You are on page 1of 2

Sa bawat aspekto ng buhay, isa sa pangunahing iniintindi ng karaniwang

Pilipino ngayon ay ang araw-araw na pagtaas ng mga bilihin sa bansa kung


kayat Malaki ang epekto nito para sa mga mamimili. Mas madali itong isipin
bilang isang basket ng lahat ng pangkaraniwang produkto’t serbisyong binibili
ng mga mamamayan, ngayon ay uunti na lamang. Pero sa kabila nito, may
nagagawa baa ng pamahalaan para kontrolin ang inflation? Bilang
mamamayan, paano mo haharapin ang ganitong sitwasyon sa araw-araw?

Inflation ang tawag sa pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang


produkto sa bansa na binibili ng konsyumer. Kaya ang Philippine Statistic
Authority ay naglabas ng ilang datos ng presyo ng nakaraang buwan at araw.
Ngunit naikwento na ba sayo ng ilang matatanda na ang piso ay nakakabili na
ng isang kainan noon? Kung ating titignan sa panahon ngayon , ang piso ay
nakakabili lamang ng isang pirasong kendi.Kung ang taunang inflation rate ay
mas mataas kumpara sa halaga ng isang basketng produkto ay mas mataas
kumpara sa halaga nito sa parehong panahon nitong nakaraang taon. Ganito
rin ang analohiya para sa buwanang inflation.
Sa kabilang dako, isa sa pangunahing rason ay ang mababa o kakaunting
mga produkto lamang ang lumalabas.Market forces ang kadalasang
nagdidikta sa pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga bilihin.Subalit bilang
proteksyon sa mga konsyumer, tinitiyak ng pamahalaan na risonable at hindi
mapang-abuso ang pagtaas ng presyo, lalo na sa pangunahing produkto.
Nakakaapekto sa presyo ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa kapag
tumataas ang presyo ng iba pang produkto sa pamilihang pandaigdig kaya
taas presyo din ang gastos sa produksyon na magiging sanhi ng pagtaas ng
bilihin sa local na pamilihan.At isa rin ay kapag Malaki ang gastos ng
pamahalaan kaysa kita mula sa buwis, tataas ang suplay ng salaping kita at
mahihila ang presyo ng mga kalakal at produktong paitaas. Bukod dito,Isa sa
pinakamalaking epekto nito sa mga mamimili at ekonomiya ay ang
nahihirapan tayong bilhin ang ating pangunahing pangangailangan, humuhina
ang kapangyarihan ng pera ng mga mamimili,mapipilitang magbago ng
paraan ng pamumuhay upang makasabay sa pagbabagong nagaganap sa
ekonomiya, at pagka may inflation mapipilitan magbenta ng substandard na
produkto sa mas mababang halaga ang mga prodyuser o manufacturer para
lang kumita.Ilan sa mga nabanggit ang mga epekto nito satin hindi lang sa
mga consumer maging ang lahat ng mga mamamayan na nakakaranas ng
ganitong sitwasyon sa ekonomiya.
Samantala, kailangan bigyang aksyon ang gobyerno ang pagtaas ng
bilihin sa bansa para sa mga mamamayan nito.Ayuda o tulong ang solusyon
sa inflation.Kaya tayong mga mamamayan ay nararapat ang matalinong
pagdedesisyon sa pagbili ng produkto. Kaya sa panahon ngayong unahin
muna ang pangangailangan bago ang kagustuhan dahil walang nang mura na
bilihin sa ngayon.Harapin ang pamahalaan isang suliraning ito na
nagbubunsod sa mataas na presyo para sa lahat ng hindi na tayo masyadong
maapektuhan sa inflation rate.At kailangan maglatag ng solusyon ang senado
,tumutok sa solusyon hwag sa intriga.

You might also like