You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Name: ______________________________________________ Score:_____________

I. Tukuyin kung nagpapahayag ng paggamit ng mapanuring pag-iisip ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang OO o
HINDI.

__________1. Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at kakayahan.


__________2. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang-aralin.
__________3. Pagbabasa ng diyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
__________4. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita.
__________5. Pakikinig ng mga programa sa radio na nagtuturo ng paggawa ng makabuluhang bagay.
__________6. Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain.
__________7. Paniniwala sa patalastas na napanood o narinig.
__________8. Pagkalap sa iba’t ibang sanggunian ng mga impormasyon sa tuwing pinagagawa ka ng pag-
uulat sa klase.
__________9. Pagtimbang nang magkabilang panig ng isang isyu bago ka gumawa ng pagpasiya.
__________10. Pagpapahalag sa opinyon ng ibang tao kahit na ito ay iba sa opinyon mo.

II. Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
__________11. Ito ay ang katangian na paggamit ng isipan upang malaman ang buong detalye at katotohanan.
a. pagtatanong c. paniniwala
b. pagsusuri d. wala sa nabanggit
__________12. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng pagiging mapanuri?
a. paniniwalaan agad ang nabasa
b. pagtatanong sa marunong
c. hindi pa tsi-tsek ng source ng binasa
d. hindi na tatapusin ang buong detalye ng pinapanood
__________13. May nabasa ka sa internet na may paparating na napakalakas na bagyo sa loob ng ilang araw. Mapanuri ka kung
_____
a. manonood ng balita sa TV upang malaman kung may katotohanan ito.
b. magtatanong sa nakatatanda o sa may higit na kaalaman tungkol dito
c. maghahanap pa ng iba pang source upang kumpirmahin ito
d. lahat ng nabanggit
__________14. Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin?
a. Komiks c. Aklat tungkol sa kagandahang asal.
b. Aklat tungkol sa karahasan. d. Pahayagan na may pornograpiya.
__________15. Paano masasabing makabuluhan ang isang aklat.
a. Ito ay may maraming magagandang larawan
b. Wasto at may kumpletong impormasyon ang nilalaman nito
c. Maganda ang uri ng papel
d. Ito ay makapal

Basahin at intindihing Mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

__________1. Ito ay ang mga impormasyon na taglay ng isang tao. Nakukuha ito sa pamamagitan ng pag-aaral o
pagkakaroon ng karanasan.
a. kawilihan b. pagsusuri c. kaalaman d. kasipagan
__________2. Alin sa mga sumusunod ang higit na makatutulong sayo upang madagdagan ang iyong karunungan sa
iba’t ibang bagay?
a. paglalaro b. pagbabasa c. papipinta d. pagsasayaw
__________3. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga maaari mong gawin upang mas higit na matuto at magkaroon ng mga
kaalaman, MALIBAN sa isa.
a. maglaan ng tiyak at sapat na oras sa pag-aaral
b. magkaroon ng kawilihang magbasa at gawin ang mga gawain
c. isangtabi muna ang pag-aaral at unahin ang paglalaro kasama ang mga kaibigan
d. maging matiyaga sa mga aralin kahit na nahihirapan
__________4. Bakit sinasabing “ang kaalaman ay kapangyarihan”? Piliin ang pinakatamang kasagutan.
a. sapagkat kung mayroon ka nito, huhusay ka sa pagsasayaw.
b. sapagkat kung mayroon ka nito, magiging mabilis ka sa pagbabasa.
c. sapagkat kung mayroon ka nito, magiging maganda ang iyong kinabukasan.
d. sapagkat kung mayroon ka nito, maraming bagay kang matututunan.
__________5. Ito ay ang katuwang ng tiyaga.
a. pagbabasa b. tuwa c. bilis d. sipag
__________6. Ano ang kailangan mong gawin upang matupad ang iyong pangarap?
a. magdasal at hintayin na lamang na magkatotoo ito.
b. umasa sa mga taong tutupad sa iyong pangarap.
c. mag-aral ng mabuti na may sipag at tiyaga.
d. wala sa mga nabanggit.
__________7. Ano ang mabuting naidudulot ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip?
a. hindi sumusuko sa mga problemang kinahaharap.
b. nawawalan ng pag-asa.
c. mabilis malungkot at magalit sa mga sitwasyon.
d. lahat ng nabanggit.
__________8. Ano ang iyong gagawin kung mayroon kang hindi maintindihan sa iyong mga aralin?
a. hahayaan na lamang ito at hindi na aaralin.
b. hihingi ng tulong sa pamilya o mga kaibigan na unawain ang aralin.
c. sasagutan na lamang ito ng hindi iniintindi.
d. pasasagutan na lamang ito sa nanay at tatay.
__________9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong kaisipan?
a. Iniiwasan ni John na tumulong sa mga gawaing bahay dahil alam niyang mapapagod siya dito.
b. Umiiyak si Antonio tuwing sinasabihan siya ng nanay niya na magsanay sa pagbabasa.
c. Iniiwan ni Kimberly ang kanyang aralin sa tuwing nahihirapan siyan intindihin ito.
d. Humahanap ng iba pang source si Lanie upang intindihin ang mga aralin na siya ay nahihirapan.
__________10. Ito ay ang katangian na humanap ng iba pang solusyon sa mga problema.
a. maparaan b. masunurin c. masipag d. mabait

Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay napapahayag ng kawilihan at positibong
kaisipan sa pag-aaral at MALI naman kung hindi.

__________11. Nakikinig ako sa aking guro habang nagtatala.


__________12. Hindi ko ginagawa at sinasagutan ang mga mahihirap na aralin sa aking modyul.
__________13. Ginagawa ko ang aking proyekto upang matapos ito sa takdang-araw.
__________14. Kumokopya na lamang ako sa internet para ipasa bilan aking proyekto.
__________15. Humuhingi ako ng dagdag na paliwanag sa aking guro kapag hindi ko maintindihan ang aralin.
__________16. Malakas akong magpatugtog ng musika habang gumagawa ng takdang-aralin.
__________17. Tinutulungan ko ang aking kapatid sa kanyang pag-aaral.
__________18. Humahanap ako ng iba pang pagkukunan ng impormasyon sa tuwing ako ay nalilito sa aking aralin.
__________19. Hinahayaan ko na lang na mababa ang makuhang kong marka kaysa paghirapan ko ang aking pag-aaral.
__________20. Nagbabasa aat nagbabalik-aral ako nang maraming ulit bago ang pagsusulit.

You might also like