You are on page 1of 1

Ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin o ang tinatawag nating

implasyon ay hindi natin mapipigilan ngunit posible nating maiwasan at


malutasan. Kaya bilang isang mag-aaral, ako’y magiging isang matalinong
mamimili at bibilhin ko lamang ang mga pangunahing o importanteng
kagamitan na magagamit ko sa pang araw-araw na buhay para hindi
tumaas ang demand nito . Ako rin ay magtitipid ng pera na maari kung
gamitin sa oras ng kagipitan at hindi rin ako magpapadala sa aking mga
kagustuhan. Tutulungan ko rin ang aking mga magulang sa pag bubudget
ng pang araw-araw na gastusin sa aming bahay. Sa pamamagitan nito
posebleng malulutasan natin ang mga problemang kaugnay sa
implasyon.

Isa sa mga dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng suply ng salapi, kaya


naman ipinapatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga patakaran
sa pananalapi upang mabawasan ang suplay nito. Isa na dito ang, dapat
pahalagahan ng pamahalaan ang maayos na paggastos, pagbabadyet,
pangungulekta ng buwis at pangungutang. Dapat din na taasan ang
antas ng produktobidad lalo na ang pagsasaka. Nakababawas din ng
suliranin ang pagtitipid at wastong paggamit sa mga inaangkat na
materyal at kagamitan na kailangan sa produksuyon. Makatutulong din
sa paglutas ng Implasyon ang Tight Money Policy, pagtangkilik at
paggamit ng mga local na materyales at produkto, pagbibigay ng parusa
sa mga nagtatago o nagkokontrol ng supply ng produkto ng sa ganun
maiwasan natin ang implasyon

You might also like