You are on page 1of 12

EsP 4

Quarter 2- Written Work 1

Name: ______________________________________________ Score:

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa palagay mo ay tama


ang mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna. Iguhit ang malungkot na
mukha kung hindi ka sang-ayon sa mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga
puna.

__________1. Salamat sa pagpuna mo, susundin ko ang iyong payo.

__________2. Wala kang pakialam.

__________3.Kunwari lang naman ‘yan na tutulong para mapaganda ang proyekto ko,
alam ko naiinggit lang iyan.

__________4. Mabuti at napansin mong malaki sa akin ang damit ko.

__________5.Ayos lang sa akin ang puna mo, mabuti nga at mababago ko.
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong damdamin mayroon sa
sumusunod na uri ng pagbibigay. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng
kahon. Isulat lamang ang titik nito sa blanko bago ang bilang.

A. Napipilitan lamang magbigay.


B. Nagbigay nang bukal sa kalooban.
C. Nakikigaya sa ibang nagbibigay.
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.
______6. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa mga biktima ng
lindol. Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-aabot sa mga biktima
sapagkat may listahan sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.

______7. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit, at
higaan para sa mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation center upang
makausap ang mga inilikas na biktima. Nararamdaman nila ang pagdurusa ng
mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng susunod na pagdalaw sa mga ito.

______8. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng relief


goods sa covered court ng barangay. May inilikas na mga nasunugan at
walang nailigtas na gamit ang mga ito. Inutusan niya ang kaniyang
kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi na nasusuot at ang mga de-
latang malapit nang masira.

______9. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng
bagyo. Nalaman ito ng kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng
dalawang sakong bigas at mga damit.

______10. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang


samahang nagkakawanggawa sa mga mahihirap subalit may kasipagan at
kakayahang mag-aral. Ipinadadala sa iyong paaralan ng samahang ito ang mga
kailangan ninyo sa pag-aaral.

Panuto: Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon? Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

_______11. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa
mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man, madalas
mong marinig na may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Tanggapin ko nang maluwag sa aking kalooban ang mga pintas nila at
pagbutihin ko ang aking ginagawa.
B. Hindi ko sila papansinin.
C. Aawayin ko sila.
D. Pipintasan ko rin sila.

________12. May bago kang kaklase galing sa malayong probinsiya. Nalaman mong
pinipintasan ito ng mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
A. Pagsasabihan ko ang aking mga kaklase na huwag siyang pintasan.
B. Gagayahin ko rin ang aking mga kaklase.
C. Hindi ko sila papansinin.
D. Wala akong pakialam.
________13.Pinuna ka ng iyong guro dahil nakikipagdaldalan ka sa iyong kaklase. Paano
mo ito tatanggapin?
A. Hihingi ako ng sorry sa aking guro.
B. Ipagpatuloy ko pa rin ang aking ginagawa.
C. Sisimangutan ko ang aking guro.
D. Hindi ko siya papansinin.
________14.Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinigawan ka ng inyong
kapitbahay. Hindi raw maganda ang boses mo. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Mas lalo kong pagbubutihin ang aking pagkanta.
C. Aawayin ko sila.
D. Wala akong pakialam.
________15. Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo
haharapin ang mga pumupuna sa iyo?
A. Kakausapin ko siya nang mahinahon at humingi ng sorry sa
pagkakamaling nagawa.
B. Hahamunin ko siya ng away.
C. Babatikusin ko rin siya.
D. Hindi ko na lang siya papansinin.
________16. Narinig mong nakikipag-away ang kaibigan mong si Richard. Dali-dali kang
tumakbo papunta sa kaniya at nakita mong binabato niya ang isang bata? Ano
ang iyong gagawin?

A. Sisigawan ko ang bata para matakot.


B. Tutulungan ko siya upang matalo ang bata.
C. Sasawayin ko at pagsasabihan ang kaibigan ko. D. Pababayaan ko lang
hanggang sa huminto ang kanilang pag-aaway.

________17. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng maayos at tahimik na kapaligiran


MALIBAN sa:
A. Masaya at may pagkakaunawaan ang magkakapitbahay sa Barangay
Tahimik.
B. May pag-aalala ang mga mamamayan ng Barangay Maalalahanin dahil
sa lumalaganap na akyat-bahay sa kanilang lugar.
C. Sumusunod sa “curfew” ang mga mamamayan sa Lungsod ng
Masunurin.
D. Walang maririnig na ingay ng videoke kapag sumapit ang alas onse ng
gabi sa Barangay Bida.
________18. Magkapatid sina Ara at Dana at iisa ang kanilang silidtulugan. Maayos si
Ara sa gamit samantalang si Dana ay magulo sa kaniyang mga kagamitan.
Minsan, naiinis na si Ara dahil hindi siya mapakali sa tuwing makalat ang
kanilang silid. Kung ikaw si Ara, ano ang iyong gagawin?
A. Aawayin si Dana
B. Hahayaan lang ito
C. Isusumbong si Dana sa nanay
D. Aayusin ang mga gamit at kakausapin si Dana na tumulong mag-ayos
ng kanilang silid-tulugan

_______19. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang kaayaayang kapaligiran,


MALIBAN sa:
A. Makalat na kalye.
B. Luntiang kapaligiran.
C. Maayos at malinis na drainage system.
D. Pagsunod sa “No Parking Area, No Car Policy”.

________20. Paano ka makatutulong para makamit ang pagkakaroon ng isang kaaya-


ayang kapaligiran?
A. Huwag pansinin ang itinakdang curfew hour
B. Makibahagi sa Clean and Green Program ng barangay
C. Makipagkaibigan sa mga tambay na naninigarilyo at nag-iinuman
D. Magkunwaring hindi nakita ang tambak na basura sa kusina

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division of Isabela
JONES WEST CENTRAL SCHOOL CAMPUS I
Barangay 1, Jones, Isabela

TABLE OF SPECIFICATION
ESP 4- Quarter 2- Written Work 1 & 2
COGNITIVE PROCESS DIMENSIONS
COMPETENCIES No. of % of
R U A A E C
Items Items
Nakapagpapakita ng
pagkamahinahon sa 1
damdamin at kilos ng kapwa 2
tulad ng: 3
 pagtanggap ng sariling 4
pagkakamali at pagtutuwid 5
nang bukal sa loob
10 50 16
 pagtanggap ng puna ng 17
kapwa nang maluwag sa 18
kalooban 19
 pagpili ng mga salitang di- 20
nakakasakit ng damdamin sa
pagbibiro
Naisasabuhay ang pagiging 6
bukas-palad sa: 7
 mga nangangailangan 5 25 8
 panahon ng kalamidad 9
(EsP4P-IIe-20) 10
Nakapagpapakita ng
paggalang sa iba sa mga
sumusunod na sitwasyon: 11
 oras ng pamamahinga 12
 kapag may nag-aaral 5 25 13
14
 kapag mayroong maysakit
15
 pakikinig kapag may
nagsasalita /
nagpapaliwanag
Total 20 100% 5 15

Prepared by:
ROSEMARIE C. HERNANDO
Adviser
Checked by: Noted by:

CHARITO A. GUMPAL FREDDIE M. CAUAN


Master Teacher I Principal I
EsP 4
Quarter 2- Written Work 3

Name: ______________________________________________ Score:

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang bawat sitwasyon na nagpapakita ng pagtulong sa


pangangailangan ng iyong kapuwa at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.
________1. Hindi pinansin ni Ella ang pulubing namamalimos sa kaniya.

________2. Ayaw ialok ni Ramon ang kaniyang upuan sa pasaherong buntis.

________3. Ibinahagi ni Salve ang kaniyang pinaglumaang damit sa mga


nasalanta ng bagyo.

_______4. Malugod na tinanggap ng pamilya Jacinto ang mag- anak na


biktima ng sunog sa kanilang barangay.

_______5. Pinagmasdan lamang ni Karlo ang matandang lalaki na may


pasang mabigat na sako ng kamote mula sa bukid.

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang W (Wasto) kung ang sitwasyon ay nagpapakita
ng paggalang at DK (Di-Wasto) kung hindi.

__________6. Ipinapanalangin ng taimtim ang taong maysakit.


__________7. Dahan-dahan at maingat na isinasara ang pinto ng silid- tulugan
kapag may natutulog.
__________8. Ipinapapaliban muna ang paglalaro kapag may nagpapahinga.
__________9. Hinihinaan ang volume ng telebisyon dahil natutulog pa ang nakababatang
kapatid.
__________10. Hindi ginagambala ang kapuwa batang nag-aaral.
________11. Nakikipaghabulan sa kamag-aral habang nagbibigay ng mensahe ang
panauhing pandangal.
________12. Tahimik na nakikinig sa guro sa oras ng talakayan.
________13.Pasigaw na tinatawag ang kapatid kahit may nagpapahinga sa silid-
tulugan.
________14.Kinukuha nang walang paalam at pinaglalaruan ang kwaderno ng kamag-
aral.
_______15. Ginigising ang magulang na nagpapahinga upang sagutin ang tawag sa
telepono.

Panuto: Markahan ng tsek ( / ) ang kahon ng pangungusap sa bawat bilang kung ito ay
DAPAT gawin sa iyong kapuwa at ekis ( X ) naman kung HINDI DAPAT.

16. Handa akong dumamay sa oras ng kalungkutan ng aking kaibigan.

17. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigang nakakaangat sa buhay


na mag-donate sa mga nangangailangan sa oras ng kalamidad o
sunog.

18. Mataas ang bahay namin at mababa lang ang bahay ng


aming kaya iimbitahin ko sila na tumuloy muna
sa amin upang hindi sila bahain sa malakas na bagyong
darating.

19. Ayaw kong maistorbo kaya wala akong pakialam kung umiiyak
ang aking kaibigan dahil namatay ang tatay niya.

20. Hindi ko tinularan ang mga kabitbahay namin na


nangutya sa isa naming kapitbahay na nagkaroon ng sakit
na COVID-19. Bagkus ay nalungkot ako sa kanilang
sinapit.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division of Isabela
JONES WEST CENTRAL SCHOOL CAMPUS I
Barangay 1, Jones, Isabela

TABLE OF SPECIFICATION
ESP 4-
Quarter 2- Written Work 3 & 4

COGNITIVE PROCESS DIMENSIONS


COMPETENCIES No. of % of
R U A A E C
Items Items
Nakapagpapakita ng 1
pagkamahinahon sa 2
damdamin at kilos ng 3
kapwa tulad ng: 4
 pagtanggap ng sariling 5
pagkakamali at 6
15 75
pagtutuwid nang bukal 7
sa loob 8
 pagtanggap ng puna 9
ng kapwa nang maluwag 11 10
sa kalooban 12
 pagpili ng mga 13
salitang di-nakakasakit 14
ng damdamin sa 15
pagbibiro
Naisasabuhay ang
pagiging bukas-palad 16
sa: 5 25 17
 mga nangangailangan 18
 panahon ng 19
kalamidad 20
(EsP4P-IIe-20)
Total 20 100% 10 10
Prepared by:
ROSEMARIE C. HERNANDO
Adviser
Checked by: Noted by:

CHARITO A. GUMPAL FREDDIE M. CAUAN


Master Teacher I Principal I

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division of Isabela
JONES WEST CENTRAL SCHOOL CAMPUS I
Barangay 1, Jones, Isabela

EsP 4
Quarter 2- Performance Task

Pagkamahinahon sa Pagpili ng mga Salita sa Pagbibiro


Gumawa ng sariling biro o “joke” na angkop lamang sa iyong gulang. Pumili lamang ng mga
salitang hindi nakakasakit ng damdamin. Gawin ito sa ibabang bahagi.
RUBRIKS
Krayterya 5 3 1 Puntos
Nilalaman ng Biro o Nakakatawa at hindi Nakakatawa ngunit Nakakatawa ngunit
“Joke” nakakasakit ng may iilang salitang may mga salitang
damdamin nakakasakit ng nakakasakit ng
damdamin damdamin
Kabuuang presentasyon Malinis at maayos Malinis at maayos Malinis at maayos
ang kabuuang ngunit may 2-3 bura ngunit may 4 o
presentasyon ito higit pang bilang
ng bura
Sariling gawa ito Sariling gawa ngunit Kinopya ng buo sa
Originality may ilang bahagi na iba (Aklat ng
kinopya sa iba Katuwaan

Isulat dito…………

You might also like