You are on page 1of 10

4

Grade 4 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Ikalawang Markahan – Module 3
IBA’T IBANG URI NG NEGOSYO

Locally Developed Self-Learning Material

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


Locally Developed Self-Learning Material

Quarter 2 – Lesson 3: Iba’t-ibang uri ng mga Negosyo

Development Team of the Module

Writer: Danilo m. dela Rosa,EdD.


Editors: Jonathan A. Bada
Nenita A. Alvarez
Cenon G. Cayabyab, Jr.
Reviewer: Jonathan A. Bada

Management Team:
Leilani S. Cunanan, CESO V
Maylene M. Minimo, EdD, CESE
Ariel C. Lansang
Jose C. Tala, EdD
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan- Baitang 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Entreprenuership!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pambuliko institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Baitang 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Entrepreneurship!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

2
MGA LAYUNIN

1. Naisa-isa ang mga uri ng negosyo sa pamayanan

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo sa pamayanan


EPP4IE-0b-4
 

ANO ANG ALAM MO NA?

Panuto: Tukuying ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Salitang tumutukoy sa mga salitang may salungguhit. "Si Luisa ay pumunta sa Baguio upang
mamasyal sa loob ng isang araw. Sa huling araw ng kanyang pananatili, pumunta siya sa pamilihan at
bumili ng peanut brittle, strawberry at ube jam."
A. pagtitinda C. negosyo
B. serbisyo D. produkto

2. Salitang tumutukoy sa salitang may salungguhit. "Nasira ang tubo ng tubig sa bahay nila Miko,
tumawag ang kanyang ina ng tubero upang palitan at ayusin ang tagas nito."
A. pagtitinda C. negosyo
B. serbisyo D. produkto

3. Salitang tumutukoy sa salitang may salungguhit. "Bilang isang propesyonal, pagtuturo sa mga mag-
aaral ang palaging iniisip ni G. Melody tuwing siya ay papasok sa paaralan."
A. serbisyo C. produkto
B. pagtitinda D. negosyo

4. Taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon. "Matibay,


maganda at murang lapis at papel."
A. pasyente C. sanggol
B. mag-aaral D. guro
5. Taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon.
"Masustansayang, pagkain, gatas, bitamina at malinis na boteng pinagdedehan."
A. pasyente C. sanggol
B. mag-aaral D. guro

6. Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga sumusunod na
sitwasyon. "Maayos na panggagamot ng mga kawani ng ospital."
A. pasyente C. sanggol
B. mag-aaral D. dyanitor

7. Ito ay bilihan ng mga tao ng mga anumang uri ng produkto sa isang barangay.
A. patahian C. SARI-SARI Store
B. botika D. karinderya

8. Ito ay negosyo na nag-aalok ng gupit sa buhok ng lalaki.


A. Barber Shop C. Patahian
B. BOTEKA D. Vulcanizing Shop

9. Pag-aayos ng bahay
A. Electrical shop C. Home carpentry
B. Laundry Shop D. Computer Shop

10. Pagsundo at hatid sa eskwela


A. School bus services C. Vulcanizing shop
B. Tutorial Service D. Funeral Service
ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

Ang Pagnenegosyo ay isang gawain kaugnay ng pakikipagpalitan ng produkto 


at serbisyo sa mga consumers o mamimili.

Ang pangunahing gawain ng negosyong nagbibigay serbisyong may personal touch ay ang
pagbigay ng komportable at kasiya-siyang paglilingkod.
Mga halimbawa sa pamayanan: pagkain, pagawaan ng sirang gamit, labada o laundry shop,
school bus service, at iba pa.

Mahalagang Gawain sa Pamamahala ng Tindahan


1.Maayos at malinis na Pananamit- Palaging maging kaaya-aya ang anyo sa mamimili
2.Pamimili ng mga Ititinda- isaalang-alang sa pagpili ng paninda. Ang bilihin ay hango sa pinaka
mababang halaga
3.Pagsasaayos ng Paninda- ayusin ang paninda ayon sa uri, lagyan ng tamang presyo.dapat na may sapat
na kaalaman sa itinitinda upang madali itong maipakilala sa mga
mamimili

Iba’t –ibang uri ng negosyo.

a. Negosyong Pangteknolohiya
Halimbawa nito ay ang mga computer shop, pagbebenta ng mga cellphone at iba pang
gadgets, pagkukumpuni ng mga sirang gadgets.

b. Negosyo sa Pagkain
Halimbawa nito ay ang restaurant at karinderya

c. Negosyong Konstruksyon
Halimbawa nito ay ang pagtitinda ng mga materyales para sa pagpapatayo ng mga bahay at
gusali.

d. Negosyong Sari-sari Store


Halimbawa nito ay ang pagtitinda ng mga pangunahing pangangailangan ng mga
mamamayan tulad ng mga produktong ginagamit sa katawan, bahay, at paaralan.

e. Negosyo ng Pagtitinda ng mga Souvenir Items


Karaniwan itong makikita sa mga resorts na patok sa mga turista.

f. Negosyo na Nagbibigay Serbisyo


Halimbawa nito ay ang mga barbershop, beauty parlor, carwash, at iba pa.
ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

A. Pumili ng isa sa mga uri ng negosyo. Gawan ito ng komiks na nagpapakita ng pangyayari,
pamamaraan ng pakikitungo, at serbisyong ibinibigay sa mga customer.

B. Itala ang serbisyo o produktong maaring ibigay sa mga customer ng bawat uri ng negosyo.

Uri ng Negosyo Ano-anong mga serbisyo ang iniaalok?

Jeremy’s Beauty Parlor a.________________


b.________________
c.________________

TONIO’S Pagawaan ng Sapatos at Payong a.________________


b.________________
c.________________

Ate Nenengs’s Eatery a.________________


b.________________
c.________________

TANDAAN MO
Ang pangunahing gawain ng negosyong nagbibigay serbisyong may personal touch ay ang
pagbibigay ng komportable at kasiya-siyang paglilingkod.
 

GAWAIN BILANG 1

Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kung tama at M kung Mali.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

_____1. Ang isang negosyo ay dapat walang personal touch, basta nasisilbihan ang mga
mamimili.
_____2. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.
_____3. Kailangan sa negosyo ang pagbibigay ng serbisyong mabilis at nasa tamang oras.
_____4. Matulungin, nagsasabi ng totoo, napagkakatiwalaan, at mabilis na serbisyo ang inaasahan
sa mga empleyadong nasa negosyong panserbisyo.
_____5. Kahit sa anong klaseng negosyo, ang advertisement o komersiyal ang pinakaimportante
para ipabatid sa madla ang tungkol sa negosyo.
 
GAWAIN BILANG 2

Tukuyin ang uri ng negosyo na dapat puntahan ayon sa mga


sumusunod na pangangailangan. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.

_______1. Pagpapagupit ng buhok


A. Hawk’s Gasoline Station
_______2. Pagbili ng asukal at kape
B. Jenny’s Beauty Parlor
_______3. Paghahanap ng masarap na makakainan
C. Mang Greg’s Talyer
_______4. Pagpapaayos ng sasakyan
D. Ineng’s Sari-sari Store
_______5. Pagpapalagay ng gasoline.
E. Spaghetti House

ISAPUSO MO

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong


sagot sa kwaderno.

1. Aling uri ng negosyo ang patok sa inyong pamayanan? Bakit Kaya?

2. Aling uri ng negosyo ang hindi patok sa inyong pamayanan? Bakit kaya?

3. Dapat bang magsagawa ng survey bago magtayo ng negosyo? Bakit?


MGA SAGOT PARA SA PAGWAWASTO

Ano ang alam mo na?


1. D
2. B
3. A
4. B
5. C
6. A
7. C
8. A
9. C
10. A
Ano ang iyong natutuhan
-nasa pagpapasya ng guro

Gawain Bilang 1
1. M
2. T
3. T
4. T
5. M
Gawain Bilang 2
1. B
2. D
3. E
4. C
5. A
Isapuso Mo
-nasa pagpapasya ng guro

8
MGA SANGGUNIAN

Mga Sangguniang Aklat

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Kagamitan ng Mag-aaral)


(page/s 9-14)

Internet
https://www.academia.edu/39986862/EPP4_TG_U

You might also like