You are on page 1of 4

Panayam/Interview

Tindera Sagot: Ate Iza

3. Kakulangan Ng produkto, dahilan sa mga sakunang nararanasan Ngayon.

4. Doon mismo sa mga gumagawa ng mga item mga nag Po produce.

Ate Apple

3. Dahilan Ng nasa crisis tayo Ngayon Hal. Pagtaas Ng asukal at harina Ang pinanggagalingan kasi Ng
harina ay sa bansang may gyera ba iyon kaya medyo short tayo Ngayon.

4. Tingin ko dapat mag umpisa Yan sa mga manufacturer Doon dapat siya nag uumpisa kumbaga itong
tindahan na ito kinukuha lang Naman namin binibili rin namin kaya pag na increase Ang price tataas din
Ang presyo Ng bilihin sa Amin kaya Doon mismo sa pinaka mataas manggaling ang pagbabago Ng
presyo.

Mamimili Sagot:

Ate Bashe

3. Ung mga gamit sa produkto

4. Una muna pag aralan natin Yan katulad Ngayon tumataas Ang mga ginagamit sa produkto kapag
tumaas Ang gamit sa produkto tataas din Ang production. Sa Ngayon siguro pinag aaralan Ng acting
pangulo Ang food industry para mapababa Ang bilihin. Kaya sa pangulo magsisimula Ang pagbabago.

Ate Chanett

3. Hindi pagsuporta sa produkto Ng pilipino katulad Ng pag aangkat Yung produkto Ng mga pilipino Hindi
nila nabibili kaya tumataas. Ano pa ba gaya na Lang Ng isda kaunti Ang nahuhuling isda kaya tumataas.

4. Sa Gobyerno mismo mo magsisimula Ang pagbabago Ng presyo Ng bilihin.

Mamimili : Rethse Lombrino

Tanong 1: Bakit ka pa rin namimili ng pagkain kahit nagtaas na ang presyo nito?

Rethse: Kase kailangan pa rin natin ng mga pangangailangan sa araw-araw kaya kahit mataas ang presyo
bibili parin kami.

Tanong 2: Ngayon na patuloy ang pagtaas ng bilihin may nabago ba sa inyong pinamili?

Rethse: Medyo konti nalang yung pinapamili di na tulad dati nung mababa marami-rami ngayon konti
nalang.

Tindera: Rosie Bandola

Tanong 1: Bakit ka pa rin namimili ng paninda kahit nagtaas na ang presyo nito?
Rosie: Kailangan ng mga tao araw-araw yung mga paninda kaya namimili ako kahit na mahal kaso lang
ang hirap abutin ng mga presyo kase sobrang mamahal na kahit pailan-ilang items namimili ako para pag
naghanap ang mga tao ng needs nila everyday meron ako.

Tanong 2: Ngayon na patuloy ang pagtaas ng bilihin may nabago ba sa kita mula sa paninda?

Rosie: Wala nganga.

Ate net

5. Dahil sa hirap ng buhay ngayon dapat lang talaga itong bigyan ng pansin, para ito ay mabigyan agad
ng solusyon o aksyon.

6. Hindi, dahil mahirap nga lang yung buhay, sapat lang yung madalas bilihin halos yung
pangangailangan lang namin sa araw araw yung nabibili.

Ate Vicky

5. Dahil sa pahihirap talaga ng buhay ngayon, kailangan talaga tayo gumawa ng solusyon para tayo ay
maka-ahon sa hirap kahit sa maliit na bagay katulad ng pagbaba ng presyo ng bilihin malaking tulong na
iyon.

6. Hindi, kasi budget lang yung gamit namin sa araw-araw tapos dumagdag pa yung pagtaas ng bilihin
kaya doble sikap na lang talaga. Kuya Doy 5. Dahil maliit na nga ng sweldo paano pa kaya kung tataas na
yung bilihin mahirap na nga yung buhay e, halos sapat lang.

4. Sa tingin mo, kanino dapat magsimula ang pagpapabago ng presyo ng bilihin? - Dapat itong
magsimula sa ating gobyerno, sa mga namumuno sa ating bansa, partikular ang Kagawaran ng Kalakalan
at Industriya. Sapagkat sila ang nakakaalam at nagbabantay sa mga supply ng iba't-ibang produkto at sila
ang dapat na nagko-kontrol sa mga presyo nito.

5. Bakit mahalaga na mabigyang pansin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin? - Kailangan itong
mabigyan ng pansin upang magkaroon ang ating pamahalaan ng sapat na hakbang o plano kung paano
pababain ang mga presyo ng bilihin at masolusyonan ang paghihirap ng mga Pilipino.

--- Leth

Tindera Answer: 5.Para mabili at hindi masira ang paninda. 6.Hindi.

Mamimili Answer: 5.Para matugunan ang pangangailangan ng isang pamilya. 6.Hindi,kase mababa
lamang ang kita,at hindi sapat sa pagtaas ng preso ng bilihin.
Bakit ka parin namimili kahit nag taas na ang presyo nito?

-Kasi para din siya sa kalusugan, hindi man pang araw-araw kong ginagamit, pero mas makakabuti ito

Ngayon na patuloy ang pag taas ng bilihin, may nagbago ba sa inyong kita mula sa paninda ?

-Meron, may ibang hindi na muna bumibili dahil mas inuuna yung pag kain sa pang araw-araw which is
good din kasi kada isang week lang naman sa buwan ginagamit ito ng mga babae

Bakit ka parin namimili kahit nag taas na ang presyo nito?

-Mataas naman na yung presyo niya, pero ang kagandahan kasi sa produktong to ay maganda din sa
kalusugan, may mga ibang pads na hindi magandang gamitin.

Ngayon na patuloy ang pag taas ng bilihin, may nagbago ba sa inyong pinamimili mula sa paninda?

-Oo meron, lahat naman nag babago. Pipiliin mo nalang talga yung mga mahahalagang bilihin na bibilhin
mo

Tindera Answer: (Zeny Vizcarra)

3. Of course tumataas kasi ang ating inflation rate na kung saan ito ay ang patuloy na pagbaba ng peso
kaya patuloy na tumataas mga bilihin.

4. Sa atin, dahil kung ang bawat isa ay kumikita gumaganda ang resulta ng ating ekonomiya, lahat ay
kumikita. Tindera Answer: (Liza Ibañez)

3. Napapansin ko kaya nagtataasan ang mga dahil tumataas na rin yung mga tax na binabayaran. Kaya
nagtataas na rin sila.

4. Para sa akin, dapat sa DTI. Kasi sila ang nakakaalam kung anong tamang presyo ng bilihin. Para pati
pare-parehas dapat.

Mamimili: Lhiane Bautista

3. Sa aking palagay kaya patuloy na tumataas ang mga bilihin dahil sa mga ingredients ng bawat
produkto. At maging ang kakulangan na rin ng mga stocks kaya nagsisistaasan ang mga bilihin.

4. Kung magiging ayos lamang ang mga presyo ng bawat bilihin ay hindi ito magsisitaasan. At kung ang
kataas-taasan ng mga namamahala rito, kung bibigyan nila ng pansin ay malaki ang magiging epekto nito
sa mga tao lalo na sa panahon ngayon.

Mamimili: Jay Felix

3. Dahil sa pagkaroon ng problema sa bansang Ukraine at Russia kaya naapektuhan ang ating mga
produkto gaya ng gas dahil hindi makarating rito sa bansa natin ang ating mga produkto kaya nagtataas
ang gasolina kaya nagtataas.
4. Puwede mag bago ang presyo ng ating mga bilihin kung iintindihin ng ating pangulo para bumaba ang
mga tax para bumaba ang presyo ng ating mga bilihin.

You might also like