You are on page 1of 5

SCHOOL John Spirig Sr. M.E.

S Grade Level SIX


GRADE 1 to 12 TEACHER MAISARA A. UMADJADI Quarter Second
DAILY LESSON
SUBJECT FILIPINO DATE February 14, 2022
PLAN

LAYUNIN
(OBJECTIVE)

A.PAMANTAYANG Nakabubuo ng pangungusap gamit ang uri ng Pang-abay


PANGNILALAMAN
(CONTENT STANDARDS)

B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP Natutukoy ang uri ng Pang-abay sa pangungusap


(PERFORMANCE STANDARDS)

C.MGA KASANAYAN SA Nagagamit ang uri ng Pang-abay (panlunan, pamaraan,pamanahon) sa pakikipag-


PAGKATUTO usap sa iba’t ibang sitwasyon ( F6L-IIf-j-5)
(LEARNING COMPETENCIES)

II. NILALAMAN Uri ng Pang-abay


(CONTENT)

III. KAGAMITANG PANTURO


(LEARNING RESOURCES)

A. SANGGUNIAN (References) K to 12 Gabay Pang Curriculum sa Filipino 6

1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro K to 12 Gabay Pangkurikulum,

2.Mga Pahina sa Kagamitang Ikalawang Markahan-Module 10


Pangmag-aaral Most Essential Learning (MELCs) page 167
3.Mga Pahina sa textbook PLUMA Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino 6, pahina 44

4.Karagdagang kagamitan mula MISOSA Filipino 6 Uri ng Pang-abay (panlunan, pamaraan,pamanahon) sa


pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon pahina 1-19
sa postal ng Learning
Resources

B. IBA PANG KAGAMITANG Sariling Katha ni Catherine D. Diaz


PANTURO
Tsart, powerpoint presentation, telebisyon, computer
www.google.com

A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG Pagbabalik-aral:


ARALIN AT/O PAGSISIMULA NG Ipabasa ang mga sumusunod na salita:
BAGONG ARALIN.
natatakot ipinagbalot sasama
(Reviewing previous lesson/
presenting the new lesson) nangyayari dumaan susunod
Mag-alala nakalimot dumalaw
Ipangguguhit binibisita

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG Babasahin ang diyalogo.


ARALIN. Isang araw, habang naglalakad ang mag-ama papuntang plasa, napag- usapan
nila ang Nanay Beng na nagbabakasyon sa Maynila.
(Establishing a purpose for the lesson)

Ted : Tatay, bakit po pumunta ang nanay sa Maynila?


Tatay: Ted, maghahanap ng trabaho ang nanay.
Ted : Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay doon?
Tatay: Oo, anak!
Ted : Wow, tiyak kong may pasalubong sa akin ang nanay. Boomer, narinig
mo iyon? Itay, tingnan mo matangkad na ang ating alagang asong si
Boomer.
Tatay: Halika Ted, dalhin natin ang aso mo sa plasa. Balita ko, may
palatuntunan doon. Manonood tayo.
Ted : Itay, Kailan po ba uuwi ang nanay?
Tatay: Sa susunod na linggo, uuwi na ang nanay mo anak.
Ted : Talaga ba itay? Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.
Tatay: Sige anak, halika ka na. Pupunta na tayo sa plasa kasama si Boomer.
Sariling Katha ni Catherine D. Diaz

C. PAG-UUGNAY NG MGA Susuriin ang diyalogo sa tulong ng mga ilang katanungan


HALIMBAWA SA BAGONG 1. Ano ang paksa ng kuwento?
ARALIN.
2. Saan pupunta ang mag-ama?.
(Presenting examples/instances of
3. Kailan uuwi ang nanay ni Beng?
the new lesson)
4. Saan magtatrabaho ang nanay?
5. Paano sasalubungin ni Ted ang kanyang nanay?
6. Ano ang napapansin mo sa mga tanong 2 hanggang 4?

D. PAGTALAKAY NG BAGONG Ang Pang-abay ay salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa Pang-abay.

KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG Halimbawa:


BAGONG KASANAYAN #1  Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.
(Discussing new concept and Uri ng Pang-abay
practicing new skills #1) • Pang-abay na panlunan
-tawag sa pang-abay na nagsasaad ng lugar na pinangyarihan ng kilos.
Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay doon?
• Pang-abay na pamanahon
nagsasaad kung kailan nangyari ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na kailan?
Halimbawa:
Sa susunod na Linggo, uuwi na ang nanay mo anak.

Pang-abay na pamaraan
-naglalarawan kung paano isinagawa ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na
paano.
Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.

E. PAGTALAKAY NG BAGONG “Gawin Niyo”


KONSEPTO AT PAGALALAHAD Gawain 1
NG BAGONG KASANAYAN #2
Iguhit ang kung ang salitang may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, kung
(Discussing new concept and pang-abay na panlunan, kung pang-abay na pamanahon.
practicing new skills #2) (EXPLORE) 1. Mabagal na sumunod si Mary sa kaniyang kapatid.
2. Nagkita sa simbahan ang magkakaibigan.
3. Si Marie ay umuwi na sa kanilang lugar kahapon.
4. Sa susunod na buwan ay babalik na sa trabaho niya ang tatay.
5. Pabulong na nag-uusap ang magkakapatid upang hindi magising ang ina.

Gawain 2
Basahin ang usapan. Isulat sa sagutang papel ang ginamit na mga pang-abay na
pamaraan, panlunan, at pamanahon.
Maagang nagising si Aling Tess para maghanda ng mga lulutuin niya nang
pumasok sa kusina ang kaniyang anak na si Heaven.
Maricel : Magandang umaga po Nanay!
Aling Carmen: Magandang umaga rin anak. Mamayang hapon ay may kaunting
salo- salo tayo bilang pasasalamat sa pagkapanalo mo.
Maricel : Wow! Salamat po nanay.
Aling Tess: Walang anoman anak. Talagang pinaghandaan namin ng itay mo ito.
Kunin mo muna sa kuwarto ang aking pitaka at may ipabibili ako sa iyo
Maricel : Sige po nanay.
Aling Tess: Dahan-dahan sa pagpasok sa kuwarto anak, natutulog pa nang
mahimbing ang iyong kapatid.
Maricel : Gabi na po ba dumating ang kuya?
Aling Tess: Oo anak.Nahirapan daw siyang mag-abang ng sasakyan.
Maricel : A, kaya pala. Heto na po ang iyong pitaka inay.
Aling Tess: Salamat anak. Heto ang pera. Bumili ka ng isang kilong asukal sa
tindahan ni Aling Merly. Mag-ingat ka sa pagtawid sa kalye.

.
Gawain 3
Punan ng tamang uri ng pang-abay ang sumusunod na mga sitwasyon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
abulong dahan-dahan magaling
sa resort sa palengke maaga

1. Tuwing orasyon, umuupo si inay sa harapan ng altar at _________


siyang nagdarasal.

2. Nanalo sa liga ng basketbol ang pangkat nina Arnel. Nagplano silang


ipagdiwang ito _______________.

3. Maaga pa, gumigising na si Lorna para samahan ang kaniyang ina na


pumupunta ________________ upang mamili.

4. Mahal na mahal ni Marlon ang anak niya kay Liza. _____________ pa


lamang sinusundo na niya ito sa bahay ng ina.

5. Mahimbing ang tulog ni Aling Rita. Sinilip siya ng bunso sa kuwarto at


_________ pumasok.

F. PAGLINANG SA KABIHASAAN Hahatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat.


(Tungo sa formative assessment) Isagawa ang gawain sa loob ng limang (5) minuto.
Developing mastery (Leads to formative Bumuo ng usapan na ginagamitan ng Pang-abay na pamanahon, panlunan at
assessment) pamaraan. Ibahagi ito sa malikhaing .

 Unang Pangkat - Panlunan


 Ikalawang Paangkat – Pamaraan
 Ikatlong Pangkat - Pamanahon

Rubriks:
Puntos Lebel Pamantayan
5 Napakahusay Buo ang kaisipan, may sapat na
impormasyon ayon sa teksto, malinaw,
at lohikal ang pagkakaayos ng mga
pangungusap
4 Mahusay Buo ang kaisipan, may sapat na
impormasyon ayon sa teksto, di-
gaanong malinaw, at maayos ang
pagkakaayos ng mga pangungusap.
3 Katamtaman Buo ang kaisipan ngunit kulang ang
impormasyon, di-gaanong malinaw ang
pangungusap at di-gaanong naisaayos
ang ideya.
2 Mapaghuhusay pa Hindi ganap ang pagkabuo, kulang ang
impormasyon , at hindi gaano maayos
ang mga pangungusap.
1 Nangangailangn Hindi buo ang kaisipan, walang sapat
pa ng pantulong na na impormasyon, at magulo ang mga
pagsasanay pangungusap.

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA “Hulaan Niyo”


PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY Hulaan niyo kung anong uri ng Pang-abay ang salitang may salungguhit.
(Finding practical/application 1. Sa lingo ng hapon magpupulong ang mga magulang at guro.
of concepts and skills in daily living) 2. Tuwang-tuwa at patalun-talon na sumalubong ang kanyang aso.
3. Naglilinis sila ng silid aralan pagkatapos ng pulong.
4. Madalas sila kumakain sa Jollibee.
5. Pupunta tayo sa SM Mindpro bukas.
PAGLALAHAT NG ARALIN
 Ano ang Pang-abay?
(Making generalizations and  Ano-ano ang mga uri nito ayun sa natalakay natin?
abstractions about the lesson)  Bakit mahalaga ang paggamit ng mga uri ng pang-abay sa pakikipag-
usap sa ibat’ ibang sitwasyon?
(ELABORATE)

H. PAGTATAYA NG ARALIN Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay pang-abay na Pamaraan,
(Evaluating Learning) (EVALUATION) Panlunan, o Pamanahon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Maingat na pinukpok ni Adam ang pako.


2. Dinala sa pagamutan ang batang nahilo dahil sa paglalaro.
3. Tuwing hariraya ay nagtitipon silang mag-anak.
4. Dadalaw kami sa bahay ni lola.
5. Magkikita kmi ni Liza sa kaniyang bahay.

I. KARAGDAGANG GAWAIN Sa tulong ng salita at ng larawan gumawa ng pangungusap na may pariralang Pang-
PARA SA TAKDANG ARALIN AT abay na Pamaraan, Panlunan at Pamanahon.
REMEDIATION. Kunan ng larawan ang inyong Gawain at ipadala sa aking messenger account.
(Additional activities for application or sa bukid sa tindahan nang mahigpit nang patihaya
remediation) (EXTEND) sa susunod na buwan tuwing umaga

V. REMARKS

Prepared by:

MAISARA A. UMADJADI
TEACHER III

Checked by:

MARILYN G. GANOHAY WYN KRYSTEL O. DUTERTE ARLENE C. SOLAMO


Master Teacher – II Master Teacher – I Master Teacher - I

Noted by:

LORENA Q. BEJERANO, Ed.D


Elementary School Principal II

You might also like