You are on page 1of 1

Pangalan: ______________________________ Baitang/ Pangkat: ____________ Iskor: _______________

Paaralan: _______________________________ Guro: ________________________ Asingatura: ESP 5


Manunulat: Elizabeth V. Saim Tagasuri: Lorelie C. Salinas
Paksa: Responsableng Tagapangalaga ng Kapaligiran Q3 Week 4 LAS #1

Layunin: Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga ng


kapaligiran sa pagiging mapanagutan
Sanggunian: Ylarde, Z., Peralta, G., 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5. Quezon City,
Philippines. Vibal Publishing Company, pp. 136-141.
_______________________________________________________________________________________
Nilalaman
Responsableng Tagapangalaga ng Kapaligiran

Ang kapaligiran ay likha ng Diyos para sa bawat nilalang dito sa mundo. Ang lahat ng ating mga
nakikita sa kapaligiran ay mahalaga na dapat nating pangalagaan. Ang pangangalaga nito ay ating
responsibilidad at pananagutan ngunit unti-unting nasisira dahil sa ating kagagawan. Kailangan magtulungan
upang maiwasan ang pagkasira, mapanatili ang kalinisan at natural nitong ganda. Iwasan natin ang mga
gawain tulad ng pagtatapon ng basura sa bakuran, mga parke, daan at maging sa sapa at mga karagatan na
nagreresulta ng pagkamatay ng mga yamang tubig na napagkukunan nating ng pagkain at pangkabuhayan.
Itapon ang mga basra sa tamang lalagyan. Huwag magsunog ng mga plastik para maiwasan ang polusyon sa
hangin na nakakasira ng ating kalusugan. Iwasan din ang illegal na pamumutol ng mga punungkahoy at
pagkakaingin. Magtanim ng mga puno upang mapalitan ang mga punong nasira nang malayo tayo sa bagyo at
matinding pagbaha. Pangalagaan ang bawat yaman na bigay ng kalikasan upang maari pa natin itong
maipamana sa mga susunod na henerasyon.

Halimbawa:
Ang pamilya ni Aling Betya ay gumawa ng mga karatola tungkol sa paglilinis ng paligid upang mas
lalong mapaalalahanan ang mga tao sa kanilang pamayanan.

Gawain 1. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Ipaliwanag ang sagot sa lood ng isa o dalawang
pangungusap.
1. Ano ang gagawin mo upang mapangalagaan ang kalinisan at natural na ganda ng ating kapaligiran?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Ano ang maaring mangyari kung hindi natin iiwasan ang mga gawain tulad ng pagtatapon ng basura
kahit saan at eligal na pamumutol ng mga punungkahoy?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pangangalaga sa iyong paaralan upang
mapanatiling maayos at malinis ang paligid nito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 2. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang Oo sa patlang kung nagpapakita
ng magandang halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kalikasan at Hindi naman kung hindi.

_________1.Sumama si Jacob sa kanyang mga kaibigan sa paanan ng bundok para magtanim ng mga
punungkahoy.
_________2.Nagsagawa ng “ Clean-Up Drive” ang mga mag-aaral ng Pagalungan Elementary School
upang lalong maging malinis ang mga daan.
_________3.Itinapon ng bata ang balat ng kendi sa bakuran ng kanilang paaralan habang siya ay
naglalakad pauwi sa kanilang bahay.
_________4.Nakiisa ang mga mamamayan ng Barangay Pagalungan sa pangangampanya laban sa ilegal
na pagpuputol ng mga punungkahoy.
_________5.Tinulungan ko ang nanay sa pagtatanim ng mga bulaklak sa aming bakuran upang mas lalo
itong gumanda at kaaya-ayang tingnan.

You might also like