You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 5

W1 Markahan Ikatlong Markahan Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Personal at Pribadong Impormasyon sa Social Media, Protektahan!
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Share the ability to protect personal and private information in social
KASANAYANG PAMPAGKATUTO media HGIPS-IIIb-3
(MELCs)
Nakapagbabahagi ng kakayahan upang maprotektahan ang personal
at pribadong impormasyon sa social media

III. PANGUNAHING NILALAMAN Pagbabahagi ng kakayahan upang maprotektahan ang personal at


pribadong impormasyon sa social media
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Sa nakalipas na aralin ay iyong natutuhan ang kahalagahan ng gabay ng iyong mga magulang, tagapag-
alaga at matatanda sa pagpili ng propesyon at bokasyon.
Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang mga paraan kung paano mo maibabahagi ang iyong kakayahan
upang protektahan ang personal at pribadong impormasyon sa social media.
Madalas ka bang magfacebook o magpost ng larawan sa Instagram? Mahilig ka bang magTiktok?
Gumagawa ka ba ng video o blog para iupload sa Youtube? Batid kong natutuhan mo na ang paggamit ng ilan
sa mga social networking sites na ito. Pero alam mo rin ba ang pananagutan at kaakibat na responsibilidad sa
paggamit ng mga nito?
Mahalagang malaman mo kung paano mapoprotektahan ang mga personal at pribadong impormasyon
sa social media. Napakahalaga nito upang hindi magamit ang mga personal na impormasyon sa masasamang
gawain na maaaring makasira sa ating pagkatao at maging sa kaligtasan at seguridad ng ating kapwa.
Sa araling ito ay inaasahang maibabahagi mo ang iyong kakayahan upang maprotektahan ang personal
at pribadong impormasyon sa social media.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 15 mituto)


Anomang bagay na ipopost natin sa social media o saan mang social networking sites ay naisasapubliko.
Ang isang ay maaaring mabasa ng maraming tao. Maaari din itong maibahagi at umabot sa libo-libo, o maging
milyon-milyon baata’t may koneksyon sa internet. Kaya nararapat lamang na malaman natin ang mga dapat
gawin o hakbang para maprotektahan ang ating mga personal at pribadong impormasyon sa social media.
Mahalaga rin na maibahagi natin ito sa iba upang mabuksan ang kanilang kamalayan kung paano sila
mapoprotektahan.

Ang balita sa ibaba ay isang halimbawa kung bakit mahalagang maprotektahan mo ang iyong personal
at pribadong mga impormasyon sa social media. Basahin ang balita sa ibaba at kapulutan ng aral.

Paano Mapoprotektahan ang Anak sa Social Media?

Hindi dapat isinasapubliko ang lahat ng posts sa social media account dahil maraming masamang
loob na maaaring manamantala, ayon sa isang technology expert.
Binitiwan ni Mark Milan Macanas, ang utak sa likod ng technology blog na TechPinas, ang babala sa
gitna ng pagtalakay ng mga paraan para maprotektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa
social media.
Kapag nagda-download ng social media apps, awtomatiko raw na naka-"public" ang privacy settings
o puwedeng makita ng lahat ang mga posts.
"Ang settings talaga niyan ay default, kumbaga, halos public lahat... Nasa sa iyo 'yon kung paano mo
siya itutuwid na gawing mas private para sa anak mo o siguro para sa iyo na rin," sabi ni Macanas sa
programang "Sakto" ng DZMM.
Kaya sa Facebook, halimbawa, inirerekomenda ni Macanas na palitan ang settings sa "Friends Only"
kung saan mga kaibigan lamang ng taong nag-post ang makakakita sa post.
Marami na raw masasamang loob sa social media na maaaring magnakaw ng mga posts ng isang
tao.
"Napakadaling i-save and then 'pag nakuha na 'yan ng kung sino mang... masamang loob, madali na
nilang i-share 'yan," ani Macanas.
Pero bukod sa pagpalit ng privacy settings, mahalaga rin daw na nakakausap ng mga magulang ang
kanilang mga anak ukol sa aktibidad ng mga ito sa social media.
"Hindi lang 'yong parang siguro physically present ka kundi nagko-converse din kayo about ano ba
'yong mga pinapanood nila," aniya.
Nang tanungin kung dapat pa bang payagan ang mga bata na gumamit ng social media sa gitna
ng mga banta sa seguridad, sinabi ni Macanas na nakatutulong naman ang social media para maging
konektado ang bata at mahasa ang kaniyang communication skills.
"Sa panahon kasi ngayon, mahalaga 'yong connectedness," ani Macanas.
Nakasalalay daw talaga sa mga magulang ang pagbantay sa mga anak para maiwasang
mapahamak.
Naging usap-usapan muli kamakailan ang kaligtasan ng mga bata sa social media matapos maiulat
ang "Momo Challenge," isa umanong online challenge na naghihimok sa mga bata na saktan ang kanilang
mga sarili.
May ilang fact checking group naman ang nagsabing "hoax" o walang katotohanan ang "Momo
Challenge."
"Hoax" man o hindi, sinabi ni Macanas na mahalaga pa ring tutukan ang "nakikita ng mga anak natin
sa internet kasi mayroon talagang mga totoong threats."

ABS-CBN News: Posted at Mar 04 2019 03:02 PM https://news.abs-cbn.com/life/03/04/19/paano-


mapoprotektahan-ang-anak-sa-social-media

Pag-aralan ang mga paraan upang maibahagi ang kakayahan upang maprotektahan ang personal at
pribadong impormasyon sa social media.

1. Paggamit ng private settings sa ating mga social media accounts.


- Turuan mo ang iyong mga kaibigan kung paano magpalit sa privacy setting mula “Pubic to Private” kung
saan mga kaibigan lamang ng taong nag-post ang makakakita sa post.

2. Pagbibigay ng personal na impormasyon.


- Ibahagi mo sa iyong mga kaibigan ang tamang pagpopost sa social media.
- Ano-ano ang mga posts na maaaring ibahagi sa publiko?
1. Balita
2. Panawagan
3. At iba pang impormasyon na makatutulong sa komunidad

- Mga uri ng posts na nararapat na ibahagi lamang sa pamilya at malalapit na kaibigan?


1. Personal na litrato at video
2. Kasalukuyang lokasyon
3. At iba pang sikretong impormasyon
4.
3. Paggamit ng password.
- Paalalahanan mo sila na mahalaga na gumamit ng password na mahirap hulaan ng ibang tao.

4. Ugaliing mag-sign out.


- Ipaalala na ugaliing mag-sign out pagkatapos gumamit ng kahit anong social networking sites.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Maglista ng limang paraan kung paano mo maibabahagi ang iyong kakayahan
at kaalaman upang maprotektahan ang personal at pribadong impormasyon sa social media batay sa mga
impormasyong iyong nabasa. Umisip ng mga sitwasyon na maaaring gawin mong batayan sa iyong ibabahaging
kakayahan at kaalaman. Gawin ito sa sagutang papel.

Halimbawa:
Sitwasyon: Nakita mo na ipinost ng iyong ate ang bagong bili niyang kwintas. Nilagyan pa niya ito ng caption
tungkol sa presyo nito.

Aking gagawin: Papaalalahanan ko si Ate na huwag na niyang ipost ito sa social media o kaya naman ay gawin
niyang pribado ang settings nito. Ito ay upang hind imaging takaw-pansin ang kwintas at halaga nito sa publiko.

Gawain Pagkatuto Bilang 2: Suriin kung nararapat mo bang ibahagi ang iyong kakayahan upang maprotektahan
ang personal at pribadong impormasyon sa social media. Lagyan ng tsek(✓) ang hanay ng iyong sagot. Gawin
ito sa sagutang papel.

Oo Hindi Hindi ko
Sa iyong palagay dapat bang...
Alam
1. Turuan ang iyong kaibigan kung paano magpalit ng privacy setting
mula “Public to Private” kung siya ay wala pang alam tungkol dito.
2. Pigilan ang sinumang magpopost ng mga larawan o gawain sa social
media na maaring magdulot ng kapahamakan sa kanya.
3. Palalahanan ang mga tao na ang pagsasapubliko ng mga ipinopost
na larawan, gawain at personal na impormasyon sa social media ay
mainam para sa lahat.
4. Paalalahanan ang lahat na ugaliing mag-sign out pagkatapos
gumamit ng kahit anong social networking sites.
5. Hayaan na lamang ang lahat na magpost ng mga bagay at
impormasyon tungkol sa sarili.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang sitwasyon at ibigay ang hinihinging solusyon upang makapagbahagi
ng kakakyahan upang maprotektahan ang personal at pribadong impormasyon sa social media. Gawin ito sa
sagutang papel.

Nagpagawa sayo ng Tiktok account ang iyong nakababatang kapatid, ano-ano ang mga
maibabahagi mo tungkol sa mga dapat at di-dapat gawin sa paggamit nito upang makasiguro na
mapoprotektahan niya ang kaniyang personal at pribadong impormasyon?

Mga Dapat Gawin Mga Di-Dapat Gawin


V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3
VI. SANGGUNIAN K-to-12 MELCs, page 713
ABS-CBN News: Posted at Mar 04 2019 03:02 PM https://news.abs-
cbn.com/life/03/04/19/paano-mapoprotektahan-ang-anak-sa-social-media

Inihanda ni: JOSE S. MATOCENOS JR. Sinuri nina: MAYETTE R. ORLANDA


Laguerta ES
SDO-Calamba City

MYRASOL D. BELTRAN
MA. LETICIA JOSE C. BASILAN, PhD
PHILIPS T. MONTEROLA

You might also like