You are on page 1of 7

EPS 6

GAWAIN PANGUPUAN
Ating Isakatuparan at Igalang, Batas Pambansa at Pandaigdigan
Nobyembre 17,2021

Isulat ang T kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa


batas at HT naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.

1._______ Madalas na pag-uubos ng oras sa isang pook-sugalan o


pook inuman.
2. _______Iniiwasang gumamit ng mga pook-tawiran at overpass
upang mas mapabilis
sa pupuntahan.
3. _______Hindi pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.
4. _______Pagpipili ng mga basura at pagsisinop dito upang hindi
kumalat kung saan.
5. _______Hindi nabigyang pansin ang mga taong biktima ng bawal
na gamot.
6. _______Isang drayber na isinasakay o ibinababa lamang ang
kaniyang pasahero sa
itinakdang lugar.
7. _______Pag-iingat sa mga karatula o babala sa kalsada upang
mas mapakinabangan
nang matagal.
8. _______Pagtatapon ng basura sa kanal o ilog na katabi ng inyong
bahay.
9. _______Ang sinturong pangkaligtasan ng sasakyan ay isinusuot
kung kailan lamang
gusto.
10. _______Sinuot ang helmet habang nagmamaneho ng motor
kahit sa malapit na
distansya lamang.
Basahin ang mga pahayag na may kaugnayan sa pagkamalikhain
upang magbigay ng solusyon. Isulat ang letra mula sa pagpipilian
sa ibaba sa iyong sagutang papel.

a. Gagamitin ang lumang pambalot na naitabi noon.

b. Manghihiram muna sa kapitbahay ng perang pambaon.

c. Magalang na hihiram ng ballpen sa guro o kamag-aral.

d. Tataniman ito ng mga halamang gulay.

e. Babatiin ko siya nang buong puso saka yayakapin.

__11. May pagsusulit kayo ngunit nakalimutan mo ang iyong ballpen


sa bahay.

__12. Hindi nakapag-iwan ng iyong baon ang nanay sa


pagmamadali na mamalengke.

__13. Walang mabiling bagong pambalot ng regalo para kay Lola


Nena.

__14. Kaarawan ng iyong ate ngunit nais mo siyang pasiyahin sa


payak na paraan.

__15. Nakapaglinis kayo ni Itay ng iyong malawak na bakuran na


may matabang lupa.
Halina at basahin mo ang isang kuwento na nasa ibaba. Tuklasin kung anong mga dapat mabatid tungkol
sa mga batas pambansa at pandaigdigan.

Mga Responsableng Mag-aaral


Ni: Maria Linda B. Muli

Masiglang natapos ang talakayan sa loob ng silid-aralan


ni Bb. Lopez. Ang kaniyang mga mag-aaral ay
kasalukuyang nag-uusap-usap na lamang tungkol sa
isang pag-uulat ng bawat pangkat para sa asignaturang
Araling Panlipunan. Ang unang pangkat na binubuo
nila Leo, Bea at Liza ay naatasang mag-ulat ng mga
batas na dapat sundin at igalang ng bawat mamamayang
Pilipino. Nilinaw rin na ang iuulat nila ay ilan sa
kabahagi ng mga batas pambansa na siyang umiiral dito
sa Pilipinas at batas pandaigdigan din na siya namang
umiiral din sa ibang mga bansa at maaaring sa buong
mundo.

Napagkasunduan ng magkakaibigang Leo, Bea at Liza


na magkaroon sila ng kanikaniyang paksang iuulat. Si Leo sa mga batas para sa kaligtasan sa daan; si Bea
para sa mga batas pangkalusugan; at si Liza ay para sa mga batas laban sa pagaabuso sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot.

Narito ang ilan sa mga batas na naihandang iuulat ng magkakaibigang mag-aaral.


Bilang pagwawakas ng ulat, nilinaw at pinaliwanag ng magkakaibigan ang kahalagahan ng mga batas.
Ayon sa kanila, ang mga batas ay nararapat sundin at gawin ng mga mamamayan. Ito ay pinaiiral at
sumasaklaw para sa lahat sa buong bansa at walang sinuman ang hindi kabilang. Ang mga batas ay
tinutupad at hindi sinusuway upang makamit ng lahat ang kaayusan, kaligtasan at kapayapaan.
Nag iwan ng isang tanong ang tatlong tagapag-ulat, “Paano mo naipapamalas ang pagsunod sa mga
batas?
Matagumpay na nakapag-ulat ang mga magkakaibigan. Sila ay pinalakpakan ng lahat. “Mahusay!”, wika
ng kanilang guro.
Sagutan ang mga gabay na tanong. Itala ito sa iyong kuwaderno o
papel upang mas malalim na mapag-isipan ang tungkol sa tampok
na aralin. Maaaring humingi ng tulong sa mga kasama sa bahay.
16. Anong pangunahing paksa ang naiulat sa klase ng
magkakaibigang mag-aaral?
17. Isa-isahin ang mga paksang naisabatas na binanggit ng tatlong
mag-aaral sa
kuwento.
18. Paano ka tutupad sa mga batas para sa kaligtasan sa daan?
19. Paano ka tutupad sa mga batas para sa kalusugan?
20. Paano ka tutupad sa mga batas laban sa pag-aabuso ng
ipinagbabawal na
gamot?
21. Bakit kailangan mong tumupad sa mga batas na pinaiiral dito sa
ating bansa?
Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang TAMA kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng pagtupad sa batas at HINDI kung
hindi nagpapakita ng pagtupad sa batas.
_______22. Hindi susundin ang ilaw trapiko lalo kung nagmamadali sa
pupuntahan.
_______23. Pagtawid sa pagitan ng mga sasakyang nakahinto sa
gitna ng daan.
_______24. Palagiang pagsusuot ng sinturong pangkaligtasan upang
makaiwas sa aksidente.
_______25. Paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
_______26. Pinipiling tumawid sa takdang tawiran o sa overpass.
_______27. Nagsusuot ng helmet kung nagmamaneho ng motorsiklo.
_______28. Hindi nakainom ng alak habang namamasada o
nagmamaneho.
_______29. Pinauupo ang mga batang maliliit sa harapang upuan ng
sasakyan.
_______30. Nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa mga
kaibigan o kakilala.
_______31. Pagmamaneho sa daan ng mga drayber na may lisensya
lamang.

You might also like