You are on page 1of 2

Pangalan: ___________________ Baitang at Seksyon: _______ Iskor: __________

Paaralan: ____________________ Guro: _________________ Asignatura: Filipino 11

Manunulat ng LAS: LOYD M. GALDONES Tagasuri ng Nilalaman: JERIEL B. CARACOL


Paksa: Tekstong Prosidyural Quarter 3 Week 4 LAS 2
Mga Layunin: a. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang
sariling tekstong isinulat (F11EP-IIId-36).
b. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang teksto.
Sanggunian: Dayag, A., Del Rosario, MG., 2016. Pinagyamang Pluma, Makati City,
Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.,pp 69-80

Nilalaman

Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo
ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural,
kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang
pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito. Ang isa pang dapat
tandaan ay ang paggamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling maunawaan ng sinumang
gagawa. Dapat pakaisipin ang layunin ng tekstong prosidyural na maipapaliwang nang mabuti ang isang
gawain upang maisagawa ito ng maayos at tumpak, kaya nararapat lamang na maisulat ito sa paraang simple,
malinaw at mauunawan ng lahat.

Gawain

Sa kasalukuyang panahon ay maaari tayong makipagkaibigan at makipagtalastasan sa sinuman, saan


mang panig ng mundo basta’t may koneksyon sa Internet sa pamamagitan ng pagbubukas account sa mga
social networking site. Paano ba ang magbukas ng account sa mga ito?

Turuan nating gumamit ng social media networking site ang mga tinaguriang technophobic at mga
taong hindi pa sanay gumamit ng teknolohiya.

PANUTO: Dagdagan ng tamang mga salita o parirala ang mga sumusunod upang mabuo ang tekstong
prosidyural na gagamitin nilang gabay.

“ Ganito ang paraan upang makapagbukas ng account sa ______________________________________.”


(isulat ang napili mong social networking site)

1. Magpunta sa _____________________________________________ site.


2. I-click ang __________________________________________________.
3. I-type ang iyong _____________________________________________.
4. Pagkatapos ay umisip ng ____________________ at i-type sa kinauukulang kahon.
5. I-type ang araw ng iyong kapanganakan. ____________________________________
6. Ang sumunod ay ang pagpili ng iyong ________________________.
7. Sa huli ay ___________________________________________________.
8. Hayan, maaari ka nang gumamit ng ___________________________.

You might also like