You are on page 1of 1

Pangalan: _______________________________ Pangkat/ Baitang: _____________ Iskor:_____________

Paaralan: _______________________________ Guro: ________________________ Asignatura: EsP 5


Manunulat: Kahressa Mae C. Oloroso Tagasuri: Lorelie C. Salinas/Jhun Ree M. Descartin
Paksa: Pagpapahayag ng may Paggalang sa Opinyon ng Iba Quarter 3 Week 5 LAS# 2
Layunin: Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may paggalang sa
opinyon ng ibang tao. EsP5PPP-IIIf-29
Sanggunian: Peralta, G., Ylarde Z., 2016, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Quezon City,
Philippines, Vibal Group, Inc., pp. 150
Nilalaman
Pagpapahayag ng may Paggalang sa Opinyon ng Iba

Tayo ay pinagkalooban ng Panginoon na malayang makapag-isip at makapagpahayag ng ating mga


opinyon sa isang tao, bagay o pangyayari. Ngunit kaakibat ng malayang pagpapahayag ng ating opinyon ay ang
responsibilidad at tungkulin natin. Ang tamang pagpapahayag ng opinyon o ideya ng ibang tao ay nababatay sa
pagpapakita natin ng respeto at paggalang sa kapwa.
Basahin ang maikling kwento na nagpapakita ng pagpapahayag ng sariling opinyon.
COVID-19
Magkapitbahay sina Shello at Jannah na parehong nasa ika-limang baitang. Habang sila ay
nagkukwentuhan, napag-usapan nila ang tungkol sa COVID-19 na siyang dahilan kung bakit hindi makapasok
ang mga bata sa paaralan upang mag-aral.
“Namiss ko na talaga ang pumasok sa paaralan, Shello” wika ni Jannah.
“Ako rin miss ko na ang ating guro at mga kaklase,” sagot naman ni Shello. “Naniniwala ka ba sa COVID-
19?” tanong niya sa kanyang kaibigan. “Alam mo, para sa akin hindi totoo ang sakit na iyan dahil mukhang gawa-
gawa lang ng mga Intsik yan para maibenta ang face mask at face shield,” wika pa niya.
“Naku,nirerespeto ko ang opinyon mo Shello pero para sa akin naman, naniniwala ako sa COVID-19.
Ayon nga sa napanood kong balita sa GMA News marami na ang mga taong nahahawaan dahil sa mabilis na
pagkalat ng virus na siyang sanhi ng sakit. Upang maiwasan daw natin ang sakit ay umiwas tayo sa maraming
tao, magsuot ng face mask at palagiang maghugas ng mga kamay o gumamit ng hand sanitizer.Kaya nga
ipinapatupad din ang GCQ sa ating lungsod,” pahayag ni Jannah.
Agad namang sumang-ayon si Shello sa ipinahayag ni Jannah dahil may mga basehan naman itong
sinabi tungkol sa pagkalat ng virus na COVID-19.

Gawain 1. Panuto:Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Kung ikaw si Shello, tama kaya ang iyong naging opinyon? Bakit?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita sa iyong kapwa ang pagpapahayag ng iyong opinyon
na may paggalang?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Gawain 2. Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ito ay nagpapahayag ng paggalang sa opinyon ng iba at Mali
kung hindi.

_________ 1. Pigilan ang mga bata na magpahayag ng kanilang opinyon sa loob ng klase.
_________ 2. Pangangatwiran sa magulang kapag pinagsabihan dahil sa iyong maling nagawa.
_________ 3 Bago magpahayag ng opinyon, isipin at piliin mo ang mga salitang di-nakasasakit sa iba.
_________ 4. Matotong makinig muna sa opinyon ng iyong kaibigan sang-ayon ka man o hindi.
_________ 5. Upang mas mapaunlad ang inyong proyekto, bigyang pagkakataong magbigay ng opinyon ang
bawat kasapi ng grupo.

You might also like