You are on page 1of 5

Sangay ng Lungsod ng Antipolo

Purok II- A
PAARALANG ELEMENTARYA NG JUAN SUMULONG
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO
PARA SA IKALIMANG BAITANG
Taong Panuruan 2014-2015
Pangalan: ___________________________________________ Petsa:_________________
Baitang/Pangkat: _____________________________________ Iskor: _________________
I- PAKIKINIG:
PANUTO: Makinig na mabuti sa babasahing panuto ng guro. Gawin ito sa sagutang papel.
1.
2.
PANUTO: Pakinggang mabuti ang babasahing talata o tugma ng guro at sagutin ang mga sumusunod.
na tanong.
3.

A. araro

B. linang

C. pamitik

D. malasin

4. Alin ang paksang diwa ng talata?


A. Hamakin ang mga magsasaka.
B. Bigyang pag-unlad ang kabuhayan.
C. Kadakilaang taglay ng mga magsasaka.
D. Maayos na layunin ng mga magsasaka.
PANUTO: Pakinggan kung ang aking babasahing pahayag ay positibo o negatibo. Piliin at bilugan ang titik ng iyong sagot
sa sagutang papel.
5.

A. positibo

B. negatibo

6.

A. positibo

B. negatibo

7. Ano ang buod o lagom ng teksto sa bilang anim (6)?


A. ang magandang pagtitinginan ng matatanda at kabataang kasapi ng pamilya.
B. ang pagsunod sa magulang ng mga kabataan.
C. ang kagandahang asal ng mga kabataan.
D. ang pagsunod s autos ng nakatatanda.
8. Ano ang lagom o buod ng teksto sa bilang lima (5)?
A. ang pinsalang nagagawa ng bagyo
B. ang pag ihip ng malakas na hangin
C. ang pagbuhos ng malakas na ulan.
D. ang pagbaha sa mga daan
II- PAGSASALITA:
PANUTO: Tukuyin ang salitang may salungguhit kung ito ay sugnay na pang-abay na pamaraan, pamanahon o panlunan.
Isulat sa patlang ang Pamaraan, Pamanahon o Panlunan bilang tamang sagot.
9. Nang siya ay dumating sa bahay ay gabi na.
____________________________________
10. Ang asin ay sumama sa tubig at ang maliliit na gilingang bato ay lumubog sa ilalim ng dagat.
____________________________________
11. Matalino at magandang babae ang nagwagi sa Bb. Kalikasan ng paaralan kayat magandang tularan ang kanyang
mga katangian.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. maganda ang mukha
B. nararapat na tularan
C. kahali-halinang pagmasdan D. may magandang katangian
PANUTO: Piliin ang angkop na pantig o salita o pangkat ng mga salita na dapat gamitin sa mga sumusunod na
pangungusap.
12. May kaaya-ayang klima ang ating bansa. Mataba ang ating lupa at luntian sa masagana ______ damo.
A. ng
B. ng
C. g
D. na
13. Ngayon ay marami nang makabagong magsasakang gumagamit ______ makina sa pag-aani ng palay.
A. na
B. ng
C. ng
D. g
14. Maraming buhay ang nasawi _______tumama ang bagyong Yolanda sa Lunsod ng Tacloban.
#Prepared by:JDB1989#

A. ngunit
B. kung
C. nang
D. kaya
15. Maraming nawalan ng bahay, kabuhayan at kakulangan sa pangunahing pangangailangan ang mga nasalanta
____________
bumuhos ang tulong na nagmula sa ibat-ibang dako hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
A. sapagkat

B. kapag

C. kaya

D. kahit

PANUTO: Basahin ang mga talata sa ibaba. Sagutan ang mga tanong tungkol dito.
Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na
paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na
nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init
na galling sa araw o itong tinatawag na suns rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung itoy direktang makapapasok
ay siya na ngang nangyayari sa kasalukuyang panahon.
16. Ang talata sa itaas ay ________________________.
A. naglalarawan
B. naglalahad
C. nagpapaliwanag
D. nagsusunud-sunod
Alam mo ba na ang niyog ay isang punong kapaki-pakinabang? Lahat ng parte nito ay nagagamit. Masarap ang
maputi at makapal na laman ng buto nito. Nakakakuha rito ng gata, langis, mantekilya, suka at alak. Ginagawang lumpia
ang murang ubod nito. Ang katawan ng puno ay nakukunan ng tablang pansahig, pandingding at panggatong. Sa mga
dahon nito nanggaling ang tingting na ginagawang walis at basket. Ang bao nito ay nagagawang sandok o alkansya at
ang bunot naman ay nagagawang paso, eskoba, dormat at alpombra. Sadyang kapaki-pakinabang ang puno ng niyog.

17. Ang mga ideya o pangungusap sa talata sa itaas ay masasabing _______________________.


A. nagkakaugnay
B. nagsasalungatan
C. nagkakatulad
D. nagkakasunod-sunod
Isang di-malilimutang karanasan ng mga Pinoy at Pinay mountaineer ang tagumpay na nakamtan nang marating
nila ang tuktok ng Mt. Everest. Di-biro ang hirap at pagod na kanilang naranasan matupad lamang ang kanilang
pangarap, mabigyang karangalan ang sinisintang bayan sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap na maibaon ang
watawat ng bansa sa tuktok ng pinakamataas na bundok sa mundo at maitala sa kasaysayan ang kanilang ginawa.
18. Ang mga ideya o pangungusap sa talata sa itaas ay masasabing ______________________.
A. nagkakaugnay
C. nagsasalungatan
B. nagkakatulad
D. nagkakasunod-sunod
19. Anong salitang hiram ang makikita sa talata sa itaas?
A. Mt. Everest-kabundukan
C. Mt. Everest-pinakamataas na bundok
B. mountaineer-mataas na bundok
D. mountaineer-mga taong umaakyat sa kabundukan
Ang karaniwang tao ay gumagamit ng kakayahan sa pagbasa araw-araw. Sa araw-araw na gawain ay kailangan
ang pagbabasa. Kailangang basahin ang etiketa ng produktong binibili sa groserya. Ang mga karatula, pangalan ng kalye
at ang mga babala ay dapat basahin kapag naglalakbay. Sa pagpili ng pagkain sa restoran ay dapat basahin ang talaan
ng ibat-ibang putaheng mapagpipilian. Sa paggamit ng telepono ay dapat ding basahing isa-isa ang numerong tutuldukin.
Anupat sa lahat ng mga gawaing binanggit ay talagang dapat magbasa.
20. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang magandang buod ng talata?
A. Kailangan nating magbasa sa lahat ng gawain.
B. Gumagamit ang tao ng pagbabasa sa pagtuldok ng numero sa telepono.
C. Kailangan nating magbasa araw-araw upang makabili ng mga produkto sa groseri.
D. Ang tao ay gumagamit ng kakayahan sa pagbabasa araw-araw para sa ibat-ibang Gawain.
III- PAGBASA:
21. Ang talata sa bilang 20 ay maituturing na isang artikulong ____________________________
A. piksyon
B. di-piksyon
C. kuwento
D.ideya
22. Ang mahabang salitang tutuldukin ay nagmula sa maikling salitang ___________________
A. tutuldok
B. tuldukin
C. tuldok
D. tutul
Panuto: Basahin ang mga talata sa ibaba. Punan ang balangkas na sumusunod dito.
Ayon kay Lola, nang kapanahunan daw nya ay medaling naililipat sa ibang lugar sa nayon ang isang buong
bahay. Hindi raw uso noon na baklasin ang isang bahay saka muling itayo at buuin sa lugar na paglilipatan.
Magaan lang daw kasi ang mga bahay na yari sa kawayan at pawid o kugon, kaya hindi problema ang paglilipat
ng bahay. Kaya iyon buhatin ng mga tao.
Kusang tumutulong ang mga lalaki sa nayon. Masaya sila sa kanilang pagtutulungan kaya hindi sila
nakararamdam ng pagod sa pagbubuhat. Ang mga babae naman ang naghahanda ng meryenda para sa mga lalaki.
Bayanihan ang tawag sa ganitong paraan ng pagtutulungan.
Bayanihan
#Prepared by:JDB1989#

I. Paglilipat ng bahay
A. madaling ilipat
B. baklasin at muling itayo
II. Kayarian ng bahay
A. ____________
23.

B. ____________
C. ____________

III. Mga Gawain ng lalaki/babae sa Bayanihan


A.________________________
24.

B. _________________________

Panuto: Basahin ang mga talata sa ibaba. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Natutuwa si Gng. Novero sa kanyang anak na si Joana sapagkat popular ito sa paaralan. Mahusay siyang
maglalaro ng balibol. Ngunit nag aalala si Gng. Novero dahil sa mabababa ang mga marka ni Joana.
Pagkatapos ng hapunan ay kinuha ni Joana ang kanayang gitara. Nagsanay siyang kumanta sa saliw ng
gitara. Nang sumunod na gabi ay nakipanood naman siya ng TV sa kanilang kapitbahay. Nang usisain siya ng ama
tungkol sa kanyang gawaing bahay ay sinabi niyang maaga siyang gigising kinabukasan at gagawin niya iyon bago
pumasok.
25. Ano kaya ang magiging wakas ng kwento?
A. nagging mataas pa ang marka ni Joana
B. lalong sumikat si Joana

C. bumagsak sa pag-aaral si Joana


D. hindi na nag aral si Joana

26. Ano ang maaaring mangyari kung magbago at magsipag si Joana sa pag-aaral?
A. magiging mas magaling siyang manlalaro
B. mapapagalitan siya ng Tatay niya
C. mas lalo siyang sisikat
D. tataas ang marka niya
27. Ano naman ang kahulugan ng salitang may salungguhit na mahusay?
A. magaling
B. matalino
C. mabuti

D. sanay

Batay sa pag-aaral na ginawa kaugnay ng pagpapanatili sa kalusugan ng tao, ang sobrang asin sa pagkain
ay nagbibigay ng masamang epekto sa kalusugan dahil sa sangkap nitong sodium chloride. Upang maiwasan ang
sakit na bunga ng labis na paggamit ng asin ay iminumungkahi ang paggamit ng iodized salt.
28. Ano ang pangunahing kaisipan ng talata?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
29. Sa mga handaan ay lagging naroon ang kalatog-pinggang Atong.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. matakaw sa kainan
B. masipag pumunta sa handaan
C. matulungin kung may handaan
D. mahilig maghugas ng pinggan
30. Nagbabasa si Jethro ng pahayagan. Binabasa niya ang balita sa Dahong Pangmukha. Ano ang maaari niya mabasa
sa bahaging ito
ng pahayagan?
A. pagsasaya
B. pahulaan
C. bagong balita
D. laro at palakasan
31. Isa sa bahagi ng pahayagan ay ang Editoryal na kung saan ay nagbibigay ng pananaw ang Editor tungkol sa isang
isyu o kaganapan. Ano ang masasabi mo sa mga nakasulat sa bahaging ito ng pahayagan?
A. katotohanan
B. opinyon
C. ideya
D. kathang isip
PANUTO: Pag-aralang mabuti ang Library Card sa ibaba. Sagutin ang mga tanong.
LIBRARY CARD
Paaralang Elementaryang Juan Sumulong
Pangalan: Jay-ar D. Barbadia
Tirahan: Sumulong St. Brgy. San Roque, Antipolo City.
Pangalan ng Aklat
Sining ng Komunikasyon
Pagpapaunlad ng kasanayan sa

Baitang at Pangkat: V-FL


Guro: Gng. Flora D. Cahapay

Kailan Hiniram
Disyembre 3, 2014
Disyembre 7, 2014

Kailan Dapat Isauli


Disyembre 5, 2014
Disyembre 9, 2014
#Prepared by:JDB1989#

Pagbasa
Hiyas sa Wika 5
Haraya Wika at Pagbasa
Landas sa Pagbasa

Disyembre 11, 2014


Disyembre 15, 2012
Enero 5, 2015

Disyembre 13, 2014


Disyembre 17, 2012
Enero 9, 2015

32. Tingnan ang Library Card ni Jay-ar, anong aklat ang hiniram niya noong Disyembre 3?
_______________________________________________________________
33. Kailan niya ibabalik ang aklat na una niyang hiniram?
________________________________________________________________
PANUTO: Pag-aralang mabuti ang Dewey Classification System. Sagutin ang bawat tanong at isulat sa patlang ang
wastong sagot.

Dewey Classification System


100 - Pilosopiya at Sikolohiya
200 - Relihiyon
300 - Agham Panlipunan
400 - Wika
500 - Purong Agham

600
700
800
900
1000-

Applied Science
Fine Arts and Recreation
Panitikan
Kasaysayan, Heograpiya, Talambuhay
Pangkalahatang mga Gawain

34. Kung gagamitin mo ang Dewey Classification System sa pagpunta mo sa aklata, sa anong bilang mo makikita ang
direksyon ng pag-ikot ng mundo sa kanyang orbit?
Sagot:____________________________
35. Pinahahanap ng guro mo ang salitang komunikasyon, saang salitang pamatnubay mo makikita ang salitang ito?
Sagot._____________________________
36. Takdang aralin ng inyong pangkat na hanapin ang isang lugar gamit ang direksyon. Ano ang maaari ninyong gamitin?
Sagot:_____________________________
PANUTO: Punan ng hinihinging salita ang palaisipan batay sa mga pahiwatig na salita. Bawat isang kahon ay may
kaukulang titik. (37-38 kalahating puntos sa bawat tamang sagot)

Mga Pahiwatig sa Angkop na Salita


Pahalang:
1. natutunaw
2. pagpapakita ng pagmamahal
Pababa:
1. walang sapin sa paa
2. nagsasabi ng oras
PANUTO: Pag-aralan ang pie grap sa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Math Club

Journalism

YES-o

Talaan ng mga aktibong samahan sa Paaralang


Elementaryang Juan Sumulong

SPG

39. Anong mga samahan ang halos magkasing aktibo?


A. YES-O at SPG
B. SPG at Journalism
C. YES-O at Math Club
D. Journalism at Math Club
40. Ilang bahagdan mayroon ang journalism?
A. 50%
B. 15%

C. 10%

D. 5%

41. Bumuo at sumulat ng isang tanong tungkol sag rap na nasa itaas.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
#Prepared by:JDB1989#

PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita na dapat isulat sa patlang upang mabuo ang tugma.
Masigla ang imbay sa bawat _________(42)_____________
Ang ngiti sa labiy may ligayang taglay
Puso ay tigib ng kaluwalhatian
Sapagkat ang Mesiyas, ngayoy _________(43)___________

isinilang
magulang
nilalang
maligayang
paglikha

PANUTO: Basahin ang impormasyon sa ibaba at punan ang mga patlang sa ibaba upang mabuo ang patalastas .(44-45)
Magkakaroon ng Paligsahan sa Talumpatian ang lahat ng mga mag-aaral sa ikalimang baiting sa Enero
15, 2014 sa ganap na ika- 3:00 ng hapon. Ito ay gaganapin sa Covered Court ng paaralan. Ang sinumang interesado na
sumali ay kinakailangang magpatala sa inyong guro sa Filipino isang lingo bago ang patimpalak kasama ang kopya ng
talumpati na kaugnay sa temang Bagong Taon, Tungo sa Pagbabago.

Patalastas!!!
Ano

Sino

Kailan :
Saan :

PANUTO: Sumulat ka ng isang talatang sanaysay tungkol sa iyong pagpapahalaga sa kapaligiran.


Gawin ito sa pamamagitan ng pagsulat tungkol sa mga puno. Sundin ang mga pamantayan sa pagsulat
katulad ng tamang palugit, pagpapasok, wastong bantas, paggamit ng malaking titik at iba pa. (46-50).

#Prepared by:JDB1989#

You might also like