You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
Sangay ng Lungsod ng Dabaw
Lungsod ng Dabaw

REMEDIAL 3
Pangalan: ____________________________ Taon at Pangkat: _________________ Petsa: _______________

PANGKALAHATANG TAGUBILIN: MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGBUBURA SA LAHAT NG AYTEM.


I. Tama o Mali.
Panuto: Isulat ang titik T kung ang nakasalungguhit na salita ay tama at kung ang nakasalungguhit na salita ay mali,
isulat ang tamang sagot.
____________________ 1. Maingat na pag-aaral at pagsisiyasat tungkol sa isang paksa ang pananaliksik.
____________________ 2. Ang proyekto ay isang uri ng pananaliksik.
____________________ 3. Maaaring manaliksik sa lahat ng pagkakataon.
____________________ 4. Konektado ang pamagat sa mga impormasyong nakalap.
____________________ 5. Ang pagkakaroon ng mabuting pamagat sa pananaliksik ay nakakaakit sa mga mambabasa.
II. MASUSING PAGBASA/PAG-UNAWA SA BINASA.
Panuto: Basahin ang sumusunod na akda at piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot sa mga pahayag ayon sa binasa.
Huwag Pabayaan ang Kalikasan, Kabataan!
Ni: Bracia, Klarizza Maria

Sa ating murang edad, sinasabi ng mga matatanda na wala pa tayong alam sa mundo o hindi pa natin kayang
gumawa ng positibong pagbabago. Ngunit, sa ating murang edad marami na tayong kayang gawin tulad ng pagtulong sa
kapwa, positibong pag-impluwensiya, pagbago ng isang buhay tungo sa mas magandang buhay at marami pang iba. Isa
sa mga problemang hinaharap ng ating bansa sa panahong ito ay ang polusyon o pagkasira ng kalikasan. Alam n
iyo ba na kaya rin nating mga kabataan na sagipin ito?
Ang polusyon sa tubig ay isang halimbawa ng pagkasira ng kalikasan. Ang 70% ng mundo ay binubuo ng tubig.
Ang tubig rin ay ang pinakaimportanteng pangangailangan ng isang bagay na nabubuhay dito sa mundo. Ngunit, unti-
unti na itong nadudumihan dulot ng pagtatapon ng mga basura sa mga iba’t ibang katawan ng tubig, pagtagas ng langis,
pagtatapon ng mga dumi mula sa ating katawan sa mga tubig, mga nakakalasong bagay mula sa mga construction at
logging sites na natatangay ng tubig patungo sa mas malalaking katawan ng tubig at marami pang iba.
Ang polusyon sa hangin ay isa pang uri ng pagkasira ng kalikasan. Dahil sa hangin, tayo pa rin ay nabubuhay dito
sa mundo ngunit ito ay nadudumihan na rin. Ang ilang sanhi ng polusyon sa hangin ay ang pagbuga ng mga kotse sa
lansangan ng nakakalasong usok, paninigarilyo, kaingin at marami pang iba.
Ang polusyon sa lupa ay pwedeng maging dulot ng pagtatapon ng mga basura kung saan-saan. Kung pakikinggan
ay madali lamang sirain ang kalikasan ngunit mahirap na ito ibalik sa dati nitong kagandahan. Hindi rin natin alam na
unti-unti na tayong pinapatay ng ating mga ginagawa. Kaya upang tulungan tayong maiwasan ang paglaganap ng
polusyon, iba’t ibang organisasyon ang nabuo. Ang Commission for Environmental Cooperation (NAFTA), European
Environment Agency (EEA), United Nations Environment Programme (UNEP), National Wildlife Federation, at English
Nature ay ilang halimbawa ng mga organisasyon. May mga grupo din na nabuo tulad ng Green Peace, Earth First, Earth
Watch, African Wildlife Foundation, at ang Sierre Club. Itong mga organisasyon at grupo ay may iisang layunin at yun ay
ang pagsulong ng mga batas laban sa pagkasira ng kalikasan at ang pagtuturo ng ilang hakbang upang maiwasan ang
matinding polusyon.
Huwag nating hintayin na ang sarili nating mga katawan ang magdusa, dahil sa ating mga ginagawa. Huwag rin
nating hintayin na tayo ay tumanda upang makagawa ng hakbang. Hindi kailangan ng kahit anong edad upang
makagawa ng pagbabago.
1. Sino ang magdurusa, dahil sa ating mga ginawa?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Alin sa sumusunod ang mga mahahalagang bagay na kailangan ng tao ngunit nasira na? IPALIWANAG
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
3. Ilang porsiyento ng mundo ang binubuo ay lupa? IPALIWANAG
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga layunin ng mga organisasyong may malasakit sa kalikasan? IPALIWANAG
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
5. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng polusyon sa hangin, maliban sa isa. IPALIWANAG
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
6. Ano ang hindi dapat natin hintayin upang makagawa ng hakbang? IPALIWANAG
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
III. TALASALITAAN.
Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang pinakatamang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

_____ 1. Ang alatiit ay magandang pakinggan sa taenga.


A. huni ng ibon B. tunog ng kawayan C. tunog ng anghel
_____ 2. Bagong laba ang alpombrang ginamit ni Tiya Isabel sa pista kahapon.
A. damit B. karpet C. kurtina
_____ 3. Ang buhong niyang asawa ay iniwan niya sa kalye.
A. madamot B. mapagtaksil C. mayabang
_____ 4. Isang dungong dalaga si Maria Clara kaya’t siya ay nagustuhan ni Simoun.
A. mahiyain B. mapagmahal C. mapag-aruga
_____ 5. Gulilat si Ben Zayb nang makita niya ang mga taong galit sa kanyang sinulat.
A. nahiya B. namangha C. natakot
_____ 6. Mataman na nanligaw si Juanito kay Paulita kaya siya sinagot nito.
A. maasikaso B. matiyaga C. sinsero
_____ 7. Ang lunggati ni Simoun ay makaganti sa mga abusadong prayle.
A. layunin B. nais C. pangarap
_____ 8. Maganda ang kanyang damit, dahil araw-araw itong pinipirinsa.
A. nilalabhan B. pinaplantsa C. pinipiga
_____ 9. Ang tungayaw na ginawa ng mga gwardiya sibil kay Tales ang nagdulot sa kanya ng paghihiganti.
A. pang-aabuso B. paghampas C. pagmumura
_____ 10. Ang padrino sa kanyang kapwa ay mabuting ugali na dapat tularan.
A. taong nagmamahal B. taong nagmamalasakit C. taong tumutulong
IV. PANANALIKSIK.
Panuto: Sumulat ng napapanahong isyu. Sa bawat pagbubura ay may kaltas sa puntos.
Kriterya: Kailinisan – 2 Pagkakabuo/Nilalaman – 3 KABUOAN= 5 puntos
Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng pananaliksik?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

You might also like