You are on page 1of 9

THIRD QUARTER

FILIPINO 6
ASSESSMENT 1

NAME: ______________________________________________________________ SCORE: ____________

I. A. Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert
MANILA, Philippines — Malaki umano ang pagkakaiba ng Super Typhoon Ondoy na nanalasa noong
September 2009 sa Bagyong Ulysses na naranasan ngayon ng Metro Manila at Luzon dahil ang bawat
bagyo ay may kanya-kanyang uri at lakas na dalang ulan at hangin.
“Itong si Ulysses, hindi ito kabagalan. Hindi ito katulad ni Ondoy. Si Ondoy talagang napakabagal ng
kilos niyan. Sa unti-unti niyang galaw (Ondoy), puro ulan ang dinala niya. Walang masyadong
hangin,” pahayag ni Nathaniel “Mang Tani” Cruz, dating climatologist ng PAGASA at resident
meteorologist ng GMA.

Ayon kay Cruz, si Ondoy ay kumain ng maraming buhayat puminsala sa maraming ari-arian at
imprastraktura nang magkaroon ng flashfloods dahil sa matinding ulan na bumuhos sa loob lamang ng
anim na oras.
Samantala si Ulysses ay naapektuhan lamang ng mga nagdaang mga bagyo kaya ang dala nitong ulan
ay matindi ring nakaapekto sa mamamayan.

“Ito kasing si Ulysses, ilang bagyo na kasi ang dumaan bago ito dumaan. So, ‘yung lupa, maging sa
Sierra Madre ay babad na babad na. Saturated na kaya kaunting ulan lamang ay nagkakaroon ng run-
off,” dagdag ni Cruz.

Ito anya ang dahilan kung bakit umabot ang water level ng Marikina river ng 21.9 meters kahapon, mas
mataas sa 21.5 meters na water level ni Ondoy noon.
Sinabi rin ni Cruz na mas maraming bagyo na ang dumaan bago si Ulysses kaya pati ang mga dam
tulad ng Angat ay umapaw ang tubig.
Kung ikukumpara naman si Ulysses sa Super Typhoon Rolly, si Ulysses ay mas mahina pero ang
impact ay higit na naramdaman dahil kakadaan lang ni Rolly at hindi pa nakakabangon ay may bagyo
na naman.
Angie dela Cruz
Pilipino Star Ngayon

_____1. Sino ang dating climatologist ng PAGASA at resident meteriologist ng GMA?


a. Kim Atienza c. Mike Enriquez
b. Jessica Soho d. Nathaniel Cruz

_____2. Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas?


a. Disyembre 2018 c. Disyembre 2011
b. Septyembre 2009 d. November 2015
_____3. Anong bagyo ang nanalasa sa Pilipinas nitong Nobyembere 11, 2020 na halos nalubog sa baha
ang buong Marikina?
a. Bagyong Rolly c. Bagyog Ulysses
b. Bagyong Ondoy d. Bagyong Quinta
_____4. Bakit umabot ng mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay Bagyong Ulyses
kaysa noong kay Bagyong Ondoy?
a. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.
b. Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.
c. Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng bagyo ngayong taon.
d. Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong Ulysses.
_____5. Paano mo paghahandaan ang ganitong uri ng kalamidad?
a. Matulog dahil malamig ang panahon.
b. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.
c. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.
d. Makinig ng balita sa radyo o telebisyon ng mga babala at signal.

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Bawal Pumasok
_____6. Nakita ni James sa pintuan ang ganito:
a. Maaring pumasok. c. Hindi maaring pumasok sa loob
b. Sigawan ang nasa loob. d. Pumasok nang tuloy-tuloy sa loob

_____7. Ano ang ibig sabihin ng nakasulat na “Panatilihin ang Social Distancing”
a. Umiwas sa mga social na tao.
b. Maghawak kamay sa paglalakad.
c. Huwag makipagsiksikan sa mga tao.
d. Kailangan mananatili ang pagiging social

_____8. Habang naglalakad sa kalsada si Caye at ang kanyang nanay nakita nila ang simbolong nasa
ibaba. Ano ang ibig sabihin ng simbolong ito?
a. bilisan mo ang paglalakad
b. bawal ang pagtawid sa linya
c. iisang tao lang ang pwedeng tumawid
d. tumawid sa tamang tawiran o pedestrian lane

_____9. Ang tsart na nasa ibabaw ay ang Rainfall Warning Signal ng PAGASA tuwing may bagyo. Ano
ang ibig sabihin kung nasa Orange Warning ang isang lugar?
a. walang pagbaha sa mababang lugar
b. matinding pagbaha sa mababang lugar
c. aasahan ang pagbaha sa mababang lugar
d. nagbabadyang pagbaha sa mababang lugar

_____10. Ano naman ang gagawin kapag nasa Red Warning ang isang lugar?
a) subaybayan ang lagay ng panahon
b) maghanda sa posibilidad ng paglikas
c) lumikas at pumunta sa mataas na lugar
d) huwag pansinin ang warning sign ng PAGASA
II. Basahing mabuti ang lathalain at alamin kung bakit hindi naliligaw ang mga langgam.

Bakit Hindi Naliligaw ang mga Langgam?


(ni Jojo Briones-Cruz)
Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang makakain.
Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakabibilib na
diretsong linya.
Kung paano sila nakauuwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga
siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng
gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam
kapag pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang
lungga.
Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang
mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para
kumuha ng pagkain
Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa
distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang
kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa tekstong iyong binasa o napakinggan.
11) Ano ang hayop na tinukukoy sa unang talata na nakakabalik sa lungga mula sa paghahanap ng
pagkain? ____________________________________
12) Paano sila nakababalik sa kanilang lungga? ___________________________________________
13) Bakit nagsagawa ng pag-aaral ang mga mananaliksik tungkol sa kung paano nakakauwi ang mga
langgam? _________________________________________________________________________
14) Ano ang naging resulta ng pagsasaliksik? ______________________________________________
15) Gaya ng mga langgam, ano ang iyong kakaibang angking kakayahan?
__________________________________________________________________________________

B. Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat talata ayon sa wastong pagkakasunod- sunod ng pangyayaring
nabanggit sa tekstong nabasa o napakinggan.
_____16. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang kanilang
gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang distansiya
ng lupa patungo sa kanilang lungga sa kapatagan.
_____17. Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang makakain. Pero
kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakakabilib na diretsong
linya.
_____18. Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang mga
langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha
ng pagkain.
_____19. Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga
siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng
gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam
kapag pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa
kanilang lungga.
_____20. Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa
distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.
THIRD QUARTER
FILIPINO 6
ASSESSMENT 2

NAME: ______________________________________________________________ SCORE: ____________

I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sagutang papel.

_____1. Ito ay nagpapahayag ng mga ebidensya at dahilan upang maipagtanggol


ang katwiran ng isang panig.
a. pasalaysay b. argumento c. paglalahad d. pangangatuwiran
_____2. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong
ako sa inyo.” Ano ang posibleng epekto ng pangangatuwiran ni Daga?
a. luluhod si Leon kay Daga
b. mas lalong magalit si Leon
c. paparusahan ni Leon si Daga
d. palayain si Daga upang makatulong ito balang araw
_____3. Ano ang nag-udyok kay Leon upang kainin ang munting daga?
a. galit siya sa mga daga c. gutom na gutom si Leon
b. nagkasala ito sa kanya d. paparusahan ni Leon si Daga
_____4. Bakit tinulungan ni Daga si Leon mula sa pagkakakulong?
a. matalik silang magkaibigan
b. mayroon silang pinagsamahan
c. tinupad niya ang kanyang pangako
d. napilitan lang si Daga sa pagtulong kay Leon
_____5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahiwatig ng argumento maliban sa isa. Alin
dito ang hindi argumento?
a. Naisip niya marunong tumupad sa pangako ang daga.
b. “Ako’y nagugutom, kahit paano’y baka makabusog ka sa akin.”
c. “Huwag po ninyong dungisan ng dugo ang munting daga ang marangal ninyong mga kuko.
d. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong ako sa
inyo.”

II. Batay sa binasang seleksyon ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ulat ni Liza
Isang malakas na lindol ang yumanig sa Davao del Sur noong ika-16 ng Oktubre, 2019. Ito ay may lakas
na 6.4 magnitude. Dahil sa lakas ng pagyanig, maraming mga bahay at gusali ang nasira. Gumuho ang
mga lupa sa iba’t ibang bahagi ng Davao del Sur. Sa takot, nagsilikas ang mga tao sa ligtas na lugar.

_____6. Ano ang yumanig sa Davao del Sur?


a. bagyo c. baha
b. sunog d. lindol

_____7. Kailan ito nangyari?


a. Oktubre 16, 2019 c. Oktubre 18, 2019
b. Oktubre 17, 2019 d. Oktubre 19, 2019

_____8. Gaano kalakas ang pagyanig?


a. 6.3 magnitude c. 6.5 magnitude
b. 6.4 magnitude d. 7.0 magnitude
_____9. Alin ang pangunahing diwa sa talata?

Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at South Expressway, pabahay para sa
mga sundalo at kawani ng pamahalaan at ang pagtatag ng Philipine Veterans Bank.

a. Ang mga proyektong nagawa.


b. Ang pagtatag ng Philippine Veterans Bank.
c. Nagbigay ng pabahay para sa mga sundalo.
d. Ang mga nagawa bilang kawani ng pamahalaan.

_____10. Alin ang pangunahing diwa sa talata?

Maraming mga pulitiko ang nagangako sa mga mamamayan. Karamihan sa kanilang pangako ay di
natutupad. Binigyan ang mamamayan ng karapatang bumoto. Piliin ang tapat na pinuno. Isang
pinuno na nakikita ang kailangan ng mahirap.

a. Kailangan ang pinunong makasarili.


b. Mabuti ang mangako kaysa sawala.
c. Tayo’y may karapatang pumili ng pinuno.
d. Karamihan sa mga pulitiko ay nangangako at di natutupad ang kanilang pangako.

_____11. Hinanap nila si Juan. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa salitang “hina
a. unlaping in- c. hulaping -in
b. gitlaping -in- d. kabilaang in-/-in

_____12. Umuwi ng bahay si Juan. Ano ang salitang ugat ng salitang umuwi?
a. umu b. muwi c. uwi d. umuwi

_____13. Si Juan ay isang _________. Anong parirala ang dapat isulat sa patlang?
a. masunuring bata c. masunuring na bata
b. masunurin na bata d. masunurin bata

_____14. Laking pagsisi nang kanyang mga pinsan kaya bilang patawad ay inaalagaan nila ang
halaman. Ilan ang pangatnig na nasa loob ng pangungusap?
a. Wala b. isa c. dalawa d. tatlo

_____15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?


a. Maganda sa katawan ang pagkain ng pakwan.
b. Mas mapula ang laman ng mga malalaking pakwan .
c. Maraming nabebentang pakwang tuwing Ramadhan ng mga Muslim.
d. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, 75% ng pakwan ay tubig.
THIRD QUARTER
FILIPINO 6
ASSESSMENT 3

NAME: ______________________________________________________________ SCORE: ____________

I. Ang sumusunod na mga pangungusap ay batay sa sariling karanasan. Sipiin ang mga ginamit na pang-
angkop at pangatnig sa bawat pangungusap.
____________1. Si Khit ay nagmemeryenda habang nag-aaral.
____________2. Mabait na bata si Karen.
____________3. Si Aling Bebang ay masaya dahil dumating ang kanyang mga anak.
____________4. Maagang umalis si Teolo, ayaw niyang mahuli sa klase.
____________5. Ako ay nag-aaral habang ang nanay ko naman ay nagluluto ng hapunan.
____________6. Si Ate Nadia ay masayang umaawit.
____________7. Ang kapatid niya ay masaya sapagkat dinalhan siya nito ng mga pasalubong.
____________8. Kami ay mahirap ngunit puno naman ng pagmamahal.
____________9. Si Bea ay mapagmahal na anak.
____________10. Kayo ba ay sasama sa amin o maiiwan na lang dito?

II. Punan ng pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Piliin ang sagot sa loob ng panaklong.
1. May mga taong kapos sa karunungan ___________ (sapagkat, subalit, dahil)
nagpapakita ng mabuting-asal.
2. Siya ay masigasig sa kaniyang pag-aaral __________ (para, kung, kaya) sa kaniyang kinabukasan.
3. Si Ana ay mabait ______ (-ng, na, -g) bata.
4. Ang pantay o patas ______ (na, ng, kay) pagtingin sa kapwa ay may mabuting maidudulot,
5. Iwasang pumili _____ (na, at, o) umiwas sa mga taong nararapat namang maging kaibigan.

III. Punan ng wastong pang-angkop o pangatnig ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng tula.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

at para -ng ngunit sapagkat habang

Ang Aking Pangarap

Ako ay may munti______________ pangarap.


Pamilya sana ay maiahon sa hirap.
________________ano itong balakid na nangyayari?
Ang COVID 19 sa bansa natin naghahari.

Pero hindi ako sa COVID 19 patatalo


________________alam kong kayang-kaya ko ito.
Tiwala sa sarili ________________ konting sakripisyo
______________ munting pangarap ay aking matatamo.

THIRD QUARTER
FILIPINO 6
ASSESSMENT 4

NAME: ______________________________________________________________ SCORE: ____________

I. Bumuo ng bagong salita gamit ang sumusunod na mga panlapi at salitang-ugat. Pagkatapos, gamitin ang bawat
isa sa pangungusap na nasa karaniwang ayos at di-karaniwang ayos. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Salitang-ugat Panlapi Bagong Salita


1. talop an
2. kalas um
3. basa in
4. putol um
5. diwang nag

II. Gamitan ng angkop na panlapi ang salitang-ugat na may salungguhit upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Isulat ang bagong salita sa iyong sagutang papel.
_____________1. Iwas ang matataong lugar ngayong may Covid-19.
_____________2. Ugaliing gamit ng face mask kapag lumabas ng bahay.
_____________3. Laging hugas ang kamay.
_____________4. Inom ng walong basong tubig o mahigit pa bawat araw.
_____________5. Tingin kaagad sa doctor kapag nakaramdam ng sakit.

III. Basahin ang mga pangungusap. Suriin kung nasa karaniwan o di karaniwang ayos ito. Isulat sa iyong sagutang
papel.
_____________1. Binaha ang Luzon sa kasagsagan ng Bagyong Uysses.
_____________2. Ang mga kabahayan ay halos lubog sa baha.
_____________3. Maraming mga tao ang sinagip na halos ang iba ay nasa bubong na.
_____________4. Sila nagayon ay nangangailangan na ating tulong.
_____________5. Patuloy tayong manalangin sa kanilang kaligtasan.

IV. Piliin ang angkop na salita na may panlapi.sa loob ng panaklong para mabuo ang diwa ng pangungusap.
_____________1. Isa sa dahilan ng pagbaha ay ang patuloy na (pagputol, nagputol, pinutol) ng puno sa kagubatan.
_____________2. Ang pamahalaan ay (gumawa, naggawa, ginawa) ng
batas para pangalagaan ang ating kabundukan.
_____________3. (Ingatan, Mag-ingat, Nag-ingat) natin ang ating kalikasan para sa susunod na mga henersayon.
_____________4. (Nagtanim, Magtanim, Itanim) tayo ng mga puno sa ating mga bakuran.
_____________5. (Kumilos, Magkilos, Nagkilos) na tayo ngayon!
FILIPINO ASSESSMENT 1 ANSWER KEY:

1. B 11.
2. D 12.
3. C 13.
4. D 14.
5. C 15.
6. C 16. 5
7. C
17. 1
8. D
18. 4
9. D
10. C 19. 3
20. 2

FILIPINO ASSESSMENT 2 ANSWER KEY:

1. B 11. A
2. D 12. C
3. C 13. A
4. C 14. C
5. A 15.A
6. D
7. A
8. B
9. D
10. C

FILIPINO ASSESSMENT 3 ANSWER KEY:


I.

II.

III.
FILIPINO ASSESSMENT 4 ANSWER KEY:

You might also like