagitan ng paglikha ng produkto, pagpaparami, o
pagpapahusay sa uri sa produktong nililikha.
-Maaari din itong tumukoy sa mga bagay na binili at hindi agad mapakikinabangan, ngunit inaasahang
magpapaunlad sa panghinaharap na sitwasyon.
Uri ng Pagkonsumo
-Mahalaga ang pagkonsumo ng mga tao upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at
kagustuhan.
-Halimbawa nito ay ang pagkain. Mahalagang Gawain ang pagkain upang mabuhay.
-Ang pagkonsumong ito ay tinatawag na direct o final consumption dahil natutugunan agad nito ang
pangangailangan tulad ng gutom at uhaw.
-Maging ang pag-upo, paghiga, at panonood ng telebisyon ay itinuturing na direct consumption.
Mayroon namang mga produkto na kailangang pag-isipang mabuti bago bilhin o gamitin dahil
masyadong mahal ang presyo o di kaya ay maaaring ikapahamak ng buhay ng tao.
-Ang ganitong pagkonsumo ay tinatawag na Risky consumption.
-Halimbawa, dapat na masusi munang pag-aralan kung kinakailangan ba talagang bumili ng kotse, o
bahay at lupa bago makipag-transaksiyon sa nagbebenta ng mga ito.
-Ang isang tao na mayroong sapat ng kita at badyet lamang upang matugunan ang kaniyang pang-araw-
araw na pangangailangan ay limitado sa kayang bilihin.
-Ang limitasyon na ito ay tinatawag na budget constraint o limistasyon ng pansariling badyet.
-Ang isang tao na mayroong sobrang kita ay mayroong mas malaking kakayahang bumili.
-Maliban sa mga pangunahing pangangailangan, kaya rin nyang bumili ng iba pang bagay tulad ng cell
phone, kompyuter, at kotse.
Uri ng Pamumuhay
-Ang pagkakaiba sa kita ng mga mamimili ay nagbibigay-daan sa pagkakaiba ng uri ng kanilang
pamumuhay, at kalaunan ay maging sa pagkonsumo.
Halimbawa, Ayon sa ulat ng PSA na “Average Family Income in 2015 is Estimated at 22k Pesos Monthly
(Results from the 2015 Family Income and Expenditure Survey)” na inilathala noong Oktubre 2016.
-Ang mga manggagawa na tumatanggap ng 30% pinakamababang kita ay inilalaan ang halos 60% ng
kanilang kita para sa pagkain.
-Ang mga manggagawa na tumatanggap ng 70% pinakamataas na kita ay naglalaan lamang ng halos 40%
ng kanilang kita para sa pagkain.
-Mas pinagkagagastusan ng mga manggagawang mayroong mataas na kita ang kalusugan at edukasyon.
-Ang pagkakaibang ito sa pagkonsumo ay nagbibigay ng pagkaibang oportunidad, kaalaman, at
karanasan sa mga mamamayan na kalaunan ay nakaaapekto sa kanilang kita, uri ng pamumuhay, at
muli, pagkonsumo.
Pag-iimpok (Pag-iipon)
-Mahalaga ang konsepto ng pag-iimpok sa pagkonsumo ng mga mamamayan.
-Pag-iimpok - ay ang pagtatabi ng salapi upang magamit sa ibang araw.
-ito ay mahalagang salik sa pagkonsumo ng mga mamamayan.
-Ito ay nangangahulugan na ipinagpapaliban muna ang pagkonsumo ng produkto sa kasalukuyan para sa
hinaharap.
-Ayon sa pag-aaral ng World Bank na “World Bank’s Global Findex Database for 2014” halos 69% ng mga
Pilipino ang walang ipon sa bangko sa naturang taon.
-Para sa iba, kailangang matugunan muna ang mga pangangailangan kaysa mag-impok ng salapi sa
bangko. Kung mayroong mang sobrang salapi, ito ay binibili nila ng ilang gamit tulad ng damit, sapatos, o
bag.
-Maaari din nilang magamit ang sobrang salapi sa ilang kagustuhan, tulad ng panonood ng sine, pagkain
sa restoran, o pagbabakasyon.
-Ang pag-iimpok ay isang mahalagang gawi. Tanda ito ng maingat at planadong paggastos.
Marginal Propensity to Consume (MPC) - ay isang pormula na sumusuri sa kakayahan ng isang tao na
magdagdag ng pagkonsumo tuwing nadadagdagan ang kaniyang suweldo o kita.
ΔC
MPC =
ΔY
C = pagbabago ng halaga ng pagkonsumo.
Y = pagbabago sa kita o suweldo.
Halimbawa: noong 2015, ikaw ay kumite ng P10000 kada buwan at gumagastos ng P9000. Ngunit noong
2016, tumaas ang iyong suweldo sa halagana P10500, at ang gastusin ay naging P9300.
Taon Kita Pagkonsumo
2015 P10000.00 P9000.00
2016 P10500.00 P9300.00
Pagbabago P500.00 P300.00
ΔC
MPC =
ΔY
9300−9000
=
10500−10000
300
=
500
=0.6
Gamit ang pormula, ang MPC ay 0.6. Ito ay nangangahulugan na sa bawat karagdagang piso ng iyong
suweldo, 60 sentimo nito ay ginagamit sa pagkonsumo.
Tandaan na ang MPC ay isang proporsiyon at ito ay nakabase sa pagtaas ng antas ng kita, kaya ang sagot
sa MPC ay laging sa pagitan ng 0 hanggang 1 lamang.
Marginal - Ito ay tumutukoy sa karagdagang halaga na maaaring makuha mula sa pagbabago ng isang
produkto, serbisyo, o konsepto.
Aralin:Konsepto ng Produksyon
Konsepto ng Produksyon
Produksyon – ay ang proseso ng paggawa ng mga produkto o serbisyo gamit ang mga likas na yaman at
kakayahan,katalinuhan kasanayan at pagkamalikhain ng tao.
-Ito ay mahalagang paraan upang mapunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao sa
araw-araw.
Capital Goods – anumang input na magagamit upang makalikha ng consumer goods at mapataas ang
produksiyon ng mga ito.
Consumer Goods(Final Goods) – mga produkto o serbisyo na direktang magagamit ng mga tao na
tutugon sa kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
4 Salik ng Produksiyon:
1.Lupa at mga Likas na Yaman - nakukuha ang hilaw na sangkap ng produksiyon.
-limitado lamang ang lupa at mga likas na yaman, gayundin ang kakayahan ng mga negosyante at
prodyuser na makakuha ng mga ito.
-Dapat alamin kung gaano karami ang makukuhang likas na yaman batay sa kanilang kakayahang
mamuhunan, at kung sapat ba ang makukuhang yaman upang gumulong ang produksiyon.
-Mahalaga ring isaalang-alang na anumang masasayang na yaman sa proseso ng produksiyon ay babalik
sa kalikasan bilang nasayang yaman (waste product) at hindi na muling mapakikinabangan.
-Posibleng magdulot ito ng negatibong epekto sa mga likas na yaman, gayundin sa mga mamamayan.
2.Manggagawa - walang magagawang produkto kung walang manggagawa.
-kailangan ang kakayahan at kasanayan ng mga manggagawa upang maproseso ang mga hilaw na
materyales at makagawa ng mga produkto.
-labor-intensive production -ang produksiyon na mas nakadepende sa mga manggagawa keysa sa ibang
salik.
-upang mapaunlad ang produksiyon at negosyo, mahalagang mapaunlad din ang mga kakayahan at
kasanayan ng mga manggagawa.
-mahalaga ring bigyan-pansin ang kalusugan, kalagayan ng pagtatrabaho, tamang pasahod, at iba pang
mahahalagang aspekto na ikauunlad ng mga manggagawa.
RA No. 9481 o Labor Code of the Philippines - pinoprotektahan ng pamahalaan ang mga manggagawa sa
pamamagitan nito.
-nakalahad sa batas na ito ang mga karapatan at mga tungkulin ng bawat manggagawa.
-binibigyan din nito ang mga manggagawa ng proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga kompanya.
-ilang probisyon ng batas ay nagsasaad ng oportunidad sa pagpapaunlad sa katayuan at kalusugan ng
mga manggagawa,tiyak na oras ng pagtatrabaho, at wastong pasahod at kita na dapat tanggapin ng mga
manggagawa.
-kasama rito ang probisyon na sumasaklaw sa overtime work, night differential, undertime,
panlingguhang pahinga, holiday work, at holiday pay.
Ang planta, ari-arian, at mga kagamitan na nabibilang sa halimbawa ng mga salik ng produksiyon ay
itinuturing na capital goods.
Capital Goods - ay anumang input na magagamit upang makalikha ng consumer goods at mapataas ang
produksiyon ng mga ito.
Consumer Goods - ay ang mga produkto o serbisyo na direktang magagamit ng mga tao at tutugon sa
kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
-Ito din ay tinatawag na Final Goods.
2 Modelo ng Produksiyon:
1.Labor-intensive production - ay ang modelo kung saan ang produksiyon ay higit na nakasalalay sa mga
manggagawa kaysa sa halaga o dami ng kapital na kinakailangan upang magawa ang mga produkto.
-Sa modelong ito, mahalaga ang bilang ng mga manggagawa, gayundin ang dami at kalidad ng produkto
na magagawa ng bawat isa.
-Kinakailangan ang maraming manggagawa kaya higit na mataas ang gastos sa paggawa.
-ang mga industriya ng patahian, pagmimina, at produktong elektroniko ay ilan lamang sa mga
gumagamit ng ganitong uri ng produksiyon.
2.Capital-intensive production - ay ang modelo ng produksiyon kung saan mas mataas ang halaga ng
kapital at teknolohiya kaysa sa gastuhin sa paggawa.
-sa sistemang ito, karamihan sa trabaho ay ginagawa sa tulong ng teknolohiya, tulad ng makina,
kompyuter, at software applications.
-Sa ganitong uri ng produksiyon, ang gampanin ng mga manggagawa ay karaniwang limitado lamang sa
obserbasyon, superbisyon, at pag-aayos ng mga makina.
-ang ganitong Sistema sa malakihang produksiyon at sa iba pang larangan na nangangailangan ng
malaking kapital at mamahaling makinarya tulad ng transportasyon, paggawa ng sasakyan, at
ekstraksiyon at pagrepina ng langis.
3 Pangunahing Antas ng Produksiyon:
1.Unang antas ng produksiyon - nagaganap ang simpleng pagkuha (extraction) ng mga likas na yaman
mula sa kalikasan.
-ang nakukuhang yaman sa antas na ito ay maaaring magamit at makonsumo agad.
Halimbawa: Agrikultura, Pangingisda, at paghahayupan.
2.Ikalawang antas ng produksiyon - mayroong mga yaman na kailangan pang dumaan sa ikalawang antas
ng produksiyon bago makonsumo.
Halimbawa: ang ginto na nakukuha mula sa pagmimina ay kailangang dumaan sa proseso ng pagtunaw
upang mahubog sa nais na laki at anyo. Kinakailangan ding dumaan sa proseso ng produksiyon ang mga
processed food upang makonsumo ang mga ito ng mga mamimili. Gayundin, kailangang dumaan sa
proseso ng paghurno (baking) ang harina upang maging tinapay.
3.Ikatlong antas ng produksiyon - ang mga produktong nagawa sa ikalawang antas ay ginagamit pa
upang makagawa ng iba pang produkto o makapagbigay ng serbisyo.
Halimbawa: transpostasyon at komunikasyon.
Karapatan ng Mamimili - Alam ng isang matalinong mamimili ang kanyang mga karapatan.
RA No.7394 o Consumer Act of the Philippines - ang proteksiyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga
mamimili.
-Isinasaad din sa batas na ito ang mga sumusunod na Karapatan ng mga mamimili.
1.Karapatan na magkaroon o matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
2.Karapatan sa pagbili at pagkonsumo ng mga produkto na ligtas gamitin.
3.Karapatang malaman ang mga tamang impormasyon tungkol sa mga produkto na kanilang binibili.
4.Karapatang makapili ng mga produktong may kalidad sa abot-kayang presyo nang walang pamimilit.
5.Karapatang magkaroon ng kinatawan sa pamahalaan para sa usapin ng pagkonsumo at pagbili.
6.Karapatang maiparating sa mga prodyuser at sa pamahalaan ang hinaing ukol sa mga produkto na
depektibo, hindi naaayon sa batas, o hindi natutumbasan ang presyong binayaran.
7.Karapatan na mabigyan ng wasto at sapat na edukasyon sa pamimili at pagiging mamimili.
8.Karapatan sa isang malusog na kalikasan at kapaligaran.
9.Karapatang makukuha ng resibo ng pinamili mula sa mga pinagbilhan.
10.Karapatang makuha o matumbasan ang produkto na binili nang naaayon sa presyong binayaran.
Inaatasan ng batas ang ilang piling ahensiya ng pamahalaan upang pangunahan ang pagbabantay at
pagbibigay-proteksiyon sa mga mamimili.
DTI o Department of Trade and Industry (Kagawaran ng Kalakalan at Industriya) - sinisiguradong hindi
nalalabag ang Karapatan ng mga mamimili.
Tungkulin ng mga Mamimili - Ang mga Karapatan ng mamimili ay may katumbas na mga tungkulin sa
pagkonsumo at pagbili ng mga produkto.
1.Siguraduhing alam ang mga Karapatan ayon sa batas upang hindi maloko ng mga mapagsamantala.
2.Ipaglaban ang mga Karapatan ayon sa batas kung sa palagay ay nalalabag ang mga ito.
3.Magsuri at magkumpara ng mga produkto bago bumili upang masigurado na makukuha ang wastong
impormasyon tungkol sa produktong nais bilhin at upang mataya kung katumbas ng produkto ang
presyo nito.
4.Siguraduhin na maaasahan at mapagkakatiwalaan ang kompanya o tao sa pinagmulan ng produkto.
5.Basahin at sundan nang mabuti ang mga panuto sa manwal upang masigurado na maayos ang
paggamit ng biniling produkto.
6.Alamin ang epekto ng iyong pagkonsumo.
7.Suriin kung wasto ang impormasyong nababasa, napanonood, o napakikinggan mula sa mga anunsiyo
at palatalastas ng produkto.
8.Tingnan at suriin ang presyo ng mga produkto kung wasto at naaayon sa inilathalang presyo ng
pamahalaan.
9.Ikonsidera ang pagbili at pagkonsumo ng mga lokal na produkto upang makatulong sa industriya ng
Pilipinas.
“No return, no exchange” - Ang patakarang ito ay ipinagbabawal ng batas ayon sa Department
Administrative Order no.2, series of 1993.
Department Administrative Order no.2,series of 1993 - sa kautusang ito, hindi maaaring maglagay ng
katagang “No return, no exchange” sa kahit anumang bahagi ng tindahan o resibo.
-Maaaring palitan ang produkto kung ito ay depektibo, sira, o hindi naaayon sa presyong binayaran o sa
gamit nito.
-Maaaring palitan ang produkto kung nagkamali ang mamimili sa pagpili ng kulay, sukat, o iba pang
katulad na katangian.
-Hindi maaaring palitan o ibalik ang produkto kung nagbago lamang ng isip ang isang mamimili.
-Prinoprotektahan ng kautusang ito ang kapuwa mamimili at nagbebenta mula sa mga mapang-abusong
gawi.
Patalastas
Patalastas o Advertisement - isang paraan upang maipakilala ang isang produkto, serbisyo, idea, o
konsepto na maaaring maibenta o magamit ng publiko.
-ang advertisement ay nanggaling sa Latin na ad vertere na nangangahulugang “to turn toward”.
-ang pangunahing layunin ng isang patalastas o advertisement ay mahimok ang ang mga mamimili na
tangkilikin ang isang produkto.
-ang paggamit ng patalastas o advertisement sa radio, telebisyon, pahayagan o social media platform ay
mahalaga upang maisulong ang konsumerismo.
Epekto ng Patalastas
-Malaki ang impluwensiya ng pagtalastas sa pagdedesisyon ng mga mamimili kung anong produkto ang
bibilhin at kung saan o kanino sila bibili.
-Mayroong dulot na bentahan at desbentaha ang patalastas sa mga mamimili.
-Mas nabibigyan din ng pagkakataon ang mga mamimili na makilatis kung ang produkto ay
makatutulong sa kaniya o sa pamilya.
-ang patalastas ay nagiging desbentaha sa mga mamimili kung ipinapakita lamang nito ang
magagandang aspekto ng produkto.
-ang nagiging batayan na lamang ng mga mamimili sa pagpili ng produkto ay ang popularidad nito dulot
ng patalastas.
-kailangan pa ring suriin nang mabuti ng mga mamimili ang produkto o serbisyo at hindi lamang umasa
sa mga impormasyong sinasabi sa patalastas.
-Sa patalastas, naipababatid din sa publiko na mayroong bagong produktong naimbento o hindi kaya’y
nagawan ng inobasyon ang dating produkto.
-Sa tulong ng mga patalastas, maaaring makumbinsi ang mga mamimili na palitan ang mga lumang
kagamitan ng mga bagong produkto, bagama’t mas mahal ang presyo ng huli.
-Nabibigyan-diin ng patalastas ang mga bentaha ng bagong produkto.
-Napupukaw nito ang pagnanais ng mga mamimili na magmay-ari at masubukan ang bagong produkto
kahit na walang laan na salapi para rito. Sa ganitong pagkakataon maaaring mabuyo ang mamimili na
gumastos kahit wala sa plano.
Enerhiyang Solar - enerhiyang nanggagaling sa sinag ng araw; kinokolekta ng mga sola panel farm, tulad
ng sa planting San Carlos Solar Energy sa Negros Occidental.
Enerhiyang Hydroelectric - enerhiyang dulat ng malakas na agos ng tubig na maaaring mula sa ilog,
talon, o dam.
Halimbawa: ay ang Angat Dam sa Bulacan, Agus VI Hydroelectric Plant (Talon ng Maria Christina) sa
Lanao del Norte, at San Roque Dam sa Pangasinan.
Enerhiyang Geothermal - enerhiyang galing sa init mula sa ilalim ng lupa at maaaring malapit sa bulkan.
Halimbawa: Tiwi Geothermal Power Plant sa Albay, Leyte Geothermal Power Plant sa Leyte, at Makiling-
Banahaw Geothermal Power Plant sa Laguna at Batangas.
Enerhiyang Hangin - enerhiyang nanggagaling sa lakas ng bugso ng hangin na nakokolekta ng mga
molino (windmill)
Halimbawa: Bangui Wind Farm at Burgos Wind Farm kapuwa sa Ilocos Norte, at Pililia Wind Farm sa Rizal
Enerhiyang Nuclear - enerhiyang galing sa lakas at init ng mga nuclear plant.
Halimbawa: Bataan Nuclear Power Plant, ngunit hindi ito naging operasyonal.
Brain Drain - ay isang sitwasyon kung saan nagkakaroon ng matinding pagbaba sa bilang ng mga
propesyonal, tulad ng doktor, nars, guro, inhinyero, at iba pang manggagawa, sa isang lugar dahil sa
paglipat ng mga ito sa ibang lugar kung saan ang kanilang propesyon ay may katumbas na mas malaking
kita o mas mainam na pamumuhay.
Brawn Drain - ay tumutukoy sa matinding pagbaba ng bilang ng mga manggagawang bokasyonal o
teknikal, tulad ng karpintero, tubero, construction worker, at iba pa, dahil sa parehong dahilang
nabanggit.
-Hindi man sila propesyonal, malakas ang pangangailangan sa mga skilled workers sa ibang bansa.
Brain Drain at Brawn Drain - ay magdudulot ng malaking suliranin ng pagkaunti ng lakas-paggawa sa
bansa.
Saligan ng Ekonomiks
-Sa makabagong panahon, mahalagang mapag-aralan ang ekonomiks. Sa tulong nito, masusuri ang
epekto ng pangkabuhayang estado sa mga aspektong pampamahalaan, panlipunan, at pansarili.
-Nabuo ang pag-aaral ng ekonomiks sa tulong ng mga teorya at konsepto ng ilang mahahalagang
ekonomista.
Adam Smith
- Itinuturing na Ama ng Makabagong Ekonomiks.
- Noong 1776, isinulat niya ang librong An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations.
Sa librong ito, ipinaliwag niya ang konsepto ng laissez-faire (let alone sa Ingles) na nagsasabing hindi
dapat manghimasok ang pamahalaan sa daloy ng ekonomiya.
-Naniniwala siya na ang malayang daloy ng mga produkto at serbisyo ang magbibigay ng kayamanan sa
mga bansa.
-Sa kaniyang teorya, sinabi niya na mayroong “invisible hand” na siyang nagmamanipula ng ekonomiya,
kaya nagpapatuloy ang paggalaw ng ekonomiya kahit na walang gampanin ang pamahalaan.
-Sa kaniyang paliwanag, ang invisible hand and siyang nagtatakda ng dami at presyo ng mga produkto.
-Sa kasalukuyan, ang konsepto ng invisible hand ay mag kilala bilang ekilibriyong presyo
Francois Quesnay
-Siya ay isang ekonomistang Pranses na nagtaguyod ng kaisipang physiocrat.
Physiocracy - ay isang kaisipang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng lupa bilang batayan ng kayamanan ng
mga bansa.
-Isinusulong nito na mabigyan ng mataas na presyo ang mga produktong agricultural.
-ito ay itinuturing na siyang unang siyentipikong pag-aaral ng ekonomiya.
-isinulat niya ang Tableau Economique noong 1758 na nagbibigay ng mayabong na sanggunian para sa
mga physiocrat.
-binigyan-diin niya na ang mga produktong agricultural ay dapat na maipamahagi sa iba’t ibang sektor ng
lipunan, tulad ng mga magsasaka at ng mga manggagawa sa mga pabrika.
-Sa kaniyang mga sulatin, nanindigan din siya na ang malayang kalakalan at mababang buwis ay
nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng pagkapantay-pantay ng mga uri ng tao.
David Ricardo
-Ipinanganak siya sa London ika-18 Abril 1772.
-panahon kung kailan namayagpag ang sistemang merkantilismo (ika-16 hanggang ika-18 siglo).
-Sa merkantilismo, pinaniniwalaan na mahalaga ang papel ng pamahalaan sa pang-ekonomiyang pag-
unlad ng bansa siya namang sinusukat base sa dami ng ginto at pilak ng bansa mula sa pangangalakal.
-Sa sistemang merkantilismo, isinulong ang eksportasyon ng mga produkto habang nililimitahan naman
ang pag-angkat.
-Naniniwala siya na ang pakikipagkalakan ay magbibigay ng kayamanan sa isang bansa, ngunit
naniniwala rin siya sa konsepto ng espesyalisasyon ng mga bansa.
-Isa sa pinakamahahalagang ambag niya sa ekonomiks ay ang teorya ng comparative advantage.
-Teorya ng comparative advantage - ay isang kaisipan kung saan ikakalakal lamang ng isang bansa ang
mga produktong nakaaangat ito sa produksiyon dahil mayroong itong espesyalisasyon na maproseso
ang mga naturang produkto, habang aangkatin naman mula sa ibang bansa ang ibang produkto.
-Ang teoryang ito ay binanggit niya sa kanyang akdang On the Principles of Political Economy and
Taxation (1817).
-Maliban sa teoryang nabanggit, isinulong din ni Ricardo ang teorya sa upa o theory of rent.
-Ayon sa kaniya, ang kita mula sa lupa ay katumbas ng kita ng bansa. Dahil hindi nagbabago ang halaga,
ang kita nito ay dumadagdag sa kakayahan ng bansa na makagawa ng produkto at hindi sa gastos ng
isang prodyuser.
-Kung mas mababa na ang kakayahan ng lupa na makagawa ng produkto, maaari na lamang lumipat ang
isang prodyuser sa bagong puwesto.
-Sa teorya sa upa, pinaniniwalaang ang kakayahan ng prodyuser na magdagdag ng bagong makinarya o
manggagawa, at hindi lupa, ang salik na makaaapekto sa kikitain ng isang prodyuser.
Alfred Marshall
-siya ay isa sa mga pangunahing ekonomista noong ika-18 siglo.
-isa siya sa mga nangungunang tagapagsulong ng neoclassical economics, na isang pamamaraan ng
pagtingin sa ekonomiks na nakasentro sa demand at suplay upang matukoy ang presyo, produkto, at
kita.
-Isinulat niya ang aklat na Principles of Economics noong 1890, kung saan ipinakilala niya ang konsepto
ng elastisidad.
-pinagtibay ng kaniyang aklat ang konsepto ni Adam Smith sa sangay ng maykroekonomiks.
-Ayon sa kaniya, maliban sa dami ng demand at suplay sa mga produkto, mayroon pang ibang mga salik
kung paano naitatakda ang ekilibriyong presyo.
-Ang mga salik na ito ay maaaring makaapekto sa pagbabago ng presyo, demand, at suplay ng mga
produkto.
-Naipakilala rin niya ang konsepto ng Marshallian Industry sa iba’t ibang aklat at sulatin.
-Sa kaniyang konsepto, napakinabangan nang husto ang heograpiya sa pagpapaunlad ng mga pagawaan
at pabrika.
-Upang makamit ang pinakamalaking bentaha batay sa heograpiya, pinagkumpol-kumpol ang pagtatayo
sa mga pagawaan sa lugar kung saan pinakaangkop para rito.
-siya ay kinalala sa kaniyang kahusayan sa larangan ng ekonomiks maging ng mga naunang ekonomista,
tulad nina Adam Smith at David Ricardo.
Karl Marx
-siya ay isa pinakamaimpluwensiyang tao sa larangan ng politika at ekonomiya noong ika-19 na siglo.
-Ipinanganak sa Alemanya noong ika-5 ng Mayo 1818.
-ipinakilala niya ang kaniyang teorya ng paggawa (theory of labor) sa kaniyang aklat na Manifest der
Kommunistischen Partei (The Communist Manifesto) noong 1848.
-Sa kaniyang teorya, tinalakay ni Marx ang konsepto ng burgesya (bourgeoisie) at proletaryador
(proletariat).
-Ang mga burgesya ay mga kapitalista na mayroong control sa yaman ng isang bansa, habanag ang mga
proletaryador ay mga ordinaryong manggagawa na umaasa sa mga kapitalista.
-Pinaniniwalaan niya na ang mga manggagawa ay laging umaasa sa mayayamang kapitalista, na siya
namang umaabuso sa mga manggagawa na may hindi pagkakasundo (conflict) sa anumang aspekto
tulad ng politika, ekonomiya, at usaping panlipunan.
-Ayon sa kaniyang sulatin, ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga kapitalista at manggagawa ay
magdudulot ng sagupaan, na siya namang magiging dahilan ng pagbagsak ng kapitalismo.
-Sa pagbagsak ng kapitalismo, aangat ang mga manggagawa at magkakaroon ng bagong uri ng lipunan at
ekonomiya , na tinawag ni Marx na Komunismo.
-Ipinaliwanag niya sa Das Kapital: Kritik der Politischen Okonomie (Capital: Critique of Political Economy)
(1867) ang pagbabagong mangyayari kung saan nawawala ang pag-uuri o herarkiya ng tao sa lipunan o
ang tinatawag na classless society.
-Dahil dito, magkakaroon ng pagkapantay-pantay ng distribusyon ng mga yaman sa lipunan na
mapakikinabangan ng lahat ng mamamayan.
Pagtutuos ng Ekilibriyo
QD = QS
Kung saan:
(Demand) QD = x - yP
(Suplay) QS = -x + yP
Kung kaya, ang pormula ay masasabi na
x - yP = -x + yP
QD = QS
x - yP = -x + yP
Kung saan:
x - ay bilang ng produktong nais bilhin ng mga mamimili
-x - ang bilang ng produkto na maaaring ibenta ng mga prodyuser
y - ay ang yunit kung saan nagkakaroon ng pagbabago
P - ay ang ekilibriyo ng presyo
Punto ng Ekilibriyo - kung saan nagkakasunod ang mga mamimili at prodyuser sa isang tukoy na presyo
para sa tuloy din na dami ng produkto.
Halimbawa: Ang mga mamimili ay nais bumili ng 60 na piraso ng lapis, habang ang mga prodyuser ay
maari lamang magbenta ng 20 piraso ng lapis. Ngunit, maaaring magbago ang dami ng yunit na 5 bawat
pagbabago. Magkano ang presyo ng bawat lapis na mapagkakasunduan ng mamimili at prodyuser?
x - yP = -x + yP
60 - 5P = -(20) + 5P
80 = 10P
8=P
Dagdag kaalaman:
Shortage - Mas marami ang bilang ng gusto at kayang bilhin ng mamimili kaysa sa suplay sa pamilihan.
- May kakulangan sa suplay ng produkto o serbisyo sa pamilihan
- QD > QS
Surplus - Mas marami ang suplay kaysa sa demand ng mga mamimili.
- Labis-labis ang suplay ng mga produkto sa pamilihan
- QS > QD
Batas ng Demand
Ayon sa batas na ito, mayroong magkasalungat (inverse) na ugnayan ang presyo sa quantity demanded
ng isang produkto.
Ceteris Paribus
Ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded,
habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakakaapekto rito.
Demand Function
Ito ang matematikang pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded (Qd).
Demand Equation: QD = x- Yp
QD - ay ang kantidad ng demand (quality demand)
X - ay kantidad ng demand kung ang presyo ay zero
Y - ay ang yunit ng dami ng produkto sa pagbabago ng bawat presyo
P- ay ang presyo ng produkto
“Halimbawa, sa palagay ng isang prodyuser, mayroong demand para sa 1000 na piraso ng lapis na
nagkakahalaga ng 8 piso bawat piraso ng lapis, ngunit kung hindi magbabago ang presyo ng lapis,
maaaring hindi bumili ang mga konsyumer ng 10 piraso. Ilan sa demand na 1000 na lapis ang
maibebenta kung ang presyo nito ay mananatili sa 8 piso bawat piraso.”
QD = 1000 - 10(8)
1000 - 80 = 920
Demand - ay ang dami ng produkto o serbisyo na nais, handa, at kayang bilhin ng mga mamimili batay sa
nakatakdang presyo sa takdang panahon.
Ang mga salitang nais, handa, at kayang bilhin, na mga pangunahing salita ay naglalarawan sa demand.
-Maaaring nakatakda ang presyo ng isang produkto, ngunit hindi ito kayang bilhin ng konsyumer -
walang demand sa produkto
-Maaari namang nais bilhin ng isang tao ang produkto, ngunit wala siyang salaping pambili nito - wala na
maituturing na demand dito.
-Maaaring nais bilhin ang produkto at mayroong salaping pambili, ngunit dahil mayroong pinaglalaanan
o pinag-iipunang ibang produkto, hindi handa ang mamimili na bilhin ang naunang produkto - wala
paring demand.
-Kinakailangan na naroon ang 3 elemento upang maituring na mayroong demand sa isang produkto.
1. Nais bilhin.
2. Handang bilhin.
3. Kayang bilhin.
Para sa karaniwang pamilyang Pilipino, ang demand ay tumutukoy sa pagtugon sa mga pang-araw-araw
na pangangailangan tulad ng bigas, malinis na tubig, at iba pang pagkain.
-Ang “demand” na ito ang mahalaga para sa mga karaniwang pamilyang Pilipino.
-Ang pagkakaroon ng mga bagay na ito ay mahalaga upang masigurado ng mga miyembro ng pamilya na
sila ay makararaos sa pang-araw-araw na pamumuhay.
-Ito rin ay nagbibigay ng seguridad at kumpidensiya sa sarili na malalampasan nila ang kahirapan na
dulot ng katiwalian, kakulangan sa edukasyon, kawalan ng hanapbuhay, at iba pang suliranin na kanilang
kinakaharap araw-araw.
Batas ng Demand
Konsepto ng Demand - ay nakaangkla sa natural na kaisipan ng tao na nagnanais ng mga produkto na
mayroong mababang presyo.
-Dahil ang demand ay nakatutok sa kaisipan ng mga konsyumer, pinapaboran nito ang mababang presyo
sa madaming produkto.
-Kapag tumataas ang presyo, bumababa ang demand. Kapag bumaba ang presyo, tumataas ang demand
-Magkasalungat ang relasyon ng demand at presyo. Ipinapahayag ito ng batas ng demand.
Laging magkaugnay ang konsepto ng ceteris paribus, o sa Ingles “All other things being unchanged or
constant,” sa kahulugan ng demand.
-Ipinagpapalagay ng ceteris paribus na hindi nagbabago ang anumang salik na nakaaapekto sa demand.
-Tulad ng Pagpapakahulugan sa demand, and ceteris paribus ay isa ring hypothetical na sitwasyon dahil
imposibleng hindi magbago ang mga salik ng demand.
-Upang mas madaling maintindihan ang konsepto ng demand, ipinagpapalagay na ang mga salik ay
constant o hindi nagbabago.
1.Suweldo o Kita
-Ang pagtaas ng sweldo o kita ng mamamayan at nagiging sanhi ng pagtaas ng kanilang kakayahan na
kumomsumo.
-Ang mga produkto na naaapektuhan ng pagtaas ng suweldo o kita ay maaaring mabilang sa dalawang
uri: ang normal goods at ang inferior goods.
-Ang demand para sa normal goods ay tumataas tuwing tumataas ang suweldo o kita ng mga mamimili.
-Kabaligtaran naman ang epekto ng pagtaas ng kita sa mga produktong tinatawag na inferior goods.
Halimbawa: mas pipiliin ng mamimiling mataas ang kita ang karneng sirloin na mas mataas ang presyo
kompara sa ordinaryong liempo na dati niyang binibili.
-Sa halimbawa, ang karneng sirloin ay maituturing na normal good, habang ang liempo ay maituturing
na inferior good.
Halimbawa 2: maaaring gawing pamalit ng produkto ang powdered juice kung nagmahal ang presyo ng
softdrink.
-Samakatuwid, sa pangalawang halimbawa, maaaring mahikayat ang mga mamimili na humanap ng
kapalit na produkto kung tumaas ang presyo ng naunang produkto na nais bilhin.
4.Inaasahang Presyo
- Ang presyo ng mga produkto ay malaking salik sa dami ng maaaring maging demand ng mga mamimili.
-Dahil dito, maaari ding makaapekto ang inaasahang presyo ng mga mamimili sa demand sa produkto.
-Kung sa palagay ng mga mamimili ay tataas ang presyo ng isang produkto, maaari silang magmadaling
bumili ng nataurang produkto bago pa maganap ang inaasahang pagtaas ng presyo nila.
Halimbawa: bago pa man ang napipintong pagtaas ng presyo ng langis, maaari nang magpa-full tank ang
mga may-ari ng sasakyan.
-Ang inaasahang pagbabago sa presyo ay maaaring maging dahilan ng pagbili o hindi pagbili ng mga
mamimili.
5.Personal na Panlasa
-Ang personal na panlasa - ay tumutukoy sa pansariling nais o kagustuhan ng mamimili sa isang produkto
o serbisyo, kaya maaari niya itong bilhin nang paulit-ulit o nang maramihan.
-Ang personal na panlasa ng mga mamimili sa isang produkto ay nagpapataas sa demand nito.
Halimbawa: kung paborito ng isang mamimili ang isang tatak o brand ng damit, maaring bumili siya ng
maraming klase nito.
6.Okasyon
-Sa tuwing mayroong okasyon, ang demand ng mga mamimili ay maaaring tumaas o bumaba sa ilang
produkto.
Halimbawa: tumataas ang demand sa mga bulaklak tuwing Araw ng mga Puso o tuwing Undas.
-Bumababa naman o bumabalik sa ordinaryong antas ang demand sa mga ito sa ibang araw.
-Mataas naman ang demand sa mga gamit pangpaaralan sa simula ng panahon ng pasukan sa paaralan,
habang mababa naman ito tuwing nakabakasyon ang mga mag-aaral.
-Balikan ang halimbawa ng demand sa lapis. Kung ang kita ng mga mamimili ay tumaas ng 20%,
maaaring magkaroon ng pagtaas ng demand sa lapis.
-Ngunit, kung napanatili ang dating presyo ng lapis sa P8.00 at 1000 na piraso na demand, maaaring
magkaroon ng pagbabago sa mismong demand ng lapis.
-Samantala, kung bumaba naman nang 40% ang kita ng mga mamimili, maaaring magkaroon ng paglipat
ng kurba ng demand. Tunghayan ang bagong iskedyul ng demand.
Elastisidad
Elastisidad - ay ang pagsukat sa pagtugon ng isang indibidwal sa pagbabago ng presyo ng produkto.
-Sinusukat ng elastisidad ang pagbabagong ito sa interaksiyon ng demand.
-Gayundin, ito ay paraan upang masukat kung ano ang magiging reaksiyon ng bawat indibidwal sa
pagbabago ng presyo.
-Maaari ang indibidwal ay mamimili o prodyuser, na parehong mayroong reaksiyon sa pagbabago ng
presyo.
-sinusukat din ng elastisidad ang ratio o ugnayan ng pagbabago o reaksiyon ng mga idibidwal
Elastisidad ng Demand
Elastisidad ng demand (ED) - ay sumusukat sa reaksiyon ng mamimili sa pagbabago ng presyo batay sa
demand ng isang indibidwal sa produkto.
-Napatutunayan din ng reaksiyon o elastidad ang konsepto ng batas ng demand - na sa pagtaas ng
presyo, bumababa ang demand sa produkto.
Halimbawa: noong 2015, ang presyo ng pamasahe ng eroplano papuntang Legaspi City ay P9500.00,
habang noong 2016, tumaas ito sa halagang P10700.00. Mayroong tinatayang 5500 na pasahero noong
2015, habang bumababa naman sa 4850 ang pasahero noong 2016.
Kung gayon, maaari nating ipakita na:
2015 2016
Presyo (P) 9500 10700
Demand 5500 4850
Sa elastisidad ng demand, hindi pinapansin ng mga ekonomista ang negatibong bantas dahil sa
katangian ng demand na nagpapakita ng negatibong relasyon ng presyo at dami ng demand.
-Ngunit ano ng aba ang kahulugan ng elastisidad ng demand na 1.0572?
Mga Uri at Kahulugan ng Elastisidad ng Demand [check graph in pg. 130-132]
-Para sa ordinaryong Pilipino, hindi mahalaga ang hypothetical na sitwasyon. Para sakanila ang suplay ay
tumutukoy sa aktuwal na pagkakaroon ng bigas na maisasaing, pagkain sa hapag, at malinis na tubig na
maiinom.
-Ang suplay para sa pangkaraniwang Pilipino ay higit pa sa dami ng maibebentang produkto. Bagkus, ito
ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kakayahan ng bawat miyembro ng pamilya na makapagbigay para sa
kanilang pamilya.
-kailangang matugunan ng suplay ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
-Ang pagkakaroon ng suplay sa hapag ay pinasimpleng paraan upang masigurado ng bawat pamilya na
makakaya nilang makaagapay sa lipunan- kahirapan na dulot ng korupsiyon, kawalan ng tiwala sa
pamahalaan, kawalan ng hanapbuhay, at iba pang suliranin na kanilang kinakaharap sa pang-araw-araw
na pamumuhay.
Tulad sa konsepto ng produksiyon, ang pangunahing layunin ng mga prodyuser sa suplay ay kumita nang
pinakamalaki sa pinakamaliit na pamumuhunan o pagbebenta. Ngunit tulad ng demand, mayroong mga
salik na maaaring humadlang sa kakayahan ng mga prodyuser na makamit ang naturang layunin.
- Sinasabi sa batas ng suplay na habang tumataas ang presyo ng isang produkto, tumataas din ang suplay
nito; ngunit habang bumababa ang presyo ng isang produkto, bumababa rin ang suplay nito, ceteris
paribus.
Ceteris Paribus - ay isang hypothetical na sitwasyon dahil imposibleng hindi magbago ang mga salik ng
suplay.
-Naipahahayag ng batas ng suplay ang ganitong kaisipan
Suplay Function - Ito ang matematikang pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity supplied (Qs)
Supply Equation
Qs = -x + yP [Note: can be Qs = yP - x]
Kung saan:
Qs - ay kantidad demand (quantity supplied)
x - ay ang kantidad ng suplay na handing ipagbili ng prodyuser sa isang nakatatakdang presyo
y - ay ang kantidad ng suplay na hindi kayang ipagbili ng prodyuser sa isang nakatakdang presyo
P - ay ang presyo ng produkto
Halimbawa:
Handang ipagbili ng prodyuser sa halagang 8 piso bawat isa ang 1000 piraso ng lapis. Ngunit kung 250
piraso lamang ng lapis ang kaniyang maibebenta, hindi niya ito ipagbibili sa parehong nakatakdang
presyo.
Solution: [ Both formulas solution ]
Qs = -x + yP | Qs = yP - x
Qs = -1000 + 250(8) | Qs = 250(8) - 1000
Qs = -1000 + 2000 | Qs = 2000 - 1000
Qs = 1000 | Qs = 1000
Sa madaling salita, maaaring magkaroon ng 1000 na suplay sa lapis kung ang halaga ay 8 piso
Iskedyul ng suplay
Sitwasyon Presyo Kantidad ng Suplay
A 8 1000
B 9 1250
C 10 1500
D 11 1750
E 12 2000
F 13 2250
G 14 2500
-Mapapansin na habang tumataas ang presyo ng lapis tumataas din ang suplay nito. Tulad sa demand,
mapapatunayan ang batas ng suplay gamit ang iskedyul na ito.
-Ipinagpapalagay na ang konsepto ng ceteris paribus ay nakaaapekto sa sitwasyon na ito.
Maaari ding maipakita ang konsepto ng suplay sa pamamagitan ng isang kurba o grap [Check pg.137]
-Kabaligtaran ng demand, ang kurba ng suplay ay mayroong pataas na dahilig o upward slope.
-Naipapakita nito ang direktang relasyon ng suplay at presyo ng produkto.
-Ang pagbabago sa pagitan ng dalawang punto ay tinatawag na pagbabago sa kantidad ng suplay.
-Ang paglipat ng kurba sa kaliwa (Qs3) ay nagpapahiwatig ng pagbaba ng suplay ng mga produkto,
habang ang paglipat ng kurba sa kanan (Qs 2) ay nagpapahiwatig ng pagtaas ng suplay ng mga produkto.
-Sa grap mapapansin ang pagbabago mula sa ng Qs 1 papunta sa Qs2.
Halimbawa: Sa punto A, makikita ang pagtaas ng suplay mula 1000 papuntang 1200, habang ang presyo
ay nananatili sa P8.00. Samantala, ang suplay sa Qs 1 papunta sa Qs3 ay nagpapakita naman ng pagbaba
ng suplay mula 1000 papuntang 700 sa parehong presyo na P8.00.
Elastisidad ng Suplay
Elastisidad ng suplay (Es) - ay tumutukoy sa pagbabago ng reaksiyon ng mga prodyuser sa tuwing
magkakaroon ng pagbabago sa presyo ng kanilang produkto.
-Tulad sa demand, napatutunayan ng elastisidad ng suplay ang batas ng suplay - na sa pagtaas ng
presyo, tumataas din ang suplay ng mga produkto.
Maaaring matuos ang elastisidad ng suplay gamit ang pormula sa ibaba.
Pagbabago sa suplay
Es = Pagbabago sa presyo
Kung saan:
bagong suplay−lumang suplay
Pagbabago sa suplay = ( lumang suplay+ bagong suplay )
2
bagong presyo−lumang presyo
Pagbabago sa presyo = ( lumang presyo+ bagong presyo )
2
Halimbawa: noong 2015, ang presyo ng isang pirasong gamot para sa diyabetes ay P6.50 kung
maglalabas ng suplay ng gamot na 10,500 piraso. Noong 2016, tumaas ang halaga nito.
2015 2016
Presyo 6.50 8.25
Suplay 10,500 11,250
Ang elastisidad ay katumbas ng 0.2904 (mas maliit kompara sa 1), kung kaya’t masasabi na inelastic ang
suplay sa halaga ng gamot para sa diyabetes. Ibig sabihin, kahit na malaki ang pagbabago ng presyo ng
gamot, maliit lamang ang epekto nito sa suplay. Maaaring hindi nila alintana ang pagtaas ng presyo dahil
alam nil ana mahalaga ang gamot sa diyabetes para sa mga mamimili nito.
Black Market - isang pamilihan kung saan illegal na ibenebenta ang mga produkto sa mas mataas na
halaga kaysa sa itinakda ng pamahalaan.
Kalabisan o Surplus - dahil hindi perpekto ang pamilihan, maaaring hindi maibenta ang lahat ng mga
produkto.
Kakulangan o Shortage - maaari magkulang ang mga produktong binebenta at tuluyang hindi matugunan
ang demand ng mga mamimili.
RA No. 7581, na inamendahan ng RA No. 10623 (Price Act of the Philippines) - ang batayan ng
pamahalaan kung kailan maaaring gumawa ng hakbang upang patatagin ang presyo ng mga produkto.
- Ayon sa batas na ito, maaari lamang baguhin ang presyo ng mga produkto ng mga produkto kung
mayroong kinakaharap na kagipitan, sakuna, o kalamidad.
- May mga pagkakataon na ang pagbabago ng presyo ay hindi dulot ng pagkontrol ng pamahalaan.
- May mga pangyayari kung saan ang prodyuser o mamimili ay nagsasagawa ng mga ilegal na paraan
upang magbago ang presyo ng isang produkto.
Halimbawa: Ang presyo ng asukal ay nagkakahalaga ng P50.00 bawat kilo. Ang halagang ito ay
masyadong mataas para sa mga mamimili, kung kaya’t magpapatupad ang pamahalaan ng price ceiling.
Sa price ceiling, mapipilitan ang mga prodyuser na magtinda sa mas mababang presyo na P35.00 bawat
kilo. Magkakaroon ng kakulangan sa asukal dahil hindi kaya ng mga magtutubo na magbenta sa halagang
P35.00 bawat kilo, kundi ay magdudulot ito ng pagkalugi sa kanila. Sa ganitong pagkakataon, napipilitan
ang ilang prodyuser na magbenta sa black market.
Black market - isang pamilihan kung saan ilegal na ibinebenta ang mga produkto sa mas mataas na
halaga kaysa sa itinakda ng pamahalaan
- Hindi kontrolado ng pamahalaan ang black market. Dahil walang binabayarang buwis ang mga
mamimili at prodyuser sa ganitong uri ng pamilihan, kadalasang mas malaki ang kita ng mga prodyuser
sa naibebentang produkto, habang mas mura naman itong nabibili ng mga mamimili kompara kung ito
ay nasa lihitimong pamilihan.
- Kung mayroong produkto na ibinebenta sa mas mababang halaga, siguradong pipilahan ito ng mga
mamimili.
- Ilan din sa epekto ng kakulangan sa mga produkto ay ang pagkakaroon ng mahaba at matagal na
pagpila, agawan sa mga produkto, o kaguluhan sa mga tindahan.
- Kung inaasahan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pipiliin ng mga mamimili na mag-imbak ng mga
produktong kailangan bago maganap ang nakatakdang pagtaas ng presyo upang maiwasan ang agawan,
mahabang pagpila, at pagbabayad nang mas mahal.
- Kadalasan, hindi ipinatutupad ang price ceiling at price floor sa isang bansa o lipunan dahil sa mga
negatibong epekto ng mga ito. Bagkus, hinahayaan na lamang ng pamahalaan ang pamilihan na
magtakda ng presyong ekilibriyo upang mapanatili ang malayang galaw nito.
- Ngunit iba pagdating sa sitwasyon ng pagpapa-upa sa bahay o lupa.
RA No. 9653 o Rent Control Act of 2009 - naglilimita sa biglaang pagtaas ng bayad sa renta o upa ng mga
bahay o lupa.
- Imbis na hayaan na lamang ang mga nagpapaupa na magtaas ng renta, kinakailangang magkaroon ng
kasunduan na hindi maaari ang biglaang pagtaas ng renta.
- Ang batas na ito ay isang paraan ng pagkontrol sa presyo.
Lesson: Pamilihan
Pamilihan - Ito ay kadalasang tumutukoy sa mga paraan ng palitan sa pagitan ng isang mamimili at
mangangalakal o negosyante.
- Ito rin ay sumasaklaw sa ugnayan ng dalawa o higit pang mga tao sa palitan ng mga produkto at
serbisyo.
Konsepto ng Kompetisyon
Kompetisyon - isang uri ng pamilihan kung saan ang mga presyo ng bawat produkto ay itinatakda ng
ekilibriyo.
- Ito ang pagtutunggalian ng isa o higit pang tao para sa kita mula sa pagbebenta o pamimili ng mga
produkto.
Tatlong pangunahing katangian ng kompetisyon:
Marami ang nagtitinda at ang mamimili
Magkakauri ang mga produkto
Malaya ang pagpasok at paglabas ng prodyuser sa pamilihan
Ibat-ibang Uri ng Pamilihan
Monopolyo - uri ng pamilihan na may iisang uri ng negosyong kumukontrol dito at gumagawa ng iisang
uri ng produkto at mga kaugnayan na produkto nito.
a. May hadlang sa pagpasok ng mga produkto mula sa ibang prodyuser sa pamilihan
Economies of scale - adbentaha ng isang kompanya na mapaliit ang gastos nito sa pamamagitan
ng malakihan at pang matagalang produksiyon ng mga produkto.
Legal barriers
a. Walang ibang prodyuser na nagbebenta ng kapalit o kahawig na produkto
b. May kakayahan ang prodyuser na magtakda ng presyo
Price discrimination - isang paraan ng pagtakda ng iba’t ibang presyo para sa parehong produkto
o serbisyo
Price freeze - kapag pinagutos ng pamahalaan na magtaas ng presyo
Oligopolyo - uri ng pamilihan kung saan pinatatakbo ng ilang malalaking negosyong kumokontrol sa
kabuuang kalakalan sa loob ng pamilihan.
Kaunti lamang ang nagbebenta
Mayroong magkakaparehong produkto
Nangingibabaw ang malalaking kompanya sa pamilihan
Cut throat competition
May sabwatan o kolusyon ng mga kompanya
Monopolistikong Kompetisyon - Uri ng pamilihan, malayanag nakapagbebenta ang mga prodyuser ng
kanilang produkto, ngunit mayroong mahigpit na kompetisyon sa katulad na produkto.
Marami ang mamimili at nagbebenta
Iba-iba ngunit may pagkakapareho ang mga produkto
Malaya ang pagpasok at paglabas ng mga prodyuser sa pamilihan
Ang mga batas na nabanggit at iba pang batas at patakan ng pamahalaan ay nakatuon sa pagpapaunlad
ng kompetisyon sa pamilihan upang magkaroon ng patas na alokasyon ng mga likas na yaman,
mapanatili ang katatagan ng mga pamilihan o maisalba ang mga ito mula sa pagbagsak, mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa, at maiangat ang mga mamamayang nasa laylayan ng lipunan.
Extra Information:
Barter - palitan produkto sa produkto.
Import - nagaangkat ang isang bansa.
Export - nagluluwas ng produkto.
Lesson: Pamilihan
Kompetisyon - ay isang uri ng pamilihan kung saan ang mga presyo ng bawat produkto ay itinatakda ng
ekilibriyo.
- Ang personal na desisyon ng prodyuser at mamimili ay hindi nakaaapekto sa pagtatakda ng presyo.
Tatlong pangunahing katangian ng Kompetisyon:
1. Marami ang nagtitinda at ang mamimili - Ang pagkakaroon ng maraming nagtitinda at mamimili ay
nagiging batayan ng pagtatakda ng presyo.
- Kung marami ang kasama sa paggawa ng desisyon patungkol sa presyo ng mga produkto sa pamilihan,
magiging mahirap ang pagtatakda ng presyo.
- Mahalaga na maitakda ang presyo sa ekilibriyo upang hindi magkaroon ng pagkakaiba ng presyo sa
parehong produkto sa isang pamilihan.
- Dahil marami ang mamimili, nahahati ang dami ng produkto sa bawat kasapi ng pamilihan.
- Maliit na porsiyento lamang ng mga produkto ang napupunta sa bawat indibidwal na namimili ng mga
produkto.
- Kung magbabawas ang isang mamimili ng kaniyang binibiling produkto, hinti ito makaaapekto sa
pamilihan.
- Ang bawat prodyuser ay nakapagpo-prodyus lamang nang maliit na porsiyento ng mga produkto sa
buong pamilihan.
- Kung ang isang prodyuser ay magbabawas o magdadagdag ng dami ng kaniyang ibebenta, hindi rin ito
makaaapekto sa pamilihan. Mananatili sa naitakda ang presyo ng bawat produkto.
2. Magkakauri ang mga produkto (Homogeneous and standardized products) - Sa isang pamilihang
pinangingibabawan ng kompetisyon, hindi napapansin ang pagkakaiba-iba ng mga produkto.
- Ang mga ibang produkto ay magkaka-uri.
- Hindi mahalaga ang tatak ng bawat produkto.
Halimbawa: para sa mga mamimili, ang harina na itinitinda sa loob ng isang pamilihan ay pare-pareho
lamang. Gayundin ang kalidad at katangian nito. Kung kaya, hindi maaaring magtakda ng sariling presyo
ang isang prodyuser ng harina sa pamilihan. Kailangan niyang umayon sa presyo ng iba pang prodyuser.
3. Malaya ang pagpasok at paglabas ng prodyuser sa pamilihan - Sa pagtatayo ng isang tindahan,
karaniwan ang mga gastusin tulad ng pagkuha ng pahintuloy upang makapagnegosyo, pagpapagawa ng
gusali o tindahan, at pagbili ng mga materyales.
- Ang mga ganitong gastusin ay kadalasang nagiging dahilan ng hindi pagnenegosyo o ng negatibong
konotasyon sa pagpapatayo ng negosyo.
- Sa isang kompetisyon, ang mga gastusin na ito ay hindi nakaaapekto sa pagpasok o paglabas ng isang
prodyuser o nagtitinda sa isang pamilihan.
- Ang kalayaan ng pagbebenta sa ganitong uri ng pamilihan ay hindi nalilimitahan ng salaping kapital o
pamumuhunan sa isang negosyo.
- Ang kalayaan sa pagpasok sa negosyo ay ang kawalan ng mga hadlang tulad ng mga batas na pumipigil
sa pagpasok ng bagong negosyo na may parehong produkto sa naunang negosyo, o sa kakulangan ng
impormasyong kakailanganin upang makapagsimula ng produksiyon o sariling negosyo.
- Wala ring hadlang na makapipigil sa isang negosyante na magsara, tumigil, o magpalit ng kaniyang
negosyo.
Monopolyo - Isa lamang ang kompanya na maaaring magbenta o mag-suplay sa isang komunidad.
- Ang salitang monopolyo ay nanggaling sa salitang Griyego na monos (isa), at polein (pagbebenta)
- ito ay ang estruktura ng pamilihan kung saan may iisa lamang na nagbebenta o nagsusuplay ng isang
particular na produkto o serbisyo.
- Walang kompetisyon o katunggali ang prodyuser ng produkto.
Katangian ng pamilihang Monopolyo:
1. May hadlang sa pagpasok ng produkto mula sa ibang prodyuser sa pamilihan - Nabubuo ang
monopolyo dahil sa mga hadlang na makapasok ang ibang prodyuser o negosyante sa parehong
pamilihan.
Economies of scale - ay ang adbentaha ng isang kompanya na mapaliit ang gastos nito sa pamamagitan
ng malakihan at pangmatagalang produksiyon ng mga produkto.
- Nahihirapan ang ibang prodyuser na may mas maliit na produksiyon na makipagsabayan.
- Ang hadlang na dulot ng pamahalaan o legal barriers ay isa ring dahilan kung bakit nabubuo ang
monopolyo.
- May mga pagkakataon na isa o limitado lamang ang prangkisang ibinibigay ng pamahalaan upang
makapagbenta ng isang produkto o serbisyo.
Halimbawa: Ang National Waterworks and Sewerage System (NAWASA) ang dating may hawak ng
prangkisa ng tubig sa Kalakhang Maynila. Ngunit nang lumaon, ibinigay ang prangkisa sa dalawang
kompanya - Ang Manila Water Company, Inc. at ang Maynilad Water Services, Inc.
- Sa pamamagitan ng mga hadlang na nabanggit, nabibigyan-proteksiyon ng pamahalaan ang lisensiya at
intellectual property tulad ng karapatang-ari at patente ng isang produkto.
2. Walang ibang prodyuser na nagbebenta ng kapalit o kahawig na produkto - nahihirapan ang ibang
prodyuser, lalo na ang malilit na negosyante, na makapasok sa pamilihan na monopolyo.
- Wala ring pahimok para sa alternatibong produkto.
- Mas nabibigyan ng pagkakataon ang malalaking kompanya na makapagbenta ng kanilang produkto.
- Masasabi na may purong monopolyo sa isang produkto kung walang kapalit o kahawig na produkto na
maaaring pagpilian ng mga mamimili.
Halimbawa: Sa isang bayan, maaaring isa lamang ang nag-i-imprenta at namamahagi ng diyaryo. Kung
gayon, may monopolyong naitatag sa diyaryo. Ngunit kung may ibang paraan ang mga mamamayan
upang makakalap ng balita, tulad ng panonood sa telebisyon, paggamit ng Internet, at pakikinig sa
radyo, ang sitwasyon at tinatawag na hindi purong monopolyo.
3. May kakayahan ang prodyuser na magtakda ng presyo - Kontrolado ng monopolyong kompanya ang
suplay ng produkto.
- Walang magagawa ang mga mamimili kundi bumili sa kompanyang may hawak ng monopolyo, dahil
walang mabibilhan ng kapalit o kahawig na produkto.
- May kakayahan ang kompanya na magtakda ng presyo.
- Handang magbayad ang mga mamimili para sa produkto sa naitakdang presyo nito.
Price discrimination - ay isang paraan ng pagtatakda ng iba’t ibang presyo para sa parehong produkto o
serbisyo.
- Ilan sa mga konsiderasyon na tinitingnan ng mga prodyuser sa pagpapatupad ng price discrimination:
Panahon ng pagbili
Dami ng biniling produkto
Paggamit ng kupon o loyalty card
Edad ng mamimili
Kita ng mamimili
Halimbawa: magkaiba ang presyo ng tiket sa eroplano mula sa parehong lugar at patungo sa parehong
destinasyon ngunit sa magkaibang araw.
Oligopolyo - ay isang estruktura ng pamilihan kung saan limitado ang kompetisyon at iilan lamang ang
mga prodyuser na maaaring magbenta ng produkto o serbisyo.
- Nagmula ang salitang oligopolyo sa wikang Griyego na oligo (kaunti) at polein (pagbebenta)
Katangian ng Oligopolyo:
1. Kaunti lamang ang nagbebenta ng produkto - Isa sa hadlang upang makapasok ang ibang prodyuser sa
pamilihan ay ang mataas na kapital ng mga negosyante.
- iilan lamang ang may kakayahan na makapagbenta ng produkto.
- Hadlang din ang pagkakaroon ng lisensiya at intellectual property right tulad ng karapatang-ari at
patente ng mga produkto.
3. Nangingibabaw ang malalaking kompanya sa pamilihan - Kapag pinagsama-sama ang mga ari-arian at
hatian sa pamilihan (market share) ng mga kompanyang oligopolyo, nangingibabaw ang kakayahan ng
mga ito kompara sa mas maliliit na kompanya na nagbebenta ng parehong produkto.
Cut throat competition - ang malalaking kompanya sa oligopolyo ay maaaring magkaisa upang
mapabagsak ang maliliit na kompanya at maangkin ang kanilang bahagi sa kabuuang pamilihan.
4. May sabwatan o kolusyon ng mga kompanya - Dahil iilan lamang ang kompanya sa oligopolyo, ang
mga ito ay sensitibo sa desisyon ng isa’t isa. Sa ganitong sitwasyon, Nagkakaroon ng interdependence sa
pamilihan.
- Binabantayan ng bawat kompanya ang galaw ng kompetisyon sa pamilihan upang makasabay sa ibang
prodyuser at makagawa ng matalinong pagpaplano.
- May mga pagkakataon din na ang ilang kompanya ay nakikipagsabwatan sa isa’t isa upang magkaroon
ng kontrol sa presyo at dami ng produkto. Ang sabwatan na ito ay tinatawag na kolusyon.
Kolusyon - ay isang ilegal na Gawain dahil minamanipula nito ang pagtatakda ng presyo at dami ng
produkto sa pamilihan.
- Naihahalintulad din ito sa monopolyo dahil inaalis nito ang kompetisyon sa mga produkto at presyo.
- Nakasasama ang kolusyon sa pamilihan dahil maaari itong magbunsod ng hindi makatarungang pagtaas
ng presyo ng produkto.
Halimbawa: Noong 2014 nagkaroon ng malawakang pagtaas sa presyo at kakulangan sa suplay ng
bawang at sibuyas sa mga pamilihan dahil sa sabwatan ng mga prodyuser nito.
- Ito ay ayon sa opisyal na ulat ng Office of Competition sa ilalim ng Department of Justice o DOJ
(Kagawaran ng Katarungan).
- Karamihan ng mga kompanya sa pamilihang oligopolyo ay may interes sa mga likas na yaman at
serbisyong pampubliko.
- Ito ay nililimitahan ng pamahalaan upang hindi maabuso ang yaman ng bansa at mabigyan nang mas
maayos na serbisyo ang publiko.
-Ilan sa halimbawa ng kompanyang ito ay ang mga kompanyang nagbebenta ng gasolinang pansasakyan
na nangingibabaw sa pamilihan ng petrolyo at mga kompanyang telekomunikasyon na nagbibigay ng
serbisyong pampubliko sa larangan ng komunikasyon.
Konsepto ng Ekilibriyo
- Sa pamilihan, mahalagang maitakda ang presyo ng mga produkto sa halagang katanggap-tanggap sa
parehong mamimili at prodyuser.
- Hindi maaaring maitakda ang presyo sa mababang halaga upang matugunan lamang ang kagustuhan
ng mga mamimili.
- Hindi maaaring maitakda ang presyo sa mataas na halaga batay lamang sa kagustuhan ng mga
prodyuser.
- Dahil sa pagiging ipotetiko ng konsepto ng demand at suplay, maaaring matukoy ang presyo ng isang
produkto sa pamamagitan ng pagpapalagay sa dami ng produkto na maaaring maibenta o mabili sa
pamilihan.
- Sa aktuwal na sitwasyon sa loob ng pamilihan, hindi matatantiya ng mga mamimili o prodyuser ang
pagtatakda ng presyo dahil lamang sa pagpapalagay ng dami ng piraso ng produkto na nasa pamilihan.
- Ginagamit ng mga ekonomista ang salitang ekilibriyo sa pagtukoy ng katatagan ng presyo ng mga
produkto sa pamilihan.
- Kapag ang pamilihan ay nasa ekilibriyo, nangangahulugan ito na mayroong katatagan ang parehong
presyo ng mga produkto at ang dami ng produktong naibenta o nabili
Ekilibriyo - ay ang sitwasyon kung saan hindi nagbabago ang antas ng presyo, hangga’t hindi nagbabago
ang mga salik ng demand o suplay.
- Sa punto ng ekilibriyo, nagkakasundo ang mamimili at prodyuser sa naitakdang presyo ng produkto sa
isang pamilihan.
Pagtutuos ng Ekilibriyo
Matutuos ang ekilibriyo ng mga presyo gamit ang sumusunod na pormula
QD = QS
Kung saan:
(Demand) QD = x - yP
(Suplay) QS = -x + yP
Kung kaya, ang pormula ay masasabi rin na
x - yP = -x + yP
kung saan:
x - ay ang bilang ng produktong nais bilhin ng mga mamimili
-x - ay ang bilang ng produkto na maaring ibenta ng mga prodyuser
y - ay ang yunit kung saan nagkakaroon ng pagbabago
P - ay ang ekilibriyo ng presyo
Halimbawa: ang mga mamimili ay nais bumili ng 60 piraso ng lapis, habang ang mga prodyuser ay maaari
lamang magbenta ng 20 piraso ng lapis. Ngunit maaaring magbago ang dami sa yunit na 5 bawat
pagbabago. Magkano ang presyo ng bawat lapis na mapagkakasunduan ng mamimili at prodyuser?
Maaaring matuos ang ekilibriyo sa pamamagitan ng:
QD = x - yP QS = -x + yP
= 60 - 5P = -20 + 5P
QD = QS
60 - 5P = -20 + 5P
60 + 20 = 5P + 5P
80 = 10P
P=8
Kung kaya
Sa madaling salita, sa ekilibriyo, ang bawat piraso ng lapis ay nagkakahalaga ng P8.00. Maaaring
maipakita ang pagbabago sa presyo gamit ang iskedyul ng ekilibriyo.
- Mapapansin na sa halagang P8.00, pareho na 20 piraso ang dami ng produktong lapis sa suplay at
demand.
- Ang sitwasyon D ang ekilibriyo sa industriya ng lapis. Sa puntong ito, nagkaroon ng kasunduan ang mga
mamimili at prodyuser sa dami at presyo ng lapis.
- Mayroong katatagan ang pamilihan ng lapis sa sitwasyon D. Kung papansinin ang ibang sitwasyon (A-C
at E-G), walang kasunduang nangyayari dahil magkaiba ang dami ng produktong mabibili (demand), at
ang dami ng produktong maibebenta (suplay).
- Maaari ding maipakita ang konsepto ng ekilibriyo sa isang kurba o grap (Pg. 148)
Makikita sa grap 6.1 na nagtagpo ang kurba ng demand at kurba ng suplay para sa produktong lapis sa
punto D.
- Ang pagtatagpong ito ay tinatawag na punto ng ekilibriyo, kung saan nagkasundo ang mga mamimili at
prodyuser sa isang tukoy na presyo para sa tukoy din na dami ng produkto.
- Sa sitwasyon ng ekilibriyo, makikita na mayroong sariling kurba ang demand na malayang gumagalaw
at hindi naiimpluwensiyahan ng suplay.
- ang kurba ng suplay ay malayang gumagalaw at hindi naaapektuhan ng demand.
- may kani-kaniyang salik na nakaaapekto sa paggalaw ng mga punto sa kurba ng demand at sa kurba ng
suplay.
- kung ang mga salik na ito ay makaaapekto sa isa’t isa, magkakaroon ng pagbabago at paggalaw ng
kurba ng ekilibriyo tulad ng makikita sa iskedyul.
Halimbawa: Tumaas nang 40 porsiyento ang kita ng mga mamimili kaya naapektuhan nito ang demand
sa lapis na maaaring bilhin sa pamilihan. Ipagpalagay na ang suplay ay hindi nagbago at nanatili sa
orihinal na antas.
-Samantala kung dumami naman nang 40 porsiyento ang suplay ng kahoy na ginagamit sa paggawa ng
lapis, at ang demand ay hindi nagbago, maaaring ang kalabasan na iskedyul ay magpakita ng pagbabago
sa suplay.
- Kung pareho namang mag paggalaw sa kurba ng suplay at sa kurba ng demand sa isang sitwasyon dahil
sa mga salik na nakaaapekto sa mga ito, magkakaroon ng mas malaking pagbabago sa punto ng
ekilibriyo.
John Maynard Keynes - naniniwalang malaki ang gampanin ng pamahalaan sa pag-unlad ng ekonomiya,
ito ay pinagsama-samang kalagayan ng ibat-ibang salik na nakaaapekto sa galaw ng isang ekonomiya.
- Itinuturing na Ama ng Makroekonomiks.
- Siya ay may-akda ng ilang librong pang-ekonomiks tulad ng Indian Currency and Finance, The Economic
Consequences of the Peace, at A Track on Monetary Reform.
- Ang kaniyang pinakapamosong aklat na The General Theory of Employment, Interest, and Money ay
nagdulot ng pagbabago sa kaisipang pang-ekonomiko ng mga tao dahil sa mga kontrobersiyal na
isinasaad nito.
- Inilarawan niya ang konsepto ng aggregrate demand bilang kabuuan ng lahat ng paggastos ng mga
mamimili, pamumuhunan, at paggastos ng pamahalaan.
- Hanggang sa kasalakuyan, marami pa ring ekonomista ang nagdedebate kung tama ba si Keynes sa ilan
sa kaniyang mga teorya.
Aggregate Output - pinagsama-samang kabuuang bahagi ng ekonomiya tulad ng demand at suplay,
trabaho at kita, pag-iimpok at pamumuhunan, buwis at paggastos, salapi at presyo, at iba pang panukat
sa kalagayan ng isang bansa.
4 Bahagi ng Aggregate Output:
1. Pagkonsumo ng mga mamimili
2. Pamumuhunan ng mga negosyante
3. Paggastos ng pamahalaan
4. Kalakalang panlabas
Keynesian Analysis
- Ang makroekonomiks, bilang isang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks, ay nabuo dahil sa Great
Depression sa Estados Unidos noong dekada 1930.
Great Depression - ay isang kalagayang pang-ekonomiya kung saan bumagsak ang lahat ng negosyo,
nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng mgaprodukto, at bumaba ang halaga ng salapi.
- Dahil sa mga pangyayaring ito, nahirapan ang mga bansa na matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan.
- Naghanap ang mga ekonomista ng paraan upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning pang-
ekonomiya.
- Sinubok ng Keynes na unawain ang suliranin ng Great Depression.
- Sa kaniyang aklat na The General Theory of Employment, Interest, and Money (1936), inilahad ni
Keynes ang kaniyang teory patungkol dito.
- Isinaad niya na ang suliranin ay nag-ugat sa pagkakaroon ng hindi pantay na halaga ng iniimpok at
halaga ng ipinupuhunan.
2 Pangunahing konsepto ni Keynes sa suliranin:
1. Kapag mas mataas ang impok ng salapi ng pamahalaan kompara sa pamumuhunan na pumapasok sa
bansa, tataas ang presyo ng mga produkto. Mapipilitan ang mga tao na bumili ng produkto kaya tataas
ang demand at suplay. Ngunit, ang ekilibriyong presyo ay susunod sa paggalaw suplay, kung kaya’t
tataas din ang presyo ng mga produkto. Magkakaroon ng implasyon ng presyo.
2. Kung mas mataas ang pamumuhunan na pumapasok kompara sa naiimpok na salapi ng pamahalaan,
magkakaroon ng depresasyon ang ekonomiya. Dahil kulang o walang salapi ang pamahaan, hindi nito
maibibigay ang mga pangunahing serbisyo para sa mga mamamayan. Bababa ang demand dahil hindi
gumagastos ang mga mamamayan dulot ng espekulasyon na mahina ang suplay ng produkto.
- Ang ekonomiya ay binubuo rin ng mga pamilihan kung saan nagaganap ang pagbebenta at
pagpapalitan ng salapi at produkto.
- Nagmumula sa pamilihan ng mga salik ng produksiyon ang lahat ng gamit upang makagawa ang bahay-
kalakal ng mga produkto at serbisyo.
- Dito nagmumula ang mga likas na yaman, manggagawa, kapital, at entreprenyur na kakailanganin ng
bahay-kalakal.
- Lahat ng mga produktong nagawa ay dinadala sa pamilihan ng mga natapos na produkto, na siya
namang nagbebenta ng mga ito sa sambahayan.
- Makikita na mayroong katumbas na salapi o halaga ang bawat gawain ng pamilihan at ng mga aktor.
- Ang demand ng bahay-kalakal ay mag katumbas na paggastos sa produksiyon dahil kailangan nitong
bayaran ang pamilihan ng mga salik ng produksiyon sa mga salik na kaniyang ginamit sa paggawa.
- Ang pagsusuplay naman ng bahay-kalakal sa pamilhan ng mga natapos na produkto ay nagbibigay ng
kita sa bahay-kalakal.
- Ang bawat produktong ginawa ng bahay-kalakal ay may katumbas na halaga o presyo na lalagyan ng
interes ng pamilihan ng mga natapos na produkto.
- Ang bawat suplay na ibibigay ng sambahayan sa pamilhan ng mga salik ng produksiyon ay may
katumbas na kita ng sambahayan.
- Ang kita ay maaaring magmula sa suweldo ng mga manggagawa, interes sa mga produkto, upa sa lupa,
o tubo ng entreprenyur.
- Kapag ang sambahayan naman ang may demand sa produkto o serbisyo na mula sa pamilihan ng mga
natapos na produkto, kailangan naman niya itong bayaran upang mabili ang mga produktong ito.
- Sa ikatlong modelo, ang daloy ng mga produkto at serbisyo sa dalawang pamilihan at dalawang aktor
ay pareho lamang.
- Sa pagkakaron ng ikatlong pamilihan, nadagdagan ang paggalaw at nabago ang pag-ikot ng ekonomiya.
- Ang sambahayan ay maaaring mag-impok sa pamilihan ng pananalapi, habang ang bahay-kalakal ay
maaaring mangutang sa pamilihan ng pananalapi.
- Ang bahay-kalakal ay maaaring mamuhunan sa iba’t ibang pamilihan ng pananalapi upang mapaunlad
ang ekonomiya ng bansa.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
- Dahil sa idea ni Keynes, kung saan nagkaroon ng malaking gampanin ang pamahalaan sa pagpapatakbo
ng ekonomiya, umusbong ang ikaapat at ikalimang modelo ng ekonomiya.
- Nakasentro ang mga modelong ito sa ikatlong aktor ng ekonomiya - ang pamahalaan - bilang aktor na
nakaaapekto sa lahat ng gawain ng ekonomiya.
- Sa ikaapat na modelo, ipinagpapalagay na ang ekonomiya ay nasa loob lamang ng bansa, kaya lahat ng
bahagi nito ay maaaring maimpluwensiyahan ng pamahalaan.
- Ngunit sa ikalimang modelo, lumitaw ang ikaapat ng pamilihan - pamilihan ng panlabas na kalakalan -
na hindi naiimpluwensiyahan ng pamahalaan.
- Dahil limitado lamang ang pangongolekta ng buwis at hindi sapat ang salaping hawak ng pamahalaan,
maaari itong mangutang sa pribadong sektor tulad ng pamilihan ng pananalapi.
Pangungutang - ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbebenta ng treasury bonds, treasury bills, at
treasury notes.
- Ang mga ito ay uri ng pangungutang ng pamahalaan sa mga pribadong indibidwal, bangko, o
kompanya.
- Maaari ding mangutang ang pamahalaan sa ibang bansa o mga organisasyong panlabas tulad ng World
Bank at International Monetary Fund (IMF)
- Isa pang aspekto ng kalakalang panlabas ay ang import, o ang pagpasok ng mga produkto mula sa ibang
bansa.
- Ang bawat imported product na pumapasok sa bansa ay may katumbas na outflow money, o ang
salaping lumalabas sa bansa.
- Ang salaping ito ay hindi na maibabalik sa bansa, kung gayon, nababawasan ang salaping dumadaloy
paikot sa ekonomiya ng bansa.
- Sa Pilipinas, mas mataas ang import rate kompara sa export rate ng mga nagdaang taon.
- Mas malaki ang outflow money kompara sa inflow money, kaya nagkakaroon ng negative trade ang
kalakalang panlabas ng Pilipinas.
- Ayon sa PSA, ang export rate ng Pilipinas noong Abril 2016 ay umabot sa US$4254.22 milyon habang
ang import rate naman ay US$6528.96 milyon.
- Sa kabuuan, mayroon US$2274.75 milyong negatibong trade balance ang ating bansa.
- Ibig sabihin nito, lumiit ng US$2274.75 ang ekonomiya ng bansa kung ang pagbabatayan lamang ay ang
import-export rate na datos ng bansa.
Maliban sa kalakalang panlabas, isa rin sa mahalagang pinagkukunan ng kitang panlabas ng bansa ay ang
mga overseas Filipino worker (OFW).
- Ayon sa ilang ekonomista, ang salaping ipinapadala ng mga OFW ay hindi pa nabibilang sa tradisyonal
na limang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya.
- Dahil sa malaking ambag ng mga OFW sa pagpapaunlad ng ekonomiya, kinakailangang ihiwalay ang
OFW bilang ikaapat na aktor sa paikot na daloy.
- Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas Econic Newsletter, 3.5 porsiyento lamang ng perang padala ng mga
OFW ang dumaan sa mga bangko noong 2009.
- Sa pinakahuling tala noong Pebrero 2016, ang perang ipinapadala ng mga OFW ay umabot na sa
US$4.1 bilyon para sa pagbubukas pa lamang ng taong 2016.
- Tumaas ito ng 6.2 porsiyento kompara noong 2015.
- Tumaas din ng 9.1 porsiyento, o katumbas ng US$2.1 bilyon, ang perang dumaan sa pormal na proseso
ng pagpapadala sa mga bangko.
Export - pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa.
Inflow Money - salaping pumapasok sa bansa
Import - pagpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa
Outflow Money - salaping lumalabas sa bansa
- Kung ang salaping iniimpok ay hindi magagamit, liliit ang kakayahan ng susunod na pamilihan o aktor
na makapagkonsumo dahil liliit ang inaasahang salaping papasok sa daloy (inflow) nito.
- Magkakaroon ng di-balanseng daloy ang mga pamilihan at aktor dahil hindi dumadaloy paikot ng
ekonomiya ang ilang salapi. Samakatuwid, bumababa ang ekonomiya ng bansa.
AP Quiz
1. Great Depression - ay naganap sa Estados Unidos kung saan bumagsak lahat ng negosyo,
nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng mga produkto, at bumababa ang halaga ng salapi.
2. John Maynard Keynes - ang Ama ng Makroekonomiks.
3. Overheated Economy - ang tawag sa masyadong pagsigla ng ekonomiya.
4. Makroekonomiks - ay nakatuon sa kabuuang kalagayan ng ekonomiya.
5. Inflow Money - ang tawag sa salaping pumapasok sa bansa.
6. Sambahayan - ang nagmamay-ari ng lahat ng salik ng produksiyon.
7. Buwis - ang singilin na ipinapataw ng pamahalaan sa mga sambahayan at bahay-kalakal kapalit
ang mga serbisyo para sa mga mamamayan.
8. Revenue - ang tawag sa kita ng mga negosyo.
9. Pamahalaan - ang nagpapatupad ng mga polisiyang magpapanatili sa balanseng ugnayan ng mga
bahay-kalakal at mga sambahayan.
10. Import - ang tawag sa pagpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa
Ekonomiks - Ito ay pagaaral ng wastong paggamit at pamamahagi ng mga yaman upang matugunan ang
mga pangangailangan o kagustuhan.
- Mahalaga ang Ekonomiks dahil ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng buhay,pamumuhay, at
kabuhayan
- Ang salitang Ekonomiks ay mula sa salitang Griyego na Oikonomos, na hango sa mga salitang
oikos(pamamahala) at nomos(tahanan).Ang Oikonomos naman ay nangangahulugang “pamamahala sa
sambayanan”
-Ang sinaunang konsepto ng ekonomiks ay tumutukoy sa simpleng pamamahala ng bahay o pansariling
pamumuhay.
Apat na Elemento ng pakahulugan sa ekonomiks
1. Pangangailangan at Kagustuhan - Ang lahat ng tao ay mayroong kani-kaniyang pangangailangan at
kagustuhan. Sa proseso ng pagkamit sa personal na pangangailangan, natutugunan din ang
pangangailangan ng lipunan.
2. Yaman – Ito ay tumutukoy sa lahat ng ginagamit upang makagawa ng isang produkto.
2.1. Likas na Yaman - Maaaring ito ay yaman na nakukuha mula sa kalikasan.
2.2. Lakas-paggawa - Mga tao na gumagawa ng produkto.
2.3. Capital Goods - Kagamitan na mahalaga sa paggawa, tulad ng makinarya at gusali ng pagawaan.
-Lahat ng yaman na ito ay ginagamit upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
3. Paggamit at Pamamahagi - Ito ay tumutukoy sa proseso ng produksiyon,distribusyon at pagkonsumo
3.1. Produksiyon - ay ang paraan ng paggawa ng mga produkto gamit ang iba’t ibang salik.
3.2. Pagkonsumo - Lahat ng bagay na dumadaan sa proseso ng produksiyon ay ginagamit at
pinapakinabangan ng tao.
3.3. Distribusyon - Upang makaabot o maipamahagi naman ang mga produkto sa mga tao.
Dapat matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao dahil ito ay likas sa tao ang maghanap
ng mga bagay na magbibigay sa kaniya ng kasiyahan o kasapatan. Likas din sa tao ang kawalan ng
pagkakuntento.
Opportunity Cost - Isasakripisyo ng tao ang ibang bagay upang makuha ang kaniyang mga naisin. Ito ay
nagpapahayag na lahat ng bagay ay may kapalit. Kaugnay rin ng kaisipang ito ang ikaapat ng elemento
4. Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan at Kagustuhan – Dahil likas na sa mga tao ang gumawa ng iba’t
ibang pamamaraan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan, mahalagang
matutuhan ang wastong paggamit at pangangalaga sa kalikasan na siyang pinagkukunan ng likas na
yaman upang malikha ang mga produkto.
Bilang isang disiplina sa ilalim ng agham panlipunan, ang ang ekonomiks ay kaugnay ng pag-aaral sa iba
pang aspekto ng lipunan,tulad ng heograpiya, sosyolohiya, at agham pampolitika.
Maiiugnay ang ekonomiks sa heograpiya dahil ang likas na yaman, na isang mahalagang bahagi ng pag-
aaral sa ekonomiks, ay nailalarawan sa tulong ng pag-aaral ng heograpiya.
-naapektohan din ng heograpiya ang uri ng pamumuhay ng mga tao.
Nakatutulong naman ang kaalaman ng sa sosyolohiya upang maunawaan ang mga desisyong
pangkabuhayan ng mga tao.
Sosyolohiya-Ang mga tanong na katulad ng Bakit mas mataas ang gastos tuwing disyembre kesa sa ibang
buwan?, Bakit nahuhumaling ang mga tao pag may lumalabas na bagong modelo ng phone. Ang gantong
uri ng mga tanong ay nasasagot sa tulong ng sosyolohiya.
Sa Agham Pampolitika ,ang Ekonomiks ay mahalagang aspekto ng pagdedesisyon ng mga politiko ukol sa
paggamit ng likas na yaman, pagbuo ng mga plano upang mapaunlad ang bansa, at pagpili sa uri ng
ekonomiya na angkop sa isang bansa.
-binibigyan ng kapasidad ang mga politiko at ang pamahalaan na ayusin at palawakin ang ekonomiya ng
bansa upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito.
-Maiiugnay din ang ekonomiks sa kasaysayan, arkeolohiya, at antropolohiya.
-Maaaring masuri ang pamumuhay ng mga tao batay sa kung paano nila natutugunan ang kanilang mga
pangangailangan gamit ang perspektiba ng ekonomiks.
-Sa pagsusuri sa kaysaysayan,makikita ang dating kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa at
mauunawaan ang mga penomeno na nararanasan sa kasalukuyan.
-Sa arkeolohiya , mahuhukay ang mga ebidensiya kung paano namuhay ang mga tao, tulad ng fossil,
bato, at patalim na ginamit nila.
-Antropolohiya - pinapaliwanag nito ang nangyayari sa lipunan at dahilan nito,at paano naaapektuhan
ng mga pangyayaring ito ang pamumuhay ng tao.
Maaari ding maiugnay ang ekonomiks sa sikolohiya.
-Sikolohiya - Ang pag-aaral ng asal at kaisipan ng tao.
-Maaaring nakaaapekto ang paraan ng pag-iisip ng tao sa paggawa ng desisyong pang-ekonomiko na
nakaaapekto.